Thalia's POV "Thali, gising! Fuck! Gumising ka!" Mahinang tapik sa pisngi at paghikbi ang narinig ko na nagpabalik ng aking malay. Pabalikwas akong bumangon at sunod-sunod na umubo ng tubig alat. Mabilis akong niyakap nang kung sino. Buong akala ko, mamamatay na ako kanina. Pero nang makita ko ang naluluhang mukha ni Axel sa tabi ko, nakahinga ako nang maluwag. "Axel!" Humagulgol ako nang muli siyang mayakap. "You got your memories back?" "Why did you do that, huh? You almost died! Bakit kailangan mong gawin iyon!" galit niya akong pinagalitan pero wala akong pakialam. Kahit saan pa, susundan ko siya. "Natakot akong baka mawala ka ulit sa akin!" umiiyak kong tugon. Mahina siyang nagmura bago mabilis na tumayo at binuhat ako. Nagtataka ako sa ginawa niya, pero nang makita ang laylayan ng suot kong wedding dress, halos lumabo ang mga mata ko. Blood. Para akong pinanlamigan ng katawan. Mahabang oras ang tinakbo ni Axel para lang marating namin ang maliit na hospital sa bayang i
Thalia's POVPANAY ang pagpatak ng mga luha sa pisngi ko habang lulan ng sasakyan ni Adler at pabalik na ng Manila. Hindi ako makapaniwala sa nalaman."Is... Papa Tiago really dead?"Mula sa daan ay malungkot na tumingin sa akin si Adler. "Nakipaghabulan kami sa kalaban kagabi. Ang kapatid mismo ni Axel ang bumaril sa kaniya."Mariin akong pumikit. "Oh, God! Hanggang kailan ba niya ito gagawin? Si Papa Tiago! Gusto niya lang kaming protektahan!""Huwag ka nang umiyak, Thalia. Makakasama iyan sa bata."Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Adler. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata ko.Binuksan ni Adler ang compartment ng sasakyan niya at inabutan ako ng isang bottled water."Putlang-putla ka na. Drink it."Tinanggap ko ito at uminom nang kaunti. Kaunting oras pa, makakarating na kami sa Manila. Pero unti-unting hinihila ng antok ang kamalayan ko. Hindi ko alam kung dahil sa pagod, stress o matinding kalungkutan. Hanggang sa tuluyan na pala a
Thalia's POV"Itigil mo na ito, Adler! Walang magandang maidudulot ang paghihiganti!"Nginisian niya ako. "Nasasabi mo lang iyan dahil hindi pamilya n'yo ang nasira at nagdusa. Hindi ikaw ang nawalan ng magulang. Hindi mo pinagdaanan ang lahat nang pinagdaanan namin!""Muntik nang masira ang pamilya namin dahil kay Tita Dayana! Ilang beses nalagay ang buhay namin sa peligro nang dahil sa iyo! At nawalan ako ng anak!" Tuluyan akong humagulgol.Natigilan siya bigla. Salubong ang kilay na bumaba ang paningin niya sa tiyan ko."Nakunan ka?""Nang dahil sa inyo! You killed my unborn baby! You killed her!"Inis na ibinaba niya ang baril. Malakas siyang nagmura matapos pumikit. Ilang sandali lang, itinuro na niya si Anna."Ibigay mo sa akin ang batang iyan.""H-hindi!" Mabilis kong tinago sa likuran ko ang bata."Ibigay mo sa akin ang bata!""Anong gagawin mo sa kaniya!""Kung ayaw mong pati ang batang iyan, patayin ko, ibigay mo siya sa akin!""No! Huwag kang lalapit!"Tumigil siya sa pagla
Axel's POV MATAGAL akong nakatitig sa naluluhang mukha ng taong tinuring na naming pangalawang ina mula nang mawala ang aming mga magulang. Kahit na panay buhos ang mga luha sa pisngi niya, masaya siyang nakangiti sa akin. "I'm so proud of you, Axel. I'm sorry I wasn't there for the three of you. I'm so sorry." Umiling ako at hinawakan ang kamay niya. "We are forever thankful to you, Ate Dayana. Marami kang sinakripisyo para sa amin." "Hindi ako naging mabuting ate. Pinabayaan ko kayo. Hindi ako naging magandang ehemplo, kaya napariwara si Adler." "No, don't blame yourself. Pinili niyang maging ganoon. Marami siyang pagkakataon para magbago, pero mas ginusto niyang magpalamon sa galit. And it's not your fault. You did everything you can for him. It's not our fault." Minsan, wala sa iba ang kasalanan kung bakit nagiging halimaw ang isang tao. Minsan, sarili natin ang dahilan kung bakit nagiging masama tayo. Dahil lahat ng desisyon, tayo ang gumawa. Tayo ang pumili. Pareho kaming
BlurbAng sabi nila, ang kasal ay para sa dalawang taong nagmamahalan. Pero paano kung isa lang ang nagmamahal sa inyong dalawa?Malaking kasalanan ang ginawa ni Dianne para makuha ang lalaking matagal na niyang iniibig.Eros and Thalia—the man of her dreams and her own sister—are getting married. Hindi niya ito matanggap, kaya para makuha ang binata, ibinigay niya ang sarili at sapilitan itong pinakasalan.What she thought was the start of their love story—was actually the beginning of her nightmares. Hindi siya matanggap ni Eros bilang asawa kaya ginawa nito ang lahat upang maging miserable ang buhay niya.Lagi siyang sinasaktan at pinagsasalitaan nito nang masama. Pero sa kabila ng lahat ng sugat at sakit na ibinigay ng lalaki, pinanindigan niya ang pagpapakasal dito.She did not give up—not until his mistress came to the picture. She lost their unborn baby, and instead of mourning with her, Eros left with his mistress.And she let him.This time, Dianne finally had enough. But whe
Dianne's POVMABILIS akong tumayo nang makitang lumabas mula sa isang pintuan si Susan. Nakahalukipkip ito at mukhang iritado. Lumapit siya sa akin nang nakaarko ang mga kilay.Bumaba ang paningin ko sa kabuuan niya. Nakasuot siya ng crop top at shorts na sa sobrang ikli, halos kita na ang mga singit niya."Puwede ba kitang makausap?""Nag-uusap na tayo," maldita niyang sagot na ikinainis ko.Huminga ako nang malalim at pilit hindi pinahalata sa kaniya ang inis na nararamdaman ko. I walked closer to her and looked at her with pleading eyes."Layuan mo na ang asawa ko. Nakikiusap ako sa iyo."Tinawanan niya lang ako sa paraang nang-iinsulto. "Huwag ako ang sabihin mo niyan. Si Eros ang hindi maka-get over sa akin.""Huwag mong baliktarin ang sitwasyon!" tatalikuran niya sana ako pero natigilan siya sa sinabi ko. "Kilala ka na ng lahat. You're a gold-digger. A bitch. Kabit ng bayan. Alam kong pera lang ang habol mo sa asawa ko!"Mahigit dalawang oras akong naghintay sa sala ng bahay niy
Dianne's POV "Hindi mo na siguro uulitin ang ginawa mo?"Mula sa egg and bacon, nag-angat ako ng paningin sa seryosong mukha ni Eros. Nagkakape siya habang may nakaipit na sigarilyo sa dalawang daliri."Hindi na," matipid kong tugon.Pinagpatuloy ko ang pagkain habang abalang nakatutok ang mga mata ni Eros sa laptop niya."Sa susunod na pagbubuhatan mo ng kamay si Susan, hindi na ako magiging mabait sa iyo.""Kailan ka ba naging mabait sa akin?"Pareho kaming nag-angat ng mukha at nagkatinginan sa nasabi ko. Hindi ko rin inaasahan na lalabas iyon sa bibig ko."Sumasagot ka?"I swallowed when I felt a lump in my throat. "Bata ba ako para hindi puwedeng sumagot?""Dianne!" Malakas niyang hinampas ang kamay sa ibabaw ng mesa kaya mabilis akong tumingin ulit sa plato ko.Binalot uli kami ng katahimikan pagkatapos no'n. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya pinaglalaruan ko na lang ang pagkain sa plato ko."Mag-sorry ka kay Susan.""What?" Namimilog ang mga matang tumingin ako sa kaniya."
Dianne's POV HINANDA ko na ang sarili ko habang nakaupo sa malaking sofa sa malawak na living area ng bahay namin.I don't care whatever happens to that bitch—o kahit masira pa ang pangalan ko. Basta galit ako at gusto kong gumanti sa babaeng iyon!Mula sa kawalan, bumaba ang paningin ko sa cellphone kong nasa ibabaw ng coffee table. Kanina pa ito ring nang ring. Daddy and his secretary has been calling me nonstop but I'm not picking up and I don't have any plans to answer their calls.Dinampot ko ang wine glass na katabi lang ng cellphone ko at saka inubos ang laman nito. I needed a drink. Sigurado akong malaking gulo na naman ang mangyayari mamaya."Ma'am, nandiyan na si Sir." Puno ng pag-aalala ang buong mukha ni Ate Aba nang makalapit ito sa akin."Doon ka na muna sa kuwarto mo, ate.""Pero ma'am, paano ka?""I'm okay. I'll handle this."Pag-aalala at takot ang makikita sa mukha niya at halatang ayaw niyang sumunod sa akin, pero sa huli, wala siyang nagawa kundi tanguan ako. Ayaw