Share

005

Author: CellaRocella
last update Last Updated: 2025-01-07 16:45:58

"Good morning. Mag-almusal ka na. Nagluto ako ng pritong isda at gulay. Kailangan mong kumain ng mga ganiyan para maging healthy ang pinagbubuntis mo," mahinahon ang tinig ni Hiro.

Nauna na siyang mag-almusal dahil naisip niyang baka magalit pa sa kaniya si Quincy kung sasabayan niya itong kumain. Lumabas siya ng bahay at saka tiningnan ang mga tanim na gulay sa paligid. Mabuti na lang, masipag magtanim ng mga gulay ang caretaker nila doon. Kaya naman mamimitas na lang siya ng gulay.

Pinagmasdan niya mula sa labas si Quincy habang kumakain. Nakasimangot ang mukha nito. Bumuntong hininga si Hiro. Hindi niya alam kung paano niya uumpisahang palambutin ang puso ni Quincy at pabalik ang naglahong pagmamahal sa kaniya ng dalaga noon.

"Magandang araw po sir, Hiro. Kumusta naman po ang unang araw niyo sa bahay? May nga dapat po bang ayusin? May mga insekto po bang dapat alisin? Magsabi lang po kayo para malinis ko po agad," wika ni Susan na siyang caretaker doon.

"Wala naman po, manang. Maayos naman po ang bahay. Napakahusay niyo po talagang maglinis. Tapos ang dami niyo pang tanim na gulay at prutas. Tamang-tama dahil iyon ang kailangang niyang kainin para maging healthy ang baby naming dalawa," nakangiting wika ni Hiro.

"Kumuha lang po kayo nang kumuha diyan, sir. Talagang nagtanim po ako nang nagtanim para kung sakaling magbakasyon kayo dito, may makukuha po kayo. Siya nga po pala, nag-asawa na pala kayo? Iyong kambal niyong si Fern, nag-asawa na rin po siya? Pupunta rin po ba sila dito?" sunod-sunod na tanong ni Susan.

Tumikhim si Hiro bago saglit na sinulyapan si Quincy. "Huwag po sana kayong mabibigla at naiintindihan ko po kung mahuhusgahan niyo ako. Pero hindi ko po siya asawa. Sa katunayan, kasal nila kahapon ni Fern. Kaya lang, dalawang buwan ang nakakaraan, may nangyari sa amin ni Quincy. Inakala niya na ako si Fern. Hindi ko rin po napigilan ang sarili ko dahil matagal ko na siyang minamahal ng palihim. Sa katunayan, ako naman ang unang lalaking minahal niya. Nabaling lang ang atensyon niya sa kambal ko. At dahil nagbunga ang gabing iyon, tinakas ko po siya at dinala dito para hindi matuloy ang kasal nila."

Napanganga si aling Susan sa ibinahagi ni Hiro. Napahawak siya sa kaniyang sintido at saka natawa ng mahina.

"Naku, sir! Ang gulo po pala ng nangyari sa inyo pero wala po akong karapatang husgahan po kayo. Wala naman po akong ambag sa buhay ninyo. Siguro, kapag may kailangan po kayo, maaari niyo akong sabihan."

Ngumiti ng tipid si Hiro. "Sige po, salamat. Mamayang hapon aalis po ako. Pupunta ako sa bayan. May bibilhin lang po akong mga pagkain dito sa bahay. Dadamihan ko na para may stocks kami. Pakitingnan na lang po si Quincy."

"Walang problema. Babalik ako dito mamayang alas tres ng hapon. Sige, mauna na muna ako. Para matapos ko ang mga gagawin ko sa bahay," sambit ni Susan bago tuluyang umalis.

Huminga ng malalim si Hiro bago namitas ng mga gulay. Katamtaman lang ang kaniyang pinitas. Nagtungo siya sa kusina upang hugasan iyon at ilagay sa ref. At pagkatapos, pinagmasdan niya si Quincy. Matalim ang tingin nitong bumaling sa kaniya.

"Ano? Bakit wagas ka kung makatitig diyan? Puwede bang huwag mo akong titigan? Naiirita ako sa pagmumukha mo! Ibalik mo na ako kay Fern!" singhal ni Quincy.

"Hindi kita ibabalik sa kaniya. Sa akin ka na, Quincy. Ako na ang lalaking pakakasalan mo dahil magkakaroon na tayo ng anak," kalmado niyang sabi.

Asar na tumawa si Quincy. "Paladesisyon ka rin pala! Anong karapatan mong angkin ako? Hindi mo ako pagmamay ari! Si Fern lang ang nagmamay ari sa akin at hindi ikaw! Pashneya ka! Ibalik mo na ako sa tunay kong mapapangasawa! Kung anak lang naman ang anak mo sa akin, puwede ko naman siyang ipahiram sa iyo!"

Bumuntong hininga si Hiro. Nanlilisik ang mga mata ni Quincy na nakatingin sa kaniya habang nakakuyom pa ang kamao. Bahala na, iyon ang nasa isipan niya. Wala siyang planong ibalik si Quincy sa kakambal niya.

"Wala ka ng magagawa pa, Quincy. Tanggapin mo na lang na tayo ang para sa isa't isa at hindi kayong dalawa ng kambal ko. Sa akin ka nakatadhana kaya nga nagbunga ang gabing iyon. Hindi kita ibabalik. Sa akin ka hanggang sa manumbalik ang pagmamahal mo sa akin noon," matigas na sabi ni Hiro bago pumasok sa kaniyang kuwarto.

Napanganga na lang si Quincy sabay hawak sa kaniyang batok. Wala siyang cellphone kaya hindi niya ma-contact si Fern. Sumilip siya sa labas ng bahay na iyon. Napairap na lamang siya sa hangin. Kahit na tumakas siya, wala rin siyang mapupuntahan at baka mapahamak pa siya.

Hinawakan niya ang kaniyang tiyan. Hinimas-himas niya iyon sabay hingang malalim. Hindi niya alam ang mga susunod na mangyayari ngunit hiling niya na sana maging maayos na ang lahat.

Pagsapit ng hapon, nagpaalam na sa kaniya si Hiro na magtutungo ito sa bayan para mamili ng mga pangangailangan nila sa bahay. Pinakiusapan ni Hiro ang matalik nyang kaibigan na siya na mismo ang bahala sa negosyo niya. Kaya kahit hindi na muna siya umalis sa lugar na iyon, walang problema.

"Eh 'di umalis ka. Pakialam ko sa iyo," mataray na sabi ni Quincy.

"May ipapabili ka ba? May gusto ka bang kainin?"

Inis na bumuga ng hangin si Quincy. "Puwede bang huwag mo akong kausapin? Naiinis ako sa iyo! Ay mali. Galit ako sa iyo! Kung may mapupuntahan lang talaga ako, kanina pa kita iniwan sa lugar na ito. Ang galing mo rin, 'no? Talagang dito mo ako dinala para hindi ako makatakas. Para wala akong mapuntahan. Kapal ng mukha mo!"

Tumikhim si Hiro. "Aalis na ako. Nandiyan na rin si manang Susan. Siya ang makakasama mo dito para bantayan ka," aniya nang makita si Susan sa labas.

"Letse! Kahit huwag ka ng bumalik mas mabuti pa! Kung hindi lang kasalanan pumatay, baka napatay na kitang hayop ka!" sigaw ni Quincy sa binata.

Gustong-gusto na talaga niyang tumakas. Pero kung gagawin niya iyon, baka kung ano pang mangyari sa kaniya. At isa pa, walang nakakaalam na buntis siya. Malamang, sasabihan siya ng malandi at kung anu-anong masasakit na salita dahil hindi ang fiancé niyang si Fern ang nakabuntis sa kaniya.

"Kumusta naman ang pakiramdam mo, ineng? Ako pala si Susan. Tawagin mo na lang akong manang Susan. Ako ang nagbabantay sa bahay na ito na pagmamay ari ng pamilya nila. Naikuwento sa akin ni Hiro ang nangyari. Gusto ko lang sabihin sa iyo na wala akong karapatang husgahan kayo. At hindi naman sa... ano. Sa nakikialam, siguro hayaan mo na lang si Hiro na alagaan ka. Isipin mo na lang din na iniligtas ka niya sa kahihiyan. Kung sakali kasing natuloy ang kasal ninyong dalawa ni Fern, baka kamuhian ka pa nya. At baka hindi mo kayanin ang mga gagawin niya," mahinahong paliwanag ni Susan.

Tila natauhan naman si Quincy sabay kagat labi. "Naiintindihan ko naman po. Syempre, sana maintindihan niyo rin po ang side ko. Hindi rin naman po tama ang ginawa ni Hiro."

"Oo tama ka. Parehas lang kayong may mali pero nandiyan na iyan. Kaya ang dapat niyo na lang gawin, kung sakaling magkaalaman na, harapin niyo si Fern. Ipaliwanag niyo sa kaniya ang lahat. Pero sa ngayon, alagaan mo muna ang sarili mo. Para sa anak ninyong dalawa. Walang kasalanan ang bata. Kaya sana, huwag siyang madadamay sa galit mo."

Mabagal na tumango si Quincy. "Opo. Hindi ko naman po naisip na idamay ang baby ko sa galit ko sa ama niya. Huwag po kayong mag-alala dahil aalagaan ko po ang sarili ko. Kakain po ako ng masustansyang pagkain para maging healthy po siya."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Hinahanap Ng Puso   006

    Pinagmasdan ni Quincy ang binatang si Hiro na abala sa pagtatanim ng mga gulay sa malawak nilang bakuran. Naging maalam na tuloy sa mga pagtatanim si Hiro dahil ilang buwan na rin silang nakatira doon. Hinawakan ni Quincy ang kaniyang tiyan. Limang buwan na siyang buntis. Ilang buwan na lang, masisilayan na niya ang kaniyang anak. Hindi niya alam ngunit sa loob-loob niya, tila nasasabik na siyang masilayan ang kanilang anak. Kahit na noong una, aminado siyang ayaw niya pang makita ang kanilang anak. "Mabait talaga na bata si Hiro. Alam mo ba noong mga bata pa sila, noong nandito sila nagbabakasyon, mabait talaga si Hiro. Hindi sa kinakampihan ko siya, nasilayan ko sila kahit sandali lang. At si Hiro talaga ang mabait sa kanilang dalawa. Si Fern kasi may ugali iyong minsan hindi nakakatuwa. At saka mas siya pa ang pasaway sa kanilang mga magulang. Mas pilyo si Fern. At madalas na walang pakialam. Hindi katulad ni Hiro na iniisip ang iba. May pakialam siya sa mga taong nakapaligid sa k

    Last Updated : 2025-01-08
  • Hinahanap Ng Puso   007

    "Gising ka na pala, Quincy. Kumain ka na diyan. Tapos na kaming mag-almusal," wika ni aling Susan nang lumabas si Quincy sa kaniyang silid. Inikot niya ang tingin sa loob ng bahay na iyon. Hinahanap ng tingin niya ang binatang si Hiro. Mabagal siyang naglakad patungo sa kusina at saka naupo na. Medyo mabigat na ang dala-dala niya dahil malaki na rin talaga ang tiyan niya. Kaya ang lakad niya, nakabukaka na siya kung humakbang. "Nasaan po pala si Hiro? Kumain na ba iyon? Sa akin na po ba ang almusal na ito?" tanong niya nang iangat niya ang colander cover at tingnan ang pagkain sa mesa. "Tapos na siyang mag-almusal. Maaga siyang umalis kanina. May aasikasuhin daw siya. Ang sipag ng batang iyon. Para lang maipakita sa iyo na kaya niyang maging mabuting ama sa magiging anak niyo, ginagawa niya. Kanina nga bago siya umalis, namitas muna siya ng mga gulay at prutas. Iyong gulay mamaya magluluto ako para ulam natin ngayong tanghali. Kailangan kasing may gulay tayong ulam para malusog a

    Last Updated : 2025-01-09
  • Hinahanap Ng Puso   008

    "Quincy, gusto mo bang maglakad-lakad? Sasamahan kita. Ang sabi kasi nila, kapag malapit nang manganak ang isang buntis, dapat naglalakad-lakad na ito para mabilis lang manganak. Iyong matagtag daw?" wika ni Hiro. "Tinatamad ako eh," simpleng sagot ni Quincy. Bumuntong hininga si Hiro. "Ganoon ba? Ang sa akin lang, ayoko lang na mahirapan kang manganak. Baka ilang ire pa ang gagawin mo para mailabas si baby. Mas maigi na kasi iyong naglalakad-lakad ka. Kung sakaling magbago ang isip mo, sabihan mo lang ako. Dito lang ako sa kuwarto." Sinundan ng tingin ni Quincy ang binata hanggang sa makapasok ito sa kaniyang silid. Bumuga siya ng hangin at saka naupo sa isang tabi. Nakatingin lang siya sa pinto ng kuwarto ni Hiro. Magulo ang isip niya. Hindi niya alam kung ano ang gusto niyang gawin. Pero mas nananaig sa kaniyang sarili na dapat na siyang makiapg-ayos sa binata. Lalo na't ito ang ama ng kaniyang dinadala. Humugot siya ng malalim na paghinga bago tumayo. Naglakad siya patung

    Last Updated : 2025-02-01
  • Hinahanap Ng Puso   009

    SUMUNOD NA ARAW, gabi nang makabalik si Hiro. Marami siyang dala. Marami siyang pinamili. Binilhan niya rin si aling Susan para sa kanila ng dalawa niyang apo. May dalawa kasing apo si Susan na sa kaniya nakatira dahil wala na ang mga magulang nito. "Maraming salamat, sir Hiro. Malaking tulong po ito sa amin ng apo ko. Nakapagluto na pala ako ng tinolang manok. Marami pong nakain si ma'am Quincy. Kayo na lang ang kakain," wika ni Susan. "Marami pong salamat sa inyo. Pahinga na po kayo," tugon ni Hiro. Naglakad na pauwi si Susan. Hindi naman malayo ang tinitirahan nila sa bahay na iyon kaya mabilis lang siyang nakauwi. Habang si Hiro naman, inasikaso na ang kaniyang pinamili. Sinalansan na niya ito habang nakatingin lamang sa kaniya si Quincy. Tagaktak na ang pawis ng binata at kung tutuusin, pagod si Hiro sa dami niyang pinamili. Ngunit ayaw naman niyang magpatulong kay Quincy lalo pa't buntis ito. Bahala na kung mapagod siya. "Huwag!" pigil niya sa dalaga nang tutulungan siya

    Last Updated : 2025-02-03
  • Hinahanap Ng Puso   010

    MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw, kaunting panahon na lang, manganganak na si Quincy. At lalaki ang magiging anak nila. Sobrang saya ni Hiro. Mas lalo siyang ginanahang alagaan si Quincy kahit na magaspang ang pakikitungo nito sa kaniya. Nasanay na lang siya sa palaging nakasimangot at mataas ang boses ni Quincy kapag kausap siya. "Saan ka ba galing? Bakit ang tagal mo?" mataray na tanong ni Quincy sa kaniya. "Pasensya ka na. Nanguha ako ng isda sa dagat. Sumama ako sa kaibigan ni aling Susan. Mamaya, dadalhin nila ang isda dito. Nakakatuwa pa lang mangisda kahit nakakapagod. Ikaw? Kumain ka na ba? Anong gusto mo? Ipaghahanda kita," ani Hiro bago nagtungo sa kusina. "Hindi na kailangan. Tapos na akong kumain. Ikaw, kumain ka na ba?" Napangiwi si Hiro sabay kamot sa ulo. "Hindi pa. Kakain pa lang." Inirapan siya ni Quincy bago nagtungo sa kusina. Ipinagsandok siya ng pagkain. Nakatitig lamang siya kay Quincy habang inihahanda ang pagkain niya. Sa loob-loob niya, sobrang saya niya.

    Last Updated : 2025-02-04
  • Hinahanap Ng Puso   011

    LUMIPAS PA ANG mga araw, kabuwanan na ni Quincy. Araw na lang ang hinihintay niya, expected na niyang manganganak na siya. Kasalukuyan silang nagtatawanan ni Hiro. Inaasar niya ito habang nagsasampay ng kanilang damit. Kiniliti niya si Hiro sa tagiliran. "H-Hiro? Quincy?" Natigil ang kulitan ng dalawa nang mapatingin sa lalaking nasa kanilang harapan. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Quincy kasabay ng panginginig ng kaniyang laman. Nasa kaniyang harapan ngayon si Fern at matalim itong nakatitig sa kanilang dalawa. "Hayop ka, Hiro! Paano mo nagawa sa akin ito?!" galit na sigaw ni Fern bago sinugod si Hiro. Napasigaw na lamang si Quincy nang pagsusuntukin ni Fern si Hiro. Gusto niyang umawat sa dalawa ngunit hindi puwede dahil maaari siyang mapahamak. "Bakit mo inagaw sa akin ang fiancée ko at binuntis mo pa! Anong klaseng kapatid ka!" galit na sigaw ni Fern. "Tama na, Fern! Aksidente lang ang nangyari na kasalanan mo rin!" sigaw ni Quincy. Natigil si Fern sa kaniyan

    Last Updated : 2025-02-04
  • Hinahanap Ng Puso   012

    MAKALIPAS ang isang araw, nakauwi na sa kanilang tirahan sina Hiro at Quincy. Nagpatulong si Hiro kay manang Susan sa pag-aalaga ng kanilang sanggol. Nagtanong din siya kung ano ang mga dapat gawin lalo pa't first time mom and dad sila ni Quincy. "Ang guwapo ng anak ninyo. Palibhasa, maganda ang lahi ninyong dalawa. Sigurado akong maraming paiiyaking babae ang anak ninyo," pagbibiro ni manang Susan habang inaalisan ng dumi ang kanilang sanggol. Natawa naman si Quincy. "Malalagot siya sa akin kapag ginawa niya iyon. Dapat maging marespeto siya sa mga babae." "Tama po. Tuturuan namin ng mabuting asal ang anak namin," singit naman ni Hiro. Napangiti si manang Susan. "Tama iyan. Hindi nakakaguwapo ang pagiging maloko sa babae. Dapat hindi pinaglalaruan ang damdamin ng mga babae. Naalala ko tuloy iyong isa kong anak. Awang-awa ako dahil niloko siya ng asawa niya noon at iniwan. Pero ngayon, masaya na ang anak ko dahil nahanap na niya ang lalaking magmamahal sa kaniya ng totoo." "

    Last Updated : 2025-02-09
  • Hinahanap Ng Puso   013

    ISANG TAON ang lumipas, wala na talagang naging balita pa silang dalawa kay Fern. Sinubukan nila itong kontakin ngunit hindi nila magawa. Naisip nilang dalawa na siguro dapat nilang bigyan ng oras si Fern lalo pa't nasaktan nila ito. Ang dapat nilang pagtuunan ng pansin ay ang anak nilang lumalaki na. Ang pamilya nila. Kasalukuyang naglalakad sa dalampasigan sina Hiro at Quincy. Niayaya kasing magdagat ni Hiro si Quincy. Walang kaalam-alam si Quincy na mayroon pa lang surpresa sa kaniya si Hiro. "So ang ibig mong sabihin, talaga pa lang nagustuhan mo ako noon?" nakangising wika ni Quincy. "Oo. Totoo iyon pero nahihiya lang ako. At saka, focus kasi ako sa pag-aaral no'n. Wala akong time masyado para sa sarili ko. Lalo na't ako pa ang inilalaban sa iba't ibang school. Tapos ayon na nga, nagulat talaga ako nang bigla ka na lang hindi na nagpapansin sa akin. Bigla kang umiwas. Iyon pala. Si Fern na ang gusto mo." Tumawa si Quincy. "Syempre, masakit kayang hindi ka pinapansin ng taong

    Last Updated : 2025-02-11

Latest chapter

  • Hinahanap Ng Puso   018

    "Hi, Quincy!" Laking gulat ni Quincy nang makita si Samantha. May mga dala itong paper bag. Dire-diretsong pumasok sa loob ang dalaga bago naupo sa malaking sofa doon. Inilagay niya sa table ang dala niyang paper bag. "Quincy, para sa inyo iyan ni baby boy mo. Laruan iyan and damit for you! Masanay ka na sa akin, ha? Ganito kasi talaga ako kapag happy and magaan ang pakiramdam ko sa isang tao. I'm very grateful na tinanggap mo ako as your friend. At the same time, very sad din kasi nawalang bigla ang dati kong friends," wika ni Samantha sabay kagat labi. Naupo si Quincy sa tabi ni Samantha. Isip niya, hindi naman niya kailangan ng kahit anong regalo mula sa isang tao. Ngunit ayaw naman niyang mapahiya si Samantha o ma-offend kung hindi niya tatanggapin ang bigay nito. "Salamat dito pero hindi mo na kailangang mag-abala pa. Hindi mo ma ako kailangang bigyan ng kung anu-ano para maging kaibigan mo ako," mahinahong wika niya sabay ngiti kay Samantha. "Well.... thank you, ha. Ka

  • Hinahanap Ng Puso   017

    "Bakit, love? May problema ba?" takang tanong ni Hiro. Napakurap si Quincy sabay ngiti ng alanganin. "Ha? W-Wala naman. Hindi mo lang kasi nabanggit na babae pala ang kaibigan mo. Akala ko lalaki." "I'm sorry, love. Gusto ka nga rin niyang maging kaibigan. Galing kasi siyang ibang bansa. Model siya doon tapos umuwi dito. Nagkwento siya at ang sabi niya, hindi na raw siya kilala ng mga dati niyang kaibigan kaya nalulungkot siya. Kaya nagpaalam siya sa akin kung pwede ka rin ba niyang maging kaibigan." Saglit na tumahimik si Quincy. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Kung tama lang ba na maging kaibigan niya ang kaibigan ni Hiro. Pero naiisip niyang mas mainam para mabantayan niya ito. "S-Sige, love. Ayos lang sa akin. Kailngan ko ba siya puwedeng i-meet?" "Kahit kailan. Sasabihan ko siya. Ikaw ang mag-decide kung kailan mo gustong makipagkita sa kanya. Para makapag-bonding kayo. Para makilala mo rin siya," nakangiting wika ni Hiro sabay yakap sa kanya. Bumun

  • Hinahanap Ng Puso   016

    "Sa tingin mo magandang dining table ito sa bahay?" tanong ni Samantha kay Hiro. "Oo para sa akin maganda ito. Pero ikaw? Ano ba ang gusto mo? Syempre bahay mo iyon. Ikaw ang dapat mamili ng gusto mo," sabi ni Hiro bago nilibot ang tingin sa mga dining table doon. Ngumuso si Samantha. Pasimple niyang pinagmasdan ang binata kasabay ng pagtatago ng kilig na kanyang nadarama. Hindi maaaring mahalata ni Hiro na sobra siyang kinikilig. "I know naman pero gusto ko pa ring humingi ng suggestions sa iyo. Kasi baka maganda nga para sa akin iyong isang gamit pero hindi na pala bagay sa design o kulay ng bahay ko, 'di ba? I mean, hindi siyang tugma sa gusto kong kalabasan ganoon?" Tumango-tango si Hiro. "Okay I understand. Sige. Patingin nga ulit ako ng itsura ng bahay mo?" Kinuha ni Samantha ang kanyang cellphone at saka hinanap ang video doon ng bahay niya. Nang iabot niya ang kanyang cellphone kay Hiro, nagkadikit ang daliri nila. Tila kinuryente siya at labis na kinilig. Todo pigil

  • Hinahanap Ng Puso   015

    "Paano ngayon iyan? Baka guluhin ni Samantha ang buhay niyong mag-asawa?" tanong ni Leo. Bumuntong hininga si Hiro. "Hindi puwedeng mangyari iyon. Ako ang makakalaban niya kung sakali. Hindi puwedeng guluhin niya ang buhay naming mag-asawa. Masaya ako sa piling ni Quincy at mahal na mahal namin ang isa't isa. Nangako akong hindi siya ipagpapalit sa iba at siya lang ang mamahalin ko. At isa pa, imposibleng magkagusto ako kay Samantha dahil simula pa noon, hindi ko naman siya minahal. Ginamit ko lang siya para makalimot kay Quincy." Tumango-tango si Leo. "Sana nga mapanindigan mo ang sinasabi mong iyan. Wala sa ating bokabularyo ang magloko. Baka naman kapag naghubad sa harapan mo si Samantha, sunggaban mo agad." Natatawang umiling si Hiro bago hinawakan ang kaniyang baba. "Hindi ako hayok sa laman. May asawa ako. Kontento ako sa asawa ko. At isa pa, maganda at sexy ang asawa ko. Kaya bakit ako hahanap pa ng iba o titikim pa ng iba? Pare-parehas lang naman silang may p_uki."Humagalp

  • Hinahanap Ng Puso   014

    Tatlong buwan matapos ang kasal nina Hiro at Quincy, naging abala na si Hiro sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya si Hiro. Habang si Quincy naman ay nasa kanilang bahay, nag-aalaga ng kanilang anak. Ayaw siyang pagtrabuhin mg kanyang asawa. Gusto ni Hiro na magbabantay lamang siya ng kanilang anak. "Ang guwapo ng anak ninyo. Solid ang pagkakagawa! Mukhang ginalingan talaga ng modtakels ng asawa mo! Sana ganiyan din ang magiging baby ko!" wika ni Maris nang dumalaw siya sa bahay nina Quincy. "Magiging ganiyan kaguwapo rin ang anak mo kung guwapo rin ang magiging tatay. Maganda ka naman kasi kapag pangit ang tatay, hindi natin sigurado kung sa iyo magmamana ang anak ninyo. Kaya piliin mo iyong guwapong lalaki pero matino. Dahil may mga pangit na cheater ngayon. Ang kakapal ng mukha!" saad ni Quincy sabay tawa. Tumawa rin ang kaniyang kaibiga. "Trueness ka diyan! Kapalmuks ang mga burikat! Hindi ko alam kung saan sila kumukuha ng lakas ng loob para gawin ang ganoong bagay! Isipin

  • Hinahanap Ng Puso   013

    ISANG TAON ang lumipas, wala na talagang naging balita pa silang dalawa kay Fern. Sinubukan nila itong kontakin ngunit hindi nila magawa. Naisip nilang dalawa na siguro dapat nilang bigyan ng oras si Fern lalo pa't nasaktan nila ito. Ang dapat nilang pagtuunan ng pansin ay ang anak nilang lumalaki na. Ang pamilya nila. Kasalukuyang naglalakad sa dalampasigan sina Hiro at Quincy. Niayaya kasing magdagat ni Hiro si Quincy. Walang kaalam-alam si Quincy na mayroon pa lang surpresa sa kaniya si Hiro. "So ang ibig mong sabihin, talaga pa lang nagustuhan mo ako noon?" nakangising wika ni Quincy. "Oo. Totoo iyon pero nahihiya lang ako. At saka, focus kasi ako sa pag-aaral no'n. Wala akong time masyado para sa sarili ko. Lalo na't ako pa ang inilalaban sa iba't ibang school. Tapos ayon na nga, nagulat talaga ako nang bigla ka na lang hindi na nagpapansin sa akin. Bigla kang umiwas. Iyon pala. Si Fern na ang gusto mo." Tumawa si Quincy. "Syempre, masakit kayang hindi ka pinapansin ng taong

  • Hinahanap Ng Puso   012

    MAKALIPAS ang isang araw, nakauwi na sa kanilang tirahan sina Hiro at Quincy. Nagpatulong si Hiro kay manang Susan sa pag-aalaga ng kanilang sanggol. Nagtanong din siya kung ano ang mga dapat gawin lalo pa't first time mom and dad sila ni Quincy. "Ang guwapo ng anak ninyo. Palibhasa, maganda ang lahi ninyong dalawa. Sigurado akong maraming paiiyaking babae ang anak ninyo," pagbibiro ni manang Susan habang inaalisan ng dumi ang kanilang sanggol. Natawa naman si Quincy. "Malalagot siya sa akin kapag ginawa niya iyon. Dapat maging marespeto siya sa mga babae." "Tama po. Tuturuan namin ng mabuting asal ang anak namin," singit naman ni Hiro. Napangiti si manang Susan. "Tama iyan. Hindi nakakaguwapo ang pagiging maloko sa babae. Dapat hindi pinaglalaruan ang damdamin ng mga babae. Naalala ko tuloy iyong isa kong anak. Awang-awa ako dahil niloko siya ng asawa niya noon at iniwan. Pero ngayon, masaya na ang anak ko dahil nahanap na niya ang lalaking magmamahal sa kaniya ng totoo." "

  • Hinahanap Ng Puso   011

    LUMIPAS PA ANG mga araw, kabuwanan na ni Quincy. Araw na lang ang hinihintay niya, expected na niyang manganganak na siya. Kasalukuyan silang nagtatawanan ni Hiro. Inaasar niya ito habang nagsasampay ng kanilang damit. Kiniliti niya si Hiro sa tagiliran. "H-Hiro? Quincy?" Natigil ang kulitan ng dalawa nang mapatingin sa lalaking nasa kanilang harapan. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Quincy kasabay ng panginginig ng kaniyang laman. Nasa kaniyang harapan ngayon si Fern at matalim itong nakatitig sa kanilang dalawa. "Hayop ka, Hiro! Paano mo nagawa sa akin ito?!" galit na sigaw ni Fern bago sinugod si Hiro. Napasigaw na lamang si Quincy nang pagsusuntukin ni Fern si Hiro. Gusto niyang umawat sa dalawa ngunit hindi puwede dahil maaari siyang mapahamak. "Bakit mo inagaw sa akin ang fiancée ko at binuntis mo pa! Anong klaseng kapatid ka!" galit na sigaw ni Fern. "Tama na, Fern! Aksidente lang ang nangyari na kasalanan mo rin!" sigaw ni Quincy. Natigil si Fern sa kaniyan

  • Hinahanap Ng Puso   010

    MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw, kaunting panahon na lang, manganganak na si Quincy. At lalaki ang magiging anak nila. Sobrang saya ni Hiro. Mas lalo siyang ginanahang alagaan si Quincy kahit na magaspang ang pakikitungo nito sa kaniya. Nasanay na lang siya sa palaging nakasimangot at mataas ang boses ni Quincy kapag kausap siya. "Saan ka ba galing? Bakit ang tagal mo?" mataray na tanong ni Quincy sa kaniya. "Pasensya ka na. Nanguha ako ng isda sa dagat. Sumama ako sa kaibigan ni aling Susan. Mamaya, dadalhin nila ang isda dito. Nakakatuwa pa lang mangisda kahit nakakapagod. Ikaw? Kumain ka na ba? Anong gusto mo? Ipaghahanda kita," ani Hiro bago nagtungo sa kusina. "Hindi na kailangan. Tapos na akong kumain. Ikaw, kumain ka na ba?" Napangiwi si Hiro sabay kamot sa ulo. "Hindi pa. Kakain pa lang." Inirapan siya ni Quincy bago nagtungo sa kusina. Ipinagsandok siya ng pagkain. Nakatitig lamang siya kay Quincy habang inihahanda ang pagkain niya. Sa loob-loob niya, sobrang saya niya.

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status