Chapter 44(Back to present) Magkasalikop ang mga braso ni Yvonne sa harapan ng kaniyang dibdib, seryoso lamang ang kaniyang ekspresyon habang kinakausap ni Roi ang mga miyembro ng El Dorado. Isang linggo na ang lumipas mula noong mangyaring mapatay niya si Mi-ho sa nangyaring paglalaban nilang dalawa. Nakabalik na rin sila mula sa isla at kasalukuyang nasa mansion ni Yvonne. Kumakamot sa kaniyang ulo si Roi. Namomroblema habang nakikipag-pakiusapan sa mga miyembro ng El Dorado patungkol sa nangyaring paglabag sa batas na sinusunod nila. Nakasaad kasi sa batas na iyon na pupwedeng gawin ng nakabili ang kahit na anong gustuhin nito sa item na kanilang nabili sa auction tao man iyon o bagay, ngunit kapag tao marapat lamang na maibalik ito ng kahit papaano ay humihinga pa rin at may buhay. “¿Qué pasó con el artículo? ¿Cómo murió? (What happened to the item? How did he die?)” May halong inis na wika ng isang miyembro nang El Dorado. Ngayon na rin kasi ang huling araw para sa isang bu
Chapter 45Lumilikha nang tunog ang naging pagkaskas ng maleta sa kongkretong sahig sa tuwing iyon ay gumugulong. Mabagal at tama lamang ang paglalakad ni Yvonne habang siya ay papasok sa loob nang airport. Ilang sandali pa bago pa man siya makalapit sa checking station ay nakita niya si Roi. “You’re quite happy,” komento nito bago iniabot ang ticket sa kaniya. “Be careful and enjoy your trip, ma'am.” Tumango si Yvonne rito. “You too be careful, I don't know when I'm going back.” Sumilay ang isang matamis na ngiti kay Roi. Kumaway na ito sa kaniya nang mapagpasiyahan niyang magpatuloy. Hindi nagtagal ay nakasakay na rin siya sa eroplano. First class ang kaniyang upuan kaya naman naging smooth lamang ang pakiramdam niya sa biyahe. Kumportable niyang inihiga ang sarili sa naibababang upuan, at saka tumitig sa labas ng bintana tinatanaw ang mga nadadaanang gusali at mga bahay sa ibaba.Bakasyon. Iyan ang alam ni Roi na dahilan kung bakit siya pupunta sa pilipinas. Hindi nito alam a
Chapter 46Parang tinambol ang dibdib ni Yvonne matapos marinig ang hinaing ng kaniyang anak. Sa tatlo niyang kambal, si Yhler ang pinakamaamo ang pinaka-tahimik at pinaka-maobserba sa kanilang tatlo. Ito ang unang beses na nakita niya ito na ganito kagalit sa kaniya. Hindi niya ito masisisi. Sapagkat nakapalaki ng kaniyang kasalanan. “Umalis na rin naman kayo ’di ba? H’wag na rin kayong bumalik, hindi na kailangan. We’re fine with you here.” Matapos nitong sabihin iyon patakbo itong umalis. Hindi na nagkaroon pa ng lakas si Yvonne para habulin ito sapagkat nanghihina ang mga tuhod niya. “I’m sorry, I'm sorry,” Iyan na lamang ang nasambit niya. ***Isang napakahabang pagbuntong hininga ang pinakawalan ni Yvonne. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa headrest nang kinauupuang sofa. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang sinabi ni Y. Kahit pa ilang araw na ang nakalipas ay nasasaktan pa rin siya sa mga sinabi ng kaniyang anak. “I deserve it," aniya sa sarili. Itinigil na rin kasi
Chapter 47“M-Mom . . . ” Hindi galit na emosyon, o ’di kaya naman ay puno ng sama ng loob na mga mata ang natanggap ni Yvonne mula sa kaniyang anak. Sa halip ay mga tinging puno ng pangungulila. Kitang-kita niya kung paano nanghina at lumamlam ang mga mata ni Xyler. Dali-dali itong hinila ni Yvonne palabas. Walang pakialam sa naiwang gamit. Dinala niya si Xyler sa loob ng kaniyang kotse. At doon ay mahigpit niyang yinakap ang binata. Nanatili silang ganon ng mga ilang minuto. Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Tanging mahihinang hikbi lamang ni Yvonne at ang tunog na nagmumula sa paghagod ni X sa kaniyang likod para patahanin. Ilang sandali pa at humiwalay din si Yvonne mula sa pagkakayakap. “How are you? Ayos lamang ba kayo ng mga kapatid mo? Hindi mo naman kinalimutan ang naging bilin ko hindi ba?” pambungad na tanong ni Yvonne. Tumango si X at saka tipid na ngumiti. Sa tatlo niyang anak si X lamang ang nakakaalam ng lahat. Ito lamang ang kaniyang sinabihan sapagkat alam n
Chapter 48Ibinaba ni Yvonne ang hawak niyang dyaryo. Mabilis niyang minatahan ang isang binatang hila-hila ang isang maleta. Mayroon itong neck pillow at nakasuot pa ng sunglasses kahit pa madaling araw pa lamang naman. “I’m back Philippines!” maligayang maligaya nitong hiyaw, walang hiya-hiya kahit pa pinagtitinginan na siya nang mga taong lumalabas at pumapasok sa loob ng airport. Lihim na napangiti si Yvonne. Wala pa ring pinagbago ang kaniyang bunso. Kahit kailan ay maingay pa rin ito. “Ano naman iyang ginagawa mo?” Isang mahinang batok ang natanggap ni Z mula sa isang bagong dating na binata. Hindi ito pamilyar kay Yvonne, ngunit singkit ito at mahahalata ang pagkakaroon ng dugong Chinese. “Sorry na, nadala lang ng damdamin.” Nakangusong sagot ni Z rito bago sila nagpatuloy sa paglalakad. Hindi hinayaan ni Yvonne na mawala sila sa kaniyang mga mata. Dali-dali siyang tumayo mula sa kinauupuang bench, at saka sumunod sa mga ito. Pinanatili lamang niya ang distansya para siy
Chapter 49“Mico! Anong ginagawa mo?” Iyan ang singhal ni Yvonne sa kaniyang kuya na patuloy lamang sa pagatake sa kaniya. Walang pagaalinlangan ang pagwawasiwas nito sa hawak na machete. Tila ba ay wala ito sa sarili sapagkat parang hindi siya nito kilala. Sinipa niya ito sa tiyan dahilan para matumba ito at tumilapon ang hawak na armas, wala siyang sinayang na oras at kaagad niya itong paibabawan. “Anong nangyayari sa ’yo?” hiyaw na rito bago malakas na sinampal ang lalaki. Tila wala itong pakialam, sa halip ay pwersahan siya nitong binuhat at saka tumayo para siya ay ibalibag. Mabilis na naiikot ni Yvonne ang kaniyang katawan kaya’t hindi naging ganoon kalakas ang impact nang kaniyang pagtilapon. “Wala ng sense pa ang kausapin mo siya, Hernandez. Sarado ang tainga ng kuya mo ngayon, hawak ko siya at wala ka ng magagawa pa!” tumatawang ani ng babaeng naka-suot nang clown na maskara. “Manahimik ka!” asik ni Yvonne pabalik dito. At saka inilagan ang mga suntok ng kapatid. Nags
Chapter 50Pinagpalit ni Yvonne ang naka-dekwatrong paa, ngayon ay ang kanang paa naman niya ang nakapatong sa kaliwa. Ilang sandali pa ay ibinalik niya iyon sa dating pwesto, she then tapped her toes on the floor. “Tita Yvonne? Ikaw ba talaga ’yan?” Tumaas ang isang kilay ni Yvonne at saka binalingan ang katabi niyang si Michelle. Pinakatitigan niya ito mula ulo hanggang paa. “Dalaga ka na,” komento niya.Napairap si Michelle dahil sa ginawang pagsasawalang bahala ni Yvonne sa kaniyang sinabi. “Nagulat kami nang bigla kayong nawala, I can still remember how Z cried at that time. Hindi nga siya mapatahan ni Mommy eh.” Napaiwas ng tingin si Yvonne dahil sa sinambit nito. “I know,” tipid niyang tugon. Dumaan ang mahabang katahimikan matapos noon. Napakamot sa kaniyang batok si Michelle sapagkat inuna na naman niya ang tabil ng dila niya. She knows that she shouldn't have said that. Ilang sandali pa at nabasag ang katahimikan nang lumabas mula sa kwarto ang doctor na nagasikaso kay
Chapter 51“A-Aray!” Pagrereklamo ni Liam nang pabalya siyang bitawan ni Yvonne at siya ay tumama sa pasong nakatayo sa veranda na siya namang nabasag nang madaganan niya.“Wala akong panahon sa ’yo. Umalis ka na kung p’wede lang, bago ko baliin sa dalawa iyang leeg mo.” Marahas na isinara ni Yvonne ang pintuan ng veranda. Mabilis namang bumangon si Liam at saka humabol ngunit naisara na ng babae ang pinto ng tuluyan. “I just want to talk! Hey! May importante akong sasabihin sa ’yo!” Hiyaw ni Liam habang kinakatok ang pintuan ng veranda. Inis na napakamot sa kaniyang ulo si Liam nang hindi manlang siya tapunan ni Yvonne ng tingin at sa halip ay pinagsarhan siya ng kurtina. “It’s about your sister, Luna!” Nagpantig ang tainga ni Yvonne. Sandali siyang natigilan ngunit kaagad ding nakabawi. “Wala akong pakialam sa babaeng ’yon,” bulong ni Yvonne sa sarili. Naglakad na siya patungo sa pinto at akmang bubuksan na iyon para makalabas. Ngunit bago pa man niya iyon mabuksan ay isang
Hi lovely readers! This is Cats Pen. Maraming maraming salamat po sa pagbabasa ng Hiding Tyler Montero’s Triplets. Tapos na po ang kwento ni Tyler at Misha, Xyler at Asterelle, maging ang kay Yhler at Lualhati. Sa mga nagtatanong po tungkol sa kwento ni Zyler ang bunso. Balak ko pong IBUKOD ang kwento ni Zyler dahil magiging mas mahaba ito. Sana po ay masubaybayan niyo pa ang mga susunod pang kwento especially ang kwento ni ZYLER MONTERO. THANK YOU SO MUCH FOR MAKING IT THIS FAR. Look out for Zyler’s story [ BABYSITTING ZYLER MONTERO] na aking ipopost sa mga susunod na araw Sincerely, Cats Pen (✿ ♡‿♡)
Special Chapter 2.18: Y “Haah . . . ” Naging mabigat ang paghinga ni Yhler. Siya ay napatingala at mahigpit na napakapit sa balakang ni Lui matapos nitong magsimulang magtaas baba sa kaniyang kandungan. Ang isang kamay ni Lui ay pumatong sa kaniyang balikat at paminsana’y bumabaon ang kuko nito sa kaniyang balat. Bumababa tingin ni Yhler sa lalaki at kitang-kita niya kung paano mariing pumikit ang mga mata ni Lui habang patuloy pa rin sa ginagawa nito. “Ugh . . . Yhler. You feel so good,” ani Lui at matapos noon ay pinanggigilang pisilin ang sariling dibdib. Dahil doon ay tila isang gusaling gumuho ang lahat ng pasensya ni Yhler. Mas humigpit ang kaniyang kapit sa balakang ni Lui at saka tumayo at naglakad patungo sa kama. Pabalya niyang ibinagsak si Lui sa kama dahilan para tumalbog siya doon. He then made her lay on her stomach and immediately pushed his shaft inside her womb. “Mm!” daing ni Lui matapos hawakan ni Yhler ang kaniyang buhok at hilahin nito iyon. Her hair is b
Special Chapter 2.17: Y “Ang pangit mo, Kuya.” Iyan ang naging komento ni Zyler habang nakatingin sa kaniyang kapatid na si Yhler. Mahinang natawa si Xyler na nasa tabi lamang nilang dalawa. “I agreed,” gatong pa nito sa sinabi ng kapatid na si Z. “Should I show you the video taken at your wedding, Kuya?” rebat naman ni Yhler dahilan para matahimik si Xyler. Napaismid na lamang ang lalaki at saka inilibot ang paningin sa kabilang bahagi ng simbahan para hanapin ang kaniyang asawang si Asterelle. Hindi naman siya nahirapan sapagkat kumaway ito sa kaniya. “Ang pangit niyong dalawa,” may pait na saad ni Zyler. Sa pagkakataong iyon ay si Yhler naman ang tumawa. “Ang sabihin mo, you're just jealous cause no one wants to marry you.”Umirap si Zyler para itago ang katotohanang natamaan siya sa sinabi ng kapatid. “Don’t worry, Z. I'll make sure to get you a blind date after this,” pagbabalubag loob na may halong pangaasar na saad ni Xyler sa kanilang bunso. Napanguso na lamang siya at
Special Chapter 2.16: Y“At satingin niyo ba talaga ay papayag ako sa kasalang iyan?!” Dumagundong ang matinis at malakas na sigaw ni Uno, namumula ang mukha nito at halos pumutok na ang litid sa leeg. “Dad, you're at it again.” Kalmadong saad ni Lui at saka napabuntong hininga na para bang nauumay na siya sinasabi ng kaniyang ama. Lumapit siya dito iniayos ang suot nitong kurbata na medyo tabingi ang pagkakasuot. “Bakit ba galit na galit na naman kayo? H’wag niyong sabihin sa akin na dinatnan na naman kayo ng dalaw?” pagbibiro niya dahilan para mas lalong magsalubong ang noo ni Uno. “Ayoko! Hindi ako papayag na maikasal ka sa lalaking ’yon—” Isang malakas na batok ang tumama sa ulo ni Uno dahilan para mapatigil ito. “Talaga ba, Fortuno?” Marinig pa lamang ang pamilyar na boses na iyon kaagad na nagtaasan ang mga balahibo ni Uno. Kitang-kita ni Lui kung paano tila parang isang papel na tumiklop ang kaniyang ama at hindi nakapag-salita. “Mom!” natutuwang pagbungad ni Lui sa kani
Special Chapter 2.15: Y“Are you being serious right now? Dito talaga?” Hindi maituwid ang pagkakakunot ng noo ni Lui habang nakatitig sa kasalukuyang nasa harapan nilang dalawa ni Yhler. “Why? Isn't this what you wished for back in highschool—ouch!”Bago pa man matapos ni Yhler ang sasabihin nito ay nakatanggap na siya ng may kalakasang hampas mula sa babae. “Well, we're not in highschool anymore. Satingin mo ba talaga gusto ko pa rin ’to ngayon?” Yhler let out a laugh. “I’m sorry, okay?” Sumalikop ang dalawang kamay ni Lui sa kaniyang mga braso. Malalim siyang napabuntong hininga at napairap. “Sabihin mo nga sa akin, anong klaseng tanan ba ang narinig mo at narito tayo?” Isang ligaw na bola ang tumalbog papunta sa kinaroroonan nila. Dinampot iyon ni Yhler at tumawa lamang hindi sinasagot ang tanong ni Lui. “Isn’t the meaning of tanan is like a date? A romantic date! Z, told me that.” Marahas na napasabunot sa kaniyang buhok si Lui matapos marinig ang isinagot ni Yhler. Inis s
Special Chapter 2.14: Y[Back to Present]Namutawi ang siyang pagtunog ng lumagaslas na tubig mula sa timbang ihinagis ni Uno mula sa ikalawang palapag ng bahay pababa sa kinaroroonan nila Yhler. Kaagad na nahinto ang tugtugin at ang ginagawang pagkanta ni Yhler na siyang panliligaw kuno nito. Mabilis na tumama sa kanilang mga katawan ang malamig na tubig kasama ang timba na siyang sumaklot pa sa ulo ng katabi ni Yhler na si Thunder. “Sino may sabing mag-iingay kayo rito sa pamamahay ko?” hiyaw ni Uno mula sa itaas ng bahay. Napatakip sa kaniyang tainga si Lui matapos dumagundong ang malakas na boses ng kaniyang ama. “Dad!” aniya at tiningnan ng masama ang kaniyang ama. “What?” inosente at pabalang na tanong naman sa kaniya pabalik ni Uno. “I’m just doing what a father would do,” dagdag pa nito. Inis na nagpapadyak si Lui at saka patakbong bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay hanggang marating ang ground floor at ang gate kung saan naroon si Yhler at ang banda. “Bakit pati
Special Chapter 2.13: YWalang tigil ang mahinang pagtapik nang paa ni Yhler sa lupa. Makalipas ng ilang segundo ay tumayo ito mula sa pagkakasandal sa pader at naglakad itong muli pakanan, at pakaliwa. “Argh!” hiyaw ni Thunder at saka iritableng napasabunot sa kaniyang buhok. “P’wede ba! Kanina pa ’ko nahihilo sa ’yo Y!” asik nito at inis na bumunot sa mga damong pinaglalaruan niya kanina. “D-Do I look okay?” pagsasawalang bahala ni Yhler sa sinabi ni Thunder at sa halip ay pagtatanong nito. Napatunghay si Ben mula sa pagkakatuon ng mga mata nito sa gitarang itinotono. Napabuntong hininga ito. “You’ve asked that question for the fifth time Yhler, chill man. Hindi ka naman mamamatay,” komento nito at muling ibinalik ang paningin sa gitara. Iniayos pa nito ang pagkakaupo sa nakaparada nilang van. “But—” “Ayan na si Madam!” Naputol ang dapat na sasabihin ni Yhler nang sumigaw si Shawn mula sa itaas nang puno. “Hellton, help me down,” imporma nito kay Hellton na naka-amba na sa ba
Special Chapter 12: YLupaypay ang buong katawan ni Lui nang ito ay bumagsak sa kama. Kaagad na lumubog ang kaniyang mukha sa unan. “S-Stop, Yhler. I can't. . . no more,” aniya sa papahinang boses at saka pilit na inabot ang kumot. Bago pa man niya mahawakan ang kumot ay pumulupot na ang mga daliri ni Yhler sa kaniyang palapulsuhan para siya ay pigilan. Gamit ang kabilang kamay ay hinawi ni Yhler ang kaniyang buhok habang nakatalikod pa rin siya rito. Yhler then started kissing her nape, her left cheek, and her neck. “I’m sorry baby. Just one more, okay?” paghirit nito dahilan para marahas siyang humarap sa lalaki. Inis niyang hinampas ang dibdib ni Yhler. “Anong isa pa? Pang-limang isa pa mo na ’yan mula pa kanina!” asik niya at saka itinulak ang mukha ni Yhler na pilit na humahalik sa kaniya. Yhler laughed. Para sa kaniya ay napaka-cute ng naging reaksyon ni Lui, ang magkasalubong nitong mga kilay at ang nakasimangot nitong mga labi. “Alright, I won't,” pagsuko niya nang hindi m
Special Chapter 2.11: YNamutawi ang sandaling katahimikan. Nanlalaki ang mga mata ni Lui at hindi siya makapagsalita mula sa gulat dahil sa sinabi ni Yhler. On the other Yhler felt a sudden pang on his chest. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagiinit nang kaniyang buong katawan. Nang muli niyang ibalik ang paningin kay Lui ay may kung anong humahalina sa kaniya. Medyo nakaawang ang labi nito dahil sa gulat, may kung anong umaakit din sa kaniya nang kaniyang tapunan ng tingin ang mamula mula nitong pisngi dahil sa pagiyak. He’s getting the urge to make her cry more. Dali-dali siyang tumayo mula sa kama at saka lumayo kay Lualhati. “I-I should go,” aniya mahahalata ang pagpipigil. Nakakuyom na ang dalawang kamay niya at pakiramdam niya ay kapag nagtagal pa siya kasama si Lui ay hindi na niya mapipigil pa ang sarili at baka kung ano ang magawa niya. Mabibigat ang kaniyang mga hakbang. Mabibilis din iyon, nagmamadaling makaalis doon. Kinapa niya ang kaniyang bulsa habang pa