Nasa kalagitnaan ng pag-iisip si Sophia habang nakatingala sa balkonahe ng kaniyang kwarto. Kakatapos lamang niyang patulugin si Victoria sa mga oras na iyon. Nasa isipan pa rin niya ang guni-guni niya kanina habang naghuhugas siya ng plato.
Napabuntong-hininga na lamang siya habang hindi pa rin mawari ang anumang ibig sabihin n'on.
"Gabi na, hindi ka rin ba makatulog?" Nahimigan niya mula sa ibaba ng kaniyang balkonahe. Nakatingala ang pigura ni Manuel habang hawak ang baso na tila alak.
"H-hindi eh, ikaw rin ba?" Pabalik na sagot niya dito habang dumudukwang sa ibaba.
"Do you want my company? Samahan mo 'ko dito. Tulog na ba si Victoria?" Iyon ang ani ni Manuel habang nilalagok ang basong hawak-hawak niya.
"Wait, bababa ako." Si Sophia na noo'y agad namang tumalima at kinuha ang balabal na nasa kalapit na sampayan sa likod ng pinto.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at tiningnan muna ang gawi ni Victoria na noo'y mahimbing pa rin na
"Help us! Ano ka ba Marcus!? Tulungan mo kami!" Sigaw pa ni Sophia na siyang rason upang tuluyang kumilos ito. Nakasimangot itong kinuha ang kapatid at inipalag sa isang banda. Inalalayan din ni Marcus si Sophia na noo'y agad na dinambahan si Manuel at nagsagawa ng CPR.Wala sa huwisyo ang kapatid nito na tanaw lamang ang pagsalba kay Manuel. Nakatiim-bagang lamang ito habang tanaw ang paglapat ng mga labi nila Manuel at Sophia.Knowing that it was just an emergency CPR for taking back his life.
Ilang araw matapos ang nangyari ay naisagawa ni Don Llermo at Sophia ang isang plano.Suot ni Sophia ang kulay pulang gown sa gabing iyon at doo'y marangya niyang winasiwas ang kaniyang mahabang buhok.It was the night she'd been waiting for. Ang gabi ng kaniyang pagpapakilala sa mataong lugar na iyon. Ang gabing ipapakilala siya sa mga alta-social na mga taong noo'y inaapakan lamang siya bilang isang damong-ligaw.Dito niya sisimulan, sisimulan na niya ang pa
"Matutulungan mo ba ako?" ulit pa ni Celeste saka matamang tinitigan ang mata niya."I..."Wayback a long time ago...Hindi alintana ni Miguel ang malakas na bagsak ng ulan. Kakatapos lamang ng pagtitipon nila sa mansion nang mapansin nilang nawawala na si Celeste. Sakay siya noon ng kaniyang motorsiklo habang binabagtas niya ang daan, at doon nga'y napag-alaman niya ang balitang may bus na nahulog sa pampang at marami ang namatay. Ipinahanap niya ang terminal ng bus kung saan pwedeng kumuha ng ticket, at doon nga'y nalaman niyang lulan ng bus si Celeste. Kasama itong nahulog sa bus, hindi na niya kinayanan ang natagpuang aksidente kaya't inakala niyang patay na ito.Sa pagkakataong iyon ay hindi na rin niya alam ang mga pangyayari kung paano siya natali kay Lalaine, gayung hindi naman niya ito mahal. At doon nga sa mismong kasalan nila noon, ay umayaw siya. Tumalikod siya sa harap ng altar at tinalikuran na rin ang pamilyang mayroon siya.Doon lamang niya naisip na isa lamang siyang
Nang makarating sa maliit na apartment ni Miguel, ay kapwa sila nag-ayos. Nakatulog na rin si Victoria dahil napagod sa biyahe. Ilang minutong nakatitig si Celeste sa harap ng salamin. Kasalukuyan siyang nakatapis ng tuwalya dahil galing lang siya sa pagligo.Mayamaya pa'y gumayak na siya sa labas at nakitang nakaupo si Miguel sa isang silya halatang naghihintay ito sa kaniya. Wala itong saplot sa pag-itaas na bahagi kaya lutang ang kaniyang matipunong katawan, at mabalahibong dibdib na kinortehan ng iilang tattoo, na mas nagpapalakas sa maskuladong katawan nito.Dahan-dahang tumayo si Miguel a
Kinabukasan. Minabuting umalis muna ni Celeste para bumili ng gamit niya. Iniwan niya si Veronica sa poder ni Miguel.Nasa kalagitnaan nang malalim na pag-iisip si Celeste habang lulan ng kaniyang kotse. Pabalik na siya sa townhouse ni Miguel habang nasa kaniyang isipan pa rin ang nangyari sa kanila ni Miguel. Hindi maitatangging nakakabaliw si Miguel.Wala siya sa focus habang nagmamaneho kaya hindi sinasadyang mabangga niya ang kotse na nasa kaniyang harapan. Naka-stop pala ang stoplight kaya hindi niya napansin iyon. Umugong ang warning siren ng kaniyang kotse kaya agaw pansin siya sa madla. Bantulutot na binuksan niya ang drivers seat at doo'y nakita niya agad ang pigura ng isang matandang babae na animo'y galit na galit sa kaniya. Nasa loob pa rin siya sa oras na iyon."Are you stupid?! O sadyang bulag ka lang?!" Ani nito habang kinakatok ang bintana niya. Wala sa huwisyo siyang nakatingin habang naka-eye-to-eye contact lang sa ginang. She knew her, ito si ginang Natividad."He
Hindi pa nagtatagal mula sa oras na mabalitaan niya ang nangyari ay narinig ni Celeste ang magkasunod na katok mula sa labas. Madali niya itong tinungo para makita kung sino ang mga ito. Siguro'y si Miguel na iyon. Sambit ng isip niya, ngunit nadismaya siya nang makita ang dalawang lalaki. Si Manuel at Marcus na parang nakainom."Celeste..." Manuel smirked."Pwede ba kaming pumasok?" ngisi naman ni Marcus. Parang lango ang dalawa sa ispiritu ng alak.
Sa sinabi ni Miguel ay naging mabagal na ang paggalaw ni Marcus sa bibig ni Celeste. Nahinto ito at nag-ayos. Ngunit hindi pa rin niya binibitawan si Celeste."Makinig ka, Marcus. Hindi tama ang ginagawa mo. Kapatid mo siya, anak siya ni papa Brando..."Umiling si Marcus saka pinatayo si Celeste. Niyakap ito ni Marcus mula sa likod habang nahihibang na itinutuon pa rin ang baril sa katawan ng babae."I know! Matagal ko nang alam! Kapatid ko siya! Kapatid namin ni Manuel! Pero mahal ko siya! Mahal na mahal ko siya!" Tila nahihibang na sambit ni Marcus.Sa narinig na sekreto nito ay natigilan ang kabilang panig lalo na si Manuel na walang kaalam-alam."Kung gayon, magkakapatid tayong lahat?" nalilitong sambit ni Manuel kay Miguel.Marahang umiling si Miguel sa binata at noo'y nagsalita."I am just your half-brother. Anak ako ni mama sa ibang lalaki. Hindi ako Delgado." Pag-aamin ni Miguel na siyang ikinagulat ni Manuel.Sa pag-amin ni Miguel sa kanilang lahat ay nagkaroon ng pagkakataon
Napasandal naman sa pader si Celeste dahil sa nakikita. Hindi niya alam ang mararamdaman, kung matutuwa ba siya dahil napaghigantihan na niya ang kaniyang ina, o makokonsensya dahil nakikita niyang nasasaktan ang taong mahal niya—si Miguel."Oh my god." Bulalas ni Celeste sa oras na iyon. Naramdaman na lang niyang umaagos na pala sa pisngi niya ang luhang kanina pa niya pinipigilan.Siguro'y tama nga ang sinabi ng papa Llermo niya, siya ang magmumulto sa mga Delgado upang singilin ang mga pangyayari sa nakaraan, dahil siya ang patunay sa ginawang kasalanan ng mga ito sa kaniyang ina.Kasabay ng pagpatak ng malakas na ulan ay ang unti-unting pagbalot ng kadiliman sa kalangitan. Unti-unting ibinababa ang kabaong ng mag-asawang Don Brando at Doña Natividad. Nandoon ang ilang piling kaibigan at mga kasambahay.Ganoon din si Celeste at si Miguel na tahamik lang habang nakatingin sa kumpulan ng tao. Hawak ni Miguel ang payong habang nakasandal naman sa bisig nito si Celeste."Hindi pa ito n
Sa loob ng isang marangyang restaurant, nakaupo sina Miguel at Celeste sa isang pribadong sulok. May malambot na ilaw mula sa chandelier na nagbibigay ng banayad na ningning sa kanilang paligid. Sa ibabaw ng lamesa, isang mamahaling singsing ang nakapatong sa maliit na pulang kahon.Hawak ni Miguel ang kamay ni Celeste habang tinititigan ito nang may lalim."Mahal, gusto kong magpakasal na tayo," diretsong sabi nito, puno ng determinasyon ang boses.Napasinghap si Celeste, hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Alam niyang mahal siya ni Miguel—o mas tama, mahal nito si Celeste. Pero siya? Hindi siya si Celeste. Siya si Wendilyn, ang kakambal na matagal nang nawalay sa kanya."Miguel..." mahina niyang tugon, pilit na iniiwasan ang titig ng lalaki."Ano pa ang hinihintay natin? Alam kong mahal mo rin ako, kaya wala nang dahilan para magpaliban pa tayo," ani Miguel, hinihigpitan ang hawak sa kanyang kamay. "Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ang babaeng pakakasalan ko.
It was past 12 a.m. nang biglang nag-vibrate ang cellphone ni Celeste sa ibabaw ng kanyang bedside table. Nang makita niya ang pangalan ni Miguel sa screen, agad niyang sinagot ang tawag."Miguel?" mahina niyang sabi, may halong pagtataka at kaba sa kanyang tinig. Naiisip niyang baka alam na nito ang pagbabalat kayo niya."Celeste... pwede ba kitang makita ngayon?" may bahagyang pag-aalangan sa boses ng lalaki, ngunit ramdam niya ang tindi ng damdamin nito."Ngayon? Gabi na, Miguel. What makes it important?" tanong niya habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama, hawak nang mahigpit ang kanyang cellphone. Gusto niyang masigurado na hindi pa nito alam ang lahat."Wala, gusto lang kitang makausap. Mahalagang gabi ito para sa akin, Celeste. Please..." Malambing at may bahid ng pagsusumamo ang tono ng kanyang boses.Importante?At anong gustong mangyari ng lalaking 'to?Hindi alam ni Celeste kung bakit nanginginig ang kanyang kamay habang nakatingin sa kawalan. Hindi siya sanay sa mga lalaki
Malalim na ang gabi. Sa pribadong opisina ni Don Valles, ang tanging ilaw ay mula sa desk lamp na nagbubuga ng malamlam na liwanag. Tahimik niyang iniikot ang alak sa kanyang baso habang nakatingin sa isang lumang larawan sa kanyang mesa—larawan ni Celeste. Ang babaeng matagal na niyang inilibing sa nakaraan.Biglang tumunog ang telepono. Agad niya itong sinagot, at sa kabilang linya, narinig niya ang kabadong tinig ni Miguel."Ano'ng nangyari, Miguel?" Tanong pa ng ginoo kay Miguel."Don Valles... Celeste is alive. Nakita ko siya kagabi."Biglang nanigas ang katawan ni Don Valles. Ang malamig niyang ekspresyon ay hindi natinag, ngunit sa loob-loob niya, unti-unting bumibigat ang kanyang paghinga."Huwag kang magbiro, Miguel." Halata sa boses ng ginoo ang pag-aalala na may halong kaba."Hindi ito biro, Don. Dumating siya sa akin kagabi. Hinarap niya ako. At—"Saglit na natigilan si Miguel, tila bumibigat ang sasabihin niya. Nakatingin siya ngayon sa kanyang kamay, na kaninang umaga la
Miguel sat at his desk, papers scattered before him, his mind preoccupied with the constant flow of responsibilities. The day had been long, and the pressure of the business weighed heavily on his shoulders. As he ran a hand through his hair, trying to focus on the numbers before him, a soft click of the door handle broke his concentration. He glanced up, expecting to see one of his staff members or perhaps a colleague, but instead, his eyes locked onto something—or rather, someone—who completely stole his breath away.Celeste.She stood at the door, framed by the light coming through the office windows. She wore a stunning dress that clung to her figure in all the right places, a deep red that shimmered in the light, highlighting her curves with an almost sinful elegance. Her hair, once a mess of disarray, now fell in perfect waves down her back, her face enhanced with makeup that made her features look even more striking. The woman who stood before him now was not the same woman he
Sa ilalim ng maliwanag na buwan, tahimik na naupo si Sister Wendilyn sa isang lumang bangko sa gitna ng hardin. Ang malamig na simoy ng hangin ay dumadampi sa kanyang pisngi, at ang samyo ng mga bulaklak ay tila nagbibigay ng aliw sa kanyang naguguluhang isipan. Matagal na siyang nakatitig sa mga bituin, nag-iisip kung kailan niya muling maalala ang nakaraan niyang nawala."Uy, andito ka pala!" masiglang bati ni Sister Sheila habang palapit kasama si Sister Grace."Ang lamig dito, baka ginawin ka," dagdag ni Sister Grace, sabay lapit at naupo sa tabi niya. "Pero ang ganda ng gabi, ‘di ba?"Tahimik na tumango si Wendilyn. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang bigat sa kanyang dibdib. Simula nang dumating siya sa pasilidad, lagi niyang nararamdaman ang puwang sa kanyang alaala—parang may kulang, pero hindi niya matukoy kung ano."Alam mo ba, Wendilyn," panimula ni Sister Sheila, "dati kaming mag-bestfriend ni Sister Grace. As in, hindi kami mapaghiwalay!""Hanggang ngayon naman, h
Ilang oras lamang ay narating na ni Wendilyn ang probinsya ng Davao. Habang bumababa sa eroplano ay tanaw niya ang mga nakakumpol na madre na hawak ang isang karatula. "Wendilyn", iyon ang nakasulat sa bagay na iyon. Mabuti na lang talaga at hindi siya nahirapan na hanapin ang driver na susundo sa kaniya.Dahan-dahan siyang nagtungo rito. Nakangiti siya habang dala ang mga bagahe."Sister Wendilyn, masaya ako at nakarating ka na..." bati ng isang masayahin na ginoo, hindi niya ito kilala, at mas lalong wala siyang ideya kung kilala ba siya nito."Hello." Bati niya sa mahiyaing boses.Hindi nagtagal ay kinuha nito ang mga dala niyang bag at tinungo na nila ang sasakyan, tahimik lang siya sa oras na iyon dahil wala siyang ideya sa gagawin niya doon. Tahimik lang din ang lalaking kasama niya, hindi nga niya alam ang pangalan nito."Uhm, a-ano po pala ang pangalan ninyo?" Tanong niya rito."Ay, nakalimutan ko palang magpakilala, ako pala si Jose. Ako ang driver ng mga madre dito sa Davao.
Ilang araw matapos dumating sa kumbento, nagsimula nang mag-adjust si Celeste sa bagong buhay na ipinataw sa kanya. Ang bawat araw ay tila isang bagong simula, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang mga tanong na patuloy na bumabagabag sa kanyang isipan ay hindi nawala. Si Wendilyn, ang pangalan na itinaguyod sa kanya, ay nagsimulang magbigay ng isang bagong identidad, ngunit hindi pa rin matanggap ng kanyang katawan at isip ang pagkawala ng mga alaala. Lahat ng iyon ay nagiging isang masalimuot na krosword ng mga piraso ng nakaraan na hindi niya matukoy.Isang umaga, habang ang mga madre ay abala sa kanilang mga gawain, nagdesisyon si Sister Lourdes na dalhin si Wendilyn sa isang missionary activity. "Magiging makabuluhan ang araw na ito, Wendilyn," sabi ni Sister Lourdes nang mahinhin. "Isa ito sa mga proyekto ng kumbento—isang evangelistic mission kung saan tinutulungan namin ang mga batang walang magulang, mga batang nagmula sa mga pook na mahirap ang kalagayan. Tutulungan tayo ng m
Habang pinipilit ni Celeste na mag-adjust sa mga bagong pangyayari sa kanyang buhay, unti-unti niyang nararamdaman na ang sakit at ang pangungulila sa mga alaala ay unti-unting nawawala. Ang mga araw sa ospital ay naging isang serye ng mga nakakabiglang tanong at hindi matukoy na sagot. Tanggap na niya, kahit paano, na ang mga tanong niya ay malamang hindi masasagot sa ngayon. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat, siya’y ligtas. Ligtas siya mula sa isang bagay na hindi niya matukoy.Tinutulungan siya ni Sister Lourdes na magbihis ng simpleng damit, isang puting kasuotan na puno ng simbolismo—mukhang isang uri ng damit pang-seremonya, ngunit mas magaan. Ang simpleng disenyo ng damit ay nagbigay kay Celeste ng kaunting aliw, tulad ng isang bagong simula. Bagama’t hindi pa rin niya matanggap ang pangalan niyang "Wendilyn," ang kanyang katawan at kaluluwa ay nagsimulang mag-adjust, tila may mga bagay na hindi kayang ipaliwanag, ngunit natutunan niyang tanggapin.Habang humihinga siya ng mala
The sprawling mansion stood firmly in the distance, its long shadows enveloping the garage where Celeste was alone. The scent of polished marble and expensive leather greeted her, but it held no value now. As she walked towards the garage, it felt as though each step reached deep into her heart, the rapid beating of her chest like a throbbing beam eager to burst forth.Nagdesisyon na siya—hindi na siya babalik kay Miguel. Wala nang pag-aalinlangan, wala nang kalaban-laban.Habang binabalot ng takaw-pansin ang kanyang mga damit at inilalagay ang mga ito sa maleta, ang zipper ay tila naglalaban para pagsama-samahin ang gulo ng kanyang nararamdaman. Parang ang buong katawan niya ay naging isang tigas na bato, ngunit ang puso at isip ay parang nagwawasak. Lahat ng pagod, ang mga kasinungalingan, ang mga pangako, ang bawat piraso ng kasaysayan nila ni Miguel—lahat iyon ay nawawala sa hangin.Hindi niya na kayang huminga.Kailangan niyang umalis. Wala nang ibang option.Tinutok ni Celeste a