Hello po, one update lang po ang kaya ko ngayon. Busy po ako at hindi ko alam kung saan kukuha ng time hahaha. Salamat at nakatapos ako ng kahit na isang chapter. Maraming salamat po sa suporta at pag-unawa. Pinakabago ko po itong story kaya everyday po ako gumagawa ng chapter. Sorry po kung hindi po madami ang nailalapag kong chapter, 1-2 lang po ang kaya ko. Dahil may mga ginagawa rin po ako. Thank you so much po at ingat po kayo palagi <3 <3 <3
LIYANNA’S POV “Happy birthday to you.. Happy birthday to you… Happy birthday, happy birthday.. Happy birthday my Mireya…” pagdilat pa lang ng mga mata niya ay kinantahan ko na siya kaagad. Masaya kong kinakanta sa kanya ang birthday song. “Thank you so much, mommy.” Nakangiti ito kaagad sa akin at alam ko na masaya siya. “Make a wish na baby,” utos ko sa kanya. “My wish po, sana ay gumaling na si mommy. Para hindi na po siya mahirapan, at para po hindi niya ako iwan. Mahal na mahal ko po ang mommy ko at hindi ko po kaya na wala siya sa tabi ko. Ayaw ko rin po na mahirapan siya.” Umiiyak siya habang sinasabi ang wish niya. Hindi ko rin inaasahan na marinig ‘yon mula sa anak ko. She’s just five years old para maisip niya ang wish na ‘yon. Niyakap ko siya at pareho kaming umiiyak. Napakabuti ng Panginoon dahil si Mireya ang ibinigay niya sa akin. “I love you, anak ko.” buong puso na sabi ko sa kanya. “Wala po akong ibang wish mommy kundi maging healthy ka po. Ayaw po kitang makita
LIYANNA’S POV “Good morning, kuya. Nandito ba si Ate Cathy?” tanong ko sa asawa niya na palabas ngayon sa pintuan ng bahay nila. Sinadya kong agahan ang pagpunta dito sa bahay nila. “Good morning, Liya. Nasa loob ang ate mo, pumasok ka na lang.” nakangiti na sabi niya sa akin ni kuya. “Thank you po, pasok na po ako kuya.” “Sige, papasok na rin ako papunta sa office.” aniya sa akin, masipag si kuya dahil maliban sa pagiging politiko ay businessman rin siya. Pumasok ako, kaagad kong nakita si Cathy na pababa sa hagdan. Ngumiti ako sa kanya ng ubod ng tamis. Nakita ko na kumunot ang noo niya sa akin. Marahil ay nagtataka siya kung bakit ako narito ng ganito ka aga. “Bakit ka nandito? At bakit ang aga mo yata na pumunta dito?” Sunod-sunod na tanong niya sa akin. “Good morning ate, gusto ko lang personal na magpasalamat sa mga gamot. Sigurado ako na masarap na naman ang tulog ko. Maganda pala sa katawan ang vitamins na ‘yon. Sayang at walang nagbebenta sa US.” Saad ko sa kanya, kitan
LIYANNA’S POVHindi ako makapagtrabaho ng maayos. Iniisip ko kung ano ang gagawin ko. Nandoon rin ang kaba ko na baka palayasin niya nga si Pia may part ng puso ko na naawa ako sa anak nila. Sa totoo lang ay balewala lang sa akin ang sagot ko sa kanya na bibigyan ko siya ng chance. Pero dahil sa ginawa niya kanina at nakita ko na seryoso siya kaya napaisip ako bigla. Mukhang mapapasubo ako pero sa tingin ko ay magandang oppurtunity rin ito para sa mga plano ko.“Papasukin mo ako! Ano ba?! Bitawan mo nga ako!” May naririnig ako na sumisigaw mula sa labas ng office ko.“Ano ba?!” Sigaw pa nito ulit.Tumayo ako sa swivel chair ko para sana pumunta sa labas nang bigla bumukas ang pintuan ng opisina ko.“Sorry po, Ma’am.” Nakayukong sabi ni Jessica habang hinihila pa rin si Pia para hindi makapasok.“Okay na Jessica, iwan mo na kam—”“Bitawan mo na nga ako! Hindi mo ba ako kilala?!” Naiinis na bulyaw ni Pia sa sekretarya ko.“Wala kang karapatan na sigawan ang empleyado ko dito sa mismong o
LIYANNA’S POVHe kissed me. Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako sa labi. Nagulat ako pero never akong humalik sa kanya pabalik. Ayoko siyang bigyan ng pag-asa o kasiyahan. Ilang sandali pa ay binitawan niya ang labi ko. Tumingin siya sa ng diretso sa mga mata ko.Hindi ko matukoy ang emosyon na nakikita ko ngayon.“Hindi na ako mangangako, gagawin ko na lang. Please, give me another chance.” Mahina na sabi niya sa akin.Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at hindi na ako komportable. Umatras ako ng kaunti para makalayo sa kanya. Alam ko na naghihintay siya ng sagot ko.“Okay, pero sa mansiyon ako uuwi at pabalikin mo si Pia doon.” Sagot ko sa kanya.“No, hindi ko siya papabalikin doon.” Sagot niya sa akin.“Paano ang anak mo? Pabalikin mo siya, alam ko na hindi sanay ang anak mo sa ibang bahay.” Sabi ko sa kanya pero iba ang tunay na nasa loob ko.“Babe,” nag-aalangan na tawag niya sa akin.“Kung ayaw mo, hindi na ako uuwi sa bahay nila momm—"“Okay babe, gagawin ko.” mabilis na s
LIYANNA’S POVNgayon ako lilipat sa bahay nila mommy. Bigla kong naalala ang bahay namin ni Carlos noon. Ano kaya ang nangyari sa bahay na ‘yon? Pero naisip ko wala namang magandang mga memories doon. Hindi naging masaya dahil masalimuot ang mga nangyari sa akin sa bahay na ‘yon. Kaya wala rin akong maramdaman na panghihinayang. “Dito ba tayo,” sabi sa akin ni Carlos at kinalas ang suot ko na seatbelt. Inalalayan niya akong bumaba sa kotse.“Nandito ba si mommy?” Tanong ko sa kanya.“Wala pa yata siya may pinuntahan siya ngayon,” sagot niya sa akin.Habang umaakyat kami papunta sa magiging silid ko ay nakasalubong namin si Pia. Nakita ko ang gulat sa mukha niya. Hindi niya inaasahan na dito na rin ako titira. Alam ko na nag-aalala na ito kaagad. Ngayon na nandito na ako ay hindi na siya malayang makakakilos dito.“Anong ginagawa niya dito, Carlos?” tanong ni Pia.“Dito na siya titira,” sagot naman ni Carlos kay Pia.Ngumiti ako sa kanya. Inirapan niya ako. “Behave,” sabi ko sa kanya
LIYANNA’S POV“Gusto mo ba ng ice cream?” Tanong ko kay Precious. Nandito kami ngayon sa convenience store.“Opo tita,” sagot naman niya sa akin. Halata rin na excited siya.Lumingon ako kay Carlos at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Nakangiti rin siya kaya medyo nailang ako sa uri ng tingin niya. “Puwede ba siya sa ice cream?” Tanong ko sa kanya. Baka kasi mamaya bawal pala ang bata.“Wala namang bawal sa kanya,” nakangiti na sagot sa akin ni Carlos.“Mas okay na malinaw, dahil baka masisi na naman ako. Puwede mo ba siyang buhatin para makapili siya ng gusto niya?” utos ko sa kanya.Mabilis naman siyang lumapit sa amin. Binuhat niya ang bata at pinapili ng flavor na nais nito. Ganito ba siya sa anak niya? Malambing at mapagmahal? Kung si Mireya kaya ang kasama namin ngayon, ganito rin kaya siya? Nagbago na ba talaga siya? Kasi malayo na siya sa Carlos na kilala ko. “Babe,” tawag niya sa akin.“Bakit?” “Gusto mo rin ba ng ice cream?" Tanong niya sa akin.“Ayoko, gatas na lang ak
LIYANNA'S POV“Please, babe don't cry.” Malambing na sabi niya sa akin habang pinapatahan ako. Mas ginalingan ko kasi ang pag-iyak ko. Masasabi ko na papasa na akong best actress. He wiped my tears using his fingers and he smiled at me while doing it. “Ang arte,” narinig ko na sabi ni Cathy nang dumaan siya sa tabi namin.“Don’t mind her,” bulong ni Carlos sa tainga ko.“Sa room ko na lang kaya ako kakain,” mahinang sabi ko sa kanya. Pero syempre ginawa ko lang ‘yon para mas paburan nila ako.“Iha, umupo na kayo.” sabi sa amin ni mommy.“Mom, matanda na ‘yan sila. No need na sabihan pa, kung gusto nila kumain ay uupo ‘yan.” Naiinis na sabi ni Cathy.“Manahimik ka diyan Cathy. Hindi ka dapat ganyan kay Liya, ASAWA siya ng kapatid mo.” Sabi ni mommy sabay highlights nang salitang asawa.“Asawa ba niya ‘yan? Diba iniwan niya si Carlos?” Sarcastic na tanong pa ni Cathy kay mommy.“Kung wala magandang salita na lalabas diyan sa bibig mo, just shut up!” Galit na sabi ni Carlos sa kapatid ni
LIYANNA'S POV“Sabay na lang tayo, babe.”Nanigas ako sa kinatatayuan ko at biglang kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko ito napaghandaan. Hindi ko yata kaya, hindi ako prepared. Hindi ito kasama sa mga plano ko. Nanlalamig ang mga daliri ko sa paa.“S-Seryoso ka ba?” Nauutal na tanong ko sa kanya.“Oo,” mabilis na sagot niya sa akin kaya lalo akong kinabahan. Paano ako tatanggi sa kanya?“Hahaha! I'm just kidding, babe. Sige maliligo na rin ako sa room ko. Kita na na lang tayo sa baba.” Sabi niya sa akin at lumabas na dito sa banyo.Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko talaga ay seryoso siya. Naligo na ako paglabas ko sa banyo ay wala na sila pero nandito si Pia. Nahuli ko siyang hawak ang vitamins kuno na binigay sa akin ni Cathy.“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya.“Anong ginawa niyo kagabi? Hindi na ba kayo nahiya sa anak ko?!” Sigaw niya sa akin.“Tulog naman siya kaya hindi niya kami nakita.” Sagot ko sa kanya para lalo siyang mag-overthink.“Ang kapal mo! A