Nakita ko sina Xerxes, Edel and Tiny na masayang nagkukwentuhan sa may garden. Gusto kong lumapit sa kanila pero naalala ko niyong nangyari sa pagitan namin ni Xerxes. Hindi ko na lang sila papansin. Nandito rin naman ako para kumain, nauna lang akong nakarating dito, kinausap kasi si Gizzy ng ka-member niya sa dance troupe. Nang madaan ako sa gilid nila 'di ko rin matiis na hindi sila batiin. "Hi, Edel, Xerxes and Tiny!" bati ko sa kanila ng mapadaan ako sa kanyang gilid pero ni-isa sa kanila ay hindi nila ako tinapunan ng pansin. Tumayo sina Xerxes at Tiny, saka sila umalis sa p'westo nila. Nakatanaw lang ako sa kanilang mga likuran."Sorry, Alistair, ha? Tapos na kaming mag-lunch." Rinig kong sabi ni Edel sa akin, tumango na lang ako sa kanya. Para akong basag na platong napaupo rito. Dahil sa pagsisinungaling ko nasira ang relasyong mayro'n ako sa kanila."Alistair," Napaangat ako ng tingin at nakita ko roon si Gizzy na nakatayo sa
Simula kaninang umaga balisa na ako at hindi mawala ang kaba ko. Kailangan kong kausapin si Xerxes. Alam kong kailangan niya ring malaman ang tungkol sa dinadala ko. "Alistair, sure ka bang kakausapin mo si Xerxes?" Tumango ako sa sinabi ni Gizzy. "Ako ang kinakabahan sa'yo, e. Baka umiyak ka na naman." nag-aalalang sabi niya sa akin.Ngumiti ako sa kanya. "Hindi ako iiyak, promise, Gizzy!" pangako kong sabi sa kanya. "Kaya please, hanapin natin si Xerxes. May importante lang talaga ako sasabihin sa kanya." pagpapatuloy kong sabi sa kanya."Ano pa nga ba ang magagawa ko, Alistair? Hinihila mo na ako, oh?" ani niya sa akin kaya napangiwi ako sa kanya."Sa literary club kaya natin siya hanapin? Malay mo roon lang siya nakatambay?" suggest niyang sabi sa akin.Napaisip ako roon. Baka nga nandoon si Xerxes. "Tara na sa literary club, Gizzy!" magiliw na sabi ko sa kanya at hinala siya papunta sa club bulding. Si Gizzy na ang nagtanong para sa akin. Hin
Ilang araw akong nagkulong sa aking k'warto. Wala akong kinakausap p'wera sila mommy at maging si Gizzy. Lagi siyang nagsesend sa akin ng mga lectures sa mga subject namin. Hindi niya alam na nag-drop-out na ako sa klase. Ako na rin mismo ang nag-block sa mga account nina Tiny, Xerxes, Edel and buong taong nakapaligid sa kanila. Prinivate ko rin ang mismong account ko para wala silang makita kung gagawa man sila ng dummy account. Ayoko ng makarinig ng tungkol sa kanila. Ayoko ni-isa. Dahil sila naman ang tumapos ng lahat. I sighed at tinitigan ang kisame sa k'warto ko. Simula malaman nila mommy na preggy ako, hindi na nila ako pinapakilos baka raw kasi mapahamak ang baby ko. Alam na rin ng mga tita ko sa side ni daddy at ni mommy na buntis ako. Mabuti na lang naintindihan nila, natawa pa nga sila dahil magkakaroon daw sila ng apo. Napakamot na lang ako ng marinig ko niyon.Buti na lang din 'di sila nagtanong kung sino ang ama ng dinadala ko. Hindi k
[ Alistair, kumusta d'yan sa California? ] Ngumiti ako kay Gizzy ng mag-request siyang mag-video call sa akin. "I'm doing good here, Gizzy! Medyo nag-i-snow na rito. See," ani ko sa kanya at pinakita ang paligid kung nasa'n ako. [ Wow! Ilang damit na ang suot mo ngayon, Alistair? ] Masayang tanong niya sa akin habang nakikita ko ang ningning sa kanyang mga mata. Tinaas ko ang tatlong daliri ko sa camera. "Tatlong damit na ang suot ko tapos puro makakapal pa iyon, Gizzy!" [ Uy, ingatan mo ang baby mo, ha? ] Tumango ako sa kanya. Lagi na lang niya iyan sinasabi sa akin. Walang araw niyang sinasabi ang tungkol sa baby ko. [ Oo nga pala, Alistair. Ayoko naman sabihin sa'yo ito pero nag-promise tayong no more secrets, right? ] Tumango ako sa kanya. Nakita kong tumingin ang mga mata niya sa gilid. May tinatago siya sa akin.[ A-ano kasi... Ilang buwan ka na d'yan sa America, 'di ba? ] Nakatingin lamang ako sa kanya at naghihintay
"Princess, handa ka na ba?" Nakita ko si mommy na nakatayo sa haligi ng kusina.Tumango ako sa kanya, "Opo, mommy! Handa na po ako. Handa na po kami." masayang wika ko sa kanya at hinaplos ang ilang buwan kong tiyan. Lumalaki na talaga ang baby bump ko. Hindi na maitatagong buntis ako. Napahaplos ako sa aking baby bump habang sakay ako ng kotse papunta sa hospital. Kailangan ko na raw i-admit doon at oobserbahan ako ng ilang araw para makasiguro silang healthy akong operahan. Syempre need din nilang i-monitor ang baby ko. Hinawakan ni mommy ang kaliwa kong kamay. "Everything will be okay too, princess. Your daddy and I are just here, okay?" pagpapakalma sa akin ni mommy. Tumingin ako sa passenger seat, nandoon ang kalmadong mukha ni daddy. At, si tito naman ang nagda-drive papuntang hospital. Hindi na sumama si tita Ysa at si kuya Reed ay may trabaho sa isang publishing house rito sa California."Thank you, mommy. I'll promise magiging successful po
Isang buwan ang nakalipas nang tuluyang gumaling ako. Hindi ako pinabayaan ni doctor Hart at maging ang obstetrician ko rito sa California ay hindi rin ako pinabayaan. Always akong dinadala ng obstetrician ko. Always niyang chine-check ang lagay ko at ni baby. Marami rin siyang binilin sa akin na mga bawal at p'wede kong gawin. P'wede pa rin naman daw ako magpa-breastfeed sa kabilang dibdib ko dahil 'di naman daw niyon nahawaan. Natuwa nga ako ng malaman ko iyon. Laking ginhawa ko na p'wede pa rin ako mag-pa-breastfeed sa baby ko. Lagi rin akong kinakumusta ni doctor Hart. Pumupunta rin siya sa bahay para sa weekly check-up ko. Binigyan lang niya ako ng vitamins para lumakas ang aking immune system."Thank you very much for visiting me, doctor Hart." ngiting sabi ni mommy sa kanya.Ngumiti sa amin si doctor Hart. "No worries, Mrs. Roxas. It is my duty to visit Ms. Alistair for his speedy recovery. I always tell her not to get tired, especially since the b
"Your baby is in good condition, Ms. Alistair Roxas. So nothing to worry about your baby..." Masaya akong marinig na healthy ang baby ko. Napahaplos ako sa baby bump ko. Nandito kami sa clinic ng kaibigan ni doctor Hart. Siya ang obstetrician ko rito sa California. Half pinay and half american si doktora. Sobrang bait niya at talagang pinapaliwanang niya sa amin ang p'wede kong gawin at kainin. Tinatatak sa aking isipan ang mga bawal namang gawin ko. "Also, take the medicine I gave you for baby at the right time, Alistair. Your milk, I know you don't like it but you really need to drink it for your baby." bilin niyang sabi sa akin. Talagang diniin niya ang salitang gatas.Napangiwi ako sa sinabi ni doc. Hindi ko alam pero hindi ko gusto ang lasa ng gatas ngayon. Siguro 'di kasi ako roon naglilihi kaya ayoko nu'n, maamoy ko nga lang nasusuka na ako. Kaya no choice ako kung 'di, pisilin ang aking ilong habang iniinom ko ang gatas para kay baby kasi ni
Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Nandito ako sa loob ng k'warto ko at iniisip ko kung ano ang pinag-ku-k'wentuhan nina kuya Reed and kuya Zachary sa sala. Halos hindi nga ako makatingin sa kanya kanina. Para akong tuod na nakatingin lamang sa aking harapan. Parang may harang akong nilagay sa aking leeg para 'di ako lumingon sa magkabilang gilid ko.Nakatutok lang ako sa dingding ng maramdaman kong tumunog ang aking tiyan. "Nagugutom na ako!" impit na hiyaw ko sa aking sarili. Napahawak ako sa aking baby bump, "baby, gutom ka na rin ba d'yan?" Kausap ko sa kanya habang hinahaplos ito.Tumayo ako at inilang hakbang ang pinto. Bakit ako matatakot sa kanya? Kapatid naman niya ang may kasalanan at hindi ako. Saka, bahay nila tita ito, hindi sa kanya. Kaya bakit ako mahihiyang magpakita sa kanya? Desidido na akong lalabas para sa baby ko at sa sarili ko. Nagugutom na ako, e. Pinihit ko nang dahan-dahan ang doorknob, mahina ko ring bin
"Mommy," napalingon ako ng marinig ang boses ng panganay kong anak. "Annarise, broke this mommy." Pinakita niya sa akin ang sirang cable wire ng kanyang charger sa tablet.Napabuga na lang ako nang hangin ng makita kong gunit-gunit na ang charger na hawak ni Axel. Axel was eleven years old, while Annarise was eight years old.Hinawakan ko ang buhok ni Axel, "magpapabili na lang ulit tayo kay daddy, okay? You will also scold Annarise once, so that she won't touch your belongings." bilin ko sa kanya at agad naman siyang tumango. Pero, duda akong pagagalitan niya ang kapatid niya. Simulang isilang ko si Annarise naging best kuya na siya sa kapatid niya. Kapag nga umiiyak ito, siya na mismo ang nagpapatahan. Naging supportive brother siya sa mga kapatid niya. "Annarise!" tawag ko sa pangalan ng pangalawang anak namin ni Xerxes. "Mommy!" Agad ko namang narinig ang boses niya at mga paang palapit sa aking p'westo. "Why po, mommy?" nakangiting tanong niya s
"Mami, the baby is bigger in your tummy po?" Napatingin ako kay Axel ng hawakan niya ang malaki ko ng tiyan. "Yes po, big boy Axel. Lalabas na ang baby kay mommy. Magiging kuya kana." Nakangiti kong sabi sa kanya at ginulo ang buhok niya. Ngumiti siya sa akin, nawala pa nga ang mga mata. "Mami, Dada will be here na po. Nag-ti-timpla lang po siya ng milk niyo po." saad niya sa akin. Hinaplos niya ang aking baby bump habang sinasabi ang salitang, "I will be good kuya, baby." Hindi pa siya nakuntento at hinalikan pa niya ang aking tiyan."You will be big boss," Sabay kaming napatingin ni Axel ng may magsalita. Nakita namin si Xerxes na nakangiting nakatingin sa amin habang hawak sa kanyang kanang kamay ang isang basong gatas. "Dada!" sigaw ng anak namin ng makita ang daddy niya. Lumapit siya sa amin. "Here's your milk, mommy!" saad ni Xerxes sa akin at inabot ang gatas sa akin. Napanguso ako sa kanya. Hindi ko alam pero ngayong buntis ul
XERXES POINT OF VIEW“Xerxes, We have to leave. Maybe your aunt Anna and their only child Alistair are already there.”Napatingin ako kay mommy habang nagsasalita siya. Busy ako sa pagbabasa ng educational book na binili sa akin ni daddyMaaga akong ginising ni mommy. Magkikita raw kasi sila ng classmate nila ni daddy noong nasa highschool pa lang sila.She even made me wear a dinosaur shirt, I didn’t like it. They are not true.I was still staring at mommy as she put an earring in her ear. She was looking in the mirror in our living room.“You're just the same age as their daughter, Xerxes. For sure you two will get along. ” She smiled at me as she said that.How can we reconcile with their friend's child if their child is a girl?I don’t know what mommy is thinking. I would rather go to grandpa than go with them. Brother Zachary was there.“Mia, come on! Baka nandoon na sila, it would be embarrassing for them to wait so long for us.” I hear
Kinagabihan, nauna akong bumalik sa hotel room namin. Sina mommy and tita Mia ay nasa spa at nagpapamasahe. Sila daddy naman ay nag-iinuman sa may cottage kaya bumalik na lang ako rito.Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito at niluwal nu'n ay si Axel. Nagtatakang tinignan ko siya. Siya lang ba ang umakyat? "Mami, wear this po!" Tinignan ko ang hawak niyang handkerchief, tinaas niya ito sa akin para makita ko.Nilapag ko ang magazine na aking binabasa. "Para saan ito, Axel?" pagtatanong ko sa kanya. Kanina kasama niya ang daddy niya. Nasaan na ang isang niyon? Bakit hinayaan niyang umakyat mag-isa si Axel. "Where's your daddy?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at nagkibit-balikat na lamang. Lumapit siya sa akin at binigay ang handkerchief. "Tito Reed pu nagdala sa akin dito. Dada said suot niyo raw pu ito." saad niya sa akin at nilapag niya ang handkerchief sa aking hita. "Tapos, Mami, wo-walk po tayo pababa. Pupuntahan po natin si
"Mami, maganda po ba roon? Sabi ni Dada linis daw po roon." Napangiti akong tumingin kay Axel. Kanina pa siya nagtatanong about sa pupuntahan naming beach resort bukas. Ginawa nga ni Xerxes ang sinabi niya, tinapos niya lahat ng requirements na kailangan niyang ipasa kaya heto si Axel tuwang-tuwa at halos ayaw na matulog. "Yes, big boy. Family friend nila wowo mo ang may-ari noon." ngiting sagot ko sa kanya. Family friend nila tito Zark ang may-ari ng beach na pupuntahan namin. "May mga fish tayong makikita roon, Mami?" tanong ulit niya sa akin. Inayos ko ang buhok niya tumatabing sa mukha niya. Mahaba na rin ang buhok ni Axel, need ko na siguro siyang pagupitan din. Ngumiti ako sa kanya, "yes po. Maraming fish doon. Kaya matulog ka na big boy para bukas pagkagising mo marami kang lakas na mamasyal." ani ko sa kanya at hinalikan ang kanyang noo. "Okay pu, Mami!" Pagkasabi niyang iyon ay nakita ko na siyang humihilik. Inayos ko ang kumot
"We need to talk, Xerxes?" seryoso kong sabi sa kanya. Nandito kami sa unit kung saan nag-rent ng isang araw ang family nila Xerxes. Hindi na kasi p'wedeng umuwi ang ibang guest dahil lasing na ang mga lalaki baka mapahamak pa sila. Lumingon siya sa akin ng mailapag niya si Axel. Tulog na tulog ang anak ko, mukhang napagod kakalaro kanina dahil sa birthday party niya. Sila mommy naman ay nasa kabilang room din. Hindi na kami nakauwi at nagpasyang dito na magpalipas ng buong araw. "About saan, Ali?" Lingon na tanong niya sa akin.Nakita kong hinaplos niya ang pisngi at buhok ng anak namin na si Axel. Tumalikod ako sa kanya, "about sa atin, Xerxes." saad ko sa kanya at lumabas sa k'wartong kinalalagyan namin.Ito na ang oras para malaman ko ang tunay sa pagitan nilang dalawa ni Edel. Kung sila talaga at masaya sila sa isa't-isa hindi na ako hahadlang para sa kanilang dalawa.Ilang segundo lang din ay narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto. Naka
"Mami, good morning po!" Napangiti akong makita ang anak ko. "Happy birthday, big boy! Are you happy?" pagtatanong ko sa kanya at sunod-sunod ang naging pagtango niya sa akin."I am po, Mami! Happy po ako 'cause I have Dada na po and we're okay po." Nakakiling ang ulo niya ng sabihin niya iyon. Umakyat siya sa kama kung sa'n pa rin ako nakahiga. Dumagan siya sa akin at saka ako niyakap nang mahigpit. "Mami, stand up na po! Today is my birthday po." ani niya sa akin habang nakadagan pa rin siya sa katawan ko. "Okay po, big boy! Tatayo na si Mami," saad ko sa kanya at umupo na ako sa kama namin. "Come on, big boy, baba ka na roon and maghahanda na rin si mommy." Bilin na sabi ko sa kanya. Bumaba siya sa kama at ngumiti sa akin, "Mami, wi-wait ka namin ni Dadi sa baba po, okay?" Nakangiting sabi niya sa akin at saka dumiretso lumabas sa k'warto. "Huh?!" Napabuga na lang ako. Last na ito, pagkakataon ko na kausapin si Xerxes ng birthday party
"Thank you sa paghatid, Vale!" pasasalamat ko sa aking boss."Walang anuman, Alistair! Maraming salamat din!" masayang sabi niya sa akin. Kumaway ako sa kanya hanggang mawala sa aking paningin ang kotse niya. Sa wakas, weekends na bukas! Lumapit na ako sa gate namin at bubuksan ko na sana ang gate nang may magsalita sa gilid ko. "Bakit ngayon ka lang? Anong oras na, Alistair? Kanina ka pa hinihintay ng anak natin." Napalingon ako sa kanya. Nakita ko ang suot niyang damit na may design na Spider-Man. Sinusunod niya lahat ng gusto ni Axel. "May meeting kami kanina. Mas nauna lang nakauwi sila kuya Reed kaysa sa amin." sagot ko sa kanya. Binuksan ko na ang gate ng bahay pero hinila niya ako papunta sa kanya. Halos masubsob ako sa kanyang katawan. Nagulat ako sa kanyang ginawa na halos 'di ako nakapag-isip ng tama. "Xerxes," tawag ko sa kanyang pangalan at inaalis ko ang kanyang pagkakayakap sa akin pero malakas siya kumpara sa akin."Plea
"Thanks for arranging this meeting. You can expect me to respond to you as soon as possible." Nakipag-kamay si Mr. Vale sa ka-meeting naming si Mr. Tzu, kaibigan niya raw ang isang ito. Humingi siya ng tulong sa company namin for the generators. CEO raw kasi ito ng isa sa mga sikat na gumagawa ng generators dito sa Philippines. "Thanks also to your secretary," gumawi ang tingin ni Mr. Tzu sa akin. Ngumiti ako sa kanya, "thank you for the time also, Mr. Tzu." Nakipag-kamay rin ako sa kanya. Lumaki ang mga mata ko ng akbayan ako ni Mr. Vale, "she is the only child of the President of the company I work for, Mr. Tzu." Nagulat ako sa kanyang sinabi. Sana hindi na lang niya sinabi, nahiya tuloy ako. Saka, mas magaling na susunod na president ng company si kuya Reed. "Oh, really? Nice to meet you interestingly, you would rather be a secretary than follow in the footsteps of the company owner." manghang sabi ni Mr. Tzu sa akin. Kiming ngumiti ako sa