HINDI makatulog si John dahil sa pag-uusap nila na iyon ni Kana. Dinig niya ang pagsigaw pa ni Kana kanina paglabas niya. Parang gusto niya ngang bawiin pero hindi na pwede. Nasabi na niya. Siguro naman may ideya na ito kung bakit bigla siyang nagbago. Tama lang siguro para tumigil na ito sa pakikipaglaro sa kanya. Mas mabuting naiinis ito sa kanya, at kung sakaling magdesisyon ito na ipatanggal siya, tatanggapin niya.Nakausap na niya ang kaibigang si Astin, pwede raw siyang ipasok nito sa kumpanya nito bilang driver o โdi kaya security guard. Gusto nga nito personal bodyguard ng asawa nito, pero committed pa siya kay chief Palma. Kung gusto nga raw niya, pwede siyang mag-apply din sa mga madrid kung hindi na raw siya makakabalik ng serbisyo. Madali na sa kanya ang training na sinasabi nito. At kung seryoso nga raw siya, ilalakad siya nito sa Daddy Sebastian nito. Tumayo si John at tiningnan ang oras. Ngayon ang schedule ng balik ni Rogando sa bar ni Kana. Sa huling pag-uusap nito a
NAGISING si John na wala na sa tabi niya si Kana. Napamura siya nang makita ang posas sa side table. Paano naman nito natanggal ang posas? Ang susi ay nasa loob ng wallet niya. Napailing na lang si John. Pero hindi niya maiwasang mainis sa sarili. Hindi na naman niya namalayan na kinain siya nang selos kagabi hanggang kanina. Sana hindi siya i-take advantage ni Kana. Mukhang hindi naman yata dahil sa galit nito nang patulan niya ang kaibigan nito.Tumingin siya sa labas, madilim na. Sa pag-aalalang baka maabutan siya ng mag-asawa na nasa loob ng silid ni Kana, iginiya niya ang sarili na palabas, pero natigilan siya nang makita ang ama ni Kana. Saktong kakalabas lang din nito ng masterโs bedroom, inaayos nito ang pagkakabutones ng uniporme nito.โOh, mabuti at lumabas ka na, John. Nakita mo na ba ang pinapahanap ni Kana?โโS-sir,โ nauutal na sabi ni John. Hindi malaman ni John kung paano sumagot dito. Ano kaya ang sinasabi nito na pinapakuha nito sa kanya? Hindi kaya kararating lang n
BAGO kumatok ulit si John sa opisina ni Kana, tumingin muna siya sa orasan. Matagal pala siya bago bumalik. Kaya naman pala nawala na sa mood si Kana Ayaw na siya nitong pagbuksan. Maraming beses na siyang kumatok pero hindi man lang ito tumayo. Kahit nga salita ay wala siyang narinig dito.Bumaba siya at hinanap ang manager.โWala ka bang susi ng opisina ni Kana?โโNaku! Si Maโam lang po ang may hawak ng susi niya. Bakit ba?โโSa tingin ko, mag-isa siyang umiinom. Ang dami noโn, a,โ aniya rito. Kaya nga siya nito niyaya kanina dahil sa dami. Kaso ngayon, nagbago na ng isip ito. At nag-aalala siya para sa dalaga.โAyon lang.โ Napaisip ito mayamaya. โSandali at tawagan ko sa number niya.โSumang-ayon siya rito at hinintay kung sasagot ang dalaga. Pero wala ring response dito. Kaya naman bumalik siya at muling kumatok.โKana, buksan mo โto!โ Pinakinggan niya kung merong yabag na papalapit, ngunit wala pa rin. Hinintay niyang umabot pa ng dalawang minuto bago ulit kumatok. โKapag hindi m
โSERIOUSLY? Meron agad?โ Tiningnan pa niya nang masama si Ian at Callen na parehas natatawa. Ano ba ang nakakatawa sa kanya?โWhat? Wala ka bang bilib sa akin?โ ani ni Ian kay Kana. Tinapik pa nito ang folder na nasa harapan nito.โWala. Sa tawa mo pa lang, hindi na kapani-paniwala. Saka, bakit ang bilis? Hindi kaya irrelevant ang nakalagay dyan?โโFine. Natatawa kami dahil nasa tabi mo naman si John, hindi mo pa tinanong.โTinaasan niya ito ng kilay. โEh, sa gusto kong sa inyo malaman, e. Cโmon, bigyan mo nga ako ng magaling mong tauhan atโโโOkay. Hindi lang ikaw ang nag-request niyan,โ putol nito sa sasabihin pa niya. โSi Astin din kaya ganoon kabilis. Alam mo naman na parang kapatid na ni Astin ang bodyguard mo. Okay na ba, Miss Palma?โโI-I see,โ aniya. โPero accurate ba โto?โโPinagduduhan mo ba ang kakayahan namin?โโO-of course not. I-itโs justโฆ hindi lang ako makapaniwala na nasa harapan ko agad. P-pero dahil sabi mo nga ni-request din ni Astin, naniniwala na ako. Alright?โ N
PAGDATING sa loob ng unit ni Danilo, hindi naman magawang magsalita ni Kana dahil sa nadatnan malapit sa elevator. Wala siyang ginawa doon kung hindi ang maupo at ipikit ang mata. Masuyo namang nag-aabang si Danilo sa kanya.โMay problema ba?โ untag ni Danilo kay Kana.Nagmulat ng mata si Kana at diretsong tumingin kay Danilo. Parang hindi pa niya kayang harapin pala ito. Nawala na siya sa mood. Literal na nasira ang mood niya.Ngumiti si Kana kay Danilo. โOh, dumaan lang ako para pag-usapan ang tungkol sa project natin sa Cebu.โ At โyon nga ang nangyari. At least, nabago kahit papaano ang mood niya. Nakalimutan niya ang nakita sa labas. Mahigit tatlong oras na nag-stay si Kana sa unit ni Danilo. Sa sala lang siya tumambay. Ayaw pa niyang lumabas dahil baka makita niya ang dalawa doon. Siguro, sa ibang elevator siya mamaya dadaan, kung pwede maglakad siya, maglalakad gamit ang hagdan.Pero hindi akalain ni Kana na nasa labas ng unit ni Danilo si John. Masuyong nagbabantay at naghihin
NGUMITI si John pero sa loob-loob niya, parang may mga karayom na tumutusok. Paisa-isa sa una hanggang sa sabay-sabay na. Hindi na niya tuloy napigilan ang sarili na hindi magpakawala nang buntonghininga. Kaya lumunok muna siya bago nagsalita.โC-congrats.โ Sumubo siya ng kanin pero hindi na niya nasundan ng ulam. Bumara na nga sa lalamunan niya kaya nagbaba siya nang tingin para bahagyang hagurin ang lalamunan. Isa pa, ayaw niyang makita ni Kana ang mata niya. Sabi nga nila, sa mata kadalasan nakikita kung nagsasabi ng totoo ang tao, o โdi kaya sincere sa mga binibitawang salita. Sigurado siyang hindi niya maitatago ang sakit na nararamdaman. Kaya hindi siya sincere sa sinabi rito.Nang mapansing nakatingin sa kanya si Kana, nag-angat siya nang tingin dito. Seryoso lang ito. Hindi niya alam ang nasa isipan nito. Pero umiling ito kapagkuwan at tumayo.โIโm full. Thanks,โ anito, at bumalik na sa upuan nito.Nawalan na rin siya nang gana kaya niligpit na rin iyon at nagpaalam na dito na
NAGPUMIGLAS si Kana kaya binitawan siya ni John. Pero muli din siyang kinabig nito dahil kamuntik na siyang mawalan nang balanse. โPwede bang itigil mo na ang pag-iinom? Kagabi ka pa. Malapit mo na akong masagad, Kana.โ May pagbabanta na sa mata ni John. Oh, yes. Naalala niya ang sunod-sunod na rant nito nang sunduin siya nito kila Mera. Walang bago, tinakasan na naman niya ito. Pero wala siyang pakialam dito. Hindi naman niya ito boyfriend, kaya wala itong pakialam sa mga ginagawa niya. Pinilig niya ang ulo pagkuwaโy nilakihan ng mata. Ramdam na niya ang kalasingan talaga kasi. โH-hindi kita boyfriend para pagbawalan ako. Si Grant lang ang may karapatan. U-understand?โ Nagsalubong ang kilay ni John pero hindi niya ito pinansin. Kumuha siya nang suporta sa pader at humakbang papunta sa opisina niya. Panay pa ang pagbulong niya. Namura pa nga niya ito. Ewan lang niya kung narinig siya nito. Hindi pa man siya nakakalapit nang pangkuin siya ni John. Sinubukan niyang magpumiglas ulit
SA LIKOD ni John sumakay si Kana nang umuwi sila sa condo. Wala naman na gaanong tao kapag ganitong oras kaya ni-request iyon ng dalaga. Nakikita niya kasi sa mga palabas kaya gusto niyang maranasan iyon. โHon, may tanong ako,โ pukaw ni Kana sa katahimikan. Nasa loob sila ng silid niya ng mga sandaling iyon. โAno โyon, hon?โ tanong naman ni John nang ibaling nito ang mukha. Inayos din nito ang pagkakahawak nito sa kanya. โPinangarap mo din bang magkaroon ng anak sa akin?โ Lumabi pa si Kana. tuluyan na ngang nawala ang alak sa sistema niya. Nakapagpahinga na siya sa opisina kanina pa. At iniisip na niya ang reaksyon ni John kapag nalaman niyang nabutis ako at nakunan. Kita ni Kana ang pagsilay nang ngiti sa labi ni John โOo naman. Mga sampu?โ nakangiting sabi ni John. โGrabe ka sa sampu, hon! โWag ganoon!โ Tinampal pa ni Kana ang dibdib nito sa mahina lang habang ang isa ay nakakapit sa leeg nito. โBata pa lang ako, pangarap ko na talaga ang malaking pamilya. Kaya paghandaan mo t
Teaser:Akala ni Kana, tapos na ang isyu sa lupa nila sa Pangasinan. Natuklasan ni Kana na ang kasalukuyang nobya ng panganay na anak na si Kenjie ay anak ng babaeng iyon. Ang mismong ipinagbununtis ng babaeng sumugod sa kanila. At planado ang lahat ng mag-ina. Para makuha sa kanila ang lupang iyon. โHinding-hindi niyo makukuha ang lupang iyon, Tania. Nakatakdang mapunta talaga sa amin ang lupang iyon. Dahil pag-aari โyon ng Mommy ko. Sa Lola ni Kenjie. Naiintindihan mo ba?โIlang beses na bumalik noon ang anak ni Don Ignacio sa kanila para tangkaing bawiin ang lupa. Bago mamatay ang ama nito ay sinabi nito sa kanila ang dahilan kung bakit sa kanila nito naibigay ang bahagi ng lupang iyon. Yes, bigay lang. Dahil sa ina niyang si Keana. Dahil sa naudlot na pagmamahalan ni Don at ng ina niya.Ang lupang iyon ay pagmamay-ari pala ng ina, na sadyang binili nito para mapalapit kay Don. Pero dahil tutol ang magulang ng huli, nagkahiwalay din ang dalawa. Iniwan ng ina ang lupang iyon kasama
KASABAY nang pagpubog ng araw sa bahaging iyon ang muling pagbaon ni John ng sarili sa asawa.For John, mali na bigyan siya nang parusa dahil lamang sa hindi niya pagsabi, na siya ang nakatalik ng asawa sa hotel na iyon sa Texas. Lalo lamang siyang nanabik dito. Isa lamang ito sa hindi niya kayang pigilan kapag nasa paligid ang asawa. Kahit na anong pigil niya, hindi niya kaya. Sa pagkakaalam niya kasi, alam ni Kana na siy ang nakatalik nito nang gabing iyon. At kaya lang siya nawala sa tabi nito dahil sa urgent matter nila. โO-oh, husband. Hindi ka pa ba nagsasawa?โ Nakangiting umiling si John sa asawa. โKasalanan mo ito, hon. Pinag-diet mo ako. Naalala mo? โ Sasagot sana si Kana nang siilin ni John nang halik ang labi niya. Hindi na talaga siya nito hinayaang magreklamo pa.Kanina, sabi ni Kana, baka maapektuhan ang batang nasa sinapupunan niya. Pero hindi naman raw dahil masuyo ito. Baka lang naman makalusot siya. Totoo namang masuyoโ no, mabagal. At dahil traydor ang katawan ni
Smooth pa sa kumot niyo ang naging seremonya ng kasalang Kana at John. Walang naging problema. Masaya ang lahat ng nakasaksi sa pag-iisang dibdib na iyon. Pero ang higit masaya ay ang bagong kasal, lalo na si John.Nalaman ni Kana na pinapirma ni John si Hazel na wala na itong responsibilidad dito at wag na itong lalapit sa kanilang mag-asawa kapalit ng malaking halaga. Kaya pala talaga natagalan ito sa pakikipag-usap kay Hazel. โJohn! Saan na naman tayo pupunta?โ Nagtatakang tanong ni Kana sa asawa nang bigla siyang hilahin nito palapit sa sasakyan. Halos kasing taas yata iyon ng bus. Pero hindi naman kasing haba. Kakatapos lang noon ang pictorial sa labas at ng paghagis niya ng bulaklak. โHoneymoon time, hon.โ Kakaiba na ang ngiti sa labi ni John ng mga sandaling iyon.โP-pero kailangan pa tayo sa recepโโHindi na natuloy ni Kana dahil pinangko na siya ni John at masuyong pinaupo sa loob ng sasakyan. Nilingon niya ang magulang at ang ina ni John, nakangiti ang mga ito. Kumaway din
โO-okay ka lang?โMatamis na ngumiti si Kana kay Maricel bago ito nilagpasan. Ganoon din kay Astin. Gustong manghina ni Kana. Nasasaktan siya dahil mas inuna ni John na puntahan si Hazel kesa sa seremonya ng kasal nila. As if kailangang kompirmahin muna nito ang nararamdaman kung gusto nga ba nitong magpakasal sa kanya.Pakiramdam din kasi ni Kana ng mga sandaling iyon nagmukha siyang tanga. Napagtanto niyang hanggang ngayon wala siyang alam sa nakaraan ni John kay Hazel. Hindi man lang ito naging open sa kanya.โKana, magsisimula na ang seremonya. Dapat sabihan mo na si John. What if may schedule pa si father?โNilingon ni Kana si Maricel. Hindi ba nito nakita ang mga nakita niya?โKung gusto niyang matali sa akin habang buhay, darating siya. Pero kung ayaw niya, wala na akong magagawa, Maricel.โโGusto mo bang hilahin ko siya papuntang simbahan?โ tanong ni Astin na ikinatawa niya. Pero ang tawa na iyon ay saglit lang.โNo need, Astin. Thanks.โ Nakikita niya ang guilt sa mga mata ni
HANGGANG sa araw ng kasal ni Kana at John, nangungulit ang huli sa kanya. Gaya ng mga naunang sagot niya, walang honeymoon. Pero hindi niya naman iyon totohanin. Kailangan lang nitong pagdusahan ang ginawa nitong pagtago. โIโm so thrilled, anak. Sa wakas ay natupad rin ang pangarap ko na maikasal ka,โ maluha-luhang sambit ng ina nang sabihin iyon. Suot na ni Kana ang wedding dress na pinili nila mismo ni John. Lace applique mermaid strapless wedding dress ang napili nilang dalawa. Iyon naman kasi ang unang pumukaw nang atensyon niya nang tumingin sa brochure. Nakita niya rin iyon noon sa isang boutique. Sabi nga niya, sana si John ang lalaking pakakasalan niya. At heto, nangyari ngaโ mangyayari pa lang pala.โAko rin po, Mommy. Hindi ko maipaliwanag ang saya.โ Hinimas pa niya ang tiyan niya. Dahil din sa magiging anak nila ni John.Napatingin siya kay Kenjie nang bigla nitong halikan ang umbok niya.โIโll be good to her, Mama. Promise!โโHer?โ halos makasabay na sambit nilang mag-in
โTalaga, hon? Buntis ka?โ Saya ang sunod na makikita sa mukha ni John.โOo, John. P-pero hindiโโHindi na natuloy ni Kana ang sasabihin nang kabigin siya ni John. Mahigpit na yakap ang ginawa nito pagkuwaโy lumuhod pa para lang halikan ang baby bump niya.โDapat na siguro na nating madaliin ang kasal, hon. Ayokong lumabas sa mundong ito ang ating anak na hindi mo dala ang apelyido ko.โ Lalong lumapad ang ngiti ni John. โBukas or sa susunod kaya?โ Excitement na naman ang pumalit sa mukha ni John.Paano pa masasabi ni Kana ang nais sabihin kung saya na ang nakikita sa mukha ni John. Parang ang hirap na sirain ang sayang pinapakita ni John. Pero kailangan niyang sabihin ang problema niya. Para masolusyunan na.โJ-John, before that, um, may aaminin ako sa โyo.โBiglang napalis ang magandang ngiti ni John. May kung anong kaba siyang naramdaman. Sa tono ni Kana, parang seryosong usapin iyon. โI-I love you. Really. God knows kung gaano kita mahal. I never loved a man like this before. Neve
Kalmadong naglakad si John palapit sa kanila. Lahat ng tauhan ni Danilo ay may baril at nakatutok mismo kay John. Siya ang kinakabahan sa pagiging kalmado ni John. Pero walang pakialam ang huli. Nakatingin lang ito sa kanya nang seryoso.โAyos ka lang ba, hon?โ tanong nito sa kanya.โY-yes. I-Iโm fine.โ Hindi niya alam kung bakit siya nauutal habang nakatingin kay John.โMabuti naman.โ Tumango-tango si John sa kanya. Tumingin ito kay Rogando kapagkuwan.โMaaari mo nang pakawalan si Kana dahil nandito na ako. Ako naman talaga ang kailangan mo. Tama?โ Tinaas ni John ang kamay pagkuwaโy hinawi ang jacket para ipakita sa kanila na wala itong dalang armas.โBilib din ako sa inyo. Natunton niyo ang kinaroroonan namin nang walang kahirap-hirap.โNapangisi si John. โHindi mo kasi ginalingang magtago. Saka malakas ang pang-amoy ko pagdating sa babaeng mahal ko.โ Tumingin si John kay Kana at ngumiti. Blangko lang ang ekspresyon niya.Nang makita ni John ang pisngi ni Kana ay nag-alala si John.
ISANG malutong na mura ang pinakawalan ni John nang ibalita sa kanya ni Arvin ang nangyari.Nang i-report nito na may nag-approach kay Kana na hindi kilala ay nagmadali siyang bumiyahe papuntang Davao. Iniwan niya ang anak sa Lola nito na si Keana. Hindi rin naman siya makatulog kaya talagang binalak niyang sundan si Kana ngayon. Nagkaroon ng aberya sa helicopter na gagamitin kaya medyo natagalan ang paglipad nila.Sumalubong sa kanya sa harap ng pharmacy na iyon ang ama ni Kana na si Atlas. Galit na galit ito habang nakikipag-usap sa mga tauhan nitong napatumba lang ng mga tauhan ni Danilo Rogando. Walang nakasunod sa sasakyang dala ni Rogando dahil nakikipaglaban na rin ang mga ito. May back up kasi sila Rogando kaya talagang humarang sa mga daraanan, dahilan para hindi masundan ng mga tauhan ni Chief.โChief, pwede pa namang ma-trace natin ang kinaroroonan ni Kana,โ aniya rito para kumalma ito. Galit na rin siya noon pero walang mangyayari kung ilabas niya din ang galit. Kailangan
โUPDATE mo ako, hon, pag-uwi, huh. Kung anong oras ang alis niyo sa Davo airport. Ako na ang susundo sa โyo,โ dinig ni Kana na sambit nito. โOkay, hon.โ Mabilis na halik ang ginawad niya sa anak pagkuwaโy kay John naman. Saglit ding naghinang ang labi nila.Naglalaro ang dalawa noon sa sungkaan. Kakatapos lang din ng mga ito na maglaro ng bilyar. Tapos naisip na naman ni Kenjie na laruin ang binili ng ama nito na sungkaan. Kesyo iyon daw ang nakasanayan ng ama noong bata pa.โSi Kenjie, huh?!โ aniy ulit kay John.โOpo. Sige na at male-late ka na.โNapaingos si Kana kay John. Ini-expect na niyang late siya dahil pinagod siya ni John kagabi. Kaya ayon, napasarap ang tulog niya dahil sa pagod.โSige ka, baka hindi kita paalisin,โ dugtong pa ni John.โBye, Mama ko!โ Nakangiting tiningnan ni Kana ang anak. Nakangiti rin si John nang balingan niya ito.โIngat ka, hon.โ Tumango siya rito.โBye, anak! Bye, hon!โ aniya sa dalawa matapos na talikuran ang mga ito.Bitbit ni Kana ang handbag niy