Hello po, gusto ko lang po magpasalamat sa lahat ng nag-add sa library ng story na ito. Sana po ay samahan niyo po ako hanggang sa dulo. Feel free to leave some comments and reviews. Thank you so much po, ingat po kayo palagi <3 <3 <3
LIYANNA’S POV“Alam mo sabihin mo na ang gusto mo sabihin!” Naiinis na sabi ko sa kanya, nakita ko namang parang kinakabahan ito.“We're still friends right?” Patanong na sagot niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. May kakaiba sa kanya na alam kung hindi totoo ang sinabi niya. “Ako ba pinagloloko mo? Alam mo sa sarili mo na kailan man hindi tayo magiging magkaibigan.” ” Naiinis na saad ko sa kanya. Alam ko na iba ang ibig niyang sabihin sa akin. “Kasi Liya…. We're still…” Hindi niya matuloy-tuloy ang dapat niyang sabihin sa akin. Ramdam ko na kabado talaga siya. Kahit ako nakakaramdam na rin ng kaba sa totoo lang.“Still what?” Galit na tanong ko sa kanya. Nauubos ang pasensya ko sa kanya.“Still married.” Sagot niya sa akin.“Still married.”“Still married.”“Still married.”Paulit-ulit na nagpiplay sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko pero…"A—Anong sinabi mo? Kasal? Kasal pa tayo?!” Hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya.“I didn't file the annul
LIYANNA’S POVNag check-out na ako at hinintay ko na lang si Charles sa lobby ng hotel. “Any update?” Tanong ko sa kausap ko sa phone.“Pagkatapos po nilang umalis ay lumipat lang sila sa ibang unit.” Sagot niya sa akin.“Okay, bantayan mo lang sila. At i-update mo ako kaagad.” sabi ko sa kanya.“Noted Ma’am.” Sagot niya sa akin. “Thank you.” Ibinaba ko na ang tawag akala yata ni Pia ay maiisahan na niya ako. Aasikasuhin ko rin siya kapag maayos ko na ang iba ko pang problema.Ilang sandali pa ay dumating na kaagad si Charles. Kaagad niya akong niyakap, nang tumingin ako sa harapan ko ay nakatayo si Carlos na masama ang tingin sa amin. Sinalubong ko ang tingin niya at hindi ko siya pinakitaan ng kahit na anong emosyon.“Are you okay? What happened?” Sunod-sunod na tanong ni Charles sa ‘kin.“Umuwi na tayo,” sagot ko lang sa kanya.“Bakit hindi mo sabihin sa kabit mo na kasal ka pa? At asawa mo pa rin ako.” Biglang nagsalita si Carlos.“What are you talking about?” Nagtatakang tanong
LIYANNA’S POV “Mom….” “Kasi anak….” Umiiyak na ngayon si Mommy. Alam ko na may nililihim talaga sila sa akin. “Ano ba talaga ang totoo mom? May tinatago ba kayo sa akin?” Umiiyak na rin na tanong ko sa kanya. “Ang totoo anak….. hindi na tayo ang tunay na may-ari ng kumpanya.” umiiyak na sagot sa akin ni mommy. “M–Mom, a–anong ibig niyong sabihin?” Hindi makapaniwala na tanong ko kay mommy. “Anak, twenty percent na lang ang shares na meron tayo sa company. Naalala mo ba noong umuwi kami dahil aayusin namin ang problema sa kumpanya. Ang totoo anak hindi kaya ng daddy mong ayusin ang problema at kinailangan namin na lumapit sa iba para manatili ang negosyo natin.” “Bakit hindi niyo sinabi sa akin?” Umiiyak na tanong ko sa kannya. “Dahil alam namin na nahihirapan ka at maselan ang pagbubuntis mo noon. At hindi namin nais na makakadagdag sa stress mo. Kaya mas pinili namin na ilihim sa ‘yo ang lahat. Dahil umaasa kami na mababawi pa namin pero nagkasakit naman ang daddy mo.” “Pero
LIYANNA’S POVHindi ko na lang binigyan pansin si Cathy. Pero napaisip ako bigla. Saan kaya pumunta si Charles? Pero mas mabuti na lumayo na siya sa akin, dahil masasaktan ko lang siya kapag manatili kaming ganito. Iwinaksi ko sa isipan ko ang tungkol sa kanila dahil mas may dapat akong pagtuunan ng pansin.Masaya akong pinapanood ang anak ko kasama ang kaibigan niya. Sa dami ng nangyayari sa buhay ko ay si Mireya ang lakas ko. Ngayon ko naiisip, paano kapag nalaman ni Carlos na may anak siya sa akin? Kukunin ba niya sa akin si Mireya? Paano kung gamitin na naman niya laban sa akin ang anak ko. Napatigil ako sa pag-iisip ng makita ko si Pia, kasama si Carlos at anak nila. Papasok rin sila dito sa palaruan. Larawan sila ng isang masayang pamilya. Nataranta ako bigla, pero pinilit kong ikalma ang sarili ko. Mabilis akong lumapit sa mga bata, kailangan naming lumayo dito.“Baby, we need to go now.” Sabi ko sa anak ko gamit ang malambing na boses.“Okay mommy,” nakangiting sagot sa akin n
LIYANNA’S POV Napangiti ako habang nakatingin sa sarili ko sa salamin. Hindi ito ang karaniwan kong ayos. Ang tagal kong nag decide kung alin ang isusuot ko. I want to look presentable and fierce kapag nakita ako ni Carlos. “Wow! Mommy you look so gorgeous,” puri sa akin ni Mireya habang pababa ako sa hagdanan. “Thank you baby, let’s go na baka malate kana sa school.” yaya ko sa kanya. “Okay mommy,” malambing na sabi niya bago kumapit sa kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa kotse ko. Malapit na pala ang birthday niya, three weeks from now ay kaarawan na ng anak ko. I can’t imagine na five years ko na siyang kasama. I don’t have plans for her birthday siguro ay tatanungin ko na lang siya. Every year ay simple lang ang kaarawan niya. Namasyal lang kami at nagblow lang siya ng cute na cake niya. Si Vena lang at ako ang laging nag-cecelebrate ng birthday ni Mireya. As much as possible, gusto kong sanayin si Mireya na maging simple lang. Kagaya ng pagpapalaki sa akin ng parent
LIYANNA’S POVGalit ko na nilisan ang opisina ni Carlos. Hindi ko pinansin ang mga tao sa paligid ko. Mabilis akong pumunta sa parking lot. Dumiretso na rin ako sa company namin. Pero habang nasa elevator ako ay ng nakatanggap ako ng tawag.“Yes, hello.” sagot ko sa tauhan ko.“Ma’am, update ko lang po kayo. Nandito po ulit si Pia sa condo unit na nilipatan nila. Hindi pa siya umalis hanggang ngayon.” Pagbibigay alam nito sa akin.“Okay, thank you for the update.”Ibinaba ko na ang tawag. Sino nga ba ang pinupuntahan doon ni Pia? Gusto ko man na alamin ngayon ay masyado akong maraming ginagawa. May meeting pa ako mamaya sa isang restaurant. “Jessica, saang restaurant ang meeting ko?” Tanong ko sa secretary ko ng makapasok na ako sa office ko.“Griffin’s Diner, Ma’am.” Sagot niya sa akin.“Okay thank you, tatawagin na lang kita kapag may kailangan ako.” Saad ko sa kanya.Ngumiti siya sa akin bago siya lumabas. Ipinagpatuloy ko ang trabaho ko. Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga gaan
LIYANNA’S POV“Ma'am, okay lang po ba kayo?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Jessica.“Okay lang ako, may kailangan ka ba?” Tanong ko sa kanya.“Gusto ko lang po kayo i-inform na naipadala ko na po ang papers kay Mrs. Yang.” Sagot niya sa akin.“Thank you Jessica, maaga akong uuwi ngayon. Ikaw na ang bahala dito sa office.” Saad ko sa kanya.“Okay Ma’am,” sagot niya sa akin at lumabas na siya.Napatingin ako sa phone ko. Biglang nagpop-up ang reminder sa calendar ko. Mabilis kong pinatay ang computer ko at nagmaneho ako papunta sa ospital.“You need to continue your medicine. Sundin mo ang lahat ng advice ng doktor mo. May nakita pa rin na mga trace ng gamot sa ‘yo. Medyo mahaba pa ang prosesong pagdadaanan mo. At wala kasiguraduhan kung tuluyan na bang mawawala ang mga ‘yon sa loob mo. Masyado niyang sinira ang ovary mo.” Malungkot na sabi sa akin ng doktor.Everytime na sinasabi sa akin ng doktor ang mga ganitong bagay ay hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Mahirap pa rin tanggapin p
LIYANNA’S POV “Pakiulit nga po kuya, sino nga ulit ang nasa labas?” Tanong ko ulit sa guard namin.“Carlos po, Ma’am.” sagot niya ulit sa akin. At doon ko nakumpirma na si Carlos nga talaga ang nasa labas ng bahay namin ngayon.“Huwag mo siyang papasukin kuya,” utos ko kay kuyang guard.“Sige po.” Sagot niya sa akin at lumabas na.“Yaya, isama mo muna si Mireya sa silid niya.” utos ko kay yaya. Oo may sariling silid si Mireya pero sa ngayon ay kami muna ang magkatabi matulog.“Si daddy po ba ang nasa labas mommy?” Biglang tanong sa akin ni Mireya. Napalunok ako at para bang nalunok ko ang dila ko. Pero sinubukan ko pa rin na sagutin ang anak ko.“Yes baby, siya nga. Sorry baby, patawarin mo ako pero hindi pa handa si momm–”“It’s okay po mommy, I understand po.” Biglang sabi niya sa akin.“Thank you anak.” parang iiyak na sambit ko sa kanya.Hinalikan ko muna siya bago sila umakyat sa taas. Nagpatuloy kaming kumain dahil alam ko na anytime ay susulpot si Carlos dito sa loob ng dining
CARLOS POVNoong isinama ako ng asawa ko sa loob ng delivery room ay grabe ang kaba ko. Nilalamig ang mga daliri ko sa paa ganun rin ang mga kamay ko. Ang makita na nahihirapan ang asawa ko ay parang torture sa akin. Doon ko lalong hinangaan at minahal ang asawa ko ganun rin ang mommy ko.Tumulo ang luha ko ng makita ko ang anak ko. Sobrang saya ng puso ko. Sa wakas ay naranasan ko ng maging isang ama, naranasan ko ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko. Kaya ipinangako ko sa aking sarili na ako ang mag-aalaga kay baby. Na kahit mapuyat ako ay gagawin ko ang lahat. Gusto kong bumawi sa mag-ina ko. Alam ko ang hirap niya sa pagbubuntis at ngayon nais ko na ako naman ang maghirap sa pag-aalaga. Hindi ko ito nagawa kay Mireya kaya bumabawi ako kay Baby Inzio. Kaya kong tiisin ang pagiging moody ng asawa ko. Nalaman ko na nangyayari pala talaga ito. Ang nagbabago ang ugali niya. Postpartum ang tawag nila kaya sinabi rin sa akin ni Dok na lawakan ko pa ang pag-unawa ko sa asawa ko dahil hi
LIYANNA'S POVHawak ni Carlos ang kamay ko. Pawis na pawis at ramdam ko ang sobrang sakit. Kung gaano ako nahihirapan ay ganun rin kalamig ang kamay ni Carlos. Ramdam ko na nilalabanan niya ang takot niya. "Uhmmmm.....!" Nakatikom ang bibig ko habang patuloy na umiire. Sabi kasi sa akin ni Dok ay mas makakakuha ako ng lakas kaysa sa sumigaw ako. Lahat ng sinasabi ni Dok ay ginagawa ko."1, 2, 3 push.." utos sa akin ni Dok na ginawa ko naman."Uhmmmmmm!" Tumutulo na ang luha ko sa mata ko. Pero naka-set na sa isipan ko na kahit anong mangyari ay ilalabas ko ang baby ko ng maayos. Ngayon ko naranasan ang hirap ng mag ina na iluwal ang kanilang mga anak. Normal delivery o cesarean delivery ay pareho na mahirap. Paulit-ulit ang utos sa akin ni Dok hanggang sa narinig ko ang iyak ng baby ko. "Congratulations, Liya." Sabi sa akin ni Dok."I love you," bulong ni Carlos sa tainga ko at nakita ko na umiiyak siya. Paulit-ulit rin niya akong hinalikan sa noo.Pagod na pagod ako pero sobrang
LIYANNA'S POVIto na ang pinakahihintay naming araw. Ang gender reveal party. Pagkagaling namin sa simbahan ay tumuloy kami sa venue. Napili nila sa open grounds. Hindi ko alam pero ang mga kaibigan ng asawa ko sa racing club ang may pakana. Gusto ko sana sa bahay na lang pero mas gusto daw nila doon.Pumayag naman ako dahil alam ko na namiss nilang mag-race. Hapon na ginanap para hindi gaanong mainit. "Kinakabahan ako, babe." Pabulong na sabi ni Carlos sa akin."Vava, dapat masaya ka. Kasi ito na pinakahihintay mo, natin. Sa wakas ay hindi kana magpupuyat, hahaha!" Pabiro na sabi ko sa kanya."Sorry, babe. Alam ko na napupuyat ka sa akin." Nakangisi na sabi niya sa akin."Hahaha! Sinusulit mo talaga dahil ilang buwan ka rin bago ka ulit makakapasok." Natatawa na sabi ko sa kanya."I love you and thank you for understanding me, for loving me and for carrying our child." Nakangiti na sabi niya sa akin."I love you too and I'm always willing to carry our child." Malambing na sagot ko s
LIYANNA'S POVMabilis na lumipas ang mga araw at halos hindi ko na namalayan. Nagising ako dahil naririnig ko ang asawa ko. Kaya mabilis akong pumunta sa banyo para silipin siya. "Vava, are you okay?" Nag-aalala na tanong ko sa asawa ko.Bigla na lang kasi itong nagsuka ngayong umaga. Hindi ko alam pero napansin ko na palagi siyang inaantok kaya isang linggo na siyang hindi pumapasok sa trabaho. "Nahihilo ako, babe. At nangangasim ang sikmura ko." Sagot niya sa akin."Magpacheck-up na kaya tayo?" Saad ko sa kanya."Okay lang ako, itutulog ko lang ito," sagot niya sa akin at mabilis na bumalik sa kama namin para matulog ulit.Inayos ko ang kumot niya at hinalikan ko siya sa labi. Lumabas naman ako sa silid namin para puntahan si Mireya at Prexie. Oo sa amin na nakatira si Prexie. Dahil hiniling rin niya kay daddy habang si Precious ay doon pa rin sa mansyon. Masaya ako dahil magkasundo ang dalawang bata. Nakakatuwa dahil si Prexie ang madalas ba nag-aasikaso kay Mireya. Pero may hil
LIYANNA'S POV"Babe, hindi ito totoo diba? Hindi pa patay si Ate?" Umiiyak na tanong sa akin ni Carlos."Vava," umiiyak ako at niyakap ko siya."Okay na siya eh, noong dinalaw ko siya ay nakangiti na siya at nakakausap na siya ng maayos. Hindi ito, hindi ito ang nais ko. Mahal na mahal ko ang ate ko, kahit na ano pa ang naging kasalanan niya." Umiiyak na saad sa akin ng asawa ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya."I'm sorry, alam ko na ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit naging ganun si ate. Sorry, Vava sana hinayaan ko na lang siya." Sabi ko sa kanya dahil sinisisi ko ang sarili ko."No, babe. It's not your fault, hindi mo kasalanan. Kagustuhan ito ni ate, nakakalungkot lang dahil tinapos niya na kaagad ang buhay niya." Saad sa akin ng asawa ko.Kaagad kaming umuwi sa Pilipinas dahil sa natanggap naming balita. Ate Cathy ended her own life. Nagpakamatay siya at nagluluksa ang buong pamilya namin. Kaya kahit na may magandang balita kami sa kanila ay hindi namin magawang s
LIYANNA'S POVHindi ko maintindihan ang mga cravings ko ngayon. Ibang-iba sa cravings ko noon kay Mireya. Alam ko na nahihirapan ang asawa ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kapag hindi niya naiibigay ang gusto ko ay mabilis na sumama ang loob ko. Sobrang maraming nangyayari sa akin lalo na sa ugali ko.Mabilis akong mainis sa kahit na maliit lang na bagay. Ang sabi ko ay uuwi na kami pero nagbago ang isip ko lalo na mabilis akong magalit tapos sobrang init pa sa Pilipinas. At masasabi ko rin na maganda rin talaga na dito na lang ako manganak dahil sa kakagaling ko pa lang naman sa sakit ko at under observation pa rin ako.Ngayon ang araw ng check-up ko. Actually hindi pa naman talaga sana ngayon kaya lang makulit lang talaga si Carlos. Kasama namin si Mireya dahil na rin sa wala siyang kasama sa bahay at excited rin itong marinig ang heartbeat ng kapatid niya.Pagdating namin sa hospital ay sobrang excited na ang mag-ama ko. Kahit na ako ay excited rin na marinig ang heartbeat
CARLOS' POV"Babe, wala namang santol na walang buto. Diba hindi ka naman kumakain ng ganun?" Sabi ko sa kanya. Never ko pa naman siyang nakita na kumain ng ganun."Gusto ko na ngayon, hanapan mo ako. Nakatikim na ako noong college tayo. Kaso may buto 'yon eh. Sinawsaw ko pa nga 'yon sa asin na may sili. Pero mas gusto ko na isawsaw sa ketchup. Vava, please." Malambing na sabi niya sa akin."Babe, hindi ko talaga alam kung may santol na walang buto at kung may santol ba dito sa Amerika." Sagot ko sa kanya.Nakita ko na malungkot na naman ito. Pero ano nga ba ang gagawin ko. Saan ba ako makakahanap ng ganun? Dahil hindi nga ako pamilyar sa ganoong prutas. Buti pa nga siya nakakain na ng ganun ako hindi pa."Babe, uwi na lang kaya tayo sa Pilipinas?" Tanong ko sa kanya."Ayoko, gusto ko dito. Sigurado ako na mainit na naman sa Pilipinas. Dito na lang muna tayo kapag five months na si baby ay saka na tayo umuwi. Pwede rin naman na dito na tayo manganak." Sagot naman niya sa akin.Napaisip
CARLOS' POVKakabalik ko lang dito sa US galing sa Pilipinas. May mga kailangan lang akong ayusin sa company. Sobrang excited ko pagkalapag pa lang ng eroplanong sinakyan ko ay gusto ko ng liparin makarating lang kaagad sa mag-ina ko. Ang masaya kong mood ay biglang napalitan ng lungkot. Sinabi niya kasi na mabaho ako. Mabilis ko naman inamoy ang sarili ko pero hindi naman. Sa totoo lang ay nagulat ako sa naging reaksyon at ang mga kinikilos niya. Nasaktan ako dahil nilalayuan niya ako. Mabilis siyang magalit at sensitive ang pang-amoy niya.Nilalawakan ko pa rin ang pag-unawa ko dahil alam ko na epekto lang ito ng mga gamot na iniinom niya. Alam ko rin na hindi naman niya ito sinasadya.May mga gusto siya na kapag hindi ko naibibigay ay kaagad na sumasama ang loob niya. Mabilis siyang umiyak at magdamdam. I tried my very best na igawa siya ng bibingka. But I failed pero laking gulat ko dahil sarap na sarap siya. Napilitan pa akong kainin ang ginawa ko. Tiniis kong ubusin kahit na ang
LIYANNA'S POV"Vava, gusto ko ng bibingka." Biglang sabi ko sa kanya. Bigla akong natakam sa tostadong bibingka na may itlog maalat."Babe, hindi ko alam kung meron dito ng bibingka. Wait, maghahanap ako." Sagot niya sa akin."Gusto ko ikaw mismo ang gumawa." Biglang sabi ko sa kanya."What?! Ako ang gagawa? Seryoso ka?" Gulat na gulat na tanong niya sa akin."Oo, tapos gawin mong tostada pero maputi." Nakangiti pa na sagot ko sa kanya."Babe, puwede naman na maghanap na lang ak—""Sumusuko kana agad. Di mo pa nga sinusubukan. Mas gusto ko na ikaw mismo ang gagawa mahirap ba 'yon?" Naiinis na sabi ko sa kanya."Babe, bakit kasi kailangan pang ako. Bakit ka ba ganyan? Kahapon halo-halo tapos ngayon bibingka naman.""Naging maselan na kasi ang panlasa ko. Sabi ni Doc nangyayari daw talaga 'yon. Pero kung ayaw mo ay okay lang naman. Hindi naman kita pinipilit." Parang naiiyak na sabi ko sa kanya."Okay gagawa na ako. Pero don't expect too much dahil hindi naman ako marunong sa mga ganiton