“Valentine tama na! Kung nawawala si Devina hindi maganda na pati tayo ay mag-away-away! Walang kasalanan kahit na sino saatin dahil biglaan ang nangyari. Alam na natin na hindi ligtas ang paligid kaya ang mahalaga ngayon ay mahanap natin agad siya!” Mukang natauhan naman ni Valentine dahil sa sinabi ko. Napasabunot pa siya sa kaniyang buhok habang ako ay agad na inalalayan si Jeydon. “Ayos ka lang?” alala kong tanong na ikinatango naman niya saakin. “Master Jeydon! Master Jeydon!” sabay-sabay kaming napatingin sa pinto ng pumasok ang isang lalaki doon. “May natagpuan na isang sunog na katawan! At nakita namin itong gamit na ito,” Dali-daling kinuha ni Jeydon ang nasa isang plastic na lalagyan at napatakip naman ako ng bibig dahil doon. “J-jeydon—” napatigil ako sa pagsasalita ng humarap siya saakin at umiling. “Hindi! Hindi si Devina ‘yun Sheila!” “Tama si Jeydon. Hindi ang asawa ko ‘yan! Dalhin mo kami sa katawan,” napatingin ‘din ako kay Valentine ng sabihin niya iyo
VALENTINE “SUSUNDAN ko si Sheila,” Napaangat ako ng tingin kay Jeydon ng bigla itong magsalita. Nakatingin siya ngayon sa pinto kung saan dumaan si Sheila kanina. Nagpaalam saamin ito na mayroong aasikasuhin. Muli akong napatingin kay Jeydon at binigyan siya ng nagtatakang tingin. “Kilala ko si Sheila, Valentine. Kilala namin siya ni Devina,” tama naman ang sinabi niya. Katulad ng kwento niya saakin noong araw na dalhin niya ako dito. Nagpasiya kami na magtulungan upang matalo si lolo. Noong malaman ko na siya ang leader ng Guild kasama si Devina ay hindi ako makapaniwala. Bakit nga ba masyado kong minaliit ang mga Cullen, kasama sila sa mga mayayamang pamilya na kilala sa mundo. “A-ano pa bang gusto mong alamin Jeydon?! Wala na si Devina! Wala na ang asawa ko!” napatingin siya saakin dahil sa sinabi ko. Hindi ko nanaman napigilan ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. “Tayo lang ang nakaka-alam na nawawala si Devina at dalawang araw na siyang nawawala magmula ng mawala
“Hayaan mo na siya, sisiguraduhin kong tatalunin natin siya sa labanan.” Wala akong nagawa kundi ang tumango nalang at sumunod dito. Tahimik lang kami naglalakad pabalik sa kotse habang ako naman ay hindi na nagtanong pa dahil mukang alam ko na ang sagot. Nang makapasok kami sa loob ay tahimik lang na nagmamaneho si Jeydon. Napasandal ako mula sa kinauupuan ko’t napapikit. Ang laki ng kasalanan namin. Ang laki ng kasalanan namin kay lolo. “Si Sheila ang nagtangka sa buhay ni Devina, nakumpirma ko mismo sa kaniya,” napadilat ako dahil sa sinabi niya at napalingon sa kinauupuan niya. Kita ko ang higpit ng pagakakakapit niya sa manibela. “I can’t help but to get mad at her, I trusted her. I fvcking trusted her!” bigla niyang pinalo ang maniblea na ikinalaki ng mata ko dahil nawala sa kontrol ang kotse. “Gag* ka ba Jeydon?! Kung gusto mong magpakamatay ibaba mo muna ako! Ayusin mo nga pagmamaneho mo!” Mukang naintindihan naman niya ang sinabi ko dahil umayos na siya ng kaniyang
DEVINA “BAKIT hanggang ngayon wala pa ‘rin si tito?” Napatingin ako kay Sheila ng magsalita ito. Ibinaba ko ang iniinom ko na tyaa at umiling sa kaniya. “Wala ka bang tiwala kay lolo? Babalik ‘din ‘yun,” tinignan niya lang ako nang sabihin ko ‘yun kaya napailing ako at tumingin kay Travis na nakaupo sa tabi nito at mayroong kinakalikot sa laptop nito. “Travis, how is it?” “Wala pa namang ginagawang kilos si Jules,” napatango ako dahil sa sinabi niya. Inutusan ko kasi itong imonitor ang underground at baka mamaya magulat nalang kami kapag sumugod ito. Although alam ko na may tama siya ng bala sa kamay ngayon kaya siguradong hindi siya basta-basta susugod kahit na nabisto na siya ni Valentine. Napasandal ako sa aking kinauupuan ng maalala ko nanaman si Valentine. Siguradong iyak ng iyak ‘yun dahil akala niya wala na ako. “Naihanda ko na ang mga bomb,” napatingin akong muli kay Travis at napaayos ng aking upo. “Mayroon na tayong tatlo. Isa sa west, isa sa south at sa east. H
“HUSBAND, can you help me? Mayroon pa akong isang tao na kailangang hingan ng tawad,” “Of course, wife. Siguradong matutuwa siya kapag nakita ka,” Kanina pa ako kinakabahan habang nag-aabang dito sa kwarto namin ni Valentine. Nandito pa ‘rin kami sa bahay ni lolo at inaabangan ko siya na bumalik kasama si Jeydon. Nag-request kasi ako sa kaniya na dalhin niya dito si Jeydon para personal ko siyang makausap at humingi ng tawad. Napatayo ako ng biglang may kumatok at maya-maya ay bumukas ang pinto’t nakita ko si Valentine kasama si Jeydon. Katulad ni Valentine kanina ay natigilan siya ng makita ako kaya napangiti ako’t ibinuka ang aking mga braso. “D-devina! I knew it! You are alive!” tumakbo siya papunta saakin at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang pag-alog ng balikat niya kung kaya hinagod ko naman ang likuran niya upang pakalmahin siya. “Sorry, Jeydon. Kinailangan naming gawin ‘yun ni Sheila para maniwala si Jules,” bigla siyang humiwalay saakin at pinitik ang noo ko
HINDI maiwasan ni na magtaka dahil ganoon kadali lang nilang natalo ang based ni Jules sa underground. At dahil na ‘rin sa gulong nangyayari ay lahat ng transaction ng araw na iyon ay natigil at maging ang ibang grupo ay hindi magawang makakilos ng maayos dahil sa grupo ng kanilang dating emperor. “Boss!” Parehong silang napalingon ng lolo ni Valentine dahil sa dumating. Kita nila na mayroon itong hawak na isang lalaki na bugbog sarado na at may tama sa tiyan ng bala in short naghihingalo na. “What is this?” malamig na tanong ng lolo ni Valentine. “Mayroon kaming nakuhang impormasyon sa kaniya, magsalita ka!” hinampas ng lalaki ang muka ng kaniyang bihag na ikinadura nito ng dugo at maya-maya ay tumawa ng malakas. Napatingin si Jeydon sa lolo ni Valentine dahil doon. “I can sense it, may mali…” mahinang bulong niya dito na ikinatingin lang sa kaniya ng matanda. Maya-maya ay naglakad ito palapit doon sa lalaking tumatawa. Pabalang niyang hinawakan ang buhok nito upang magpan
Napatingin si Valentine kay Adeline dahil sa sinabi ni Adeline at nakaramdam ‘din ng kaba paa sa kaibigan. “Sa east?! Hindi ba nasa west sila Travis?! Nakita niyo ba sila?” umiling si Adeline sa tanong ni Valentine at magsasalita na sana ngunit natigilan sila ng makarinig sila ng tawa. Naging maagap si Devian at inalalayan niya ang kapatid palapit sa kaniya habang ang mga tauhan na kamasa nila ay pumalibot sa dalawang babae maging si Valentine. Napatingin sila sa speaker na nasa bawat sulok ng kanilang kinalalagyan, doon nagmumula ang tawa na kilalang-kilala nila. “Jules.” Inis na sabi ni Valentine. “Nagustuhan niyo ba ang pakulo ko?!” salita nito mula sa speaker. “Alam niyo dapat nga maging proud kayo saakin. Kayo ang unang nakagamit ng mga makabagong bagay na inimbento namin,” muli itong tumawa matapos niyang sabihin iyon kaya hindi na napigilan ni Adeline ang sumigaw. “Hayop ka! Hayop ka Jules!” Pinigilan ni Devina ang kaniyang kapatid dahil baka kung anong gawin nito sa
“N-NO! Hindi pwedeng si Devina!” Napatingin si Devina kay Valentine ng magsalita ito kahit na nahihirapan. Pinipigilan siya nila Travis na sugudin si Jules. Walang ibang magawa si Devina kundi ang ikuyom nalang niya ang kaniyang kamao dahil sa mga nangyayari. “Tapos na Valentine, later malalaman nila ang tungkol kay Devina. Sigurado akong magiging sikat ka,” Tinignan ng matalim ni Devina si Jules ngunit hindi manlang makataan ng takot si Jules sa mga titig na iyon bagkus naglakad siya palapit sa magulang niya na nasa sahig ngayon. Natahimik ang paligid dahil doon at kapwa inaabangan ang mga susunod na mangyayari. “H-Hindi… P-paanong buhay kami?” mahinang sabi ng babae na ina ni Jules at napansin niya ang dalawang pares ng sapatos sa kaniyang harapan kaya tumingala siya upang makita ito. “R-Rick…” agad na tumulo ang luha ng matandang babae sa nakita niya. Iban a ang itsura nito ngayon, hindi tulad ng huli nilang kita dito ay bata pa ito, ngayon ay may balbas na at halata mo na
MATAPOS ang nakakabiglang balitang iyon mula kay Devina ay inaya muna ni Valentine ang asawa na lumabas para maglakad-lakad. Pumayag naman ang mga ito at nagkaroon ng mas malaking celebration dahil doon, hinayaan na muna nila ang mga ito na gumawa ng sinasabi nilang celebration. Nang makalabas sila ay napansin nila ang nakatayong bahay sa tabi ng bahay nila Jeydon. Mukang kagagawa lang niyon dahil ngayon lang ito nakita ni Devina. “May nagpatayo na pala ng bahay dito? Akala ko wala ng balak makipag kapitbahay saamin e,” natatawang sabi niya. Wala kasing gustong tumabi sa bahay ng mga Cullen dahil mala Mansion na ang bahay nito at nahihiya sila magtayo ng bahay sa kanikang tabi. “Maganda ba?” napatingin siya kay Valentine dahil sa tanong nito at nakatingin lang ‘din ito sa bungalow na bahay kaya muli niyang tinignan ang bahay at tumango. “Sobra! Naalala mo ganiyang-ganiyan ‘yung sinabi ko sayong gusto kong bahay? Gusto ko talaga katulad nu’ng bahay na tinithan natin sa Paris,” n
MATAPOS ang mahabang byahe ay nakarating sila sa paris na dinner na, halos isang araw ang lumipas dahil sa haba ng byahe. Kaya pagdating nila sa kanilang tutuluyan doon na bahay ‘din ni Valentine sa Paris ay deretsyo agad si Devina sa kwarto nila. Inaantok pa kasi ito kung kaya hinayaan nalang ito ni Valentine at siya nalang ang tumawag sa kambal. Natuwa ang mga ito ng tumawag ang daddy nila at nakipagkwentuhan muna sila dito. Nang malaman nilang tulog ang mommy nila ay hinayaan nalang muna nila ito hanggang sa nagpaalam na sila dahil oras na ng pagtulog nito. Sa ngayon ay su Bettany ang pinakang nag-aalala sa kanila habang nasa bahay nila Jeydon. Nasa iisang bahay pa sila Thomas at Jeydon dahil na ‘rin matagal silang nagkahiwalay at malaki ang bahay nila na iyon ay nagpasya sila na magsama-sama na muna. Dahil na ‘rin malapit ng matapos ang branch nila doon ay madalas na busy ‘din si Jeydon. Kay Thomas kasi napunta ang business nila sa ibang bansa. Yes, nag decide si Jeydon na namu
(AFTER THE WEDDING: Reception) HINDI mapagsidlan ang saya ni Valentine at Devina dahil sa wakas ay kasal na silang dalawa. Nang matapos ang kasal ay nilapitan agad sila ng kambal at binati. After nu’n ay nag picture taking na muna sila, with family, with friends, sila ng kambal at sama-sama silang lahat. “Congratulations ulit sa inyong dalawa! Wala na kaming mai-pang aasar ah?” Masayang bati ni Jeydon at natawa sa huli nitong dinugtong na ikinailing naman ni Adeline. “Hindi kaya kuya Jeydon! Wala pa silang baby, until now wala paring kasunod ang kambal!” Dahil sa sinabi ni Adeline ay nagtawanan ang mga ito at nagsimula nang mang-asar sa dalawa. Si Devina naman ay naiiling nalang ngunit hindi si Valentine. Noong nalaman niya na buntis si Adeline at Sheila ay sinubukan niya talagang humabol sa mga ito until nalaman niya nalang na nag pi-pills pala si Devina. Gulat talaga siya ng malaman iyon at halos itapon na niya ang pills na naroroon ngunit itinago ito ng mabuti ni Devina. “Uyy!
MABILIS na kumalat ang balitang magpapakasal na ‘rin sa wakas si Devina at Valentine. Ang mga kaibigan nila ay nabigla sa nalaman at agad na nagsipuntahan sa bahay nila Valentine upang batiin ito. Hindi pa ‘rin sila humihiwalay sa magulang nila Valentine at balak nila kapag nakasal na sila tyaka lang sila hihiwalay. Nagsagawa sila ng early celebration dahil doon at dineklara nial Valerie at Valeria na uuwi sila agad sa Pilipinas dahil after a week na ang kasal ng dalawa. Katulad noong unang naging kasal nilang hindi natuloy same set-up pa ‘rin ngunit ang pinagkaiba lang ay sa beach naman gaganapin ang kanilang kasal. Sa kanilang lahat, ang kambal ang pinakang tuwang-tuwa at halos hindi makatulog sa araw-araw dahil sa papalapit na araw na tinaktang kasal ng mommy at daddy nila. Nang dahil sa private island na hindi na ito private ngayon dahil si Jeydon at Aria na ang naghahandle doon at ginawa nalamang resort biglaang nagkaroon ng maraming bisita. Mabilis na lumipas ang araw at ngay
(ONE YEAR AFTER) ISANG taon na ang lumipass at sa isang taon na iyon ay marami na ang nangyari. Nabigyan nila ng maayos ang libing ang kanilang lolo Lenard at Carlos na siyang ikinagulat ng marami. Kasabay niyon ay ang balitang hindi talaga totoo na ikinasal sila, minapula nila ang balitang iyon para mailabas ang hindi totoong balita dahil na ‘rin hindi nila pwedeng ipaalam na may nangyaring gulo kaya hindi natuloy ang kasal. At dahil na ‘rin hindi natuloy ang kasal nila ni Valentine ay ikinasal si Adeline at Vincent, after two months sumunod ‘din sila Travis at Vincent. Ang mas ikinatutuwa ng mga ito ay ang pang-aasar kila Devina at Valentine dahil na ‘rin sumunod ikasal si Thomas at Sophia and then sumunod sina Jeydon at Jenjen. Masaya sila para sa kasal ng kanilang mga kaibigan pero ang hindi nila ikinasaya ay ang pang-aasar ng mga ito. Nanganak na ‘din si Adeline at Sheila at parehong lalaki ang mga ito. Ang pangalan ng anak ni Adeline at Travis ay si Andrew Ruiz, sinunod sa pa
Matapos ilagay nila Vincent, Travis, Thomas at Jeydon ang mga pamilya nila sa ligtas na lugar ay lumabas sila upang tulungan sila Devina na talunin ang hindi imbitadong bisita. Isa pa sa dahilan kung bakit hindi sila nag imbita ng mga press dahil expected na nila na mangyayari iyon, kaya ‘din tanong na tanong sila Adeline kung seryoso sila sa gusto nilang iyon dahil nag-aalala sila sa dalawa lalo na’t alam nilang inaabangan ng mga ito ang kanilang kasal. Hindi naman kasi nila sinabi ang tungkol sa hiling ni Carlos kung kaya walang alam ang mga ito at kahit anong mangyari ay tuloy ang kasal nila kahit na alam nilang lahat na hindi iyon matatapos dahil sa gulo. Lumipas ang halos isang oras ay biglang tumahimik ang paligid at wala ng nagliliparan na bala sa paligid. Kaya ‘din nila pinili ang hotel na iyon dahil alam nilang malayo iyon sa maraming tao at kahit na magpaputok pa ng baril ay walang matataranta lalo na’t inukupa nila iyon ng isang buong araw. Walang ibang guest kundi sila l
Garden wedding ang kasal nila na iyon kaya tinerno nila ang kulay ng damit ng mga abay sa motif nila which is fairy kaya kulay green ang gown ng mga abay nila. Nang lumabas sila ay nakita nila ang kanilang lolo na si Carlos na nakangiting nag-aabang kay Devina. Nang makita niya si Devina suot ang kaniyang wedding gown ay hindi na napigilan pa ni Carlos ang mapaiyak. Pababa palang ng hagdan ang dalawa ay maging sila’y nahawa sa pag-iyak nito. Nasa isang private hotel kasi sila kung kaya walang ibang tao doon kundi sila lamang habang ang sinabi nila kanina na walang iyakan ay hindi natupad dahil sa reaction ng kanilang lolo. “Ang mga apo ko, ang gaganda niyo. Masaya ako na masaksihan ang araw na ito,” Napangiti silang dalawa dahil doon at sabay na niyakap ang kanilang lolo. Gusto pa sanang hayaan ng wedding coordinator ang mga ito ang kaso turn na ni Devina para lumakad sa altar kaya naghiwalay na sila at pinahid ang kanilang mga luha. “Si grandpa naman, nasira ata make-up ko?” nata
NANG dahil sa masasyang balita na buntis si Adeline at Sheila ay nagkaroon sila nang salo-salo nang gabing iyon. At dahil na ‘rin tuwang-tuwa ang mga bata na magkakaroon nang baby sa kanila ay hindi lumayo ang mga ito sa dalawa at pilit na kinakausap ang tiyan ng mga ito na akala mo’y naririnig na sila nito kahit pa na isang buwan palang ang nasa tiyan nila. Natatawa nalang sila sa tatalo at hinahayaan habang sila naman ay nag-iinom at kumakanta sa karaoke na naroroon. Syempre pwera sa mga buntis, at dahil nga sa party na iyon ay late na silang nakatulog at kapwa mga puyat ngunit nagising sila ng bigla nalang mayroon sunod-sunod na kumatok sa pinto ni Devina at Valentine. “Husband may tao,” antok na sabi ni Devina habang niyuyogyog ito. Nagising naman si Valentine dahil doon at hinanap ang kaniyang damit at nagbihis. “What is it, Travis? Madaling araw palang oh,” kunot noong tanong ni Valentine. “May problema tayo Val!” Dahil doon ay napaseryoso si Valentine at tumayo ng maayos.
Bumwelo ang dalawa at sabay na hinagis ang USB sa gitna ng dagat. “Wow! Mas malayo ang kay daddy!” biglang sabi ni Jenjen habang nakatanaw sa pinagbatuhan ng mga ito. “No! Mas malayo ang kay tito Thomas!” sabat ‘din ni Arabelle at nagkatinginan ang dalawa dahil doon. “Hindi si daddy!” pangongontra ni Jenjen. “No! Si tito Thomas!” Natawa sila sa dalawa dahil sa kakulitan ng mga ito at sumingit nalang bigla si David na ikinahinto ng mga ito. “Nag-aayaw ba kayo?” taas kilay na tanong ni David at kita nila na seryoso ito na ikinatayo ng deretsyo ng dalawa at agad na niyakap ang isa’t-isa. “Hindi ah! Bati kaya kami ni belle!” “Tama si Jenejen, bati kami kuya!” Alanganin na sabi ng dalawa na ikinangiti ni David at tumango. Nagkatinginan nalang sila dahil sa mga bata at sabay-sabay na natawa. Inenjoy nalang nila ang byahe papunta sa private island hanggang sa makarating na sila doon. Tumuloy nalang sila sa isang rest house na naroroon para magkakasama na silang lahat. Pagkarating a