Hello po, i-try ko po ihabol ang isa mamaya. Thank you po sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
LIYANNA’S POVHe kissed me. Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako sa labi. Nagulat ako pero never akong humalik sa kanya pabalik. Ayoko siyang bigyan ng pag-asa o kasiyahan. Ilang sandali pa ay binitawan niya ang labi ko. Tumingin siya sa ng diretso sa mga mata ko.Hindi ko matukoy ang emosyon na nakikita ko ngayon.“Hindi na ako mangangako, gagawin ko na lang. Please, give me another chance.” Mahina na sabi niya sa akin.Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at hindi na ako komportable. Umatras ako ng kaunti para makalayo sa kanya. Alam ko na naghihintay siya ng sagot ko.“Okay, pero sa mansiyon ako uuwi at pabalikin mo si Pia doon.” Sagot ko sa kanya.“No, hindi ko siya papabalikin doon.” Sagot niya sa akin.“Paano ang anak mo? Pabalikin mo siya, alam ko na hindi sanay ang anak mo sa ibang bahay.” Sabi ko sa kanya pero iba ang tunay na nasa loob ko.“Babe,” nag-aalangan na tawag niya sa akin.“Kung ayaw mo, hindi na ako uuwi sa bahay nila momm—"“Okay babe, gagawin ko.” mabilis na s
LIYANNA’S POVNgayon ako lilipat sa bahay nila mommy. Bigla kong naalala ang bahay namin ni Carlos noon. Ano kaya ang nangyari sa bahay na ‘yon? Pero naisip ko wala namang magandang mga memories doon. Hindi naging masaya dahil masalimuot ang mga nangyari sa akin sa bahay na ‘yon. Kaya wala rin akong maramdaman na panghihinayang. “Dito ba tayo,” sabi sa akin ni Carlos at kinalas ang suot ko na seatbelt. Inalalayan niya akong bumaba sa kotse.“Nandito ba si mommy?” Tanong ko sa kanya.“Wala pa yata siya may pinuntahan siya ngayon,” sagot niya sa akin.Habang umaakyat kami papunta sa magiging silid ko ay nakasalubong namin si Pia. Nakita ko ang gulat sa mukha niya. Hindi niya inaasahan na dito na rin ako titira. Alam ko na nag-aalala na ito kaagad. Ngayon na nandito na ako ay hindi na siya malayang makakakilos dito.“Anong ginagawa niya dito, Carlos?” tanong ni Pia.“Dito na siya titira,” sagot naman ni Carlos kay Pia.Ngumiti ako sa kanya. Inirapan niya ako. “Behave,” sabi ko sa kanya
LIYANNA’S POV“Gusto mo ba ng ice cream?” Tanong ko kay Precious. Nandito kami ngayon sa convenience store.“Opo tita,” sagot naman niya sa akin. Halata rin na excited siya.Lumingon ako kay Carlos at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Nakangiti rin siya kaya medyo nailang ako sa uri ng tingin niya. “Puwede ba siya sa ice cream?” Tanong ko sa kanya. Baka kasi mamaya bawal pala ang bata.“Wala namang bawal sa kanya,” nakangiti na sagot sa akin ni Carlos.“Mas okay na malinaw, dahil baka masisi na naman ako. Puwede mo ba siyang buhatin para makapili siya ng gusto niya?” utos ko sa kanya.Mabilis naman siyang lumapit sa amin. Binuhat niya ang bata at pinapili ng flavor na nais nito. Ganito ba siya sa anak niya? Malambing at mapagmahal? Kung si Mireya kaya ang kasama namin ngayon, ganito rin kaya siya? Nagbago na ba talaga siya? Kasi malayo na siya sa Carlos na kilala ko. “Babe,” tawag niya sa akin.“Bakit?” “Gusto mo rin ba ng ice cream?" Tanong niya sa akin.“Ayoko, gatas na lang ak
LIYANNA'S POV“Please, babe don't cry.” Malambing na sabi niya sa akin habang pinapatahan ako. Mas ginalingan ko kasi ang pag-iyak ko. Masasabi ko na papasa na akong best actress. He wiped my tears using his fingers and he smiled at me while doing it. “Ang arte,” narinig ko na sabi ni Cathy nang dumaan siya sa tabi namin.“Don’t mind her,” bulong ni Carlos sa tainga ko.“Sa room ko na lang kaya ako kakain,” mahinang sabi ko sa kanya. Pero syempre ginawa ko lang ‘yon para mas paburan nila ako.“Iha, umupo na kayo.” sabi sa amin ni mommy.“Mom, matanda na ‘yan sila. No need na sabihan pa, kung gusto nila kumain ay uupo ‘yan.” Naiinis na sabi ni Cathy.“Manahimik ka diyan Cathy. Hindi ka dapat ganyan kay Liya, ASAWA siya ng kapatid mo.” Sabi ni mommy sabay highlights nang salitang asawa.“Asawa ba niya ‘yan? Diba iniwan niya si Carlos?” Sarcastic na tanong pa ni Cathy kay mommy.“Kung wala magandang salita na lalabas diyan sa bibig mo, just shut up!” Galit na sabi ni Carlos sa kapatid ni
LIYANNA'S POV“Sabay na lang tayo, babe.”Nanigas ako sa kinatatayuan ko at biglang kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko ito napaghandaan. Hindi ko yata kaya, hindi ako prepared. Hindi ito kasama sa mga plano ko. Nanlalamig ang mga daliri ko sa paa.“S-Seryoso ka ba?” Nauutal na tanong ko sa kanya.“Oo,” mabilis na sagot niya sa akin kaya lalo akong kinabahan. Paano ako tatanggi sa kanya?“Hahaha! I'm just kidding, babe. Sige maliligo na rin ako sa room ko. Kita na na lang tayo sa baba.” Sabi niya sa akin at lumabas na dito sa banyo.Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko talaga ay seryoso siya. Naligo na ako paglabas ko sa banyo ay wala na sila pero nandito si Pia. Nahuli ko siyang hawak ang vitamins kuno na binigay sa akin ni Cathy.“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya.“Anong ginawa niyo kagabi? Hindi na ba kayo nahiya sa anak ko?!” Sigaw niya sa akin.“Tulog naman siya kaya hindi niya kami nakita.” Sagot ko sa kanya para lalo siyang mag-overthink.“Ang kapal mo! A
LIYANNA’S POV“I love you too, Carlos.” Sagot ko sa kanya.Napapreno siya bigla, alam ko na nagulat siya sa sinabi ko. At tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. Nakita ko ang pagpatak ng luha niya sa mga mata niya. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko. Pero pilit kung kinukumbinse ang sarili ko na hindi dapat paniwalaan ang nakikita ko sa mga mata niya.Alam ko sa sarili ko na wala na siyang lugar pa sa puso ko. Itinaas ko ang kamay ko at pinunasan ko ang mga luha niya.“Bakit ka ba umiiyak? Ayaw mo ba sa i love you ko? Pwede ko naman bawiin kung gusto mo.” Kunwari na tanong ko sa kanya.“I’m just happy, matagal ko ng gustong marinig ulit mula sa ‘yo ang salita na ‘yan. Gago ako dahil hindi ko binigyan ng halaga ang feelings mo noon. Liya, maniwala ka man o hindi. Mahal na mahal kita simula pa noon, mahal kita bilang bestfriend at pangarap ko na maging akin ka. Naging bobo ako at tanga. Hindi ko namalayan na nasasaktan kita at nakakagawa ako sa ‘yo ng masama.” Umiiyak na sabi
LIYANNA'S POVNgumiti sa akin si Mireya. Nakita ko na masaya siyang nag-aabang sa pagpasok namin. Alam ko na naiintindihan niya ako. I'm really trying my best to hold my tears. Ayokong umiyak dahil hindi dapat ako umiyak. Lumapit ako kay Mireya at niyakap ko siya.“I love you baby, I'm sorry.” Bulong ko sa tainga niya.“Thank you mommy, I love you. Promise po behave lang po ako.” Pabulong na sagot niya sa akin. Kaya lalong sumakit ang puso ko.“Okay, baby.” Nakangiti na sabi ko sa kanya.“Hi,” binati ni Carlos si Mireya.“Hi po,” nahihiya na sagot sa kanya ni Mireya at nagtago ito sa likod ni Jessica.“May donuts kami para sa ‘yo.” Malambing na sabi ni Carlos.“Diba baby, gusto mo ng donuts?” Tanong ko kay Mireya.“Opo,” sagot niya sa akin.“Nahihiya ka ba sa akin? Ako pala si Tito Carlos, ikaw what's your name?” Malambing na tanong niya kay Mireya.“Miya po,” sagot ng anak ko.“Get mo na itong donuts. Masarap ito dahil si Tita Liya ang pumili ng mga flavors.” Sabi niya sa anak ko at b
LIYANNA’S POV“C-Carlos,” kinakabahan na tawag ko sa pangalan niya. Pinigilan ko siya dahil hindi na ako makahinga sa halik niya. Masyado na siyang nagiging mapusok.“I want you, babe.” mahinang bulong niya sa tainga ko.Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Bumilis ang t*bok ng puso ko sa kaba. Ano ba ang dapat kong isagot sa kanya? Hindi ko nagustuhan ang naging reaksyon ng katawan ko sa mga halik niya. Nakakadala pero hindi dapat ako magpatalo sa sinasabi ng katawan ko sa akin. Isipin mo Liya, ang mga ginawa niya sa ‘yo. Ang lahat ng mga pasakit na naranasan mo. Tapos ngayon bibigay ka na naman. Kailan ka ba dapat matuto? Saway ko sa sarili ko.“C-Carlos…. K–Kasi… Hindi ko pa kaya, mahihintay mo ba ako?” Tanong ko sa kanya.“Of course babe,” sagot niya sa akin at hinalikan ako sa labi bago tumayo.Bumalik siya sa tabi ni Mireya at natulog na. Pumikit na rin ako para matulog. Hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari dahil nakatulog na ako. Kinabukasan ay nagising ako na nasa tabi