Ang malamig na mata ni Lyxus ay parang isang kutsilyo na gawa mula sa yelo, palipat-lipat ang tingin nito sa matandang ginang na Tyason at ang anak nitong babae.Kahit na marami nang nakitang bagyo ang matandang ginang, natakot parin ito sa malakas na awra ng binata at tumagaktak ang malamig na pawis.Nagkunwari itong mapagkumbaba at tumingin sa binata: "Walang kabuluhan iyon, Eva, hindi totoo lahat ng iyon. Dahil lang yon sa pagsusuot niya ng nakakapang-akit kaya tinarget siya ng mga gangsters. Kahit may mangyari nga, dapat lang sa kanya yon!"Nagsasalita ito habang nagngingitngit ang ngipin na para bang ang binabanggit nito ay kaaway niya. Nagpakita si Lyxus ng isang nakakataon sa tingin sa labi nito, "Hindi mo kailangan sabihin sakin, kung ganon, hanapin si Mark Tuason. Matapos yon, hindi lang isang kamay ang mawawala."Habang nagsasalita ito, naglabas ito ng telepono at tinawagan si Cloud."Dalhin mo si Mark Tuason dito."Kaagad naman, tinulak si Mark Tuason ng dalawang bodyguard
Habang nagsasalita si Lyxus, hinimas nito ang ulo ni Eva gamit ang malaki nitong kamay at tumingin sa dalaga na may ngiti sa mga mata. Na para bang ang tahanan na tinutukoy nito ay tungkol sa maliit nilang pugad ng pagmamahal.Pakiramdam ni Eva ay may sumaksak sa puso niya. Ang eksena na aalis siya sa tahanan nila as bumalik nanaman sa isip niya.Mas marami siyang naiambag sa pamilya na yon, mas maraming sakit ang naiwan sa kanya. Nanginig ng bahagya ang daliri niya ng ilang beses, at tumingin siya sa ama na may pag-aalala."Pero Dad, nag-aalala ako at gusto ko manatili sa tabi mo kahit ilang araw lang.""Ano bang pinag-aalala mo? Marami naman tayong katulong dito. Kayong dalawa ay mas maigi na magbati at ayusin ang relasyon niyo. Marami ka nang nagawa sakin. Hindi ko pwede antalain ang ganap sa buhay mo."Sa wakas, matapos ang paulit-ulit na panghihikayat ng ama ni Eva, sumakay na si Eva sa kotse ni Lyxus. Ito ang unang beses na magtabi sila ng tahimik at walang pagtatalo simula nang
Gusto ni Eva makawala pero masyadong magaling humalik si Lyxus. Nakakailang hagod pa lamang ay namamanhid na ang buong katawan niya.Walang may alam kung gaano nang karami ang oras na lumipas bago dahan-dahan binitawan ni Lyxus ang dalaga.Ang boses nito ay kaaya-aya ar malamagnet."Secretary Tuason, ituloy na natin."Iniwas ni Eva ang ulo sa takot, "Lyxus, hindi ka pa ba nagsasawa?"Natawa ng mahina si Lyxus: "Sabi ko ituloy na natin yung pagsukat ng damit, Mali ba ang nasa isip mo, Secretary Tuason?"Nang makalabas sa fitting room ang dalawa, agad na binati sila ng klerk. Nang makita ang gwapo at matangkad na pagiitsura ni Lyxus, hindi mapigilan nito na mamula."Bagay po sa inyo, sir. Gusto niyo po ba ng kurbata na ipapares?"Kalmadong sumagot si Eva, "Subukan mo yon."Kinuha nito ang kurbata mula sa klerk at tumingkayad para tulungan ito itali mang kurbata. Maayos na nakipagkooperasyon si Lyxus sa buong proseso.Yumuko ito habang nakababa ang ulo. Napaka maginoo pero may ibang inii
Lumalabas na alam ni Lyxus matagal na na ang ina niya ang muntik nang pumatay sa ama ni Eva pero hindi nito sinabi sa dalaga.Sinamahan siya ng binata na umarte sa harap ng ama niya, hindi dahil naaawa ito sa kanya pero para maging kabayaran sa sala ng ina nito. Kung tutuusin, kung mamatay nga talaga ang ama niya, bibitbitin din ng ina ni Lyxus ang legal responsibility dahil dito.Lamig lang ang tanging naramdaman ni Eva sa buo niyang katawan.Lahat ng good feelings na inipon niya kay Lyxus sa nakalipas na araw ay nabura lahat ng dahil sa mga nadinig ng dalaga. Natawa siya sa sarili at ibinalik sa opisina bitbit ang mga dokumento.Pagpasok na pagpasok niya, narinig niya ang sinabi ni Honey sa isang sarkastikong tono: "Nakuha mo na ang suporta ni Mr. Villanueva, may pake ka pa ba sa maliit na pera na inutang ko sayo?"Agad na hinila ni Eva ang sarili sa kaninang kalagayan niya.Ngumisi si Eva: "Sige lang kung ayaw mong bayaran, magkikita naman tayo sa korte.""Eva, napakasama mo! Bigay
Sinampal ni Eva sa Lyxus sa mukha. Kahit na ang lakas nito ay hindi gaano, masyado itong nakakainsulto para sa binata.Sino si Lyxus Villanueva? Siya lang naman ang isang big shot at nasa pinakaitaas ng pyramid sa buong lungsod nila, isang malaking demonyo na walang maglalakas loob na kalabanin ito at ang malamig at walang awa na prinsipe ng pamilya Villanueva.Hindi na kailangan banggitin na masampal sa mukha, kahit pa may magsabi ng hindi kaaya-ayang bagay sa mukha nito, talagang magdudulot ito ng matinding sakuna.Kahit si Felix ay nag-aalala kay Eva. Hinablot nito ni Lyxus at sinubukan ito mabait na hinikayat ito."Lyxus, lasing lang siya. Wag mo siya itrato na parang lasing na ibang tao. Tara na, mag-uutos ako na iuwi ka na.'Nang sabihin niya ito, gusto na niyang hilahin si Lyxus palabas pero tinulak siya nito palayo.Tumingin ito kay Eva na may madilim na mukha. Nang makita siyang ganito, agad na prinotektahan ni Jaze si Eva at tinago ang dalaga sa likuran nito."Mr. Villanueva,
Ilang araw nang hindi nakikita ni Eva si Lyxus. Nasa business trip ito sa ibang bansa at dinala si Lea.Ibinahagi din ni Lea ang mga larawan sa group chat ng kompanya nila araw-araw. Kalaunan, ang bali-balita na si Secretary na inlove sa boss nila ay nawala at imbes ay napabalita na ang boss nila at ang first love nito ay magpapakasal na.May isa pa na lumapit kay Madam Lu para magtanong pero hindi man lang umamin o itinanggi ito.Walang pakeelam si Eva at tinawanan lang ang tsismis. Nang biglang may tumunog ang telepono niya. Ang tumatawag ay ang dating chief secretary na si Jean Ayala at agad na sinagot ni Eva ang tawag."Ate Jean.""Eva, hindi ka pa ba nakakaalis sa trabaho? Kailangan mo pumunta ng maaga. Wag ka papahuli.""Malapit nako umalis, kita nalang tayo mamaya."Si Jean Ayala ang dating chief secretary ni Lyxus at ito rin ang naging guro niya na nagpakilala sa kanya nitong posisyon na to. Simula nang pinakasalan nito si Alexander Ayala, ang anak ng pamilya Ayala, naging ful
Pag ang usapan ay tungkol sa bata, nagagalit si Eva. Inilabas niya lahat ng lakas bigla at tinulak palayo si Lyxus. Napaatras ang binata ng ilang hakbang, ang ngiti sa mukha nito ay naging mapait at malamig."Mr. Villanueva, nagkakamali kayo ng sinabihan. Ang mahal mo ay nasa taas. Kung gusto mo magkaanak, hanapin mo siya. Kahit pa mamatay ako, hinding-hindi ako magaanak para sayo!"Matapos sabihin iyon, naglakad siya papunta sa likod na hardin nang hindi lumilingon.Kalokohan. Ito ba at si Lea ay nagkakaisa para apihin siya? Yung isa sinabihan siya na maging surrogate mother at ang isa ay minamadali siya magkaanak.Sa isip-isip ni Eva: Tarantado ka Lyxus! Wala akong pake kung magkaroon ka ng anak sa aso!Mag-isa siyang naupo sa gilid ng lawa at tahimik na iniinda ang sugat. Ang nakaraan nila ni Lyxus ay paulit-ulit na bumabalik sa isip niya. Nang isinusumpa na niya si Lyxus at nagtatapon ng bato sa tubig, narinig niya ang boses ni Lea mula sa likuran niya."Secretary Tuason, pinakiu
Naupo si Lyxus sa tabi ng higaan ni Eva, hawak dalawang malambot at maputi na kamay ng dalaga tsaka paulit-ulit na hinalikan ito.Ang tanging naiisip nito ay tungkol sa sinabi ng doktor kanina lang.Alam niya na hindi kayang lumangoy ni Eva pero hindi niya alam na may takot siya dito. Ngayon ay naiintindihan na niya sa wakas kung bakit hindi pumupunta sa bathtub si Eva tuwing magtatalik sila sa bathroom, kahit anong subok nito akitin ang dalaga. Ang takot pala nito sa tubig ay umabot sa punto na to.Tinitigan lang ni Lyxus ang maputla at maliit na mukha ni Eva, tsaka nagsalita sa mahinang boses."Eva, ang daming tungkol sayo na hindi ko alam."Hindi niya alam ang tungkol sa broken relationships nito pitong taon ang nagdaan at hindi niya alam na meron pala itong lalake na minahal niya ng buong puso.Hindi niya rin alam kung may pagmamahal ba sa nakaraan na kabaitan nito sa kanya.Maingat na hinaplos ni Lyxus ang mukha ng dalaga at yumuko para halikan ang malamig nitong labi."Eva, gus
Ito ang unang beses na opisyal na nagkita sila ni Lyxus simula nang maghiwalay sila.Akala niya ay magiging kalmado siya ngunit sa sandaling makita niya ang binata, nakaramdam siya ng pait sa puso niya."Alexander! Yung tarantadong yon nagsinungaling sakin. Sabi niya hindi nagpaparticipate si Lyxus sa mga ganitong aktibidad kaya pinakiusapan kitang pumunta." Si Jean na nasa tabi niya ay hindi masaya"Hayaan mo na, pare-parehas naman tayong nasa iisang syudad, magkikita talaga kami sooner or later." Mahinang napangiti si Eva"Wag ka mag-alala, gagawin ko lahat ng makakaya ko para hindi siya makalapit sayo."Matapos sabihin iyon, hinatak nito si Eva at aalis na sana."Aalis ka kagad Mrs. Ayala matapos mo ko makitang papalapit? Hindi ba ako welcome dito?" Ang malamig na boses ni Lyxus ay maririnig mula sa likuranPasikretong nagngalit ang ngipin ni Jean tsaka lumingon at nahihiyang ngumiti"Mr. Villanueva, pasensya na hindi kita nalapitan para batiin." Magalang na sabi nitoKalmadong pin
Nang marinig ito, ang ingay mula sa kusina ay biglang tumigil na para bang nagdadalawang isip ang dalaga kung paano sasagutin ito.Napangisi si Lyxus, "Sa tingin mo ba papatawarin kita pag bumalik ka, tabihan ako at lutuan ako ng almusal? Masyado naman mataas ang kumpyansa mo sa sarili!"Matapos sabihin iyon, tinulak na ni Lyxus ang pinto.Nang isasandal na sana ni Lyxus si Eva sa countertop at balak parusahan ito, nakita niya ang mukha ni Lexie na ikinagulat niya."Bakit ka nandito?"Tinapik ni Lexie ang mukha ni Lyxus gamit ang sandok at nakangiting sinabi, "Lasing ka pa siguro. Anong klaseng erotic dream nanaman ba ang naiisip mo? Ang aga-aga."Dahil sa pang-lilibak ng sariling kapatid, hindi maiwasan na mayamot ni Lyxus."Bakit ka ba nandito sa bahay ko?""Talagang nagtanong ka pa? Kung hindi dahil sakin, tapos na ang masasayang araw mo!""Asan si Eva?"Nang-asar naman si Lexie, "Asan ka Eva? Ayokong guluhin ako neto.""Imposible, malinaw ang alaala ko na siya ang naghatid sakin p
"Pakitawagan nalang po si Assistant Cloud Doctor Santos. Pagod na si Mr. Villanueva sakin at baka ayaw na rin niya ulit makita ako. Kung wala na, papatayin ko na ang tawag."Agad na sinabi ni Felix, "Eva, ikaw ba at si Lyxus, gusto nito talaga maghiwalay ng malinis? Hindi naman masama na maging magkaibigan nalang kayo."Napangiti ng mahina si Eva: "Doctor Santos, bilang isang ibon, hindi ka dapat magkaroon ng kahit na anong koneksyon sa nag-aalaga sayo. May kailangan pa akong tapusin kaya mauuna nako."Malutong ang pagkakasabi nito at walang kahit na anong pag-aalinlangan.Pinatay ni Felix ang telepono at hindi mapigilan na magmura, "Dapat lang sayo yon, tarantado ka kase! Kasalanan mo lahat. Kung mas naging mabait ka lang kay Eva, hindi siya magiging kawalang puso sayo."Masakit ang dibdib ni Lyxus pero nanatiling kalmado ang mukha nito.Ang pinapahiwatig nito ay walang pagkakakilanlan."Paanong ang spoiled na yon ay kayang tumayo sa harap ng malakas na hangin at alon sa labas? Pag n
Makalipas ang ilang araw.Kakatapos lang topakin ni Lyxus sa mga top executives ng iba't ibang departamento sa meeting at paglabas ng lahat sa conference room ay parang bagong laya.Tahimik nilang pinagchichismisan: "Ano kayang problema kay Mr. Villanueva? Lahat nalang hindi sapat sa kanya. Nung nakaraan pinuri niya yung plan ko, Tapos ngayon pinapagalitan ako."Isa sa kanila ang may naalala at napangisi, "Sino ba ang huling tao na nagpatawag ng meeting katabi ni Mr. Villanueva?""Si Secretary Tuason.""Tama! Sawi ang presidente natin! Bilang katrabaho niya kailangan natin intindihin siya."Ilang mga tao pa ang nagsalita habang naglalakad pabalik sa mga pwesto nila, lingid sa kaalaman nila ay nasa likod si Lyxus nakasunod sa kanila.Pumasok sa opisina si Lyxus na may malamig na tingin at dumating naman si Lea na may bitbit na isang tasang kape.May matamis na ngiti ang dalaga sa mukha at sinabi, "Kuya Lyxus, ipinagtimpla kita ng kape. Tikman mo."Mahinang sumagot ng 'hmm' si Lyxus, ki
Nagtaas ng tingin si Lyxus at malalim ang mata na tinitigan si Eva. Gusto niyang makita ang sakit at pag-aatubili sa mukha ng dalaga. Gusto niyang marinig ang paglapit nito sa kanya at humingi ng tawad.Pero ang narinig niya ay..."Boss Lyxus, naipadala ko na ang resignation report sayo at sa HR director. Kailangan mo lang aprubahan ito sa system. Tungkol naman sa pagpasa ko ng gawain, nai-ayos ko na po lahat at pinadala ko na kay Assistant Dizon. Kung may katanungan siya, pwede naman siya lumapit sakin."Hindi lamang walang kahit anong sakit sa mukha ni Eva pero may ngiti ito sa gilid ng labi nito at nakatingin sa kanya na may kalma sa mata.Nagngalit ang ngipin ni Lyxus sa galit.Mahina itong napangisi: "Sa tingin mo walang makakaya ng trabaho na to bukod sayo? Wag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo."Mahinang ngumiti si Eva: "Hindi naman, puno ang Villanueva group ng magagaling na tao. Gusto ko lang maging magalang. Sino nga ba gugustuhin tanungin ng dating kompanya pagta
Tinitigan ni Lyxus ang magulong itsura ni Jaze at nanggigigil na nagsalita, "Sa tingin mo ba Jaze hindi ako maglalakas loob na galawin ka dahil may suporta ka ng ama mo?"Matapos sabihin iyon, bago pa makapagreact si Jaze ay parang isang matapang na hayop si Lyxus na idiniin ang binata sa simento at pinagsusuntok ito.Ang utak ni Lyxus ay puno ng imahe ni Eva na nakahiga sa kama na nakasuot ng pantulog at may namumulang mukha. Basa ang buhok nito at pati ang maputi nitong leeg ay namumula.Paanong hindi pa niya nakitang ganito si Eva? She was his woman pero ngayon ay nakahiga ito sa kama ng ibang lalake. Paano lulunukin si Lyxus ang galit nito?Ang suntok nito ay mas pabigat ng pabigat bawat bagsak at nag-iiwan kay Jaze ng walang pagkakataon na gumanti.Nang bigla, isang nanghihina na boses ang nadinig ng tenga nito."Lyxus, itigil mo yan!"Ang mga katagang ito ay dapat na masasakit na salita pero ang pagkakabigkas ni Eva ay masyadong mahina dahil na rin sa pisikal na panghihina niya.
Dinala ni Jaze si Eva sa isang psychiatrist at matapos ang ilang examination, napag-alaman na si Eva ay dumaranas ng matinding depresyon.Ang dahilan ng sakit na ito ay isang sagot sa stress na mayroon ang dalaga. Makita ang mga tao na hindi niya na dapat makita pa.Nang maisip ni Jaze ang pinagdaanan ni Eva, kaagad na nanubig ang mata nito. Inilabas niya ang telepono at may tinawagan na numero."Kuya Link, tulungan mo ko hanapin ang babae na nagngangalang Jam Ignacio."Dalawang oras ang nagdaan, nakaharap ni Jaze si Jam.Ang kamay at paa nito ay nakatali at may itim itong bandana na nakatakip sa mata nito. Paulit-ulit itong nagmumura.Nakatayo lang sa gilid si Jaze, naninigarilyo at tahimik na pinagmamasdan ito.Dahil sa babaeng ito ay matindi ang pinagdaanan ni Eva ng ilang taon. Ito rin ang dahilan kung bakit naisipan ni Eva na magpakamatay ng ilang beses.Gaano ba kasama ang babae na ito na pipilitin niya ang sariling anak mapunta sa pagkawalang pag-asa at hindi man lang nagpakita
Nang makita ang dalaga na papalapit, bahagyang umurong palayo si Jam na may nakakatakot na ngiti sa mukha."Ibigay mo sakin ang natitirang pera na hinihingi ko o tatalon ako mula dito pero bago ako tumalon, ipopost ko to sa internet. Sasabihin ko na tinanggal ako ni Lyxus nang walang dahilan para pigilan akong makalapit sa iniibig niya na tumalon ako sa gusali na to dahil nawalan ako ng trabaho at sobra akong nadepress.""Sa tingin mo Eva, ang insidente kaya ngayon sa selebrasyon ngayon ay magkakaroon ng malaking epekto kay Lyxus? Kung ayaw mong mangyari to, ihanda mo nalang ang pera para sakin dahil kung hindi, ikaw ang magdadala ng kahihinatnan nito."Habang nagsasalita ito ay pinakita nito ang kopya na matagal na nitong ginawa. Sa ibabaw ng sulat ay mga imahe at nagpapahiwatig ng isang napakanakakahabag na sitwasyon.Alam ni Eva na pag ang bagay na ito ay nalaman nv media, ito ang magiging walang katapusang usap-usapan. Dagdag pa dito, anniversary celebration ngayon ng Villanueva G
Natulala si Eva ng ilang sandali at tumingala kay Lyxus."Anong sinabi mo?"Pinisil ni Lyxus ang pisngi niya at nagbiro, "Syempre ipapadala ko ang mga gamit mo sa opisina mo or ipadala ko sakin?"Any mga sinabi ng binata ay agad na nagpapula sa mata ni Lea."Kuya Lyxus, hindi mo man lang ba ipapasukat sakin?"Nagtaas ng kilay si Lyxus at tumingin dito, sabay kaswal na sinabi, "Itong damit na ito hindi babagay sayo. Tumingin ka nalang ng iba at ako na magbabayad."Matapos sabihin iyon, inakbayan ng binata si Eva at bumaba nang hindi hinihintay ang reaksyon ni Lea.Nakatingin lang si Lea sa likod ng dalawa at nagsimulang umiyak sa pighati."Tita, Hindi naman gugustuhin ni Kuya Lyxus maging babaeng kaparehas si Secretary Tuason diba? Ano na kailangan kong gawin ngayon?"Pinunasan ni Mrs. Villanueva and luha nito at sinuyo, "Wag ka mag-alala, ang posisyon bilang batang Madam ng pamilya Villanueva ay para sayo lang. Ayusin mo dapat ang sarili mo sa darating na pagtitipon at panigurado maki