HINDI maipinta ang mukha ni Kana hanggang sa makabihis siya. Hindi raw siya nito type, pero pinatulan siya nito way back? Hindi maintindihan ni Kana ang sarili kung bakit naiinis siya. Pero dapat hindi na siya nagulat. Hindi nga rin nito gustong magkaanak sa kanya kaya ano pa ba ang ini-expect niya? Biglang ragasa na naman sa dibdib ni Kana nang maalala ang nakaraan. Nang mabangga siya ng sasakyan na pagmamay-ari nito, ikinamatay ng batang nasa sinapupunan niya. Nang araw na iyon, naipangako niya sa sariling maghihiganti sa taong gumawa no’n. At ngayon, nandito na nga sa harapan niya ang taong iyon pero parang siya ang napapaikot sa mga palad nito. Para bang mas may kapangyarihan ito sa ngayon, na kahit ang ama ay napapaikot nito. Kung alam lang ng ama ang ginawa nito sa kanya, mag-stay pa kaya ito sa buhay niya?Napatitig siya sa nakatalikod na si Serrano. Hindi talaga matatahimik ang puso niya kung hindi makapaghiganti. Ngayong nagpakita na ito sa kanya ulit, hindi ba magandang pag
MAAGANG nagising si John noon para sa oras ng ehersisyo niya. As usual, nilibot niya ang subdivision ng apat na beses bago bumalik sa malaking bahay ng mga Palma. Kalat na ang liwanag noon kaya kailangang punitin na naman ni John ang ngiti para sa apat na kasambahay na araw-araw na bumabati sa kanya sa t’wing babalik siya. “Goodmorning, Sarhento JJ!” kinikilig pa si Angelika na kumaway sa kanya. Ito ang pinakabata sa mga ito. Sa pagkakasabi ng kasamahan niya, 23 years old pa lang ito. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang nakita ng mga ito sa kanya, bakit ganoon na lang kung landiin siya ng mga ito, Sarhento pa rin. Napailing na naman si John. Ilang beses na niyang sinabing hindi na siya sundalo at John na lang ang itawag sa kanya, pero sadyang makulit talaga ang mga ito. “Morning po,” sagot niya pa rin. Hindi naman siya bastos. Saka mga kasamahan pa rin niya itong nagtatrabaho rito sa mga Palma kaya dapat pakisamahan niya nang maayos. Akmang papasok siya sa gate nang makita ang b
“OH, KANA,” anas ni John sa tainga niya. “Hindi ko akalaing mayayakap kita ulit nang ganito. Pakiramdam ko, para akong sinisilaban ngayon dahil sa pagdikit ng mga balat natin.” Kasunod niyon ang masuyong paghalik ni John sa sulok ng labi ni Kana. Bumaba pa iyon hanggang sa mahuli nito ang labi niya. Sabay pa silang napasinghap sa loob nang salubungin iyon ng dalaga.Kahit si Kana, hindi rin niya akalaing mararamdaman ulit ang ganitong pakiramdam. Yakap at mga halik ni John ang isa sa hinahanap niya after nilang maghiwalay ng gabing iyon. Kung nagising lang siyang nasa tabi pa niya si John, baka hindi na niya pinakawalan noon ang binata.Naiyakap ni Kana ang hita sa bewang ni John nang pangkuin siya nito. Hindi man lang bumibitaw ang labi nila habang naglalakad si John. Namnam niya ang masarap at maiiniy nitong halik. Dagdag pa ang posisyon niya rito.Imbes na sa silid niya, sa isang aesthetic na drawer sa sulok ng sala niya siya dinala ni John. Saglit itong bumitaw at inipon nito ang
NAGISING ang diwa ni KANA sa malikot na kamay na naglalaro sa dunggot niya. May ideya na siya kung sino iyon. Nagmulat siya ng mata para tingnan kung tama ba ang nasa isipan niyang nanggigil sa dunggot niya. Bumungad sa kanya ang nakapit pero nakalabi na si John. Nakayakap din ito sa kanya nang mahigpit. Natigilan siya nang maalalang sa sasakyan siya nakatulog. Pinangko siya nito? Pero bakit dito siya natulog? Wala naman siyang sinabi na matulog ito dito.Napangiti siya mayamaya nang muling lumabi ang binata, kasunod niyon ang paglapit ng mukha nito sa kanyang dibdib para halikan siguro. Doon na niya ito pinigil.“Ouch, hon!” Biglang mulat si John ng mata nang hampasin niya ito sa braso. Kasunod din niyon ang pagtanggal nito ng kamay sa dibdib niya.“Ano? Masakit, huh?” Naupo siya kapagkuwan.“Hon?” Ngumiwi pa si John habang sapo ang hinampas niya. “Bakit naman ganoon kalakas?”“Eh kasi, istorbo ka sa pagtulog ko!” Actually, oras na rin naman talaga nang gising niya.“Oh. Akala ko da
“WALA po, Chief,” sagot ni John nang tanungin siya ng chief of staff kung may ibang lalaking kinakausap ang anak nito. Tinitigan siya ng ama ni Kana bago nagsalita. “Sure?” “Yes, Chief.” Nang maalala si Grant ay sinalubong niya ang kakaibang tingin ng ama ng dalaga sa kanya. “S-si Grant po pala, Sir.” Napaangat ng kilay si Atlas sa narinig kay John. “Si Grant. Yeah, right. Si Grant nga pala. Other than him?” Umiling si John. Pero deep inside, kinakabahan siya dahil siya ang kasama recently ni Kana. At hindi lang basta kasama, kinakasama! Napahilot si Atlas ng noo pagkuwa’y bumuntonghininga. Bahagyang napasuntok pa ito sa bubong ng sasakyan nito na ikinalabas ng driver nito Nilingon siya mayamaya nito na frustrated ang mukha. “Alam mo bang dalawang taon nang wala sa amin ang anak namin? I mean, ang dating Kana. ‘Yong lively. Funny. ‘Yong anak kong walang iniisip kung hindi ang magsaya o ‘di kaya gumala. Ngayon, everytime na nakikita ko siya, napapaisip ako. Parang hindi siya an
HINDI pa man nakakaapak si Kana sa hagdan nang makita ang magulang na papalabas ng silid ng mga ito. Bihis na bihis kaya alam niyang sa party ang mga ito pupunta. Hinintay na lang niya na makababa ang mga ito. “Kana, anak!” Masaya si Atlas nang makita ang anak. Kanina pa nito hinihintay si Kana dahil balak niyang isama sa party since wala ngayon si John sa tabi nito. “How have you been these past few days?” “I’m good,” tipid lang na sagot ni Kana. “That’s great, anak.” Tumingin ang ina sa ama kaya nahalata niyang mukhang iniisip siya ng mga ito. Sabagay, always naman. Walang araw na hindi nangungumusta at tumatawag ang ina sa opisina. Ang ama naman niya, text o ‘di kaya audio message. Masaya siya dahil sa concern ng mga ito sa kanya. Though alam niyang may tampo ang mga ito sa kanya. Tumango siya sa ama bago lumapit sa ina para halikan ito sa pisngi. Ayaw lang niyang masira ang dress ng ina kaya hindi na niya “How about me?” ani ng ama ni Kana. “Wala?” Parang nagtatampo kuno a
SUNOD-SUNOD ang buga ni Kana sa usok nang tumabi sa kanya si John. Hindi niya ito binalingan pero alam niyang nakatingin ito sa kanya. Dinig pa niya ang pagpakawala nito nang buntonghininga.“N-ngayon ko lang nakilala ang pinsan mo, hon. S-saka si Dariel ang m-may pakana no’n. ‘Di ko na siya napigil dahil biglang tawag niya kay Simone. Promise, nagsasabi ako ng totoo!” Sabay angat pa nito ng kanang kamay.Bumaling si Kana kay John pagkuwa’y ngumiti. Pero ang ngiting iyon ay hindi umabot ng mata niya kaya biglang nabalisa si John. Akmang hahawakan nito ang braso ni Kana nang ilayo nito ang sarili sa binata.“You don’t have to explain yourself, John. Nagbibiro lang ako nang sabihin ko iyon. Saka mabait si Simone, magugustuhan mo rin siya.” Humithit pa siya nang sunod-sunod at muling tumingin kay John.Sooner or later, malalaman naman ni John ang totoong pakay niya rito. Kaya dapat simulan na nitong makipagkilala o makipagmabutihan kay Simone. Binabalaan na niya ito ngayon. Kung papatula
“A-ANONG ginagawa mo rito?” Mabilis na binalik niya ang cycling shorts pagkuwa’y pinulot ang dress saka tinakip sa sarili. “Hindi ka man lang kumatok, John. Namimihasa ka na,” aniyaNapaangat ng kilay si John. “Hindi ka pa rin ba sanay sa presensya ko? Nakita ko na ‘yan lahat, kaya bakit mo pa tinatago? Saka hindi kita pipilitin. Mas masarap kung parehas natin ang gusto.”Nanayo ang balahibo ni Kana sa mga sinabi ni John. Tama bang sabihin iyon? Wala na ba itong nasa isip kung hindi ang sex?Naglakad ito palapit sa kanya. “Sira ang shower sa kabila kaya makikiligo lang ako,” dugtong pa nito. “Saka baka magalit ka, amoy Simone ako. Inuunahan na kita.”“Ah, John! Tigilan mo nga ako!”“Bakit ko pipigilan ang sarili ko, Kana? Sa ‘yo lang ako ganito kaya dapat na matuwa ka.”“Huh! Wala akong pakialam, John! Kaya manahimik ka na. Kung gusto mong maligo rito, sige. Pero patapusin mo muna ako.”Imbes na umalis, humakbang si John palapit sa kanya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa pagk
Teaser:Akala ni Kana, tapos na ang isyu sa lupa nila sa Pangasinan. Natuklasan ni Kana na ang kasalukuyang nobya ng panganay na anak na si Kenjie ay anak ng babaeng iyon. Ang mismong ipinagbununtis ng babaeng sumugod sa kanila. At planado ang lahat ng mag-ina. Para makuha sa kanila ang lupang iyon. “Hinding-hindi niyo makukuha ang lupang iyon, Tania. Nakatakdang mapunta talaga sa amin ang lupang iyon. Dahil pag-aari ‘yon ng Mommy ko. Sa Lola ni Kenjie. Naiintindihan mo ba?”Ilang beses na bumalik noon ang anak ni Don Ignacio sa kanila para tangkaing bawiin ang lupa. Bago mamatay ang ama nito ay sinabi nito sa kanila ang dahilan kung bakit sa kanila nito naibigay ang bahagi ng lupang iyon. Yes, bigay lang. Dahil sa ina niyang si Keana. Dahil sa naudlot na pagmamahalan ni Don at ng ina niya.Ang lupang iyon ay pagmamay-ari pala ng ina, na sadyang binili nito para mapalapit kay Don. Pero dahil tutol ang magulang ng huli, nagkahiwalay din ang dalawa. Iniwan ng ina ang lupang iyon kasama
KASABAY nang pagpubog ng araw sa bahaging iyon ang muling pagbaon ni John ng sarili sa asawa.For John, mali na bigyan siya nang parusa dahil lamang sa hindi niya pagsabi, na siya ang nakatalik ng asawa sa hotel na iyon sa Texas. Lalo lamang siyang nanabik dito. Isa lamang ito sa hindi niya kayang pigilan kapag nasa paligid ang asawa. Kahit na anong pigil niya, hindi niya kaya. Sa pagkakaalam niya kasi, alam ni Kana na siy ang nakatalik nito nang gabing iyon. At kaya lang siya nawala sa tabi nito dahil sa urgent matter nila. “O-oh, husband. Hindi ka pa ba nagsasawa?” Nakangiting umiling si John sa asawa. “Kasalanan mo ito, hon. Pinag-diet mo ako. Naalala mo? ” Sasagot sana si Kana nang siilin ni John nang halik ang labi niya. Hindi na talaga siya nito hinayaang magreklamo pa.Kanina, sabi ni Kana, baka maapektuhan ang batang nasa sinapupunan niya. Pero hindi naman raw dahil masuyo ito. Baka lang naman makalusot siya. Totoo namang masuyo— no, mabagal. At dahil traydor ang katawan ni
Smooth pa sa kumot niyo ang naging seremonya ng kasalang Kana at John. Walang naging problema. Masaya ang lahat ng nakasaksi sa pag-iisang dibdib na iyon. Pero ang higit masaya ay ang bagong kasal, lalo na si John.Nalaman ni Kana na pinapirma ni John si Hazel na wala na itong responsibilidad dito at wag na itong lalapit sa kanilang mag-asawa kapalit ng malaking halaga. Kaya pala talaga natagalan ito sa pakikipag-usap kay Hazel. “John! Saan na naman tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Kana sa asawa nang bigla siyang hilahin nito palapit sa sasakyan. Halos kasing taas yata iyon ng bus. Pero hindi naman kasing haba. Kakatapos lang noon ang pictorial sa labas at ng paghagis niya ng bulaklak. “Honeymoon time, hon.” Kakaiba na ang ngiti sa labi ni John ng mga sandaling iyon.“P-pero kailangan pa tayo sa recep—”Hindi na natuloy ni Kana dahil pinangko na siya ni John at masuyong pinaupo sa loob ng sasakyan. Nilingon niya ang magulang at ang ina ni John, nakangiti ang mga ito. Kumaway din
“O-okay ka lang?”Matamis na ngumiti si Kana kay Maricel bago ito nilagpasan. Ganoon din kay Astin. Gustong manghina ni Kana. Nasasaktan siya dahil mas inuna ni John na puntahan si Hazel kesa sa seremonya ng kasal nila. As if kailangang kompirmahin muna nito ang nararamdaman kung gusto nga ba nitong magpakasal sa kanya.Pakiramdam din kasi ni Kana ng mga sandaling iyon nagmukha siyang tanga. Napagtanto niyang hanggang ngayon wala siyang alam sa nakaraan ni John kay Hazel. Hindi man lang ito naging open sa kanya.“Kana, magsisimula na ang seremonya. Dapat sabihan mo na si John. What if may schedule pa si father?”Nilingon ni Kana si Maricel. Hindi ba nito nakita ang mga nakita niya?“Kung gusto niyang matali sa akin habang buhay, darating siya. Pero kung ayaw niya, wala na akong magagawa, Maricel.”“Gusto mo bang hilahin ko siya papuntang simbahan?” tanong ni Astin na ikinatawa niya. Pero ang tawa na iyon ay saglit lang.“No need, Astin. Thanks.” Nakikita niya ang guilt sa mga mata ni
HANGGANG sa araw ng kasal ni Kana at John, nangungulit ang huli sa kanya. Gaya ng mga naunang sagot niya, walang honeymoon. Pero hindi niya naman iyon totohanin. Kailangan lang nitong pagdusahan ang ginawa nitong pagtago. “I’m so thrilled, anak. Sa wakas ay natupad rin ang pangarap ko na maikasal ka,” maluha-luhang sambit ng ina nang sabihin iyon. Suot na ni Kana ang wedding dress na pinili nila mismo ni John. Lace applique mermaid strapless wedding dress ang napili nilang dalawa. Iyon naman kasi ang unang pumukaw nang atensyon niya nang tumingin sa brochure. Nakita niya rin iyon noon sa isang boutique. Sabi nga niya, sana si John ang lalaking pakakasalan niya. At heto, nangyari nga— mangyayari pa lang pala.“Ako rin po, Mommy. Hindi ko maipaliwanag ang saya.” Hinimas pa niya ang tiyan niya. Dahil din sa magiging anak nila ni John.Napatingin siya kay Kenjie nang bigla nitong halikan ang umbok niya.“I’ll be good to her, Mama. Promise!”“Her?” halos makasabay na sambit nilang mag-in
“Talaga, hon? Buntis ka?” Saya ang sunod na makikita sa mukha ni John.“Oo, John. P-pero hindi—”Hindi na natuloy ni Kana ang sasabihin nang kabigin siya ni John. Mahigpit na yakap ang ginawa nito pagkuwa’y lumuhod pa para lang halikan ang baby bump niya.“Dapat na siguro na nating madaliin ang kasal, hon. Ayokong lumabas sa mundong ito ang ating anak na hindi mo dala ang apelyido ko.” Lalong lumapad ang ngiti ni John. “Bukas or sa susunod kaya?” Excitement na naman ang pumalit sa mukha ni John.Paano pa masasabi ni Kana ang nais sabihin kung saya na ang nakikita sa mukha ni John. Parang ang hirap na sirain ang sayang pinapakita ni John. Pero kailangan niyang sabihin ang problema niya. Para masolusyunan na.“J-John, before that, um, may aaminin ako sa ‘yo.”Biglang napalis ang magandang ngiti ni John. May kung anong kaba siyang naramdaman. Sa tono ni Kana, parang seryosong usapin iyon. “I-I love you. Really. God knows kung gaano kita mahal. I never loved a man like this before. Neve
Kalmadong naglakad si John palapit sa kanila. Lahat ng tauhan ni Danilo ay may baril at nakatutok mismo kay John. Siya ang kinakabahan sa pagiging kalmado ni John. Pero walang pakialam ang huli. Nakatingin lang ito sa kanya nang seryoso.“Ayos ka lang ba, hon?” tanong nito sa kanya.“Y-yes. I-I’m fine.” Hindi niya alam kung bakit siya nauutal habang nakatingin kay John.“Mabuti naman.” Tumango-tango si John sa kanya. Tumingin ito kay Rogando kapagkuwan.“Maaari mo nang pakawalan si Kana dahil nandito na ako. Ako naman talaga ang kailangan mo. Tama?” Tinaas ni John ang kamay pagkuwa’y hinawi ang jacket para ipakita sa kanila na wala itong dalang armas.“Bilib din ako sa inyo. Natunton niyo ang kinaroroonan namin nang walang kahirap-hirap.”Napangisi si John. “Hindi mo kasi ginalingang magtago. Saka malakas ang pang-amoy ko pagdating sa babaeng mahal ko.” Tumingin si John kay Kana at ngumiti. Blangko lang ang ekspresyon niya.Nang makita ni John ang pisngi ni Kana ay nag-alala si John.
ISANG malutong na mura ang pinakawalan ni John nang ibalita sa kanya ni Arvin ang nangyari.Nang i-report nito na may nag-approach kay Kana na hindi kilala ay nagmadali siyang bumiyahe papuntang Davao. Iniwan niya ang anak sa Lola nito na si Keana. Hindi rin naman siya makatulog kaya talagang binalak niyang sundan si Kana ngayon. Nagkaroon ng aberya sa helicopter na gagamitin kaya medyo natagalan ang paglipad nila.Sumalubong sa kanya sa harap ng pharmacy na iyon ang ama ni Kana na si Atlas. Galit na galit ito habang nakikipag-usap sa mga tauhan nitong napatumba lang ng mga tauhan ni Danilo Rogando. Walang nakasunod sa sasakyang dala ni Rogando dahil nakikipaglaban na rin ang mga ito. May back up kasi sila Rogando kaya talagang humarang sa mga daraanan, dahilan para hindi masundan ng mga tauhan ni Chief.“Chief, pwede pa namang ma-trace natin ang kinaroroonan ni Kana,” aniya rito para kumalma ito. Galit na rin siya noon pero walang mangyayari kung ilabas niya din ang galit. Kailangan
“UPDATE mo ako, hon, pag-uwi, huh. Kung anong oras ang alis niyo sa Davo airport. Ako na ang susundo sa ‘yo,” dinig ni Kana na sambit nito. “Okay, hon.” Mabilis na halik ang ginawad niya sa anak pagkuwa’y kay John naman. Saglit ding naghinang ang labi nila.Naglalaro ang dalawa noon sa sungkaan. Kakatapos lang din ng mga ito na maglaro ng bilyar. Tapos naisip na naman ni Kenjie na laruin ang binili ng ama nito na sungkaan. Kesyo iyon daw ang nakasanayan ng ama noong bata pa.“Si Kenjie, huh?!” aniy ulit kay John.“Opo. Sige na at male-late ka na.”Napaingos si Kana kay John. Ini-expect na niyang late siya dahil pinagod siya ni John kagabi. Kaya ayon, napasarap ang tulog niya dahil sa pagod.“Sige ka, baka hindi kita paalisin,” dugtong pa ni John.“Bye, Mama ko!” Nakangiting tiningnan ni Kana ang anak. Nakangiti rin si John nang balingan niya ito.“Ingat ka, hon.” Tumango siya rito.“Bye, anak! Bye, hon!” aniya sa dalawa matapos na talikuran ang mga ito.Bitbit ni Kana ang handbag niy