"Wow! Just wow! Ang ganda! This place looks unreal!" bulalas ko habang hinahangaan ang nakamamanghang tanawin.
Before us is a very long breadth of immaculate turquoise water. Napakapino at napakaputi ng buhangin na wala ni isang bakas ng kahit isang maliit na basura mula sa kinatatayuan namin. Along the way are all sorts of trees that give a mysterious path to the water. White glitters are everywhere. The sun is kissing the white sand, its light seething into the cracks and folds of the leaves from the trees.
Napalingon ako kay Maverick na kabababa lang sa sasakyan. Tumawa ito at kinurot nang mahina ang pisngi ko pagkatapos ay inakbayan ako. Itinaas nito ang sunglasses sa ulo at tiningnan ako nang malamlam.
"You really love water, huh."
My smile widened as I can't help myself from containing the excitement to soak my body in the inviting water.
"Yeah, wate
Malalim na ang gabi at kanina pa tulog si Femella sa tabi nito pero gising pa rin ako. My mind kept going back to our conversation earlier."My parents are dead. I don't have a sibling and my relatives all lead fucked up lives so I know they can't take good care of me so I am practically alone forever. There, I already answered your question. Satisfied?""Only child ka?""No."It might have been a slip of her tongue or I just didn't hear her right. Maybe she's just bluffing because she remembered how she already told me about her having no siblings. And why did I even ask that question?Siguro dahil bumabalik na naman ang mga panaginip. Vague memories of the past went back to haunt me again as if them being constantly in my head every now and then is not enough. Pati ba naman sa gabi ay ginugulo nila ako.Mas malinaw na ang mga alaala ngay
"Wait here, I'll go back in the house to get my cigarette.""Sure."Pinanood ko si Maverick nang tumayo ito mula sa pagkakaupo sa mat at naglakad pabalik sa bahay. Walang pang-itaas na suot ang lalaki. Naka-boxer shorts lang ito as usual."Tsk. Ang tigas ng balat. Hindi man lang nilamigan kahit kaunti."Ibinalik ko ang tingin sa marahas na alon ng dagat at uminom mula sa hawak na lata ng alak.Maliwanag ang buwan sa kalangitan na nagbibigay-tanglaw sa puting buhangin at asul na karagatan. Maririnig mo rin ang malakas na hampas ng hangin sa paligid.Hindi ko alam kung ano na naman ang nakain ni Maverick at nagyayang mag-night swimming. Hindi pa ba siya nakontento kanina sa kabilang resort kung saan pinilit niya akong turuang mag-surf buong araw?Inalog ko ang hawak na lata ng alak at tinanaw ang dagat.
"Okay ka lang?"Distracted na nilingon ako ni Femella mula sa pagkakatitig nito sa labas ng sasakyan. Hinagod muna niya ako tingin saka ngumiti. "Yeah, I'm okay. Don't worry."I returned my focus on the road. "Saan ba kita ihahatid? Will you go back to your apartment first?"Kanina ko pa napapansin ang kakaibang pananahimik nito. Habang nasa bahay kami at nag-aalmusal ay kibuin-dili na ako ng dalaga. I tried to put on a conversation but she didn't seem to be buying it. Tipid na ngiti lang at kibit-balikat ang palaging sagot nito. I wonder what had gone wrong.Did she change her mind? I gripped the steering wheel and squeezed my teeth at the thought.No way in hell I'm going to let her go. I've already decided to explore this new terrain I've discovered. Ito ang unang pagkakataon na naramdaman ko ito kaya marapat lamang na gawin ko ang lahat para manatili si Femella sa akin.
"A boy named Dave called me last night and leaked out your location. Care to tell me what's going on, princess?""Stop calling me that!" I hissed at Vida."Then tell me what's this all about. Hindi iyang para kang timang diyan na nakatulala na parang hiniwalayan ng jowa. Oh wait!" She paused and inspected my face."Ano ba!" Pinalis ko ang kaniyang kamay sa aking mukha at ibinalik ang tingin sa labas ng kotse.Pagkatapos lumapag ng helicopter sa isang hangar ay sumakay na kami sa nakaantabay na sasakyan ng club na maghahatid sa akin patungo sa apartment."Gosh! Did you just fall in love with Maverick? Wow! I can't believe it! You have a horrible taste in men, Femella."Tinaliman ko ng sulyap si Vida."Okay, I'm gonna shut up. I have to consider your feelings, I know. It's not easy to nurse a broken heart
I stopped the Tesla Model X car in front of one of my hotels and stepped out of it. Ibinutones ko ang suit jacket at sinulyapan ang security team ko na nagsilabasan rin sa kaniya-kaniyang mga sasakyan. Tinanguan ko si Jex na siyang head nila at nauna nang maglakad. I passed through the revolving glass door and into the turnstile where I swiped up my identification card.Every employee stopped in their tracks to greet me."Good day, sir."Tinanguan ko lang ang mga nagsisipagbati sa akin habang nakapamulsang tinumbok ang private elevator.Sinalubong ako ng manager ng hotel na si Anita na sumabay sa akin sa paglalakad. There wasn't any hint of weariness on her face considering it's a surprise inspection."How's the ongoing renovation of the 63rd floor?" panimula ko."Going well, sir. The interior designer you recommended is already on her finis
Nanlilimahid na sa alikabok at dumi ang aking buong katawan at nanlalagkit na rin ako dahil sa pawis mula sa ilang oras na paglilinis ng buong apartment pero sige pa rin ako sa pagkuskos sa mga dumikit na natuyong kanin sa tiles ng sahig.Sa isipan ay ilang daang ulit ko nang ginutay-gutay ang green-eyed monster na nagngangalang Dave. Kung di ba naman dahil dito ay nasa spa na sana ako ngayon at nagpapakasarap sa paglustay ng forty-nine million ni Maverick.Pero hindi. Andito ako ngayon at halos ingudngod na ang mukha sa kaka-brush sa nangingitim na white tiles. Iniimagine ko na lang na mukha ni Dave ang nginungudngod ko sa sahig.Nang matapos ay nagpahinga ako ng ilang sandali habang kumakain ng watermelon. Sinulpayan ko ang wall clock. Pasado alas-diyes na ng gabi. Ipinatong ko ang mga siko sa kitchen table at inubos ang prutas. Magpapalipas muna ako ng ilang minuto bago maligo.I
"How's it going?""It's going smooth.""Come on, be honest to me Femella."Bumuntung-hininga ang kabilang-linya. "Nahihirapan na ako sa totoo lang. Malapit na akong sumuko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I feel so powerless. I'm starting to doubt myself. Ang sarap nang sumuko, Rowald. Parang wala na akong kakampi. Ang hirap. Lagma Rey is not someone I should go against with. Not with my current status now. Mahirap na ako. Wala na akong pamilyang maasahan. We had long been in the gutter. So I think this mission is impossible."Umayos ako ng upo sa silyang kahoy at uminom ng tubig."Stick to the plan. Nahulog na sa iyo si Maverick kaya madali mo nang maisasakatuparan ang lahat. It's the only way that can work. Remember, time is our worst enemy here. Kapag nakatunog na si Lagma, game over na ang paghahabol mo.""No. Matagal ko nang kinalimu
"Dave, I'm in. How's your position?"I gave out my sweetest smile to the photographer who asked for my photo and gracefully shook my head to refuse. I made my way to the main area of the largest convention area in the country and got myself a glass of champagne from the passing waiter."Kanina pa ako rito. Hinahanap ko pa ang room ni Lagma. Mahigpit ang security ng lugar. Hindi ako makapasok. I need more time."I sipped on my glass and seductively smiled at the Korean gentleman across me. Kanina ko pa kasi siya napapansin na panay ang sulyap sa akin."It's okay. Go have all the time that you need. Mag-e-enjoy muna ako habang nanghuhuli ng matsing. Perhaps meet some old friends. After all, it's a gala night organized by my clan's number one enemy.""Ok. I'm out."Hinawakan ko ang tenga at pasimpleng ini-off ang hearing device na nakakabit sa earrings ko.
Naliligo na ako sa sariling pawis at kanina pa basa ang aking dress na suot pero wala akong pakialam. Ang tanging gusto ko ay ang mailabas ang lahat ng kinain ko kaninang tanghali. Kumapit ako sa toilet bowl at sa huling pagkakataon ay nagsuka. Hinang-hinang napasalampak ako ng upo sa sahig ng banyo habang nakakapit pa rin sa bowl. Napaiyak na ako sa labis na frustration. Is it really this hard to be pregnant? May narinig akong nagbukas ng pinto at pumasok. Hindi ako gumalaw. Patuloy lang akong umiyak. Maverick sat down beside me and wiped my face with a towel. Ito na rin ang nag-flush ng suka ko. “Feeling better?” Hinagod niya ang likod ko. Tumango ako. “A little.” Hinaplos nito ang lumalaki ko nang tiyan. “Pinapahirapan niyo talaga si mommy. Behave children. Saka na kayo magpasaway kapag nakalabas na kayo, okay?” Inirapan ko lang ito
Nagmulat ako ng mga mata at iginala ang tingin sa paligid. Pusikit na dilim ang agad na bumungad sa akin. Kagyat ang paglukob ng kalungkutan sa akin. Kinapa ko ang kabilang side ng kama sa pagbabakasakaling nandoon si Maverick. May nahawakan akong mainit at matigas na laman na umungol. I heaved out a sigh of relief. Totoo nga ang mga nangyari kanina. Hindi ako nag-iilusyon o nananaginip lang. Maverick is really here by my side.Binuksan ko ang lamp shade bago pagapang na humiga pabalik sa tabi nang mahimbing na natutulog na lalaki. Sumukob ako sa ilalim ng kumot at itinukod ang siko sa unan. Inihilig ko ang ulo sa palad habang ang isang kamay ay humaplos sa dibdib ni Maverick. Awtomatiko ang ginawa nitong paghapit sa bewang ko sabay ang pagsubsob nito sa dibdib ko.“Hmm,” ungol nito. Hindi pa ito nakontento, itinanday din nito ang binti sa hita ko kaya ako tuloy ang sumalo sa lahat nang idinagan niyang bigat sa akin. I push
Sinundan ko si Femella sa labas na nagpapahid ng luha. Niyakap ko ito sa likuran at kinintalan ng halik ang naka-expose nito na balikat. Pumiksi ito pero hindi naman nagtangkang umalis."No one is playing tricks on you, sweetheart. Totoo ang mga sinabi ko sa iyo."Suminghot ito. "You should go now, Maverick. Wala na tayo. Natapos na tayo kaya bakit mo pa ako hinanap?"Iniharap ko siya sa akin saka hinaplos ang namamaga na nitong mata sa kakaiyak."It's true that I'm respecting your decision for leaving me. Kaya ngayon, ako naman ang hihingi sa iyo ng pabor na respetuhin ako sa desisyon ko ngayon na balikan ka. Let's stop torturing ourselves, shall we?"Inakay ko siya paupo sa unang baitang ng hagdan at kinuha ang mga kamay nito."Ayoko sa lahat ay iyong nagkakautang ako. It's bad for business. Kaya kailangan kitang ibalik sa buhay ko p
Nakakabaliw pala ang pilitin ang sariling kalimutan ang taong halos lahat ng bagay na gawin mo ay nagpapaalala sa kaniya. Gigising ako sa umaga at kakapain ang kabilang side ng kama sa pag-aakalang nandoon at mahimbing na natutulog si Maverick.Magluluto ako ng pagkain pagkatapos ay matutulala sa kawalan. Before I knew it, nasusunog na ang piniprito ko.I'll eat alone, sleep alone, and cry alone. Naranasan ko rin namang mag-isa sa mahabang panahon pero hindi ako naging kasinlungkot gaya ngayon. I felt like I lost a part of myself and I can only be happy and contented if I take it back.It's over a month now but I'm not coping well. Mas lumalala lang ang nararamdaman kong kalungkutan.Nakadagdag pa sa kahungkagan na nararanasan ko ang pagtira dito sa lugar kung saan kami unang nagkita ni Maverick. Everything in this place reminds me of him. Kapag nagpupunta ako sa plaza at sa proper
"Hey," pukaw ko sa pag-iisa nito at umupo sa damuhan katabi nito.Napaigtad ito saka ibinaba ang hawak na libro sa mat bago nilingon ako. I was greeted with a pair of intelligent but cold eyes and a face that is incomparable with the other women I met. Bigla ang dagsa ng kakaibang init sa kaibuturan ko.She studied me for a moment and I got caught of her appreciative stare."Sorry, what do you say again? I got lost in my thoughts," she said with flushed cheeks.Tumawa ako. So I wasn't the only one who felt like I'm melting when I'm graced with her presence."I'm Maverick. Your name lovely lady?" Inilahad ko ang kamay dito.Tiningnan niya lang ito kaya ibinaba ko na mayamaya. I laughed."Feisty, huh." Dumako ang tingin ko sa mga libro. Dinampot ko ang isa at binasa. "Fundamentals in Business Ethics." I picked the other one. "Econ
"Bakit ka pa bumalik? Man, you should have stayed forever in your cave. Ang saya-saya na kaya rito noong wala ka."Binato ko nang nilamukos na papel si Luther na prenteng nakaupo sa gilid ng desk at pinapakialaman ang mga nakatenggang papeles."Tuwa mo lang dahil malaya kang pagpantasyahan ang sekretarya ko. I heard from Ivan na pati kaliit-liitang papeles ay ikaw pa mismo ang nagdadala rito. Binabalaan kita, pare. Wag nga si Christine. Parang kapatid ko na iyan. Wag mong ihilera sa mga babae mo."Pinirmahan ko ang finalized design para sa capsule hotel na itatayo namin ni Luther. Contractor namin ang kompanya nito."Naks! Nag-iba ka na, pare. Parang ang bait-bait mo na ngayon. Looks like Femella did something good to you other than break your heart."Tumiim ako sa pagbanggit nito sa pangalan ng babae. Masakit pa rin sa dibdib ang paghihiwalay namin. Nagbuntung-hining
"Vokloh, sureness ka na ba sa desisyon mo na iyan? Baka pwede pa nating mabago? Wala na bang bawian?" ang tanong ng mulagat na si Chino pagkarinig sa sinabi ko kay Vida na ngayong tanghali na ang alis ko. Kakalabas lang nito sa palikuran at mukhang nasa kasagsagan ng paghuhugas ng kamay. May bula pa sa kamay nito."Sureness na to bakla. My time has come to retire. Solo mo na uli ang pagpapantasya sa mga yummy abs sa club." Nginisihan ko ito saka ibinalik ang tingin kay Vida na nakasalampak din ng upo sa sahig tulad ko.Tinawagan ko siya para makapagpaalam ng maayos. Saktong nasa apartment din niya si Chino kaya inabisuhan kong wag muna niyang paalisin. Gusto kong personal na magpaalam sa baklang ginawang masaya at tolerable ang panahon ko sa La Vida.Nakapag-empake na ako at ready nang umalis. Nasa trunk na ng luma kong kotse ang mga maleta ko. Sumaglit lang talaga ako para magpaalam. 
Nag-angat ako ng tingin mula sa pagkakasubsob sa mga binabasang papeles nang marinig ko ang katok sa pinto. Nakita ko si Christine na atubiling nakatayo sa bungad ng pinto. Ni hindi ko namalayan na bumukas na pala iyon."What is it Christine?" ani ko bago ibinalik rin agad ang pokus sa ginagawa."Ahm sir, pwede na po ba akong umuwi? Nagpaalam na po ako sa iyo kanina na hanggang nine lang po ang overtime ko."Sinulyapan ko ang relo. Ni hindi ko napansin ang paglipas ng oras."Go ahead. Just make sure to submit first thing in the morning the minutes of the meeting with Mr. Kazuki." Kinuha ko ang mug ng kape habang busy pa rin ako sa pagbabasa pero ibinaba ko rin ito nang malamang wala na itong laman. Aktong tatayo ako para magtimpla ng panibago pero maagap na lumapit si Christine sa akin at kinuha ang mug."Ako na po, sir."Tango lang an
"Femella..."Kinagat ko ang labi at ipinikit ang mga mata pagkarinig ko sa baritonong tinig sa likod ko. Gusto kong tumayo at salubungin ito ng sabik na yakap. Isang linggo rin akong nagtiis na hindi ito makita ni marinig ang boses nito. I've been dying to see him and be close to him like what we used to be but everything's changed now. Bumalik na ang tunay na mahal niya kaya wala na akong puwang pa sa buhay nila.Dahan-dahan akong tumayo sa harap ni Maverick na ngayon ay puno ng pangungulila ang mukha."Fuentebella, I'm glad you're here. You may take a seat."Natigilan ito sa ginamit ko na tono. Napakalamig at walang halong emosyon ang pagkakabigkas ko sa mga salita na para bang hindi kami magkakakilala.Tiim ang bagang na umupo ito sa kaibayong silya at tinitigan lang ako. Bumalik ako sa pagkakaupo at kinuha ang wine glass at dinala sa bibig. Nakatulong nang kaunti