HINDI mapakali si Irene sa kaniyang kinauupuan dahil katatapos niya lang magpaliwanag kay Eugene at hindi pa ‘rin ito nagsasalita o nagbibigay manlang ng reaction tungkol doon. Natatakot siya na baka hindi nito matanggap ang mga bata o ‘di kaya naman ilayo nito sa kaniya ang kambal. “E-eugene ‘wag mo sanang ilayo saakin ang mga bata… Tyaka gusto ko ‘din sana humingi ng tulong sa’yo dahil kay H-hannah… Ayoko na may masama nanamang mangyari, kapag nakikita ko nga siya hindi ako makahinga at hindi gumagana ng maayos ang utak ko,” Ang hindi alam ni Irene ay naging malalim ang pag-iisip ni Eugene dahil sa kaniyang mga kinuwento. Kahit alam na ni Eugene ang iba tungkol sa mga kinuwento ni Irene ay hindi pa ‘rin niya maiwasan na mainis at sisihin ang kaniyang sarili. “N-naaksidente ako…” Agad na napaangat ng tingin si Irene kay Eugene ng bigla nalang itong magsalita. “Naaksidente ako kasama ang pamilya ko… ako lang ang natira at kasabay niyon ang pagkawala ng paningin ko… I was hopele
TATLONG araw na simula ng hindi umuuwi si Irene sa kanilang bahay. Doon na nagsimulang mag-alala ang kambal sa kanilang ina at napapatanong kung totoo nga ba na kasama ang daddy nila ang kanilang mommy. Kapag tinatanong naman nila si Kayla tungkol sa kanilang ina ay katulad ng sinabi nito noon ay nasa out of town ito dahil sa negosyo. Gusto nilang paniwalaan iyon ngunit nag-aalala na sila pare dito. Kung kaya nabuo ang desisyon ni Ivan na puntahan ang ama sa opisina at siguraduhin kung totoo nga ba na nasa out of town ang mommy niya. Kapag nakita niya sa kumpanya nito ang daddy niya isa lang ang ibig sabihin niyon; nasa panganib ang mommy niya. Mas naging buo ang desisyon ni Ivan na puntahan ang daddy niya dahil sa isipin na baka napahamak na ang kanilang mommy. Kaya noong isang beses na nakatulog si Kayla ng tanghali dahil binabantayan siya nito’t nagkalagnat silang kambal ay doon siya tumakas. Dala ang perang kinuha sa kaniyang tita Kayla ay sumakay siya ng jeep papunta sa kumpa
IRENE “BOBBY!” nakangiti kong tawag kay Eugene ng pumasok ako sa loob ng kwarto nito. Ngayon ang uwi namin papunta sa Pilipinas kaya excited na ako. Ilang araw ko ‘ding hindi nakita at nakausap ang kambal kaya miss na miss ko na sila at alam kong ganoon ‘din sila saakin. “Ilang beses ko bang sasabihin na tawagin mo akong Eugene, hindi Bobby?” kunot noong tanong niya saakin. Nasa table siya nito habang nasa tabi niya sim anong na nakangiting nakatingin saakin. Sa ilang araw na lumipas ay dito lang kami nanatili sa bahay nila tita Evergreen at tito Jack. Mabait ang magulang ni Eva, winelcome nila ako agad sa family nila knowing na kasal na kami ni Eugene. “Bakit? Ano bang masama na tawagin kita sa palayaw mo e ‘yan naman talaga ang tawag namin sa’yo ni Julie diba?” Napasimangot siya dahil sa sinabi ko at agad na tumayo sa kinauupuan niya’t naglakad papunta saakin. Minsan iniisip ko bulag ba talaga ‘to? Alam niya kasi agad kung nasaan ako basta marinig niya lang boses ko, baka mat
“HAPPY?” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Kayla sa aking tabi. Nagpasya kaming pumasok na sa loob dahil na ‘rin nauna na sila Eugene habang hila-hila ng kambal papasok sa loob. Samantalang ako naman ay naiyak habang nakatingin sa kanila na nasa sala’s ngayon at masayang nag-uusap. “Hindi ko maintindihan Kayla… masaya ako na malungkot. Mas nangingibabaw ang pagkakonsensya ko. Narinig mo sinabi niya diba? Alam niya na sinabi ko sa kambal na iniwan kami ng daddy nila,” Pagtingin ko kay Kayla ay nakita ko ang malungkot niyang expression. Kilala ako ni Kayla, hindi ako basta-bastang umiiyak at kapag umiyak ako alam niyang bigay na bigay na ako. Niyakap naman niya ako kaya yumakap ‘din ako pabalik sa kaniya. “Alam kong hindi lang ‘yan ang iniisip mo kaya ka umiiyak Irene. Pero nandito ako palagi para makinig sa’yo. At isa pa, maswerte ka nga at mayroon kang Eugene. Nag punta siya dito noong may lagnat ka, nakaluhod siyang umiiyak sa tabi ng higaan mo habang hawak ang kamay m
“TWINS, let mommy sleep more…” Antok na sabi ko ng maramdaman kong mayroong humahalik sa pisnge ko. Napuyat kasi ako kagabi kakaisip doon sa huling sinabi ni Eugene—wait! Speaking off! Aalis kami ngayon! Tyaka ihahatid ko pa pala ang kambal! “Oh my! Sorry twins—Eugene?!” Nagulat ako ng pagbangon ko ay nakita ko si Eugene na nakaupo sa tabi ko habang nakangiting pinapakinggan ko. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto at hinanap ang kambal ngunit wala sila doon. “Nasaan ang kambal? Bat ka nandito ng ganito kaaga? Tyaka ikaw ba ang humalik sa pisnge ko?!” Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya na ikinatawa niya naman ng mahina. “Wife, dahan-dahan sa tanong mahina ang kalaban. To answer your questions, hinatid ko na po ang kambal sa school at seven thirty na po ng umaga, then yes ako ang humalik sa pisnge mo. Masama bang halikan ang asaw ako?” Hindi ko naiwasan na mamula dahil sa huli niyang sinabi, mabuti nalang talaga at hindi niya ako nakikita! “H-hindi naman pero tulog ako
Nagsimula na kaming kumain at ako na ang nagsandok kay Eugene ng pagkain niya. Nalaman ko na binibisita lang pala ako ng mga ito dahil ilang araw kaming nasa Canada. Alam ‘din nila ang tungkol sa pagpunta namin ni Eugene kay Julie. Hindi na ako nagtanong pa tungkol kay Julie kasi baka may marinig lang ako na ikasakit ng puso ko knowing na ex ni Eugene si Julie at close na close ang mga ito. Siguradong marami silang happy memories. Matapos naming kumain ay sumakay na kami sa kotse ni Eugene, ang pinagtataka ko lang ay iba ito doon sa sinakyan namin madalas. Van na kasi ito ngayon at hindi siya regular van lang dahil malaki ito! Hindi na ako nagtanong kay Eugene kung bakit ‘yun ang sinakyan namin dahil kinakabahan ako sa mangyayari kapag andoon na kami sapuntod ni Julie. Sa totoo lang mabigat ang loob ko ngayon. Gusto kong makausap si Julie at humingi ng tawad, pero dahil sa sinabi ni Eugene kagabi ay hindi ako mapakali. Naramdaman ko ang paghawak ni Eugene sa kamay ko, katabi ko
“MOMMY! Mommy wake up nandito na po tayo!” Nagising ako dahil sa paggising sakin ng kambal na mukang tuwang-tuwa dahil nakikita na nila ang dagat. Napatingin ako sa paligid at nakababa na pala ang mga kasama ko habang inaantay ako sa labas. Matapos ang halos anim na oras na byahe ay sa wakas nakarating na ‘rin kami.Dahil na ‘rin kulang pa ako sa tulog ay nakatulog ako pero hindi iyon sapat dahil panay ang gising ko habang nasa byahe. “Sorry guys, antok pa ako e,” nasabi ko nalamang sa mga ito habang nakangiti. Nakaabang saakin si Eugene sa may bakuna ng van at inalalayan ako nitong bumaba’t hindi na inalis ang pagkakahawak sa aking kamay. “Okay lang ‘yun Irene, matulog ka nalang ulit pagdating niyo sa room niyo,” Napangiti ako dahil sa sinabi ni Eva at doon ko lang nailibot ang paningin ko sa paligid. Hindi ko maiwasan na mamangha dahil sa ganda ng paligid lalo na sa aliwalas nito’t. Kasabay ng malakas na hangin sa paligid ay ang siyang tunog ng alon ng dagat na rinig na rinig
“ANGEL!” Napalingon si Irene ng tawagin siya ni Julie. Kabababa niya lang ng sasakyan kasama ang mama niya ng makita siya ni Julie kung kaya dali-dali itong tumakbo papunta sa kaniya. “Julie!” Nagyakapan ng mahigpit ang dalawa at nagpasya na pumunta sila kung nasaan si Bobby. Ngunit napahinto sila nang makita na mayroon nanamang nang-aaway kay Bobby. “Bobby!” Agad na sigaw ni Julie at tumakbo upang tulungan ang lalaki. Nakita ng tatlong bata si Julie at natawa pa ang mga ito. “Ano Julie, ipagtatanggol mo nanaman ba ang mahina mong kaibigan?! Isa ka ‘rin namang mahina e!” Napakuyom ng kamao si Irene at dali-daling umalis sa kinalalagyan niya na siyang nakita ni Julie. Nasaktan si Julie dahil akala niya’y iniwan na sila ni Irene at hinayaan ngunit naalala niya na lagi silang nililigtas nito kaya sigurado siyang may binabalak ang bata. Nag pasya siyang kausapin nalang muna ang tatlong lalaki habang nasa likuran niya ang natatakot na si Bobby. Takot kasi ito sa tatlo at hindi lum
“KYLIE!” Dali-daling lumapit si Eugene sa anak nang makita niya itong umiiyak sa sulok ng higaan na naroroon. “Anak ayos ka lang ba?! Nasaan si mommy?!” Doon lang napaangat nang tingin si Kylie dahil hindi niya nabosesan ang ama sa sunod-sunod na putok ng baril sa paligid. Nang makilala si Eugene ay mas lalong napaiyak ang bata at niyakap ang ama. “D-daddy! Nakaka-alala na po ako! Kinuha ni kuya Elijah si mommy! Tinutukan po siya ng baril sa ulo!” Natigilan si Eugene dahil sa narinig. Una nalaman niya na naaalala na siya ng anak at masaya siya doon, pero nang sabihin nito ang ginawa ni Elijah sa asawa ay mas lalong sumiklab ang galit sa puso niya. “Eugene! Ako nang bahala kay Kylie! Kailangan mong iligtas si Irene!” “Tito Keith!” Napalingon sila pareho sa nagsalita at agad na niyakap ni Kylie ang tito na matagal na niyang hindi nakikita. Niyakap naman siya pabalik ni Keith pero tumingin ito kay Eugene. “Eugene tumatakbo ang oras!” Dahil doon ay napatango si Eugene a
BUMALIK na si Irene sa trabaho. Ang daming nagulat na employees dahil sa pagdating niya at nagsimula nanaman ang mga bulong-bulungan pero wala siyang pakialam doon. Ang mahalaga sa kaniya ay ang makapasok. Ilang beses pa nilang pinagtalunan ni Eugene ang pagpasok niya sa trabaho at kasama na doon ang plano nila na tapusin na ang kasamaan ni Elijah. Alam ni Irene na hindi siya titigilan ng lalaki kaya nga sinadya niya na pumasok dahil maaaring makuha siya nito. Dahil naging busy na sina Eugene sa pagligtas kay Irene noong isang linggo itong nawala ang dami na nitong tambak na trabaho. Katulad nang normal na araw nila ay hindi na sila halos magkitaan dahil sa daming kailangan gawin. Nalaman niya mula sa asawa kung kanino nito nalaman kung nasaan siya, kay Keith. Nagtataka pa ‘rin siya kung bakit biglang nawala si Keith. Ayon kay Eugene ay kasama pa nila ang lalaki na iligtas siya pero bigla nalang itong naglaho na parang bula. Alam niya na may nangyayari kay Keith ngunit hindi niya
Napahinto si Elijah sa paglalakad at napatingin muli sa kaniya. “Anong plano?” Sinabi niya dito ang naiisip niya na ikinangiti ng malaki ni Elijah at hinawakan ang magkabilang balikat ng tauhan niya na iyon. “Magaling! Sabi ko na nga ba at ikaw ang pinakang pinagkakatiwalaan ko sa lahat!” Napangiti ng malaki ang tauhan ni Elijah dahil sa papuri niya na iyon at yumuko ng bahagya dito bilang paggalang. “Now go! Dalhin mo siya saakin!” Nagpaalam na ang lalaki kay Elijah at naiwan siya mag-isa doon. Iyon nalang ‘din ang naiisip niyang huling plano para makuha si Irene. Dinadalangin niya na sana makuha na niya ang mahal niya dahil kung hindi niya ito makukuha sisiguraduhin niya ‘din na hindi ito makukuha ni Eugene. Maya-maya pa ay bumalik na muli ang tauhan niya at tinulak nito papasok sa loob si Hannah na nanghihina dahil hindi pa siya kumakain at pinapahirapan pa siya ng mga ito. “Well, well! Welcome again Hannah!” Napatingin si Hannah sa nagsalita at napakuyom ng kamao ng makit
“H-hindi kami naniniwala na ikaw ang dahilan kung bakit wala na si Jess!” Napaangat ako ng tingin ng biglang magsalita si RC. “Tama si RC! Biktima lang kayo! Diba sabi mo may kumuha sa inyo? Malamang na sila ang may kasalanan kaya ‘wag kang himingi ng tawad saamin Ms. Violet—I mean Irene,” segunda na sabi ni Lyn na ikinailing ko. “H-hindi niyo naiintindihan—” “They are right mommy! Wala kang kasalanan!” Napahinto ako sa pagsasalita ng sumabat ang kambal. Lalo akong naiyak dahil doon, hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Naramdaman ko na mayroong humawak sa magkabila kong balikat at paglingon ko kay si Eugene iyon. “Wife, I already told you that it is not your fault. Kung mayroon mang dapat sisihin dito ay si Elijah iyon. Kung nandito si Jess alam ko na yun din ang sasabihin niya kaya please lang ‘wag mong sisihin ang sarili mo.” Napayakap ako kay Eugene dahil sa sinabi niya at umiyak sa dibdib niya. Ilang minuto ‘din kami na nasa ganoong ayos hanggang sa kusa akong humiw
IRENE NANG idilat ko ang mga mata ko ay sumalubong saakin ang kisame na familiar saakin. “’Wag kang maingay Kylie baka magising si mommy,” “Anong ako? Ikaw kaya ang maingay kuya!” Napalingon ako sa nagsasalita at nakita ko ang kambal. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil isang linggo ko silang hindi nakita, akala ko nga ay hindi na ako makakauwi sa kanila dahil kay Elijah. “Mommy!” Nakita ako ni Kylie na gising na kaya dali-dali itong lumapit saakin at niyakap ako. Kita ko na nagulat ‘din si Ivan pero agad ‘din itong sumunod sa kambal niya at niyakap ako ng mahigit. Nagsimula na silang umiyak kaya maging ako ay lalong napaiyak dahil doon. “M-mommy bakit ang tagal mong nawala! Hindi ko po kaya na wala ka!” iyak na sabi ni Kylie kaya hinimas ko ang likuran niya. “I-I’m sorry mommy, I’m not strong enough to save you…” mahina namang sabi ni Ivan ngunit sapat na para marinig ko dahil sa leeg ko siya nakasuksok habang umiiyak. Si Kylie naman ay nasa bewang ko nakayaka
“W-WALA na si Jess…” Paulit-ulit na sinasabi ni Irene ‘yan sa kaniyang sarili matapos niyang marinig ang pinag-uusapan ni Elijah at nag tauhan nito. Isang linggo na ‘rin ang nakakaraan magmula nang kunin siya nito. Sinubukan niyang tumakas ngunit hindi niya magawa, nahuhuli pa nga siya. Mabuti at hindi siya sinasaktan ni Elijah kapag nahuhuli siya dahil nagpapalusot lang siya na naiinip na doon. Sinakyan niya ang gusto ni Elijah, sasakyan niya ito hanggang sa makakuha na siya ng pagkakataon na makatakas. Pero lahat ng iyon ay nasira nang malaman niyang wala na ang kaibigan. Bumalik sa kaniya ang huling araw na magkasama sila ni Jess. Nangako pa siya dito na magkikita pa sila ulit. “My love? Umiiyak ka ba?” Agad na napalingon si Irene sa nagsalita at sumiklab ang galit niya ng makita si Elijah. “W-wag kang lalapit saakin! You liar! Sinungaling ka at mamamatay tao Elijah!” Natigilan sandali si Elijah dahil sa sinabi ni Irene pero sinubukan pa ‘rin niyang lapitan ang babae
SAMANTALANG si Jess naman ay takot na takot at palingon-lingon sa likod niya kung mayroon bang sumusunod sa kaniya. Ayon sa naghatid sa kaniya oalabas ay dumeretsyo lang siya at lumiko sa kanto na madadaanan niya at may high way na doon. Hindi naman siya nabigo dahil kita na niya ang high way. Hindi siya makapaniwala na pinakawalan talaga siya ng mga ito! Ngunit kusa siyang napahinto ng biglang may sumulpot na ilang lalaki. Napaatras siya dahil doon at agad na kinabahan. “W-wag kayong lalapit!” sigaw niya sa mga ito pero seryoso lang sila at sa isang iglap ay nakalapit na ang dalawang lalaki’t sabay nilang pinaputok ang baril sa tagiliran niya. Sa bilis nang pangyayari ay nakaramdam nalang ng sakif si Jess sa kaniyang katawan at kusang bumagsak sa lupa. “M-ms. Violet…” mahinang sabi niya kasabay ng pagtulo ng luha nito. Nakita pa niya ang pag-alis ng dalawang lalaking bumaril sa kaniya. Tama, sino bang gugustuhin na magpakawala sa kaniya gayong nakita niya ang lahat. Sunod-suno
BIGLANG tumawa si Irene matapos niyang marinig ang sinabi ni Hannah. Si Jess naman na nanginig dahil sa takot sa sinabi ni Hannah ay napatingin ‘din kay Irene nang hindi makapaniwala. “Anong tinatawa-tawa mo?!” “Ikaw! Nakakatawa ang sinabi mo Hannah! Inamin mo lang naman na ikaw talaga ang pumatavy sa magulang ni Kayla.” Biglang tumingin ng seryoso si Irene kay Hannah. “Yeah, finally you confess it. I have my reason now to k!ll you. Buhay ang kinuha, buhay ‘din ang kapalit.” Napaatras si Hannah dahil sa nakikita niyang Irene ngayon. Sa ilang taon niya itong nakasama noon nang bata pa sila ay tahimik lang ito at palaging sumusunod sa mga magulang niya. Nang mawala ang ari-arian nito at tuluyan nang naging walang-wala si Irene and to think na nagka-trauma ito sa kaniya. Pero ang kaharap niya ngayon? Ibang-iba na ito. Parang hindi na si Irene Legazpi na takot sa kaniya at uto-uto. “H-hindi mo ako madadaan sa salita!” Ngumisi si Irene dahil sa sinabi ni Hannah lalo na nautal ito. “
Laking pasasalamat ni Randy at nanjan si Ivan dahil binitawan na siya ni Eugene. Akala niya takaga katapusan na niya. “Ivan?” hindi makapaniwalang sabi ni Eugene at agad na yumakap sa kaniya ang anak. “Nakita ko na pinalo nila sa ulo si mommy, daddy! I’m not strong enough to save her kaya tinawag ko si tito Randy kaso wala na sila! It’s my fault daddy!” Agad na lumuhod si Eugene para makapantay niya ang anak. Pinahid niya ang luha sa pisnge ng anak at umiling dito. “No, don’t blame yourself. Kasalanan ni daddy dahil iniwan namin siya. Wag kang mag-alala anak hahanapin natin si mommy. Hindi ako papayag na may kumuha sa kaniya.” Tumayo na si Eugene matapos niyang yakapin sandali ang anak at tinignan si Randy na agad naman nitong ikinakuha ang ibig nitong mangyari at dali-daling naglakad oalabas. Sumunod lang sila kay Randy hanggang sa makarating sila sa 20th floor kung saan ang floor na pinagtatrabahuhan ng tatlong babaeng iyon. Iisa lang ang department nila at sakto na kabab