Lumipas ang isang buwan matapos ang hindi sinasadyang pangyayari kina Hiro at Quincy, lalong naging busy sa kanilang kompanya si Fern. Kaya halos wala na siyang oras kay Quincy at bihira na lang silang magkita.
"Love, busy ka pa rin ba mamaya?" malungkot ang tinig na wika ni Quincy. "Yes. I'm sorry. Babawi ako sa susunod, okay? I love you," sabi ni Fern sa kabilang linya. "I love you, too," malungkot na tugon ni Quincy bago ibinaba ang tawag. Malungkot siyang umuwi galing sa trabaho. Ngunit wala siyang magagawa dahil kailangan niyang unawain ang kaniyang fiancé. Lalo na ngayong mayroon siyang malaking kasalanan kay Fern. "Hiro?" Laking gulat niya nang makita sa kanilang bahay ang binata. Nginitian siya ng binata ngunit matalim niya itong tinititigan. "Anak, nandito si Hiro dahil may dala siyang mga pagkain at kung anu-ano pa para sa iyo. Pinadadala raw ni Fern dahil hindi ka niya madadalaw dito," sabi ng kaniyang ina. "Kay Fern ba talaga galing iyan?" tanong niya kay Hiro. Mabilis na tumango si Hiro. "Yes. You can ask him para malaman mo. Nakisuyo lang siya sa akin." Nag-message kaagad si Quincy sa kaniyang fiancé at nakumpirma niyang pinabibigay nga iyon ni Fern para sa kaniya. Naiinis man pero nagpasalamat na lang siya kay Hiro bago nagtungo sa kaniyang silid. Akala niya umalis ang binata pero nandoon pa ito nakaupo sa sala. Siya na lang ang nandoon. Naisip niyang baka nagpapahinga na ang kaniyang ina. "Ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na," mahinang saad niya ngunit bakas doon ang galit. "Nagkaroon ka na ba? Kailan ang huling dalaw mo?" Hindi nakapagsalita si Quincy. Pero hindi siya kinakabahan dahil hindi naman siya regular nagkakaroon ng dalaw. At wala rin siyang nararamdamang sintomas ng pagbubuntis. "Bakit kailangan mo pang tanungin? Umalis ka na, Hiro. Hindi ako papayag na masisira mo ang kasal namin ni Fern," nanginginig ang boses ni Quincy. Habang ang binatang si Hiro naman ay nakatingin lamang sa dalaga. Buo na ang pasya ni Hiro. Kung ano man ang kalalabasan ng mga desisyon niya, handa siyang harapin iyon. Basta ang nasa isip niya kung sakaling magbunga man ang nangyari sa kanila ni Quincy, hindi siya papayag na makasal ang dalawa. Bahala na kung magkagulo sila ng kaniyang kambal. "Please, Hiro... nakikiusap ako sa iyo. Huwag mong sirain ang kasal namin ng kambal mo. Please, matagal kong pinangarap na maikasal sa kapatid mo kaya huwag mo na akong guluhin pa. Hayaan mo na ako. Hindi ako mabubuntis dahil isang beses lang naman iyong nangyari. Umalis ka na. Please, umalis ka na," naluluhang wika ni Quincy na may halong pagmamakaawa. Bumuntong hininga si Hiro. "Mananahimik ako hangga't hindi ko pa nakukumpirmang mabubuntis ka nga. Pero kung sakaling mabuntis kita, hindi ako papayag na makasal kayong dalawa ng kakambal ko." Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod na siya at saka umalis. Malakas kasi ang pakiramdam ni Hiro na magagawa niyang mabuntis si Quincy. At hindi niya alam kung bakit iyon ang nararamdaman niya. Pumasok kaagad sa kaniyang silid si Quincy at doon na umiyak nang walang ingay. Naninikip ang dibdib niya. Mahal na mahal niya si Fern ngunit malaki ang kasalanan niya sa kaniyang fiancee. Lumipas pa ang isang buwan, sa susunod na linggo na ang araw ng kasal nina Quincy at Fern. Muling nagyaya ng dinner ang pamilya ni Fern para pag-usapan ang tungkol sa kasal. Masayang nag-uusap ang kani-kanilang mga magulang nang bigla na lang makaramdam si Quincy ng kakaiba. Tila maduduwal siya. Noong nakaraang linggo, palagi siyang inaantok sa trabaho at panay ang kain niya nang maaasim. Nanlalaki ang mata ni Quincy habang nagpipigil na maduwal. Habang si Hiro ay kanina pa nakatingin sa kaniya. Habang si Fern naman ay nagpaalam saglit dahil may kakausapin ito. "Excuse me," wika ni Quincy at saka dali-daling nagtungo sa restroom. Doon na nga siya naduwal. Hindi niya alam kung bakit. Nanghihina siyang napahawak sa pader. Nagmumuog siya sandali at saka hinawi ang kaniyang buhok. Laking gulat niya nang makitang nakaabang na sa kaniya si Hiro. Akma niya sanang lalampasan ang binata nang hapitin siya nito sa baywang at isandal sa pader. "Bakit ka naduduwal? Buntis ka ba?" tila kulog ang boses ni Hiro. Nanlaki ang mga mata ni Quincy. "A-Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ako buntis ka kung puwede ba, bitawan mo ako!" "No! Kailan kong malaman kung buntis ka ngang talaga o hindi. Lagpas dalawang buwan na rin ang lumipas simula nang may mangyari sa atin kaya siguradong malalaman na kung buntis ka nga o hindi. Bibili ako ng pregnancy test mamaya. Kailangan kong malaman ang totoo at kapag tumanggi ka pa, sasabihin ko kay Fern na may nangyari sa ating dalawa," may pagbabantang wika ni Hiro bago niya pinakawalan si Quincy. Nauna na siyang bumalik sa kanilang table habang si Quincy naman, ilang minuto pa ang lumipas bago siya muling nakabalik. At dahil may kailangang ayusin na naman si Fern, si Hiro na naman ang naghatid kina Quincy at sa kaniyang pamilya sa bahay nito. Nagkaroon si Hiro ng pagkakataong makausap si Quincy. Bumili siya kaagad ng tatlong pregnancy test sa botika at saka ito inabot kay Quincy. "Gamitin mo ang tatlong iyan para sigurado. Ngayon ko gustong malaman ang magiging resulta." Nanginginig ang kamay ni Quincy nang kunin niya ang pregnancy test na binigay ni Hiro. Mabibigat ang hakbang niyang nagtungo sa banyo upang gamitin ang mga iyon. Sabay-sabay niyang pinatakan ng kaniyang ihi ang tatlong pregnancy test. Todo pigil hininga ang kaniyang ginawa habang naghihintay sa resulta. "Jusko..." Doon na siya napaiyak nang makita ang dalawang pulang guhit sa tatlong pregnancy test. Nasabunutan niya ang kaniyang sarili at saka mahinang inuntog ang ulo sa pader. Panay ang agos ng kaniyang luha. Buntis nga siya. Nagbunga ang nangyari sa kanilang dalawa ni Hiro. "Quincy..." sambit ni Hiro nang lumabas ng banyo ang dalaga. Panay ang iyak ni Quincy. Habang si Hiro naman, kinuha sa kamay niya ang pregnancy test at nanlaki ang mga mata nito sa nakitang resulta. Mabilis na tumibok ang kaniyang dibdib at hindi maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Pinaghalong saya at pananabik ang kaniyang nararamdaman. "Buntis ka... magkakaanak na tayo!" "Hindi! Hindi sa iyo ito!" Nandilim ang paningin ni Hiro. "Sa akin iyan, Quincy. Huwag mo ng ipagkaila pa. Wala pang nangyayari sa inyong dalawa ni Fern kaya sa akin iyan. Anak ko ang nasa sinapupunan mo. Kaya hindi ako papayag na maikasal kayong dalawa."DUMATING ANG ARAW ng kasal nina Fern at Quincy. Habang nakasakay na siya ng bridal car, napapadasal siya na sana walang maging aberya. Sana walang maging problema at matuloy ang kanilang kasal. Malapit na sana silang makarating sa simbahan nang biglang harangin sila ng isang van."Manong? Anong nangyayari?" kinakabahang wika ni Quincy. "Hindi ko po alam, ma'am! Basta humarang na lang sila!" sagot ng driver.Ang hindi alam ni Quincy, nakausap na ni Hiro si manong driver at binigyan niya ito ng malaking halaga. Kunwaring sinaktan ni Hiro ang driver at saka binuksan ang sasakyan para ilabas si Quincy."Bitawan mo ako! Ano ba?! Tigilan niyo ako!" sigaw ni Quincy habang nagpupumiglas.Nakasuot ng face mask ang binata at hoodie kaya hindi niya nalamang iyon si Hiro. May kung anong pampatulog itong itinurok sa braso ni Quincy kaya unti-unti siyang nanghina hanggang sa mawalan ng malay. Nagmamadaling ipinasok ni Hiro sa van si Quincy at saka umalis."Hiro, sigurado ka na ba talaga dito? Puwe
"Good morning. Mag-almusal ka na. Nagluto ako ng pritong isda at gulay. Kailangan mong kumain ng mga ganiyan para maging healthy ang pinagbubuntis mo," mahinahon ang tinig ni Hiro.Nauna na siyang mag-almusal dahil naisip niyang baka magalit pa sa kaniya si Quincy kung sasabayan niya itong kumain. Lumabas siya ng bahay at saka tiningnan ang mga tanim na gulay sa paligid. Mabuti na lang, masipag magtanim ng mga gulay ang caretaker nila doon. Kaya naman mamimitas na lang siya ng gulay. Pinagmasdan niya mula sa labas si Quincy habang kumakain. Nakasimangot ang mukha nito. Bumuntong hininga si Hiro. Hindi niya alam kung paano niya uumpisahang palambutin ang puso ni Quincy at pabalik ang naglahong pagmamahal sa kaniya ng dalaga noon."Magandang araw po sir, Hiro. Kumusta naman po ang unang araw niyo sa bahay? May nga dapat po bang ayusin? May mga insekto po bang dapat alisin? Magsabi lang po kayo para malinis ko po agad," wika ni Susan na siyang caretaker doon. "Wala naman po, manang. Ma
Pinagmasdan ni Quincy ang binatang si Hiro na abala sa pagtatanim ng mga gulay sa malawak nilang bakuran. Naging maalam na tuloy sa mga pagtatanim si Hiro dahil ilang buwan na rin silang nakatira doon. Hinawakan ni Quincy ang kaniyang tiyan. Limang buwan na siyang buntis. Ilang buwan na lang, masisilayan na niya ang kaniyang anak. Hindi niya alam ngunit sa loob-loob niya, tila nasasabik na siyang masilayan ang kanilang anak. Kahit na noong una, aminado siyang ayaw niya pang makita ang kanilang anak. "Mabait talaga na bata si Hiro. Alam mo ba noong mga bata pa sila, noong nandito sila nagbabakasyon, mabait talaga si Hiro. Hindi sa kinakampihan ko siya, nasilayan ko sila kahit sandali lang. At si Hiro talaga ang mabait sa kanilang dalawa. Si Fern kasi may ugali iyong minsan hindi nakakatuwa. At saka mas siya pa ang pasaway sa kanilang mga magulang. Mas pilyo si Fern. At madalas na walang pakialam. Hindi katulad ni Hiro na iniisip ang iba. May pakialam siya sa mga taong nakapaligid sa
"Gising ka na pala, Quincy. Kumain ka na diyan. Tapos na kaming mag-almusal," wika ni aling Susan nang lumabas si Quincy sa kaniyang silid. Inikot niya ang tingin sa loob ng bahay na iyon. Hinahanap ng tingin niya ang binatang si Hiro. Mabagal siyang naglakad patungo sa kusina at saka naupo na. Medyo mabigat na ang dala-dala niya dahil malaki na rin talaga ang tiyan niya. Kaya ang lakad niya, nakabukaka na siya kung humakbang. "Nasaan po pala si Hiro? Kumain na ba iyon? Sa akin na po ba ang almusal na ito?" tanong niya nang iangat niya ang colander cover at tingnan ang pagkain sa mesa. "Tapos na siyang mag-almusal. Maaga siyang umalis kanina. May aasikasuhin daw siya. Ang sipag ng batang iyon. Para lang maipakita sa iyo na kaya niyang maging mabuting ama sa magiging anak niyo, ginagawa niya. Kanina nga bago siya umalis, namitas muna siya ng mga gulay at prutas. Iyong gulay mamaya magluluto ako para ulam natin ngayong tanghali. Kailangan kasing may gulay tayong ulam para malusog a
"Quincy, gusto mo bang maglakad-lakad? Sasamahan kita. Ang sabi kasi nila, kapag malapit nang manganak ang isang buntis, dapat naglalakad-lakad na ito para mabilis lang manganak. Iyong matagtag daw?" wika ni Hiro. "Tinatamad ako eh," simpleng sagot ni Quincy. Bumuntong hininga si Hiro. "Ganoon ba? Ang sa akin lang, ayoko lang na mahirapan kang manganak. Baka ilang ire pa ang gagawin mo para mailabas si baby. Mas maigi na kasi iyong naglalakad-lakad ka. Kung sakaling magbago ang isip mo, sabihan mo lang ako. Dito lang ako sa kuwarto." Sinundan ng tingin ni Quincy ang binata hanggang sa makapasok ito sa kaniyang silid. Bumuga siya ng hangin at saka naupo sa isang tabi. Nakatingin lang siya sa pinto ng kuwarto ni Hiro. Magulo ang isip niya. Hindi niya alam kung ano ang gusto niyang gawin. Pero mas nananaig sa kaniyang sarili na dapat na siyang makiapg-ayos sa binata. Lalo na't ito ang ama ng kaniyang dinadala. Humugot siya ng malalim na paghinga bago tumayo. Naglakad siya patungo s
SUMUNOD NA ARAW, gabi nang makabalik si Hiro. Marami siyang dala. Marami siyang pinamili. Binilhan niya rin si aling Susan para sa kanila ng dalawa niyang apo. May dalawa kasing apo si Susan na sa kaniya nakatira dahil wala na ang mga magulang nito."Maraming salamat, sir Hiro. Malaking tulong po ito sa amin ng apo ko. Nakapagluto na pala ako ng tinolang manok. Marami pong nakain si ma'am Quincy. Kayo na lang ang kakain," wika ni Susan."Marami pong salamat sa inyo. Pahinga na po kayo," tugon ni Hiro. Naglakad na pauwi si Susan. Hindi naman malayo ang tinitirahan nila sa bahay na iyon kaya mabilis lang siyang nakauwi. Habang si Hiro naman, inasikaso na ang kaniyang pinamili. Sinalansan na niya ito habang nakatingin lamang sa kaniya si Quincy. Tagaktak na ang pawis ng binata at kung tutuusin, pagod si Hiro sa dami niyang pinamili. Ngunit ayaw naman niyang magpatulong kay Quincy lalo pa't buntis ito. Bahala na kung mapagod siya."Huwag!" pigil niya sa dalaga nang tutulungan siya nito.
MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw, kaunting panahon na lang, manganganak na si Quincy. At lalaki ang magiging anak nila. Sobrang saya ni Hiro. Mas lalo siyang ginanahang alagaan si Quincy kahit na magaspang ang pakikitungo nito sa kaniya. Nasanay na lang siya sa palaging nakasimangot at mataas ang boses ni Quincy kapag kausap siya."Saan ka ba galing? Bakit ang tagal mo?" mataray na tanong ni Quincy sa kaniya."Pasensya ka na. Nanguha ako ng isda sa dagat. Sumama ako sa kaibigan ni aling Susan. Mamaya, dadalhin nila ang isda dito. Nakakatuwa pa lang mangisda kahit nakakapagod. Ikaw? Kumain ka na ba? Anong gusto mo? Ipaghahanda kita," ani Hiro bago nagtungo sa kusina."Hindi na kailangan. Tapos na akong kumain. Ikaw, kumain ka na ba?" Napangiwi si Hiro sabay kamot sa ulo. "Hindi pa. Kakain pa lang."Inirapan siya ni Quincy bago nagtungo sa kusina. Ipinagsandok siya ng pagkain. Nakatitig lamang siya kay Quincy habang inihahanda ang pagkain niya. Sa loob-loob niya, sobrang saya niya. "Ku
LUMIPAS PA ANG mga araw, kabuwanan na ni Quincy. Araw na lang ang hinihintay niya, expected na niyang manganganak na siya. Kasalukuyan silang nagtatawanan ni Hiro. Inaasar niya ito habang nagsasampay ng kanilang damit. Kiniliti niya si Hiro sa tagiliran."H-Hiro? Quincy?"Natigil ang kulitan ng dalawa nang mapatingin sa lalaking nasa kanilang harapan. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Quincy kasabay ng panginginig ng kaniyang laman. Nasa kaniyang harapan ngayon si Fern at matalim itong nakatitig sa kanilang dalawa."Hayop ka, Hiro! Paano mo nagawa sa akin ito?!" galit na sigaw ni Fern bago sinugod si Hiro.Napasigaw na lamang si Quincy nang pagsusuntukin ni Fern si Hiro. Gusto niyang umawat sa dalawa ngunit hindi puwede dahil maaari siyang mapahamak."Bakit mo inagaw sa akin ang fiancée ko at binuntis mo pa! Anong klaseng kapatid ka!" galit na sigaw ni Fern."Tama na, Fern! Aksidente lang ang nangyari na kasalanan mo rin!" sigaw ni Quincy.Natigil si Fern sa kaniyang pagsuntok s
MAKALIPAS ang isang araw, nakauwi na sa kanilang tirahan sina Hiro at Quincy. Nagpatulong si Hiro kay manang Susan sa pag-aalaga ng kanilang sanggol. Nagtanong din siya kung ano ang mga dapat gawin lalo pa't first time mom and dad sila ni Quincy."Ang guwapo ng anak ninyo. Palibhasa, maganda ang lahi ninyong dalawa. Sigurado akong maraming paiiyaking babae ang anak ninyo," pagbibiro ni manang Susan habang inaalisan ng dumi ang kanilang sanggol. Natawa naman si Quincy. "Malalagot siya sa akin kapag ginawa niya iyon. Dapat maging marespeto siya sa mga babae.""Tama po. Tuturuan namin ng mabuting asal ang anak namin," singit naman ni Hiro.Napangiti si manang Susan. "Tama iyan. Hindi nakakaguwapo ang pagiging maloko sa babae. Dapat hindi pinaglalaruan ang damdamin ng mga babae. Naalala ko tuloy iyong isa kong anak. Awang-awa ako dahil niloko siya ng asawa niya noon at iniwan. Pero ngayon, masaya na ang anak ko dahil nahanap na niya ang lalaking magmamahal sa kaniya ng totoo.""Mabuti na
LUMIPAS PA ANG mga araw, kabuwanan na ni Quincy. Araw na lang ang hinihintay niya, expected na niyang manganganak na siya. Kasalukuyan silang nagtatawanan ni Hiro. Inaasar niya ito habang nagsasampay ng kanilang damit. Kiniliti niya si Hiro sa tagiliran."H-Hiro? Quincy?"Natigil ang kulitan ng dalawa nang mapatingin sa lalaking nasa kanilang harapan. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Quincy kasabay ng panginginig ng kaniyang laman. Nasa kaniyang harapan ngayon si Fern at matalim itong nakatitig sa kanilang dalawa."Hayop ka, Hiro! Paano mo nagawa sa akin ito?!" galit na sigaw ni Fern bago sinugod si Hiro.Napasigaw na lamang si Quincy nang pagsusuntukin ni Fern si Hiro. Gusto niyang umawat sa dalawa ngunit hindi puwede dahil maaari siyang mapahamak."Bakit mo inagaw sa akin ang fiancée ko at binuntis mo pa! Anong klaseng kapatid ka!" galit na sigaw ni Fern."Tama na, Fern! Aksidente lang ang nangyari na kasalanan mo rin!" sigaw ni Quincy.Natigil si Fern sa kaniyang pagsuntok s
MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw, kaunting panahon na lang, manganganak na si Quincy. At lalaki ang magiging anak nila. Sobrang saya ni Hiro. Mas lalo siyang ginanahang alagaan si Quincy kahit na magaspang ang pakikitungo nito sa kaniya. Nasanay na lang siya sa palaging nakasimangot at mataas ang boses ni Quincy kapag kausap siya."Saan ka ba galing? Bakit ang tagal mo?" mataray na tanong ni Quincy sa kaniya."Pasensya ka na. Nanguha ako ng isda sa dagat. Sumama ako sa kaibigan ni aling Susan. Mamaya, dadalhin nila ang isda dito. Nakakatuwa pa lang mangisda kahit nakakapagod. Ikaw? Kumain ka na ba? Anong gusto mo? Ipaghahanda kita," ani Hiro bago nagtungo sa kusina."Hindi na kailangan. Tapos na akong kumain. Ikaw, kumain ka na ba?" Napangiwi si Hiro sabay kamot sa ulo. "Hindi pa. Kakain pa lang."Inirapan siya ni Quincy bago nagtungo sa kusina. Ipinagsandok siya ng pagkain. Nakatitig lamang siya kay Quincy habang inihahanda ang pagkain niya. Sa loob-loob niya, sobrang saya niya. "Ku
SUMUNOD NA ARAW, gabi nang makabalik si Hiro. Marami siyang dala. Marami siyang pinamili. Binilhan niya rin si aling Susan para sa kanila ng dalawa niyang apo. May dalawa kasing apo si Susan na sa kaniya nakatira dahil wala na ang mga magulang nito."Maraming salamat, sir Hiro. Malaking tulong po ito sa amin ng apo ko. Nakapagluto na pala ako ng tinolang manok. Marami pong nakain si ma'am Quincy. Kayo na lang ang kakain," wika ni Susan."Marami pong salamat sa inyo. Pahinga na po kayo," tugon ni Hiro. Naglakad na pauwi si Susan. Hindi naman malayo ang tinitirahan nila sa bahay na iyon kaya mabilis lang siyang nakauwi. Habang si Hiro naman, inasikaso na ang kaniyang pinamili. Sinalansan na niya ito habang nakatingin lamang sa kaniya si Quincy. Tagaktak na ang pawis ng binata at kung tutuusin, pagod si Hiro sa dami niyang pinamili. Ngunit ayaw naman niyang magpatulong kay Quincy lalo pa't buntis ito. Bahala na kung mapagod siya."Huwag!" pigil niya sa dalaga nang tutulungan siya nito.
"Quincy, gusto mo bang maglakad-lakad? Sasamahan kita. Ang sabi kasi nila, kapag malapit nang manganak ang isang buntis, dapat naglalakad-lakad na ito para mabilis lang manganak. Iyong matagtag daw?" wika ni Hiro. "Tinatamad ako eh," simpleng sagot ni Quincy. Bumuntong hininga si Hiro. "Ganoon ba? Ang sa akin lang, ayoko lang na mahirapan kang manganak. Baka ilang ire pa ang gagawin mo para mailabas si baby. Mas maigi na kasi iyong naglalakad-lakad ka. Kung sakaling magbago ang isip mo, sabihan mo lang ako. Dito lang ako sa kuwarto." Sinundan ng tingin ni Quincy ang binata hanggang sa makapasok ito sa kaniyang silid. Bumuga siya ng hangin at saka naupo sa isang tabi. Nakatingin lang siya sa pinto ng kuwarto ni Hiro. Magulo ang isip niya. Hindi niya alam kung ano ang gusto niyang gawin. Pero mas nananaig sa kaniyang sarili na dapat na siyang makiapg-ayos sa binata. Lalo na't ito ang ama ng kaniyang dinadala. Humugot siya ng malalim na paghinga bago tumayo. Naglakad siya patungo s
"Gising ka na pala, Quincy. Kumain ka na diyan. Tapos na kaming mag-almusal," wika ni aling Susan nang lumabas si Quincy sa kaniyang silid. Inikot niya ang tingin sa loob ng bahay na iyon. Hinahanap ng tingin niya ang binatang si Hiro. Mabagal siyang naglakad patungo sa kusina at saka naupo na. Medyo mabigat na ang dala-dala niya dahil malaki na rin talaga ang tiyan niya. Kaya ang lakad niya, nakabukaka na siya kung humakbang. "Nasaan po pala si Hiro? Kumain na ba iyon? Sa akin na po ba ang almusal na ito?" tanong niya nang iangat niya ang colander cover at tingnan ang pagkain sa mesa. "Tapos na siyang mag-almusal. Maaga siyang umalis kanina. May aasikasuhin daw siya. Ang sipag ng batang iyon. Para lang maipakita sa iyo na kaya niyang maging mabuting ama sa magiging anak niyo, ginagawa niya. Kanina nga bago siya umalis, namitas muna siya ng mga gulay at prutas. Iyong gulay mamaya magluluto ako para ulam natin ngayong tanghali. Kailangan kasing may gulay tayong ulam para malusog a
Pinagmasdan ni Quincy ang binatang si Hiro na abala sa pagtatanim ng mga gulay sa malawak nilang bakuran. Naging maalam na tuloy sa mga pagtatanim si Hiro dahil ilang buwan na rin silang nakatira doon. Hinawakan ni Quincy ang kaniyang tiyan. Limang buwan na siyang buntis. Ilang buwan na lang, masisilayan na niya ang kaniyang anak. Hindi niya alam ngunit sa loob-loob niya, tila nasasabik na siyang masilayan ang kanilang anak. Kahit na noong una, aminado siyang ayaw niya pang makita ang kanilang anak. "Mabait talaga na bata si Hiro. Alam mo ba noong mga bata pa sila, noong nandito sila nagbabakasyon, mabait talaga si Hiro. Hindi sa kinakampihan ko siya, nasilayan ko sila kahit sandali lang. At si Hiro talaga ang mabait sa kanilang dalawa. Si Fern kasi may ugali iyong minsan hindi nakakatuwa. At saka mas siya pa ang pasaway sa kanilang mga magulang. Mas pilyo si Fern. At madalas na walang pakialam. Hindi katulad ni Hiro na iniisip ang iba. May pakialam siya sa mga taong nakapaligid sa
"Good morning. Mag-almusal ka na. Nagluto ako ng pritong isda at gulay. Kailangan mong kumain ng mga ganiyan para maging healthy ang pinagbubuntis mo," mahinahon ang tinig ni Hiro.Nauna na siyang mag-almusal dahil naisip niyang baka magalit pa sa kaniya si Quincy kung sasabayan niya itong kumain. Lumabas siya ng bahay at saka tiningnan ang mga tanim na gulay sa paligid. Mabuti na lang, masipag magtanim ng mga gulay ang caretaker nila doon. Kaya naman mamimitas na lang siya ng gulay. Pinagmasdan niya mula sa labas si Quincy habang kumakain. Nakasimangot ang mukha nito. Bumuntong hininga si Hiro. Hindi niya alam kung paano niya uumpisahang palambutin ang puso ni Quincy at pabalik ang naglahong pagmamahal sa kaniya ng dalaga noon."Magandang araw po sir, Hiro. Kumusta naman po ang unang araw niyo sa bahay? May nga dapat po bang ayusin? May mga insekto po bang dapat alisin? Magsabi lang po kayo para malinis ko po agad," wika ni Susan na siyang caretaker doon. "Wala naman po, manang. Ma
DUMATING ANG ARAW ng kasal nina Fern at Quincy. Habang nakasakay na siya ng bridal car, napapadasal siya na sana walang maging aberya. Sana walang maging problema at matuloy ang kanilang kasal. Malapit na sana silang makarating sa simbahan nang biglang harangin sila ng isang van."Manong? Anong nangyayari?" kinakabahang wika ni Quincy. "Hindi ko po alam, ma'am! Basta humarang na lang sila!" sagot ng driver.Ang hindi alam ni Quincy, nakausap na ni Hiro si manong driver at binigyan niya ito ng malaking halaga. Kunwaring sinaktan ni Hiro ang driver at saka binuksan ang sasakyan para ilabas si Quincy."Bitawan mo ako! Ano ba?! Tigilan niyo ako!" sigaw ni Quincy habang nagpupumiglas.Nakasuot ng face mask ang binata at hoodie kaya hindi niya nalamang iyon si Hiro. May kung anong pampatulog itong itinurok sa braso ni Quincy kaya unti-unti siyang nanghina hanggang sa mawalan ng malay. Nagmamadaling ipinasok ni Hiro sa van si Quincy at saka umalis."Hiro, sigurado ka na ba talaga dito? Puwe