HANGGANG ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Beverly kanina sa loob ng opisina ni Sir Troy. Alam kong si Zandy ang tinutukoy niyang babalikan niya. May kung ano'ng takot at selos ang namuo sa puso ko. Natatakot ako na baka kapag nakita na ito ni Zandy, makalimutan niya ako. Hindi ko rin maiwasang ikompara ang sarili ko sa kaniya. She's more beautiful and elegant than me. Ni wala akong kalaban-laban sa hitsura niya. Kanina pang gumugulo sa isip ko ang pagbabalik na iyon ni Beverly at bakit ako ang napili niyang journalist na makakatrabaho niya, gayong alam niyang kasal ako kay Zandy. Ano'ng gusto niyang mangyari? May binabalak ba siya at ano'ng tunay niyang motibo sa pagbabalik niya bukod sa career niya sa Pilipinas? "Himala ata na sumama ka sa aming kumain sa labas," sabi ni Andrea nang sabihin ni Melissa na sasama itong kumain sa amin sa labas. Hindi naman kasi ito sumasama sa amin kapag kakain kami. Kanina pa rin akong kinukulit ng dalawang ito tungkol sa sinabi n
"ALAM mo, Melissa kung may nararamdaman ka sa isang tao, huwag mo nang itago. Ikaw rin baka maagawan ka pa," patuloy ni Andrea sa pang-aalaska kay Melissa na marahil ang tinutukoy ni Andrea ay ang di umanong nararamdaman ni Melissa para kay Chad. Hindi na nga niya ito tinigilan simula nang matapos kaming kumain. Hindi naman maipinta ang mukha ni Melissa at namumula na ang pisngi dahil sa hiya habang tahimik lang si Chad. Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng gusali. Pasado alas nuebe na rin ng gabi dahil tinapos pa namin ang articles na malapait na ang deadline. Napangiti ako pero kapagkuwa'y, napaisip ako sa sinabi ni Melissa na parang patama rin sa akin kahit hindi iyon ang intensyon niya. "Andrea, tigilan mo nga ako! Sisingilin kita sa kinain mo kanina. Sabi ngang wala akong gusto kay Chad, eh, ok? W-we're just friends, that's it," balik ni Melissa kay Andrea na halatang nahihiya ang mukha. "Ouch! Ang sakit naman no'n Melissa, hindi mo man lang hinintay na makaalis ako bago m
Zandy's POVHINDI ko pa rin maiwasang hindi makipagtalo sa mga magulang ko tungkol sa gusto nilang gawin ko at sa gusto kong gawin para sa sarili ko. Pinipilit nila ako sa pagtatrabaho sa kompanya kung saan alam kong hindi naman ako para roon. Pero dahil nag-iisa akong anak, alam kong darating ako sa puntong kailangan kong pasukin ang kompanya pero this time, gusto ko munang gawin ang gusto ko para sarili ko bago ko igugol ang sarili ko sa kompanya at iyon ang hindi nila maintindihan.Pero dahil sa taning na binigay ni Papa para gawin ko ang gusto ko, wala na akong magagawa. Kapag natapos na ang limang buwan na ibinigay niya sa akin, kailangan ko nang pasukin ang kompanya at isantabi muna ang restaurant.Nang nagdaang araw nga, nagtalo na naman kami ni Mama nang dumating siya sa bahay namin ni Miles. Hindi ko naiwasang hindi sumagot para ipagtanggol ang pangarap ko sa sarili ko na para sa kanila'y walang kabuluhan pero sa akin, napakahalaga dahil iyon ang nagpapasaya sa akin.Bumunton
KINAUMAGAHAN, hindi na ako nagtaka nang magising akong may ngiti sa mga labi. Ang gaan ng pakiramdam ko at ng paligid. Uminat ako habang nakapaskil ang matamis na ngiti sa mga labi ko, saka kinikilig na niyakap ko ang unan at nagpagulong-gulong sa malambot na kama. Maging sa panaginip ko'y hindi ako iniwan ng alaalang iyon kasama si Zandy. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang ginawa at sinabi ni Zandy sa akin nang nagdaang gabi para ipamukha kay Roven na pag-aari na niya ako. Paulit-ulit iyon na bumabalik sa isip ko at sa tuwing naiisip ko iyon, hindi ko maiwasang ngumiti at kiligin. Magdududa pa ba ako sa kaniya gayong pinatunayan ni Zandy na deserve niyang paniwalaan at pagkatiwalaan? Pero hanggang ngayon, naiisip ko rin ang kalagayan ni Roven ngunit alam kong ito ang mas mabuti para sa aming dalawa. Ilang minuto pa akong tumitig sa kisame. Nababaliw na ata ako na pati sa kisame'y nakikita ko ang gwapong mukha ni Zandy na nakatingin at nakangiti sa akin. Kusa na lang ngumiti na may h
MATAPOS kong makauwi mula sa trabaho, agad akong umakyat sa taas ng bahay pero agad din akong napahinto nang makita ko si Zandy sa terrace na seryosong nakatingin sa malawak na kalangitan na halatang malalim ang iniisip. Ngumuso ako at bahagyang napakiling. Gusto ko siyang lapitan at kausapin dahil alam kong iniisip niya ang sinabi ni Tito Andrew sa kaniya kaninang umaga. Kanina pa nga siyang walang imik bago ako pumasok sa trabaho. Nagpasiya akong magpalit muna ng damit bago ko lapitan si Zandy. Nagbihis ako ng ternong pajama at t-shirt na pangtulog bago lumabas ng silid ko at nilapitan si Zandy. Saglit akong napahinto at tiningnan ang malapad niyang likod. Hindi niya ako napansin dahil marahil sa lalim ng pag-iisip niya. Humugot ako ng lakas ng loob at isinantabi ang hiya ko. Lumapit ako sa kaniya at dahan-dahang inilapit ang kamay ko hanggang sa mayakap ko siya mula sa likod. Naamoy ko agad ang mabango niyang amoy na palaging gusto kong maamoy. Naramdaman ko ang gulat niya dahil
HINDI ko alam kung paano ako magre-react sa nangyayari. Kasalukuyang nakaupo si Beverly sa sofa sa harap namin ni Zandy habang katahimikan ang namamayani sa pagitan naming tatlo. Panaka-naka lang akong tumitingin kay Zandy at naghihintay kung sino ang unang magsasalita. Napuno na rin ng awkwardness ang silid. Nagsisimula ko na ring maramdaman ang kaba at ang pakiramdam na parang hindi ako kailangan doon. Pakiramdam ko'y masasaktan lang ako sa mga maririnig ko. Gusto ko na lang na mawala bigla lalo pa't tinitingnan ako ni Beverly na para bang sinasabi niyang 'pwede bang umalis ka muna rito?' "Why are you here, Beverly?" malamig na basag ni Zandy sa katahimikan habang iwas na nakatingin kay Beverly. Ngumiti ang magandang babae. "Ngayon ko lang nalaman na kapag pala gusto kitang makita, dapat may dahilan," sabi nito na bumakas ang lungkot sa mukha. "I'm here for you, Zandy, to know if you're ok, if you're happy," pagtatapat nito habang hindi inaalis ang mga mata kay Zandy at hindi ako
KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising sa hindi ko alam na dahilan. Bahagya pa lang na sumisikat ang araw pero nagmulat na ang mga mata ko. Uminat ako kasabay ng paghikab ko. Saglit pa akong tumingin sa kisame at hindi ko naiwasang mapangiti nang maalala ko ang mga sinabi ni Zandy kay Beverly nang nagdaang araw. Sobrang umaapaw ang saya at ligaya sa puso ko dahil pinatunayan lang ni Zandy ang sinabi niya na ako ang pipiliin niya kahit nasa harap na niya si Beverly. Dahil doon, sigurado na ako na sa nararamdaman ni Zandy para sa akin at ganoon din ang nararamdaman ko. Wala na akong dahilan pa para pagdudahan siya at hindi pagkatiwalaan. Niyakap ko ng mahigpit ang unan at paimpit na tumili dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi ni Zandy. Tumatak na iyon sa isip ko at hindi ko makakalimutan at sana maintindihan iyon ni Beverly. Ilang saglit pa at nagpasiya na akong bumangon sa pagkakahiga ko. Lumabas ako ng silid. Akmang hahakbang na ako pababa nang
"ANO'NG plano, Miles? Next week would be your birthday, right?" tila excited na sabi ni Andrea habang palabas kami ng gusali. Katatapos lang ng trabaho namin at lahat kami'y na-stress sa dami ng trabaho. Gusto ko nang ipahinga ang utak ko dahil buong araw ko ata iyong nagamit. Nanliit ang mga mata ko pero kapagkuwa'y napaawang ang bibig ko at sa huli'y napangiti kasabay ng pag-iling ko. Naalala kong birthday ko na pala next week at iyon ang ika-thirty years ko sa mundo at katulad ng inaasahan nila Mama, mapuputol na raw ang sumpa dahil kasal na ako. "I forgot, Andrea," pagtatapat ko. "Sa sobrang daming nangyari, sa sobrang busy sa trabaho, nakalimutan kong birthday ko pala next week," malungkot kong sabi. "You're just distracted, Miles. Dahil ba 'yan sa pagdating ni Beverly?" usisa naman ni Melissa. Kaninang umaga pa nga lang, inulan na nila ako ng maraming tanong tungkol sa amin ni Zandy at sa pagbabalik ni Beverly. Wala naman akong choice at dahil nga mga kaibigan ko sila, inamin
Miles' POV HANGGANG ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na finally, totoo, legit, tunay, confirmed nang mag-asawa na kami ni Zandy. Mayroon na kaming marriage contract na magpapatunay ng aming kasal at pag-aari namin ang isa't isa. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko hanggang ngayon at ang sarap ng pakiramdam ko na bumabalot sa buo kong sistema. Maraming bagay ang dapat kong ipagpasalamat. Sa kabila ng mga nangyari, narating namin ang puntong ito na magkasama pa rin kami na nagmamahalan at walang handlang. Nasaktan man namin ang isa't isa, nagkamali man kami, ang mahalaga 'yong naging katapusan ng lahat nang iyon. Marami rin akong natutunan sa mga nangyari. Naintindihan ko kung gaano kahalaga ang tiwala at pakikinig sa mga dahilan at huwag unahin ang galit at bugso ng damdamin. Ang tiwala at pagmamahal ang matibay na pundasyon ng isang relasyon na ngayon ay naintindihan ko na iyon. "I love you, Honey!" ani Zandy matapos niyang bumagsak sa tabi ko. Humihingal pa siya da
Zandy's POVHINDI ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang nakangiti at pinagmamasdan ang papalapit na si Miles. Nakasuot siya ng kulay puting wedding dress at belo na talaga namang lalong nagpaganda sa kaniya. She's the most beautiful girl I've ever have. Halata na rin ang tiyan niya dahil sa pagbubuntis niya. Sa bawat paghakbang niya, sinasabayan iyon ng himig na palaging naririnig sa mga kasalanan. Mas nagiging romantik iyon para sa amin habang bakas ang saya sa mga saksi roon.Ito na ang araw at oras na pinakahihintay naming dalawa, ang kasal na hindi plinano ng iba, kasal na hindi pinagkasunduan ng mga magulang namin, kung 'di kasal na ginusto namin at pinagdisisyunan dahil mahal namin ang isa't isa. A wedding we dream to happen and I can't wait to say 'I do' and be his lawful husband.Agad na ngumiti si Tita Emma at Tito Wesley sa akin nang marating nila ang kinaroroonan ko para ihabilin nila ang kanilang anak sa akin. Kita ko ang naluluhang mga mata ni Tita Emma."For
"BAKIT hindi mo sinabi sa akin na alam mong buntis ako?" tanong ko kay Zandy habang nakayakap ako at nakaunan sa braso niya. Dahil sa pananabik at pagmamahal namin sa isa't isa, inangkin namin ang gabing iyon matapos nang successful na opening ng restaurant ni Zandy. Masaya ako dahil sa wakas natupad na niya iyon nang kasama ako. Walang mapagsidlan ang sayang bumabalot sa akin. "Kasi alam kong galit ka pa sa akin nang araw na iyon at baka mas lalo ka lang ma-stress at makasama sa baby. Masakit para sa akin na tumalikod at sundin ang gusto mo pero wala akong magagawa dahil galit ka at nasaktan. Alam kong hindi ka pa handang tanggapin ang paliwanag ko at para patawarin ako," paliwanag niya sa akin. "I'm sorry, Honey hinayaan kong masaktan ka sa pamamagitan ko." Nakailang ulit na ba siyang sinabi iyon? Tumingala ako para tingnan siya. "Can you please stop saying sorry? I forgiven you and that's enough. Tapos na ang bagay na iyon at dapat na nating kalimutan at simulan ang bagong buhay
Zandy's POV(Bago ang birthday ni Miles)"IBA rin talaga ang epekto sa 'yo ni Miles, ah. The last time I knew, you're not like this. Ni hindi ka mahilig magbigay ng regalo sa ibang tao bukod kay...I mean, it's not usual for me to see you being like this with other girl," manghang sambit ni Ton sa akin habang papalapit kami sa isang jewelry shop sa loob ng mall kung saan kami nandoon para bumili ng regalo sa darating na birthday ni Miles. "Ako nga never nakatanggap ng regalo from you," maktol pa nito.Natawa ako at napailing. "Ano'ng hindi? I remember when were in high school I bought you a backpack," pagpapaala ko sa kaniya.Kumunot ang noo ni Ton habang nakatingin sa akin. "Backpack? Are you kidding me, Zandy? As far as I know you bought that backpack dahil Christmas party iyon and you need to present me a gift." Napasinghap si Ton at saglit na kumiling ang ulo.Natawa ako. "Christmas party ba 'yon? I thought I gave you the gift because it was your birthday," pagdadahilan ko pa para
PUMIKIT ako ng mariin at pilit kong kinakalma ang sarili para sa batang nasa sinapupunan ko. Muli kong tiningnan si Zandy na bakas ang pagkadismaya at sakit sa mukha ko habang nag-aalala at nababahala ang emosyong nakarehistro sa mukha niya. Suminghap ako. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko, saka umiling bago tuluyang tumalikod at humakbang palayo kahit mabigat ang mga paa ko para ihakbang ang mga iyon. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa matinding sakit dahil sa pagguho ng pag-asa kong magkakaayos pa kami. Huli na pala ako. Habang magkalayo kami, nagkaroon na pala ng pagkakataong magkabalikan si Zandy at Beverly. Sobrang sakit dahil kung kailan handa na akong ayusin ang lahat, wala na pala akong pag-asa dahil huli na ang lahat para sa aming dalawa. "Honey! Stop, I'll explain," narinig kong sigaw ni Zandy. Hindi ko na alintana ang mga customers na nandoon sa loob. Pinilit kong hindi lumingon kahit gusto ng puso kong harapin siya. 'Yong pagtawag niya sa akin ng 'Ho
HALOS hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip ko kay Zandy dahil sa mga sinabi ng taong nasa paligid ko na isa lang din ang gusto nilang sabihin sa akin, na bigyan ko ng pagkakaton si Zandy na maging ama at asawa sa bata at sa akin. Gayon din ang pagkakataon na baka tuluyang mawala si Zandy sa akin kung hahayaan ko siyang lumayo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama. Lumapit ako sa side table na naroon at kinuha ang isang envelope. Binuksan ko iyon at nakita ko ang pangalan ng sMILES Restaurant na itinayo ni Zandy sa tulong ni Ton. Invitation iyon para sa opening niyon at ipinidala ni Ton sa akin ang invitation. Gaganapin ang opening sa isang araw at hanggang ngayon, pinag-iisipan ko kung dapat ba akong pumunta roon o hindi. Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ng restaurant na si Zandy mismo ang nag-isip at hindi niya naisipang palitan pa iyon. Bumuntong-hininga ako. Binalingan ko ang umuumbok kong tiyan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Hinim
HABANG mas tumatagal na magkahiwalay kami ni Zandy, mas lalo akong nahihirapang kalabanin ang sarili ko para puntahan siya at ayusin ang lahat sa amin. Naghihintay ako sa kaniya at nagbabakasakaling darating siya para sabihing mahal niya ako. Nami-miss ko na siya at alam kong kailangan ko siya sa tabi pero may kung ano'ng pumipigil sa akin para puntahan si Zandy. Marahil iyon ay ang pride at konting galit ko sa kaniya dahil sa nangyari. Bumaling ako sa tiyan ko na umuumbok na dahil sa pagbubuntis ko. Bahagya na ngang halata iyon kung titingnan. Ngumiti ako at marahang hinimas ang tiyan ko. Palagi kong kinakausap ang bata sa tiyan ko at hinihimas iyon dahil pakiramdam ko'y malapit sa akin si Zandy dahil pinapaalala sa akin ng bata ang ama niya. Bumuntong-hininga ako. Nagpasiya akong bumaba ng kama ko at lumabas ng silid dahil pakiramdam ko'y mababaliw na ako roon. Dumeretso ako sa sala. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa
"KUMUSTA ka na, hija?" puno ng pag-aalalang tanong ni Tita Mandy sa akin. Kanina pa silang nandito sa bahay para dalawin ako at kamustahin. Abala naman sa pag-uusap si Papa at Tito Andrew sa sala habang nagluluto si Mama sa kusina. Pilit akong ngumiti habang nakaupo sa kama ko. Kinuha ni Tita Mandy ang kamay ko at marahan iyong pinisil. "I mean, kumusta na ang puso mo?" Simple siyang ngumiti. Hindi agad ako nakaimik. Seryoso lang akong nakatingin kay Tita Mandy. Kumusta nga ba ang puso ko? Sa sarili ko'y alam kong hindi ok. Ngumiti ako. "Magsisinungalin po ako, 'Mama kung sasabihin kong ok ang puso ko...kasi ang totoo po...h-hindi ako ok. I'm trying to be ok kasi alam kong may bata sa sinapupunan ko pero everytime na naiisip kong magkakaanak ako, naiisip ko rin si Zandy." Saglit akong huminto sa pagsasalita. "It's been a week since we last talked at nami-miss ko na siya. Sa maikling panahon na naghiwalay kami para sa space na hinihingi ko, marami akong na-realize. Alam ko, 'Ma na kai
ILANG araw na akong nasa loob lang ng bahay dahil hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa publication. Kailangan ko raw muna magpahinga ng mabuti para sa bata bago ako bumalik sa trabaho. Iyon din naman ang payo ng doctor sa akin kaya wala akong ibang choice kung 'di ang sundin sila para na rin sa kaligtasan ko at ng bata. Araw-araw dumadalaw si Tita Mandy at Tito Andrew sa bahay para kamustahin ang kalagayan ko. Palagi rin silang may dalang mga pagkain at iba pang pangangailangan ko. Nakikita ko ang labis na galak at excitement nila para sa magiging apo nila. Bumuntong-hininga ako habang nakatayo at nakahalukipkip sa tapat ng bintana ng silid ko at pinagmamasdan ang maaliwas na paligid. Pahapon na rin kaya makikita ang paglubog ng araw mula roon. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Zandy at aminin ko man o hindi, labis akong nananabik sa kaniya. Pakiramdam ko, isang buwan na kaming malayo sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero al