"Prepare a place for your wife in the hospital. I will treat her tomorrow morning," anunsyo niya pagkalabas ng silid. Ilang segundong natahimik si Jobert bago maingat na nagtanong. "You can... treat my wife?"Tumaas ang sulok ng mga labi niya at pumaling ang ulo sa kanan. "The last time I checked, ikaw 'yong mataas ang confidence na kaya kong pagalingin ang asawa mo. Now that I can, you doubt my abilities?""Haiyaaa, sabi ko naman. Kayang-kayang pagalingin ni Doctor Acinea ang asawa mo boss. Approve na 'yan! Tatawagan ko agad ang ospital!" masayang sambit ni Carlos at tumawag nga. Kumibot ang sulok ng mga labi ni Jenica. Sabing huwag nakawin ang spotlight sa main agent, hindi mag-astang istupido at ignorante! And what's with that Haiyaa? Ninakaw pa 'yong famous expression ng isang chef. "But Doctor, ano bang sakit ng asawa ko?" tanong ni Jobert nang nakakunot ang noo. Naging matalim ang tingin nito sa kaniya na kinataas ng kilay niya. Marahan siyang ngumiti. "Your wife was poisone
Ilang oras ang tinagal nina Jenica at Carlos sa loob ng operating room. Nang lumabas sila ay isang walang ngiting Jobert ang bumungad sa kanila. "How's my wife?" tanong nito. Inalis ni Jenica ang gloves at mask bago humarap sa lalaki. "Success." Bahagya niyang sinulyapan ang ilang nurse na naiwan sa loob ng kuwarto. "She's gonna be fine."Ilang segundong hindi makakibo si Jobert, saka ito tumango-tango. "Good... it's good."Nagpaalam si Jenica saka nagpunta sa doctor's quarter. Sumunod sa kaniya si Carlos na namumutla. Nilingon niya ito at ngumiti. "Why are you looking like you've just experience death? Hmm?""Agen--- Doctor, kailangan ba talagang balatan nang buhay ang pasyente?" tanong nito. She pursed her lips. "There's nothing we can do except that thing. We need to get rid of her skin lesions and we can only do so if we'll peel of her outer skin." Pabiro siyang tumingin dito. "It's your first time so it's understandable."Hindi umimik si Carlos kaya natawa si Jenica. Alam niyan
True to her words, makalipas ang ilang araw matapos niyang ibigay kay Jobert ang pill na ginawa niya ay nahinto ang paglaganap ng sakit. Nabalitaan niya mula kay Carlos na pinadampot ni Jobert ang solid waste sa tabing ilog at inilibing sa paanan ng bundok. Pinagbawal na rin ng gobernador ang pagkuha ng tubig sa parte ng ilog malapit sa pabrika nang isang taon. Nagreklamo ang mga tao kaya nagpagawa ng malaking tangke si Jobert kung saan pwedeng makakuha ng tubig ang mga mamayan. Mula ang tubig ng tangke sa bukal na kumokonekta sa ilog. Mula noon ay wala nang reklamong natatanggap ang opisina ni Jobert. "What about his wife?" tanong niya saka nagpahid ng red lipstick sa labi. Tumingin si Carlos sa mga labi niya bago umikhim. "Nagpapagaling pa rin sa ospital. Tungkol kay Yvette at Jobert, ilang araw nang nagkakalabuan ang dalawa dahil sa issue sa pabrika na gusto sanang ipasara saglit ni Jobert pero ayaw pumayag ng pamilya ni Yvette. Hanggang ngayon ay na
Naabutan niya ang bata at mabilis niya itong niyakap para pigilan ito sa pagtakbo. "Shhh.... Hindi kita sasaktan," bulong niya rito.Doon lang huminto ang bata sa pag-iyak at nangunot ang noo niya nang mahimatay ito. Bumalik siya sa kotse bitbit ang bata sa mga bisig niya. Patakbong lumapit si Carlos at tumingin sa bata. "Agent J?" "Look for a vacant hotel room in next town."Hindi na nagtanong kung bakit si Carlos at agad na ginawa ang inutos niya. Nilapag niya sa passenger seat ang bata saka sinukbitan ng seatbelt bago siya umikot at lumulan ng kotse. Pinatakbo niya ito palayo at naiwan na naman si Carlos sa kalsada. "Walang puso," bulong nito bago lumulan ng sasakyan at pinatakbo iyon pasunod kay Agent J. Hindi nagtagal ay narating nila ang sunod na bayan. Dinala ni Jenica ang batang paslit sa hotel at ingat na pinaligoan at binihisan. Nahigit niya ang hininga nang makita ang malinis nitong itsura. "Hmm... mukhang anak-may
"What?" maang na sambit ni Alex at hinawakan ang balikat niya. "We had a child?"Tumango siya at umiwas ng tingin. "He's five years old now and a sweet little boy."Inalis ni Alex ang kamay sa balikat niya at pinasadahan ng kamay ang sariling buhok. Huminga ito nang malalim. "I'm sorry. Wala ako sa tabi mo sa panahong kailangan mo ako, Jenica." Mahina itong nagmura at pumikit nang mariin. "Dapat hindi ako tumigil sa paghanap sa 'yo noon. It's my fault. I'm sorry, wife."Kinagat ni Jenica ang ibabang labi sa sinabi nito at nagbaba ng tingin. "I should be the one saying sorry...""No. Naging duwag ako noon kaya hindi kita pinakilala sa pamilya ko. Dapat hindi ko na tinago na kasal tayo, Jenica." Bumuntong-hinga si Alex at hinila siya sa isang mahigpit na yakap. "I'm sorry. Natakot ako na madamay ka sa gulo ng pamilya ko at balak kong ipakilala ka sa kanila kapag nalutas ko na kung sino ang gustong magpabagsak sa pamilya Fuego. Ayokong may magtangka sa buhay mo. But I underestimated those
Hilaw na ngumiti ang assistant ni Alex at bumaling sa kaniya. "Mrs. Fuego, mukhang masama yata ang bagsak ni Mr. Fuego. How about dito na muna siya magpalipas nang gabi?"Kumibot ang sulok ng mga labi niya at humalukipkip. "Pwede naman. But you have to stay and I'll change rooms.""Ay!" Umiling ang personal assistant ni Alex saka malungkot na tumingin sa kaniya. "Nakausap ko ang front desk kanina. Wala na raw vacant room, Mrs. Fuego.""Really?" Ngumiti siya at bumaling kay Alex na tahimik lang na nakatigtig sa kaniya habang nakahiga na parang hari sa kama niya. "Yon naman pala. That's easy to solve. I'll just change hotels!"Nagkatinginan sina Alex at personal assistant nito. Umikhim ang personal assistant at pumaskil ang problemado expression sa mukha. "Mukhang mahihirapan kayo, Mrs. Fuego. Paparating na kasi ang piyesta kaya maraming taga-ibang bayan na bumisita. Lahat ng hotel ay naka-advance book na."Tumaas ang kilay niya saka dinukot ang phone sa bulsa. Tinawagan niya ang kalapi
"You are here, Doctor Acinea!" biglang sabat ng babaeng nasa mid-30s. Nakangiti itong lumapit sa kaniya at nilahad ang kamay. "I'm Samantha Mondragon, and Governor Jobert is my friend!" Tahimik niyang tinanggap ang pakikipagkamay nito nang may munting ngiti sa mga labi. "It's nice to meet you. I'm Acinea.""I know, I know. Halika, Doc. Please take a seat and be at ease!" Bumaling ito sa katulong. "Prepare the snacks and drinks. Bilisan mo," sita nito at pinadilatan pa ng mata ang katulong. Mabilis na yumukod ang katulong saka patakbong nagtungo sa kung saan. Bumaba ang tingin ni Jenica para itago ang dumaang emosyon sa mga mata niya bago pumili ng upuan at naupo. Nag-angat siya ng tingin sa assistant niya kuno. Nakatingin ang lalaki sa kaniya kaya tinaasan niya ito ng kilay kahit pa hindi nito makikita ang gesture niya dahil sa maskara. "You are the second assistant of Doctor Acinea?" tanong ni Samantha habang nakangiting nakatingin kay Carlos. "Come, please have a seat. You can pu
"Doctor Acinea, paparating na ang ambulansiya," seryosong sambit ni Carlos. Pawisan ang mukha nito at hindi mapakali habang nakikitang duguang nakahandusay si Alex. Sh*t. Wala siyang pakialam kung matitigok ang lalaking 'yan, pero hindi pwede sa poder ni Doctor Acinea! Oo. Alam na niyang si Alexander Fuego ang pekeng assistant dahil tinext siya ni Agent J kanina. The heck. Isang dakilang Alexander Fuego 'yan at mabubulilyaso ang mga plano nila kung sakaling mamatay ang lalaking 'yan sa mga kamay ni Doctor Acinea. Nilibot ni Carlos ang tingin at napansing walang outsiders. Mukhang humingi nang tulong sa labas ang dalawang saleslady ng boutique. Walang security guard sa tindahan na 'yon siguro ay dahil protektado ng Mondragon Store ang naturang boutique kaya walang naglakas-loob na manggulo, with the exception ngayon. Mabilis na nilagyan ng first aid ni Jenica ang sugat ni Alex. Conscious pa rin ang lalaki kaya paminsan-minsan ay ngumingiwi ito. Nangunot ang noo ni Jenica. "Ano ban