KARINA
Hinatid niya ako sa condo pagkatapos naming mag-dinner sa isang restaurant. Tumawag daw kasi si Catalina at may sakit daw ang anak nito.
Sa ngayon ay wala pa akong balak mag-demand sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang kumakapit sa akin. Pero sa oras na maramdaman kong baliw na siya sa akin ay saka ko uumpisahan ang aking plano dahil hindi naman ako nagmamadali.
Pagkapasok ko sa condo ay dumerecho ako sa kuwarto. Ibinaba ko ang bag sa ibabaw ng kama at pabagsak akong humiga sa malambot na kama. Nang pumikit ako ay lumarawan sa aking isip ang mga nangyari sa amin ni Sergio. Kung paano niya akong inaangkin ng paulit-ulit at kung paano niya sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal. Ayokong maniwala sa kanya na minahal niya ang kapatid ko. Dahil kung totoo man yun. Hindi sana niya pinili si Catalina kaysa kay Katherine kahit na gaano pa kalalim ang dahilan. Sarado ang utak ko sa ano mang paliwanag niya.
Mabigat ang katawan na bumangon ako sa kama. Nagpunta ako sa malaking cabinet at binuksan ko ang ibaba nito kung saan nakatago ang malaking box ng lagayan ng personal na gamit ni Katherine. Ipinatong ko ito sa ibabaw ng salamin na mesa at naupo ako sa couch.
Suminghap ako at tinangal ang takip nito. Bumungad sa akin ang larawan niya at ni Sergio. Nakayakap ito sa kanyang likuran at hinalikan ang kanyang pisngi. Kitang-kita ko ang masayang ngiti sa labi ng aking kapatid na may hawak pang bulaklak. Sa likod nito ay naroon ang date at may nakalagay din ditong happy monthsary.
Ibinaba ko ang picture at kinuha ko ang isang box kung saan naroon ang kanyang mga alahas. Siguro bigay din yun ni Sergio sa kanya.
Sa huli ay kinuha ko ang phone niya. Palagi kong itong tinitignan kapag naalala ko siya kaya. Minsan tinatawagan ko pa ang phone niya. Kahit alam kong hindi na niya magagawang sumagot pa.
Nag-umpisang magbagsakan ang aking luha nang buksan ko ulit ang gallery niya. Nakita ko ang masasayang pictures niya kasama si Sergio.
Habang tinitignan ko ang mga larawan nila ay may numerong tumawag sa kanyang phone. Bigla akong kinabahan pero sinagot ko rin ito.
“Hello?”
“Huh! Ako ba talaga ginagalit mo Katherine?” Rinig ko sa kabilang linya ang galit na galit na boses ng babae.
“Sino ka?” Nanginginig ang kamay kong tanong sa kanya.
“Huwag ka ng mag-maang maangan pa! Alam mong ako ito Katherine! Layuan mo ang asawa ko! Kung hindi! Ipapakita ko kay Sergio ang kababuyan na ginawa mo!”
Nabitawan ko ang phone ng hindi ko sinasadya kaya nahulog ito sa paanan ko. Natigalgal ako at parang napako sa kinatatayuan ko.
Sigurado ako, si Catalina ang tumawag sa akin! Pero anong video ang sinasabi niya? Wala akong alam tungkol doon!
Nang makahuma ay pinulot ko ang phone. Sinubukan kong tumawag ngunit out of coverage na ang phone niya.
Kaagad kong kinuha ang phone ko at tinawagan ko si Marla.
“Hello, Marla?”
“Karina? Bakit?” wika niya nang sagutin ang tawag ko.
“Busy ka ba? Puwede ka bang magpunta dito? Ako na lamang ang maghahantid sa’yo pauwi.”
“Hindi naman, okay I’ll be there in thirty minutes.”
Ibinaba ko ang tawag at nagpalit na rin ako ng damit. Kumuha ako ng wine at inilagay ko sa table. Nag-uumpisa na namang manginig ang aking katawan. Pakiramdam ko hindi lang basta nagpakamatay ang kapatid ko! Pakiramdam ko may foul play sa nangyari at hindi lang siya basta nagbigti!
Halos maubos ko na ang isang bote nang dumating si Marla.
“Anong nangyari sa’yo?” Nag-aalalang tanong niya sa akin.
Hinila ko siya sa upuan paharap sa akin.
“Bago mamatay si Katherine, may iba ka bang napapansin sa kanya? Sa ikinikilos niya or ipinapakita niya? May alam ka ba na hindi ko alam, Marla?”
Awang ang labi niya nang tignan niya ako. Nag-iwas siya ng tingin na parang inaalala yung mga nangyari noon bago mamatay ang kapatid ko.
“Ang huling naalala ko lang…palagi siyang may kausap noon sa phone…tapos kapag gigising kami palaging namamaga ang mata niya. Kapag tinatanong ko siya hindi siya sumasagot sa akin, Karina. Iniisip ko baka si Sergio ang dahilan. Halos isang buwan siyang ganun nang umalis si Sir Sergio at Ma’am Catalina pagkatapos ng kasal nila.” Paliwanag niya sa akin.
Suminghap ako at mariing napapikit sinapo ko ang akong mukha ng dalawang kamay.
“B-bakit? May iba ka bang nalaman?”
Tinignan ko siya at ipinakita ang phone ni Katherine na nasa tabi lang ng upuan ko.
“Tumawag si Catalina sa dating phone ni Katherine. Nagbabanta siyang layuan ko si Sergio. Kung hindi ipapakita niya ang video ng kababuyan ni Katherine. Naguguluhan ako Marla…paano kung bukod sa pagpapakasal ni Sergio sa babaeng yun may iba pang dahilan kung bakit nagpakamatay ang kakambal ko?” Natatarantang sabi ko sa kanya. Napasabunot ako sa aking sarili.
“Karina, huminahon ka—”
“No! P-Paano ako hihinahon Marla?! Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko! Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko! Alam mo ba?! Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon? Gusto ko silang patayin lahat! Gusto ko silang ibaon sa hukay kagaya nang nangyari sa kapatid ko! Pero hindi ko magawa dahil alam kong mali pa rin ang pumatay ng tao!”
Sa labis na galit ko ay inihagis ko sa pader ang bote at nagtalsikan ang bubog nito. Naramdaman ko sa aking pisngi ang pagtama ng bugbog pero hindi ko ito ininda dahil sa labis na galit.
“K-karina tama na…hindi makakabuti sa’yo ang ginagawa mo.”
Niyakap niya ako at tuluyan na akong napahikbi sa kanyang balikat.
“S-si Ka–therine… hindi siya nagpakamatay…sigurado akong may nangyari…na nagtulak sa kanyang gawin yun…” mahinang sambit ko habang humihikbi at napakapit na ako sa kanyang braso. Napaupo kami sa sofa.
“Tama na…tutulungan kita, Karina. Tama na huwag ka ng umiyak.” Alo niya sa akin. Dalawa na kaming umiiyak ngayon.
Kinabukasan ay hindi ako nakapasok dahil sa wala akong maayos na tulog. Mabuti na lamang nilinis ni Marla ang kalat ko kagabi. Humingi ako ng tawad sa kanya dahil hindi ko na siya naihatid. Magtataxi na lang daw siya pauwi.
Napatingin ako sa phone ng muli itong umilaw. Kanina pa tumatawag si Sergio pero wala akong ganang sagutin ang tawag niya. Pinatay ko ang phone at muli kong sinubsub ang aking mukha sa unan.
Narinig ko ang pagbukas ng door kaya tamad na tumayo ako sa kama. Manipis na pulang pantulog lang ang suot ko kaya inayos ko ang aking sarili. Sabi kasi ni Marla babalik daw siya para hatiran ako ng pagkain bago pumasok.
Pero laking gulat ko nang si Sergio ang bumungad sa akin. Nag-alala niya akong tinignan at may dala pa siyang pagkain.
“Sabi ni Marla may sakit ka daw kaya ako na lang ang nagdala ng pagkain. Hindi mo kasi sinasagot ang tawag ko.” Wika niya nang pumasok sa loob ng pinto at ini-locked ito. Binaba niya ang pagkain sa table at saka ako nilapitan na wala pa rin sa sarili.
“What happen? Bakit namamaga ang mata mo? May problema ba? Nag-away ba kayo ni Karina?”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya nang marinig ko ang pangalan ko.
“Why? Inaway ka ng kakambal mo?”
Sinubukan niya akong hawakan ngunit. Umatras ako palayo sa kanya. Alam niya ang tungkol sa akin. Kinukuwento pala ako ni Katherine sa kanya.
“Umalis ka na Sergio, marami ka pang trabaho.” Iwas ko sa kanya. Sinubukan ko siyang talikuran ngunit mabilis niyang nahila ang braso ko.
“Ini-iwasan mo ba ako? Okay pa tayo kagabi diba? Bakit ka nagkakaganyan? May nagawa ba ako sa’yo? Galit ka ba sa akin? Sabihin mo, dahil ayoko ng ganito, Katherine.” Pagsusumamo niyang nakatingin sa akin. Hinamig ko ang aking sarili. Pinigilan ko ang aking emosyon na gustong kumawala sa akin.
Hindi ako maaring mabisto ni Sergio. Pero kailangan kong malaman ang tungkol sa nangyari sa kapatid ko!
“Iwan mo na si Catalina…at ang anak niyo at magpakasal na tayo Sergio.” Seryosong sambit ko na ikina-awang ng kanyang labi.
Hindi ko alam kung hangang saan ang kaya niyang isakripisyo para sa kapatid ko. Pero kahit gawin man niya ang bagay na yun. Walang kasalang magaganap sa pagitan naming dalawa.
Her Twin's Revenge 5 (SPG)KARINA"Anong nangyari sa pisngi mo?"Lumapit siya sa akin at nag-iwas ako ng mukha pero hinawakan niya ang baba ko at mariin niya akong tinitigan. "May nangyari kagabi?" Inalis ko ang kamay niya at hinawakan ko at ibinaba. Tumingin ako ng derecho sa mga mata niya."Wala ito, nagasgas lang at tumama sa kung saan. Sergio, kaya mo ba talagang iwan si Catalina at ang anak mo para sa akin?" mahinahon kong tanong sa kanya. Gusto kong makasiguro kahit papaano na kaya niyang gawin yun at hindi niya lang ako niloloko. Imbis na sagutin ang niyakap niya ako at ikinulong sa bisig niya. "Katherine, noon pa man alam mo naman na mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat para sa'yo." Sumilay ang maliit na ngiti sa aking labi. Humiwalay siya ng yakap at bumaba ang kanyang tingin sa aking dibdib. "Damn, hindi lang kita makita ng isang gabi sobrang nanabik na ako sayo." sambit niya bago inangkin ang aking labi. Ramdam ko ang gigil niya at ang pagkasabik niya sa akin dahi
KARINA"Good morning my love." Yumuko siya at hinalikan ako sa labi. Ito ang paraan ng pagbati niya sa akin tuwing umaga kapag nasa trabaho. "Good morning, na-late ka ata ng pasok?" "Yes, inalagaan ko pa kasi yung anak ko. Umalis si Catalina at may pinuntahan." sagot niya sabay ngiti sa akin. May gumuhit na sakit sa aking puso. Hindi dahil sa meron kaming relasyon. Iniisip ko kasi kung si Katherine pa rin ang nasa kalagayan ko ngayon. Dadanasin niya ito ang mamalimos ng oras at pagmamahal sa isang lalaking minsan na rin siyang tinalikuran. "Sabayan mo akong mag-breakfast kapag dumating yung inorder ko okay?" I fake my smile and nodded. Maya-maya pa ay dumating na din ang pinadilever niya. Tumayo ako at kumatok sa kanyang pinto saka ko binuksan. Naabutan ko siyang may kausap sa phone at magkadugtong ang kilay. "What? Nasa Ilocos si Catalina?" rinig kong sabi niya sa kabilang linya. Nasapo niya ang kanyang noo at pabagsak na ibinaba ang phone niya. "What happen?" Umiling siya sa
KARINAHindi ko magawang makatulog dahil sa nangyari kanina sa opisina. Buong araw akong lutang at nagpahatid na lamang ako kay Sergio pagkatapos naming maghapunan. Bumangon ako at kinuha ko ang phone ko upang tawagan si Marla. “K-karina? Bakit? Gabi na ah.” Inaantok na sagot niya sa akin. I’m sorry kung nagising kita. May gusto kasi akong itanong sa’yo. Narinig ko pa ang paghikab niya sa kabilang linya. “Ano yun?” Naupo ako sa kama at pinagsiklop ko ang tuhod ko. “Kilala mo ba si Hugo?” “Ha? Si Sir Hugo? Oo, kaibigan siya ni Sir. Sergio.” “May namagitan ba sa kanila ni Katherine?” Derechong tanong ko sa kanya. Narinig ko siyang natigilan sa kabilang linya. “Nagkita kami ni Hugo kanina at may sinasabi siyang hindi ko maintindihan Marla.” Naguguluhang sambit ko. Umaasa akong may maibibigay siyang impormasyon sa akin nang sa ganun ay mapagtagpi-tagpi ko ang pangyayari. “Ang alam ko…nauna silang magkakilala ni Katherine at nanliligaw yun sa kanya. Ang kuwento sa akin ni Katheri
KARINAAkala ko aalis na siya kapag naihatid na niya ako sa condo ko ngunit gaya ng sinabi niya kanina nagpaalam siya sa akin upang ipagluto ako ng dinner. Hindi naman ako makatulog dito sa kuwarto kaya minabuti kong lumabas na lamang upang silipin kung ano ang kanyang ginagawa. “Love, bakit ka lumabas? Diba sabi ko ako na ang bahala?” Naupo ako sa counter island at pinapanuod ang ginagawa niya habang naghihiwa ng mga gulay.“Masakit na ang likod ko, kanina pa ako nakahiga sa office mo. Saka medyo maayos na naman ang pakiramdam ko.” Sagot ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at sinalat ang aking noo. “Medyo may sinat ka pa. Mamaya uminom ka ulit ng gamot after dinner okay?” Paalala niya sa akin. Dinampian pa ako ng halik sa aking noo. Bago siya bumalik sa pagluluto. Kahit naka-apron siya ngayon hindi pa rin nabawasan ang kanyang ka-guwapuhan. Noon hindi ko ito napapansin dahil nabulag na ako sa galit pero ngayon malinaw sa akin kung gaano kakisig si Sergio. Ang lalaking minahal ng kap
KARINAMaaga akong gumising para pumasok sa trabaho. Kahit wala si Sergio, marami pa din akong ginagawa sa opisina. Kailangan ko din ayusin ang mga pending papers na hindi na pa niya napipirmahan. Mamadaliin ko na lamang ang trabaho nang sa ganun may oras akong alamin ang mga secret files ng companya. May access naman ako sa mga important at confidential files dahil exposed ako sa lahat ng ginagawa ni Sergio. Susubukan kong malaman kung ano ang puwede kong gawin para masira ang kompanya. Hindi lang si Sergio ang balak kong ibagsak kundi pati na rin ang kompanya na pinaghirapan niya at ng kanyang pamilya.“Hoy! Ano bang nangyari?” Bulalas ni Marla nang lumapit siya sa desk ko. “Nag-away ba kayo? Kagabi pa ako kinukulit ni Sir. Sergio na tawagan ka. Hindi ka daw niya ma-contact ganun din ako.” Wika niya sa akin. Umupo siya sa harapan ko dahil hindi ko siya tinapunan ng tingin. Hangang ngayon kasi hindi ko pa rin binubuksan ang phone ko dahil alam kong tatawag nga siya. “Kari—"“Marla
SERGIODahil sa ilang araw na hindi pagsagot ni Katherine sa tawag ko ay napilitan akong umuwi. As of now stable na naman ang lagay ni Grandma at babalik na lamang ako pagkatapos kong kausapin si Katherine. Hindi ko ipinaalam kay Catalina ang pag-uwi ko dahil alam kong mag-aaway lang kaming muli. Ilang oras akong naghintay sa condo niya. Umasang maabutan ko siya ngunit halos hating gabi na hindi pa rin siya dumarating. Nag-umpisa na akong kabahan dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya hangang sa akmang hahanapin ko sana siya ngunit eksakto naman ang bumungad siya sa akin. Gustuhin ko man magalit sa kanya dahil sa pangbabalewala niya sa akin. Hindi ko magawa dahil mas nasasaktan ako sa nakikita kong kalagayan niya. “I’m sorry…” sambit ko habang hinahaplos ang likuran ng kanyang buhok. Ipinangko ko siya sa aking dibdib at mabilis na binuhat papasok sa loob ng kuwarto. Inilapag ko siya sa kama at hinubad ko ang sandal niyang suot. Pagkatapos ay kumuha ako ng malinis na bimpo up
SERGIOKinabukasan ay hindi muna ako nagpunta sa opisina. Dumerecho ako sa bahay ni Hugo upang alamin ang totoo. Ayoko man maniwala kay Catalina hindi naman mapanatag ang loob ko. Lalo na nang maalala ko kung ano ang naging pagkikita naming muli ni Katherine. Ibang-iba na siya kaysa dati. Bukod sa mas simple manamit si Katherine noon ay ni minsan hindi ko naramdaman na ginusto kong may mangyari sa amin. Kahit kami lang dalawa ang magkasama noon sa bahay at sa apartment niya never kong naisip na galawin siya. Ngunit nang bumalik ako. Ibang Katherine ang humarap sa akin. Mas maganda, mas kaakit-akit at mas nakakabaliw to the point na isang araw ko lang siyang hindi makita gustong-gusto ko na siyang puntahan sa tirahan niya. Kaya nang gabing yun na magkasama kami hindi ko na nagawang pigilan ang aking sarili na angkinin siya. Akala ko galit pa rin siya sa akin ngunit nagpaubaya siya sa nangyari sa pagitan naming dalawa. At hindi na ako papayag na may mamagitan ulit sa amin kahit ang mga
KARINANa-alimpungatan ako dahil sa kakaibang pakiramdam na gumising sa akin. Nang yumuko ako ay nakita ko si Sergio na nasa pagitan ng hita ko. Ang takang pagsaway ko sa kanya ay nauwi sa mahabang ungol when I felt his tongue inside of me. Mas ibinuka pa niya ang aking hita. At mas malalim siyang sumisid sa kaibuturan ng aking pagkababae. Umaga na pero walang kapaguran pa rin niya akong inaangkin. Akala ko pa naman nagpaalam na siya kagabi kaya hindi ko akalain na sa pagising ko siya parin ang mabubungaran ko. “S-sergio…ohhh!” ungol ko when I felt my release. Matapos niyang masaid ang lahat ng nilabas ko ay umakyat ulit ang kanyang labi. Hangang sa tumapat sa mukha ko ang kanyang mukha. Tinitigan niya ako at hinawakan niya ang aking pisngi.“I love you…Katherine.” Sambit niya. Nanatiling nakatikom ang aking bibig. Yung sinabi ko sa kanya kagabi was real. Naramdaman ko yun sa puso ko. I was really hurt and jealous. But now hindi ko ata kayang sabihin yun sa kanya nang harapan. Sand
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW…“Sergio, dahan-dahan lang baka bumanga tayo!” Paalala ni Karina sa kanya dahil pasikot-sikot na sila sa gubat at paliit na rin ng paliit ang nadadaanan ng kanilang kotse. “Kailangan natin siyang mahabol, dahil kung hindi baka lalo lamang tayong mahirapan na mahuli si Bernadette.” Sagot ni Sergio sa kanya habang nakatuon ang attensyon sa harapan at dadaanan nila. Habang si Bernadette ay hindi na rin alam ang gagawin para makalayo sa dalawa. “Bakit ka tumatakbo, Bernadette? Yung mga nagpahirap sa'yo ang nakasunod sayo diba dapat harapin mo na sila?” Bulong ng isip ni Bernadette. “Kapag tumigil ka mahuhuli ka nila at mabubulok ka sa kulungan! Paano kung p@tayin ka rin nila kagaya ng ginawa mo sa mga mahal nila sa buhay?! Paano ka pa maghihigante?!” Bulong ng kabilang isip ni Bernadette. Napatingin siya sa upuan at nakita niya ang isang c@liber 45 at kaagad niya itong kinuha. Ngunit nagulat siya nang sa mababaw na bangin na pala tumalon ang sasakyan niya
THIRD POINT OF VIEW…“Gising na ba siya?” Bungad na tanong ni Bernadette nang bumaba siya ground floor ng pinagtataguan nilang lumang bodega. Tumayo ang mga nag-iinuman na mga tauhan nito at tinigil ang ginagawa nila. “Madam, kakagising lang po. Gusto niyo po bugbug!n namin ulit?” Ngising aso na sabi ng isa niyang tauhan. “T0nt0! Kaya ko nga tinatanong para makausap ko na ang paki-alamerong police na yun! Teka? Diba sinabi ko na sayong ayoko nang tauhan na mabigote? Gusto mo ako mismo ang magtangal ng bigote mo?!” Singh@l nito. Napatakbo sa takot ang lalaki na ikinatawa naman ng iba pa. “Akin na ang susi,tama na yang pag-iinuman ninyo at magbantay kayo sa labas dahil may parating akong bisita.” Utos pa niya sa mga ito at kaagad naman nagpulasan at umakyat ang mga ito. Dala niya ang susi nang bumaba siya sa makipot at nilulumot na hagdan ng dating p!g sl@ughteR house. Ilang sandali pa ay bumungad na sa kanya ang kanyang bihag. “Kumusta? Mabuti naman at gising ka na.” Nakangiting s
SERGIODinig ko mula sa kinatatayuan ko ang naging masaklap na pagkikita ni Ash at ni Francis. Sasamahan ko sana siya sa loob ngunit binilinan niya akong siya na lamang ang lalapit sa ataul nito. Kung nandito si Karina siguradong mahahabag din siya sa kanyang kaibigan. Pero ayokong isa-alang-alang ang kaligtasan niya para damayan si Ash dahil alam kung kakayanin ito ni Ash. “Ano na ang development ng case ni Francis at nang iba pa? May pagkakakilanlan na ba sa mga um4mbush sa kanila?” Usisa ko sa Police Inspector na mula sa kanilang departamento at may hawak ng imbistigasyon.“Hanggang ngayon wala pa ring kumukuha ng mga bangkay sa m0rgue kaya wala pa rin kaming idea kung sino ang mga lalaking yun na lumusob sa kanila.” Sagot niya sa akin. Hindi maari ito, kahit ang mga kasamahan nila sa station ay ayoko nang pagkatiwalaan. May pakiramdam akong nasa loob lamang ng police station na yun ang nagkanulo sa kanila para magpunta sa liblib na lugar na yun at abangan ng mga kalaban.Tinawaga
KARINADalawang linggo na ang nakalipas mula nang mailipat kami sa isang safe house. Naka-leave din si Ash sa kanyang duty kaya magkasama kami dito sa isang pribadong isla. Naghilom na ang mga sugat namin ngunit bakas pa rin ang mga pas0 namin sa balat pero unti-unti din naman itong gumagaling dahil na rin sa Cream na pinapahid namin upang mawala ang peklat. Kinailangan ko din magpagupit ng mas maiksi dahil na-apektuhan ang buhok ko sa pagkasunog. Samantala, wala pa rin kaming balita kay Bernadette. Kaya sa tingin ko mas kailangan namin na mag-ingat ngayon. Araw-araw naman umuuwi si Sergio samantalang si Francis naman ay tuwing sabado at linggo lamang pumupunta dito dahil tinutukan niya ang kaso at ang paghahanap kay Bernadette. “Kape?” Alok ni Ash sa akin at inabutan niya ako ng isang tasa ng kape. Nandito kami sa may veranda at pinapanuod namin ang malakas na hampas ng alon sa may dalampasigan. “Next week babalik na ako sa Maynila. Kailangan kong tulungan si Francis sa imbestigas
SERGIONaglalagablab na apoy mula sa kamalig ang bumungad sa amin. Mabilis akong bumaba at tumakbo patungo doon. Umaasang aabutan pa namin sila ng buhay ngunit sa laki ng apoy malabo na kaming makapasok.“Karina! Karina!” malakas na sigaw ko habang pinapanuod ang pagkatupok ng apoy nito. Pinigilan kami ni Francis na makalapit dahil gusto na naming pasukin ang loob nito. Kung hindi dahil sa unknown number na tumawag sa phone ko kanina at sa taong nag-send ng pictures at address kung nasaan sila hindi namin sila mahahanap.“Karina!”“Ashley!”Napaluhod na lamang ako sa damuhan. Wala akong nagawa, hindi ko siya nailigtas. Nahuli kami ng dating. Natakasan na kami ni Bernadette at Marla nakuha pa nila si Karina at Ash. Walang ibang dapat sisihin nito kundi ako! Wala akong silbi!“Aahhh! Karina!”Parang sasabog ang dibdib ko sa labis na galit at paghihinagpis. Kung naging mabilis lang sana ang kilos ko. Hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Hindi sana nauwi sa kamatayan nila ang paghihigant
KARINA “Saan niyo ba talaga kami dadalhin?” angil ko sa lalaking nagpapangap lang pala na pulis. May mga iilan ding silang pulis na kakampi kaya may dala silang police mobile upang hindi namin mahalata. Katabi ko ngayon si Ash at pareho kaming nakaposas. Hindi pa rin siya nagigising. Hindi na ako lumaban dahil tagilid kami sa kanila. Masyado silang marami at pinagbantaan pa ako na kung kikilos ako ay papatayin nila si Ash kaya hinayaan kong bihagin nila kami. “Huwag kang maingay diyan!” singhal niya sa akin. Nag-alala na ako sa maaring mangyari. Dapat sa mga oras na ito ay nahuli na nila si Bernadette at Marla. Ngunit malakas ang kutob ko na sila ang may kinalaman nang pagpapadukot sa amin. Sigurado din akong sa mga oras na ito ay alam na si Sergio na hindi kami nakarating sa farm ni Francis. Sana lamang ay maging ligtas pa rin siya. Hindi ko alam kung ano pa ang plano nilang gawin sa amin ngunit umaasa ako na magkikita pa kaming muli. Napalingon ako sa tabi ko nang gumalaw si Ash.
KARINA“Mag-iingat ka.” Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit.“Ikaw din.” Paalam ko sa kanya. Alanganin pa siyang bitawan ang dalawang kamay ko pero kailangan na naming umalis. Patungo kami ngayon sa hospital kung nasaan ang mag-ina ni Tomas. Kasama ko si Ash at Francis. Si Sergio naman at ang ibang mga kapulisan ang magtutungo sa Alvarez corporation upang hulihin si Bernadette at si Marla. Panatag naman ako dahil marami siyang police na kasama.“Kailangan na naming umalis, magkita na lamang tayo mamaya.”Kinabig niya ang batok ko at hinalikan ako sa labi bago niya ako bitawan. “Mag-iingat ako Sergio.” Wika ko sa kanya bago ko siya tinalikuran. Kaagad akong sumakay sa van, patungo sa hospital. Kumaway pa siya hangang makalayo na kami.“Sigurado ka bang sa farm mo muna natin sila dadalhin?” tanong ni Ash kay Francis.“Yes, ilang araw lang naman. Sabi ni Tomas, need ng anak niya ng heart transplant. Wala pang compatible donor kaya hindi pa nila magawa ang operasyon. Pero ang
KARINAAndito kami ngayon sa interrogation room sa Muntinlupa. Kasama ko din sina, Sergio at Ash. Ina-antay naming ang pagdating ni Francis dahil kasama siya ng pulis na kukuha sa suspek na pumatay kay Catalina. “Are you okay?” Nag-alalang tanong sa akin ni Sergio. Ramdam niya sigurong kinakabahan ako. Sasagot n asana ako ngunit bumukas ang pintuan at bumungad sa amin ang lalaking may malaking katawan naka-posas. “Maupo ka.” Utos ni Ash sa kanya at inupo siya ni Francis sa harapan namin. “Anong kailangan niyo sa akin? Case close na ang kaso at umamin na ako sa kremin. Ano pa ang kailangan niyo?” Sunod-sunod na tanong niya sa amin. Kita ko sa mga mata niya ang pagkabahala. Para siyang may itinatago pa rin sa amin.“Easy ka lang, hindi ka namin kakagatin, may ilan lang kaming katanungan.” Si Ash ang sumagot. “Nasabi ko na lahat sa korte—”“Eh di sabihin mo ulit!” Singhal niya dito na ikinagulat ko din. Hinila siya ni Francis palayo sa amin. Hindi ko narinig ang sinabi niya dito pero
KarinaHindi ko maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang dalawa na nag-aasaran. Paano ba naman kasi tinuturuan ni Francis na mangabayo si Ash. Marami kasi silang alagang kabayo. At magaganda pa ang mga ito halatang alagang-alaga sa pagkain at vitamins. "Ano ka ba? Sumabay ka sa galaw ng kabayo huwag mong tigasan ang katawan mo." Turo ni Francis sa kanya. "Naku Francisco kapag nahulog ako dati lagot ka sa akin!" Bulyaw niya dito. "Hindi yan! Magtiwala ka kasi sa akin!" Litanya ni Francis. Naiiling at nakangiti akong bumaling kay Sergio. Nahuli ko siyang nakatingin pala sa akin. "Bakit? May amos ba ako s mukha?" Tanong ko s kanya. Napunta sa hawak niyang bulaklak ang mga mata ko. Nakaupo kasi kami sa damuhan na may latag na tela. At napapalibutan ng mga yellow na bulaklak. "I'd love to see your smile everyday." Sambit niya habang hindi hiniwalay ang mga mata sa akin. Dinala niya ang hawak niyang bulaklak sa gilid ng aking tenga. At inalis ang ilang hibla ng aking buhok. "