Isa sa mga pinaka hindi gusto ni Perez ay pinagkikialaman ‘yong mga gamit niya o ‘di kaya’y biglang may pumasok sa kanyang teritoryo. Maliban na nalang sa mga taong pinagkakatiwalaan niya ay hindi niya pinapayagan ang kahit na sino man ang pumasok. Everytime someone tried to pry on his belongings, he always felt a sense of invasion in his personal space and it made him mad and uneasy.
Simula pa lang noong bata pa siya, Perez was always the center of attention. With his wealth, high quality appearance, and family background, a lot of people wanted to be connected to him in some ways. Dahil sa karanasan niya sa pagkikipaghalubilo sa maraming tao, he earned a lot of enemies and traitors rather than allies. Ang tao, mabuti man o masama, had greed inside their hearts. Kaya naman ay hindi siya nagtitiwala kaagad. Madeleine was no exception. After all, Madeleine was only his wife in paper. In his heart she will always be a stranger.
“What are you doing?” tanong ni Perez sa hindi maipintang mukha. “Hindi ba sabi ko sa’yo na hindi ka pwede dito. Other than my bodyguards no one is allowed to go here. Are you stupid or what?” Dahil sa inis ay hindi mapigilan ni Perez na pagtaasan ng boses si Madeleine at bigyan ito ng matatalim na salita.
Naramdaman ni Madeleine ang panginginig ng kanyang tuhod at pagbagsak ng kanyang puso sa kanyang dibdib.
“I-ihahatid ko lang sana—” hindi natapos ang sasabihin ni Madeleine nang bigla nagsalita si Perez.
“Then just put it there and get out!” utos ni Perez sa galit na tono. Pakiramdam niya ay bumalik na naman ang pananakit ng kanyang ulo.
Marami siyang promblemang inisikaso sa kompanya niya, pati na rin ang kanyang mga board members ay nakisali din sa kanyang iisipin kaya hindi nakapagtataka kung makaramdam siya ng pagkirot sa sintido.
Napatutop ng bibig si Madeleine at napayuko. May nagbabadyang luha sa kanyang mga mata pero pilit na pinigilan niya ‘yon na tumulo. Nilagay niya ang hawak na tray at agad na lumabas. Narinig niya ang malakas na pagsara ng pinto at doon na bumuhos ang kanyang mga luha.
Sanay na si Madeleine sa mga masasakit na salita. Kahit pa man noon, nung nandoon pa siya sa puder ng kanyang ama ay kalian man hindi niya naradaman ang pagtanggap ng pamilya nito sa kanya. Parati siyang pinagsasalitaan ng masasama ng asawa ng kanyang ama kaya kalaunan ay kinimkim nalang niya ang sama ng loob at hindi ito sinabi sa ama. Wala rin naman siyang mapapala lalo na’t walang pake ang kanyang ama sa kanya.
Ngunit kahit sanay man siya ay hindi bato ang kanyang puso. Nasasaktan pa rin siya. In fact, she was easily hurt and sometimes nakakapagod din ang sobrang pagka-emosyonal niya. Pero hindi niya talaga maiwasan ang nararamdaman.
Madeleine carelessly wiped her tears using the back of her hand at tumakbo papunta sa kanyang kwarto. Hindi niya binigyan ng tingin ang mga bodyguards na kanyang nadadaanan at nagkukumahog na isinara ang pinto ng kanyang kwarto. She rubbed her eyes roughly and plopped herself in the bed. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa unan, she comforted herself.
“Okay lang yan Madeleine, kasalanan mo naman. Bakit mo ba kasi nakalimutan, ‘yan tuloy napagalitan ka,” kausap niya sa sarili pero patuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mgaluha.
Naramdaman niya ang pagkirot ng kanyang puso kaya wala sa sarili na napahawak siya sa kanyang dibdib at tahimik na napahagulgol.
Gumising siya na mugto ang mga mata kinabukasan. Buti nalang at maagang umalis si Perez at nakahinga siya ng maluwag sa kadahilanan na hindi niya ito mahaharap. Natatakot kasi siya na makita ito at nahihiya na rin dahil sa kanyang hitsura.
Inayos niya ng konti ang sarili, pagkatapos niyang patagong kumuha ng tinapay at tubig sa kitchen ay agad siyang pumunta sa shooting site.
Mamayang alas 10 pa sana magsisimula ang kanilang shooting pero sinadya talaga ni Madeleine na maagang pumunta. Hindi kasi siya komportable sa Villa, pakiramdam niya at lalamunin siya sa nerbyos at sama ng loob sa tuwing maaalala niya ang nangyari kagabi.
“Madeleine, mabuti naman at maaga ka. Rhea, tawagin mo ang mga make-up artist at paki-ayusan na si Madeleine para wala na tayong problema mamaya,” sabi ni Director Lao. Binati ni Madeleine muna ito bago siya sumunod sa babaeng tinawag nito.
Lahat ng staff ay maayos ang pagtrato sa kanya. They were not that enthusiastic towards her but they didn’t gave her cold shoulders. Napahinga siya ng maluwag at hinayaan lang sila na ayusan siya.
Madeleine was naturally pale but not unhealthy kind of paleness, because she doesn’t wear make-up often her face and skin was in good condition. Hindi nagsalita si Lucy nang makita niya ang pamamaga ng mga mata nito at tahimik na nilagyan ng concealer ang ilalim ng kanyang mga mata, pagkatapos ay napabugtong hininga si Lucy nang makita ang kabuuang mukha ni Madeleine.
Lucy was a make-up artist for almost fourteen years. Marami na rin siyang nakatrabaho na mga artista at mostly sa kanila ay magaganda at may ibubuga, but most of them undergone plastic surgery or had monthly maintenance for their skin to be flawless and perfect. May natural din naman kagaya ni Madeleine but still, hindi naman niya masisisi yung iba. After all, it’s all about the genes and hormones.
Madeleine was like a rough diamond, kung ‘di aayusan ay hindi talaga makikita ang ganda nito. Dahil masakitin ang role niya, hindi siya masyadong nilagyan ng make-up ni Lucy but just by doing something on her face made her three times better than usual. Nanlaki ang mga mata niya napatingin sa kamay ni Lucy, it’s like Lucy’s hand had magic or something!
Napabugtong hininga ulit si Lucy at napatingin kay Madeleine sa salamin. Madeleine had an oval shaped face, heart shaped lips and pointy nose. Although hindi masyadong mataas ‘yong pilik mata nito ay kurba naman at makapal. From just a little make-over can really bring out the beauty in her, paano na kaya kung aayusan talaga.
“Imbes na lip gloss, mas prefer ko talaga na pink lipstick ang ilagay sa’yo. Gusto ko rin lagyan ng konting blush on pero ‘di pwede—” hindi natapos ang sasabihin ni Lucy nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran.
“Mady!Mady!” Sulpot ni Janine sa likuran ni Lucy. Nginitian niya muna si Lucy at nagpaumanhin bago umupo sa stool katabi ni Madeleine. Nawala ang atensyon ni Madeleine kay Lucy at nabaling ‘yon sa bagong dating na kaibigan.
“Janine, nandoon ang tent mo. Bakit ka nandito?” tanong ng nakasunod ni Janine.
“Wait lang, five minutes. Kakausapin ko lang si Madeleine,” sabi ni Janine dito.
Tumingin si Madeleine sa babae na nasa likod ni Janine at nginitian ito, sinuklian din siya nito ng ngiti.
“Ah, si Belle pala Manager ko. Belle, si Madeleine ‘yong palagi kong kinukuwento sa’yo,” pakilala ni Janine sa Manager at nailang na ngumiti kay Madeleine nang makalimutan niyang ipakilala muna ito.
Nagbatian ulit silang dalawa bago nito sila iniwan para makapag-usap. Hindi nagsayang ng oras si Janine at agad niyang kinuha ang cellphone at nilagay iyon sa kanilang harap.
“Selfie tayo dali, ise-send ko sa GC natin doon sa theater troupe natin dati,” sabi ni Janine sabay bahagyang hinila ang pulupusuhan ni Madeleine para mapaglapit pa silang dalawa.
Tinignan ni Madeleine si Janine. “May GC tayo?”
“Duh, meron po. Ikaw lang kaya hindi bumabasa sa mga chat doon. Mute pa more kasi,” sabi ni Janine sa pataray na tono.
Hindi na niya ito sinagot at ngumiti nalang sa camera. Sakto naman pagkatapos ma-click ni Janine ang shutter ng camera nang biglang bumalik si Belle at hinatak papaalis si Janine.
“Bilisan mo, hinintay ka na ni direk. Sabi ko naman sayo dumiretso agad tayo sa tent mo eh,” sabi ni Belle kay Janine.
“Wait lang naman ito na, ito na,” sabi ni Janine at bumingisngis. Kinawayan niya si Madeleine bago umalis ng tent.
Tumayo si Madeleine at hinanap si Lucy pero napagtanto niyang siya nalang pala mag-isa sa tent kaya lumabas na rin siya, sa ‘di kalayuan ay may nakita siyang nagkukumpulang mga tao kaya nagtataka siyang napatingin sa kanilang pinagkakaguluhan.
Isang tingin palang ay nakita niya si Terrence na nasa gitna at nag-di-distribute ng milk tea sa mga babaeng staffs na nasa set. May maliit itong ngiti sa maninipis nitong labi na mas lalong nagpapa-gwapo dito. Dahil sa suot nitong pulis na uniporme ay mas lalong klaro ang matipuno nitong katawan at matikas nitong tindig. Hindi mo talaga mai-iwasan na mapatingin at mapatitig.
Biglang tumingin si Terrence sa direksyon ni Madeleine at napatitig ng bahagya sa dalaga bago niya ito nilapitan. Nagulat naman si Madeleine nang bigla itong lumapit sa kanya kaya hindi niya mapigilan na mapa-atras. Binigyan siya nito ng malawak na ngiti at inabutan ng milk tea na siya ring tinanggap niya. Napatingin siya sa kamay nito nang bigla nitong nilahad, hindi niya pansin ang mga tingin sa paligid at hinay-hinay na umakyat ang tingin niya sa mukha ng lalaki.
“I’m Terrence Madrid, you must be Madeleine. Nice to meet you,” nakangiting sabi nito.
Nahihiyang tinanggap niya ang kamay nito at dali-daling tinggal din ‘yon dahil sa pagka-ilang. “N-nice to meet you din. Salamat sa milk tea,” sabi niya sabay alis dahil hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Pero imbes na umalis din ‘to ay sumunod ito sa kanya sa pag-upo sa may gilid.
Hindi nagsalita sa Madeleine at patuloy lang sa pag-inom ng kanyang milk tea. Bigla itong nagsalita, “May agency ka na bang papasukan? I heard you acts in small roles before but you’ve perform really well. How about being an artist in MAHARLIKA?”
Nasamid si Madeleine sa sinabi nito, napatingin siya sa lalaki at agad siyang namula nang makita niya itong nakatitig sa kanya at kitang-kita ang aliw na nagsasayaw sa mga mata nito. Terrence was amused by her reaction and he didn’t even tried to conceal it which made Madeleine very embarrassed.
“Pasensya na, sa ngayon wala pa kasi sa isip ko na pumasok sa isang agency,” pagtanggi niya sa offer nito.
Napataas ng kilay si Terrence dahil hindi niya inaasahan ang pagtanggi nito. “Did you just refuse my offer?Agad- agad?” gulat na tanong ni Terence.
“Pasensya na talaga, hindi pa kasi talaga ako sure,” tanggi niya ulit dito. Madeleine averted her eyes away and didn’t notice Terrence’s expression. She leaned he body on the opposite side so that she can create more distance between the two of them.
Mas lalong umasim ang mukha ni Terrence. “Janine is also an artist under MAHARLIKA. If you will be an artist under the agency, there’s a higher chance that you will work together with your friend. Or is there something you are worrying about?” tanong ni Terrence.
Madeleine awkwardly laughed. “Wala, wala. Wala pa talaga sa isip ko, pasensya na.”
Madeleine refused three times, Terrence felt that he was about to snap because he was turned down. Kahit kailan hindi niya naranasan na tanggihan kaya hindi niya maiwasang magalit at mailang.
Terrence was about to say something nang biglang siyang tinawag ni Diector Lao para magsimula na sa shooting. Nakita niyang napahinga ng maluwag si Madeleine at umaliwalas ang ekspresyon nito sa mukha. Terrence scoffed and stood up. Terrence will be lying if he said that he wasn’t angry, but despite of that he was getting more interested towards Madeleine.
Umabot hanggang gabi ang unang shoot nila Madeleine, dahil wala pa siyang masyadong scene ay pinayagan siyang hindi muna pumunta sa set bukas. Madeleine was happy for a while bago na-realize na sa Villa pala siya uuwi. Pagkauwi niya sa Villa ay dumiretso siya sa kanyang kwarto at matulog na sana agad nang biglang bumukas ng malakas ang kanyang pintuan.
Napabalikwas ng bangon si Madeleine at nanlaki ang mga mata niyang napatingin kay Perez nang bigla itong pumasok sa kanyang kwarto.
Namumutla na pumasok si Perez sa kwarto ni Madeleine. May namumuong malalaking pawis sa noo nito at hinahabol ang hininga nitong nilapitan ang dalaga. Napahawak si Madeleine sa balikat nito at hindi gumalaw nang biglang sumalampak ang katawan nito sa kanya. Nanigas si Madeleine at hindi alam ang gagawin.Perez felt better when he finally held Madeleine in his arms, wala sa sariling humigpit ang pagkakayakap niya sa babae at isinubsob ang mukha sa leeg nito. Nawala ang pagsakit ng kanyang ulo at kumalma rin siya dulot nang mahawakan niya si Madeleine. He felt at ease and comfortable kaya mas inilapit pa niya ang katawan kay Madeleine.Hindi alam ni Madeleine kung saan ilalagay ang mga kamay niya at mas lalo siyang nataranta nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa kanyang leeg.“M-mr. President, te-teka,” nauutal na tawag niya dito pero tila ba wala itong narinig at patuloy pa rin sa pagyapos sa kanya. “No, stop. Let me hold yo
Napalingon si Madeleine kay Nina nang marinig niya ang sinabi nito. Agad namang inayos ni Nina ang kanyang ekspresyon and gave Madeleine an apologetic smile, na para bang hindi niya sinasadya ang sinabi at bunsod lang ng matinding emosyon kaya niya nasabi ang mga katagang 'yon."Pasensya na, hindi ko sinasadyang sabihin 'yon pero sa akin lang naman sana pinakinggan mo ako. Handa naman akong tumulong sa’yo," wika nito sa mahinang boses at napayuko.Hindi nakatakas sa mga mata ni Madeleine ang kakaibang emosyon na na dumaan sa mata nito bago ‘to nakayuko. Hindi siya sigurado kung panunukso o pagsisisi ang kanyang nakita ngunit nakaramdam siya na hindi ito sincere sa kanyang sinabi.Ngayon lang napansin ni Madeleine ang kakaibang kilos nito kanina pa. Dahil sa nangyari ay masyadong okupado ang isip at atensyon niya kay Perez para mapansin pa niya ang kilos nito. Pero ngayon, kung iisipin ay masyado itong concern kay Perez na hindi karaniwang makikita sa
Maaga ulit na pumunta si Madeleine sa shooting site. The atmosphere at the Villa was so awkward at pakiramdam niya ay hindi siya makakahinga ng maayos doon. Kasalukuyan siyang inaayusan ni Lucy nang biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon at nakita niya ang pangalan ni Director Diaz sa caller I.D. Agad naman niya ‘yon sinagot.“Hello po, Direk,” bati niya dito.Nakarinig siya ng kaluskos sa kabilang linya bago niya marinig ang boses ni Carl. “Madeleine, did you see my tweet? We’re going to have the publicity for 'You are my destiny'. Na-post na namin ang trailer, you need to retweet na video okay?” sabi nito.Napakamot si Madeleine sa kanyang ulo. Sa totoo lang ay wala siyang twitter, hindi naman dahil huli siya sa mga trends at kung ano pa, ito ay dahil instead na lunurin niya ang sarili sa mga social medias at pagtuonan ng oras na pag-aralan ito ay mas gugustuhin pa niyang magtrabaho para magkapera.
Hindi umabot ng isang araw ay umani ng maraming papuri ang trailer ng 'You are my destiny'. Hindi lang kasi ito umiikot sa tema ng pag-ibig kundi pati na rin sa pamilya at pagkakaibigan. Pero ang nakakuha talaga ng kanilang atensyon ay ang isa sa mga side characters na naging tulay para magkabalikan ang dalawang bida. Not because of her extraordinary beauty but because of her pure and innocent bearing. May isang clip na tumingin ito sa camera at ngumiti, biglang nagkagulo ang mga nanonood dahil sa matamis nitong ngiti at mala-anghel nito na mukha. [@dbpotato: Mama, 'yung puso ko nahulog, huhuhuhu.] [@eggybeggy: Who dis? Who dis? Bakit ngayon ko lang siya nakita? Bagong artista ba 'to?] [@angeangelaa: Ang gwapo talaga ni Marco, pahalik uwu] [@GiCowonderland: @angeangelaa fren maharot lang? Akala ko ba die hard GiCo fan tayo? Traydor! ] [@beyangchan: Oh, parang nakakakilig. Looking forward to it! Sana may time akong pumunta sa sine
Ito ang unang beses na tiniwag ni Perez si Madeleine sa kanyang pangalan, pero walang nang oras mag-react si Madeleine rito at agad tumawag ng tao sa labas para ipaghanda ng gamot si Perez. She already learned her lesson at ang unang inisip niya talaga ay ang gamot ni Perez. Actually, dahil na rin sa pagod at pagkataranta ay hindi na nakapag-isip ng maayos si Madeleine. All she knew was that she was extremely worried and that she was nervous. Tinulungan niya si Perez makahiga sa kama habang hinihintay ang gamot nito. Perez was drenched in sweat kaya bakat na bakat ang katawan nito sa kanyang suot. Walang nagawa si Madeleine kundi tulungan na naman itong magpalit ng damit. Perez didn’t have the muscular or macho type of body with toned and wheat colored type na mostly gusto ng mga kababaehan. Instead he was fair-skinned and very fit. His body was well proportioned with muscles in the right places that made him looked especially manly and attractive. Isa pa, he had bro
Madilim ang mukha ni Perez, may kunot ito sa noo at simangot sa kanyang labi habang pinakikinggan ang sinasabi ng doctor.“HTCH is also a type of Hallucinogens that cause profound distortions in a person’s perceptions of reality, in other words hallucinations. When a person is under the influence of this type of drug, they may see images, hear sounds, or feel sensations that seem to be real but aren’t. HTCH is not known because it is prohibited but it is not possible to purchase in black markets. Although hindi masyadong delikado ang droga na ‘to but if it is consumed in long term, it is more lethal than any other Hallucinogens and can cause addiction and mental disability,” mahabang paliwanag ng doktor.Hindi nagsalita si Perez at malalim ang kanyang iniisip. Bumalik sa kanyang alaala ang nangyari kanina nang makita niya si Madeleine na nakahandusay sa sahig habang naliligo sa sariling pawis nito at humihingi ng tulong sa maliit na
Perez's past memories came to him like turbulent waves, making him waver and coldness flashed through his eyes. Naalala niya ang kanyang Ina, ang kanyang ama na nagtaksil, at ang kabit nito pati na rin ang bunga ng kanilang pagtataksil. All of the memories played in his mind like it was still yesterday that he lost his mother and how his father treated him like an illegitimate child instead of Xenon. Napatiimbagang si Perez at pilit na ipinukos ang atensyon sa ginagawa. He flipped the paper at nagpatuloy sa pagbabasa, pero sa kalagitnaan ng pagbabasa ay nawalan siya ng gana na tapusin 'yon. All he did was skimmed through the report and just picked the important details before putting down the paper and stood. There were nothing much, all he knew was that Nina and his doctor were one of Xenon's people. Wala sa sariling pumunta siya sa kitchen and reach for a bottle of rum in the rack. Pour it in a glass with ice at dinala iyon p
Hindi mapigilan ni Madeleine na bigyan ng pasulyap na tingin si Perez. Nang magtama ang kanilang mga mata ay bigla siyang nahiya at agad na iniwas ang tingin. Napayuko siya at tinignan ang walang laman niyang pinggan. Wala pang nakahandang pagkain sa mesa maliban nalang sa tinapay na nasa gitna, aabutin na niya sana ito nang pigilan siya ni Perez. Kinuha ito ni Perez at inilayo sa kanya pagkatapos ay binigyan siya ng matalim na tingin. “Huwag lang tinapay ang kainin mo, make your stomach full with a meal,” sabi ni Perez kay Madeleine. Sakto naman na pagkasabi ni Perez nun ay may lumabas na dalawang may edad na mga babae galing kusina sabay lagay ng mga pagkain sa mesa. May itlog, fried rice, hotdog, sopas, sliced na mga prutas at marami pang iba. Nanlaki ang mga matang nakatingin si Madeleine sa mga pagkain, napatingin siya sa kanyang gilid nang binigyan siya ng baso ng gatas ng isang babae, nginitian siya nito. Ngayon lang niya napansin na hind
“At talaga ngang sinusubok mo ako, Barbara! You are being insensible. I’ve raised you, binigay ko sa’yo ang magandang buhay ngayon ay susuwayin mo lang ako. I can’t believe nakipagbalikan ka sa lalaking iyon. I supported you before dahil you said Xenon will get the inheritance. Now, what? He cheated on you; he already loses the trust with some of the board members!” galit na sabi ng nasa kabilang linya.Napakagat ng labi si Barbara at pinapakalma ang kan’yang galit na ama. “Dad, just trust me one more time, okay? I love Xenon, you know that. He also loves me, gano’n naman siguro ang pag-ibig di’ba, Dad? This is just a challenge that we need to conquer. Xenon had always been the one who was cast aside from any business matters, I want to give him a chance to prove himself. And if I can help him, I will do this to make him happy. Let’s support him one more time.” Pagkukumbinsido ni Barbara sa kan’yang ama.“You.. foolish child!” sigaw naman ng kan’yang ama. “Don’t be fooled with that ma
Walang magawa si Madeleine kundi tignan kung ano na ang nangyayari sa social media. Napahilot siya sa kan’yang sintido nang makitang walang ginawang statement ang MAHARLIKA dito. Although hindi na ito masiyadong nakakalat sa social media marami pa rin ang nag-aabang na article tungkol sa kung ano talaga ang ugnayan nilang dalawa ni Terrence.Hindi na niya mapigilan na tawagan si Terrence.“Mady.” Nakailang ring pa lamang ay agad na sinagot ni Terrence ang tawag ni Madeleine.This was the first time that Madeleine called him, deep in his heart, he was secretly happy.Ngunit hindi pinansin ang masayang tono sa boses ni Terrence at agad niyang isinabi ang pakay ng kan’yang pagtawag.“Terrence, wala pa bang statement ang agency natin about sa issue sa ating dalawa? Dapat na nating i-clear ‘yung article ano nalang iisipin ng mga tao. Baka maniwala silang lahat na may relasyon talaga tayo,” sabi niya kay Terrence.Narinig niya ang pagbugtong hininga ni Terrence sa kabilang linya. “Actually,
“You saved me, Perez. I am so sorry to bother you when you are together with your wife,” agad nagsalita si Barbara nang makapasok na siya sa kotse at umupo sa backseat. Madeleine peaked at the rear-view mirror and was suddenly shy when she was caught by Barbara for looking at her.“Hello, you are Madeleine, right? I am Barbara, by the way. Perez’s bestfriend,” pakilala ni Barbara sabay lahad ng kan’yang kamay.It would be rude to not accept the handshake kaya agad tinanggap ni Madeleine ang kamay nito at nag-handshake silang dalawa.“Why did you do, Barbara? Ito ang unang beses na naglayas ka, what are even doing?” pagalit na tanong ni Perez ngunit may halong pag-aalala sa boses nito. Tahimik lang si Madeleine at nakikinig.“Nag-away lang kami ni Dad, okay? Maliit na hindi pagkakaunawaan lang,” sagot naman ni Barbara.“Small misunderstanding? Is it enough for you to run away? Just like that?” hindi makapaniwalang wika ni Perez habang nagmamaneho.Hindi na pinansin ni Barbara si Perez
Hindi makapagsalita si Madeleine, para bang may bumabara sa kan’yang lalamunan and she doesn’t have the courage to speak up. Madeleine unconsciously fumbled the hem of her shirt and hummed to answer his call. “Are you okay?” Rinig niyang tanong ni Perez at may pag-aalala sa boses nito. Strangely enough, she somewhat kind of heard his footsteps like he was walking up the stairs with his breath slightly rugged, probably through the exertion of movements. Madeleine found herself relieved and let go of all her worries before answering. “Yes, ikaw?” “Hmmm,” sagot lamang ni Perez. ‘Di na napigilan ni Madeleine at siya na mismo ang unang nagsalita tungkol sa issue. She explained, “N-nakita mo ba ang balita? Magkaibigan lang talaga kami ni Terrence. Nagkita lang kami at kasama ang mama niya. Pinakilala niya lang ako bilang katrabaho. Kung ano man ang nababasa mo online, Perez, sana h’wag mong paniwalaan.” Hindi alam ni Madeleine kung paano niya ii-explain kay Perez ang katotohanan basta a
Hindi pa natapos ang party ay umuwi na sila Perez at Madeleine. Contrary to Madeleine’s worry, after those rude remarks from Felipe ay wala nang nagtangkang insultuhin o mag-isip na kalabanin si Madeleine. It was a peaceful and normal party, ngunit dahil napansin ni Perez na medyo hindi na maganda ang pakiramdam ni Madeleine ay agad niya itog inalalayan papauwi.Lumipas ang ilang araw ay hindi naging maganda ang pakikitungo ni Madeleine kay Perez. Maski man siya ang naiinis sa sarili kung bakit niya tinatarayan pa minsan-minsan o ‘di kaya’y ‘di niya papansinin ang asawa, ngunit sa tuwing lumalapit ito sa kan’ya ay parati niyang naaamoy ang pamilyar na pabango sa katawan nito.She knew she shouldn’t be like this, pero talagang naiinis siya. She was not that sensitive before, she wondered what was going on with her these past few weeks.Akala niya ay maiinis na sa kan’ya si Perez dahil napaka-moody niya ngunit nakakapagtaka lang dahil mas lalo itong nag-aalala sa kan’ya.Inaalala pa lan
Because of what happened, Barbara’s heart was shattered knowing na pinagtaksilan siya ng kan’yang pinakamamahal. She had loved Xenon for almost ten years without setting her eyes to others. She always believed na si Xenon na talaga ang mamahalin at makakasama niya sa buong buhay niya.Pero nang dahil sa nangyari, bumagsak ‘di lang ang kan’yang puso kundi ang pagtitiwala niya rito.Ngunit nang makita niya ito sa party ay nanumbalik ang kan’yang pagmamahal sa dating kasintahan. She thought she already gave up on loving him but now seeing his haggard appearance and dark circles under his eyes, Barbara can’t help feeling pity towards him.Nang makita siya ni Xenon ay agad na nanlaki ang mga mata nito. Tila ba nabuhayan ang pagkatao nito nang makita si Barabara at agad itong lumapit sa kan’ya. “Honey, can we talk?” Xenon asked hoarsely.Barbara’s heart wretched at the sight of Xenon’s weary and sick look. Additionally, nang tawagin siya nito sa kanilang endearment ay tuluyan nang lumambo
“Why are you at the hospital, Madeleine? May nangyari ba sa iyo? Is anything wrong?” tanong ni Terrence sa kan’ya pagkatapos nilang kumain sa isang pribadong restaurant. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.“Ah, wala. Para lang iyon sa regular checkup ko,” sagot niya sabay iwas ng tingin, Uminom siya ng tubig at hindi tinignan sa mata si Terrence. Tinitigan ni Terrence si Madeleine at hindi nagsalita, na para bang sinusuri niya ito kung nagsasalita ba ito ng totoo. Mayamaya pa ay napabugtong hininga ito. “You are not a good liar, Madeleine. I saw it, it was wrong for me to ask knowing you usually don’t want anybody knows whenever there’s something wrong. Alam ko na ayaw mong maging pabigat but it just hurts those people around you na pinapahalagahan ka. I am your friend, am i? Gusto ko lang malaman kung okay ka, ayaw kong malaman isang araw na may nangyari na pa lang masama sa iyo,” nag-aalalang sabi ni Terrence kay Madeleine. Napakagat ng labi si Madeleine nang marinig iyon at hin
Perez gave out a cold aura as he was shuffling the papers on his hands. Hindi mawala sa isip niya si Madeleine. Dalawang araw na ang nakakalilipas at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mawari kung bakit iba ang kinikilos ng kan’yang asawa. Pakiramdam niya ay unti-unting lumalayo ang loob ni Madeleine sa kan’ya. It was like she was hiding something and that she was distancing herself from him for some reason.Perez grew anxious by that, may mali ba siyang nagawa? Ngunit kapag lumalapit at naglalambing siya rito, hindi naman ito umaayaw. She let him kiss her and hugged her like everything was fine but the thing was, Perez knew too well that something between them was going downhill. “Mr. President, the meeting is about to start. We need to go now,” pag-a-anunsyo ni Francis. Perez was in his bad mood since yesterday, Francis was being too careful these days but today’s meeting was important kaya hindi na puwedeng ipa-schedule pa niya itong muli. After all, the agenda for today’s me
Nasa may sala si Madeleine at naghihintay kay Perez. Ngunit, sumapit ang alas onse ng gabi ay wala pa rin ito. Hindi na niya namalayan na sa kakahintay niya ay nakatulog na pala siya sa sofa. Narinig na lang lamang niya ang pagbukas ng pinto kaya dahan-dahan niyang iminulat ang kan’yang mga mata. “Madeleine?”rinig niyang tawag ni Perez sa kan’ya. Madeleine’s head was hazed and her sight was still blurry from being woken up ngunit pinilit pa rin niya ang sarili na tumingala para tignan si Perez. Nang makita niya ang mukha ni Perez at ang banayad nitong ngiti habang nakatingin sa kan’ya ay agad nawala ang kan’yang antok at kusang din namuo ang malaking ngiti sa kan’yang mga labi. Perez took off his suit coat and put it at the arm rest of the sofa bago siya umupo. Bumilis ang tibok ng puso ni Madeleine nang hawakan siya nito sa pisngi. Madeleine closed her eyes, nuzzling her own cheek at his warm palm. “How’s your day? You look tired,” tanong ni Perez habang mahinang hinimas-himas an