Chapter 46Parang tinambol ang dibdib ni Yvonne matapos marinig ang hinaing ng kaniyang anak. Sa tatlo niyang kambal, si Yhler ang pinakamaamo ang pinaka-tahimik at pinaka-maobserba sa kanilang tatlo. Ito ang unang beses na nakita niya ito na ganito kagalit sa kaniya. Hindi niya ito masisisi. Sapagkat nakapalaki ng kaniyang kasalanan. “Umalis na rin naman kayo ’di ba? H’wag na rin kayong bumalik, hindi na kailangan. We’re fine with you here.” Matapos nitong sabihin iyon patakbo itong umalis. Hindi na nagkaroon pa ng lakas si Yvonne para habulin ito sapagkat nanghihina ang mga tuhod niya. “I’m sorry, I'm sorry,” Iyan na lamang ang nasambit niya. ***Isang napakahabang pagbuntong hininga ang pinakawalan ni Yvonne. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa headrest nang kinauupuang sofa. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang sinabi ni Y. Kahit pa ilang araw na ang nakalipas ay nasasaktan pa rin siya sa mga sinabi ng kaniyang anak. “I deserve it," aniya sa sarili. Itinigil na rin kasi
Chapter 47“M-Mom . . . ” Hindi galit na emosyon, o ’di kaya naman ay puno ng sama ng loob na mga mata ang natanggap ni Yvonne mula sa kaniyang anak. Sa halip ay mga tinging puno ng pangungulila. Kitang-kita niya kung paano nanghina at lumamlam ang mga mata ni Xyler. Dali-dali itong hinila ni Yvonne palabas. Walang pakialam sa naiwang gamit. Dinala niya si Xyler sa loob ng kaniyang kotse. At doon ay mahigpit niyang yinakap ang binata. Nanatili silang ganon ng mga ilang minuto. Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Tanging mahihinang hikbi lamang ni Yvonne at ang tunog na nagmumula sa paghagod ni X sa kaniyang likod para patahanin. Ilang sandali pa at humiwalay din si Yvonne mula sa pagkakayakap. “How are you? Ayos lamang ba kayo ng mga kapatid mo? Hindi mo naman kinalimutan ang naging bilin ko hindi ba?” pambungad na tanong ni Yvonne. Tumango si X at saka tipid na ngumiti. Sa tatlo niyang anak si X lamang ang nakakaalam ng lahat. Ito lamang ang kaniyang sinabihan sapagkat alam n
Chapter 48Ibinaba ni Yvonne ang hawak niyang dyaryo. Mabilis niyang minatahan ang isang binatang hila-hila ang isang maleta. Mayroon itong neck pillow at nakasuot pa ng sunglasses kahit pa madaling araw pa lamang naman. “I’m back Philippines!” maligayang maligaya nitong hiyaw, walang hiya-hiya kahit pa pinagtitinginan na siya nang mga taong lumalabas at pumapasok sa loob ng airport. Lihim na napangiti si Yvonne. Wala pa ring pinagbago ang kaniyang bunso. Kahit kailan ay maingay pa rin ito. “Ano naman iyang ginagawa mo?” Isang mahinang batok ang natanggap ni Z mula sa isang bagong dating na binata. Hindi ito pamilyar kay Yvonne, ngunit singkit ito at mahahalata ang pagkakaroon ng dugong Chinese. “Sorry na, nadala lang ng damdamin.” Nakangusong sagot ni Z rito bago sila nagpatuloy sa paglalakad. Hindi hinayaan ni Yvonne na mawala sila sa kaniyang mga mata. Dali-dali siyang tumayo mula sa kinauupuang bench, at saka sumunod sa mga ito. Pinanatili lamang niya ang distansya para siy
Chapter 49“Mico! Anong ginagawa mo?” Iyan ang singhal ni Yvonne sa kaniyang kuya na patuloy lamang sa pagatake sa kaniya. Walang pagaalinlangan ang pagwawasiwas nito sa hawak na machete. Tila ba ay wala ito sa sarili sapagkat parang hindi siya nito kilala. Sinipa niya ito sa tiyan dahilan para matumba ito at tumilapon ang hawak na armas, wala siyang sinayang na oras at kaagad niya itong paibabawan. “Anong nangyayari sa ’yo?” hiyaw na rito bago malakas na sinampal ang lalaki. Tila wala itong pakialam, sa halip ay pwersahan siya nitong binuhat at saka tumayo para siya ay ibalibag. Mabilis na naiikot ni Yvonne ang kaniyang katawan kaya’t hindi naging ganoon kalakas ang impact nang kaniyang pagtilapon. “Wala ng sense pa ang kausapin mo siya, Hernandez. Sarado ang tainga ng kuya mo ngayon, hawak ko siya at wala ka ng magagawa pa!” tumatawang ani ng babaeng naka-suot nang clown na maskara. “Manahimik ka!” asik ni Yvonne pabalik dito. At saka inilagan ang mga suntok ng kapatid. Nags
Chapter 50Pinagpalit ni Yvonne ang naka-dekwatrong paa, ngayon ay ang kanang paa naman niya ang nakapatong sa kaliwa. Ilang sandali pa ay ibinalik niya iyon sa dating pwesto, she then tapped her toes on the floor. “Tita Yvonne? Ikaw ba talaga ’yan?” Tumaas ang isang kilay ni Yvonne at saka binalingan ang katabi niyang si Michelle. Pinakatitigan niya ito mula ulo hanggang paa. “Dalaga ka na,” komento niya.Napairap si Michelle dahil sa ginawang pagsasawalang bahala ni Yvonne sa kaniyang sinabi. “Nagulat kami nang bigla kayong nawala, I can still remember how Z cried at that time. Hindi nga siya mapatahan ni Mommy eh.” Napaiwas ng tingin si Yvonne dahil sa sinambit nito. “I know,” tipid niyang tugon. Dumaan ang mahabang katahimikan matapos noon. Napakamot sa kaniyang batok si Michelle sapagkat inuna na naman niya ang tabil ng dila niya. She knows that she shouldn't have said that. Ilang sandali pa at nabasag ang katahimikan nang lumabas mula sa kwarto ang doctor na nagasikaso kay
Chapter 51“A-Aray!” Pagrereklamo ni Liam nang pabalya siyang bitawan ni Yvonne at siya ay tumama sa pasong nakatayo sa veranda na siya namang nabasag nang madaganan niya.“Wala akong panahon sa ’yo. Umalis ka na kung p’wede lang, bago ko baliin sa dalawa iyang leeg mo.” Marahas na isinara ni Yvonne ang pintuan ng veranda. Mabilis namang bumangon si Liam at saka humabol ngunit naisara na ng babae ang pinto ng tuluyan. “I just want to talk! Hey! May importante akong sasabihin sa ’yo!” Hiyaw ni Liam habang kinakatok ang pintuan ng veranda. Inis na napakamot sa kaniyang ulo si Liam nang hindi manlang siya tapunan ni Yvonne ng tingin at sa halip ay pinagsarhan siya ng kurtina. “It’s about your sister, Luna!” Nagpantig ang tainga ni Yvonne. Sandali siyang natigilan ngunit kaagad ding nakabawi. “Wala akong pakialam sa babaeng ’yon,” bulong ni Yvonne sa sarili. Naglakad na siya patungo sa pinto at akmang bubuksan na iyon para makalabas. Ngunit bago pa man niya iyon mabuksan ay isang
Chapter 52Madadama ang tensyon sa buong lugar. Hindi malaman ni Mico kung sino ang kaniyang lalapitan sa dalawa. Kilala niya si Yvonne at alam niya ang ugali nito. Nakangiti man ito pero alam niyang may galit sa likod noon. Hindi niya alam ang dahilan kaya naman sa huli ay nilapitan niya ang dalawa at saka inilayo si Luna sa kapatid. “Magsisimula na, nariyan na ang Pari,” pamamagitan niya sa dalawa. Kaniyang hinawakan ang braso ni Yvonne at sa iginaya ito sa bakanteng upuan katabi ni Lorraine. “What’s gotten into you?” nagaalalang tanong ni Mico sa kapatid. Naging malalim ang pagbuntong hininga ni Yvonne, senyales na naiinis ito sa puntong iyon. “I’ll tell you later.” Tango na lamang ang isinagot ni Mico. Lumipas ang ilang sandali at hindi rin nagtagal ay natapos ang pag-seseremonyas ng pari. Kani-kaniya ang ginawang paghuhulog ng bulaklak sa kabaong na hindi kalaunan ay tinabunan na rin ng lupa. “Kagigising mo lang, nakakunot na kaagad iyang noo mo,” pagbasag ni Mico sa tensy
Chapter 53Napahilot na lamang sa kaniyang sintido si Yvonne. Kauuwi lamang niya sa kaniyang tinutuluyan at naiinis siya sapagkat wala siyang nahita sa kaniyang pinuntahan. Hindi niya inakalang ganoon pala ang naging kalagayan ni Antonio Blaciado, ang sinasabing naging nobyo ni Luna. Balak pa naman niya itong makausap para makuhaan ng impormasyon. Wala namang siyang napala. “Ano na naman problema mo? Kulang na lang ay singhutin mo na lahat ng hangin dito dahil diyan sa kaka-buntong hininga mo.” Mabilis na nabaling ang paningin ni Yvonne sa pintuan ng kaniyang kwarto. Naroon at nakasandal sa hamba ng pinto ang kaniyang kuya. “Kailan ba ’ko nawalan ng problema? Siya nga pala, bakit narito ka?” Napaismid si Mico dahil sa sinabi niya. “Bakit? Hindi ba ako welcome dito?” Pagirap lang ang isinagot ni Yvonne. Binato niya ng unan si Mico nang sandaling maupo ito sa maliit na lamesa na siyang katabi ng kama niya. “May sasabihin ka hindi ba? Why don't you tell it to me now, tutal naman a