“P-pamilyar sa akin a-ang bisita mo,” seryosong sabi ni John. “Sino? Si Danilo? Yeah, magkakilala kayo, I remember.” “Pwede ba akong pumasok?” Umiling si Kana. “I’m sorry pero hindi pwede. Business meeting ito, John. Maybe mamaya after ng meeting? What do you think?” Napatitig si John sa dalaga. Nang maalalang naghihintay sa kanya sila Astin ay nagdesisyon na lang siya na ‘wag magpakita muna rito. Hindi pa naamn siya nakikita nito kaya “‘Wag na lang pala, hon. Next time na lang siguro.” Akmang hahalikan niya ito sa noon nang bahagya siyang itulak nito. “Hon?” Nasa malayo naman ang bodyguard at mga nakatalikod ang mga ito dahil sa utos niya. “Makita tayo sabi, e.” Hindi maintindihan ni John ang sarili kung bakit parang nasaktan siya. Parang ayaw niya nang patago na relasyon. “Go. Kailangan ko nang bumalik sa loob. Gusto ko nang magpahinga rin,” taboy sa kanya mayamaya ni Kana. Tumango si John at ngumiti sa dalaga. Hindi na niya natanong sa dalaga ang tanong sa isipan niya. Per
BUSINESS PARTNER. ‘Yan ang sabi ni Kana kay John nang tanuningin nito ang dalaga. Medyo nainis lang si John kasi isang tawag lang ni Rogando dito, sumusunod si Kana. Papunta na sila ngayon sa restaurant na pagkikitaan nito at ni Rogando.“Hon,”“Hmm?”“Nagseselos ako,” ani ni John na ikinatigil niya. Naglalagay si Kana ng make up ng mga sandaling iyon habang ito ay nagmamaneho. Tinitigan niya ito at seryoso ito habang nakatingin din sa kanya. Saktong huminto na rin sila dahil sa nagpalit na ang traffic lights.“Bakit?” wala sa sariling tanong ni Kana. Shocked lang ang dalaga dahil sa pagiging straightforward nito. Actually, hindi pa siya sanay kay John.“Isang tawag lang ni Rogando sa ‘yo, makikipagkita ka kaagad. Sa akin kaya?”Napataas ng kilay si Kana. “John, he’s my business partner, malamang na makikipagkita ako agad. Alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang partnership na ito.” Basta ang isip niya kasi ngayon, magkaroon pa ng ibang venture May bubuksan kasi silang cocktai
BOTHERED si Kana sa naging tanong ni Simone matapos niyang patayin ang tawag nito. Pero tumanggi siyang sumagot sa naging tanong nito at maayos na nagpaalam rito. After all, pinsan niya pa rin naman ito. Never niyang ginagawang topic ang bagay na ito dahil parang pinipiga ang dibdib niya. At kay Francy Lou lang niya talaga nao-open ang bagay na ito.Nag-iba ang mood ni Kana ng mga sumunod na araw. Ilang beses na siyang tinatanong ni John pero hindi siya nagsasalita. Nawala na siya sa mood, totally. Dumadami na kasi ang taong nakakaalam ng sekreto niya. Una, si Danilo Rogando. Kaya hindi niya mahindian ang hiling nito minsan kasi alam nito ang sekreto niya. Si Rogando ang nag-suggest ng lugar sa kanya sa Cebu at nakita naman niyang maganda ang balik kaya talagang pinush niya. Pangalawa si Francy Lou. At ang pangatlo? Ang hindi niya inaasahan, si Simone.Wala siyang problema noon kay Simone dahil bihira naman sila mag-usap. Hi and hello lang sila talaga noon pa. Pero masasabing close?
MAG-ISANG naiwan si John sa mesa nila ni Kana. Ibang saya ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon dahil tanggap siya ng mga kamag-anak ni Kana. Si Simone? Hindi na problema para sa kanya dahil mukhang supurtado nito ang pinsan. Pinagmasdan lang ni John ang dalaga habang nakikipag-usap ito sa ibang pinsan nito. Niyaya naman siya nito pero baka ma-out of place siya kaya hindi na siya sumama. Pero panay naman ang lingon sa kanya ng dalaga at tinatanong siya nito kung okay lang ba siya. Mayamaya lang ay natuon ang tingin niya sa celebrator, sa kanya ito nakatingin. Palapit din ito sa kanya. Ngumiti ang Ginang nang matamis kaya ngumiti din siya. Pero natigilan siya nang lagpasan siya nito. “I’m glad you came, hijo!” Napataas ng kilay si John nang makilala ang sinalubong ng Ginang. Walang iba kung hindi ang kababata ni Kana na si Grant. Nakaramdam na naman siya nang inis. Nandito na naman ito kaya siguradong tataas na naman ang dugo niya. “I’m sorry, sobrang late ako, Tita. Late
“SA susunod, pagsabihan mo ‘yang half-sister mo, Atlas! Ang hilig niya makialam sa buhay nang may buhay! As if siya ang head ng pamilya na ito para sabihin iyon kay John! Huh!” Hindi na maiwasang ibulalas ni Keana ang galit sa asawa nang tawagan nito ito sa opisina nito. Simula’t sapul, may tensyon na talaga sa pagitan ni Kean at Ramona. Ayaw nito sa kanya dahil hindi raw niya ka-level ang kapatid nito. Samantalang lumaki din ito sa hirap. Sa pagkakaalam niya, later na kinilala ni Atlas ito bago mamatay ang ama nito. Iyon ang kaisa-isang hiling nito kay Atlas bago ito pumanaw. Alam niyang disrespectful sa ama ni Atlas kung i-offend niya ito, pero hindi siya makakapayag na ang kaligayahan ng anak ay matigil.“Love, calm down. Okay?” natatawa si Atlas sa asawa pero hindi natawa si Keana. Kumukulo pa rin talaga ang dugo niya sa bunsong kapatid nito.“Paano ako kakalma kung ginawa niya rin kay John ang ginawa niya sa akin noon! My God! Kaya ayoko talagang nagpupunta ang anak natin sa bah
IMBES na makapokus sa trabaho si Kana, hindi niya magawa. Ukupado ni John ang isip niya. Ilang linggo nang kakaiba ang kinikilos ni John sa kanya. Sa tuwing tinatanong niya kung ano ba ang problema, tatawagin siya nitong hon tapos magiging malambing at sasabihin na wala naman daw. Sumasakit ang ulo niya kakaisip nang dahilan. Tinanong na niya si Simone at ang Mommy niya pero wala namang sinabi ang mga ito. Maging ang mga kasamahan ni John na sumusunod sa kanila lagi ay wala ring idea. Kaya malapit nang sumabog ang isipan niya kakaisip ng dahilan kung bakit biglang nagbago ang isip nito. Umattend nga siya ng conference, ang ending, panay ang tanong niya kay Maricel ng mga napag-usapan. Mabuti na lang at may minutes ito ng kanilang meeting at doon nito binabase ang mga sagot sa mga naging tanong niya. May time na napapasimangot siya dahil hindi siya sang-ayon sa napag-usapan, and yet, pinaglapas niya. “Sh*t!” aniya na lang. Napatigil na lang si Maricel sa pagsasalita dahil sa sinabi
KITA ni John ang pagtayo ni Kana sa terrace matapos niyang sabihin na wala. Napangiti siya pero hindi man lang umabot sa mata niya. Alam niyang dinig nito ang sinabi niya.‘Tingnan natin kung kung sino ang mapapaso sa laro mo,’ aniya sa loob-loob.Napangisi siya habang nakatingin sa gawi ng dalaga. Nakapamewang na ito at nakatingin na sa gawi nila. Hindi naman kita ang mga mukha nila dahil walang ilaw doon pero alam niyang nainis niya ito. Sinadya niyang doon sila magkuwentuhan para marinig ni Kana. Malakas ang pakiramdam niya na hindi ito makakatulog. Ilang beses na niyang nakikita si Kana na hindi natutulog nang maaga kahit noong nasa condo sila nito. Nahuhuli pa nga niyang sumisilip ito sa silid niya. Minsan kasi galing siya sa labas para makipagkuwentuhan sa mga kasamahan.Naiinis siya kay Kana. Gusto siya nito pero nakikipaglaro lang ito sa kanya. Maybe sex lang ang habol nito sa kanya? Pero hindi, e. Nagseselos ito kay Simone. Kaya imposibleng sex lang talaga ang habol nito sa k
HINDI makatulog si John dahil sa pag-uusap nila na iyon ni Kana. Dinig niya ang pagsigaw pa ni Kana kanina paglabas niya. Parang gusto niya ngang bawiin pero hindi na pwede. Nasabi na niya. Siguro naman may ideya na ito kung bakit bigla siyang nagbago. Tama lang siguro para tumigil na ito sa pakikipaglaro sa kanya. Mas mabuting naiinis ito sa kanya, at kung sakaling magdesisyon ito na ipatanggal siya, tatanggapin niya.Nakausap na niya ang kaibigang si Astin, pwede raw siyang ipasok nito sa kumpanya nito bilang driver o ‘di kaya security guard. Gusto nga nito personal bodyguard ng asawa nito, pero committed pa siya kay chief Palma. Kung gusto nga raw niya, pwede siyang mag-apply din sa mga madrid kung hindi na raw siya makakabalik ng serbisyo. Madali na sa kanya ang training na sinasabi nito. At kung seryoso nga raw siya, ilalakad siya nito sa Daddy Sebastian nito. Tumayo si John at tiningnan ang oras. Ngayon ang schedule ng balik ni Rogando sa bar ni Kana. Sa huling pag-uusap nito a
Teaser:Akala ni Kana, tapos na ang isyu sa lupa nila sa Pangasinan. Natuklasan ni Kana na ang kasalukuyang nobya ng panganay na anak na si Kenjie ay anak ng babaeng iyon. Ang mismong ipinagbununtis ng babaeng sumugod sa kanila. At planado ang lahat ng mag-ina. Para makuha sa kanila ang lupang iyon. “Hinding-hindi niyo makukuha ang lupang iyon, Tania. Nakatakdang mapunta talaga sa amin ang lupang iyon. Dahil pag-aari ‘yon ng Mommy ko. Sa Lola ni Kenjie. Naiintindihan mo ba?”Ilang beses na bumalik noon ang anak ni Don Ignacio sa kanila para tangkaing bawiin ang lupa. Bago mamatay ang ama nito ay sinabi nito sa kanila ang dahilan kung bakit sa kanila nito naibigay ang bahagi ng lupang iyon. Yes, bigay lang. Dahil sa ina niyang si Keana. Dahil sa naudlot na pagmamahalan ni Don at ng ina niya.Ang lupang iyon ay pagmamay-ari pala ng ina, na sadyang binili nito para mapalapit kay Don. Pero dahil tutol ang magulang ng huli, nagkahiwalay din ang dalawa. Iniwan ng ina ang lupang iyon kasama
KASABAY nang pagpubog ng araw sa bahaging iyon ang muling pagbaon ni John ng sarili sa asawa.For John, mali na bigyan siya nang parusa dahil lamang sa hindi niya pagsabi, na siya ang nakatalik ng asawa sa hotel na iyon sa Texas. Lalo lamang siyang nanabik dito. Isa lamang ito sa hindi niya kayang pigilan kapag nasa paligid ang asawa. Kahit na anong pigil niya, hindi niya kaya. Sa pagkakaalam niya kasi, alam ni Kana na siy ang nakatalik nito nang gabing iyon. At kaya lang siya nawala sa tabi nito dahil sa urgent matter nila. “O-oh, husband. Hindi ka pa ba nagsasawa?” Nakangiting umiling si John sa asawa. “Kasalanan mo ito, hon. Pinag-diet mo ako. Naalala mo? ” Sasagot sana si Kana nang siilin ni John nang halik ang labi niya. Hindi na talaga siya nito hinayaang magreklamo pa.Kanina, sabi ni Kana, baka maapektuhan ang batang nasa sinapupunan niya. Pero hindi naman raw dahil masuyo ito. Baka lang naman makalusot siya. Totoo namang masuyo— no, mabagal. At dahil traydor ang katawan ni
Smooth pa sa kumot niyo ang naging seremonya ng kasalang Kana at John. Walang naging problema. Masaya ang lahat ng nakasaksi sa pag-iisang dibdib na iyon. Pero ang higit masaya ay ang bagong kasal, lalo na si John.Nalaman ni Kana na pinapirma ni John si Hazel na wala na itong responsibilidad dito at wag na itong lalapit sa kanilang mag-asawa kapalit ng malaking halaga. Kaya pala talaga natagalan ito sa pakikipag-usap kay Hazel. “John! Saan na naman tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Kana sa asawa nang bigla siyang hilahin nito palapit sa sasakyan. Halos kasing taas yata iyon ng bus. Pero hindi naman kasing haba. Kakatapos lang noon ang pictorial sa labas at ng paghagis niya ng bulaklak. “Honeymoon time, hon.” Kakaiba na ang ngiti sa labi ni John ng mga sandaling iyon.“P-pero kailangan pa tayo sa recep—”Hindi na natuloy ni Kana dahil pinangko na siya ni John at masuyong pinaupo sa loob ng sasakyan. Nilingon niya ang magulang at ang ina ni John, nakangiti ang mga ito. Kumaway din
“O-okay ka lang?”Matamis na ngumiti si Kana kay Maricel bago ito nilagpasan. Ganoon din kay Astin. Gustong manghina ni Kana. Nasasaktan siya dahil mas inuna ni John na puntahan si Hazel kesa sa seremonya ng kasal nila. As if kailangang kompirmahin muna nito ang nararamdaman kung gusto nga ba nitong magpakasal sa kanya.Pakiramdam din kasi ni Kana ng mga sandaling iyon nagmukha siyang tanga. Napagtanto niyang hanggang ngayon wala siyang alam sa nakaraan ni John kay Hazel. Hindi man lang ito naging open sa kanya.“Kana, magsisimula na ang seremonya. Dapat sabihan mo na si John. What if may schedule pa si father?”Nilingon ni Kana si Maricel. Hindi ba nito nakita ang mga nakita niya?“Kung gusto niyang matali sa akin habang buhay, darating siya. Pero kung ayaw niya, wala na akong magagawa, Maricel.”“Gusto mo bang hilahin ko siya papuntang simbahan?” tanong ni Astin na ikinatawa niya. Pero ang tawa na iyon ay saglit lang.“No need, Astin. Thanks.” Nakikita niya ang guilt sa mga mata ni
HANGGANG sa araw ng kasal ni Kana at John, nangungulit ang huli sa kanya. Gaya ng mga naunang sagot niya, walang honeymoon. Pero hindi niya naman iyon totohanin. Kailangan lang nitong pagdusahan ang ginawa nitong pagtago. “I’m so thrilled, anak. Sa wakas ay natupad rin ang pangarap ko na maikasal ka,” maluha-luhang sambit ng ina nang sabihin iyon. Suot na ni Kana ang wedding dress na pinili nila mismo ni John. Lace applique mermaid strapless wedding dress ang napili nilang dalawa. Iyon naman kasi ang unang pumukaw nang atensyon niya nang tumingin sa brochure. Nakita niya rin iyon noon sa isang boutique. Sabi nga niya, sana si John ang lalaking pakakasalan niya. At heto, nangyari nga— mangyayari pa lang pala.“Ako rin po, Mommy. Hindi ko maipaliwanag ang saya.” Hinimas pa niya ang tiyan niya. Dahil din sa magiging anak nila ni John.Napatingin siya kay Kenjie nang bigla nitong halikan ang umbok niya.“I’ll be good to her, Mama. Promise!”“Her?” halos makasabay na sambit nilang mag-in
“Talaga, hon? Buntis ka?” Saya ang sunod na makikita sa mukha ni John.“Oo, John. P-pero hindi—”Hindi na natuloy ni Kana ang sasabihin nang kabigin siya ni John. Mahigpit na yakap ang ginawa nito pagkuwa’y lumuhod pa para lang halikan ang baby bump niya.“Dapat na siguro na nating madaliin ang kasal, hon. Ayokong lumabas sa mundong ito ang ating anak na hindi mo dala ang apelyido ko.” Lalong lumapad ang ngiti ni John. “Bukas or sa susunod kaya?” Excitement na naman ang pumalit sa mukha ni John.Paano pa masasabi ni Kana ang nais sabihin kung saya na ang nakikita sa mukha ni John. Parang ang hirap na sirain ang sayang pinapakita ni John. Pero kailangan niyang sabihin ang problema niya. Para masolusyunan na.“J-John, before that, um, may aaminin ako sa ‘yo.”Biglang napalis ang magandang ngiti ni John. May kung anong kaba siyang naramdaman. Sa tono ni Kana, parang seryosong usapin iyon. “I-I love you. Really. God knows kung gaano kita mahal. I never loved a man like this before. Neve
Kalmadong naglakad si John palapit sa kanila. Lahat ng tauhan ni Danilo ay may baril at nakatutok mismo kay John. Siya ang kinakabahan sa pagiging kalmado ni John. Pero walang pakialam ang huli. Nakatingin lang ito sa kanya nang seryoso.“Ayos ka lang ba, hon?” tanong nito sa kanya.“Y-yes. I-I’m fine.” Hindi niya alam kung bakit siya nauutal habang nakatingin kay John.“Mabuti naman.” Tumango-tango si John sa kanya. Tumingin ito kay Rogando kapagkuwan.“Maaari mo nang pakawalan si Kana dahil nandito na ako. Ako naman talaga ang kailangan mo. Tama?” Tinaas ni John ang kamay pagkuwa’y hinawi ang jacket para ipakita sa kanila na wala itong dalang armas.“Bilib din ako sa inyo. Natunton niyo ang kinaroroonan namin nang walang kahirap-hirap.”Napangisi si John. “Hindi mo kasi ginalingang magtago. Saka malakas ang pang-amoy ko pagdating sa babaeng mahal ko.” Tumingin si John kay Kana at ngumiti. Blangko lang ang ekspresyon niya.Nang makita ni John ang pisngi ni Kana ay nag-alala si John.
ISANG malutong na mura ang pinakawalan ni John nang ibalita sa kanya ni Arvin ang nangyari.Nang i-report nito na may nag-approach kay Kana na hindi kilala ay nagmadali siyang bumiyahe papuntang Davao. Iniwan niya ang anak sa Lola nito na si Keana. Hindi rin naman siya makatulog kaya talagang binalak niyang sundan si Kana ngayon. Nagkaroon ng aberya sa helicopter na gagamitin kaya medyo natagalan ang paglipad nila.Sumalubong sa kanya sa harap ng pharmacy na iyon ang ama ni Kana na si Atlas. Galit na galit ito habang nakikipag-usap sa mga tauhan nitong napatumba lang ng mga tauhan ni Danilo Rogando. Walang nakasunod sa sasakyang dala ni Rogando dahil nakikipaglaban na rin ang mga ito. May back up kasi sila Rogando kaya talagang humarang sa mga daraanan, dahilan para hindi masundan ng mga tauhan ni Chief.“Chief, pwede pa namang ma-trace natin ang kinaroroonan ni Kana,” aniya rito para kumalma ito. Galit na rin siya noon pero walang mangyayari kung ilabas niya din ang galit. Kailangan
“UPDATE mo ako, hon, pag-uwi, huh. Kung anong oras ang alis niyo sa Davo airport. Ako na ang susundo sa ‘yo,” dinig ni Kana na sambit nito. “Okay, hon.” Mabilis na halik ang ginawad niya sa anak pagkuwa’y kay John naman. Saglit ding naghinang ang labi nila.Naglalaro ang dalawa noon sa sungkaan. Kakatapos lang din ng mga ito na maglaro ng bilyar. Tapos naisip na naman ni Kenjie na laruin ang binili ng ama nito na sungkaan. Kesyo iyon daw ang nakasanayan ng ama noong bata pa.“Si Kenjie, huh?!” aniy ulit kay John.“Opo. Sige na at male-late ka na.”Napaingos si Kana kay John. Ini-expect na niyang late siya dahil pinagod siya ni John kagabi. Kaya ayon, napasarap ang tulog niya dahil sa pagod.“Sige ka, baka hindi kita paalisin,” dugtong pa ni John.“Bye, Mama ko!” Nakangiting tiningnan ni Kana ang anak. Nakangiti rin si John nang balingan niya ito.“Ingat ka, hon.” Tumango siya rito.“Bye, anak! Bye, hon!” aniya sa dalawa matapos na talikuran ang mga ito.Bitbit ni Kana ang handbag niy