Napasabunot si Heilena sa buhok niya. Nasa office siya ngayon at katatapos niya lang mag-distribute ng products kina Xander. Parang wala lang talaga sa kanya ang lahat. Para bang tanggap nito kahit masaktan siya. Kahit nasasaktan siya at kahit alam niya na masasaktan pa siya. Gustong ma-guilty ni Heilena. Hindi niya alam kung paano niyang maibabalik ang kabaitan ni Xander sa kanya.
"Ayan! Ayan na nga ba ang sinasabi ko, Heilena, e." Pangaral sa kanya ni Bea. Naupo ito sa pinakamalapit na upuan katapat ng desk ni Heilena.
"Ano nang gagawin ko, sis??" kunot-noo na tanong niya sa kaibigan. Sumisikip kasi ang dibdib niya sa tuwing nakikita niyang nakangiti si Xander sa kanya na para bang wala itong iniindang sakit. How can he do that? Bakit ang tibay tibay mo, Xander? Aniya sa isipan. Minsan, iniisip niya na lang na sadyain itong saktan nang layuan na lang siya ng binata.
"Aba, ewan ko sa 'yo! Ayan kasi. Lesson learned. Huwag basta-basta magpapapas
Happy reading po! don't forget to comment and leave a review! thank you po <3
Buong gabing hindi nakatulog si Tim. Next weekend, Heilena will be out with Xander and that's what keeping his mind occupied up until this very night. He can't manage to sleep. Kanina pa siya nakapikit pero hindi siya makatulog. Mariin niyang ginulo ang buhok niya saka siya napabangon. Naiinis siya. Nawawalan ng gana. That Xander is really finding ways to be with Heilena. Iniisip niya na kinakalaban talaga siya nito and he feels threatened. Gigil siyang napabangon para magpahangin sa balkonahe ng kuwarto niya. It's already late at night. He just stared in space saka siya magpasya na pumasok muli sa loob to get a can of beer inside his fridge. Baka makatulong para makatulog siya. Dahan-dahan niyang nilagok ang beer. He looked at himself in the mirror. Para siyang sinabunutan. Tsk. His hair is as messy as a bird nest. Mukhang puwede nang pangitlogan. He's been thinking kung ano pa ang puwede niyang gawin maliban sa pagdalaw sa anak niya kina Heilena
Medyo hindi na masyadong mainit nang magpasyal mag-walking sina Heilena sa front beach. Tamang lakad lakad lang sa may sea shore habang pinagmamasdan ang mala-paraisong ganda ng Isla Catalina. The white sand of the beach is really amusing. Pinong-pino. Para na rin silang nakapunta ng boracay dahil sa ganda ng lugar. Isa pa, hindi masyadong malayo. Sapat lang na marating nila in a span of two hours.Malakas ang hangin sa labas. Habang nagalalakad sila ay tili nang tili si Tinsley. Ngayon lang kasi talaga ito nakapag-beach. Kahit kasi nasa ibang bansa pa sila, usually nasa bahay lang siya naiiwan sa Tita ng mommy niya. Wala kasing oras sa kanya noon masyado ang mommy niya because of her business na nagbunga naman later on dahil nag-boom ang business nila at nakilala. 'Yun nga lang, it became one of the reasons kung bakit medyo socially aloof si Tinsley. But not now. Medyo malapit na ito ngayon sa ibang tao dahil na rin sa mga taong nakapalibot kay Heilena. S
Mataas na lagnat ang dumapo kay Timothy nang gabi matapos niyang matulog ng mag-uumaga na. Kaiisip niya sa lahat ng bagay sa paligi niya, ngayon lang din siya nagkasakit. Nagva-vitamins naman siya and all pero bakit tinablan pa rin siya ngayon? Mukhang kailangan na niyang ilayo ang sarili niya sa mga bagay na nagbibigay sa kanya ng sobra sobrang stress."Dude, sige na, kumain ka na. Nagmumukha na akong bading dito, o. Ako pa ang susubo sa 'yo," ani Carlo.Kagabi pa siya nandito kina Timothy dahil pinatawag siya ng mga maids na kasama ng binata dahil nga sobrang taas ng lagnat nito at ayaw namang magpaalaga sa kanila. Kaya si Carlo itong naipit. Ilang beses na niyang tinawagan si Heilena, pero mukhang mahirap itong makumbinsi. Naaawa na siya sa kaibigan niya. Ilang kutsara lang kasi ang nakain nito kagabi. Sapilitan na lang ang pag-inom niya ng gamot dahil si Heilena talaga ang hanap-hanap niya."I-I said, go." Pilit na sinabi ni
IRITADO na muling dinukot ni Heilena ang kanyang cell phone sa kalagitnaan nila ng pagkain. Katatapos lang nilang mag-snorkeling no'n at masyado silang napagod at nagutom kaya nagpasya silang kumain na rin bandang alas diyes ng umaga. Pero heto, tumatawag na naman ang kaibigan niya. Lahat na lang ba sila sa city ay tatawag sa kanya? Ano ba ang problema ng mga iyon? Aniya sa isipan.Napahinto siya sa pagkain niya saka dinalapag ang kubyertos sa kanyang plato. "Hello? Bea, ano ba?" inis na sagot niya sa kabilang linya."Hays, friend, sorry na. E, kasi naman nakokonsensya ako. Ito kasing lover mo, ayaw kumain. Can you go home now? Nag-faint kasi siya kanina lang. Sabi ng kaibigan niyang si Carlo, hindi pa raw siya nakakain so malamang, hindi rin siya nakainom ng gamot. Ikaw raw ang hinahanap, e." Pagpapaliwanag ni Bea habang nakakunot ang noo. She admits, nag-aalala naman siya kahit paano kay Timothy. Pero syempre, bad shot pa rin ito sa ka
GUSTOHIN man ni Heilena na mag-enjoy sa Isla Catalina, ang huling gabi nila ngayon ay siyang bahagyang malamig para sa kanya. Kahit na nakagawa na sila ng apoy para sa bonfire nila ay parang may kulang pa rin talaga. Si Timothy ang lumilipad sa isip niya. The image of him is stocked in her mind.Hindi niya namamalayan na natutunaw na pa la ang marshmallows na iniihaw niya."Mommy! Look at your marshmallows! They are already melting!" Puna ni Tinsley na natatarantang inilayo sa apoy ang marshmallows ng mommy niyang nakatuhog sa isang mahabang stick.Napakurap-kurap si Heilena. "Oh, my gosh!" aniya saka hinipan-hipan ang marshmallow niyang kamuntik nang maglaho nang parang bula."Hinndi kasi dapat nakatulala habang nag-iihaw ng marshmallow, Lena. Is something going on in your mind?" nagtatakang tanong ni Xander. He's a bit worried. Masaya naman si Heilena kung pagmamasdan niya pero may mga beses na tahimik ito a
MAAGA pa nang makarating sina Heilena sa opisina. Doon na lang niya muna inuwi ang anak niya para naman diretso na. Hussle pa kasi kung dadaan pa sila sa bahay. Although medyo pagod silang dalawa sa biyahe ay hindi pa rin naubusan ng energy ang bata. Nilabas pa nga nito ang mga laruan niya samantalang si Heilena ay busy sa pagbibilang ng stocks niya at sapag-aasikaso ng lahat ng mga na-miss niyang trabaho sa dalawang araw na wala siya. In fairness, nakatulong naman kahit paano ang pagliliwaliw nila ng dalawang araw dahil mukhang nakapag-unwind naman sila at isa pa, masaya si Tinsley. Iyon ang mahalaga. Mabuti na lang talaga at hanggang dito ay inihatid sila ni Xander. Well, maganda naman kasi ang office ni Heilena, It's spacious at parang bahay na rin since dito nakaimbak ang lahat ng stocks nila. May kuwarto din at mini kitchen. Kaya for sure, kahit mapagod pa si Tinsley ay makakapagpahinga ito.Hindi napansin ni Heilena ang pagpasok ng isang binata sa lo
SA mga titig pa lang sa kanya ni Allain ay para na itong isang demonyo na nagtatago sa katawan ng isang santa. Hindi niya mabasa ang iniisip nito pero hindi maganda ang kutob niya. Allain looks decent and fine. Pero for sure, may tinatago itong kasamaan ng ugali. Unang pagkikita pa lang nila ay tinarayan na agad siya nito. Isa lang ang sigurado si Heilena ngayon. Mukhang kailangan niyang maging maingat. "I know that you are professional, Ms. De Guzman. But the thing that I want to tell you is beyond that." Napataas agad ng kilay si Heilena. "So, you are saying that this isn't about any business?" may panunuya niyang tanong. "Sabihin na natin na oo. But I guess, this person is your business. He is both our business."Nanindig agad ang balahibo ni Heilena. So, this damn woman right here is referring to a guy. At wala namang ibang lalaki na may kuneksyon sa kanilang dalawa kundi si Timothy. Hindi pwedeng iba ang ibig nitong sabihin.
PUMAGITNA na ang mommy at daddy ni Heilena na tila naguluhan sa kung anong komosyon ang biglang nangyari. Okay pa kasi sila kanina kaya medyo napaisip ang mga ito kung bakit bigla na lang nagsitaasan ang boses nilang dalawa."Anong nangyayari dito? Bat kayo nakasigaw?" Nag-aalalang tanong ng mommy ng dalaga.Maagap na pinatayo nito si Tim. "Timothy, anong problema?"Pero hindi nasagot ang binata. Nakayuko lang siya. Naiiyak na naman siya. He feels so gay whenever he feel like crying."Mom, let him be. Makakaalis na siya. I had enough, mom.""P-pero hindi ko maintindihan kung anong nangyayari? Sabihin niyo sa 'kin at naguguluhan ako!" Sigaw nito.Pilit naman siyang hinahawakan sa balikat ng daddy ni Heilena at pinakakalma siya dahil mukhang pati ito ay nasi-stress na rin. Sino ba naman ang hindi mag-iisip ng iba kung ganitong eksena ang aabutan nilang mag asawa. Mabuti na lan