Damon's POVILANG minuto na rin akong nakatitig sa malayo habang iniisip ang sinabi ni Mang Ernesto. May problema si Luci sa utak? At bumalik sa pagkabata ang pag-iisip nito?Mula sa kawalan ay nilingon ko ang maliit na bahay kung nasaan ngayon ang asawa ko. Anong aksidente ang nangyari sa kaniya?"Anong nangyari sa iyo, Luci? Kailangan kong malaman."Lalapitan ko sana sina Mang Ernesto at Jojo na nag-uusap sa gilid, nang biglang lumabas mula sa kubo si Aling Guada. Banayad itong ngumiti sa akin at nagpakilala."Sir, ako ho si Guada, at anak ko si Laura. Pinagpahinga ko muna ang bata at pinatulog. Hindi maganda ang pakiramdam niya. Nagulat siya sa mga nangyari."Tumingin ako sa loob ng bahay nila. Gusto kong makita si Luci. Gusto ko na siyang isama sa akin paalis—ngayon din mismo. Pero sa nakikita kong kilos ng dalawang matanda, mukhang mahihirapan ako. Para bang iniisip ng mga ito na anak talaga nila ang asawa ko."Hijo, makikiusap sana ako sa iyo, hindi magagawa ng anak ko ang bagay
Damon's POVHUMINTO ako sa paglalakad nang marinig ang usapan nina Mang Ernesto. Pumunta ako dito sa kanila para personal na sunduin si Luci. Nasa likuran sila ng kubo at mukhang nagtatalo."Ako na lang! Kalokohan naman iyang gustong gawin ng lalaking iyan! Ano? 50k? May ganoon bang kamahal na relo? Ano iyon, ginto?""Ate Linda, wala akong ninanakaw."Malakas na kumabog ang dibdib ko nang marinig ang mababa at malambing na boses ni Luci. Kahit pananalita nito ay para nang bata."Oo, bunso. Alam ko, naniniwala ako sa iyo!""Anak, wala tayong magagawa. Natatakot ako na baka ipakulong niya ang kapatid mo kaya pumayag ako.""Pero itay naman, bakit kailangan si Laura pa? Baka naman iba na ang gusto niya! Iharap n'yo sa akin ang gagong iyan at patitikimin ko lang!""Linda, huminahon ka. Ang kapatid mo ang pinag-uusapan dito.""E hindi naman ninakaw ni Laura ang relo niya! Hindi magnanakaw si Laura! Baka nga nagsisinungaling pa ang lalaking iyan! Naniniwala ba talaga kayo sa kaniya?""Syempr
Damon's POV"Baby ko... "Mabilis akong tumayo at nilapitan si Luci. Nabitiwan niya ang librong hawak niya nang hawakan ko siya sa magkabilang braso."H-huwag hawak.""Buhay ang baby natin? Luci, nasaan ang baby natin?""Huwag mo akong hawakan.""Luci, please, tell me where's our baby? Nasaan ang anak natin!""N-nanay... nanay... ""Luci, ang baby natin, did it survive? Luci, please!""Nanay!""Laura?"Patakbong lumapit sa cottage ko si Carissa nang marinig nito kami. Diretso itong pumasok kaya bumitiw agad ako mula kay Luci."Carissa!" Yumakap agad si Luci kay Carissa nang malapitan ito, at saka tinuro ako. "Takot niya ako.""Anong nangyayari, Sir Damon? Bakit umiiyak si Laura?"Makailang ulit akong humugot ng hininga para punuin ng hangin ang dibdib ko. Bakit ba ngayon ko lang naalala ang tungkol sa pagbubuntis ni Luci? Ang tungkol sa baby namin na ni hindi ko nagawang paniwalaan noon?Tumingin ako kay Carissa at nakita itong inaalo si Luci. "May sinasabi siya kanina. Tungkol sa bab
Damon's POVPASADO alas-otso na ng umaga pero wala pa rin si Luci. Kanina pa ako naghihintay sa labas ng cottage dahil ngayon sana kami tutuloy sa bayan.Naupo ako sa tuktok ng baytang ng hagdan at muling inalala ang sinabi ni Carissa kahapon.Kasal na si Laura, at may anak na rin ito.Kailan ito ikinasal? Paano kung kinasal ito nang magkapalit sila ni Luci? Hindi ako makakapayag na may ibang lalaking magmay-ari sa kaniya.Nagdesisyon akong sunduin na sa kanila si Luci. Hindi na rin ako mapakali. Mabigat ang loob ko sa bawat oras na dumadaan.Malayo pa lang, narinig ko na ang mga boses na nagsisigawan mula kina Mang Ernesto."Mga patay-gutom! Mga makakapal ang mukha!""Lilibeth, sumusobra ka na. Wala kang karapatan pagsalitaan kami nang ganyan.""Anong wala? E, totoo naman! Makapal ang mga mukha ninyo! Ang lalakas ng loob n'yong mangutang, wala naman pala kayong pambayad! Tuwing may pera kayo, namimili lang kayo pero hindi n'yo magawang bayaran ang mga utang ninyo!""Hoy! Ang binibili
Damon's POVLUMABAS mula sa kubo si Aling Guada at lumapit sa amin. Hindi na agad mapakali ang mukha nito."Guada, pumasok ka na. Ako na ang bahala dito.""Hindi. Hindi puwede, Erning." Mula sa asawa nito ay bumaling sa akin ang babae. "Anong ibig n'yong sabihin kanina, sir? A-anong asawa mo si Laura? Nagmamakaawa ako, ipaliwanag mo po sa amin."Nagbuga ako ng hangin habang nakatingin sa nag-aalala nitong mukha. "Hindi ko alam kung paano siya napadpad dito, pero asawa ko siya. At hindi Laura ang pangalan niya kundi Luci.""Sir, imposible iyan. Anak namin si Laura. Hindi namin alam kung paano mo naisip na asawa mo siya pero—""Mukha ng asawa ko ang babaeng iyon! Sigurado akong siya ang asawa ko.""Hindi!" nagtaas ng boses si Aling Guada. "Anak ko si Laura! Anak ko siya!""Guada, huminahon ka.""Hindi, Erning. Anak ko iyon, anak ko!""Oo, anak natin si Laura. Huminahon ka na." Inilayo nito mula sa akin ang babae. "Linda, dalhin mo na sa loob ang inay mo. Pagpahingahin mo muna.""Inay, p
Damon's POVSA PANGALAWANG pagkakataon, para akong mababaliw nang isipin na wala na nga talaga si Luci. Na ito ang bangkay ng babaeng natagpuan namin noon at ito ang inilibing namin.Kung hindi... kung hindi ito si Luci, ano ang nakita ko kanina? Sigurado akong walang ganoong pilat ang asawa ko. At sapat nang patunay iyon para masabing ang babaeng palagi kong kasama ay ang anak nina Mang Ernesto at Aling Guada. Kahit sabihin pang taliwas ang nararamdaman ko.Siya si Laura, hindi ang aking asawa. Hindi ang Luci ko.***"Damon! Gising, Damon! Gising!"Naalimpungatan ako nang yugyugin ng kung sino ang balikat ko. Ang nakangiting mukha ni Luci ang bumungad sa akin."Luci?""Amoy alak!" Nagtakip ito ng ilong matapos ngumiwi.Matagal akong natigilan habang nakatitig sa mukha niya. Natawa ako kasabay nang pag-iling."Hindi nga pala ikaw si Luci. You're Laura."Tumango ito. "Ako Laura, hindi Luci."Tumayo ako at dumiretso sa shower. Buong gabi akong naglasing kagabi. Kung hindi pa ako ginisin
Damon's POVMARAHAN kong hinahaplos ang buhok ni Luci habang nakaupo sa gilid ng kama sa tabi niya.Ngayon, sigurado na akong siya ang asawa ko. Hindi siya si Laura, siya si Luci. Ngayong may patunay na ako, babawiin ko na siya. Maraming bagay akong gustong ihingi ng tawad, maraming bagay rin ang gusto kong gawin para sa kaniya. Lahat ng pinagsisihan kong hindi nagawa noon, magagawa ko na ngayon. Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang gumalaw ito dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin mula sa dagat. Unti-unting bumukas ang mga mata niya."Good morning." I smiled at her as I held her hand."D-Damon?""Yes? Are you hungry?"Nagtatakang bumangon ito kaya dumulas ang puting kumot mula sa hubad niyang katawan. I chuckled as I gave her my blue polo shirt. Pinasuot ko iyon sa kaniya at inakay siya papunta sa wooden table."Hindi ka galit?"Naupo ako sa silya at hinila siya paupo sa kandungan ko. "I'm sorry sa mga inasal. Wala ako sa sarili ko kahapon.""Hindi ka na g-galit?" Umiling siya
Damon's POVUMIBIS ako ng sasakyan nang marating ang bahay namin ni Luci. Sandali akong pumasok para kunin ang toothbrush na gamit noon ng asawa ko."Dumiretso ka na sa hospital. I need to get the DNA test result today." Inabot ko sa kaniya ang panyo kung nasaan ang toothbrush at ang isang strand ng buhok ni Luci na palihim kong kinuha kanina."Yes, sir."Nang mawala na sa paningin ko ang kotse nito, agad akong bumalik sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa built-in closet namin at binuksan ang jewelry box ni Luci."It's still here."Kinuha ko ang kwintas nito na kapareho ng kay Laura. Magkatulad na magkatulad ang dalawa. Gintong kwintas na may initials at mga pangalan nila.***"What are you doing here! I thought I told you to never show your face again!"Lumabas mula sa wooden doors ng malaking bahay si Tito Tobias. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin."I need to talk to you.""Well, I don't wanna talk to you. Ang kapal ng mukha mo! Matapos mong patayin ang anak ko?""This is