AGAD akong hinapit ni Zandy palapit sa kaniya nang makarating kami sa silid niya. Animo'y sabik siya sa akin dahil pagkababa namin ng sasakyan, agad niyang hinawakan ang braso ko at hinila patungo sa silid niya. Nagpatianod na lang ako dahil alam ko sa sarili kong gusto ko rin naman ang mangyayari. "Ano ba, Zandy?" Napatili pa ako ng mahina nang halikan niya ako sa leeg. "Nakikiliti ako," sambit ko. Pakiramdam ko'y nagsitaasan ang balahibo ko sa batok dahil sa ginawa niya. "What did you say? Zandy? Hindi ba't I told you that if you call me, Zandy I'll kiss you," sabi niya nang huminto sa paghalik sa leeg ko. "Call me Honey, kahit saan at kahit ano'ng panahon, ok?" "Ok, fine, I'm sorry," natatawa kong sabi. "At bilang parusa, lagot ka sa akin. I'll kiss you 'till the night end," banta niya na tila nangislap ang mga mata. Mas hinapit pa niya ako at ramdam ko sa baywang ko ang braso niya. "That's the punishment I want from you, Honey," balik ko. Itinaas ko ang mga braso ko at pinulup
"THANK YOU, Ton for coming," seryosong sabi ko nang dumating siya sa sinabi kong restaurant kung saan kami magkikita. Kinuha ko ang number niya kay Zandy at tinawagan siya para kausapin tungkol sa restaurant na itatayo nila ni Zandy. Katulad nang sinabi ko kay Zandy, gusto ko siyang tulungan sa kaya kong gawin. Hindi ko rin alam ang maitutulong ko pero susubukan ko para matupad ang matagal na niyang pangarap at gusto kong kasama niya ako sa tagumpay na iyon. Ngumiti si Ton sa akin, saka umupo sa katapat na upuan kung saan ako nakaupo. "I didn't expect you to call me, Miles. So, ano'ng pag-uusapan natin?" direktang tanong ni Ton. "Hindi naman siguro tungkol sa iniisip mong relasyon namin ni Zandy, 'di ba?" Tumawa pa ito at saglit na napayuko. Bigla akong nakaramdam ng hiya at pagkailang dahil sa huling sinabi ni Ton. Nahiya ako dahil pinag-isipan ko si Ton at Zandy ng ganoong mga bagay. Hindi rin naman kasi nagpaliwanag si Zandy noon. Alangan akong ngumiti at nahihiyang tiningnan s
KINAUMAGAHAN, maaga akong pumasok sa trabaho dahil sa tambak na gawain. Iniisip ko rin kung paano ko gagawin ang trabaho ko kasama si Beverly. Malapit na ang deadline niyon pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko siya i-interview-hin. "Oh? Parang ang aga mo atang pumasok, Miles?" puna ni Chad nang madatnan ko siya roon kasama ang ilang katrabaho namin sa department habang hindi ko naman makita si Melissa at Andrea na malamang mamaya pa ang dating ng dalawang iyon. "I have a lot of works to do, Chad kaya kailangan kong pumasok ng maagap," sagot ko, saka inilapag sa table ko ang dala kong bag at ang ilang mga gamit ko. Binuhay ko ang monitor sa harap ko. Hindi na rin umimik si Chad. Nagsimula akong magtipa para simulan ang articles na matagal nang nasa file ko. Nakakailang words pa lang ako nang marinig ko ang boses ni Ate Shai. "Miles, you have to go to Sir Troy's office," seryosong sambit niya sa akin. Humarap ako kay Ate Shai na nagtatanong. "Kung itatanong mo sa a
HANGGANG kinaumagahan, hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Beverly. Nararamdaman kong hindi niya basta-basta gi-give up si Zandy kahit harapan nang sinabi ni Zandy dito na ako ang mahal niya. Hindi ko alam pero palagi na lang akong maagang nagigising. Bumangon ako sa higaan ko. Pinilit kong alisin sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Beverly, sisirain lang niyon ang araw ko. Ngunit nang akmang tatayo na ako nang maramdaman kong umikot ang paligid ko. Nasapo ko ang sentido ko at muling umupo sa kama dahil pakiramdam ko'y matutumba ako. Napapikit ako ng mariin dahil bigla na lang akong nahilo. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero ganoon pa rin ang nararamdaman ko, parang umiikot ang paligid. Epekto ba ito nang pagpupuyat ko nitong mga nakaraang araw? Bukod kasi sa maraming trabahong iniuuwi ko sa bahay, may ilang bagay pang gumugulo sa isip ko. Pinili kong ibagsak ang katawan ko sa kama para humiga uli dahil kung tatayo pa ako, pakiramdam ko'y babags
HABANG masayang nagkwe-kwentuhan ang mga pamilya namin sa sala, abala naman si Zandy sa pagluluto ng pagkain na ihahanda niya para sa birthday ko. Nandoon lang ako sa kusina habang nakapangalumbaba at pinapanood siya sa ginagawa niya. Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko at mas lalo kong nakikita ang isa sa katangian niya na minahal ko. "Hindi ka ba nagsasawang titigan ako, Honey?" natatawang tanong ni Zandy habang abala siya sa paghalo sa pansit na niluluto niya. "Kung natutunaw lang ako sa pagtitig mo, kanina pa akong naglaho rito." "Hindi ako magsasawang titigan ka, Mr. Saavedra dahil habang tinitingnan kita, mas gumagwapo ka sa paningin ko at mas lalo akong nai-in love sa iyo," nakangiti kong sagot. Parang may kung anong kumiliti sa puso ko dahil sa sinabi ko. "Aysus! Are you trying to seduce me, Mrs. Saavedra?" direktang tanong niya nang humarap siya sa akin. Napawi ang ngiting ko at napalitan ng pagkunot ng noo. "Huh?" "Kasi kung hindi mo titigilan ang pagtitig mo sa aki
PASADO alas-nuebe na ng gabi nang magpasiyang umuwi sila Andrea, Melissa at Chad habang maaga namang nagpaalam ang mga magulang namin ni Zandy. Hanggang ngayon, binabalot pa rin ako ng labis na ligaya na nagbibigay sa akin ng kontentong pakiramdam. Masaya na ako at pakiramdam ko'y wala na akong mahihiling pa. Nandiyan ang pamilya namin, ang mga kaibigan ko at si Zandy na siyang dahilan ng sayang nararamdaman ko. Matapos kong linisin ang nagkalat na mga pinggan, bote ng alak at ilang plastik, ngumiti ako habang pinagmamasdan ang paligid. Nakikita ko pa rin doon ang tawanan at kulitan namin kanina kasama ang pamilya at mga kaibigan ko. Sobrang thankful ako na nandiyan sila para kasama kong mag-celebrate ng birthday ko. "I'm so happy because I know you're happy." Biglang sumeryoso ang mukha ko at humarap kay Zandy. Nakita ko siyang nakahilig sa pader, sa bukana ng kitchen habang nakangiti sa akin. Kapagkuwa'y, ngumiti ako na bakas doon ang saya. Lumapit ako kay Zandy at pinulupot ko an
KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising sa isang magandang umaga. Ganoon pala ang pakiramdam na magising na bubungad sa iyo ang taong mahal mo, ang taong dahilan kung bakit ka masaya. Pakiramdam ko'y nasa paraiso kaming dalawa na walang ibang nararamdaman kung 'di ang ligaya ng pagmahal na sana'y huwag na lang matapos. Tahimik kong tinitigan si Zandy na mahimbing na natutulog. Nakaunan ako sa matigas niyang braso habang nakayakap naman sa akin ang isa niyon. Hindi ko maiwasang ngumiti na may halong kilig habang pinagmamasdan ko ang gwapo niyang mukha na tila kabisado ko na 'yon. "Thank you, Honey," mahina kong usal. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya na naging dahilan para bahagya siyang gumalaw pero nanatiling nakapikit ang mga mata niya. Sa paningin ko'y si Zandy na ang pinakagwapong lalaking nakilala ko. Hindi ako magsasawang pagmasdan ang mukha niya, kahit pa araw-araw akong magising na siya ang bubungad sa akin habang nabubuhay ako. Iyon nga ang gusto ko, na kasama siya sa pagtul
NANGINGINIG ang mga kamay ko habang hawak ko ang pregnancy test na binili nila Andrea para malaman ko ang katotohanan sa kabila ng sinasabi nilang weird na nararanasanan ko. Kinabahan akong tinitingnan iyon habang nasa loob ako ng comfort room ng opisina. Ilang minuto na ako rito pero hindi ko pa rin nagagawa ang test. Hindi ko alam ang magiging reaction ko oras na lumabas ang resulta. Kinakabahan ako sa hindi ko alam na dahilan, dahil ba ayaw ko mabuntis o dahil gusto ko iyon? Hindi ko alam dahil hindi naman namin iyon plinano. Hindi ko rin alam kung ano'ng sasabihin ni Zandy if ever man mag-positive ang resulta. Pumikit ako ng mariin saka nagpakawala ng malalim na hininga para magkaroon ako ng lakas ng loob na gawin ang test. Inayos ko ang buhok ko na humarang sa aking mukha. "Kailangan mong gawin ito, Miles para mapanatag ka at malaman mo ang gagawin mo," bulong ko sa sarili ko. Binuksan ko ang pregnancy test na binili nila Andrea. Pumwesto na rin ako para kumuha ng urine sample
Miles' POV HANGGANG ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na finally, totoo, legit, tunay, confirmed nang mag-asawa na kami ni Zandy. Mayroon na kaming marriage contract na magpapatunay ng aming kasal at pag-aari namin ang isa't isa. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko hanggang ngayon at ang sarap ng pakiramdam ko na bumabalot sa buo kong sistema. Maraming bagay ang dapat kong ipagpasalamat. Sa kabila ng mga nangyari, narating namin ang puntong ito na magkasama pa rin kami na nagmamahalan at walang handlang. Nasaktan man namin ang isa't isa, nagkamali man kami, ang mahalaga 'yong naging katapusan ng lahat nang iyon. Marami rin akong natutunan sa mga nangyari. Naintindihan ko kung gaano kahalaga ang tiwala at pakikinig sa mga dahilan at huwag unahin ang galit at bugso ng damdamin. Ang tiwala at pagmamahal ang matibay na pundasyon ng isang relasyon na ngayon ay naintindihan ko na iyon. "I love you, Honey!" ani Zandy matapos niyang bumagsak sa tabi ko. Humihingal pa siya da
Zandy's POVHINDI ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang nakangiti at pinagmamasdan ang papalapit na si Miles. Nakasuot siya ng kulay puting wedding dress at belo na talaga namang lalong nagpaganda sa kaniya. She's the most beautiful girl I've ever have. Halata na rin ang tiyan niya dahil sa pagbubuntis niya. Sa bawat paghakbang niya, sinasabayan iyon ng himig na palaging naririnig sa mga kasalanan. Mas nagiging romantik iyon para sa amin habang bakas ang saya sa mga saksi roon.Ito na ang araw at oras na pinakahihintay naming dalawa, ang kasal na hindi plinano ng iba, kasal na hindi pinagkasunduan ng mga magulang namin, kung 'di kasal na ginusto namin at pinagdisisyunan dahil mahal namin ang isa't isa. A wedding we dream to happen and I can't wait to say 'I do' and be his lawful husband.Agad na ngumiti si Tita Emma at Tito Wesley sa akin nang marating nila ang kinaroroonan ko para ihabilin nila ang kanilang anak sa akin. Kita ko ang naluluhang mga mata ni Tita Emma."For
"BAKIT hindi mo sinabi sa akin na alam mong buntis ako?" tanong ko kay Zandy habang nakayakap ako at nakaunan sa braso niya. Dahil sa pananabik at pagmamahal namin sa isa't isa, inangkin namin ang gabing iyon matapos nang successful na opening ng restaurant ni Zandy. Masaya ako dahil sa wakas natupad na niya iyon nang kasama ako. Walang mapagsidlan ang sayang bumabalot sa akin. "Kasi alam kong galit ka pa sa akin nang araw na iyon at baka mas lalo ka lang ma-stress at makasama sa baby. Masakit para sa akin na tumalikod at sundin ang gusto mo pero wala akong magagawa dahil galit ka at nasaktan. Alam kong hindi ka pa handang tanggapin ang paliwanag ko at para patawarin ako," paliwanag niya sa akin. "I'm sorry, Honey hinayaan kong masaktan ka sa pamamagitan ko." Nakailang ulit na ba siyang sinabi iyon? Tumingala ako para tingnan siya. "Can you please stop saying sorry? I forgiven you and that's enough. Tapos na ang bagay na iyon at dapat na nating kalimutan at simulan ang bagong buhay
Zandy's POV(Bago ang birthday ni Miles)"IBA rin talaga ang epekto sa 'yo ni Miles, ah. The last time I knew, you're not like this. Ni hindi ka mahilig magbigay ng regalo sa ibang tao bukod kay...I mean, it's not usual for me to see you being like this with other girl," manghang sambit ni Ton sa akin habang papalapit kami sa isang jewelry shop sa loob ng mall kung saan kami nandoon para bumili ng regalo sa darating na birthday ni Miles. "Ako nga never nakatanggap ng regalo from you," maktol pa nito.Natawa ako at napailing. "Ano'ng hindi? I remember when were in high school I bought you a backpack," pagpapaala ko sa kaniya.Kumunot ang noo ni Ton habang nakatingin sa akin. "Backpack? Are you kidding me, Zandy? As far as I know you bought that backpack dahil Christmas party iyon and you need to present me a gift." Napasinghap si Ton at saglit na kumiling ang ulo.Natawa ako. "Christmas party ba 'yon? I thought I gave you the gift because it was your birthday," pagdadahilan ko pa para
PUMIKIT ako ng mariin at pilit kong kinakalma ang sarili para sa batang nasa sinapupunan ko. Muli kong tiningnan si Zandy na bakas ang pagkadismaya at sakit sa mukha ko habang nag-aalala at nababahala ang emosyong nakarehistro sa mukha niya. Suminghap ako. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko, saka umiling bago tuluyang tumalikod at humakbang palayo kahit mabigat ang mga paa ko para ihakbang ang mga iyon. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa matinding sakit dahil sa pagguho ng pag-asa kong magkakaayos pa kami. Huli na pala ako. Habang magkalayo kami, nagkaroon na pala ng pagkakataong magkabalikan si Zandy at Beverly. Sobrang sakit dahil kung kailan handa na akong ayusin ang lahat, wala na pala akong pag-asa dahil huli na ang lahat para sa aming dalawa. "Honey! Stop, I'll explain," narinig kong sigaw ni Zandy. Hindi ko na alintana ang mga customers na nandoon sa loob. Pinilit kong hindi lumingon kahit gusto ng puso kong harapin siya. 'Yong pagtawag niya sa akin ng 'Ho
HALOS hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip ko kay Zandy dahil sa mga sinabi ng taong nasa paligid ko na isa lang din ang gusto nilang sabihin sa akin, na bigyan ko ng pagkakaton si Zandy na maging ama at asawa sa bata at sa akin. Gayon din ang pagkakataon na baka tuluyang mawala si Zandy sa akin kung hahayaan ko siyang lumayo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama. Lumapit ako sa side table na naroon at kinuha ang isang envelope. Binuksan ko iyon at nakita ko ang pangalan ng sMILES Restaurant na itinayo ni Zandy sa tulong ni Ton. Invitation iyon para sa opening niyon at ipinidala ni Ton sa akin ang invitation. Gaganapin ang opening sa isang araw at hanggang ngayon, pinag-iisipan ko kung dapat ba akong pumunta roon o hindi. Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ng restaurant na si Zandy mismo ang nag-isip at hindi niya naisipang palitan pa iyon. Bumuntong-hininga ako. Binalingan ko ang umuumbok kong tiyan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Hinim
HABANG mas tumatagal na magkahiwalay kami ni Zandy, mas lalo akong nahihirapang kalabanin ang sarili ko para puntahan siya at ayusin ang lahat sa amin. Naghihintay ako sa kaniya at nagbabakasakaling darating siya para sabihing mahal niya ako. Nami-miss ko na siya at alam kong kailangan ko siya sa tabi pero may kung ano'ng pumipigil sa akin para puntahan si Zandy. Marahil iyon ay ang pride at konting galit ko sa kaniya dahil sa nangyari. Bumaling ako sa tiyan ko na umuumbok na dahil sa pagbubuntis ko. Bahagya na ngang halata iyon kung titingnan. Ngumiti ako at marahang hinimas ang tiyan ko. Palagi kong kinakausap ang bata sa tiyan ko at hinihimas iyon dahil pakiramdam ko'y malapit sa akin si Zandy dahil pinapaalala sa akin ng bata ang ama niya. Bumuntong-hininga ako. Nagpasiya akong bumaba ng kama ko at lumabas ng silid dahil pakiramdam ko'y mababaliw na ako roon. Dumeretso ako sa sala. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa
"KUMUSTA ka na, hija?" puno ng pag-aalalang tanong ni Tita Mandy sa akin. Kanina pa silang nandito sa bahay para dalawin ako at kamustahin. Abala naman sa pag-uusap si Papa at Tito Andrew sa sala habang nagluluto si Mama sa kusina. Pilit akong ngumiti habang nakaupo sa kama ko. Kinuha ni Tita Mandy ang kamay ko at marahan iyong pinisil. "I mean, kumusta na ang puso mo?" Simple siyang ngumiti. Hindi agad ako nakaimik. Seryoso lang akong nakatingin kay Tita Mandy. Kumusta nga ba ang puso ko? Sa sarili ko'y alam kong hindi ok. Ngumiti ako. "Magsisinungalin po ako, 'Mama kung sasabihin kong ok ang puso ko...kasi ang totoo po...h-hindi ako ok. I'm trying to be ok kasi alam kong may bata sa sinapupunan ko pero everytime na naiisip kong magkakaanak ako, naiisip ko rin si Zandy." Saglit akong huminto sa pagsasalita. "It's been a week since we last talked at nami-miss ko na siya. Sa maikling panahon na naghiwalay kami para sa space na hinihingi ko, marami akong na-realize. Alam ko, 'Ma na kai
ILANG araw na akong nasa loob lang ng bahay dahil hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa publication. Kailangan ko raw muna magpahinga ng mabuti para sa bata bago ako bumalik sa trabaho. Iyon din naman ang payo ng doctor sa akin kaya wala akong ibang choice kung 'di ang sundin sila para na rin sa kaligtasan ko at ng bata. Araw-araw dumadalaw si Tita Mandy at Tito Andrew sa bahay para kamustahin ang kalagayan ko. Palagi rin silang may dalang mga pagkain at iba pang pangangailangan ko. Nakikita ko ang labis na galak at excitement nila para sa magiging apo nila. Bumuntong-hininga ako habang nakatayo at nakahalukipkip sa tapat ng bintana ng silid ko at pinagmamasdan ang maaliwas na paligid. Pahapon na rin kaya makikita ang paglubog ng araw mula roon. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Zandy at aminin ko man o hindi, labis akong nananabik sa kaniya. Pakiramdam ko, isang buwan na kaming malayo sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero al