DEVINA “SATINGIN mo, paano niya nakilala sina lolo at lola?” Seryoso kong tanong kay Jeydon habang nakatingin kay Adeline na natutulog at nagpapahinga sa hospital bed. Natapos na ang gulo, natalo na si Jules. Ang lolo ni Valentine at ang daddy niya ang umasikaso muna sa underground habang kami ay sinamahan namin ang mga kaibigan namin sa hospital. Nasa kabilang kwarto sila para puntahan si Vincent. Kaming dalawa lang ni Jeydon ang naiwan dito. “I don’t have idea. Hindi kami ganoong nagkakausap ni daddy dahil busy siya sa trabaho at sa guild,” Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Bakit mayroon akong pakiramdam na mayroong kulang? Nang dahil sa sinabing iyon ng ina ni Jules ay mayroong curiosity na nabuhay sa katawan ko. How can she know my grandfather? Tinawag pa niyang tito at tita, hindi ba kahina-hinala iyon? “Alam ko ang pumapasok sa isip mo, baka old friend lang sila hindi ba? Don’t think about it too much,” napalingon ako kay Jeydon dahil sa sinabi niyang iyon. “Alam kong
“PHEW! Napagod ako doon! Tingin mo napansin nila tayo?” Napangiti si Valentine sa tanong ko at umiling. “Nope, let’s get some drink first!” tumango ako sa sinabi niya at nagpunta kami sa isang stall ng pagkain. Masaya lang kaming nagkukwentuhan habang iniinom ang binili niyang juice, isa lang ang pinabili ko para hati nalang kami hindi ko ‘rin naman mauubos. “Let’s go?” tayong tanong niya at nilahad ang kamay saakin. Ngumiti ako ng malaki at tinanggap ang kamay niya. “Let’s go!” Marami kaming napuntahan ni Valentine pero ang pinakng gusto ko ay ‘yung sa arcade. Hindi ko alam na ganoon pala kasayang maglaro kapag ikaw mismo ang maglalaro, ‘yung tipong nasa date ka. Lagi kasing kasama ko si David kapag naglalaro sa ganito. Nagpunta ‘din kami sa ilang mga store kapag may tinitignan ako na nakakakuha ng attensyon ko ay bigla nalang akong hinihila ng kasama ko. Nasermonan ko nga siya dahil ang dami na niyang binili para saakin pero ang loko tinawanan lang niya ako. Habang naglala
NAGPASYA na muna sila na magpahinga sa kani-kanilang room at kapag dating ng dinner ay kakain sila sa labas. Dahil halos maghapon na ‘din ang kanilang byinahe papunta sa private Island ng mga Cullen. Samantalang sa silid naman nila Devina ay agad na tumakbo ang kambal papunta sa veranda na kita sa pinakang pintuan. “Wow! Ang ganda ng view kuya!” nakangiting sabi ni Arabelle sa kaniyang kambal. “Tama ka Arabelle, tignan mo! May serena!” tawang sabi nito na ikinasama ng tingin ni Arabelle dito. Kanina pa kasi siya niloloko ng kambal tungkol sa serena. Kapag sinasabi nitong meron kaso wala naman talaga. “’Wag aakyat sa upuan okay?” Napalingon silang dalawa ng magsalita si Devina. Tumango naman sila sa sinabi ng ina at muling tumingin sa malawak na dagat. Kita nila doon ang ibang mga guest na naliligo sa dagat. “Mommy, when are we going to swim?” lingong tanong ni David dito. “Bukas pa anak, hindi pwede ngayon dahil bukod sa galing tayong byahe hapon na,” Napahinto si Valenti
“DEVINA! Gising na! Makakaligo na ‘din tayo sa dagat! Kyahhh!” Naalimpungatan si Devina dahil sa maiingay na kaibigan niya. Pagtingin niya sa tabi ay wala doon si Valentine kaya nagtaka siya. Nakaka-tatlong araw na sila doon sa isla at sa nakalipas na mga araw ay napupuno ng tawanan ang kanilang mga gabi. “Devina!” saktong bukas ng kaniyang kwarto at andoon sila Sheila at Adeline. “Huy! Tara na, suot mo na swimsuit mo bilis!” hilang sabi ni Sheila dito. “Teka, nasaan ang asawa ko? Tyaka bawal ako mag swimsuit sa labas,” “Ate ang KJ mo! Hindi magagalit si kuya Valentine! Dali na, kakain pa tayo eh! Kanina pa umalis ang mga lalaki sa bar ‘daw sila,” Napataas naman ang kilay ni Devina dahil doon. “Bar? Umagang-umaga?” sabay na natawa ang dalawa dahil sa sinabi niya. “Eleven na po ng umaga! Hahaha pinagod ka siguro ni kuya Valentine ano?” “Uyy! Namumula siya totoo nga! Hahahha!” gatong na sabi ni Sheila sa sinabi ni Adeline kaya lalong namula si Devina. “D-doon na nga kayo!
DEVINA NAKASIMANGOT akong nakatingin ngayon kila Sheila at Adeline na masayang kumakain sa harapan ko kasama sina Travis at Vincent. Kulang nalang sirain ko tong plato na nasa harapan ko para pansinin nila ako. Nakita ko na siniko ni Vincent si Travis na katabi nito at tumingin saakin. “Bahala kayo jan,” bulong ni Travis kay Vincent. “Anong kami? Kayo ‘din!” balik na sabi nito habang ang dalawang babae naman ay alangan na tumingin saakin. “D-Devina—” hindi natapos ni Sheila ang sasabihin niya ng bigla ko nalang itinurok ang tinidor sa stake na nasa harapan ko. “A-Ate! Sorry na kasi! Mag sorry ka nalang kay kuya Valentine—” “Sorry?” napalunok siya ng bigla kong putulin ang sasabihin niya. “Nakailang sorry na ba ako? Pero hindi niay tinanggap at hindi pa ako sinamahan dito. Habang kayo nagawa niyo pang maglampungan sa harapan ko? How rude.” Mas lalo silang natakot dahil sa malamig kong tinig pero wala akong pakialam. Nang dahil lang naman sa kanilang dalawa ay nagalit saaki
“Miss, mukang naliligaw ka. Malamig dito sa labas, gusto mo samahan ka namin sa mainit na lugar.” Hindi ako tang@ para hindi maintindihan ang sinasabi niya. Nag cross arms ako sa harapan nila, tutal galit ako ngayon okay na ‘din may pagtuunan ako ng galit ko. “Okay, sasama ako.” Kita ko ang pagliwanag sa muka nila at nag apir pa. “Ayos pare! Dali naman nitong pasamahin!” Rinig ko pang bulong ng isa pero ng makalapit ‘yung dalawa saakin ay agad kong hinawakan ang kamay ng isa at ibinaliktad siya na ikinabagsak nito sa buhanginan. Ang isa naman ay tinuhuran ko na ikinabagsak ‘din nito sa buhanginan. “A-abat! Luamlaban! Kunin niyo ‘yan!” ngumisi ako sa dalawa pa at inintay sila. Inintay ko na makalapit ang mga ito at inilagan ang mga suntok nila. Nasalo ko pa ang isa at pinilipit ang kamay niya ngunit namilipit ako sa sakit ng biglang may sumuntok sa sikmura ko. Napaluhod ako sa damuhan at nagtawanan ang mga ito. “Ha! Akala mo kaya mo kaming lima ah!” Hindi pwedeng makuha
“V-VALENTINE?” Hindi makapaniwala kong tawag sa pangalan niya at napatingin sa paligid. Nakita ko silang lahat na nakapalibot saamin at kapwa mga nakangiti saamin lalo na ang kambal na tila chini-cheer pa ako. Katabi nila si Jenjen na hinahampas pa si David sa braso dahil sa tuwa. “Yes, wife. Nandito na tayo sa stage that you have to say ‘yes’” muli ay napatingin ako kay Valentine dahil sa sinabi niya. Hindi ba siya nangangalay? Kailan pa siya nakaluhod jan? “Akala ko talaga papalpak na ang plano namin. Kahit na hindi nangyari ang unang plano, syempre may plan B pa naman,” natatawa niyang sabi pero ako ay nakatingin lang sa kaniya. “Sorry, wife. Kinakabahan kasi ako—” “Go straight to the point lover boy!” napatingin kami sa sumigaw at natawa ang paligid. Ang pinsan niya! ‘Yung babaeng nasa bar na kasama niya. Bumalik nanaman saakin ang hiya na naramdaman ko dahil sa ginawa ko sa bar. Nagkausap na naman kaming dalawa at wala na ‘daw ito sa kaniya pero nahihiya pa ‘rin ako. “
“W-WIFE—” Sinubukang lapitan ni Valentine si Devina ngunit umiling ito sa kaniya at nagsalita. “No, ‘wag mong subukang pigilan akong alamin ang nangyayari Valentine. May nagawa ba akong mali? Bakit pati kayo ay pinag-uusapan ako? Noong isang araw doon sa yate, narinig ko na parang galit saakin si lola. M-may nagawa ba ako na hindi niyo lang masabi-sabi saakin?” Nagkatinginan ang mag-ama dahil sa sinabi ni Devina. Hindi nila alam kung paano sasabihin sa babae ang totoo o kung paano nila sisimulan ang bagay na kanilang pinag-uusapan. “Papa?” napatingin kay Devina ang daddy ni Valentine at napabuntong hininga. “Val, i-upo mo muna si Devina tyaka natin sabihin sa kaniya ang totoo.” Kalmadong sabi nito na siyang ikinalaki naman ng mata ni Valentine. “What? Pero dad—okay,” walang nagawa si Valentine ng tignan siya ng seryoso nito kaya lumapit nalang siya kay Devina at hinawakan ang kamay nito upang alalayan. “Wife, kung ano man ang malalaman mo ‘wag ka sanang magagalit,” “B-Bakit
MATAPOS ang nakakabiglang balitang iyon mula kay Devina ay inaya muna ni Valentine ang asawa na lumabas para maglakad-lakad. Pumayag naman ang mga ito at nagkaroon ng mas malaking celebration dahil doon, hinayaan na muna nila ang mga ito na gumawa ng sinasabi nilang celebration. Nang makalabas sila ay napansin nila ang nakatayong bahay sa tabi ng bahay nila Jeydon. Mukang kagagawa lang niyon dahil ngayon lang ito nakita ni Devina. “May nagpatayo na pala ng bahay dito? Akala ko wala ng balak makipag kapitbahay saamin e,” natatawang sabi niya. Wala kasing gustong tumabi sa bahay ng mga Cullen dahil mala Mansion na ang bahay nito at nahihiya sila magtayo ng bahay sa kanikang tabi. “Maganda ba?” napatingin siya kay Valentine dahil sa tanong nito at nakatingin lang ‘din ito sa bungalow na bahay kaya muli niyang tinignan ang bahay at tumango. “Sobra! Naalala mo ganiyang-ganiyan ‘yung sinabi ko sayong gusto kong bahay? Gusto ko talaga katulad nu’ng bahay na tinithan natin sa Paris,” n
MATAPOS ang mahabang byahe ay nakarating sila sa paris na dinner na, halos isang araw ang lumipas dahil sa haba ng byahe. Kaya pagdating nila sa kanilang tutuluyan doon na bahay ‘din ni Valentine sa Paris ay deretsyo agad si Devina sa kwarto nila. Inaantok pa kasi ito kung kaya hinayaan nalang ito ni Valentine at siya nalang ang tumawag sa kambal. Natuwa ang mga ito ng tumawag ang daddy nila at nakipagkwentuhan muna sila dito. Nang malaman nilang tulog ang mommy nila ay hinayaan nalang muna nila ito hanggang sa nagpaalam na sila dahil oras na ng pagtulog nito. Sa ngayon ay su Bettany ang pinakang nag-aalala sa kanila habang nasa bahay nila Jeydon. Nasa iisang bahay pa sila Thomas at Jeydon dahil na ‘rin matagal silang nagkahiwalay at malaki ang bahay nila na iyon ay nagpasya sila na magsama-sama na muna. Dahil na ‘rin malapit ng matapos ang branch nila doon ay madalas na busy ‘din si Jeydon. Kay Thomas kasi napunta ang business nila sa ibang bansa. Yes, nag decide si Jeydon na namu
(AFTER THE WEDDING: Reception) HINDI mapagsidlan ang saya ni Valentine at Devina dahil sa wakas ay kasal na silang dalawa. Nang matapos ang kasal ay nilapitan agad sila ng kambal at binati. After nu’n ay nag picture taking na muna sila, with family, with friends, sila ng kambal at sama-sama silang lahat. “Congratulations ulit sa inyong dalawa! Wala na kaming mai-pang aasar ah?” Masayang bati ni Jeydon at natawa sa huli nitong dinugtong na ikinailing naman ni Adeline. “Hindi kaya kuya Jeydon! Wala pa silang baby, until now wala paring kasunod ang kambal!” Dahil sa sinabi ni Adeline ay nagtawanan ang mga ito at nagsimula nang mang-asar sa dalawa. Si Devina naman ay naiiling nalang ngunit hindi si Valentine. Noong nalaman niya na buntis si Adeline at Sheila ay sinubukan niya talagang humabol sa mga ito until nalaman niya nalang na nag pi-pills pala si Devina. Gulat talaga siya ng malaman iyon at halos itapon na niya ang pills na naroroon ngunit itinago ito ng mabuti ni Devina. “Uyy!
MABILIS na kumalat ang balitang magpapakasal na ‘rin sa wakas si Devina at Valentine. Ang mga kaibigan nila ay nabigla sa nalaman at agad na nagsipuntahan sa bahay nila Valentine upang batiin ito. Hindi pa ‘rin sila humihiwalay sa magulang nila Valentine at balak nila kapag nakasal na sila tyaka lang sila hihiwalay. Nagsagawa sila ng early celebration dahil doon at dineklara nial Valerie at Valeria na uuwi sila agad sa Pilipinas dahil after a week na ang kasal ng dalawa. Katulad noong unang naging kasal nilang hindi natuloy same set-up pa ‘rin ngunit ang pinagkaiba lang ay sa beach naman gaganapin ang kanilang kasal. Sa kanilang lahat, ang kambal ang pinakang tuwang-tuwa at halos hindi makatulog sa araw-araw dahil sa papalapit na araw na tinaktang kasal ng mommy at daddy nila. Nang dahil sa private island na hindi na ito private ngayon dahil si Jeydon at Aria na ang naghahandle doon at ginawa nalamang resort biglaang nagkaroon ng maraming bisita. Mabilis na lumipas ang araw at ngay
(ONE YEAR AFTER) ISANG taon na ang lumipass at sa isang taon na iyon ay marami na ang nangyari. Nabigyan nila ng maayos ang libing ang kanilang lolo Lenard at Carlos na siyang ikinagulat ng marami. Kasabay niyon ay ang balitang hindi talaga totoo na ikinasal sila, minapula nila ang balitang iyon para mailabas ang hindi totoong balita dahil na ‘rin hindi nila pwedeng ipaalam na may nangyaring gulo kaya hindi natuloy ang kasal. At dahil na ‘rin hindi natuloy ang kasal nila ni Valentine ay ikinasal si Adeline at Vincent, after two months sumunod ‘din sila Travis at Vincent. Ang mas ikinatutuwa ng mga ito ay ang pang-aasar kila Devina at Valentine dahil na ‘rin sumunod ikasal si Thomas at Sophia and then sumunod sina Jeydon at Jenjen. Masaya sila para sa kasal ng kanilang mga kaibigan pero ang hindi nila ikinasaya ay ang pang-aasar ng mga ito. Nanganak na ‘din si Adeline at Sheila at parehong lalaki ang mga ito. Ang pangalan ng anak ni Adeline at Travis ay si Andrew Ruiz, sinunod sa pa
Matapos ilagay nila Vincent, Travis, Thomas at Jeydon ang mga pamilya nila sa ligtas na lugar ay lumabas sila upang tulungan sila Devina na talunin ang hindi imbitadong bisita. Isa pa sa dahilan kung bakit hindi sila nag imbita ng mga press dahil expected na nila na mangyayari iyon, kaya ‘din tanong na tanong sila Adeline kung seryoso sila sa gusto nilang iyon dahil nag-aalala sila sa dalawa lalo na’t alam nilang inaabangan ng mga ito ang kanilang kasal. Hindi naman kasi nila sinabi ang tungkol sa hiling ni Carlos kung kaya walang alam ang mga ito at kahit anong mangyari ay tuloy ang kasal nila kahit na alam nilang lahat na hindi iyon matatapos dahil sa gulo. Lumipas ang halos isang oras ay biglang tumahimik ang paligid at wala ng nagliliparan na bala sa paligid. Kaya ‘din nila pinili ang hotel na iyon dahil alam nilang malayo iyon sa maraming tao at kahit na magpaputok pa ng baril ay walang matataranta lalo na’t inukupa nila iyon ng isang buong araw. Walang ibang guest kundi sila l
Garden wedding ang kasal nila na iyon kaya tinerno nila ang kulay ng damit ng mga abay sa motif nila which is fairy kaya kulay green ang gown ng mga abay nila. Nang lumabas sila ay nakita nila ang kanilang lolo na si Carlos na nakangiting nag-aabang kay Devina. Nang makita niya si Devina suot ang kaniyang wedding gown ay hindi na napigilan pa ni Carlos ang mapaiyak. Pababa palang ng hagdan ang dalawa ay maging sila’y nahawa sa pag-iyak nito. Nasa isang private hotel kasi sila kung kaya walang ibang tao doon kundi sila lamang habang ang sinabi nila kanina na walang iyakan ay hindi natupad dahil sa reaction ng kanilang lolo. “Ang mga apo ko, ang gaganda niyo. Masaya ako na masaksihan ang araw na ito,” Napangiti silang dalawa dahil doon at sabay na niyakap ang kanilang lolo. Gusto pa sanang hayaan ng wedding coordinator ang mga ito ang kaso turn na ni Devina para lumakad sa altar kaya naghiwalay na sila at pinahid ang kanilang mga luha. “Si grandpa naman, nasira ata make-up ko?” nata
NANG dahil sa masasyang balita na buntis si Adeline at Sheila ay nagkaroon sila nang salo-salo nang gabing iyon. At dahil na ‘rin tuwang-tuwa ang mga bata na magkakaroon nang baby sa kanila ay hindi lumayo ang mga ito sa dalawa at pilit na kinakausap ang tiyan ng mga ito na akala mo’y naririnig na sila nito kahit pa na isang buwan palang ang nasa tiyan nila. Natatawa nalang sila sa tatalo at hinahayaan habang sila naman ay nag-iinom at kumakanta sa karaoke na naroroon. Syempre pwera sa mga buntis, at dahil nga sa party na iyon ay late na silang nakatulog at kapwa mga puyat ngunit nagising sila ng bigla nalang mayroon sunod-sunod na kumatok sa pinto ni Devina at Valentine. “Husband may tao,” antok na sabi ni Devina habang niyuyogyog ito. Nagising naman si Valentine dahil doon at hinanap ang kaniyang damit at nagbihis. “What is it, Travis? Madaling araw palang oh,” kunot noong tanong ni Valentine. “May problema tayo Val!” Dahil doon ay napaseryoso si Valentine at tumayo ng maayos.
Bumwelo ang dalawa at sabay na hinagis ang USB sa gitna ng dagat. “Wow! Mas malayo ang kay daddy!” biglang sabi ni Jenjen habang nakatanaw sa pinagbatuhan ng mga ito. “No! Mas malayo ang kay tito Thomas!” sabat ‘din ni Arabelle at nagkatinginan ang dalawa dahil doon. “Hindi si daddy!” pangongontra ni Jenjen. “No! Si tito Thomas!” Natawa sila sa dalawa dahil sa kakulitan ng mga ito at sumingit nalang bigla si David na ikinahinto ng mga ito. “Nag-aayaw ba kayo?” taas kilay na tanong ni David at kita nila na seryoso ito na ikinatayo ng deretsyo ng dalawa at agad na niyakap ang isa’t-isa. “Hindi ah! Bati kaya kami ni belle!” “Tama si Jenejen, bati kami kuya!” Alanganin na sabi ng dalawa na ikinangiti ni David at tumango. Nagkatinginan nalang sila dahil sa mga bata at sabay-sabay na natawa. Inenjoy nalang nila ang byahe papunta sa private island hanggang sa makarating na sila doon. Tumuloy nalang sila sa isang rest house na naroroon para magkakasama na silang lahat. Pagkarating a