Home / Romance / Heiress Bodyguard / Chapter 5: Unexpected call

Share

Chapter 5: Unexpected call

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2024-03-02 23:52:21

NAPABALIKWAS nang bangon si Kana nang mapagtanto na nasa hospital siya. Pagmulat niya kasi kanina, napasinghot siya dahil parang iba nga sa pang-amoy niya ang kinaroroonan. Halos puti kaya mabilis na gumana ang ulo niya. 

“Hospital?! Sh*t!” Sabay talon mula sa kama. At akmang huhubarin niya ang hospital gown nang biglang bumukas iyon at iniluwa ang magulang niya kasama si Cassandra at Lily.

“Oh, girl, gising ka na!” bulalas ng dalawa.

“Y-yeah. What are you two doing here? Where are France and Mera?”

“Umuwi lang saglit, friend.” Tumango siya kay Lily.

Tumingin siya sa ina na maga ang mata. “M-Mom, what happened?”

“Why didn’t you tell us about your—”

“Mrs. Palma.” Hindi na natuloy ng ina ang sasabihin nang putulin iyon nang isang pamilyar na boses.

Nanlaki ang mata niya nang makilala ito. Ang doctor niya na tumingin sa kanya at nag-diagnose na may cancer siya!

Anong ginagawa nito dito? Nasabi na ba nito sa magulang niya kaya ganoon na lang ka-maga ang mata ng ina? Wala siyang makita na luha sa ama pero ang mata nito ay namumula.

Sunod-sunod ang lunok niya nang tumingin sa kanya ang doctor.

“D-doc, s-sinabi niyo na po ba?” tanong niya.

Ngumiti sa kanya ang doctor bago tumango. Agad nitong pinaliwanag sa kanya na agad siya nitong pinadala sa ospital nito nang makilala siya. Pumunta lang daw ito sa ospital na pinagdalhan sa kanya noong una dahil may dinalaw na kaibigang naka-confine doon. At saktong dumating din ang magulang niya kaya agad nitong pinaliwanag sa magulang niya ang possible na nangyari sa kanya. Yeah, hindi nga siya nalasing kaya nakakapagtaka na nagsuka siya. Never pa siyang sumuka kahit na gaano pa siya kalasing.

Napapikit si Kana nang yakapi siya ng ina nang mahigpit. Maging ang ama niya ay ganoon din. 

“Kaya ba gusto mong open ng bar para malibang ka, huh? At kaya ba bigla kang nahilig sa pag-travel nitong mga nagdaan?” naiiyak na tanong ng ina. “A-at ‘yong party na dinaluhan ng mga kaibigan mo sa villa, p-para ba ‘yon sa ‘yo, anak?” Kagat ang labi na tumango siya sa ina.

“Oh, Kana… baby.” Isang mahigpit na yakap ang sumunod na ginawa ng ina mayamaya. 

Dahil sa nalaman ng ina, kinausap nito ang ama at hiniling na sundin ang lahat nang kahilingan niya. As in lahat-lahat. Pero hindi siya na-check up ng mga sandaling iyon dahil biglang nasira ang MRI scanner ng ospital na iyon. At dahil nahuhulaan na niya ang magiging findings, nagpumilit siya sa magulang na umuwi na lang. Okay naman na ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon. At babalik na lang siya sa sunod na araw. Ang sabi niya rin, wala namang mababago sa resulta, mamatay pa rin siya. Frustrated na siya nang sabihin iyon kaya pinayagan na siya ng ama. Pero gusto nitong sa CMC siya magpa-second opinion at pumayag naman siya, but, not now.

Nang mga sumunod na araw, lagi nilang kasama ang ama sa bahay nila. Nag-leave pala ito sa trabaho. Ang ina naman abala sa paghahanda at pag-aasikaso sa kanila. Lalong sumaya si Kana nang ibalita ng ama na nakakuha ito ng magandang pwesto sa may Timog para sa bar na gusto niya. Kaya iyon ang sumunod na pinagkaabalahan niya. Pinahiram din sa kanya ng ama ang isang staff nito sa planning department mula sa kumpanya nito. At para maibalik din ang kabutihan ng magulang, pumayag siyang i-train sa kumpanya nito at sa publishing house ng ina.

Araw nang check-up niya noon sa CMC kasama ang magulang kaya maaga silang gumayak. Ang ina niya, kabado na. Maging siya din naman pero hindi niya pinapahalata. Ama niya ang may gusto ng second opinion dahil wala itong tiwala sa ospital na pinuntahan niya. Hindi raw gaya ng CMC na subok na pagdating sa ganoong field. Saka kaibigan nito ang doctor na pupuntahan nila kaya sigurado ito na accurate ang magiging findings. 

Nang lumabas ang araw ng result ng isinagawang tests ay kumpleto rin sila. At hindi akalain ni Kana na ang resultang iyon ang makakapagpabago ng buhay niya. 

SAMANTALA, sa rehas lang nakatingin si John. Hinihntay niyang may lumapit doon at sabihing may dalawa siya. Ilang buwan na pero walang Sigrid na bumalik. Kahit na si Jackson na isa rin sa tauhan niya ay hindi na rin bumalik. Ang dami na niyang nami-miss sa labas. Sabi nga niya, ang last resort niya ay ang dating superior, si Astin Kier Hernandez.

Nang may nakitang dumaan na officer ay tinawag niya ito at tinanong kung may dalawa siya. Muli, nabigo siya. Dumating din ang araw nang napag-usapan nila ng kaibigan pero hindi ito dumating. Ni isa sa mga tauhan niya ay walang dumalaw sa kanya pero nakiusap siya sa isang opisyal na nagbabantay sa kanila na tawagan ang dati niyang superior pero walang sumasagot. Ang sabi, baka nagpalit ng numero. Hindi niya alam ang numero ng bahay nito kaya doon na siya pinanghinaan nang loob.

“‘Wag kang mag-alala, makakalaya ka rin bata. Sa nakikita ko sa ‘yo, mabuti kang tao. Kaya ngayon pa lang magpasalamat ka sa akin,” ani ng isang kasama niya na matanda sa seldang iyon. Tiningnan niya lang ito dahil mukhang malabo iyon.

“Ayoko na hong umasa,” aniya rito sabay sandal sa pader.

Pero nakatanim na sa isipan niya ang pangalan ni Rogando. Sa huling pag-uusap nila ni Sigrid, nabalitaan niyang tumaas ang rank nito samantalang nag huling misyon nito ay ang misyon nga nila sa Malaysia.

Hindi maiwasang sariwain ni John ang nangyari iyon nang bumalik siya sa tinutuluyan.

***Flashback***

Gulong-gulo si John habang pinoposasan siya. Ano ba ang kasalanan niya at bakit siya pinosasan kaagad? 

“Nadatnan ang heneral na duguan at nakahandusay sa may banyo. At ikaw lang ang huling umalis sa unit niya. May mga ebidensya din kaming hawak na magpapatunay, Master Sergeant,” ani ng isang otoridad na nagmula pa sa Pilipinas. “Isa pa, naatasan ka para bantayan ang siguridad ni General. Pero ano? Wala ka sa pos—”

“Wala akong kasalanan, Sir,” putol ni John dito. “Maniwala ka’t sa hindi. Kahit tanungin mo pa ang mga kasamahan ko—” Pero natigilan siya nang makitang isa-isang dumaan sa harapan niya ang mga nakasama sa bar. Hindi makatingin ang mga ito sa kanya habang bitbit ang mga gamit ng mga ito.

“Corporal Rogando!” tawag niya rito. Ang mga mata niya ay puno nang pakikiusap na tulungan siya ng mga sandaling iyon.

“Aminin mo na lang sa korte ang kasalanan mo, Serrano,” ani ni Corporal Rogando sa kanya na ikinakuyom niya ng kamao. “Ikaw lang ang may motibong gawin iyon kay General Melchor.”

Tama ba ang intindi niya? Siya ang tinuturo din ng mga ito gayong kasama niya ito kagabi sa bar! Ito pa nga ang halos tumutulak sa kanya sa babaeng nakilala nila sa bar!

“H-hindi totoo ‘yan, Corporal! Alam mo kung sino ang kasama ko magdamag! Hindi ko pinatay si General!” aniya.

“Patunayan mo na lang sa korte, Sergeant.” ‘Yon lang at tinalikuran na siya nito.

***

Napangisi si John, obvious naman na sinet-up lang siya ng mga ito. Sino bang nagyaya sa kanya? Si Rogando din naman. Kaya kung magkakaroon siya ng chance na makalaya rito, una niyang sisingilin talaga si Rogando. 

Simula nang araw na iyon, hindi na siya nag-e-expect na may dadalaw pa sa kanya. Ang ginagawa niya rin para mawala ang pagka-miss sa ina, tumatawag siya rito para hindi na rin ito mag-alala sa kanya. Araw-araw na lang niya lang din inaabala ang sarili sa pagpapakita nang mabuti sa loob ng kulungan. Kahit na ilang beses na siyang pinagtangkaan na patayin doon, hindi pa rin niya hinahayaang siya ang dehado. Minsan, hinahayaan niyang siya ang saktan para makita ng mga nagbabantay na hindi siya ang nauuna, sakaling i-frame up ulit siya.

Two Years Later…

“LAYA ka na, Serrano.” Napakunot ng noo si John nang marinig ang sinabi ng officer na lumapit sa kulungan niya. Kasalukuyan din nitong tinatanggal sa pagka-lock ang kandado.

“Ho?” Hindi pa rin maaalis ang kunot noo sa mukha niya. Paano siya makakalaya? Bakit walang abiso sa kanya ang abogado niya?

“N-nagbibiro lang ho ba kayo?”

“Sa tingin mo?” Bukas na noon ang kulungan. Nasa gilid ito at naghihintay sa paglabas niya. 

Nagkatinginan sila ng matanda. Pero siya lang itong maraming katanungan sa isipan.

“Mukhang seryoso nga siya, bata,” anito.

Hindi alam ni John kung tatalon ba siya sa tuwa ng mga sandaling iyon. Laya na nga siya! At heto, palabas na siya ng kulungan. 

Agad niyang tinawagan ang ina niya na nasa probinsya at sinabing nakalaya na siya at pauwi na siya ng Bicol. Marami siyang na-miss sa ina kaya nagpasya siyang umuwi muna. Gusto niya munang masiguro ang kalagayan nito bago ulit maghanap ng trabaho. Hindi na siya makakabalik sa pagiging sundalo kaya baka mag-apply na lang siya ng bodyguard sa mga establisyemento, sa mga exclusive subdivision, o kahit na ano, magkaroon lang ulit nang pagkakakitaan. 

Kararating pa lang ni John sa bahay nila sa Bicol nang makatanggap siya nang tawag mula sa pinakamataas na opisyal ng military mismo— kay Chief of Staff Atlas Palma. Sa pagkakatanda niya, ilang buwan pa lang siya sa kulungan nang iluklok ito sa posisyon nito. 

At habang nakikinig sa mga sinasabi ng CofS sa kanya, hindi niya maiwasang mapangiti. Pinapa-report kasi siya nito sa opisina nito, immediately. Hindi pa klaro sa kanya ang lahat, pero sa paraan nang pagsasalita nito, kailangan na niyang magsimula sa trabaho bilang bodyguard.

Comments (8)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
yayyyyy parang maging bodyguard Siya ni kana thanks Author sa napakagandang update mo godbless
goodnovel comment avatar
Lalaine Rambo
Ayie Love bka gawin kng BG ni Kana Haha
goodnovel comment avatar
Batangueña03
Ayon oh magkikita na let kayo John ni Kana at naku Humanda ka Rogando laya na si Serrano...Thank you Ms.A
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Heiress Bodyguard   Chapter 6: It's her!

    AGAD na sumaludo si John kay Chief of Staff Atlas Palma nang pumasok ito sa building na iyon. Nasa meeting kasi ito kanina kaya hinintay niya sa upuang tinuro sa kanya ng staff nito. “How was your trip?” Tinanggal nito ang suot nitong headgear nang harapin siya. “A-ayos lang po, Chief.” Tumango sa kanya si Chief Palma kapagkuwan. Pagkagaling sa bus station, dito na siya sa Camp Aguinaldo dumiretso. Iyon din kasi ang bilin nito sa kanya sa telepono. Pero ang immediate nito ay hindi nasunod. Isang linggo ang binigay nito sa kanya na bakasyon kasama ang ina. Pagdating niya kasi, saktong inaapoy ng lagnat ang ina, kaya inasikaso pa niya. Saglit lang sila sa opisina nito bago sila pumunta sa bahay nito. Pagdating nila doon, sinalubong sila ng magandang asawa nito. Hindi lang siya ang kasama ng CofS, meron pang dalawa. Sila pala kasi ang magiging personal na bodyguard nito. Ang isa raw sa kanila, sa misis nito pero hindi pa sigurado kung sino sa kanilang tatlo. Nang gabing iyon, pinaal

    Last Updated : 2024-03-03
  • Heiress Bodyguard   Chapter 7: Annoyed

    NAPAKAPA si Kana sa baba ng dibdib, bandang gilid nang kumirot iyon. Pakiramdam niya, sinasaksak pa rin siya ng mga sandaling iyon. Namamawis na ang kanyang noo Nanginginig din ang katawan niya dahil sa takot, kaya agad na nagpatawag ang ina ng doctor para i-check siya.At dahil hindi kumalma si Kana, napilitan ang doktor na bigyan siya ng gamot para kumalma. Nakatulog din siya ulit. Nang magising, nasa silid na ang ama, sa tabi niya mismo.“How are you, baby?”Medyo sleepy pa ang mata niya. Para siyang nalasing dahil sa mga gamot na naibigay sa kanya.Ngumiti lang siya sa ama at sumagot ng, “I’m good, Dad.”Kinuha nito ang kamay niya at dinala sa labi nito para halikan. Ngumiti din ito kapagkuwan.“Good. Because ilang araw akong mawawala kasi. Ayokong umalis na hindi masigurong nasa maayos ka.” Dinala naman ng ama ang kamay niya sa pisngi nito. “Lahat gagawin ko, makuha lang ang hustisya sa nangyari sa ‘yo.”Speaking of hustisya, tiningnan niya ang ama nang seryoso. “N-nahuli na po b

    Last Updated : 2024-03-05
  • Heiress Bodyguard   Chapter 8: Shocked

    DAHIL hindi naman kayang matapos ni Kana ang mga papeles na dinala ng sekretarya niya, nagpasya siyang hindi na muna uuwi. Tumawag siya sa ina at sinabing marami siyang gagawin.“I’ll tell your dad about this. Alright?”“Thanks, Mom. Love you!” Nang maalala si John ay pinahabol niya sabihing. “So, pwede ko na ho siyang pauwiin, Mom?”“Who?”“John. JJ.”Napangiti si Kana nang sagutin siya ng ina na pauwiin na lang muna niya ang bodyguard. Kaya naman after na pinutol ng ina ang linya, agad siyang lumabas at hinarap ang bodyguard.Napasimangot si Kana nang maabutan sa sala ang boduguard na prenteng nakaupo sa sala. Nakataas ang kamay nito sa armrest ng sofa niya, naka-cross legs pa habang nanonood ng pelikula. Tumingin siya sa upuang dinala dito kanina. Naiwan doon sa may pintuan banda.“What are you doing?”Kalmadong tumingin sa kanya ang bodyguard at ngumiti. “Nanonood ho, ma’am.” Tinuro pa nito ang TV.Nakaramdam siya nang inis sa inasta nito. As if, hindi siya ang amo kung kausapin

    Last Updated : 2024-03-06
  • Heiress Bodyguard   Chapter 9: That night

    NAPABALING si John sa kasamahan nang sikuhin siya nito. Nginuso nito si Kana na sunod-sunod ang lagok ng alak. Nasa loob sila ng VIP room nito. Lima silang nakabantay sa dalawang dalagang nag-iinuman. Pinpalabas sila ng dalaga kanina pero hindi sila natinag dahil kabilin-bilinan ng ama nito na hindi nila pwedeng iwan kahit na sa VIP room pa ‘yan. Kahit na ito pa ang may-ari ng bar na ito.“Grabe! Ang lakas pala ni Senyorita sa alak,” ani ni Tonyo na kasamahan niya. “Masarap siguro siyang kainuman.”Imbes na sumagot, siniko niya ito. Doon pa lang sa salitang masarap na sinabi nito, nainis na siya bigla. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Ayaw niyang naririnig ang mga kasamahan na pinagpapantasyahan si Kana. Kahit na sabihing wala itong gusto sa kanya, pero siya ang nakauna rito. Kung hindi man nito pinapahalagahan iyon, siya oo.Nakatitig lang siya kay Kana habang seryosong nakikipag-usap kay Francy Lou. Nakilala na niya ito noong nasa Malaysia sila. Pero hindi niya magawang maba

    Last Updated : 2024-03-07
  • Heiress Bodyguard   Chapter 10: Her eyes widened

    NAPABALIK si Kana sa sarili nang tumunog ang telepono niya. Agad niyang kinuha iyon sa bag at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napangiti siya nang makita ang pangalan ng caller. Sa isip ni Kana, answer button ang napindot niya, dinala pa niya iyon sa tainga niya. “Grant!” Imbes na may sumagot, tumunog ulit iyon na ikinalayo niya ng telepono sa tainga. Tiningnan niya ang screen. Nawala ba ito sa linya o na-cancel niya? Pinilig na lang muna niya ang ulo, baka sakaling mawala ang kalasingan niya. Dahan-dahan lang ang pag-swipe niya para masagot iyon. “At last!” bungad ni Grant sa kabilang linya. “Where are you?” Napangiti siya sa narinig. “I bet, kakalapag mo lang?” Isa itong piloto kaya bihira niya itong makasama. Pero kababata niya ito at isa na rin sa maituturing niyang bestfriend. Lumabas si Kana sa banyo at tinungo ang labas ng opisina para balikan si Francy Lou. Nakangiti siya noon habang pinapakinggan ang kababata sa kabilang linya. “Oh, yeah. I missed you. Where are y

    Last Updated : 2024-03-08
  • Heiress Bodyguard   Chapter 11

    PAMILYAR na naman ang naramdaman ni Kana nang gumalaw ang labi ni John sa loob niya. Pero mas matindi ang galit na nararamdaman niya para kay John dahil sa nakaraan nila. Kaya naman inipon niya ang lakas niya at tinulak ito palayo sa kanya. Kasunod nga iyon ang mag-asawang sampal na binigay niya dito. Nagulat ito sa ginawa niya. Dumilim pa ang mukha nito. Mukhang siya pa ang may utang rito sa paraan nang tingin nito. Pero sa huli, hindi ito nakaimik.“Get out of the car, John,” aniya sa seryosong himig.“Mabilis lang ang biyahe, tiisin mo na lang muna ang presensya ko,” anito, imbes na sundin siya.“Lumabas ka na sabi, e!” malakas na sigaw niya na ikinatigil ni John. “I. Hate. You!” sigaw niya ulit dito. “I hate you, John! ”Doon na ito natigilan nang matagal. Tumitig din ito sa kanya na puno nang katanungan ang mga mata.“H-hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang init ng dugo mo sa akin, Ma’am,” seryosong sabi nito. Tuluyan nang nawala ang playful na awra nito.Natawa siya nang

    Last Updated : 2024-03-10
  • Heiress Bodyguard   Chapter 12: What if?

    HINDI maipinta ang mukha ni Kana hanggang sa makabihis siya. Hindi raw siya nito type, pero pinatulan siya nito way back? Hindi maintindihan ni Kana ang sarili kung bakit naiinis siya. Pero dapat hindi na siya nagulat. Hindi nga rin nito gustong magkaanak sa kanya kaya ano pa ba ang ini-expect niya? Biglang ragasa na naman sa dibdib ni Kana nang maalala ang nakaraan. Nang mabangga siya ng sasakyan na pagmamay-ari nito, ikinamatay ng batang nasa sinapupunan niya. Nang araw na iyon, naipangako niya sa sariling maghihiganti sa taong gumawa no’n. At ngayon, nandito na nga sa harapan niya ang taong iyon pero parang siya ang napapaikot sa mga palad nito. Para bang mas may kapangyarihan ito sa ngayon, na kahit ang ama ay napapaikot nito. Kung alam lang ng ama ang ginawa nito sa kanya, mag-stay pa kaya ito sa buhay niya?Napatitig siya sa nakatalikod na si Serrano. Hindi talaga matatahimik ang puso niya kung hindi makapaghiganti. Ngayong nagpakita na ito sa kanya ulit, hindi ba magandang pag

    Last Updated : 2024-03-11
  • Heiress Bodyguard   Chapter 13: Flirting

    MAAGANG nagising si John noon para sa oras ng ehersisyo niya. As usual, nilibot niya ang subdivision ng apat na beses bago bumalik sa malaking bahay ng mga Palma. Kalat na ang liwanag noon kaya kailangang punitin na naman ni John ang ngiti para sa apat na kasambahay na araw-araw na bumabati sa kanya sa t’wing babalik siya. “Goodmorning, Sarhento JJ!” kinikilig pa si Angelika na kumaway sa kanya. Ito ang pinakabata sa mga ito. Sa pagkakasabi ng kasamahan niya, 23 years old pa lang ito. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang nakita ng mga ito sa kanya, bakit ganoon na lang kung landiin siya ng mga ito, Sarhento pa rin. Napailing na naman si John. Ilang beses na niyang sinabing hindi na siya sundalo at John na lang ang itawag sa kanya, pero sadyang makulit talaga ang mga ito. “Morning po,” sagot niya pa rin. Hindi naman siya bastos. Saka mga kasamahan pa rin niya itong nagtatrabaho rito sa mga Palma kaya dapat pakisamahan niya nang maayos. Akmang papasok siya sa gate nang makita ang b

    Last Updated : 2024-03-12

Latest chapter

  • Heiress Bodyguard   Chapter 68: Special Chapter / Teaser

    Teaser:Akala ni Kana, tapos na ang isyu sa lupa nila sa Pangasinan. Natuklasan ni Kana na ang kasalukuyang nobya ng panganay na anak na si Kenjie ay anak ng babaeng iyon. Ang mismong ipinagbununtis ng babaeng sumugod sa kanila. At planado ang lahat ng mag-ina. Para makuha sa kanila ang lupang iyon. “Hinding-hindi niyo makukuha ang lupang iyon, Tania. Nakatakdang mapunta talaga sa amin ang lupang iyon. Dahil pag-aari ‘yon ng Mommy ko. Sa Lola ni Kenjie. Naiintindihan mo ba?”Ilang beses na bumalik noon ang anak ni Don Ignacio sa kanila para tangkaing bawiin ang lupa. Bago mamatay ang ama nito ay sinabi nito sa kanila ang dahilan kung bakit sa kanila nito naibigay ang bahagi ng lupang iyon. Yes, bigay lang. Dahil sa ina niyang si Keana. Dahil sa naudlot na pagmamahalan ni Don at ng ina niya.Ang lupang iyon ay pagmamay-ari pala ng ina, na sadyang binili nito para mapalapit kay Don. Pero dahil tutol ang magulang ng huli, nagkahiwalay din ang dalawa. Iniwan ng ina ang lupang iyon kasama

  • Heiress Bodyguard   Chapter 67: Wakas

    KASABAY nang pagpubog ng araw sa bahaging iyon ang muling pagbaon ni John ng sarili sa asawa.For John, mali na bigyan siya nang parusa dahil lamang sa hindi niya pagsabi, na siya ang nakatalik ng asawa sa hotel na iyon sa Texas. Lalo lamang siyang nanabik dito. Isa lamang ito sa hindi niya kayang pigilan kapag nasa paligid ang asawa. Kahit na anong pigil niya, hindi niya kaya. Sa pagkakaalam niya kasi, alam ni Kana na siy ang nakatalik nito nang gabing iyon. At kaya lang siya nawala sa tabi nito dahil sa urgent matter nila. “O-oh, husband. Hindi ka pa ba nagsasawa?” Nakangiting umiling si John sa asawa. “Kasalanan mo ito, hon. Pinag-diet mo ako. Naalala mo? ” Sasagot sana si Kana nang siilin ni John nang halik ang labi niya. Hindi na talaga siya nito hinayaang magreklamo pa.Kanina, sabi ni Kana, baka maapektuhan ang batang nasa sinapupunan niya. Pero hindi naman raw dahil masuyo ito. Baka lang naman makalusot siya. Totoo namang masuyo— no, mabagal. At dahil traydor ang katawan ni

  • Heiress Bodyguard   Chapter 66: Honeymoon time

    Smooth pa sa kumot niyo ang naging seremonya ng kasalang Kana at John. Walang naging problema. Masaya ang lahat ng nakasaksi sa pag-iisang dibdib na iyon. Pero ang higit masaya ay ang bagong kasal, lalo na si John.Nalaman ni Kana na pinapirma ni John si Hazel na wala na itong responsibilidad dito at wag na itong lalapit sa kanilang mag-asawa kapalit ng malaking halaga. Kaya pala talaga natagalan ito sa pakikipag-usap kay Hazel. “John! Saan na naman tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Kana sa asawa nang bigla siyang hilahin nito palapit sa sasakyan. Halos kasing taas yata iyon ng bus. Pero hindi naman kasing haba. Kakatapos lang noon ang pictorial sa labas at ng paghagis niya ng bulaklak. “Honeymoon time, hon.” Kakaiba na ang ngiti sa labi ni John ng mga sandaling iyon.“P-pero kailangan pa tayo sa recep—”Hindi na natuloy ni Kana dahil pinangko na siya ni John at masuyong pinaupo sa loob ng sasakyan. Nilingon niya ang magulang at ang ina ni John, nakangiti ang mga ito. Kumaway din

  • Heiress Bodyguard   Chapter 65: Finally

    “O-okay ka lang?”Matamis na ngumiti si Kana kay Maricel bago ito nilagpasan. Ganoon din kay Astin. Gustong manghina ni Kana. Nasasaktan siya dahil mas inuna ni John na puntahan si Hazel kesa sa seremonya ng kasal nila. As if kailangang kompirmahin muna nito ang nararamdaman kung gusto nga ba nitong magpakasal sa kanya.Pakiramdam din kasi ni Kana ng mga sandaling iyon nagmukha siyang tanga. Napagtanto niyang hanggang ngayon wala siyang alam sa nakaraan ni John kay Hazel. Hindi man lang ito naging open sa kanya.“Kana, magsisimula na ang seremonya. Dapat sabihan mo na si John. What if may schedule pa si father?”Nilingon ni Kana si Maricel. Hindi ba nito nakita ang mga nakita niya?“Kung gusto niyang matali sa akin habang buhay, darating siya. Pero kung ayaw niya, wala na akong magagawa, Maricel.”“Gusto mo bang hilahin ko siya papuntang simbahan?” tanong ni Astin na ikinatawa niya. Pero ang tawa na iyon ay saglit lang.“No need, Astin. Thanks.” Nakikita niya ang guilt sa mga mata ni

  • Heiress Bodyguard   Chapter 64: Who hugged him?

    HANGGANG sa araw ng kasal ni Kana at John, nangungulit ang huli sa kanya. Gaya ng mga naunang sagot niya, walang honeymoon. Pero hindi niya naman iyon totohanin. Kailangan lang nitong pagdusahan ang ginawa nitong pagtago. “I’m so thrilled, anak. Sa wakas ay natupad rin ang pangarap ko na maikasal ka,” maluha-luhang sambit ng ina nang sabihin iyon. Suot na ni Kana ang wedding dress na pinili nila mismo ni John. Lace applique mermaid strapless wedding dress ang napili nilang dalawa. Iyon naman kasi ang unang pumukaw nang atensyon niya nang tumingin sa brochure. Nakita niya rin iyon noon sa isang boutique. Sabi nga niya, sana si John ang lalaking pakakasalan niya. At heto, nangyari nga— mangyayari pa lang pala.“Ako rin po, Mommy. Hindi ko maipaliwanag ang saya.” Hinimas pa niya ang tiyan niya. Dahil din sa magiging anak nila ni John.Napatingin siya kay Kenjie nang bigla nitong halikan ang umbok niya.“I’ll be good to her, Mama. Promise!”“Her?” halos makasabay na sambit nilang mag-in

  • Heiress Bodyguard   Chapter 63: Do you know which room it is?

    “Talaga, hon? Buntis ka?” Saya ang sunod na makikita sa mukha ni John.“Oo, John. P-pero hindi—”Hindi na natuloy ni Kana ang sasabihin nang kabigin siya ni John. Mahigpit na yakap ang ginawa nito pagkuwa’y lumuhod pa para lang halikan ang baby bump niya.“Dapat na siguro na nating madaliin ang kasal, hon. Ayokong lumabas sa mundong ito ang ating anak na hindi mo dala ang apelyido ko.” Lalong lumapad ang ngiti ni John. “Bukas or sa susunod kaya?” Excitement na naman ang pumalit sa mukha ni John.Paano pa masasabi ni Kana ang nais sabihin kung saya na ang nakikita sa mukha ni John. Parang ang hirap na sirain ang sayang pinapakita ni John. Pero kailangan niyang sabihin ang problema niya. Para masolusyunan na.“J-John, before that, um, may aaminin ako sa ‘yo.”Biglang napalis ang magandang ngiti ni John. May kung anong kaba siyang naramdaman. Sa tono ni Kana, parang seryosong usapin iyon. “I-I love you. Really. God knows kung gaano kita mahal. I never loved a man like this before. Neve

  • Heiress Bodyguard   Chapter 62: I'm Pregnant

    Kalmadong naglakad si John palapit sa kanila. Lahat ng tauhan ni Danilo ay may baril at nakatutok mismo kay John. Siya ang kinakabahan sa pagiging kalmado ni John. Pero walang pakialam ang huli. Nakatingin lang ito sa kanya nang seryoso.“Ayos ka lang ba, hon?” tanong nito sa kanya.“Y-yes. I-I’m fine.” Hindi niya alam kung bakit siya nauutal habang nakatingin kay John.“Mabuti naman.” Tumango-tango si John sa kanya. Tumingin ito kay Rogando kapagkuwan.“Maaari mo nang pakawalan si Kana dahil nandito na ako. Ako naman talaga ang kailangan mo. Tama?” Tinaas ni John ang kamay pagkuwa’y hinawi ang jacket para ipakita sa kanila na wala itong dalang armas.“Bilib din ako sa inyo. Natunton niyo ang kinaroroonan namin nang walang kahirap-hirap.”Napangisi si John. “Hindi mo kasi ginalingang magtago. Saka malakas ang pang-amoy ko pagdating sa babaeng mahal ko.” Tumingin si John kay Kana at ngumiti. Blangko lang ang ekspresyon niya.Nang makita ni John ang pisngi ni Kana ay nag-alala si John.

  • Heiress Bodyguard   Chapter 61: His First Love

    ISANG malutong na mura ang pinakawalan ni John nang ibalita sa kanya ni Arvin ang nangyari.Nang i-report nito na may nag-approach kay Kana na hindi kilala ay nagmadali siyang bumiyahe papuntang Davao. Iniwan niya ang anak sa Lola nito na si Keana. Hindi rin naman siya makatulog kaya talagang binalak niyang sundan si Kana ngayon. Nagkaroon ng aberya sa helicopter na gagamitin kaya medyo natagalan ang paglipad nila.Sumalubong sa kanya sa harap ng pharmacy na iyon ang ama ni Kana na si Atlas. Galit na galit ito habang nakikipag-usap sa mga tauhan nitong napatumba lang ng mga tauhan ni Danilo Rogando. Walang nakasunod sa sasakyang dala ni Rogando dahil nakikipaglaban na rin ang mga ito. May back up kasi sila Rogando kaya talagang humarang sa mga daraanan, dahilan para hindi masundan ng mga tauhan ni Chief.“Chief, pwede pa namang ma-trace natin ang kinaroroonan ni Kana,” aniya rito para kumalma ito. Galit na rin siya noon pero walang mangyayari kung ilabas niya din ang galit. Kailangan

  • Heiress Bodyguard   Chapter 60: Abducted

    “UPDATE mo ako, hon, pag-uwi, huh. Kung anong oras ang alis niyo sa Davo airport. Ako na ang susundo sa ‘yo,” dinig ni Kana na sambit nito. “Okay, hon.” Mabilis na halik ang ginawad niya sa anak pagkuwa’y kay John naman. Saglit ding naghinang ang labi nila.Naglalaro ang dalawa noon sa sungkaan. Kakatapos lang din ng mga ito na maglaro ng bilyar. Tapos naisip na naman ni Kenjie na laruin ang binili ng ama nito na sungkaan. Kesyo iyon daw ang nakasanayan ng ama noong bata pa.“Si Kenjie, huh?!” aniy ulit kay John.“Opo. Sige na at male-late ka na.”Napaingos si Kana kay John. Ini-expect na niyang late siya dahil pinagod siya ni John kagabi. Kaya ayon, napasarap ang tulog niya dahil sa pagod.“Sige ka, baka hindi kita paalisin,” dugtong pa ni John.“Bye, Mama ko!” Nakangiting tiningnan ni Kana ang anak. Nakangiti rin si John nang balingan niya ito.“Ingat ka, hon.” Tumango siya rito.“Bye, anak! Bye, hon!” aniya sa dalawa matapos na talikuran ang mga ito.Bitbit ni Kana ang handbag niy

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status