Caloy's Pov
"Mabistahan nga mamaya kung gaano kaganda yang chicks na sinasabi ninyong Beauty and Brain. Nakakaintriga eh." ngisi ni Gab habang nakapangalumbaba at nagsasalin ng alak sa baso nito.Habang ako tahimik lang di nila alam naencounter ko na ang pinag-uusapan nila. Pero natigilan ako sa mga sumunod na sinabi ni Gab. Sa aming apat na magkakaibigan ito ang babaero parang nagpapalit lang ng damit kung makahanap ng babaeng kasama wala namang sineseryuso."Ang tahimik mo naman Caloy." pansin ni Gab sakin. "Pero pwera biro. Kapag nakita kong maganda yang chicks na sinasabi ninyo at pumasa sa panlasa ko. Babakuran ko na agad bibigyan ko kaagad ng trabaho at siya naman ang bahala sakin." dagdag pa ni Gab na nagpakulo ng dugo ko.Naibagsak ko ang bote ng alak na hawak ko sa mesa na bahagya pang naalog buti nalang hinsi nabasag ang bote."Naku huli na ka na, I meet her kanina and she's already mine." tiim bagang na wika ko. "At Gab, akin yon wag mo nang ibilang sa mga babae mo, baka malint***n ka sakin." dagdag pa ni Caloy." duro ko sa kay Gab."Buds buds, easy lang okay?" pagpapakalma ni Arcie sakin dahil ito ang nasa tabi ko. "Magkakakampi tau dito, ano ka ba naman."dugtong pa niya."Ayun oh, nakita mo na pala tatahi-tahimik ka lang dyan? Madali naman akong kausap." natatawang sabi pa ni Gab pero naaalibadbaran pa rin ako sa kanya. "Mga buds mukhang may nakabingwit na sa pihikang uso ni Caloy ah mas malala pa ang pagka possessive nito kaysa dati sa ex niya." sabi pa sa mga kaibigan namin at sinabayan pa ng halakhak at palakpakan nila."Parang mga baliw lang, hindi nga kasi naging kami ng babaeng yon." irap ko sa kanilang na hindi lang nila pinansin."Pero matanong ko lang buds since nakita mo itong si Miss Beauty and brain Brain, totoo bang maganda at ano nga palang pangalan? Care to share naman." si Dwayne na halatang iniingatan ang pagtatanong baka nga naman maupakan ko kapag hindi inayos.Pero natigilan ako sa tanong niya. Ano nga palang pangalan ng Honey my love so sweet ko?"Sayang nga e, hindi ko na nagawang hingin. Tinawag na kasi ako ni Mang Ambo kanina at may buyer na naghahanap sakin. Pero malalaman ko rin ang pangalan niya, one of this days.""Hina pala ng manok natin mga buds, pero matindi parin, mantakin mo, hindi pa alam ang pangalan sobrang possessive na." sabi pa ni Arcie habang tinatapik tapik ako sa balikat. " Kaya ikaw Dwayne" tumingin pa ito kay Dwayne "Hindi na kailangang itanong kong maganda ba c Beauty and Brain na to kasi sure na yan, sa ikinikilos palang netong kaibigang natin e, isa nang malaking proof. Kasi tingnan mo nga mukhang tinamaan talaga itong si Caloy, partida hindi pa daw niya kilala kaya malamang hindi rin siya nakapagpakilala pero lakas na ng tama." Natatawa pang pahayag nito.At nag apiran pa itong mga pasaway kong kaibigan. Nakisali narin ako. Ewan ko ba tong nararamdaman ko mukhang tama nga sila tinamaan talaga ako ng karisma ng babaeng yon, parang ginayuma yata ako. Ano kayang pangalang niya kasing amo at ganda kaya ng mukha niya. Sayang hindi man lang ako nakapagpakilala sa prinsesa. Hindi na ako makapag hintay na makita siyang muli kong pwede lang hilahin ang oras."Walang magpapakalasing ah, may mga trabaho pa tayo bukas." paalala ko sa mga kasama kong ako ang napagtripan........Third Party Pov"Magandang hapon po Aling Bing. Pabili nga pong softdrinks .""Anong softdrinks?"Yong dati parin po, malamig na malamig po please, salamat.""May iba ka pa bang gustong bilihin?" nagtatakang tanong ng matanda kay Caloy habang sinusundan ng tingin nito kung ano ang sinisilip nito."Ah ... Ano po,,, wa-wala na nman na po." kandauta-utal na sagot ni Caloy ."Ano naman sa tingin mo ang ginagawa mo?" naguguluhang tanong ulit ni Aling Bing habang makapameywang. " Tingin ka ng tingin dito sa loob kanina pa, kulang nalang sabihin mong papasok ka eh. Ang totoo nahihiya ka lang siguro magsabing papasok ka sa loob, para namn hindi na magkandahaba ang leeg mo sa kasisilip, nakakahiya naman sayo."Kakamot kamot ng ulo si Caloy sa sinabi ng matanda,marahil nahiya. "Pasensya na po, masyado po bang obvious??? ngumisi pa." Ay hindi nman, halata lang." Dumukwang sa estante upang maabot si Caloy saka binatukan."Ay Aling Bing ah mapanakit lang? Child abuse po yang ginawa ninyo baka po nakakalimutan nyo? Baka po makulong kayo...Lagot kayo wala na kayong makikitang kasing gwapo ko sa kulungan." nang aasar na wika ni Caloy"Naku kang bata ka, kahit kailan ka talaga puro ka kalokohan.""Hindi na po ako bata.... marunong na nga pong gumawa na bata." Halos pabulong na bigkas nong huling prase na sinabi nia habang tumatawa."Umamin ka nga Caloy, si Remy ba ang sinisilip mo sa kusina?" nakapameywang ang matanda na animo'y ini interogate si Caloy.Umasim naman mukha ni Caloy,"Naku, hindi po." mabilis niyang sagot dito mukha pang nagulat sa sinabi ng kausap. Hinahanap ko po kasi ang Honey my love so sweet ko bubulong bulong pa niyang dugtong pero sya nalang halos ang nakakarinig."Tiyang naman bakit naman po nasama pa ako sa usapan nio... Nananahimik po ako dito.""Ikaw lang naman ang tao sa loob na pwedeng silipin ng lalaking ito." inginuso pa ang kinaroroonan ni Caloy."Pinupormahan mo ba itong pamangkin kong Si Remy ha Caloy." kumpirma ng matanda."Tiyang naman eh, alam ko pong maganda ako." inartihan pa ang pagbigkas at hinawi ang buhok. " Pero sigurado po akong hindi ako ang pakay nyang si Caloy, masakit man ang katotohanan pero hindi niya type ang beauty ko at mas lalong hindi ko rin naman sya type." sabay irap kay Caloy."Eh, kong hindi ikaw? sino?." palipat lipat na tingin ng matanda sa dalawa."Hoy, Caloy alam ko naman hindi ako ang sinisilip mo, kaya umamin kana. Hiyang hiya naman ako sa ginagawa mo.""Paano naman po kasi Tiyang wala talaga siyang masisilip dito, nag aksaya lang ng pagpapahaba ng leeg yan, kasi wala pa dito ang hinahanap niya, parating palang po yon."Nagyuko naman ng ulo c Caloy, nahiya dahil nabisto na siya."Ang ibig mong sabihin....Naku, Caloy yong pamangkin pala ni Rene ang hinahanting mong lalaki ka, off limit pa un, sinasabi ko sayo masasaktan ka lang." Nahulaan kaagad ng matanda ang ipinupunto ni Remy."Ito lang Caloy ang masasabi ko sayo, wag mong paglalaruan ang pamangkin namin mataas ang pangarap non, kaya kong makakasagabal ka lang, wag mo ng ituloy."pakiusap nito.Lagot kang Caloy ka hindi pa nga nalaman ang pangalan, mukhang wala na agad pag-asa, kamalas-malasan mo talaga."Aray ko naman po." sapo ang dibdib na akala mo naman literal na nasaktan."wala pa nga po akong ginagawa, basted na agad ng walang kalaban laban" sinabayan pa ng pagkakamot ng ulo.""Ni hindi ko pa nga po alam ang pangalan. Wala na agad pag-asa.""At kasalanan ko pa ngayon? Basta tandaan mo ang sinabi ko, pag nagkataon, wag mong mo akong sisihin , dahil binalaan na kita." pangaral pa sakin ni Aling Bing. Nagpasalamat din naman ako sa pangaral at pagpapa alala niya sakin at least may hint ako diba?.... Marinong naman akong gumalang at makinig, hindi naman ako bastos para ipagwalang bahala lamang ito."Pero umamin karin naman?" natatawang singit ni Remy. "Malay mo nagbibiro lang ito si Tiyang,hindi lang halata. Diba po Tiyang? Pero kidding aside tama naman talaga kung hindi ka naman makakatulong at makakagulo ka lang sa pangarap ni Candy wag mo ng ituloy ang binabalak mo. Maraming alalahanin sa buhay ang babaing iyon. Kaya huwag munang idagdag ang sarili mo sa mga pasanin niya. So, Candy pala ang pangalan niya."Ay ewan ko sa inyong mga kabataan kayo, ikaw Remy asikasuhin mo ang Customer, makakapag antay si Caloy tumatambay lang naman yan dito. Hindi natin ikakayaman ang pag iistema sa kanya."" Pasensya kana Caloy ah, may trab
Kaya hanggat maaari wala dapat munang vacancy ang love life sa buhay ni Candylyn Mendez rendahan muna natin ang ating puso iwasan muna ang kalandian na yan ang dami nating mga mahahalagang bagay bagay na mas kailangang pagtuunan ng pansin.Love PLease Do not Enter in to my life. Ban ka muna sa ngayon.Prince Charming hintayin mo munang makapagtrabaho at makapagpatayo ng sariling negosyo para naman may mapatunayan muna ako sa sarili ko bago ka umiksena para tulungan akong ma-achieve ang mga Goals and dreams ko sa buhay.Nais kong mabago man lang ang buhay namin. Dahil sa angkan ni papa wala pa man lang nakatuntong sa kolehiyo, ayaw kong tumigil lang don, kailangang mapagtapos ko ng pag aaral ang lahat ng kapatid ko at makapagtayo ng sariling negosyo namin. Negosyong papatok at tatagal at kailangan kong pag isipan at pag ipunan yon. Lima kaming magkakapatid kaya technically marami pa akong kailangang pag-aralin at mahaba haba pa ang aming lakbayin..* * * * * * * * *Palabas na ako ng
"F**k, what the h**l." narinig ko pa ang malutong na mura sa may likuran ko. Hindi ko na kailangang lumingon at alamin kong sino nag nagmurang iyon, dahil sa sa maikling panahon nakabisado ko na yata agad ang boses niya ,sa kakulitan ba naman nito, nang pa may bigla nalang humablot sa akin at niyakap ako ng mahigpit, napipi pa yata ang mga dibdib ko dahil lapat na lapat sa may may bandang itaas ng tiyan niya. Muntik pa kaming matumba sa biglang pag ikot namin. Mabuti nalang talaga at mabilis ang reflexes nito. Maya maya pa ay naramdaman kong umangat ang mga paa ko sa kalsada, dinala nia na pala ako sa tabi."Sshhhh its ok, tahan na." hindi ko namalayan umiiyak na pala ako sa sobrang kaba at takot na bumalot sa buong katawan ko kani-kanina lang, pero infairness ang bango ng kayakap ko hindi halatang mahirap lang ang sarap amuyin hindi nakakasawa, nakakarelax. ano ba itong pumapasok sa isip ko muntik na akong mamat*y pero may gana pang pumasok ang kahalayan sa utak ko.Bigla akong nahim
Caloy's Pov“Buds, saan ba ang lakad mo?” “Just watch and observe”. tururo ko pa siya gamit ang hintuturo at gitnang daliri ko palipat lipat mula sa mata ko papunta sa pagturo naman sa kanya ng tatlong ulit.“Nakakapanibago ka lang kasi. Dati naman kapag aalis ka o kahit makipag date sa Ex mong si kay Jaycel wala kang paki alam kong anong sususotin mo. Bagay ba o badoy. Pero ngayon, napakadami mong pinagpipilian sa sobrang dami wala ka ng mapili, pahihirapan mo pa ang tagaligpit ng damit mo, kawawa naman.” Natatawang puna ni Arcie sa akin na hindi kasi ako mapakali. Narito kami ngayon sa kwarto ko walang puknat sa kakasukat ng mga damit na hanggang ngayon hindi parin ako makapili kong ano ang isusuot ko. Ano ba naman tong nangyayari sakin nakakasira ng kredibilidad ko bilang lalaki. At itong kasama ko dagdag pa sa gulo kanina pa dakdak ng dakdak wala man lang maiambag, wala namang suggestions, ang ingay lang.“Ilang oras ka na dyan sa salamin buds daig mo pa ang babae sa tagal ng pa
WARNINGSLIGHTLY SPG ALERT"Oh Caloy, naligaw ka yata?” Nagulat ako nang makita ko si Caloy sa pagbukas ko ng pintuan dahil sa sunod sunod na katok. Akala ko si Remy na naman ang mapagbubuksan ko. Daig pa kasi nito ang isang matandang nag-uulyanin palaging may naiiwan o nakakalimutan nakakailang balik balik pa ito bago tuluyang nakakarating sa pupuntan pero may naiiwanan parin. Kaya nga sinabihan ito ni tiyang na Kung natatanggal lang daw ang bil** nito malamang kung saan saan na naiwanan.Ano kayang nakain ng lalaking ito at napadpad na naman dito, itinaon pa talaga na wala akong kasama? Samantalang napag-usapan na naming magkikita sa lingggo para mapagbigyan siya sa hinihingi niyang date bilang pambawi narin sa pagiging knight in shining armor niya sakin, pero hindi ibig sabihin na payag na akong mapaligaw sa kanya at magkaroon ng boyfriend, ano siya swerte. Nagpapasalamat naman ako na andoon siya ng mga oras na kailangan ko ng isang hero upang iligtas ako sa tiyak na kapahamakan d
"No,! Please, don’t”.. natataarantang pigil ko sa ginagawa ng kamay niya sa akin. Sa kabila ng pagkadarang ng katawang lupa ko sa ipinatikim niyang sarap at sa katawan ko naisip ko paring tutulan ang ginagawa dahil mali ang nangyayaring ito.Mali, maling mali.Lahat ng ito bago sa pakiramdam ko at nakakainis dahil nagugustuhan ng katawan ko ang mga nagyayari. Biglang may tumawag ng pangalan ko kasabay nito ang naramdaman kong pagyugyog sa balikat ko ng kung sino. Pagdilat ko ng aking mga mata biglaan din ang pag angat ko ng aking ulo dahilan para mauntog ako. “Aray ko po.” Dinig kong reklamo ng isang babae na nasa sa may likuran ko. Habang hinihimas ang ulo kong nasaktan dahil sa pagkakauntog pupungas pungas din akong napalingon sa may likod ko. Pawis na pawis ako at hinihingal idagdag mo pa ang malakas na kalabog ng dibdib ko. Nanlaki mga mata ko, “Remy, anong nangyari sa labi mo. “ nag aalalang kong tanong sa kasama ko sa convenience store na naging kaibigan ko narin. sa lakas
"Hello po sir Migs, good morning po." sagot ng tauhan namin sa Ricemill ng tinawagan ko.Iilan lang silang nakakaalam sa ugnayan ko sa Ricemill kung saan ako nag tatrabaho. at isa na siya sa mga iyon. May dahilan ako kaya ko itinatago pansamantala ang aking identity.Ngayong araw na ito ay special na araw para sa akin. Dahil ngayon lang naman ang araw ng first date namin ng Honey, My Love, so sweet ko, at excited ako syempre. Pero narito pa naman ako sa living room ng bahay namin. I settled everything first to make sure that there was no interruption during our date from the beginning until the end of this day. Madaling araw palang naman, exactly 4 o'clock in the morning. Most of Ricemill's usually opens twenty-four hours a day, seve times a week, but half day every Sunday, kaya ok lang tumawag ng ganitong oras sa office."Good morning din. Rico." ganting bati ko sa kanya."Napatawag po kayo sir. May problema ho ba. O may ipag uutos po ba kau?" sunod sunod na tanong niya sakin."Wala n
Candy's PovAraw ngaun ng lingggo it's Lord's day, kaya maaga akong gumising para gumayak papuntang church.Nabulabog ng malalakas na katok at sigaw o sabihin na nating tili ang pagpapaganda ko dito sa harap ng salamin, charot lang po. Nagpahid lang naman ako ng manipis na face powder at light pink lipstick, mabuti na nga lang at nakapagbihis na ako ng aking napiling suotin ngayon araw na ito ay isang Royal Blue A-Line Knee Length Cocktail Dress With Illusion Lace Sleeves na regalo sakin ng kaklase kong baklush pakonsuelo daw dahil sa tinulungan ko siya sa paggawa ng gown na gawa sa mga recycled materials last year na sinuot nito sa isang Contest, nasungkit nia ang 1st place kaya naging galante.Hindi ko pa ito naisusuot dahil may mga bigay namang dress sakin sila tiyang at ibang mga ka churchmate namin, ako naman tanggap agad wala ng keme keme choosy pa ba, wala naman akong maraming pambili. Tinernuhan ko ito ng glittery silver shoes na bigay ni Remy namali daw kasi siya ng size nong
Kahit panay rejection ang napapala ko sa prinsesa ko. Masaya parin akong laging siyang kasama, sa tagal ko ng pumupunta sa printing shop niya I gain my effort.Why? hinahayaan na niya akong nasa shop niya lang kahit pa mula umaga hanggang hapon. Kaya ang siste through cellphone ko nalang ginagawa ang ibang transaction sa negosyo. Nagrereport nalang ako sa mga importanteng meetings at kapag may kaiangan permahang mga documents sa office. Hindi na ako pinipilit na umalis at iwanan siya kaya hanggat maaari sinasamantala ko din ang pagtambay. Malay natin masungkit ko na ang matamis niyang oo para tuluyan ng maging akin ang pihikan niyang puso. Hindi naman sa pagmamayabamg perk malakas kong na se sense na may pag - asa ako sa honey my love so sweet ko. Sa tagal ko ng kasa-kasama siya, kahit hindi kami close lalo akong humanga sa kanya sa bawat araw na nagdaraan. Nalaman kong sobra siyang mapagmahal sa pamilya. Napaka - family oriented nito. Sobrang matipid sa sarili halos hindi bumibili
Mabilis na lumipas ang mga oras, araw, linggo at buwan. So far so good naman ang takbo ng printing shop ni Candy, kumikita na at nakakapag ipon.Tuloy pa rin ang pagiging part timer niya bilang isang virtual assistant at graphic designer online. Regular siyang nakapagpapadala ng perang panggastos ng magulang at mga kapatid sa probinsya. Nasa ikatlong taon narin kasi sa kolehiyo ang kapatid niyang babae na sumunod sa kanya sa kursong Tourism na pangarap ang makapaglakbay sa iba't ibang panig ng mundo.Graduating naman sa grade 12 ang lalaking sumunod dito at ang dalawang sumunod naman ay nasa grade 8 at grade 6. Walang katapusang gastusin ang nakaatang sa balikat ni Candy pero hindi niya iniinda ang lahat ng problema dahil masaya siyang nakakatulong sa kanyang pamilya. Si Caloy naman, ayon walang sawa parin sa kabubuntot sa kanya. Panay parin ang pahaging nito na nakasanayan niya nalang din na para bang normal nalang na lagi lang itong nasa paligid at pakalat kalat sa paningin niya.
Naalala ko pa noon na ganito yong singsing na nilalaro namin sa probinsya noong maliliit pa kami ang pinagkaiba nga lang ay yari sa dahon ng niyog ang ginagawa naming singsing dati.Naalala ko pa nga ang mga kalokohan namin ng kabataan ko pa, kaya napangiti ako. Na napawi lang at napalitan ng pagngiwi ng tumikhim si Caloy at nakangiting nakatingin sakin."Eherm, mukhang maganda yata ang timpla ng mood natin ngayon ah, mahal kong prinsesa, hmmmm.?" tudyo niya pa sa akin."Tumayo ka nga dyan. Akalain palang ng makakakita sa atin inaapi kita." panay panay pa ang tanaw ko sa labas ng shop baka may mga tao ng nakakapanood sa amin nakakahiya.Madalas naman walang nagagawi kapag masyado pang maaga pero maganda parin kapag alerto mahirap ng maging headline ng mga marites sa tabi - tabi nakakahiya kadalaga kong tao."Sus, ano naman masama sa ginagawa mo, dalaga ka naman at binata din naman ang kasama mo kaya okay lang yan. " Dinig kong sabi ng bahagi ng utak ko."Tssss, palagi mo nalang iniis
"Good morning honey my love so sweet ko.""Ay tit* mong malaki." gulat na gulat ako ng may biglang magsalita habang ako'y abala sa pag - sasalansan ng mga gamit sa loob ng shop. Masyado pang maaga kaya nakakagulat talaga na may customer na agad. Ang bastos pa naman ng bunganga ko kapag nagugulat nakaka - eskandalo, nakakahiya."Oy wag kang maingay. Bakit mo nga pala alam, kaw ha ngayon ko lang nalaman, pinagnanasaan mo pala ako." mas nagulat ako nang malamang si Caloy pala ang dumating sa shop. Pulang pula naman ang pisngi ko ng mapagtanto ang mga kataga na nasabi ko kanina, ang halay kaya sobrang nakakahiya talaga ang bunganga ko. Akala pa tuloy yata ng lalaking ito kanya ang tinutukoy. Anong palagay niya sa akin nasilipan na siya? Ni hindi ko naman gawain ang ganon mga bagay."Tseee... Anong alam, alam ang sinasabi mo dyan. At anong pinagnanasahan kapal ng mukha mo asyumerong palaka ka." hinihingal paring sabi ko habang sapo parin ang dibdib dahil hindi parin nakakabawi sa pagkagul
"Ayan, bagay ." papuri sa ko kay Caloy paglabas niya ng restroom at ng mapalitan na niya ang kanyang nabasang polo shirt. dito sa comfortroom sa loob ng isang mall kung saan kami pumasok para makapagpalit siya."Akala ko pa naman sasabihin mong bagay tayo." pahaging niya pa sa akin."Hindi ganon yon. I mean bagay naman pala sayo ang damit. Gwapo kana ulit." pagpapaliwanag ko sa kanya."Bakit pumangit ba ako?" tugon niya."Ewan ko sayo puro ka kalokohan. " pang- iirap ko naman sa kanya.."Tssss, lagi mo nalang akong iniirapan, ang sarap mo tuloy halikan."Saan na tayo pupunta nito?" pagdaka'y tanong ko sa kanya. Hindi ko pinansin ang pasaring niya. Pero sa toto lang natatakot na ako sa sarili ko imbis na mabastusan ako sa mga sinasabi niya at magalit kabaligtaran ang nararamdaman ko. kanina pa ako kinikilig sa mga simpleng banat niya." Fu*k kanina pa ako iniirapan nito, ngayon naman panay dila sa pang-ibabang labi niya at kinakahat-kagat pa talaga. She turning me on in her simple gest
Ang gandang pagmasdan ng prinsesa ko habang kumakain. Sobrang simple lang niya walang arte sa katawan, ni hindi man lang nag abalang mag make-up hindi gaya ng maraming babaeng lumalapit sakin na halatang yaman lang namin ang habol, ang mga nguso nangangapal sa red lipstick at parang mga sinapak na clown ang mukha. Gusto ko sana na sa mamahaling Restaurant kami kumain ngunit todo tanggi ito kahit sinabi ko ng okay lang na sky's the limit ang gastusin namin ngayon dahil napag - ipunan ko ko naman ang araw na ito at may sapat akong pera para i pamper siya. Minsan lang itong mangyari baka hindi na maulit kaya kailangang itodo ko na. Iyon nga lang Todo tanggi talaga siya, magsasayang lang daw kami ng pera sa mamahaling kainan kong pareho lang naman ang lasa ng pagkaing inihahain. Wala daw siyang balak agawan ng pangbudget ang pamilya kong naiwan sa bahay. Alam naman daw niya kung gaano kahirap ang kumita ng pera kaya kailangang sinupin at pahalagahan ito, which is tama naman lahat. Kaya a
Candy's PovAraw ngaun ng lingggo it's Lord's day, kaya maaga akong gumising para gumayak papuntang church.Nabulabog ng malalakas na katok at sigaw o sabihin na nating tili ang pagpapaganda ko dito sa harap ng salamin, charot lang po. Nagpahid lang naman ako ng manipis na face powder at light pink lipstick, mabuti na nga lang at nakapagbihis na ako ng aking napiling suotin ngayon araw na ito ay isang Royal Blue A-Line Knee Length Cocktail Dress With Illusion Lace Sleeves na regalo sakin ng kaklase kong baklush pakonsuelo daw dahil sa tinulungan ko siya sa paggawa ng gown na gawa sa mga recycled materials last year na sinuot nito sa isang Contest, nasungkit nia ang 1st place kaya naging galante.Hindi ko pa ito naisusuot dahil may mga bigay namang dress sakin sila tiyang at ibang mga ka churchmate namin, ako naman tanggap agad wala ng keme keme choosy pa ba, wala naman akong maraming pambili. Tinernuhan ko ito ng glittery silver shoes na bigay ni Remy namali daw kasi siya ng size nong
"Hello po sir Migs, good morning po." sagot ng tauhan namin sa Ricemill ng tinawagan ko.Iilan lang silang nakakaalam sa ugnayan ko sa Ricemill kung saan ako nag tatrabaho. at isa na siya sa mga iyon. May dahilan ako kaya ko itinatago pansamantala ang aking identity.Ngayong araw na ito ay special na araw para sa akin. Dahil ngayon lang naman ang araw ng first date namin ng Honey, My Love, so sweet ko, at excited ako syempre. Pero narito pa naman ako sa living room ng bahay namin. I settled everything first to make sure that there was no interruption during our date from the beginning until the end of this day. Madaling araw palang naman, exactly 4 o'clock in the morning. Most of Ricemill's usually opens twenty-four hours a day, seve times a week, but half day every Sunday, kaya ok lang tumawag ng ganitong oras sa office."Good morning din. Rico." ganting bati ko sa kanya."Napatawag po kayo sir. May problema ho ba. O may ipag uutos po ba kau?" sunod sunod na tanong niya sakin."Wala n
"No,! Please, don’t”.. natataarantang pigil ko sa ginagawa ng kamay niya sa akin. Sa kabila ng pagkadarang ng katawang lupa ko sa ipinatikim niyang sarap at sa katawan ko naisip ko paring tutulan ang ginagawa dahil mali ang nangyayaring ito.Mali, maling mali.Lahat ng ito bago sa pakiramdam ko at nakakainis dahil nagugustuhan ng katawan ko ang mga nagyayari. Biglang may tumawag ng pangalan ko kasabay nito ang naramdaman kong pagyugyog sa balikat ko ng kung sino. Pagdilat ko ng aking mga mata biglaan din ang pag angat ko ng aking ulo dahilan para mauntog ako. “Aray ko po.” Dinig kong reklamo ng isang babae na nasa sa may likuran ko. Habang hinihimas ang ulo kong nasaktan dahil sa pagkakauntog pupungas pungas din akong napalingon sa may likod ko. Pawis na pawis ako at hinihingal idagdag mo pa ang malakas na kalabog ng dibdib ko. Nanlaki mga mata ko, “Remy, anong nangyari sa labi mo. “ nag aalalang kong tanong sa kasama ko sa convenience store na naging kaibigan ko narin. sa lakas