“H-HINDI siya si Arabelle, Valentine. Kaya kung tinatawag man siyang anak ng babaeng ito ay malamang siya nga.” “Hindi siya si Arabelle?!” narinig ko ang boses ni Vincent na nagulat dahil sa sinabi ko. Habang si Valentine naman ay natitigilan na napalingon saakin. “Totoo ang sinasabi ko Valentine, hindi siya ang isa sa kambal. Naalala mo nu’ng umalis ka dahil hanap ka ng daddy mo? Doon ko nalaman sa isang DNA test na hindi siya si Arabelle.” Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko at napatingin sa babaeng na umiiyak sa kabaong ni Belle o tama bang Skylar? Dahil naman sa ibinunyag ko ay tinignan ko si David, alam kong magugulat at masasaktan ‘din siya ngunit mas nagulat ako ng makita ko na walang bakas na pagkagulat sa muka niya. Basta umiiyak lang siya. “Hindi ka ba nabigla anak?” tanong ko sa kaniya na ikinatingin nito saakin at umiling. “N-Narinig ko po ang usapan niyo ni tito Travis mommy. Tanggap ko ‘din naman po siya kaya kagaya niyo ay hinayaan ko na kilalanin niya ak
“DADDY!” Pumalibot ang malakas na boses ni Valerie sa buong bahay ng mga Montoya habang nasa likuran niya sila Valentine, Llyod, Devina at Jeydon. Matapos malaman ni Valerie ang lahat mula kay Llyod ay dali-dali itong umalis at nagmaneho papunta sa kanila. Nag-alala ang mga ito kaya sumunod sila habang si Devina naman ay nahila ni Valentine upang pigilan ang kaniyang ate dahil alam niyang ito lang ang makakapigil dito. “What is this all about?” Nakita nila ang kunot noong si Mr. Levi Montoya na pababa ng hagdan. “Valerie stop it! Anong ginagawa mo?” pigil ni Devina sa kaibigan ngunit inalis lang ng babae ang kamay niya mula sa braso niya. “Don’t stop me Devina! Kailangan kong malinawan!” “Valerie? Kailan ka pa nakauwi? Kasama mo sila?” seryoso ngunit halata mo ang pagtataka sa boses ni Mr. Levi Montoya. Nang makababa ito ng hagdan ay nagkaharap sila ni Valerie na halata mo pa ang namamaga nitong mata at ngayon nga ay nagbabadya nanaman ang pagtulo ng luha nito. “Did you
“DEVINA, Valerie and Valentine are coming here,” Napatigil si Devina sa pagtitipa sa kaniyang laptop ng sabihin iyon ni Jeydon. Napakunot ang noo niya dahil doon. “Bakit? Nahanap na ba nila ang mama nila?” “No, alam nilang nawawala ‘din si Adeline,” nanlaki ang mata ni Devina dahil doon at napatayo. “Ano?! Bakit mo sinabi?! Hindi ba sabi ko sa’yo saatin nalang muna! At isa pa makakadagdag lang tayo sa problema—” “Devina bakit nagiging selfish ka nanaman?” Natigilan siya sa sinabi ni Jeydon at napakurap. Naglakad ito papunta sa kaniya at hinawakan siya sa kaniyang braso. “Baka nakakalimutan mo na dalawang araw ka ng hindi natutulog simula ng malaman mong nawawala si Adeline? Alam kong kailangan natin siyang hanapin pero alagaan mo naman ang sarili mo!” Tama si Jeydon, simula ng mawala din si Adeline ay tinutok na niya ang sarili niya sa paghahanap at hindi na lumabas ng silid na iyon. Ang anak niyang si David ay nagtataka na dahil hindi nila sinabi dito ang totoo. Alam nila
“MADALAS siyang matulog at mag kulong lang sa kwarto niya. Ang sabi saakin ng bantay niya ay hindi ‘daw ito nagsasalita. Noong minsang makausap ko siya ay hindi niya din ako kinakausap pero ng mabanggit ko ang tungkol sa ina niya ay bigla nalang siyang umiyak ng umiyak, I guess she’s suffering in a traumatic event,” Nanginginig ang kamay ni Devina ng hawakan niya ang kamay ng kaniyang anak. Hindi na niya kailangan pang magtaka o makasigurado kung ito ba ang anak niya dahil sa itsura palang nito ay kamukang-kamuka niya si Valentine kagaya ng kambal nito. Katabi ngayon ni Devina si Valentine na hindi ‘ring makapaniwala na nakatingin sa batang taimtim na natutulog. Sunod-sunod na nagtuluan ang luha ni Devina na ikinayuko niya sa higaan nito. “D-Devina...” tawag ni Valentine sa babae ngunit hindi siya nito pinansin. Si Jeydon naman ay napabuntong hininga nalamang. Masaya siya na nakita na nila sa wakas si Arabelle ngunit alam niya kung bakit umiiyak si Devina. Wala sa kanilang naka
NAGISING ako dahil sa putok ng mga baril. Ang sakit ng batok ko, siguro dahil sa pagkakahampas nila saakin. Nakatali na din pala ako, ang bilis nilang kumilos. “Siguraduhin niyong hindi sila makakarating dito!” “Yes ma’am!” Kristin... Akala mo ba kapag nahuli mo na ako matatapos na ang lahat? Napatagil ang aking ulo dahil sa malakas na sampal na natanggap ko. Pagtingin ko sa may gawa niyon ay galit na galit na Kristin ang nakita ko. “You killed my mother! Pinatay mo si mommy!” Nakita ko ang pagtulo ng luha niya habang sinasabi iyon kaya napangisi ako. “Now you know what I feel,” natigilan siya sa sinabi ko. “Mas masakit pa jan ang naramdaman ko Kristin. Nawala si mama at papa pati ang anak kong si Arabelle inilayo mo saakin!” hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumigaw kasabay ng pagtulo ng luha ko dahil sa sobrang galit. Kaso nakatanggap ako muli ng sampal dahil sa sinabi ko. “A-Ate Devina!” “T-tama na Kristin!” Wala na palang piring at takip sa bibig si Adeline
DEVINA “MOMMY!” Boses ni David ‘yun hindi ba? Nakita ko sila na nakapalibot saakin. Teka nasaan kami? Ospital? “Devina, hindi ka pa tuluyang magaling,” pigil saakin ni Valentine ng sinubukan kong bumangon. Tama, naalala ko na. Nahimatay ako matapos kong kalagan ng tali sila Adeline. Siguro dahil na ‘rin sa maraming dugong nawala saakin. Kumpleto sila dito pwera kila Valerie at mommy nila. “K-kumusta kayo Adeline?” Hirap kong sabi dahil feeling ko wala akong laway. Mabuti nalang at inabutan ako ni Valentine ng maiinom. “Ate naman! Kami pa inaalala mo samantalang ikaw ang napuruhan!” Nasa kanan ko ngayon si Valentine at David na nakaupo sa higaan ko. Si lola at Jeydon naman at nasa dulo ng hinihigaan ko habang nasa kaliwang parte sina Adeline at Vincent. Napapansin ko ‘din ang closeness ng dalawang ‘yan. Kung may namamagitan man sa kanila alam kong saakin unang magsasabi si Adeline. “Maayos namin kayong nailigtas Devina. Si Kristin wala na siya,” inaasahan ko na ang sinabi
“D-DEVINA what are you doing—” “No, let me explain myself Valentine.” Natigilan siya dahil sa sinabi ko kung kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. “All my life... Nabuhay akong puno ng galit at paghihiganti. Maid kami sa bahay ng sarili kong ama, hindi nila kami tinuturing ng maayos. I was a trash in the family kahit pa Valderama ang apilyido ko. Nagsimula ang lahat nang ako ang patabihin nila kay Valentine kapalit ng malaking halaga sa pagpapagamot ni mama. But still, hindi ko hawak ang isip ni Kristin kaya dinukot niya si Adeline. Gusto ko siyang iligtas. Kaya pumunta ako ng mag-isa pero sa huli ako pa ‘rin ang talo. I-i was raped... But saved by my grandfather. Ang tanging tao sa Valderama na nakakita ng halaga ko. Kaso napahamak ‘din siya dahil saamin. Hanggang pati si papa ay nakulong at namatay... Nanggulo pa ako sa buhay ni Travis... That time I was pregnant, luckily nakatakas kami, nagpakalayo-layo not knowing na darating ang araw na pati si mama ay mawawala saakin. Adeli
“BELLE!” Nakatanaw sila Devina at Jeydon kay Jenjen na tumakbo kung saan nakaupo si Arabelle. Kita nila ang saya sa muka ng bata ng makita ang kaniyang kaibigan. Sino nga bang mag-aakala na ang kasama mong bata sa ampunan ay kamag-anak mo pala. Tinapik ni Devina ang likuran ni Jeydon ng makita niya na malungkot na nakatanaw ito sa anak. “Sigurado akong maiintindihan niya ‘din,” ngiti niyang sabi dito. Hindi pa kasi nagsasalita ang bata tungkol sa mga ipinaliwanag nila dito. Mahirap intindihin pero sigurado si Devina na maiintindihan ito ng bata. Lalo na unang tingin palang niya dito ay maunawain na ito at mabait. Sapat na ebidensya nang minahal nito ang anak niya kahit pa na wala silang alam na magkadugo sila. “Natatakot ako Devina pero susubukan ko. Magpapakatatag ako para sa kaniya,” “Dapat lang. After all bata pa siya, ikaw ang ama. You should give your best. Akala ko talaga tatanda kang walang anak,” Natawa sila pareho dahil doon. Kahit papaano ay nabawasan ang pagka-
MATAPOS ang nakakabiglang balitang iyon mula kay Devina ay inaya muna ni Valentine ang asawa na lumabas para maglakad-lakad. Pumayag naman ang mga ito at nagkaroon ng mas malaking celebration dahil doon, hinayaan na muna nila ang mga ito na gumawa ng sinasabi nilang celebration. Nang makalabas sila ay napansin nila ang nakatayong bahay sa tabi ng bahay nila Jeydon. Mukang kagagawa lang niyon dahil ngayon lang ito nakita ni Devina. “May nagpatayo na pala ng bahay dito? Akala ko wala ng balak makipag kapitbahay saamin e,” natatawang sabi niya. Wala kasing gustong tumabi sa bahay ng mga Cullen dahil mala Mansion na ang bahay nito at nahihiya sila magtayo ng bahay sa kanikang tabi. “Maganda ba?” napatingin siya kay Valentine dahil sa tanong nito at nakatingin lang ‘din ito sa bungalow na bahay kaya muli niyang tinignan ang bahay at tumango. “Sobra! Naalala mo ganiyang-ganiyan ‘yung sinabi ko sayong gusto kong bahay? Gusto ko talaga katulad nu’ng bahay na tinithan natin sa Paris,” n
MATAPOS ang mahabang byahe ay nakarating sila sa paris na dinner na, halos isang araw ang lumipas dahil sa haba ng byahe. Kaya pagdating nila sa kanilang tutuluyan doon na bahay ‘din ni Valentine sa Paris ay deretsyo agad si Devina sa kwarto nila. Inaantok pa kasi ito kung kaya hinayaan nalang ito ni Valentine at siya nalang ang tumawag sa kambal. Natuwa ang mga ito ng tumawag ang daddy nila at nakipagkwentuhan muna sila dito. Nang malaman nilang tulog ang mommy nila ay hinayaan nalang muna nila ito hanggang sa nagpaalam na sila dahil oras na ng pagtulog nito. Sa ngayon ay su Bettany ang pinakang nag-aalala sa kanila habang nasa bahay nila Jeydon. Nasa iisang bahay pa sila Thomas at Jeydon dahil na ‘rin matagal silang nagkahiwalay at malaki ang bahay nila na iyon ay nagpasya sila na magsama-sama na muna. Dahil na ‘rin malapit ng matapos ang branch nila doon ay madalas na busy ‘din si Jeydon. Kay Thomas kasi napunta ang business nila sa ibang bansa. Yes, nag decide si Jeydon na namu
(AFTER THE WEDDING: Reception) HINDI mapagsidlan ang saya ni Valentine at Devina dahil sa wakas ay kasal na silang dalawa. Nang matapos ang kasal ay nilapitan agad sila ng kambal at binati. After nu’n ay nag picture taking na muna sila, with family, with friends, sila ng kambal at sama-sama silang lahat. “Congratulations ulit sa inyong dalawa! Wala na kaming mai-pang aasar ah?” Masayang bati ni Jeydon at natawa sa huli nitong dinugtong na ikinailing naman ni Adeline. “Hindi kaya kuya Jeydon! Wala pa silang baby, until now wala paring kasunod ang kambal!” Dahil sa sinabi ni Adeline ay nagtawanan ang mga ito at nagsimula nang mang-asar sa dalawa. Si Devina naman ay naiiling nalang ngunit hindi si Valentine. Noong nalaman niya na buntis si Adeline at Sheila ay sinubukan niya talagang humabol sa mga ito until nalaman niya nalang na nag pi-pills pala si Devina. Gulat talaga siya ng malaman iyon at halos itapon na niya ang pills na naroroon ngunit itinago ito ng mabuti ni Devina. “Uyy!
MABILIS na kumalat ang balitang magpapakasal na ‘rin sa wakas si Devina at Valentine. Ang mga kaibigan nila ay nabigla sa nalaman at agad na nagsipuntahan sa bahay nila Valentine upang batiin ito. Hindi pa ‘rin sila humihiwalay sa magulang nila Valentine at balak nila kapag nakasal na sila tyaka lang sila hihiwalay. Nagsagawa sila ng early celebration dahil doon at dineklara nial Valerie at Valeria na uuwi sila agad sa Pilipinas dahil after a week na ang kasal ng dalawa. Katulad noong unang naging kasal nilang hindi natuloy same set-up pa ‘rin ngunit ang pinagkaiba lang ay sa beach naman gaganapin ang kanilang kasal. Sa kanilang lahat, ang kambal ang pinakang tuwang-tuwa at halos hindi makatulog sa araw-araw dahil sa papalapit na araw na tinaktang kasal ng mommy at daddy nila. Nang dahil sa private island na hindi na ito private ngayon dahil si Jeydon at Aria na ang naghahandle doon at ginawa nalamang resort biglaang nagkaroon ng maraming bisita. Mabilis na lumipas ang araw at ngay
(ONE YEAR AFTER) ISANG taon na ang lumipass at sa isang taon na iyon ay marami na ang nangyari. Nabigyan nila ng maayos ang libing ang kanilang lolo Lenard at Carlos na siyang ikinagulat ng marami. Kasabay niyon ay ang balitang hindi talaga totoo na ikinasal sila, minapula nila ang balitang iyon para mailabas ang hindi totoong balita dahil na ‘rin hindi nila pwedeng ipaalam na may nangyaring gulo kaya hindi natuloy ang kasal. At dahil na ‘rin hindi natuloy ang kasal nila ni Valentine ay ikinasal si Adeline at Vincent, after two months sumunod ‘din sila Travis at Vincent. Ang mas ikinatutuwa ng mga ito ay ang pang-aasar kila Devina at Valentine dahil na ‘rin sumunod ikasal si Thomas at Sophia and then sumunod sina Jeydon at Jenjen. Masaya sila para sa kasal ng kanilang mga kaibigan pero ang hindi nila ikinasaya ay ang pang-aasar ng mga ito. Nanganak na ‘din si Adeline at Sheila at parehong lalaki ang mga ito. Ang pangalan ng anak ni Adeline at Travis ay si Andrew Ruiz, sinunod sa pa
Matapos ilagay nila Vincent, Travis, Thomas at Jeydon ang mga pamilya nila sa ligtas na lugar ay lumabas sila upang tulungan sila Devina na talunin ang hindi imbitadong bisita. Isa pa sa dahilan kung bakit hindi sila nag imbita ng mga press dahil expected na nila na mangyayari iyon, kaya ‘din tanong na tanong sila Adeline kung seryoso sila sa gusto nilang iyon dahil nag-aalala sila sa dalawa lalo na’t alam nilang inaabangan ng mga ito ang kanilang kasal. Hindi naman kasi nila sinabi ang tungkol sa hiling ni Carlos kung kaya walang alam ang mga ito at kahit anong mangyari ay tuloy ang kasal nila kahit na alam nilang lahat na hindi iyon matatapos dahil sa gulo. Lumipas ang halos isang oras ay biglang tumahimik ang paligid at wala ng nagliliparan na bala sa paligid. Kaya ‘din nila pinili ang hotel na iyon dahil alam nilang malayo iyon sa maraming tao at kahit na magpaputok pa ng baril ay walang matataranta lalo na’t inukupa nila iyon ng isang buong araw. Walang ibang guest kundi sila l
Garden wedding ang kasal nila na iyon kaya tinerno nila ang kulay ng damit ng mga abay sa motif nila which is fairy kaya kulay green ang gown ng mga abay nila. Nang lumabas sila ay nakita nila ang kanilang lolo na si Carlos na nakangiting nag-aabang kay Devina. Nang makita niya si Devina suot ang kaniyang wedding gown ay hindi na napigilan pa ni Carlos ang mapaiyak. Pababa palang ng hagdan ang dalawa ay maging sila’y nahawa sa pag-iyak nito. Nasa isang private hotel kasi sila kung kaya walang ibang tao doon kundi sila lamang habang ang sinabi nila kanina na walang iyakan ay hindi natupad dahil sa reaction ng kanilang lolo. “Ang mga apo ko, ang gaganda niyo. Masaya ako na masaksihan ang araw na ito,” Napangiti silang dalawa dahil doon at sabay na niyakap ang kanilang lolo. Gusto pa sanang hayaan ng wedding coordinator ang mga ito ang kaso turn na ni Devina para lumakad sa altar kaya naghiwalay na sila at pinahid ang kanilang mga luha. “Si grandpa naman, nasira ata make-up ko?” nata
NANG dahil sa masasyang balita na buntis si Adeline at Sheila ay nagkaroon sila nang salo-salo nang gabing iyon. At dahil na ‘rin tuwang-tuwa ang mga bata na magkakaroon nang baby sa kanila ay hindi lumayo ang mga ito sa dalawa at pilit na kinakausap ang tiyan ng mga ito na akala mo’y naririnig na sila nito kahit pa na isang buwan palang ang nasa tiyan nila. Natatawa nalang sila sa tatalo at hinahayaan habang sila naman ay nag-iinom at kumakanta sa karaoke na naroroon. Syempre pwera sa mga buntis, at dahil nga sa party na iyon ay late na silang nakatulog at kapwa mga puyat ngunit nagising sila ng bigla nalang mayroon sunod-sunod na kumatok sa pinto ni Devina at Valentine. “Husband may tao,” antok na sabi ni Devina habang niyuyogyog ito. Nagising naman si Valentine dahil doon at hinanap ang kaniyang damit at nagbihis. “What is it, Travis? Madaling araw palang oh,” kunot noong tanong ni Valentine. “May problema tayo Val!” Dahil doon ay napaseryoso si Valentine at tumayo ng maayos.
Bumwelo ang dalawa at sabay na hinagis ang USB sa gitna ng dagat. “Wow! Mas malayo ang kay daddy!” biglang sabi ni Jenjen habang nakatanaw sa pinagbatuhan ng mga ito. “No! Mas malayo ang kay tito Thomas!” sabat ‘din ni Arabelle at nagkatinginan ang dalawa dahil doon. “Hindi si daddy!” pangongontra ni Jenjen. “No! Si tito Thomas!” Natawa sila sa dalawa dahil sa kakulitan ng mga ito at sumingit nalang bigla si David na ikinahinto ng mga ito. “Nag-aayaw ba kayo?” taas kilay na tanong ni David at kita nila na seryoso ito na ikinatayo ng deretsyo ng dalawa at agad na niyakap ang isa’t-isa. “Hindi ah! Bati kaya kami ni belle!” “Tama si Jenejen, bati kami kuya!” Alanganin na sabi ng dalawa na ikinangiti ni David at tumango. Nagkatinginan nalang sila dahil sa mga bata at sabay-sabay na natawa. Inenjoy nalang nila ang byahe papunta sa private island hanggang sa makarating na sila doon. Tumuloy nalang sila sa isang rest house na naroroon para magkakasama na silang lahat. Pagkarating a