Beranda / Romance / Hiding The Billionaire's Baby / Chapter 1: Life Must Go On

Share

Chapter 1: Life Must Go On

Penulis: Destiny-One
last update Terakhir Diperbarui: 2023-01-07 11:22:27

"Ano nang balak mo ngayon?" tanong ni Trisha sa akin habang naghahanda siya ng kape. Kakarating lang namin sa Hello Kitty themed na condo niya, natulungan niya na rin akong ayusin ang dala-dala kong mga gamit sa bakanteng kuwarto na pansamantala kong magiging tuluyan.

"Hindi ko alam." Tugon ko sa tanong niya. Tinaasan niya ako ng kilay. M*****a!

"Kailan pa naging hindi sigurado ang isang Amelia Eurydice Cullins?" Nakataas ang kilay niyang tanong sa akin.

"Oh, kape mo." Inabot niya sa akin ang kakatimpla niya lang na 3 in 1 coffee. Oo, pati mga tasa at kutsara niya, Hello Kitty themed din. Basta, lahat ng gamit niya, Hello Kitty themed! Nakangiti kong kinuha ang kape na tinimpla niya at saka humigop muna ako bago ko sinagot ang tanong niya.

"Palagi naman akong hindi sigurado-aray naman!" Bigla niya akong pinitik sa noo ko, hindi ko tuloy natapos ang sasabihin ko dapat.

"Ame, umayos ka nga!" Sinigawan niya ako, ibig sabihin, nagagalit na siya. Napasimangot tuloy ako.

"Ang totoo kasi niyan, hindi ko pa talaga alam. Pero wala naman akong choice kung hindi ang magpatuloy sa buhay, hindi ba? Besides, hindi naman si Zach 'yong Buhay ko. Oo, naging parte siya ng buhay ko at bago pa siya dumating may sarili akong mundo na ginagalawan. What I am trying to say is that, kahit iniwan niya ako ay dapat na mag patuloy pa rin ako."

Mahabang sabi ko bago ako muling uminom ng kape na nasa tasa ko.

"That's the spirit! Don't worry, I'll help you. Ipapasok kita sa kumpanya ng kuya ko. Ayos lang ba sa 'yo?" tanong niya. Kaagad na napatango-tango ako, grasya na 'tong inaalok niya tatanggihan ko pa ba?

"Thank you, Trish! The best ka talaga kahit kailan!" Tumayo ako at niyakap siya ng sobrang higpit.

"I know, right!" Pagyayabang niya, well, may ipagmamayahabang naman siya kaya ayos lang.

Pagkatapos naming magkape, siya na rin ang nag ligpit at nag hugas ng ginamit naming mga tasa. Pagkatapos ay pumasok na kami sa kanya-kaniya naming kuwarto para magpahinga.

Kinaumagahan, pag gising ko nasa kusina na kaagad si Trisha naghahanda ng almusal. Natutuwa ako sa kanya kasi kahit anak mayaman siya ay napaka galing niya pa rin sa mga gawaing bahay.

Trisha Gail Montebello is a daughter of the well-known Businessman, Mr. Warren Montebello and famous Hollywood actress Mrs. Georgia Montebello. Kagaya ng nasabi niya kanina, may kapatid siya na kilala din sa larangan ng Business.

Ayon sa mga nababasa kong magazine at article, Si Tanner Gilbert Montebello ang isa sa pinaka ma-impluwensang tao pagdating sa Business dito sa bansa, siya rin ang kinikilalang matinik na kalaban ni Zach pagdating sa business.

Bukod sa mabait at masiyahing tao itong si Tanner na kapatid ng bestfriend ko, ay talagang mahusay raw talaga itong makipag negotiate sa mga ka-business partners niya.

Which is kabaliktaran siya ni Zach, si Zach kasi palaging mainit ang ulo, siguro doon siya ipinaglihi, sa sama ng loob.

"Good morning!" Nakangiti niyang bati sa akin.

"Good morning! Ang aga mo yata?" I greeted her back.

"I told you, sasamahan kita sa kuya ko." Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ngayon na mismo 'yon?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Umayos siya ng tindig at pinaningkitan ako ng mga mata niya.

"Bakit kailan ba dapat 'yon?" Taas kilay niyang tanong sa akin.

"Sabi mo nga, ngayon na 'yon mismo, eh! Pero kasi Trish, hindi pa ako ready!" Kabadong sabi ko sa kanya.

"I told you, you don't have to worry at all. Ako na ang bahala sa 'yo! Isa pa, mabait ang kuya ko, Ame. Wala kang dapat ipag-alala, okay?"

Pag si Trisha talaga 'yong nag desisyon, iyon na dapat 'yon. Bawal mong kontrahin kundi lagot ka!

"First time mong ma-memeet ang kuya ko, kaya ka kinakabahan 'no? Ano ka ba, hindi siya kagaya no'ng bugok na Zach na 'yon kaya 'wag ka nang kabahan d'yan!"

She's right, ito 'yong unang beses na makikilala ko ang kuya niya. Sa tinagal-tagal ng friendship namin, 'yong kuya niya na lang ang hindi ko pa nakikilala, palagi kasi itong nasa ibang bansa para makipag negotiate sa mga foreign investors niya.

"Hindi naman ako kinakabahan dahil d'yan, kinakabahan ako sa trabahong pag-a-applyan ko! Paano kung hindi ko masagot ng tama 'yong interview? Paano pag hindi ako makapasa dahil hindi ko napaghandaan 'to? Sayang 'yong opportunity, Trish!" Frustrated kong paliwanag sa kanya.

"HAHAHAHA!" Bigla siyang humagalpak ng tawa. May nakakatawa ba sa mga sinabi ko? Totoo naman 'di ba? Hindi kasi talaga ako ready. Mostly, ilang araw kong pinaghahandaan 'yong mga upcoming interviews ko noon. Tapos ngayon, ni hindi ko nga alam na sasabak na pala ako kaagad sa interview!

"Si kuya lang naman ang mag-iinterview sa 'yo! As what I've told you, my brother is a nice guy unlike your stupid ex-husband. Basta, ang mabuti pa siguro, kumain ka na lang muna, okay?"

Hindi niya ako naiintindihan, ano namang kinalaman ng pagiging mabait ng kuya niya sa interview ko? Ewan, bahala na nga lang!

Kagaya ng sinabi ni Trisha, kumain na lang ako. Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa paglamon at isinawalang bahala ko na lang 'yong interview mamaya.

Pagkatapos naming kumain ay kaagad na akong nag ayos ng sarili ko. Nakasuot ako ngayon ng fitted na white long sleeve at above the knee black skirt.

"Ready?" Tanong sa akin ni Trisha pag labas ko ng kuwarto. Ngumiti ako sa kanya at tumango, kahit hindi naman talaga ako sure kung ready na ba talaga ako.

"Then, let's go!" Lumapit siya sa akin at tinapik-tapik ang balikat ko. Ginagawa niya ito palagi kapag alam niyang kinakabahan ako. Huminga ako ng malalim bago sumunod sa kanya palabas ng condo niya.

After a couple of minutes nakarating din kami sa company ng kuya Tanner niya. Bitbit ang brown envelope, kinakabahan akong sumunod kay Trisha papasok sa mataas at malaking building.

"Good morning, Miss Montebello!" Bati sa kanya ng mga employees. Bawat daanan namin ni Trisha ay binabati siya at bahagya pa silang yumuyuko bilang pag galang. Nginingitian lang sila ni Trisha, 'yong ngiti na hindi nagmamaldita.

Base sa na-obserbahan ko, mukhang madalas dito si Trisha mag punta, parang kilalang-kilala na kasi siya ng halos lahat ng employees dito.

"Come in, girl!"

Bigla niya akong hinatak papasok ng elevator, sinamaan ko nga ng tingin ang gaga. Para namang hindi ako kaibigan kung hatak-hatakin niya na lang.

"Sorry!" Nag peace sign lang siya sa akin. Inirapan ko na nga lang.

"Nasa 10th floor ang opisina ng kuya mo?" Takang tanong ko sa kanya.

"Obvious naman siguro, Eury, no?" Tinaasan niya ako ng kilay niya. Napangiwi na lang ako. Kahit kailan talaga napaka sweet nitong bestfriend ko na 'to. Gusto niyo inyo na lang siya?

Ting!

Biglang tumunog at bumukas 'yong elevator, ibig sabihin nasa 10th floor na kami.

Paglabas namin ng elevator ay dumiretso kami sa pinaka dulo, huminto kami pag dating sa magarang pintuan. May itinapat lang na card si Trisha doon pagkatapos ay kusa na itong bumukas.

"Kuya!"

Biglang tawag ni Trisha sa kuya niya. Kaagad na nag-angat ng tingin ang lalaking naka upo sa upuan niya sa harap ng table niya habang may tinitingnan sa laptop na nakapatong sa table.

"Trisha!" Mabilis itong tumayo at lumapit kay Trisha. Nag yakapan silang magkapatid. Sobrang close nila. Sana lahat, 'di ba?

"So, anong sadya natin? By the way, who is she?"

Nahihiya akong kumaway sa kanya. Ako 'yong tinutukoy niya.

"She's my long time bestfriend, kuya. Siya 'yong kinukwento ko sa 'yo."

Bigla akong nilapitan ni Trisha at hinatak na naman palapit sa kuya niya.

"Careful!" Akala ko masusubsob ako sa sahig pagkatapos akong itulak ng may kalakasan ni Trisha palapit sa kuya niya. Sa iba ako nasubsob-sa dibdib ng kuya niya!

"Oh, sorry, Eury! Nalakasan ko pala, peace?"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata ko. Nakakarami na sa akin ang babae na 'to!

"Sorry..." hingi ko ng paumanhin sa kuya niya dahil sa pagkakasubsob ko sa dibdib nito.

"Nice to meet you." Bati sa akin ng kuya niya.

"Nice to meet you din po." Nahihiya kong bati sa kanya pabalik.

"I heard nag resign na 'yong secretary mo, kuya. Can you please do me a favor? Please hire my bestfriend, please?"

Napanganga ako sa nasaksihan ko. Ngayon ko lang nakita na parang bata itong brutal kong kaibigan. Naka puppy eyes at pout pa siya habang nakikiusap sa kuya niya. Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa ginawa niya.

"Why would I hire her?" Naningkit ang mga mata ko sa sinabi na iyon ng kuya niya.

"Because she's good and she's my bestfriend as well!" Parang bata niyang sabi sa kuya niya. Tumawa lang ang kuya niya bago tumango-tango.

"Can I interview her first?" Sabi niya sa kapatid niya.

"Sure, kuya! Maiwan ko na kayong dalawa, huh? Dadaan rin kasi ako sa boutique. Kuya, ikaw na ang bahala sa kaibigan ko, okay? Please take care of her, hindi na 'yan iningatan ng ex-husband niya kaya ingatan mo 'yan!"

Literal na napanganga na naman ako sa mga huling sinabi ni Trisha. Kahit kailan talaga ang babae na 'yon! Kaagad din siyang umalis pagkasabi niya no'n, ni hindi pa nga pumapayag ang kuya niya!

Pag alis ni Trisha ay naiwan kami ng kuya niya. Malamang!

"So, can you tell me about yourself?" Biglang nabaling ang atensiyon ko sa kuya ni Trisha ng magsalita ito.

"Start na po ba ng interview?" Kabado kong tanong. Tawa lang ang itinugon niya sa tanong ko.

"I am Amelia Eurydice Cullins, I'm 23 years old. Actually, kaka-23 ko lang kahapon. At the age of 21, I married Zachary Lewis Grayson because of a certain reason, it's actually an arranged marriage. But yesterday, he divorced me and I had no choice but to signed that divorce paper even though I already had feelings for him."

I don't know why I am telling this to Trisha's older brother, oh, I remembered he asked me to tell about myself. So, I did.

"That's it, you're hired." Hindi pa ako tapos magsalita, I still have lots of things to tell. Hindi ko pa nga nasasabi 'yong mga job experiences ko, tapos hired na raw kaagad ako? Omg! Ang swerte ko naman!

"Talaga po? Thank you so much!" Hindi ko mapigilan 'yong excitement at tuwa na nararamdaman ko ngayon. Sa wakas, magiging busy na rin ang buhay ko makakalimutan ko na rin ang hambog na Zach na iyon.

"Please drop that 'po', just call me Tanner, I'm only 26, hindi pa naman ako gano'n ka tanda, hindi ba?" He said. I just smiled at him. Pero nang may maalala ako ay muli akong nag salita.

"But you're my Boss, now." Mahinang sabi ko.

"I know. Ayos lang naman sa akin, kung gusto mo, you can call me 'sir' kapag may ibang tao, pero kapag tayong dalawa na lang just call me by my name." He added.

"Okay. Thank you."

Pagkatapos ng interview ay nagpaalam na rin kaagad ako sa kanya na uuwi na ako. He offered na ihatid pa ako pero tumanggi na ako, he's the Boss tapos ihahatid niya lang ang kaka-hired pa lang na employee niya? Masyadong hindi lang maganda tingnan.

Tama naman si Trisha na mabait nga ang kuya niya, sobrang bait niya, honestly.

From now on, sa mga Montebello na ako magta-trabaho, bagay na ipinagpapasalamat ko ng husto. Kung wala si Trisha, hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon.

Alam kong alam na ng parents ko na hiwalay na kami ni Zach. Pero hindi pa rin ako nakakatanggap ng tawag mula sa kanila. Kahit tawag mula kay ate at kuya ay wala pa rin akong natatanggap, siguro nga, nakalimutan na talaga nila ako.

I smiled bitterly bago ko pinindot ang elevator at sumakay rito. Nagulat ako ng may biglang humabol para sumakay kaya ihinarang ko muna ang kamay ko para huwag ito tuluyang mag sara.

"Wait up!" Ang kuya ni Trisha iyon, ang bagong Boss ko.

"Nag text sa akin si Trisha, ilibre daw kita ng lunch." Nakangiting sabi niya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa sobrang kabaitan sa akin ni Trisha at niya mismo.

"Kahit h'wag na, nakakahiya naman." Mahinang sabi ko.

"Psh! Ano ka ba, si Trisha na ang nagsabi at alam mo naman na mahirap siyang tanggihan, hindi ba?" Nakangiting sabi niya. Nginitian ko na lang din siya. Tama siya, mahirap ngang tanggihan ang isang Trisha Gail Montebello.

Paglabas namin ng elevator ay nauna na akong maglakad kay Tanner, bukod kasi sa madadaanan namin ang mga employees niya sa 1st floor ay talagang nakakahiya nga naman kung mag-fefeeling close na kaagad ako sa Boss ko. Mahirap na, baka ma-issue pa kami.

"Eury, wait up!" Tumigil ako ng tawagin ako ni Tanner, sakto pag tigil ko ay nasa likuran ko na pala siya. Nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso ko. Hindi na ako naka imik, napasunod na lang ako sa kanya papunta sa sasakyan niya.

Hindi ko alam kung sasakay ba ako ng makita ko ang sasakyan niya. Kaya niyo bang sumakay sa isang Bugatti La Voiture Noire na sasakyan? Grabe, ang mahal-mahal kaya ng sasakyan na 'to! Buti pa ang sasakyan, mahal, samantalang ako, hindi! Grabe, lakas maka-bitter!

"Pasok na-"

Nakakahiya naman, pinag buksan niya pa ako ng pintuan ng sasakyan niyang ubod ng kamahalan!

"Hindi na, mag commute na lang ako-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko, matapos niya akong itulak papasok sa loob ng sasakyan niya. Magkapatid nga sila ni Trisha, ang hilig nila manulak!

"Mahal pa yata sa Buhay ko itong sasakyan mo na 'to, grabe! Nakakahiya naman masyado." Sabi ko habang kinakabit niya ang seatbelt ko. Wala na siyang ibang ginawa kundi pag tawanan ako. Grr!

Habang nagmamaneho siya seryoso lang siyang nakatingin sa daan. Dapat lang naman, kasi kapag nabangga kami, kawawa naman itong ubod ng mahal niyang Bugatti.

Huminto kami sa tapat ng isang five star restaurant. Pagkakita ko no'n, parang ayoko nang bumaba ng sasakyan niya. Bumigat bigla 'yong katawan ko. Paano ba naman kasi ako baba kung wala akong pera? Bwesit kasi ang Zach na 'yon, hindi man lang ako binigyan ng Pocket money bago ako pinalayas!

Nang buksan ni Tanner ang pintuan ng sasakyan ay wala na akong choice kung hindi ang bumaba. Baka kasi isipin niya na masyado akong nag-eenjoy sa sasakyan niyang mahal pa sa buhay ko.

"Naalala ko, busog pa pala ako." Sabi ko pagkababa ko. Tinawanan niya lang ako.

"Tara na." Bago niya pa ako mahila ay sumunod na lang ako sa kanya. Hindi bale na, mamaya pag o-order na, hindi na lang ako mag o-order. Sa gara ba naman ng restaurant na 'to, sure na mamahalin ang mga pagkain rito.

Pagtuntong ko pa lang sa pintuan ng restaurant na papasukan namin ni Tanner ay parang gusto ko na kaagad humakbang palabas at tumakbo.

Si Zach, narito siya sa restaurant, may kasama siyang magandang babae. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, parang nahihirapan rin akong huminga habang nakatingin sa kanila.

Hanggang sa namalayan ko na lang na yakap-yakap na ako ni Tanner. Nagulat din ako nang bigla niyang pahirapan ng panyo ang mukha ko. Umiiyak na pala ako? Saglit, ano bang nakakaiyak sa nakita ko? Oo nga pala, kahapon lang kami nag divorce, tapos may kasama na kaagad siya. Grabe, ang bilis!

Bab terkait

  • Hiding The Billionaire's Baby    Chapter 2: Unexpected

    It's been a month since I started working in Montebello Group of Companies under Trisha's brother. In that one month, I can say that my life became better. I mean, hindi ako gaanong nag-iisip ng kung anu-ano, ang tanging iniisip ko lang ay ang trabaho ko at sarili ko. Dahil na rin sa pagtatrabaho bilang secretary ni Sir Tanner Montebello, kaya wala na akong time para mag feeling broken o masaktan. Ibinuhos ko lahat ng oras ko sa pagtatrabaho, though I can't deny the fact na minsan naiisip ko pa rin si Zach. Oo na, may karupukan na ako. Sorry naman, tao lang!Sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon pero pinilit kong bumangon dahil may pasok pa ako. Ngayon ang unang beses na isasama ako ni Sir Tanner sa meeting niya kaya naman hindi maalis sa akin ang hindi kabahan."Good morning!" Trisha greeted me happily. Kakalabas niya lang din sa kuwarto niya habang kinukusot pa ang kanyang mga mata, halata na kaka-gising niya lang."Good morning, Trish!" Bati ko rin sa kanya pabalik."You look pale

    Terakhir Diperbarui : 2023-01-07
  • Hiding The Billionaire's Baby    Hiding The Billionaire's Baby

    Disclaimer.This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.—"Please, sign this divorce paper and get lost!"Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Halos limang oras ko siyang hinintay sa mansion dahil birthday ko ngayon, gusto ko lang naman sana siyang makasama na mag-celebrate ng 23rd birthday ko, tapos ganito lang pala ang mangyayari."Se–seryoso ba 'to?" Utal kong tanong sa kanya."Why don't you read it, bitch?" Nasaktan ako sa sinabi niya, I don't know why he keeps on calling me bitch kahit na hindi naman ako gano'n, alam ko sa sarili kong pormal at malinis akong babae."I said, sign that fvcking divorce paper!" Muling sigaw niya sa akin. So, ito pala 'yong ipinunta niya sa US, para mag file ng divorce paper namin? Wow! Just wow! Kaya pala last year, gusto niyang sa US kami magpakasal, para nga naman ma-divorce

    Terakhir Diperbarui : 2023-01-07

Bab terbaru

  • Hiding The Billionaire's Baby    Chapter 2: Unexpected

    It's been a month since I started working in Montebello Group of Companies under Trisha's brother. In that one month, I can say that my life became better. I mean, hindi ako gaanong nag-iisip ng kung anu-ano, ang tanging iniisip ko lang ay ang trabaho ko at sarili ko. Dahil na rin sa pagtatrabaho bilang secretary ni Sir Tanner Montebello, kaya wala na akong time para mag feeling broken o masaktan. Ibinuhos ko lahat ng oras ko sa pagtatrabaho, though I can't deny the fact na minsan naiisip ko pa rin si Zach. Oo na, may karupukan na ako. Sorry naman, tao lang!Sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon pero pinilit kong bumangon dahil may pasok pa ako. Ngayon ang unang beses na isasama ako ni Sir Tanner sa meeting niya kaya naman hindi maalis sa akin ang hindi kabahan."Good morning!" Trisha greeted me happily. Kakalabas niya lang din sa kuwarto niya habang kinukusot pa ang kanyang mga mata, halata na kaka-gising niya lang."Good morning, Trish!" Bati ko rin sa kanya pabalik."You look pale

  • Hiding The Billionaire's Baby    Chapter 1: Life Must Go On

    "Ano nang balak mo ngayon?" tanong ni Trisha sa akin habang naghahanda siya ng kape. Kakarating lang namin sa Hello Kitty themed na condo niya, natulungan niya na rin akong ayusin ang dala-dala kong mga gamit sa bakanteng kuwarto na pansamantala kong magiging tuluyan."Hindi ko alam." Tugon ko sa tanong niya. Tinaasan niya ako ng kilay. Maldita!"Kailan pa naging hindi sigurado ang isang Amelia Eurydice Cullins?" Nakataas ang kilay niyang tanong sa akin. "Oh, kape mo." Inabot niya sa akin ang kakatimpla niya lang na 3 in 1 coffee. Oo, pati mga tasa at kutsara niya, Hello Kitty themed din. Basta, lahat ng gamit niya, Hello Kitty themed! Nakangiti kong kinuha ang kape na tinimpla niya at saka humigop muna ako bago ko sinagot ang tanong niya."Palagi naman akong hindi sigurado-aray naman!" Bigla niya akong pinitik sa noo ko, hindi ko tuloy natapos ang sasabihin ko dapat."Ame, umayos ka nga!" Sinigawan niya ako, ibig sabihin, nagagalit na siya. Napasimangot tuloy ako."Ang totoo kasi ni

  • Hiding The Billionaire's Baby    Hiding The Billionaire's Baby

    Disclaimer.This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.—"Please, sign this divorce paper and get lost!"Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Halos limang oras ko siyang hinintay sa mansion dahil birthday ko ngayon, gusto ko lang naman sana siyang makasama na mag-celebrate ng 23rd birthday ko, tapos ganito lang pala ang mangyayari."Se–seryoso ba 'to?" Utal kong tanong sa kanya."Why don't you read it, bitch?" Nasaktan ako sa sinabi niya, I don't know why he keeps on calling me bitch kahit na hindi naman ako gano'n, alam ko sa sarili kong pormal at malinis akong babae."I said, sign that fvcking divorce paper!" Muling sigaw niya sa akin. So, ito pala 'yong ipinunta niya sa US, para mag file ng divorce paper namin? Wow! Just wow! Kaya pala last year, gusto niyang sa US kami magpakasal, para nga naman ma-divorce

DMCA.com Protection Status