Chapter 22Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatago, natatakot na baka makita niya ako. Bakit kasi ngayon pa? Sa lahat ba naman ng kuwarto, rito pa talaga?Sh*t! Palapit na siya. Napapikit na lang ako nang mariin. Nag-iisip na ng isasagot ko sa kaniya sa oras na magtanong siya. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamun nang mag-ring ang telepono niya.Lumayo siya saglit upang sagutin iyon. Sinamantala ko naman ang pagkakataon upang makaalis. Dahan-dahan akong lumabas, panay ang lingon sa likuran. Nang makalayo ay tinakbo ko na ang kahabaan ng corridor. Dumiretso ako sa restroom upang huminga."N-Nandito siya," hindi makapaniwala kong sambit habang hinihingal na nakasandal sa likod ng pinto.Tiningnan ko ang sariling repleksyon sa malaking salamin sa lababo na nasa harapan ko, ilang metro lang ang layo. Wala sa sarili akong napangiti, kahit bakas sa mukha ang pagod.Ilang taon kong hindi narinig ng personal ang boses niya. Hindi ko itatanggi na na-miss ko siya. Gustuhin ko ma
Chapter 23"What?! Tama ba iyong narinig ko? Magtatrabaho ka sa ex mo?"Nahihiya akong tumango-tango. Na-i-stress naman siyang napalakad sa likuran ko."Gosh! Naloloka ka na ba? Paano kung apihin ka niya dahil sa ginawa mo sa kaniya? Alam kong mabuting tao si Kheious pero ikaw na rin ang nagsabi na nagbago na siya. Paano kung buntisin ka?""Grabe ka naman, Syn."Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya."Aba eh nabasa ko na iyang ganiyan. Paano kung malaman niya iyong tungkol sa anak ninyo? Tapos kunin sa 'yo? Anong ga—""Please, tama na, Syn. Hindi nakakatulong." Napahilot ako sa sintido."Kasi naman, beh, parang pabigla-bigla desisyon mo. Parang noong isang gabi lang todo iwas ka kay Kheious tapos ngayon sasabihin mo na magtatrabaho ka sa kaniya. At hindi lang basta trabaho, Personal Assistant pa niya.""Hindi lang naman siya ang pagsisilbihan ko kundi pati na rin iyong ibang members niya.""Kahit na." Nai-stress siyang napabalik sa upuan. "Pero sigurado ka na ba talaga? Baka nabibigl
Chapter 24"Oh, bakit ka tinawag?" tanong ni Lawrence na kakuwentuhan ko rito sa circular couch.Nakabusangot na lumapit sa amin si Aki."Ewan ko ba roon. Parang sira.""Anyare ba?""Huwag n'yo ng tanungin." Naupo siya sa pang-isahang couch at tumingin sa akin. "Punta ka raw roon."Napapitlag ako sa kinauupuan dahil sa sinabi niyang iyon."A-Ako?""Tawag ka.""Bakit daw?""Ewan. Basta papuntahin ka raw eh."Hindi ako gumalaw agad, nag-iisip kung pupunta dahil puno ako ng alinlangan."May pagkasuplado iyong leader namin pero mabait din iyon. Kailangan mo lang talagang habaan ang pasensya mo," pagpapalakas ni Lawrence sa loob ko."Maganda naman ang naging trabaho mo, Anaia, kaya hindi ka dapat kabahan. Malay mo may iuutos lang.""Sige na, punta ka na roon. Ayaw pa naman niyon na pinaghihintay siya nang matagal."Tumayo na ako at kabadong naglakad papunta roon. Hindi ko alam na mainipin na pala siya ngayon. Parang dati lang nahihintay niya ako nang matagal sa traba— basta. Ayoko na lang
Chapter 25WARNING: MATURED CONTENT⚠️Nanginginig ang mga kamay kong tinanggal isa-isa sa pagkakabutones ang damit ko. Walang emosyong nakatitig sa akin ang lalakeng prenteng nakaupo sa gitna ng mahabang sofa.Hindi ko alam kung paano ako umabot sa puntong ito. Dala marahil ng matinding pangangailangang pinansyal. Ngunit iyon nga lang ba talaga?"Are you just gonna stare at me?"Nahihiya akong lumapit."I already seen that, miss."I gulped before I kneeled on the sofa to straddled on his lap. Para akong napaso nang magdikit ang balat namin. I tilted my head to the side when he handed me that foil. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi malaman kung para saan iyon."Don't act like an innocent cat." He held my jaw to face him. "Pleasure me."Napalunok ako bago kumapit sa balikat niya. I kissed his neck that made him whimper. Naramdaman ko ang mga palad niya sa gilid ko. The heat invade my body that made me burn in desire. I sucked and licked his neck. I was already lost in sensation.N
Chapter 26"Mommy, lalabas na po ba talaga ako?""Oo, anak. Nakausap ko na ang doctor. Pwede raw na sa bahay mo na ituloy ang recovery.""Yeheey! Makikita ko na si Chi-chi."Nakangiti kong ginulo ang buhok niya bago tumayo upang kausapin si Syn. "Ikaw na muna bahala rito sa anak ko.""Saan ka punta?""Sa baba lang, ise-settle ang bill. Message na lang kita kapag pwede na kayong bumaba." Lumabas na ako at dumiretso sa elevator. Kaagad kong tinungo ang accounting upang magbayad."Hi, miss." Ini-slide ko papasok ang card ng anak ko. "Okay na po.""Huh? Paanong okay na?""May nagbayad na po.""Nagbayad? Sino?""Sorry pero hindi po nagpakilala eh.""Ganoon ba? Sige salamat." Wala sa sarili akong umalis sa lugar na iyon, iniisip kung sino ang nagbayad. "Malabo naman na siya iyon.""Bumaba na kami. Naiinip na itong isa eh. Ano okay na ba?""Um. Tara, labas na tayo." Hinawakan ko sa kamay ang anak ko at inakay na ito palabas. "Wait-- may nakalimutan pala ako. Mauna na kayo sa sasakyan."
Chapter 27"Kheious..." Tanging pangalan niya lamang ang nakaya kong sambitin matapos marinig ang kaniyang sinabi. Nakayuko siya paharap sa akin at bagsak ang balikat."Araw-araw sa tuwing uuwi ako... umaasa ako na nandoon ka at hinihintay ako." Sumikip lalo ang dibdib ko nang marinig iyon. "Pero tanging madilim na silid at nakakabinging katahimikan lang ang sa aki'y sumasalubong. Wala ka, Anaia. Hindi ka ulit umuwi. Tapos ngingiti lang ako sa gitna ng pag-iyak kasi paniniwalain ko ulit iyong sarili ko na bukas paggising ko nandito ka na kaso... kaso hindi eh. Iniwan mo ako.""I'm sorry...""Tingin mo ba noong tinapos mo iyong sa atin natapos na rin iyong sakit?""Kheious..." Lumapit ako at sinubukang hawakan ang kamay niya pero inilayo niya iyon.-Kheious' POV-"Ayusin mo naman. Nakailang practice na tayo ah!""Sorry po," nahihiya kong paghingi ng paumanhin sa dance instructor namin."Kung ganiyan ka nang ganiyan I don't think you deserve to be part of the group.""M-Mas pagbubutihi
Chapter 28Bigla akong nanlamig matapos marinig ang sinabi nito. Natulala lang ako sa cellphone at hindi kaagad na nakagalaw. Sumilip ako sa bintana at tinanaw ang batang nalampasan namin."Mang Fred, pakibalik po!""Sige po, sir.""Ano bang nangyayari?""Oo nga, bakit umaatras?"Hindi ko sila sinagot at bumaba na ng sasakyan. Kaagad din naman silang sumunod sa akin. Kabado kong nilapitan ang batang nakatalikod sa akin. Naka-school uniform pa ito at may suot na khaki na cap."Excuse me."Pumihit ito paharap at natulala ako nang makita siya."Bakit po?" takang tanong nito nang hindi ako kaagad na nakaimik."A-Anong ginagawa mo rito? May kasama ka ba?""May nakikita ka po ba?"Nalaglag ang panga ko sa naging sagot nito. Pilosopo siya na magalang."I mean bakit ka nandito?""Hanap ko mommy ko." Naglakad na ito palayo na kaagad naman naming sinundan."Sandali lang, bata, nasaan ba mommy mo?""Hahanapin ko po ba kung alam ko?""Kalma ka lang, dre. Alalahanin mo bata iyan." Tinapik-tapik pa
Chapter 29-Anaia's POV-Pauli-uli ako sa labas ng unit niya at hindi mapakali. Pakiramdam ko kasi ay may mali. Dito niya ako sa condo niya pinapunta at hindi sa room niya sa kompanya, na nangangahulugan lamang na hindi trabaho ang dahilan kung bakit niya ako ipinatawag. At kung anuman iyon ay hindi ko malalaman hangga't hindi ko siya nakakaharap.Napahinto ako sa paglakad nang makita siyang palapit na sa kinaroroonan ko. Malamig ang mga mata nitong ako'y tiningnan bago ini-slide ang card key sa pintuan upang iyon ay mabuksan. Pumasok siya sa loob at nagkusa naman akong sumunod."Anong kailangan mo at pinapunta mo pa ako rito?""Tingin mo?" pabalik na tanong ng lalakeng nakatalikod sa akin."At talagang panghuhulain mo pa ako? Kung wala kang importanteng sasabihin, aalis na lang ako." Tinalikuran ko na siya."Hawak ko na ang result ng DNA test."Napatigil ako sa paghakbang at para bang huminto saglit sa pagtibok ang aking puso. Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkagulat. Kabado akong pum
EpilogueFour Years Later..."Huwag takbo nang takbo baka mangadapa kayo," paalala ko sa dalawang bata na naghahabulan sa makipot na kusina.Naghahalo ako ng niluluto ko nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. "Good morning," bati ng asawa kong pinuyat ko kagabi. "Kumusta tulog mo?" tanong ko habang patuloy lang sa paghahalo. "Pinagod mo 'ko," sagot nito sa paos na boses. Natatawa kong pinatay ang kalan at pumihit paharap sa kaniya. I wrapped my arms around his neck and tipped toe to give him a good morning kiss on the lips. "Weak!" asar ko sabay pisil sa pisnge niya. "Kaya pala you passed out last night, huh?" Pinisil nito nang mahina ang ilong ko. Tumalikod na ako upang kumuha ng mga plato. "Hindi kaya!""Really?""Che! Maupo ka na roon. Maghahain na ako. Tawagin mo na rin ang mga bata nang makakain na tayo."Nagsuot lang ng shirt si Kheious tapos ay lumabas na ng kusina upang puntahan ang mga anak na naglalaro. Ako naman ay nag-umpisa ng ilatag ang mga plato't ku
Chapter 38Gulat akong napatayo sa sinabi nito. "S-Seryoso ka ba?" tanong ko dahil mukhang pabigla-bigla siya.Hinawakan ni Kheious ang kamay ko at tiningala ako. "Noon pa kita gustong tanungin... at noong ko pa dapat ginawa ito." Lumuhod siya sa harapan ko at inilabas ang singsing. "Kahit hindi ko pag-isipang mabuti... alam kong ikaw iyong babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ms. Cassianaia Noreen Servantes, will you marry me?""Yes," naiiyak kong sagot.Isinuot niya sa akin ang singsing at niyakap ako. Batid kong mahirap at nakakatakot dahil sa sitwasyon namin, pero hanggang kailan ba kami matatakot? Hindi pwedeng habang buhay na lang kaming magpapadala roon. Unfair man sa iba pero hindi ba't deserve din naman naming sumaya? Ilang taon din ang sinakripisyo namin para sa iba, and I think it's time para piliin naman namin ang mga sarili namin."OMG! So totoo nga?" kinikilig na pagkumpirma ni Syn nang ipakita ko sa video call ang singsing na suot ko. Nasa sala ako at kausap sila s
Chapter 37"Kaya kong gawin ang kahit ano pero hindi ang itanggi kayo. Ayoko ring kapag lumaki na si Kheious at nagkaisip, mapanuod niya iyong video at isiping tinanggi ko siya. Ayoko nun, Anaia. Ayaw kong maramdaman iyon ng anak natin.""Pero paano iyong pangarap mo?" umiiyak niyang tanong at mabilis kong tinuyo iyon."Natupad ko na, Anaia. Nagawa ko ng mag-perform sa malalaking entablado at harap ng libo-libong tao. I already pursued my endeavors. But all of that will be worthless without you and our son.""Kheious, mag-usap tayo," galit na pagtawag sa akin ng boss."Don't worry about me," nakangiti kong sabi at hinagkan siya sa noo.Tinanguan ako nung anim bago ako umalis. Kinausap nila ako ng pribado sa isang kuwarto. Um-echo ang boses nila sa apat na sulok niyon sa tindi ng galit at disappointment nila sa akin. I tried to stay in the group despite of the disrespect and inconsideration I got. Pero noong nadamay na ang mag-ina ko roon na ako hindi nakapagpigil."Kumusta?" salubong
Chapter 36"Mommy, bili tayo nun!" Hinatak ako ng anak ko sa stall ng mga chocolate."Sige pero kaunti lang ah. Baka saktan ka na naman ng ngipin." Hinawakan ko siyang mabuti dahil baka mawala.Masyadong malawak ang mall para maghanapan kami rito. Hindi kami nakapag-grocery nitong nakaraan dahil ilang araw din ang nilagi namin sa resort. Sakto naman na walang pasok si Kheious ngayon kaya sinamantala na namin na makapamili. Umuwi rin naman kami kaagad pagkatapos dahil marami pang gagawin.Balik trabaho na bukas kaya sinulit na namin ang araw na iyon. Gumawa kami ng hand paint naming tatlo tapos ay nagluto ng meryenda. Simple lang pero naging special dahil sila ang kasama ko. Kheious and I became more open to each other. Magkatuwang kami sa gawaing bahay at sa pag-aalaga kay Khoein."Teka hindi ka ba papasok?" tanong ni Kheious nang makitang hindi pa ako bihis."Masama raw pakiramdam ni Khoein. Dito na lang muna ako para may mag-aalaga sa kaniya. Hindi ko rin kayang iwan eh."Napuno ng
Chapter 35"B-Balik na muna ako sa loob. Baka hinahanap na ako ni Khoein." Naglakad na ako pabalik sa hotel upang makaiwas.Ano bang sinasabi niya na mahal niya pa rin ako? Minadali ko ang bawat hakbang. Akala ko makakalayo ako sa kaniya, pero ang gago sinundan pala ako. Pasara na ang elevator nang may kamay na biglang humarang doon."What are you doing here?" iritable kong tanong sa pumasok."We will talk," he replied coldly."Really, Kheious, in front of them?""What's wrong with that?""Hindi ka ba nag-iisip? Sinabi mo sa harap nilang lahat na mahal mo pa rin ako. Alam mo naman na bawal kang mag-girlfriend, 'di ba?""Pero hindi bawal sa amin ang magmahal. Mga tao lang din kami, Anaia."Natahimik ako sa sinabi niya. Bumukas ang pinto ng elevator at nagpatiuna na siya sa paglabas."Ano bang gusto mong mangyari, huh?" tanong ko sa lalakeng naglalakad nang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa. Huminto siya sa tapat ng isang pinto at sinamantala ko naman ang pagkakataon na iyon upang pumwe
Chapter 34Mabilis kaming napakalas sa isa't isa nang dumating ang mga kaibigan ni Kheious."Anaia, hiramin muna namin ah.""S-Sige." Ngumiti ako."Tara na, dre, Mayang gabi n'yo na lang ituloy iyan."Gosh! Nakita ba nila? Nang umalis sila ay umahon na rin ako dahil medyo nilalamig na rin. Dumiretso ako sa hotel room namin upang magbihis. Hanggang doon ay isip-isip ko ang ginawa niya-- kung bakit niya ako hinalikan. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Syn na nakaupo sa kama at palinga-linga sa paligid."Talagang twin bed?""Oo, kay Kheious tapos sa amin ng anak ko.""Ang weird n'yo. Pwede naman kayong magsama sa iisang kama ah.""Masikip na.""Aba edi dito mo sa kabilang kama ihiga anak mo.""Uunahin ko pa ba siya kaysa sa anak namin? D'yan siya."Kinuha ko ang blower at tinuyo ang buhok ko gamit iyon. "Ah basta ako hindi naniniwala na hindi kayo magtatabi mamaya.""Bahala ka. Teka, si Khoein pala?""Nabihisan ko na. Nandoon sa labas kasama ang daddy niya. Nag-iihaw sila ng barb
Chapter 33Nahihiya akong pumasok sa loob ng kotse niya. Sobrang tahimik ng aming naging byahe. Ibinaling ko na lang ang atensyon sa view sa labas ng bintana upang hindi ko masyadong maramdaman ang awkward na atmosphere sa paligid."Dadaan tayo sa drive thru for Khoein. Ikaw na ang mag-order," basag nito sa katahimikan."Sige," tugon ko nang hindi siya nililingon.Naipit kami sa traffic kaya naman mas tumagal tuloy ang aming naging byahe. Nangawit na ang leeg ko sa paglingon sa bintana kaya naman tumuwid na ako ng upo. Saktong andar naman ng sinasakyan namin dahil umusad na ang sasakyan na nasa unahan.Nilingon ko ang lalakeng nagmamaneneho sa tabi ko. Hindi ko itatanggi na mas gumwapo siya ngayon. He looked hotter and more attractive from this angle too because of his perfect jawline. Nakita kong binasa nito ang labi kasabay ng pagpihit sa manibela that made the veins in his hand and arm more visible.Wala sa sarili ko siyang tinitigan kasabay ng pagragasa ng mga alaala. Iyong mga mo
Chapter 32Natulala ako matapos niyang halikan kaya naman hindi ako agad na nakasagot."Uhm..." Ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin. "B-Bibihisan ko pa pala si Khoein."Nilampasan ko na siya at tinungo ang anak namin. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang nalaman na ganoon na pala ang paraan ng panggagamot ng paso sa dila. Hindi ko itatanggi na hindi ko iyon nagustuhan. Pero bakit ba niya ginawa iyon?"Mommy, are you okay?""Uhm, yes, baby.""Okay. Try mo 'to, Mommy." Inabot nito sa akin ang isa pang sasakyan.Nakipaglaro lang ako sa anak ko nang sa ganoon ay malihis ang isipin ko, ngunit pansamantala lang iyon dahil tinawag din kami ni Kheious sa kusina. Malamig na raw kasi ang cookies. Pumunta na kami ni Khoein doon upang kumain. Nang sumapit ang gabi ay sa iisang kama lamang kami natulog na para bang isang pamilya. Pero pamilya naman talaga kami, hindi ba?"Iba yata glow mo ngayon," sabi ni Syn na kaharap ko sa lamesa ngayon.Kababalik niya lang at nagpasundo siya s
Chapter 31"Kheious..."Ilang minuto na ang nakalipas ngunit ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. "Hmm?" tugon nito habang nakasubsob pa rin sa balikat ko."U-Uuwi kami."Pinihit niya ako paharap at mabilis na kinulong ang mukha ko sa kaniyang mga palad."Please?" pakiusap nito habang nakatitig sa akin ang nangungusap niyang mga mata.Sa huli ay pumayag ako na roon matulog. Hindi ko alam kung dahil naaawa ako sa kaniya o dahil marupok lang talaga ako at gusto lang din siyang makasama. Isa lang ang natitiyak ko, pinili ko ito kasi ito ang gusto ng puso ko. Dumistansya ako sa kaniya at sinubukang ibalik ang atensyon sa ginagawa. Sakto naman na may tumawag sa kaniya kaya nalihis din sa akin ang atensyon niya."Mommy." Lumapit sa akin ang anak kong kagigising.Inaantok nitong kinusot ang mata at tiningnan ang ginagawa ko."Mommy, is that a coffee?""Yes, baby. Do you want some?" He nodded his head, still sleepy. "Pero bawal pa sa 'yo coffee eh. Gusto mo ipagtimpla