HR24
Pagkapasok sa loob ng condo ay dumiretso ako malapit sa glass wall ng condo. Tanaw na tanaw dito ang magandang tanawan ng syudad.
“Makikita ba dito mamaya ang sunset?” tanong ko kay Sir Yusuf habang ang mata ko ay nasa ibaba ng building.
“Yes,” dinig kong sagot ni Sir Yusuf.
Umikot ako para makita siya at tamang tama ulit na nakahubad siya pero ngayon hindi ako nailang dahil nakatalikod naman siya sa akin. May kakaiba rin akong nakita sa likod niya na ikinakunot ng noo ko.
Dahan dahan akong lumapit sa kanyang gawi. Nang Makalapit ako doon ay mas lalo kong nakita kung ano ang nasa kanyang likod. Kinalabutan ako, may mga malalaki at maliliit iyon. May iba rin sa sobrang lala at mukhang malalim.
Mga peklat iyong nasa likod niya…
Mga peklat na sa tingin ko ay maraming pinagdaan.
Hahawak
HR25Topic warning: Abuse, self-harmMatapos ang buong araw, wala kaming ginawa ni Sir Yusuf sa loob ng condo niya kung hindi ay pag-usapan ang buhay naming dalawa. Shinare ko sa kanya ang buhay namin sa probinsya, kung paano nawala si Tatay at kung paano ako napadpad sa mansiyon niya.Hindi pa siya makapaniwala na magkaibigan na kami ni Celene simula dati. Gulat pa siya at akala niya ay naging close lang kami ni Celene dahil sa trabaho namin.Muling bumalik ang Sir Yusuf na ngumingiti sa akin. Parang kanina lang ang sama ng timpla niya pero ngayon ay ito enjoy na enjoy kami sa aming pinag-uusapan. Ayaw ko pang-ipasok ang kanina dahil ayaw kong mawala ang sayang pinagsasaluhan namin ngayon.Nandito kami sa malapad na sofa. Naka-upo ako habang siya naman ay nakahiga sa aking kandungan. Hindi naman harap ang Tv, ang nasa harapan namin ay ang kalangitan at ang city lights.&n
HR26“Sa anong sports ka naman na-aaksidente?” pahabol na tanong ko sa kanya nang mapasok kami dito sa loob ng kanyang silid at ngayon ay nakahiga na sa kanyang malambot na kama.“I joined a lot of sports.” cool niyang sagot.“Ano nga?” kulit kong tanong.Natawa siya dahil doon. Kanina ko pa siya tinatanong tungkol sa sports na sinasalihan niya. Pero lahat ng sagot niya, ‘I joined a lot of sports’!“A dangerous sports gave me some scars,” aniya.“Ano nga?” may inis kong tanong.“MMA, motorcycle racing, and car racing. Happy?” sabay taas ng kanyang kilay.“Oh my god!” react ko. “Nakakamatay ‘yan, Yusuf.” Sabi ko pa.Muli siyang natawa sa reaksiyon ko at ginulo pa ang aking buhok.
HR27Nagising ako nang maramdaman kong may humahawak sa pisngi ko. Dahan dahan akong napamulat at bumungad sa akin si Yusuf na nakangiti ngunit hindi kita ang kanyang ngipin. Ngumiti ako pabalik sa kanya muling napapikit dahil sa ilang, medyo malapit kasi siya sa akin.Nag-usap muna kaming dalawa tungkol sa gagawin ngayong araw. Malambing at tunog bagong gising ang kanyang boses habang ako naman ay tumatango at umiiling sa kanya dahil sa hiya.“Let’s get ready, I can’t be late with my race today.” Aniya gamit pa rin ang bagong gising na boses.Nauna siyang tumayo sa akin at bago ako sumunod ay inayos ko muna ang aming hinihigaan. Nagtooth brush ako at nag-ayos ng mukha. Pagkatapos no’n ay kaagad akong nagtungo sa kusina para makapagluto ng makakain namin ngayon.“I really wanted to know how to cook,” dinig ko usal niya.
HR28Maingay nang nakapasok kami ni Josef papunta sa venue. Isang komportableng upuan ang nakuha niya para sa amin. Nasa ibabang parti iyong ngunit tanaw na tanaw ang buong paligid.Napahawak ako sa aking buhok ng nililipad iyon ng hangin. Tahimik lang ako habang si Josef naman ay may kausap sa kanyang cellphone. Napabukas na rin ako ng shoulder bag na dala ko at kinuha ng cellphone ni Yusuf na pinahiram.Kumuha ako ng pictures kung saan saan ngunit hindi ko ipapasa kanino man dahil malalaman nila kung nasaan ako. Kumuha na rin ako ng pictures ko kahit medyo tabingi akong kumuha.“Sama ako,” singit ni Josef.“Ikaw humawak,” binigay ko sa kanya ang cellphone.Ngumiti kaming dalawa sa cellphone kasabay ng pag-click niya. Pagkabalik niya ng cellphone ko ay nagkwentuhan kaming dalawa tungkol sa mga bagay bagay. Nagtanong din ako sa kanya s
HR29Sinalubong ko nang yakap si Yusuf pagkabalik niya sa headquarters nila. Kanina pa kaming naghihintay ni Josef dito, may seremonyang naganap kanina at binigyan ng premyo ang mga nanalo kasama na doon si Yusuf. Umalis na kami ni Josef doon dahil hindi ko gusto ang simoy ng hangin lalo na’t may naririnig ako sa aming likuran.“Congrats,” ani yakap yakap pa rin siya.Dinig ko ang pagtawa niya at paghigpit ng yakap niya, yumakap din ako sa kanya. Nang makarinig ako ng tikhim ay bumitaw ako ng yakap sa kanya, si Josef iyon. Binigay sa kanya ni Yusuf ang dalang helmet at sabay na naghigh-five.Dumating na rin ang mga kasamahan ni Yusuf at binati siya sa kanyang pagkapanalo. Napuno ng hiyawan mula sa kalalakihan ang buong silid. Umalis muna kami doon ni Josef ng pumasok ang coach.Nanginginig ang kamay ko at hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Ang ngiti sa
HR30Natapos ang celebration dahil sa gulong iyon. Hindi ko na rin alam kung anon a ang sunod na nangyari sa lalaking iyon dahil sa takot ko at nanatili na lang sa isang sulok habang si Yusuf ay nakikipag-usap sa mga tauhan niya.Ramdam ko ang kalabog ng puso ko papalabas kami ng bar ni Yusuf. Higpit ng hawak niya sa aking beywang na para bang makakawala ako sa kanya. Pinapasok niya ako sa sasakyan at umikot naman siya para makapasok din.“Are you okay? You need something?” nag-aalalang tanong niya.Umiling ako bago sumagot, “Ayos na ako, ayos na.” sagot ko kahit ramdam ko pa rin ang kalabog ng puso.“He will pay for this. Don’t worry, that man will be in jail.” Sabay haplos niya sa akin buhok at pinatakan din ng halik ang noo ko.Ang kamay niya ay puwesto na sa kung saan lagi nakapwesto. Binuhay niya ang sasakyan at
HR31Nagising ako kinabukasan dahil sa sakit ng aking katawan. May nakadagang kamay din sa aking baywang at mabigat iyon sa pakiramdam. Dahan dahan akong napamulat at nagulat pa sa aking nasaksihan. Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi, napatingin ako sa aking sarili at isang panty lang ang suot ko sa aking pang-ibaba.Napapikit akong muli at inalala ang nangyari kagabi. Hindi ko inakala na ang simpleng halik na iyon ay hahantong sa ganito ngunit hindi ko naman pinagsisihan ang lahat, masaya naman ako at buong puso kong binigay iyon sa kanya.Iyon nga lang ay hiya ang nararamdaman ko ngayon, hindi takot o ‘di kaya’y pangamba. Hiya na sa paggising ni Yusuf ay maalala niya ang nangyari sa amin kagabi. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi at napatingin sa kanya na tulog na tulog pa rin.Marahan ang aking galaw at dahan dahan kong kinuha ang kamay niya sa akin para makatayo ako at makaa
HR32Kinabukasan ding iyon ay naghanda si Yusuf para makauwi. Wala din naman siyang iimpake dahil condo rin naman niya ito. Gusto niya sanang iwan ko ang mga damit ko dito sa condo niya para raw may magamit ako kapag mapupunta kami kaya iniwan ko ang ibang gamit ko. Hindi ko pwedeng maiwan iyon lahat dito dahil baka kung ano ang isipin nila Celene na wala akong dalang damit pabalik ng mansiyon.“I gotta go, Zey?” aniya at inayos ang kanyang damit.Lumapit ako at inayos ang kanyang buhok. Tumango ako sa kanya. Niyakap niya ako at at pinatakan ng halik sa pisngi bago ako nginitian.Nilapit niya ang ulo sa aking tainga bago bumulong, “Bye, I love you.”Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanyang tinuran. Hinalikan ko rin ang pisngi niya at niyakap din siya.“Mahal din kita,” bigkas ko.Ramdam ko ang pagngiti n