Paggising ko kinaumagahan ay inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kuwarto ni Xzavier. Silver gray ang kulay nito at hindi siya masakit sa mata. "You're awake," napatingin naman ako sa may pintuan at nakita ko roon si Xzavier na nakasuot ng apron."Good morning." I greet. Ngumiti naman siya at saka lumakad papunta sa akin. "Good morning." Bati niya pabalik sabay halik sa labi ko."Gising na 'yong kambal?" Tanong ko, umiling naman siya."Gusto mong puntahan?" Tumango naman ako.Huminto kaming dalawa sa tapat ng purple na pintuan. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang may maalala ako."Matagal na ba ito rito?" Tukoy ko sa kuwarto ng kambal."Nope. Guest room lang ito noon pero noong time na malaman kong anak ko nga sila agad kong tinawagan ang isa sa tao ko para ayusin ang kuwartong ito." Sagot niya.Tumango na lang ako at pumasok na sa kuwarto ng kambal. Namangha ako nang makita kung gaano ito kalawak at kaganda. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kuwarto at may dalawang kama i
Maagang nagpaalam sa akin si Xzavier na papasok muna dahil may kailangan daw siyang i-meet na bagong kliyente."Ako na ang bahalang magsasabi sa kanila. Ingat ka, I love you." Nakangiting sabi ko."I love you, too." Tugon niya saka mabilis akong hinalikan sa labi bago siya sumakay ng sasakyan. Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan niya ay pumasok na ako sa loob para ipaghanda ng pagkain ang kambal. At nang matapos ay tumungo na ako ng kuwarto nila para sila ay gisingin."Nasaan po si papa?" Tanong ni Ainsley habang lumilinga sa paligid."May importante lang muna siyang pinuntahan, 'nak," sagot ko."Kailan po siya uuwi?" Tanong pa niya. "Mamaya, pero hindi ko alam kung anong oras." Sabi ko. "Kumain na kayo para makapaghugas na ako," saad ko sabay lapag ng gatas nila.Habang pinagmamasdan ko ang kambal sa pagkain ay may narinig akong nagdo-doorbell sa labas kaya naman nagpaalam muna ako sa kambal upang tignan kung sino 'yon."Ah hello po, sino po sila?" Magalang na tanong ko sa babaen
Maaga kaming nakarating ng kambal sa lugar kung saan namin kikitain si Lina."Mama, why Ninang Lina took so long?" Tanong sa akin ni Ainsley habang pinaglalaruan ang straw ng milkshake niya. "Darating na rin 'yon maya-maya, be patient, okay?" Nakanguso naman siyang tumango."Calli!" Hingal na hingal si Lina nang makalapit siya sa amin."Bakit hingal na hingal ka?" Tanong ko sa kaniya."Tumakbo ako kasi nasiraan 'yong taxi na sinasakyan ko." Sagot niya at saka binalingan ang kambal. "Hello, mga bebe! I have something for you!" Aniya at nilabas ang dalawang maliit na box saka binigay na sa kambal."Wow, thank you po!" Wika ng kambal at parehong hinalikan sa pisngi si Lina."You're always welcome, mga bebe ko." Aniya saka bumaling ulit sa akin. "May gift din ako para sa 'yo pero mamaya ko na ibibigay," saad niya.Lumipat kami ng lugar at ang pinili niya ay 'yong may palaruan sa loob para raw makapaglaro ang kambal at para maibigay na niya 'yong 'gift' niya kuno sa akin. "Ano ba kasi 'y
Pumasok muli kinabukasan sa trabaho si Xzavier. At gaya nga ng sabi niya ay araw-araw na pumupunta si Manang Carla rito sa bahay para maglinis.Hindi raw siya pupunta ng puwesto nila ngayon kaya naman dumito muna siya para may kasama at kakwentuhan ako."Kaedad mo lang po 'yong isang anak ko at mayroon na rin siya tatlong anak." Pagkwento niya.Nandito kami ngayon sa likod-bahay dahil naliligo na naman sa swimming pool ang kambal."Ilan po ang anak niyo?" Tanong ko."Dalawa po, 'yong panganay ko ay nasa ibang bansa kasama ang asawa niya." Sagot niya."Ah, so 'yong isang anak niyo lang po ang kasama niyo sa buhay?" Tanong ko pa."Opo. Eh ikaw po ba, may kapatid ka rin po ba?" Tumango naman ako."Actually, twin sister po pero wala na po siya ngayon eh. Baby pa lang kaming dalawa ay namatay na siya dahil nagkaroon na kumplikasyon ang puso niya." Sagot ko."Ay hala, pasensiya na po kayo at naitanong ko pa," paumanhin niya."It's okay po, matagal naman na po 'yon eh," ani ko.Magsasalita s
Paggising ko ay wala na sa tabi ko si Xzavier kaya naman inayos ko na ang higaan namin at nang matapos ay nagtungo na sa banyo para maghilamos. Nadatnan ko siyang nagluluto kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likod."Good morning," bati ko. Napa-aray naman ako nang matalsikan ako ng mantika."Patingin nga ako," chineck niya kung namumula ba o ano. "Ayos lang ako, hindi naman masakit eh," ika ko pero kita ko kung gaano ito kapula."Sit here, kukunin ko muna 'yong ointment," aniya at saglit akong iniwan sa kusina.Nakatitig lang ako sa kaniya habang marahan niyang pinapahiran ng ointment ang braso kong natalsikan ng mantika."Gwapo mo talaga," mariin akong napapikit nang masabi ko nang malakas 'yon. Shit naman eh, dapat sa utak ko lang sasabihin 'yon."I know, kaya nga baliw na baliw ka pa rin sa akin until now," hinampas ko naman ang braso niya."Ang kapal mo naman talaga eh 'no?" Ani ko."Hindi ba totoo?" Natatawang tanong niya sa akin."Hindi, kas
Nakabalot lang ako ng kumot nang magising ako. Napangiti na lang ako nang maalala ko 'yong nangyari kagabi. Mabuti na lang at nakainom ako ng pills bago kami umalis kahapon."Kailan siya ilalabas?" Napatingin ako sa terrace at nakita ko roon si Xzavier na tanging boxer lang ang suot. Nakatalikod siya sa akin kaya kitang-kita ko ang pamumula ng likod niya. Kawawa naman siya. Pero infairness, ang ganda pa rin ng likod niya kahit na punong-puno ng kalmot ang likod niya."Okay, tawagan mo na lang ulit ako kung kailan siya ilalabas para makapunta ako." Sabi nito sa kausap bago i-end ang call."Sino 'yong kausap mo?" Tanong ko."Isang maid ni mommy, they took her to the hospital dahil bigla na lang daw siyang nahimatay." Sagot niya.Tumango-tango naman ako. He walks closer to me and leaned over to give me a kiss on the lips. I held his nape to kiss him deeper.Nabitin naman ako nang huminto siya sa paghalik at humiwalay sa akin."Masakit pa ba?" Tanong niya, umiling naman ako. "Edi ready k
Nagluto muna ako ng pananghalian at hinayaan munang maglaro ang kambal sa sala. Habang nagluluto ako ay narinig kong may humintong sasakyan sa labas at maya-maya pa ay narinig ko nang sumigaw ng 'papa' si Ainsley."Wow! Thank you, papa!" Wika ng kambal."Where's your mom?" Dinig kong tanong ni Xzavier sa kambal."Nasa kitchen po, nagluluto." Sagot naman nila.Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng yabag palapit sa akin. Hinarap ko na si Xzavier bago pa siya makalapit sa akin."Nasaan ang pasalubong ko?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay.Dahan-dahan siyang lumakad palapit sa akin at bahagya siyang yumuko upang halikan ako. "That's my pasalubong for you." Mahina ko naman siyang tinulak. "Huwag mo akong kausapin." Kunwaring galit ako pero ang totoo ay ayaw kong ipakita sa kaniya na nakangiti ako."Hey, joke lang naman 'yon eh," "Ano ba, Xzavier! Kita mong may ginagawa ako eh, ang gulo mo." Papanindigan ko na itong galit-galitan ko, mamaya ko na siya susuyuin kung magtampo man si
"Xzav, I'm nervous.." ani ko habang nakatingin sa mataas na gusaling nasa harap namin.Kanina pa kami nakarating pero narito pa rin kami sa loob ng sasakyan. Buong buhay ko, never ko pang na-meet ang mommy ni Xzavier. Ngayon pa lang talaga.Napatingin naman ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko."Don't be, I'm with you kaya 'wag kang kabahan." Pangpalubag-loob niya. Pinilit kong ngumiti para hindi niya mahalata na kinakabahan pa rin ako."Let's go?" Huminga muna ako nang malalim bago tumango. Nakasunod lang ako sa likod ng tatlo habang papunta kami sa lobby nitong hospital. "Anong room number ni Elena Ventorina?" Rinig ko tanong niya sa nurse."Kaano-ano po kayo ng pasyente?" Tanong naman noong nurse. "She's my mother." Sagot naman ni Xzavier "Nasa room 307 po siya, third floor po," nag-thank you na lang kami roon sa nurse bago puntahan ang room ng mommy niya.Sumakay na kami ng elevator para mas mapabilis ang pagpunta namin sa third floor. Kung ano-ano ang ginagawa ko sa
"Xzav!" Itinigil ko muna ang ginagawa ko nang marinig ko ang tawag sa akin ni Elara."Yes, hon? Do you need something?" Tanong ko rito nang nakangiti."I want avocado.." she said while pouting. Fvck, she's so freaking cute!"Wala na tayong avocado eh," sabi ko. "Bili ka," parang batang tugon niya."Okay, you want to come?" I asked."Ayaw." Iling niya. "Isama mo na lang 'yong kambal kung gusto nila." She added. Tumango ako at hinalikan muna ang kaniyang noo bago magpaalam na magbibihis muna. She's six months pregnant at tatlong na buwan na lang ay ka-buwanan niya na."Twins, sama kayo?" Tanong ko sa dalawa kaya naman nahinto sila sa paglalaro sa IPad nila."Where po?" Ainsley asked."Mall." Mabilis naman silang bumaba ng kama."Yes po, sama kami!" Sabay na sabi nila."Let's go." Hindi ko na sila pinagbihis dahil mabilis lang naman kami."Hindi po sasama sa atin si mama?" Tanong ni Aislinn nang makasakay kami sa sasakyan."Nah. Ayaw niyang sumama eh." I answered.Nang makarating kami
This is the first time na ipapakilala ko si Elara kay mommy kaya kinabahan ako."Xzav, I'm nervous.." napatingin ako kay Elara at saka hinawakan ang kamay nito."Don't be, I'm with you kaya 'wag kang kabahan." Ngumiti siya pero halata namang pilit iyon.Lihim na lang akong ngumiti saka inaya na sila sa loob. Nang malaman namin ang kuwarto ni mommy ay agad na namin itong pinuntahan.'Yong kabang nararamdaman ko kanina ay bigla na lang naglaho nang makitang maayos ang pagsalubong ni mommy kina Elara.Nang mailabas namin si mommy ay kami na rin ang naghatid sa kaniya sa bahay niya. Habang pinagmamasdan kong nag-iikot-ikot si Elara sa kuwarto ay bigla na lang nag-ring ang telepono ko."Yes?" Sagot ko sa tawag.["Gusto raw po kayong maka-usap ni Engineer Santos tungkol sa susunod niyo project."] Sagot niya."Papunta na ako." Iniwan ko muna sina Elara kasama si Mommy. At nang makarating ako sa site ay agad kong tinungo ang office ni Wiliam."Gusto mo raw akong maka-usap?" Tanong ko sa kani
Xzavier's POVNoong una, hindi ako naniniwala sa pagmamahal. Dahil saksi ako sa nangyari sa mga magulang ko. Bata pa lang ako palagi ko na silang naririnig na nagsisigawan. Araw man o gabi, wala silang pinapalampas.Hanggang sa makatungtong na ako ng highschool, ganoon pa rin ang nangyayari sa kanila. Pero mas malala na ngayon dahil madalas kong nakikita si Dad na pinagbubuhatan ng kamay si mommy. I know masamang mangialam sa away nila pero sobra na eh, hindi na tama 'yong ganito. Ilang beses kong sinasabihan si mommy na hiwalayan na niya si Dad dahil hindi na maganda itong pagsasama nila. Masyado ng toxic. Pero ang palaging sagot niya sa akin ay hindi niya raw kayang mawala si Dad. Wala naman na akong magawa kundi ang hayaan na lang siya. Habang tumatagal ay palala nang palala ang away nila. Umabot na sa puntong tinutukan ni Dad si mommy ng baril. Matinding takot ang naramdaman ko noon kaya hindi ko nagawang protektahan at ipagtanggol si mommy.Hanggang sa napagdesisyonan na ni Dad
"Ang ganda mo naman, Calli, parang ikaw na yata 'yong ikakasal ah?" Inirapan ko na lang si Lina at pinagtuonan na lang ng pansin ang pag-aayos sa suot kong dress.Ngayong araw na ang sukatan ng dress kaya naman maaga pa lang ay narito na kami sa shop ni Ate Elaine dahil siya ang designer ng gown ni Lina at dress ng mga abay."Kailan niyo nga pala balak ikasal noong partner mo?" Tanong sa akin ni Ate Elaine. "Hindi pa po namin napag-uusapan ni Xzavier eh," sagot ko. "Don't worry, ate, ikaw agad ang tatawagan ko kapag may date na 'yong kasal namin." Dagdag ko pa."Sure 'yan ha?" Tumango naman ako."Calli, 'yong sundo nandiyan na sa labas." Sabay naman kaming napalingon ni Ate Elaine sa labas.At naroon na nga sa labas sina Xzavier at ang kambal."Anak niyo ba 'yong dalawang cute na batang 'yon?" Tanong ni Ate habang nakatingin sa kambal."Yes, ate." Sagot ko naman."Ang gaganda naman nila! No wonder na kayo talaga ang magulang nila." Aniya. Natawa na lang ako sa sinabi niya."Go, chang
Kinaumagahan, nauna akong nagising kaya naman malaya kong pinagmasdan ang maamong mukha ni Xzavier. Ang amo 'pag tulog pero halimaw 'pag gising lalo na kapag alam mo na. Napa-ayos naman ako ng higa nang maramdaman kong gumalaw siya."Good morning." Nakangiting bati ko sa kaniya. Mahina akong natawa nang makita nagulat siya noong makita ako."E-Elara? Y-You're here? For real?" Sunod-sunod na tanong niya."Oo nga," natatawang sagot ko.Napabalikwas naman siya at mabilis na yumakap sa baywang ko."I thought... I thought it was a dream," sabi niya.Nataranta naman ako nang marinig kong sumisinghot siya. Wait, umiiyak siya?"Woy, bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba na nandito ako?" Parang bata naman siyang umiling. "Then, why are you crying?" Tanong ko.Humiwalay siya sa akin at saka mabilis niyang tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kamay niya."Hindi lang ako makapaniwala na bumalik ka, na nandito ka na." Sagot niya. "Hindi mo alam kung gaano ako nagsisi noong malaman ko ang totoo, Elara. La
Matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid ay sa wakas nakarating na rin kami ng Pilipinas. Ginising ko na ang kambal nang makalapag na ang eroplanong sinasakyan namin.Pagka-baba namin ay tinext ko na si Lina na naka-land na 'yong eroplanong sinakyan namin. Nang mabasa ko 'yong reply niya at lumakad na kami palabas dahil naroon na raw sina Lina at Evan."Ninang Lina!" Tumakbo agad sina Ainsley palapit kay Lina nang makita nila ito."Hi, hello, mga bebe ko! Na-miss niyo ba ang ninang?" Dinig kong tanong niya sa mga ito."Super miss po!" Tugon naman ni Ainsley. Ginulo na lang niya ang buhok nila bago bumaling sa akin. "Kumusta naman ang buhay Australia?" Ani nito."Ayos lang naman," sagot ko naman."May nang-aano ba sa 'yo ro'n?" Bulong niya sa akin.Nagtaka naman ako. "Anong nang-aano?" "May Australian bang umaaligid sa 'yo roon?" Bigla na lang ako natawa nang maalala 'yong ginawa ng kambal. "Lah? Anong nangyari sa 'yo?" Umiling na lang ako saka kinewento 'yong nangyari dati n
Sa pagdaan ng mga araw ay maraming masasayang nangyari sa amin ng kambal. Katatapos lamang ng kanilang graduation noong nakaraang araw at parehas silang nasa top. Sobrang proud ako sa kanila kasi kahit na sa murang edad pa lang sila ay ang dami na nilang nakukuhang achievements.Next month na rin pala 'yong kasal ni Lina at may nahanap na rin si tita ng katulong niya sa shop. Maayos na rin 'yong flight namin next next week kaya wala na kaming poproblemahin pa."I'm so excited na, Linn!" Impit na sigaw ni Ainsley. "Me too! Super miss ko na sa Philippines eh." Segundo naman ni Aislinn. Napangiti naman ako sa kanilang dalawa habang gumagawa ako ng sandwich na meryenda nila. I'm sure hindi lang ang Pilipinas ang miss nila."Here's your sandwich na." Sabi ko sabay lapag ng pinggan sa harapan nila.Matamis naman silang ngumiti. "Thank you, mama!" Sabay nilang saad bago lantakan ang sandwich nila.Iniwan ko muna sila roon sa kusina at pumunta muna sa kuwarto. At saktong pagpasok ko ay naki
Two years later"Mama! Look, I got so many stars!" Tuwang-tuwang pinakita sa akin ni Ainsley ang braso niyang punong-puno ng stars na nakuha niya."Wow, good job! How about your sister?" Baling ko naman kay Aislinn na nasa likuran ni Ainsley. "She got stars too! Linn, show your stars to mama." Utos nito sa kapatid. Dahan-dahan namang lumapit sa akin si Aislinn at pinakita na rin sa akin ang brasong niyang punong-puno rin ng stars."Very good naman ang mga baby ko!" I said sabay pisil ng kanilang pisngi."Mama, we're not baby anymore!" Nakakunot ang noo'ng utas ni Ainsley. "Okay, okay. My angels na lang," ani ko."Punta na po kami sa kuwarto namin," ani Ainsley sabay halik sa akin. Ganoon din ang ginawa ni Aislinn. "Let's go, Linn. Let's do our homework na." Saad nito sa kapatid.Habang tumatagal ay napapansin kong mas lalong nagiging mahiyain si Aislinn. Simula noong dito na kami sa Australia tumira."Elara, are you okay? What's bothering you?" Nahinto ako sa iniisip ko nang magsa
Isang araw na ang lumipas simula noong maka-uwi kami. At sa loob ng isang araw na iyon ay wala man lang akong natanggap na text or tawag galing kay Xzavier. Pero hindi ko na inintindi 'yon.Marami na kaming ginagawa ngayon dahil last night na ni mama bukas. Ngayon na rin ang uwi noong panganay nilang kapatid na galing pang ibang bansa."Elara, ako na muna ang magbabantay sa mama mo, kumain ka na roon." Nilingon ko si tita."Iyong kambal po? Kumain na po ba sila?" Tanong ko, tumango naman siya."Kasabay nilang kumain sina Arnold at Lina kanina," sagot niya.Tipid naman akong napangiti. "Sige po, kayo na po muna ang bahala rito." Tumayo na ako at tumungo na sa kusina para kumain.Kaunti lang ang kinain ko dahil hindi naman ako gaanong gutom. "Mama!" Hingal na hingal na lumapit sa akin si Ainsley.Lumuhod ako upang magpantay kami at pinunasan ang pawis sa noo niya."Ano ba'ng ginawa mo at pawis na pawis ka?" Tanong ko rito."P'wede po kami sumama kay Tito Arnold?" Paalam niya at hindi