Venus POV
Matapos naming mag agahan ay agad na nag-aya si Sage na umalis kasama kaming dalawa ni Lucius. Nakangiti lamang ito habang nagda-drive at tulad ng dati n'yang nakagawian ay hawak nang mahigpit ang aking kamay."Wow! Daddy, family bonding po ba ito?" Nakangiting tanong ni Lucius habang nakaupo lamang sa backseat.Napangiti lamang ako sa aking narinig dahil mukhang parehong masaya ang mag-ama ko."Pupuntahan natin ang lolo at lola mo Lucius.. I want you to meet them." Malumanay nitong tugon at agad na nanlaki ang mga mata ko.M-Makikilala ko na ba ang mga magulang ni Sage?Agad na bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa kaba. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung gawin lalo na at hindi ko pa naman nakikilala ang mga magulang n'ya!"Talaga po daddy?! I'm so excited to meet them!" My son exclaimed at halata sa kanya ang pagiging bibo.Napatingin sa akin si Sage dahil naramdaman siguro nito ang pamamawis ng aking kamay. Akmang bibitaw akoVenus POVIlang bag na ang hinalungkat ko upang mahanap ang mga papeles ni Lucius ngunit hindi ko talaga mahanap rito. "What are you doing wife?" Nagtatakang tanong ni Sage nang makapasok sa kuwarto namin. Ang kalat na kasi ng kuwarto dahil sa mga gamit na pinag-aalis ko upang mahanap ang attaché case na pinaglagyan ko ng mga papeles ni Lucius. "Hindi ko pa rin mahanap!" Frustrated kong sagot at kunot-noong ibinalik ang tingin sa bag na hinahalungkat ko. "Kahapon mo pa hinahanap 'yon.." Komento nito at nakisali na rin sa pagtanggal ng iba pang gamit. "Hindi kaya naiwanan 'yon sa condo unit n'yo?" Aniya at napahinto naman ako. Hindi nga kaya? Sina Tucker at Flinn kasi ang nagdala nang mga gamit rito. Basta ang alam ko, nakasalansan naman 'yon lahat at imposible pang may maiwanang gamit roon! "Pupuntahan ko nalang.." saad ko at napahilamos sa mukha. Alam n'yo 'yong pakiramdam na inis na inis ka na dahil hindi mo mahanap ang isang bagay. Ganito ang na
Venus POV"I'll be straight to the point toward to his condition. We can only offer chemotherapy- after that, there's no assurance na.. na gagaling s'ya nang tuluyan. Bihira lamang ang nabubuhay matapos ang chemotherapy sessions. Sa kondisyon n'ya ngayon, kumalat na ang cancer sa buong katawan n'ya. We can't assure to prolong his life-" "What?! Anong klaseng doctor ka!"Agad kong inawat si Queenette dahil nanggagalaiti na naman ito sa galit. Mabuti nalang at agad s'yang nahawakan ni Jeron! "I'm sorry- pero ayaw lang namin kayong umasa. Hangga't maaari ay nais naming malaman n'yo na fifty-fifty parin ang tiyansa na mabuhay ang pasyente. As you can see, nalagas na ang buhok n'ya at marami na ring pasa sa iba't-ibang katawan. Kapag dumaan pa s'ya sa chemotherapy- papatayin nga nito ang kanser na kumalat na sa katawan n'ya ngunit papahinain naman s'ya nito."Matapos nitong ipaliwanag ang lahat ay agad itong umalis dahil may iilan pa itong mga pasyente na kailangan
Venus POVHabang tumatagal ay mas lalo lamang lumalala ang mga nangyayari kay Tristan. Magmula sa mga pasa n'yang kulang nalang ay mawalan nang espayo ang kanyang katawan sa dami. Lumala rin ang pagsusuka nito nang dugo at mas lalong nanghina lalo na't sumailalim na s'ya sa kanyang chemotherapy sessions. "I badly want to stop.." nanghihinang saad ni Tristan habang nakaratay lamang sa hospital bed. "I-It's been a month simula noong nag chemotherapy ako- but.. my body slowly dying." Napatingin ako kay Queenette. Muling lumungkot ang mga mata nito. Alam kong sa mga oras na ito ay pagod na pagod na si Tristan na makipaglaban. "Tristan, kaonting tiis pa-" hindi na natapos pa ni Queenette ang sasabihin nito nang bigla na lamang ibinato ni Tristan ang hawak na mansanas. Napapitlag ako sa nangyari at napatingin sa nawasak na mansanas sa pader. "Tiis? Hindi n'yo ba naiintindihan? Pagod na ako! Hindi ko na kaya.. itong katawan ko na ang sumusuko. Hinang-hina ako a
Venus POVThree days had passed at ngayon ay magkakasama kaming lahat rito sa kuwarto ni Tristan. Nakaupo ito sa hospital bed habang suot ang damit na ipinasadya namin ni Lucius para sa kanilang dalawa. Napatingin ako kay Queenette at Jeron na kakarating lamang. Nakasuot ito ng bistida habang may isang tray ng pagkaing dala si Jeron. "Wait, late na ba kami?" Tanong ni Queenette at agad namang tumakbo papalapit sa kanya si Lucius at agad itong hinawakan sa kamay. "Be careful tita! Baka po mapano si baby sa tummy mo.." paalala nito kaya naman ay sabay-sabay kaming nagtawanan. Noong malaman n'yang buntis ang tita Queenette ay aba't atat na atat si Lucius na madalaw si Queenette. Excited raw kasi s'ya sa baby nito. Tristan smiling from ear to ear, alam kong ito ang bagay na gusto n'yang mangyari. Inilipat s'ya nina Sage at Flinn sa isang wheelchair. Hindi ko ata nakitang naalis ang ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi. Pagdating sa mga pagkain ay nap
Venus POV"Aalis ka na bang talaga?" Malungkot kong tanong at agad niyakap si Queenette. Marahan itong tumango at niyakap rin ako nang mahigpit. "I'm going to miss you, Venus! Lalong-lalo na si Lucius!" Emosyonal nitong saad na mas lalo kong ikinalungkot. Ilang buwan na simula noong mailibing si Tristan. Nakabalik na rin ng Amerika ang pamilya nito noong nakaraang buwan lamang. "Ganoon rin kami Queenette. H'wag kang mag-alala, kapag naaayos na namin ni Sage ang mga papeles ni Lucius ay agad ka naming bibisitahin roon!" Ngumiti ako ngunit agad rin namang kumawala ang aking luha. Pinahid nito ang aking luha at muli na naman akong niyakap. Maging s'ya ay naluha dahil ito ata ang unang beses na magkakalayo kami. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nakasama ko si Queenette at Tristan ng mahigit anim na taon. "Naku, gusto ko kapag dinalaw n'yo ako ay may bitbit ka na namang baby ha? Para naman may maging kalaro itong anak ko 'pag labas!" Nakangiti
Venus POV"Mi amore!"Agad kong hinabol si Lucius dahil karga-karga ito nang isang lalaki na nakasuot nang makapal na jacket na kulay itim at nakasumbrero. "LUCIUS!" Sigaw ko dahil pilit nitong iniaabot sa akin ang kanyang kamay ngunit hindi ko parin ito magawang mahawakan! Muli na naman akong nakaramdam nang paghampas mula sa aking likuran na kinabuwal ko! Tuluyan akong nagtumba at namilipit sa sakit dahil sa lakas nang pagkakahampas sa akin! Tatlong lalaki ang nasa likuran ko ngunit hindi ko maaninag nang malinaw ang kanilang mga mukha! Pinilit kong tumakbo ngunit hindi ko magawa dahil hindi ako makatayo nang maayos! Para bang may kung anong nakadagan sa aking mga paa sa sobrang bigat nito. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang itinutok nang lalaki ang baril sa noo ni Lucius ngunit agad na dumating si Sage at s'ya ang binaril ng lalaking iyon! Napasigaw ako at agad na nag-unahang bumagsak ang aking mga luha dahil tuluyan ng bumagsak ang katawan ni Sa
Venus POV "Lumabas na po ang mga result kung sino-sinu ang mga nakatakas at namatay dahil sa malakas na pagsabog, at.. isa po si Barron sa mga namatay." Nakahinga ako nang maluwag dahil sa aking narinig. So, that means na wala na s'yang magagawa upang makabalik at makapanira pa sa amin. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib dahil sa magandang balitang ito! "Thank God! Mabuti naman at hindi s'ya ang isa sa mga nakatakas, officer! Punong-puno kami nang mga pangamba na baka bigla na lamang n'ya kaming balikan rito!" Saad ni lola Maxima at ngumiti lamang ang pulis sa amin. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin ito. I think ito na talaga ang pinakamagandang simula para sa aming lahat. We'll live in peace at wala ng kung ano-anu pang gulo. "You can finally celebrate your 35th birthday Sage!" Excited na saad ni lola Maxima! Oo, thirty-five-year old na si Sage next week! Ang bilis lang hindi ba? Imagine, twenty-eight lamang s'ya noong nakila
Venus POV "Happy birthday daddy!" Sigaw ni Lucius at patakbong sinalubong si Sage nang makarating kami rito sa isang sikat na hotel restaurant. Dito kasi gaganapin ang ikatatlumpong-limang kaarawan nito. Everything is settled. Halos nandito na rin ang mga mahahalagang bisita na imbitado sa kanyang kaarawan. Ang totoo n'yan ay masasabi kong mas bongga ang birthday n'ya ngayon kumpara noong ikadalawampu't-walong kaarawan n'ya. Mas marami kasi bisita at talaga namang milyones ang ginastos para rito. Alas-siete pa lamang ng gabi, lutang na lutang ang kaguwapuhan ng aking anak sa suot nitong tuxedo na ginawa pa ng isang sikat na designer sa ibang bansa. Halos lahat ata ay nakukuha n'ya ang atensyon lalo na noong humawak ito sa kamay ni Sage. Tuwing magkadikit silang dalawa ay talaga namang magkamukhang-magkamukha! Nahiya naman ako na ako ang nagdala nang siyam na buwan pati na ang nagluwa pero kilay at ilong lang ata ang nakuha sa akin! Isang silk blue eveni
"Here she is!"Hinalikan ko si Venus sa noo nang ipatong sa kanyang dibdib si baby. Iyak ito nang iyak ngunit tumahan rin ng maramdaman ang kanyang ina. Napahikbi na lamang ako sa tuwa. This is the most awaited moment! Finally, after of how many months! I hold her little hand. Her soft skin make me shivers. She's so beautiful! My baby is so damn beautiful! "Amaris Serenity. That will be her name." Bulong ko at ngumiti naman sa akin si Venus. "Amaris. It's beautiful."Makalipas ang ilang oras ay karga-karga ko lamang si baby Amaris. Tulog lamang ito at para bang kumportableng-kumportable dahil karga ko. "Oh my! She's so beautiful, hijo!" Komento ni lola at marahan itong hinaplos. "Indeed, la." Tugon ko at marahan s'yang isinayaw. "Mi amore? Do you want to eat more?" Rinig kong tanong ni Lucius dahil sinusubuan nito ang kanyang mommy ng apple. How sweet. Talagang big boy na ang aking unico hijo. "Thank you so much, mahal!" Nakangiti saad ni Venus at tumango. "You're welcome,
When I was young, I noticed to myself na marami pa ding kulang sa akin despite of everything I have. Nag rebelde? Yes. Naranasan ko iyan. But years after, gusto ko nang magseryoso sa buhay. "You're so lucky hijo. You found Venus. You have her. Keep her until the end." My lolo commented. Napangiti ako habang tinitingnan ang aking asawa na abala sa pakikipagkuwentuhan sa aming ilan pang mga kaibigan. Naisip kasi ni lola na mag celebrate dahil kabuwanan na nga ni Venus. Dito na rin sa mansyon ginanap ang munting salo-salo para sa aming lahat. "I know lo. Ako na ata ang pinakamasuweteng lalaki sa buong mundo." Nakangiti kong saad. Nakita ko ang pagsimsim ni lolo ng red wine at napangiti rin ito. "You know why I forced you to get married years ago?" Tanong nito kaya napahinto ako. Wala akong ibang ideya kung hindi para lamang sa mamanahin ko noon. Iyon lang naman ang nakikita kong rason kung bakit ako nais ipakasal ni lolo? "Dahil sa mamanahin ko?" Halos bulong ko nang saad at nar
Venus POV"Sage! Wake up!" Malakas kong inalog ang katawan nito habang nasa mahimbing na pagtulog upang agad s'yang magising. Napatingin ako sa orasan at pasado alas-dos na pala ng madaling araw. "W-What is it wife?" Tanong nito at marahang bumangon at naupo. "Gusto ko ng kamias.." nakanguso kong saad at para bang awtomatikong nawala ang antok nito dahil sa narinig. "Nang alas-dos ng madaling araw, wife?" Gulat pa nitong tanong kaya marahan akong tumango. "Alright, if that's what my baby want- my baby gets."Ani nito at agad na tumayo at humalik muna sa akin bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Maya-maya pa ay narinig ko na ang makina ng sasakyan nito paalis kaya agad akong sumilip sa bintana at nagdarasal na sana ay may mahanap s'yang kamias. Hihikab-hikab akong lumabas nang kuwarto at isa-isang binubuksan ang mga ilaw sa aking dinadaanan. I am now ten weeks pregnant. Noong nakaraang linggo lang namin nalaman ni Sage na buntis na pala ako kaya sobrang sensitive ko- maging sa pang
Venus POV "Napakaganda mo anak!"Napangiti ako nang makita ko si dad. Namumula ang mga mata nito na tanda na galing sa pag-iyak. "Salamat dad!" Nakangiti kong saad at hinawakan nito ang aking kanang kamay. "I dreamed about this for you, sweetheart. I want you to be happy, I want your heart to be happy.." bulong nito kaya marahan akong napatango. Nangilid ang aking luha kaya naman tumingala ako upang maiwasan ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata."Oh my! I'm so happy baby!" Impit na tili ni mommy ngunit kalalip no'n ay ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "Ang tagal kong hinintay ito, Venus. Seeing you with that wedding dress- sari-saring emosyon ang nararamdaman ko.." Alam kong napakasaya nila sa araw na ito. Maging ako rin ay samut-saring emosyon ang nararamdaman. Pakiramdam ko ay may kung anong kakaiba sa loob nang aking tiyan. Hindi ako mapakali. "Thank you mom and dad! Salamat dahil nandyan kayo!" Agad ko silang niyakap. Ang akala ko noon ay hindi ko na mararanasa
Venus POVMarahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit agad rin akong napapikit nang tumama sa aking mata ang nakakasilaw na liwanag mula sa kisame. Bahagya pa akong napahawak sa aking talukap dahil sa panunubig ng aking mga mata dulot ng paghapdi. Muli kong sinubukang dahan-dahang dumilat. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng paligid, tama nga ang nasa isip kong nasa ospital ako-"Doc! She's awake!"Napatingin ako sa pinto at doon ay nakita ko ang isang matangkad na babae na medyo may katabaan. Nakaputi ito na uniporme at agad na tinakbo ang direksyon ko. She's checking me out. Pumasok rin sa loob ang doctor na tinawag nito sa labas at bahagya pa itong ngumiti sa akin. "I'm glad that you're awake Mrs. Dawson.." malumanay nitong saad ngunit hindi ito ako umimik. I tried to open my mouth, ngunit agad ko rin isinara nang makaramdam ako ng paghapdi sa aking lalamunan. "I'll get some water doc!" Ani naman ng isang nurse na ikinatango ng doktor. "It's normal na mamalat ang lala
Venus POV Namuo ang pawis sa aking buong katawan. Nakita ko kung paano dahan-dahang bumagsak sa sahig katawan ni Aira. Dilat ang mga mata nito at hindi na gumagalaw at butas rin ang noo nito dahil sa bala ng baril na pagmamay-ari ni Barron! "Oh? Ano pang tinutunganga n'yo? Iligpit n'yo 'to!" Sigaw nito habang nanlalaki ang mga mata at pawisan ang kanyang noo. Ni hindi man lang ito kumurap ng binaral n'ya si Aira sa mismong noo nito! Agad na nagsikilos ang ilan n'yang mga tauhan at tsaka naman ibinaling ang tingin sa akin. Ngumisi ito at agad na inilagay sa kanyang tagiliran ang baril na ginamit sa pagpatay. "Nakaganti ka na Venus! Siguro naman ay hahayaan mo na akong angkinin ka?" Nakakapangilabot nitong sabi kaya bahagya akong napaatras. "Hayop ka talaga!" Singhal ko at ngumisi lamang ito sa akin. Agad itong tumalikod sa akin t hinarap naman ngayon si KD. Galit na tumingin sa kanya sa KD at agad naman s'yang nakatikim ng suntok sa simura habang hawak si KD ng dalawang lalaki.
Venus POV"Hoy! Gumising ka!"Agad akong napamulat ng mga mata ng maramdaman ang mabigat na palad na dumampi sa aking pisngi. "H'wag mo 'kong tingnan ng ganyan baka tukusin ko 'yang mga mata mo! Pabalik na rito si Barron, kaya dapat lang na imulat mo na 'yang mga mata mo!" Singhal sa akin ni Aira- ang kaibigan ni Barron. Inis ko lamang iniwas ang aking mga mata at inilibot sa paligid ang aking paningin. Tatlong araw na akong nakakulong rito. Wala silang ibang ginawa kundi ang bugbugin ako at sapilitang ipainom sa akin ang kung ano man gamot ang basta na lamang nilang isinasalpak sa aking bibig. "Ano namang meron? Kapag ba dumating si Barron ay maiisipan n'yo na akong palayain? Wala naman atang magbabago!" Inis kong saad ngunit narinig ko ang pagak na pagtawa ni Aira at marahas na hinawakan ang aking buhok."Wala nga! Dahil mabubulok ka na rito! Kung puwede nga lang kitang ilibing ng buhay ay baka ginawa ko na! Tutal wala ka namang silbi!" Aniya at agad na binitawan ang aking buhok.
Venus POV"Anong pakiramdam na malapit ko ng makuha ang paghihiganti na gusto kong mangyari?" Nakangising tanong ni Barron habang habang ang isang sigarilyo sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay nito ay may hawak na baril. Napalunok na lamang ako dahil baka bigla na lamang ako nitong maisipang barilin. Gusto ko pang mabuhay. "Tumigil ka na lang Barron. Magbago ka na!" Singhal ko ngunit namayani lamang ang boses nito sa buong kuwarto. "Magbago? Magkamatayan na pero hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyan Venus! Ipinusta ko na rito ang buhay ko! Kaya hinding-hindi ako papayag na hindi mangyari ang mga planong inihanda ko!" Sigaw nito at agad na humithit sa sigarilyo habang nanlalaki pa ang mga mata sa galit. "W-Wala akong kasalanan sayo! Pero paulit-ulit mo akong ginugulo!"Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko dahil hindi na kayang dalhin ng puso ko ang labis na emosyon. Naninikip anh dibdib ko sa mga oras na ito at pagkamuhi ang labis na aking nararamdaman sa tuwing titingin
Venus POVNagulat ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok na naman ang dalawang lalaki na naglagay sa akin dito. "A-Anong kailangan n'yo?" Tanong ko at mas lalo pa akong nagsumiksik sa sulok. May hawak silang isang mahabang lubid kaya mas lalo akong nakaramdam nang kaba sa aking dibdib. "Dumating na si boss! Gusto ka raw n'yang makitang humihinga!" Sagot ng isa sa kanila at muling naghalakhakan. Marahas akong dinampot nang mga ito at sapilitang itinayo. Kahit anong panlalabang gawin ko ay wala ring silbi dahil mas malalaki ang katawan nila kumpara sa akin at mas malakas. Agad nila akong kinaladkad palabas. Napakahigpit nang pagkakahawak nila sa akin at halos matisod na ako sa paglalakad ngunit wala silang pakialam. May narinig akong mga tawanan. Hanggang sa palakas ito nang palakas. Nakita ko ang ilang kalalakihan na nag iinuman at agad kaming huminto sa paglalakad. "Boss!" Tawag ang lalaking mataba na may hawak sa akin. Dahan-dahang humarap sa amin ang bukod tan