Mataas na lagnat ang dumapo kay Timothy nang gabi matapos niyang matulog ng mag-uumaga na. Kaiisip niya sa lahat ng bagay sa paligi niya, ngayon lang din siya nagkasakit. Nagva-vitamins naman siya and all pero bakit tinablan pa rin siya ngayon? Mukhang kailangan na niyang ilayo ang sarili niya sa mga bagay na nagbibigay sa kanya ng sobra sobrang stress.
"Dude, sige na, kumain ka na. Nagmumukha na akong bading dito, o. Ako pa ang susubo sa 'yo," ani Carlo.
Kagabi pa siya nandito kina Timothy dahil pinatawag siya ng mga maids na kasama ng binata dahil nga sobrang taas ng lagnat nito at ayaw namang magpaalaga sa kanila. Kaya si Carlo itong naipit. Ilang beses na niyang tinawagan si Heilena, pero mukhang mahirap itong makumbinsi. Naaawa na siya sa kaibigan niya. Ilang kutsara lang kasi ang nakain nito kagabi. Sapilitan na lang ang pag-inom niya ng gamot dahil si Heilena talaga ang hanap-hanap niya.
"I-I said, go." Pilit na sinabi ni
IRITADO na muling dinukot ni Heilena ang kanyang cell phone sa kalagitnaan nila ng pagkain. Katatapos lang nilang mag-snorkeling no'n at masyado silang napagod at nagutom kaya nagpasya silang kumain na rin bandang alas diyes ng umaga. Pero heto, tumatawag na naman ang kaibigan niya. Lahat na lang ba sila sa city ay tatawag sa kanya? Ano ba ang problema ng mga iyon? Aniya sa isipan.Napahinto siya sa pagkain niya saka dinalapag ang kubyertos sa kanyang plato. "Hello? Bea, ano ba?" inis na sagot niya sa kabilang linya."Hays, friend, sorry na. E, kasi naman nakokonsensya ako. Ito kasing lover mo, ayaw kumain. Can you go home now? Nag-faint kasi siya kanina lang. Sabi ng kaibigan niyang si Carlo, hindi pa raw siya nakakain so malamang, hindi rin siya nakainom ng gamot. Ikaw raw ang hinahanap, e." Pagpapaliwanag ni Bea habang nakakunot ang noo. She admits, nag-aalala naman siya kahit paano kay Timothy. Pero syempre, bad shot pa rin ito sa ka
GUSTOHIN man ni Heilena na mag-enjoy sa Isla Catalina, ang huling gabi nila ngayon ay siyang bahagyang malamig para sa kanya. Kahit na nakagawa na sila ng apoy para sa bonfire nila ay parang may kulang pa rin talaga. Si Timothy ang lumilipad sa isip niya. The image of him is stocked in her mind.Hindi niya namamalayan na natutunaw na pa la ang marshmallows na iniihaw niya."Mommy! Look at your marshmallows! They are already melting!" Puna ni Tinsley na natatarantang inilayo sa apoy ang marshmallows ng mommy niyang nakatuhog sa isang mahabang stick.Napakurap-kurap si Heilena. "Oh, my gosh!" aniya saka hinipan-hipan ang marshmallow niyang kamuntik nang maglaho nang parang bula."Hinndi kasi dapat nakatulala habang nag-iihaw ng marshmallow, Lena. Is something going on in your mind?" nagtatakang tanong ni Xander. He's a bit worried. Masaya naman si Heilena kung pagmamasdan niya pero may mga beses na tahimik ito a
MAAGA pa nang makarating sina Heilena sa opisina. Doon na lang niya muna inuwi ang anak niya para naman diretso na. Hussle pa kasi kung dadaan pa sila sa bahay. Although medyo pagod silang dalawa sa biyahe ay hindi pa rin naubusan ng energy ang bata. Nilabas pa nga nito ang mga laruan niya samantalang si Heilena ay busy sa pagbibilang ng stocks niya at sapag-aasikaso ng lahat ng mga na-miss niyang trabaho sa dalawang araw na wala siya. In fairness, nakatulong naman kahit paano ang pagliliwaliw nila ng dalawang araw dahil mukhang nakapag-unwind naman sila at isa pa, masaya si Tinsley. Iyon ang mahalaga. Mabuti na lang talaga at hanggang dito ay inihatid sila ni Xander. Well, maganda naman kasi ang office ni Heilena, It's spacious at parang bahay na rin since dito nakaimbak ang lahat ng stocks nila. May kuwarto din at mini kitchen. Kaya for sure, kahit mapagod pa si Tinsley ay makakapagpahinga ito.Hindi napansin ni Heilena ang pagpasok ng isang binata sa lo
SA mga titig pa lang sa kanya ni Allain ay para na itong isang demonyo na nagtatago sa katawan ng isang santa. Hindi niya mabasa ang iniisip nito pero hindi maganda ang kutob niya. Allain looks decent and fine. Pero for sure, may tinatago itong kasamaan ng ugali. Unang pagkikita pa lang nila ay tinarayan na agad siya nito. Isa lang ang sigurado si Heilena ngayon. Mukhang kailangan niyang maging maingat. "I know that you are professional, Ms. De Guzman. But the thing that I want to tell you is beyond that." Napataas agad ng kilay si Heilena. "So, you are saying that this isn't about any business?" may panunuya niyang tanong. "Sabihin na natin na oo. But I guess, this person is your business. He is both our business."Nanindig agad ang balahibo ni Heilena. So, this damn woman right here is referring to a guy. At wala namang ibang lalaki na may kuneksyon sa kanilang dalawa kundi si Timothy. Hindi pwedeng iba ang ibig nitong sabihin.
PUMAGITNA na ang mommy at daddy ni Heilena na tila naguluhan sa kung anong komosyon ang biglang nangyari. Okay pa kasi sila kanina kaya medyo napaisip ang mga ito kung bakit bigla na lang nagsitaasan ang boses nilang dalawa."Anong nangyayari dito? Bat kayo nakasigaw?" Nag-aalalang tanong ng mommy ng dalaga.Maagap na pinatayo nito si Tim. "Timothy, anong problema?"Pero hindi nasagot ang binata. Nakayuko lang siya. Naiiyak na naman siya. He feels so gay whenever he feel like crying."Mom, let him be. Makakaalis na siya. I had enough, mom.""P-pero hindi ko maintindihan kung anong nangyayari? Sabihin niyo sa 'kin at naguguluhan ako!" Sigaw nito.Pilit naman siyang hinahawakan sa balikat ng daddy ni Heilena at pinakakalma siya dahil mukhang pati ito ay nasi-stress na rin. Sino ba naman ang hindi mag-iisip ng iba kung ganitong eksena ang aabutan nilang mag asawa. Mabuti na lan
TINSLEY had no idea about what is going on. She was so innocent. Ni hindi nga niya alam na nag-away na ang mga magulang niya. Ang alam niya lang ay gusto nang lumayo sa kanya ng Tito Timothy niya at hindi na nito napigilan ang magtampo. Oo, nagtatampo ang bata at hindi nila alam kung paano nila itong aamuhin. Nasa dining area sila ngayon. Katatapos lang nila magdasal bago kumain ng breakfast. Usually ay si Tinsley pa ang magpapabida para mag-lead ng prayer bago sila kumain pero ngayon, she kept rubbing her hands habang nakayuko. Hindi siya nagsasalita. Ni isa sa mga kasama niya ngayon ay hindi niya kinakausap. Naawang napatingin sa kanya ang mommy niya nang matapos ang dasal. Napabuntong-hininga pa nga ito saka niya hinawakan sa balikat si Tinsley. "Sweety, show me your face, child. Kumain na tayo." Pero parang walang narinig ang bata. Ni hindi man lang nga ito umimik o tiningnan man lang ang momm
Noong gabing iyon na pinagtabuyan ni Heilena si Timothy ay halos bagsak ang balikat nitong nagmaneho pauwi. Bukod sa nasasaktan siya ng sobra ay nag-uumapaw ang galit niya kay Allain. Sinusubok talaga nito ang kanyang pasensya. Parang gusto niya itong patahimikin na lang. Kung puwede lang sana ay ginawa na niya but he can’t.Hindi niya namamalayan na nagmamaneho na pa la siya papunta sa condo kung saan tumutuloy si Allain. Alam niya iyon dahil alam niya ang personal details ng mga empleyado niya. Akala siguro ni Allain ay mapapalampas ni Timothy ang ginawa niya pero hindi. Hindi niya ito palalampasin sa pagkakataong ‘to dahil sobra na.Pinindot niya ang door bell sa unit ni Allain ng paulit ulit na para bang nagmamadali ito. Agad naman iyon na napansin ni Allain dahil halos masira na ang door bell niya kapipindot ni Timothy. Nang pagbuksan niya ito ng pinto ay lumapad ang kanyang ngiti. She became so excited nang tumambad sa kany
KINAUMAGAHAN, pipikit-pikit pa si Timothy bago tuluyan niyang naimulat ang kanyang mga mata. Naguluhan siya kung bakit tila puting-puti ang nakapaligid sa kanya. Inilibot niya ang kanyang paningin saka niya napagtanto na nasa isang hospital pa la siya dulot ng aksidenteng nangyari noong nakaraan. "Sir? G-Gising na kayo??!" uutal-utal na wika ng kanilang kasambahay na siyang isa sa mapagkakatiwalaan nila. Siya itong nagbantay muna sa kanya pansamantala. Hindi rin naman puwede si Carlo dahil siya ang pansalamantalang sumalo sa mga gawain nito sa opisina. May benda sa may bandang ulo niya si Timothy gawa ng bubog mula sa pagkabasag ng salamin ng kotse niya. Mabuti na lang at hindi tumama sa mga mata niya ang mga bubog dahil pag nagkataon pa ay maari niya pa itong ikabulag. Nasa kustodiya na rin ng mga police ang truck na bumangga sa binata at kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang naganap. &nb
HINDI sapat ang salitang busy para ilarawan ang nangyayari ngayon sa bahay nina Heilena. It's been three months since Timothy proposed to her and today, the most awaited wedding is about to take place. Naiiyak siya habang suot ang wedding gown niya. Sinukat na niya iyon ng halos sampung beses na. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ng mga matatanda na kasabihang bawal daw isukat ang gown bago ikasal. Wala na sila sa sinaunang panahon kaya ayaw na niyang magpapaniwala sa ganoi'n. She glanced at herself in the mirror. She looks glamorous. Her white mermaid gown comes with a slit. It was paired with a pearl pair or earings. Hindi siya makapaniwala. Ito na 'yon. Ito na ang hinihintay ng lahat ng pagkatagal-tagal. Wala nang atrasan. Magiging isang buong pamilya na sila nina Timothy. Matagal na niyang pangarap na matawag na Mrs. Silvestre. Napakasarap sa tenga. Maluha-luhang lumapit sa kanya ang mommy niya habang nire-retouch n
EVERYTHING went back to normal. Sobrang bilis ng mga pangyayari na nagdaan sa kani-kanilang mga buhay to the point na naranasan na nila halos lahat. Saya, lungkot, pighati, pag-iyak at kung anu-ano pang mga bagay. Nalampasan na nila Heilena ang malaking dagok sa pagiging magkapatid nila ni Heilen. Hindi niya man masasabi na happy ending na sila ng kaisa-isang lalaking mahal niyang si Timothy, she's pretty sure kung ano ang patutunguhan ng lahat ng paghihirap nila. Habang nakatulala mula sa labas ng kotse ay isinuot ni Heilena ang kanyang shades. Papunta sila ngayon sa sementeryo para dalawin ang puntod ng kaibigan niyang si Xander. Sinamahan naman siya ni Timothy. Maging si Tinsley ay dala dala rin nilang dalawa. Ang sabi kasi nito ay gusto niyang makita ang Daddy Xander niya dahil miss na miss niya raw ito. "Mommy, will Daddy Xander be happy when he see me?" kyuryosong tanong ng bata sa kanya. She cleared her t
“THIS CALLS FOR A CELEBRATION! YUHOO!” masiglang sigaw ni Heilena. Pakiramdam niya ay nabalik na naman ang party goer self niya. Nakakatuwa lng dahil magaling na ang daddy niya. Bati na rin sila ng Ate Heilen niya. Walang mapagsidlan ang tuwa niya sa dibdib. Katatapos lang kasi nilang maghapunan kaya masigla na naman si Heilena. Puno pa siya ng enerhiya ngayong kakakain niya lang. "Oh my gosh! I like that!" Pagsang-ayon naman ng ate niya. "Mag-bar kaya tayo?" nakangisi nitong suhestiyon. Lumapad ang ngiti ni Heilena. She missed the bar, she swear! Matagal-tagal na rin simula nang huling beses siyang nag-enjoy sa bar. Iyong tipong mawawala siya sa sarili niya sa sobrang saya. "I want to have some fun too, Mommy!" ani ng munting tinig. Si Tinsley. Itong batang 'to bigla-bigla na lang din sumusulpot. Palibhasa, miss na miss na nito ang mommy niya dahil madalang na lang silang magkasama simula nang nangyari. Naiiwan siya lagi sa bahay
NAGMAMADALI ring sumugod ang mommy nina Heilena sa hospital after she knew what happened. Hindi talaga malalaman kung kailan ang aksidente. Naaawa siya sa Daddy niya. Masyado na kasi silang wala sa bahay. Madalas nasa labas. Ni hindi na nila napagtutuunan ng pansin ang mommy at daddy nila na walang kasama sa bahay. Naaawa siya sa sinapit nito. Hindi niya maipagkakaila na tumatanda na rin ang mga magulang nila. Hindi na kasing lakas ng dati. Nakakalungkot lang na kung saan naman dapat iisa sila bilang pamilya, doon naman sila nagkakasira-sira. "Wala pa rin ba kayong contact sa kakambal mo?" nag-aalalang tanong ng mommy ni Heilena sa kanya. Namumugto ang mata nito kaiiyak. Siya rin kasi ang nagpuyat kababantay sa daddy nila. Heilena just bitterly glanced at her mom and answered, "Not yet. Si Timothy na ang bahala na mag-contact sa kanya. I am not sure if she's going to believe me that's why. Kilala mo naman iyon. She's head over heels with Ti
Isang linggo matapos ang insidenteng iyon sa restaurant ay umulan ang viral video ng kambal sa internet. Ang daming nagbigay ng kani-kanilang konklusyon at mga haka-haka. Hindi naman bulag at bingi si Heilena para hindi niya iyon malaman. She also has her social media account at maingay nga ang social media dahil sa nangyari. Hindi niya akalain na magva-viral iyon kahit na aware siya na maraming nag-shoot ng insidenteng iyon sa restaurant. "SIS!" Bungad agad ni Bea kay Heilena pagpasok nito sa opisina. Hanggang ngayon kasi ay ito ang nag-take over muna pansamantala sa pamamahala ng business ni Heilena since naka-focus siya sa pag-aalaga muna kay Timothy at sobrang daming bagay rin na nangyari lately samahan pa ng pagkamatay ni Xander. "Alam mo na ba 'yung kumakalat na viral video niyo?" aligaga nitong tanong. Na-stress lang talaga si Bea kasi sa dami ng namba-bash na ngayon kay Heilena, nabawasan din ang mga clients nila. Karamihan sa mga ito a
HEILENA feels so good waking up in the morning na nasa tabi nya si Timothy. Hindi niya akalain na darating sila sa puntong ito. Waking up beside the man she loves is just a dream come true for her. Nauna siyang nagising sa binata kaya malaya niyang napagmasdan ang maamo nitong mukha. Hindi na siya makapaghintay pa na bumalik ang mga alaala nito tungkol sa kanya. Alam niyang darating din silasa puntong iyon pero she's just too excited about it. Dahan-dahan siyang bumaba sa kama kung saan siya nakahiga. She's totally naked. Hinanap agad ng mga mata niya kung saan na napunta ang mga damit niya. Mabilis niya iyong sinuot saka siya lumabas ng kuwarto. Kilala naman siya ng mga katulong nina Timothy dahil noon pa man, noong sina Heilen pa at Tim ay nagpupunta rin siya rito. "Manang, tulungan ko na ho kayo sa pagluluto," wika niya sa isang katulong. Medyo may katandaan na rin ito pero dito pa rin at tapat na nagsisilbi sa mga Silvestre kahit na si Timothy na lan
"DITO!" panimula ni Heilena. Malawak ang ngiti niya. Nasa bar kasi silang dalawa ngayon ni Timothy.Nag-effort pa si Bea na yayain ang lahat ng mga nakainuman nila noong gabing iyon para makisama sa kanila at makipagtulungan sa pagbabalik ng mga alaala ni Timothy na nabura."W-What happened here?" hindi siguradong tanong ni Tim sa kanya."Wala ka bang naaalala kahit konti?"Umiling-iling ang binata. "Malabo, e. Ano bang nangyari dito?"Ngumisi si Heilena. "Well, dito mo lang naman ako hinatak. Can you remember these guys?" tanong muli nito sabay turo sa mga kalalakihan na kasama nila sa table."Hi, dude.""Hi, pre." Bati ng mga ito.Nag-aalangang kumaway si Timothy."Not like that. Una mong inagaw sa akin ang isang shot na para sana sa 'kin. Tapos bigla mo akong hinatak at binuhat." Pagtatama ni Heilena.Ginawa nila iyon muli. Kahit na mukha silang mga ewan. "Shot, shot, shot!" sigaw ng mga kalalakihan na kasama n
NAIWAN sa pangangalaga ni Heilena si Timothy. Buong gabi siyang nakaalalay at nagbabantay sa binata dahil natatakot siya sa kung ano pang mga possibleng mangyari. Magdamag rin siyang walang tulog. Mabuti na lang at maagang nagpahinga ang anak niya. Kay Timothy muna siya ngayon. Naaawa siya rito. He is suffering because of what her twin did. Hindi niya alam kung pagmamahal pa ba iyon o kabaliwan na. Nahihimbing na ngayon sa pagtulog ang binata. Kita sa mukha nito ang stress. Napaisip tuloy siya kung inalagaan naman ba ng Ate Heilen niya si Tim ng tama o baka sa pagsasama nilang dalawa ay puro pagmamanipula ang ginawa nito. Kawawang Timothy. Biktima na siya at mas lalo pang nabiktima. "Tim, h'wag mong madaliing bumalik ang memorya mo. Maghihintay kami ni Tinsley kung kailan mo kami maaalala. Ang mahalaga, mas ligtas ka na ngayon sa mga kamay ko." Tulog ang binata kaya malakas ang loob niyang kausapin ito. Napatiti
SARIWA pa rin ang pagkamatay ni Xander sa kanilang lahat. Hindi alam ni Heilena kung paanong magpapatuloy gayong labis labis ang pag-iyak rin ng anak niya nang malaman nito ang totoo. Na kailan man ay hindi na babalik si Xander. Kinilala niya na rin itong Daddy kahit sa sandaling oras lang. Imbes na ilang araw na sana ng magiging kasal nina Heilen ay napaatras ang tentative date nito dahil sa pagkawala ni Xander. Patatapusin na lang nila ang burol bilang respeto na rin sa lahat dahil halos lahat sila ay nagluluksa pa rin."Bad trip naman, e. Bakit ba kasi kailangan pa tayong madamay diyan sa pagkamatay ni Xander? Anong kinalaman ng burol niya sa kasal ko?" Bakit ako ang kailangang mag-adjust?" Mainit na naman ang ulo ni Heilen. Pabalik-balik siya sa paglalakad at hindi mapakali nang makiusap ang mommy at daddy niya na i-move na lang muna ang kasal nila ni Timothy hanggang sa mailibing si Xander. Kaya heto ngayon si Heilen, kulang na lang ay bumuga ng apoy.