"Welcome home, Tiny! Welcome to the Philippines!" masayang bungad ko sa aking bestfriend ng makita ko siyang naglalakad palapit sa amin. "Ang kinis ng face mo, Tiny!" sabi ko sa kanya. Iyon talaga ang unang napansin ko, walang pores ang face niya. "Sira! Hindi ka pa rin nagbabago, Ali." suway niya sa akin at pinanggigilan ang aking pisngi. "Late kayong dalawa, ano?" sumbat niya sa amin pero may pagtatanong sa kanyang sarili."Hindi, ha?! Ang aga kaya namin dumating, 'di ba, Xerxes?" pagtatanggi ko sa kanya. Pinandilatan ko nang palihim si Xerxes para tumango siya kay Tiny.Tinapik ni Tiny ang pisngi ko, "lumalabas na naman niyang mannerism mo, Ali." Turo niya sa aking mata. "Pinandidilatan mo si Xerxes tapos kinikiskis mo niyang palad mo. Ganyan ka 'di ba kapag kinakabahan." pang-aasar niya sa akin.Napanguso ako sa sinabi niya. Hindi pa rin niya nakakalimutan itong mannerism ko. "Hindi ko naman kasalanan na late kami dumating. Si Xerxes kasi," t
"Kinikilig ako sa pinag-usapan natin kagabi, Tiny! Sana makita natin pangalan niya sa bulletin board!" masayang ani ko sa kanya habang kumakain kami rito sa dining. "I just wish he could enroll, Ali! Para malaman natin ang kursong kinuha niya." marahan na sabi niya sa akin at tumango ako sa kanya. Sumubo ako ng aking pagkain at nginuya ito. "Gwapo ba si Griffin? Ngayon lang kitang nakitang na-inlove, ha? Talagang sinundan mo pa siya." pang-iintriga kong sabi sa kanya at sumubo ulit. Ngumiti siya sa akin nang napakalaki, "Sort of, Ali. Hindi ko siya maikumpara sa ibang lalaki." Kuminang lalo ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. "Mommy!" hiyaw kong tawag, "si Tiny inlove na po siya, mommy!" "Huwag ka ngang maingay, Ali! Nakakahiya ka! Ako ang nahihiya sayo, e." saway na sabi niya sa akin at pinalo pa niya ang aking kamay. "Natutuwa lang kasi ako sayo, Tiny. Nu'ng mga bata pa tayo matatakutin at takot kang lumapit sa ibang lalaki kaya nga naging m
"Last week na ng bakasyon. Pasukan na this monday." bagot na sabi ko kay Xerxes.Nakatingin lang ako sa mga taong dumadaan dito sa tapat ng bahay namin kung minsan binibilang ko ang mga kotse na dumadaan sa tapat. "Hay!" malakas na buga ko, "nakakatamad na araw, Xerxes!" ani ko sa kanya pero tumingin lang siya sa akin at bumalik ulit sa kanyang binabasa. Nagbabasa siya ng isang english novel. Hindi ko alam ang title nu'n pero wala akong ganang magtanong sa kanya. Napatayo ako ng makitang may naglalakong dirty ice cream. Kumaripas ako nang takbo paloob sa bahay namin na hindi nagpapaalam kay Xerxes. Kumuha ako ng pera sa coins purse ko at lumabas na rin, "kuya ice cream, pabili po!" marahan na tawag ko sa kanya buti na lang naabutan ko pa siya. Huminto ito sa tapat namin. "Iyong tinapay po, kuya. Dalawa po!" tukoy roon sa tinapay na nabibili rin sa mga bakery. Masarap kasi niyon lalo na kung ice cream palaman. Nakatingin lang ako kung paano siya
"Ohayo, Ali!" Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Tiny na masayang kumakaway sa amin. "Hi, Tiny!" balik na bati ko sa kanya. Huminto ako para masabayan niya kami sa paglalakad. Nakasabay siya sa amin at naglalakad na kami palabas ng subdivision. Balak nga namin sumabay kay kuya Zachary pero mamayang 10 ng umaga ang pasok niya, mahuhuli kami para sa orientation ng mga first year kaya nagpasya kaming mag-commute na lang ngayong first day. "Bakit kasi may orientation pang nalalaman? Ang aga tuloy natin!" humihikab na pagtatanong ni Tiny sa akin. Tumingin ako sa kanya, "kailangan niyon, Tiny. Lahat naman siguro ng school may orientation na nagaganap." kat'wiran ko sa kanya. "Hay! Pero, sobrang aga naman nila! 'Di ba p'wedeng mamayang hapon? Inaantok pa tuloy ako!" Umiling ako sa kanya, "nanood ka na naman ng anime, ano? Kaya late ka nakatulog kagabi? Kaya ngayon puyat ka." "Ayan na naman siya parang si mommy..." "H
"Tiny!" malakas na tawag ko sa pangalan ng bestfriend ko ng makita ko siyang naglalakad na tulala palabas ng gate.Huminto ito at luminga-linga sa paligid ng makita niya ako ay kumaway siya sa akin. Nakasunod pala sa likod ko si Xerxes. Hinintay niya ako sa tapat ng building ng club. Itong si Tiny antok na antok na yata kaya gusto ng unang umuwi sa amin buti na lang nakita ko pa. "Nakita ko na si Griffin," mahinang banggit ko sa pangalan ng lalaki at pa-simpleng tumingin sa paligid namin. Baka kasi nandito pa iyong Griffin na 'yon. Nagulat ako ng hawakani Tiny ang magkabilang braso ko at niyugyog ako nito na siyang kinahilo ko. "P-paano mo siya nakita, Ali!" nauutal pa itong tanong sa akin at hindi pa rin niya tinitigil ang pag-alog sa katawan ko. "T-teka, nahihilo na ako, Tiny..." awat ko sa kanya at nilayo ang aking katawan. "Malamang may mata ako, Tiny, kaya nakita ko siya." pilosopong sabi ko rito. Nakita kong sumimangot siya sa akin at nil
"Good morning, Filipino Major! I am your professor in Study and Thinking Skills, also known as English 101." Tulala akong nakatingin sa harapan ng klase namin. Nandoon ang unang professor namin ngayong araw. Nagsasalita ito pero walang pumapasok sa aking isipan. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. First time ni Xerxes na halikan ako ng gano'n ka-intense. Halos maubusan kami ng hangin pareho ng ilayo niya ang kanyang labi sa akin. Habol-habol namin ang bawat paghinga namin sa isa't-isa. Mariing nakatingin sa akin ang mga mata niya ng gabing iyon at ang hindi ko makakalimutan ay ang sinabi niya sa akin:"I know that I'm hard to love. Some days I'm all smiles and affection and then other days there's nothing I want more than to be quite and lie in bed and study.So, it's gonna be easy, it's gonna be really hard. And, we're gonna have to work at this everyday because I want you, I want all of you forever. You and Me everyday.Please don't give up on
Nakatitig ako sa phone ko. Kanina pa akong naghihintay ng reply ni Xerxes. Simula kaninang tanghali ng makita ko siyang kasama si Edel sa canteen.Pero, ni-isang reply galing sa kanya wala akong nakuha. Hindi ko na alam kung anong iniisip ko pero sobrang selos itong nararamdaman ko ngayon. Isang chat o text lang naman galing sa kanya, kung sino ang kasama niyang kumain kaninang lunch break pero 'di niya maibigay sa akin.Pinagdikit ko ang aking tuhod. Niyakap ko ito at nangalumbaba rito. Nakatitig ako sa cellphone kong nasa kama, naghihintay na umilaw at mag-vibrate ito.Alas-otso na ng gabi pero wala pa rin akong natanggap sa kanya. Ayaw ba niyang sabihin sa akin? Bakit? Kasi alam niyang magseselos ako? Ganito ba ang gusto niya? Nasaan ang tiwala at nagsasabi ng totoo roon? Nasaan, Xerxes? Pinunasan ko ang aking mga mata ng may naaaninag ako ulap sa mga mata, nanlalabo na ito dahil sa kanya. Dinampot ko ang cellphone na nasa kama at tinago sa dr
"Huy, Ali, right?" Naitago ko ang aking phone sa bulsa ng may tumapik sa aking balikat.Tumango ako sa kanyang tanong. "Mm-hmm..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kasi ramdam kong kapag nagsalita ako ngayon, mabubuwal ako. "Malapit na mag-bell. Ba't hindi ka pa lumalakad. Terror ang professor natin sa first subject, tara na!" ani niya sa akin at hinila ako sa aking kaliwang kamay at tumakbo sa pasilyo.Hindi naman takbo niyong ginawa namin, lakad mabilis ang ginawa namin pero and ending hiningal pa rin ako. "Hala! May sakit ka ba sa puso? O, hika?" Bakas sa mukha niya ang pagpapanic dahil sa pagtaas-baba ko ng aking balikat.Umiling ako sa kanya. "W-wala naman..." ani ko sa kanya.Iba ang sakit ko. Wala roon sa nabanggit mo.Dumiretso ako sa aking p'westo. Permanent seat na namin ito sa kahit anong subject ang pumasok. Except kapag PE at computer subject. Lilipat kami ng room, lalo na ang PE namin, sa gym kami nakalagay."Hi!
"Mommy," napalingon ako ng marinig ang boses ng panganay kong anak. "Annarise, broke this mommy." Pinakita niya sa akin ang sirang cable wire ng kanyang charger sa tablet.Napabuga na lang ako nang hangin ng makita kong gunit-gunit na ang charger na hawak ni Axel. Axel was eleven years old, while Annarise was eight years old.Hinawakan ko ang buhok ni Axel, "magpapabili na lang ulit tayo kay daddy, okay? You will also scold Annarise once, so that she won't touch your belongings." bilin ko sa kanya at agad naman siyang tumango. Pero, duda akong pagagalitan niya ang kapatid niya. Simulang isilang ko si Annarise naging best kuya na siya sa kapatid niya. Kapag nga umiiyak ito, siya na mismo ang nagpapatahan. Naging supportive brother siya sa mga kapatid niya. "Annarise!" tawag ko sa pangalan ng pangalawang anak namin ni Xerxes. "Mommy!" Agad ko namang narinig ang boses niya at mga paang palapit sa aking p'westo. "Why po, mommy?" nakangiting tanong niya s
"Mami, the baby is bigger in your tummy po?" Napatingin ako kay Axel ng hawakan niya ang malaki ko ng tiyan. "Yes po, big boy Axel. Lalabas na ang baby kay mommy. Magiging kuya kana." Nakangiti kong sabi sa kanya at ginulo ang buhok niya. Ngumiti siya sa akin, nawala pa nga ang mga mata. "Mami, Dada will be here na po. Nag-ti-timpla lang po siya ng milk niyo po." saad niya sa akin. Hinaplos niya ang aking baby bump habang sinasabi ang salitang, "I will be good kuya, baby." Hindi pa siya nakuntento at hinalikan pa niya ang aking tiyan."You will be big boss," Sabay kaming napatingin ni Axel ng may magsalita. Nakita namin si Xerxes na nakangiting nakatingin sa amin habang hawak sa kanyang kanang kamay ang isang basong gatas. "Dada!" sigaw ng anak namin ng makita ang daddy niya. Lumapit siya sa amin. "Here's your milk, mommy!" saad ni Xerxes sa akin at inabot ang gatas sa akin. Napanguso ako sa kanya. Hindi ko alam pero ngayong buntis ul
XERXES POINT OF VIEW“Xerxes, We have to leave. Maybe your aunt Anna and their only child Alistair are already there.”Napatingin ako kay mommy habang nagsasalita siya. Busy ako sa pagbabasa ng educational book na binili sa akin ni daddyMaaga akong ginising ni mommy. Magkikita raw kasi sila ng classmate nila ni daddy noong nasa highschool pa lang sila.She even made me wear a dinosaur shirt, I didn’t like it. They are not true.I was still staring at mommy as she put an earring in her ear. She was looking in the mirror in our living room.“You're just the same age as their daughter, Xerxes. For sure you two will get along. ” She smiled at me as she said that.How can we reconcile with their friend's child if their child is a girl?I don’t know what mommy is thinking. I would rather go to grandpa than go with them. Brother Zachary was there.“Mia, come on! Baka nandoon na sila, it would be embarrassing for them to wait so long for us.” I hear
Kinagabihan, nauna akong bumalik sa hotel room namin. Sina mommy and tita Mia ay nasa spa at nagpapamasahe. Sila daddy naman ay nag-iinuman sa may cottage kaya bumalik na lang ako rito.Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito at niluwal nu'n ay si Axel. Nagtatakang tinignan ko siya. Siya lang ba ang umakyat? "Mami, wear this po!" Tinignan ko ang hawak niyang handkerchief, tinaas niya ito sa akin para makita ko.Nilapag ko ang magazine na aking binabasa. "Para saan ito, Axel?" pagtatanong ko sa kanya. Kanina kasama niya ang daddy niya. Nasaan na ang isang niyon? Bakit hinayaan niyang umakyat mag-isa si Axel. "Where's your daddy?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at nagkibit-balikat na lamang. Lumapit siya sa akin at binigay ang handkerchief. "Tito Reed pu nagdala sa akin dito. Dada said suot niyo raw pu ito." saad niya sa akin at nilapag niya ang handkerchief sa aking hita. "Tapos, Mami, wo-walk po tayo pababa. Pupuntahan po natin si
"Mami, maganda po ba roon? Sabi ni Dada linis daw po roon." Napangiti akong tumingin kay Axel. Kanina pa siya nagtatanong about sa pupuntahan naming beach resort bukas. Ginawa nga ni Xerxes ang sinabi niya, tinapos niya lahat ng requirements na kailangan niyang ipasa kaya heto si Axel tuwang-tuwa at halos ayaw na matulog. "Yes, big boy. Family friend nila wowo mo ang may-ari noon." ngiting sagot ko sa kanya. Family friend nila tito Zark ang may-ari ng beach na pupuntahan namin. "May mga fish tayong makikita roon, Mami?" tanong ulit niya sa akin. Inayos ko ang buhok niya tumatabing sa mukha niya. Mahaba na rin ang buhok ni Axel, need ko na siguro siyang pagupitan din. Ngumiti ako sa kanya, "yes po. Maraming fish doon. Kaya matulog ka na big boy para bukas pagkagising mo marami kang lakas na mamasyal." ani ko sa kanya at hinalikan ang kanyang noo. "Okay pu, Mami!" Pagkasabi niyang iyon ay nakita ko na siyang humihilik. Inayos ko ang kumot
"We need to talk, Xerxes?" seryoso kong sabi sa kanya. Nandito kami sa unit kung saan nag-rent ng isang araw ang family nila Xerxes. Hindi na kasi p'wedeng umuwi ang ibang guest dahil lasing na ang mga lalaki baka mapahamak pa sila. Lumingon siya sa akin ng mailapag niya si Axel. Tulog na tulog ang anak ko, mukhang napagod kakalaro kanina dahil sa birthday party niya. Sila mommy naman ay nasa kabilang room din. Hindi na kami nakauwi at nagpasyang dito na magpalipas ng buong araw. "About saan, Ali?" Lingon na tanong niya sa akin.Nakita kong hinaplos niya ang pisngi at buhok ng anak namin na si Axel. Tumalikod ako sa kanya, "about sa atin, Xerxes." saad ko sa kanya at lumabas sa k'wartong kinalalagyan namin.Ito na ang oras para malaman ko ang tunay sa pagitan nilang dalawa ni Edel. Kung sila talaga at masaya sila sa isa't-isa hindi na ako hahadlang para sa kanilang dalawa.Ilang segundo lang din ay narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto. Naka
"Mami, good morning po!" Napangiti akong makita ang anak ko. "Happy birthday, big boy! Are you happy?" pagtatanong ko sa kanya at sunod-sunod ang naging pagtango niya sa akin."I am po, Mami! Happy po ako 'cause I have Dada na po and we're okay po." Nakakiling ang ulo niya ng sabihin niya iyon. Umakyat siya sa kama kung sa'n pa rin ako nakahiga. Dumagan siya sa akin at saka ako niyakap nang mahigpit. "Mami, stand up na po! Today is my birthday po." ani niya sa akin habang nakadagan pa rin siya sa katawan ko. "Okay po, big boy! Tatayo na si Mami," saad ko sa kanya at umupo na ako sa kama namin. "Come on, big boy, baba ka na roon and maghahanda na rin si mommy." Bilin na sabi ko sa kanya. Bumaba siya sa kama at ngumiti sa akin, "Mami, wi-wait ka namin ni Dadi sa baba po, okay?" Nakangiting sabi niya sa akin at saka dumiretso lumabas sa k'warto. "Huh?!" Napabuga na lang ako. Last na ito, pagkakataon ko na kausapin si Xerxes ng birthday party
"Thank you sa paghatid, Vale!" pasasalamat ko sa aking boss."Walang anuman, Alistair! Maraming salamat din!" masayang sabi niya sa akin. Kumaway ako sa kanya hanggang mawala sa aking paningin ang kotse niya. Sa wakas, weekends na bukas! Lumapit na ako sa gate namin at bubuksan ko na sana ang gate nang may magsalita sa gilid ko. "Bakit ngayon ka lang? Anong oras na, Alistair? Kanina ka pa hinihintay ng anak natin." Napalingon ako sa kanya. Nakita ko ang suot niyang damit na may design na Spider-Man. Sinusunod niya lahat ng gusto ni Axel. "May meeting kami kanina. Mas nauna lang nakauwi sila kuya Reed kaysa sa amin." sagot ko sa kanya. Binuksan ko na ang gate ng bahay pero hinila niya ako papunta sa kanya. Halos masubsob ako sa kanyang katawan. Nagulat ako sa kanyang ginawa na halos 'di ako nakapag-isip ng tama. "Xerxes," tawag ko sa kanyang pangalan at inaalis ko ang kanyang pagkakayakap sa akin pero malakas siya kumpara sa akin."Plea
"Thanks for arranging this meeting. You can expect me to respond to you as soon as possible." Nakipag-kamay si Mr. Vale sa ka-meeting naming si Mr. Tzu, kaibigan niya raw ang isang ito. Humingi siya ng tulong sa company namin for the generators. CEO raw kasi ito ng isa sa mga sikat na gumagawa ng generators dito sa Philippines. "Thanks also to your secretary," gumawi ang tingin ni Mr. Tzu sa akin. Ngumiti ako sa kanya, "thank you for the time also, Mr. Tzu." Nakipag-kamay rin ako sa kanya. Lumaki ang mga mata ko ng akbayan ako ni Mr. Vale, "she is the only child of the President of the company I work for, Mr. Tzu." Nagulat ako sa kanyang sinabi. Sana hindi na lang niya sinabi, nahiya tuloy ako. Saka, mas magaling na susunod na president ng company si kuya Reed. "Oh, really? Nice to meet you interestingly, you would rather be a secretary than follow in the footsteps of the company owner." manghang sabi ni Mr. Tzu sa akin. Kiming ngumiti ako sa