“DEVINA! Gising na! Makakaligo na ‘din tayo sa dagat! Kyahhh!” Naalimpungatan si Devina dahil sa maiingay na kaibigan niya. Pagtingin niya sa tabi ay wala doon si Valentine kaya nagtaka siya. Nakaka-tatlong araw na sila doon sa isla at sa nakalipas na mga araw ay napupuno ng tawanan ang kanilang mga gabi. “Devina!” saktong bukas ng kaniyang kwarto at andoon sila Sheila at Adeline. “Huy! Tara na, suot mo na swimsuit mo bilis!” hilang sabi ni Sheila dito. “Teka, nasaan ang asawa ko? Tyaka bawal ako mag swimsuit sa labas,” “Ate ang KJ mo! Hindi magagalit si kuya Valentine! Dali na, kakain pa tayo eh! Kanina pa umalis ang mga lalaki sa bar ‘daw sila,” Napataas naman ang kilay ni Devina dahil doon. “Bar? Umagang-umaga?” sabay na natawa ang dalawa dahil sa sinabi niya. “Eleven na po ng umaga! Hahaha pinagod ka siguro ni kuya Valentine ano?” “Uyy! Namumula siya totoo nga! Hahahha!” gatong na sabi ni Sheila sa sinabi ni Adeline kaya lalong namula si Devina. “D-doon na nga kayo!
DEVINA NAKASIMANGOT akong nakatingin ngayon kila Sheila at Adeline na masayang kumakain sa harapan ko kasama sina Travis at Vincent. Kulang nalang sirain ko tong plato na nasa harapan ko para pansinin nila ako. Nakita ko na siniko ni Vincent si Travis na katabi nito at tumingin saakin. “Bahala kayo jan,” bulong ni Travis kay Vincent. “Anong kami? Kayo ‘din!” balik na sabi nito habang ang dalawang babae naman ay alangan na tumingin saakin. “D-Devina—” hindi natapos ni Sheila ang sasabihin niya ng bigla ko nalang itinurok ang tinidor sa stake na nasa harapan ko. “A-Ate! Sorry na kasi! Mag sorry ka nalang kay kuya Valentine—” “Sorry?” napalunok siya ng bigla kong putulin ang sasabihin niya. “Nakailang sorry na ba ako? Pero hindi niay tinanggap at hindi pa ako sinamahan dito. Habang kayo nagawa niyo pang maglampungan sa harapan ko? How rude.” Mas lalo silang natakot dahil sa malamig kong tinig pero wala akong pakialam. Nang dahil lang naman sa kanilang dalawa ay nagalit saaki
“Miss, mukang naliligaw ka. Malamig dito sa labas, gusto mo samahan ka namin sa mainit na lugar.” Hindi ako tang@ para hindi maintindihan ang sinasabi niya. Nag cross arms ako sa harapan nila, tutal galit ako ngayon okay na ‘din may pagtuunan ako ng galit ko. “Okay, sasama ako.” Kita ko ang pagliwanag sa muka nila at nag apir pa. “Ayos pare! Dali naman nitong pasamahin!” Rinig ko pang bulong ng isa pero ng makalapit ‘yung dalawa saakin ay agad kong hinawakan ang kamay ng isa at ibinaliktad siya na ikinabagsak nito sa buhanginan. Ang isa naman ay tinuhuran ko na ikinabagsak ‘din nito sa buhanginan. “A-abat! Luamlaban! Kunin niyo ‘yan!” ngumisi ako sa dalawa pa at inintay sila. Inintay ko na makalapit ang mga ito at inilagan ang mga suntok nila. Nasalo ko pa ang isa at pinilipit ang kamay niya ngunit namilipit ako sa sakit ng biglang may sumuntok sa sikmura ko. Napaluhod ako sa damuhan at nagtawanan ang mga ito. “Ha! Akala mo kaya mo kaming lima ah!” Hindi pwedeng makuha
“V-VALENTINE?” Hindi makapaniwala kong tawag sa pangalan niya at napatingin sa paligid. Nakita ko silang lahat na nakapalibot saamin at kapwa mga nakangiti saamin lalo na ang kambal na tila chini-cheer pa ako. Katabi nila si Jenjen na hinahampas pa si David sa braso dahil sa tuwa. “Yes, wife. Nandito na tayo sa stage that you have to say ‘yes’” muli ay napatingin ako kay Valentine dahil sa sinabi niya. Hindi ba siya nangangalay? Kailan pa siya nakaluhod jan? “Akala ko talaga papalpak na ang plano namin. Kahit na hindi nangyari ang unang plano, syempre may plan B pa naman,” natatawa niyang sabi pero ako ay nakatingin lang sa kaniya. “Sorry, wife. Kinakabahan kasi ako—” “Go straight to the point lover boy!” napatingin kami sa sumigaw at natawa ang paligid. Ang pinsan niya! ‘Yung babaeng nasa bar na kasama niya. Bumalik nanaman saakin ang hiya na naramdaman ko dahil sa ginawa ko sa bar. Nagkausap na naman kaming dalawa at wala na ‘daw ito sa kaniya pero nahihiya pa ‘rin ako. “
“W-WIFE—” Sinubukang lapitan ni Valentine si Devina ngunit umiling ito sa kaniya at nagsalita. “No, ‘wag mong subukang pigilan akong alamin ang nangyayari Valentine. May nagawa ba akong mali? Bakit pati kayo ay pinag-uusapan ako? Noong isang araw doon sa yate, narinig ko na parang galit saakin si lola. M-may nagawa ba ako na hindi niyo lang masabi-sabi saakin?” Nagkatinginan ang mag-ama dahil sa sinabi ni Devina. Hindi nila alam kung paano sasabihin sa babae ang totoo o kung paano nila sisimulan ang bagay na kanilang pinag-uusapan. “Papa?” napatingin kay Devina ang daddy ni Valentine at napabuntong hininga. “Val, i-upo mo muna si Devina tyaka natin sabihin sa kaniya ang totoo.” Kalmadong sabi nito na siyang ikinalaki naman ng mata ni Valentine. “What? Pero dad—okay,” walang nagawa si Valentine ng tignan siya ng seryoso nito kaya lumapit nalang siya kay Devina at hinawakan ang kamay nito upang alalayan. “Wife, kung ano man ang malalaman mo ‘wag ka sanang magagalit,” “B-Bakit
DEVINA SA lumipas na mga araw ay naging busy ako. Busy sa pakikipag-usap sa mga abogado ng Valderama Clan. It’s hard to persuade them pero nagawa ko naman ng maayos. Syempre sa tulong ni Valentine. Mabuti nalang talaga at nanjan siya sa tabi ko, akala ko ay mahihirapan na akong ipapanig ang mga ito sa side ko lalo na at bukas na ang araw ng pagpapakilala niya saakin sa mga board members nila. “Wife?” Napalingon ako sa nagsalita at napangiti. Lumapit ito saakin at tinabihan sa upuan na naroroon sa aking tabi, nandio kasi ako ngayon sa veranda. Ang kambal ay mahimbing nang natutulog habang ako naman ay hindi makatulog kaya lumabas ako para magpahangin sandali. Si Valentine naman ay mayroong inasikaso ng magpaalam saamin kanina. “Tapos na?” ngumiti siya saakin at tumango. Niyakap niya ako mula sa gilid ko at ipinatong niya ang kaniyang noo sa aking balikat. “Inayos ko lang ang meeting bukas, ang sabi ng secretary ko ay nagtataka na sila kung para saan ang biglaang board meeting.
“D-DRUGS?! Nasisiraan ka na! Bitawan niyo ako!” Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ng isang matanda ang bagay na iyon. Pilit siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng mga pulis ngunit hindi naman siya makawala. “Nasisiraan?” natatawa kong tanong na ikinatigil ng mga ito. Sinenyasan ko ang mga abugado na pumasok kasama ng mga pulis at iniabot niya saakin ang isang envelope. Inilabas ko doon ang ilang copies ng mga papel at ipinakita sa kanila. “Nakikita niyo ito? Ito ang ebidensya,” inihagis ko iyon pagkasabi ko at nagsikalat sila sa malawak na lamesa na naroroon at pinagpasa-pasahan ng mga taong nakaupo doon ang papel. “I-it was true! Kasabwat nila si Mr. Christopher Valderama!” Mas umugong ang bulungan ng mga taong naroroon dahil sa sinabing iyon ng isa sa mga nakabasa ng papel. Samantalang ang nasa sampung matatanda naman na kinuha ng mga pulis ay parang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kanilang expression. “Speechless? Dalhin niyo na ‘yan!” Agad tumalima ang mga
NAGSALITA pa si papa matapos kong magsalita sa harapan at doon na nga niya sinabi ang mga pagbabago sa kumpanya tulad ng kanilang plano. Sinabi na ‘rin ni papa na paghahandaan pa namin ang kasal kung kaya wala pang exact na date para sa kanila. Alam na ‘din nila na binago ko na ang pagpapatakbo sa Clan na kung tawagin dati ay Valderama Clan ngayon ay Adelina Clan. Bakit Adelina? Bukod sa ayaw na ayaw ko sa apilyido ko dahil nagpapa-alala lang ito ng masalimuot kong nakaraan ay hinango ko na ‘rin ito sa pangalan na ibinigay saakin ni mama lalo na katunog ito ng pangalan niya. Dahil na 'rin malaking kasalanan ang ginawa ni daddy kay mama at sa pamilya ko ay nararapat lang na tapusin ko na ang linya ng kanilang legacy, ako na ang tutuldok sa lahat. “The party will be held the day after tomorrow. Alam ko na naghahanda na ngayon sa kumpanya at bukas na bukas ay pupunta ako doon para balitaan sila,” “How about your board members Devina? Ang ka-negosyante ng daddy mo?” napatingin ako ka