Share

Chapter 29

Chapter 29

-Anaia's POV-

Pauli-uli ako sa labas ng unit niya at hindi mapakali. Pakiramdam ko kasi ay may mali. Dito niya ako sa condo niya pinapunta at hindi sa room niya sa kompanya, na nangangahulugan lamang na hindi trabaho ang dahilan kung bakit niya ako ipinatawag. At kung anuman iyon ay hindi ko malalaman hangga't hindi ko siya nakakaharap.

Napahinto ako sa paglakad nang makita siyang palapit na sa kinaroroonan ko. Malamig ang mga mata nitong ako'y tiningnan bago ini-slide ang card key sa pintuan upang iyon ay mabuksan. Pumasok siya sa loob at nagkusa naman akong sumunod.

"Anong kailangan mo at pinapunta mo pa ako rito?"

"Tingin mo?" pabalik na tanong ng lalakeng nakatalikod sa akin.

"At talagang panghuhulain mo pa ako? Kung wala kang importanteng sasabihin, aalis na lang ako." Tinalikuran ko na siya.

"Hawak ko na ang result ng DNA test."

Napatigil ako sa paghakbang at para bang huminto saglit sa pagtibok ang aking puso. Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkagulat. Kabado akong pum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status