Ayan na, Eliot. Ginusto mo iyan ah?!
Matapos malapatan ni Therese ng anti rabies, kailangan nilang bumalik after 3 days sa hospital for the second session of vaccine.Umuwi na sila ng apartment nila matapos no’n at hinatid naman sila ni Floyen at Peres. Habang pauwi sila, kwinento ni Meldy kung ano ang nangyari, kung bakit sila umiyak kanina.Hindi nagkomento ang dalawa dahil naiintindihan nila si Eliot at ganoon rin ang side ni Meldy. Ayaw nilang may kampihan lalo’t batid nilang walang alam si Eliot sa nangyari at marahil e nadala lang ito ng emotion kanina.Sa sasakyan, si Therese ay nakakandong kay Peres na panay ang daldal. Isang paa lang naman niya ang na-sprain, hindi ang dalawa.Kanina pa sila nagdaldalan ni Therese at dahil likas na mabait si Therese at madaling makagaanan ng loob, madali niyang nakuha ang loob ni Peres.“Bye po tito Floyen! Bye po tito Peres!” Sigaw ni Therese at kumakaway pa.“Salamat sir sa paghatid,” saad naman ni Meldy kay Floyen. Humaba ang nguso ni Floyen at sinabing, “walang anuman. But pl
“H-Hon, I’m really sorry..” Nag-aalalang sabi ni Eliot kay Meldy. Tumingin si Meldy sa anak niya na nasa loob ng bahay at bumaling kay Eliot.“Naiintindihan ko ang reaction mo dahil anak mo si Elise. Pero kasi Eliot, kahit na naiintindihan kita, natakot ang anak ko sa’yo. Ayaw na muna niyang bumalik sa bahay mo kaya mananatili muna kami sa apartment ko.”Mas lalong nangamba si Eliot. Gusto niyang lapitan si Therese pero ayaw talaga ng bata sa kaniya.“Iiwan mo na ba ako? Hindi mo na ako gusto?” tanong niya kay Meldy.“Hindi ganoon yun,” mahinahong sabi ni Meldy sa kaniya. “Pero sa ngayon, dito muna kami ng anak ko.”“B-Babawi ako kay Therese,” saad ni Eliot.Nakita naman ni Meldy ang sinseridad sa mga mata niya. Ngumiti siya at tumango dahil bibigyan niya ng chance si Eliot na makabawi kay Therese.Ayaw rin naman niyang lumayo dahil hindi rin niya kayang tuluyang malayo kay Elise.Parang nakahinga si Eliot sa sagot ni Meldy. Sisiguraduhin niyang babawi siya kay Therese kahit na ilap na
The next day, dumating ulit si Eliot kasama ni Elise, but this time marami na siyang desserts na dala. Si Elise naman ay dumiretso sa mama niya para yumakap.“Mama, the house is empty without you and Therese,” sumbong niya.Meldy smiled at yumuko. “If Therese is no longer afraid of your dad, babalik na kami doon.”“Matutuloy po ang wedding?” nanlalaki ang mata na tanong ni Elise.Medyo natigilan si Meldy doon. She didn’t even consider Elise’s feelings about the engagement. “Gusto mo ‘ko maging wife ng dad mo?”Lumabi si Elise at tumango. “Opo mama. I am excited to be your daughter.”Parang may humaplos sa puso ni Meldy nang marinig ang sinabi niya.Habang nagkakamoment ang dalawa, si Eliot naman ay pasimpleng nilalapitan si Therese na hanggang ngayon ay hindi siya pinapansin.“I like purple,” sabi niya nang makita na nagkukulay si Therese sa coloring book nito gamit ang violet na crayola.Tumayo agad si Therese, “mama, paano po ito?” tanong niya habang dala ang coloring book.Napakamot
Hindi na tumuloy si Meldy no'ng araw na yun sa skwelahan dahil walang maiiwan kay Therese. She saw how guilty Eliot was for making Therese avoiding him.Sinabi pa nito sa kaniya na kung sana hindi niya ito tinakot e hindi sana makakaabsent si Meldy sa skwelahan. Ngayong araw ang second session sa vaccine ni Therese for anti-rabies. Magkasama sila ni Meldy sa hospital at dahil provided na ni Eliot ang expenses kahit ilang beses ng tinaggihan ni Meldy ay VIP na sila pagdating. Alagang alaga at asikasong asikaso si Therese. Eliot made sure na uunahin ang dalawa oras na dumating ito no matter how hectic ang schedule ng doctor."Ito po ba ang anak ni Mr. Santisas ma'am?" nakangiting sabi ng nurse na umalalay muna sa kanila habang hinihintay pa ang doctor na siyang mag-aasikaso kay Therese."Hindi niya po ako anak," nakasimangot na sabi ni Therese. Pilit nalang ang pagngiti ni Meldy sa nurse na nasa harapan nila."Pasensya na po," ang sabi nalang nito sa kaniya.Nang makaalis ang nurse, a
“Nandito pala kayo. Anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Peres kay Meldy na sandaling natulala sa kaniya.“Wala lang.. Gumala lang kami ni Therese dito.”Tumingala si Therese na nakakapit na sa isang binti ni Peres. “Tito, sa inyo po ba ang beach na ito?”“Oo. Do you like it? You can stay here if you want.”Humaba ang nguso ni Therese.“Tito, bakit ang bait niyo sa akin? Hindi kaya ikaw ang nawawalang papa ko?”‘Nawawala?’ takang tanong ni Peres sa sarili niya.Nanlaki naman ang mata ni Meldy. “Therese!” Hindi siya nakailag doon.Namula tuloy ang mukha niya at nahiya sa sinabi ng anak.Natawa nalang si Peres sa narinig.“Pasensya ka na Peres. Naku, ang daldal ng batang iyan.” Sabi nalang ni Meldy na hiyang hiya.“Ayos lang,” sabi ni Peres at bumaling kay Therese. “You can call me papa if you want. Pero syempre, iba pa rin ang magiging papa mo pagdating ng panahon. Si Eliot pa rin ang magiging papa since siya ang papakasalan ng mama mo.”Ngumuso si Therese pero hindi na nagsalita.“What
Malakas ang ginawang pagtikhim ni Eliot habang nakatingin kay Meldy na nagagawi ang mata paminsan-minsan doon kay Peres na siyang nakangiti habang kausap ang ilan sa mga tourists na pumunta ng resort niya.Napatingin si Meldy kay Eliot at umayos ng upo.“Hindi naman mas hamak na gwapo ako kesa diyan kay Peres,” bulong ni Eliot at kinain ang carbonara na mapait pa yata sa ampalaya para sa kaniya.Gwapo si Eliot pero iba ang karisma at kagwapuhang taglay ni Peres. Iyon ang tumatak sa sinumang babaeng napapatingin dito at hindi na iba si Meldy.Si Therese ay sumama kay Mr. Sy na bumili ng fresh buko kaya silang dalawa lang ang naiwan sa cottage.“Ito naman. Galit ka na niyan?”“Bakit naman kasi tingin ka nang tingin sa kaniya?”Agad niyang hinawakan ang pisngi ni Meldy at pilit na pinaharap sa kaniya. “Sa akin ka lang tumingin at huwag na kay Peres. Masdan mo ang mata, ilong at mukha ko. Hindi ba gwapo?”Natawa si Meldy ng tuluyan at napailing. “Grabe ka naman. Sige na po, gwapo na.” Sab
“J-Jose,” parang nakakita ng multo si Melody ng biglang lumabas si Jose.“B-Bakit mo siya sinaksak?” ngayon pa nakita ni Melody ang galit na namutawi sa mukha ni Jose.“I-I’m sorry. Hindi ko sinasadya.” Umiiyak na sabi ni Melody. Nawala bigla ang tama ng alak sa kaniya. Para na siyang aatakihin sa tindi ng kabang nararamdaman niya.“M-Mahal mo naman ako ‘di ba?” sabi niya, sinusubukang kunin ang loob ni Jose.“Maniniwala ka naman sa sinasabi ko ‘di ba? Na hindi ko sinadya ang lahat?”Hindi gumalaw si Jose. Nakatingin lang siya kay Tasya ngayon na nakatingin sa kaniya habang sumusuka ng dugo. Hirap na rin siyang igalaw ang katawan niya.. at umiiyak.“Jose,” lumapit si Melody at idinampi niya ang labi niya kay Jose. “Ako ang paniwalaan mo please..”Parang nablanko ang utak ni Jose. Hinawakan niya ang kamay ni Melody ng mahigpit dahilan kung bakit napakislot si Melody sa tindi ng sakit.“Jose, n-nasasaktan ako..”“Alam mo, tama ka!” Mariin na sabi ni Jose habang nakatingin sa kaniya. “Mah
Pumunta si Jose sa isang bar kinagabihan, iniwan si Tasya sa bahay. Pansin niya ang pasimpleng mga galaw ni Tasya na tila ba nagpaparamdam sa kaniya.Wala siyang nararamdaman para dito. Kung titignan niya si Tasya, para lang niya itong nakababatang kapatid. Kaya umaalis na lang siya ng bahay.Sa isang bar, napadpad ang paningin niya sa isang babae na kasama ang dalawang bodyguards.Alam na niya agad, sa unang tingin pa lang na sobrang ganda no’ng babae, bumagay ang ganda sa kulot nitong buhok.Tumaas ang sulok ng labi niya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagkaroon siya ng matinding interes sa babaeng yun.Hindi pa siya kailanman nagandahan sa isang babae, pwera ngayon.Tumayo siya nang makitang umaalis ang babae sa bar kasama no’ng dalawang bodyguard. Naabutan niya ito sa labas na may kinalikot sa bag.Nakita niya kung paano maglabas ng wallet ang babae at maglabas ng pera para ipamigay sa mga batang nasa kalsada natutulog.Hindi yun nakawala sa paningin niya. He likes what he s
Matapos mag-usap ni Meldy at ng papa niya, saka pa siya naglakas loob na sulyapan si Melody. Sobra itong payat ngayon. Namumutla at maraming sugat sa katawan. Mariin siyang napapikit. Hindi pa niya ito napapatawad sa ginawa nito sa kaniya at sa mga anak niya pero hindi rin niya maiwasang masaktan habang nakatingin sa sinapit nito. Napansin ni Meliciano ang mga tingin ni Meldy kay Melody. Nauunawaan niya ang anak niya kung bakit tila nag iwas ito ng tingin, kaya pinili na rin niya ang tumahimik. “Honey,” pumasok si Eliot at tumingin sa kanila. Yumuko pa ito para magbigay galang kay Meliciano. “Good evening po sir,” saad ni Eliot. Tumayo si Meldy at lumapit kay Eliot. Kita nila kung paano ito yumakap kay Eliot na para bang gawain niya ito lagi. “Uwi na tayo.” Sabi ni Eliot sa kaniya. Tumango siya at tumingin siya sa papa niya. Hinila niya si Eliot palapit dito. “Pa, ito po pala si Eliot. Siya po ang fiancé ko.” Nakita ni Meldy na hindi na nagulat ang papa niya kaya naba
“Stop sulking!” Bulong ni Meldy kay Eliot. Nasa sasakyan na sila at pauwi na. Si Mr. Sy ang nagmamaneho. “I’m not.” Pagdi-deny ni Eliot sabay tingin kay Mr. Sy na pinapakiramdaman lang sila sa likuran. “Sus. Hindi daw.” Umirap si Eliot at tumingin sa labas. Hindi tuloy maiwasan ni Meldy ang matawa. She finds him cute acting that way. “I can’t wait to go home.” Sabi ni Meldy at ngumiti. Namiss na niya ang mga anak niya. Hindi naman makapagsalita si Eliot dahil hindi niya alam kung anong madadatnan nila pagbalik ng San Lazaro. Tumingin siya kay Mr. Sy na nasa driver’s seat. Nakita niya itong nakatingin rin sa kaniya sa pamamagitan ng salamin. Sa tinginan nila, alam na ng isa’t-isa kung ano ang gusto nilang sabihin. Pagdating nila ng San Lazaro, nagulat si Meldy nang mapansin ang mga tao na nagkukumpulan na tila may pinag-uusapan. Tumingin siya kay Eliot. "Anong meron?" puno ng pagtataka na tanong niya. "I don't know, hon." "Ganito talaga ang Pilipinas. Hindi nawawalan ng chismi
“Papa,” malalaki ang luha sa mga mata ni Melody habang nakatingin kay Meliciano na umiiyak habang nakatingin rin sa kaniya.Nakita siya ni Jose na nakatayo nalang habang nakaharap sa lalaking nakatingin rin sa kaniya. Kumuyom ang kamao niya at tatakbo sana palapit dito nang biglang may bala ng baril ang biglang tumama sa tuhod niya dahilan kung bakit napaluhod siya sa lupa. “MELODY!” Sigaw niya pero hindi na siya naririnig pa ni Melody.Ang buong attention nito e nakatuon kay Meliciano at tila ba hindi na napapansin pa ang nasa paligid niya.Nawala nga rin sa isipan niya na hinahabol siya ni Jose. 'Kilala pa ba iya ako? Alam ba ni papa na ako ito? Na nagpalit lang ako ng mukha?' mga nasa isipan nalang niya. Gusto niyang sabihin at isigaw na siya si Melody pero hindi niya mahanap ang boses niya. Gusto niyang sabihin na saan ka galing papa? Bakit ngayon ka lang umuwi? Pero hindi niya magawa. Marami siyang gustong sabihin at itanong sa ama niya pero nauunahan lahat iyon ng luha niya
Umuwi sila sa apartment ni Pacio matapos silang hindi papasukun ni Elmira sa mansion ng mga Santisas. Kasama pa rin niya sina Meliciano at Butchoy.Mahigit dalawang oras na sila sa sala. Nakatingin lang si Butchoy sa kaniya habang siya ay kunot ang noo habang kausap ang ama sa cellphone niya.“Dad, please… Alam kong alam mo kung nasaan sila Melody ngayon. Saan sila nagtatago ni Jose?”“Hindi ko alam kung nasaan sila. I didn’t bother to find them.”“Then help me, dad.. I know you can help me.”Patrio sighed. “I don’t want you to get involved with this pero dahil mapilit ka, wala na akong magagawa. Just make sure Patrick na hindi ka mapapahamak dahil oras na may mangyaring masama sayo, si Melody ang sisingilin ko.”Tuso si Patrio at alam iyon ni Pacio. Alam ng ama niya kung paano siya pasunurin at kung paano siya takutin.“I promise.. Hindi ako mapapahamak.” Aniya dahil ayaw rin niyang mapahamak si Melody.“Give me 2 days. Gagawin ko ang lahat para mahanap sila.” Sabi ni Patrio.Nabuhaya
“Jose,” mahinang tawag ni Melody kay Jose para magpatulong ito sa pagtayo. “Pwedeng magbanyo?” tanong niya.“P-Pangako, hindi ako tatakas. S-Sayo lang ako.” Aniya, sinusubukang huwag kabahan.Tumayo si Jose at lumapit sa kaniya para alalayan siya. Puno ng pasa ang katawan niya at halos magkasugat sugat ang labi.Hindi niya kayang itayo ang mga paa niya ng ilang araw pero ramdam pa naman ang mga ito. Nanginginig rin ang mga binti niya dahil ilang araw siyang nakaratay sa kama at nakagapos. Binasag ni Jose ang pagkatao at ispiritu niya kaya ngayon ay halos hindi na siya makatayo.Para na siyang lantang gulay sa sobrang pagkapayat.Hindi siya nagsalita ng lapitan siya ni Jose para alalayan. Ang totoo e malakas ang kabog ng dibdib niya.Naigagalaw naman niya ang daliri niya sa mga paa. Kaya hindi siya nawawalan ng pag-asa na makaalis pa siya.Gusto niyang tumakbo. Gusto niyang tumakas.Dinala siya ni Jose sa kagubatan. Walang banyo sa bahay kubong ginawa ni Jose. Gumawa lang ito maliit na
“Mama! Kailan kayo uuwi?” nakangusong tanong ni Therese. Isang linggo ng nasa barko sina Meldy at Eliot.Agad nilayo ni Meldy ang mukha ni Eliot nang haIikan na naman siya nito sa dibdib. Wala silang saplot panloob, tanging bathrobe lang ang suot nila. Hindi naman sila makaalis sa cabin nila dahil sumapit na ang gabi at alam niyang simula na ng walang sawang kant*tan sa labas.Hindi na siya nagulat pa sa ganoong protocol sa barko pero every time may mangyari sa kanila ni Eliot e mas gusto niyang gawin iyon sa cabin dahil solo nila ang lugar.And Eliot doesn’t want her too to expose sa ibang lalaki. Kaya hindi rin niya gusto na mags3x sila ni Meldy sa labas ng cabin nila.“This Saturday, uuwi na kami ni papa diyan.” Saad niya sabay tingin kay Eliot na nakanguso dahil gusto pang umisa.“Nasaan si papa, mama?” tanong ni Therese dahil hindi niya nakita si Eliot sa tabi ni Meldy.“Hanap ka,” mahinang saad niya at binigay kay Eliot ang phone niya.Kinuha iyon ni Eliot at binuksan ang bintana
Series 3 will be available on October. (But tentative pa).After po ng story ni Meldy at Eliot, baka stop po muna ako magsulat para mag focus po sa work at sa review ko for board exam. I'm sorry everyone if medyo mahaba pa ang buwan na hintayan bago ko masundan ang SOT2.Nahihirapan kasi ako pagsabayin lahat. Tipong marami akong need alalahin sa nireview tapos iniisip ko pa ang susunod na scene. Haha. Nakakabaliw siya.Kaya baka e titigil muna ako sa pagpasa ng story dito. Pero after po ng exam, babalik ako agad and proceed ako sa SOT3- story of Maximilian. Wala po akong isusulat na iba dito kun'di ship of temptation lamang po hanggang matapos ko lahat ng bachelors.Thank you poooo. Pa unang abiso ko pa ito ah kasi baka sa August e magpasa pala ako lalo't pa bago bago utak ko hahaha.Sumasakit na rin kasi ang likod at mata ko lalo't after magsulat e manonood na naman ng live discussion sa YT.Pero iyon nga po, hindi rin ako sure na makakatigil magsulat lalo't I love writing. So much. W
He’s in hiding. Hindi pa rin nakikita ni Rita si Melody at Jose. Nakita na nila ni Fero ang sasakyan na ginamit nila pagtakas pero hindi ang dalawa.“Naku sir, matagal na po yan diyan. Mukhang hindi na po binalikan ng may-ari.” Sabi ng mga kapitbahay na napagtanungan nila tungkol sa nagmamay-ari no’ng sasakyan na nakaparada sa tabi ng kalsada.Lugmok na lugmok si Rita. Hindi niya kasi maipaliwanag bakit kinakabahan siya ng husto para kay Melody. Pero wala siyang magawa kun'di ang umuwi muna dahil maggagabi na. Umuwi sila ni Fero sa bahay na biguan. Kanina pa siya tahimik kaya hindi na rin siya kinausap pa ni Fero. “What happened?” his dad, Alfero, asked him pagkapasok nila ng pinto. “Wala dad. Sasakyan lang nila ang nakita namin. Hula ko ay baka nasa ibang lugar sila nagtatago at panglito lang yung sasakyan na iniwan ni Jose sa Division 11."Napatingin si Alfero kay Rita na tumuloy-tuloy papuntang kwarto. She got her hope na makita na niya si Melody ngayon araw pero mukhang hindi p
"Welcome to ship of temptation." Bati ni Jed kay Meldy habang tinutulungan itong makaakyat sa barko. Natawa siya nang makita na halos hindi na kumurap si Meldy matapos makaakyat. "Eliot, tama ba itong napuntahan natin? O dinala mo lang ako dito para manood ng live p0rn?" natawa si Eliot sa sinabi niya at agad na tinakpan ang mata niya."No but it's one of the rules dito sa barko. Every night, iyan ang makikita mo lagi.""What? Bakit hindi mo 'ko ininform?" sigaw ni Meldy. Napangiwi tuloy si Eliot. "You didn't tell her the rules?" Jed mouthed. He's not angry, in fact he's chuckling dahil sa itsura ni Meldy kanina."I forgot." Eliot mouthed back. Napailing nalang si Jed at hinatid sila sa kabilang cabin. "Bye," sabi ni Jed at umalis matapos niyang ituro sa dalawa saan ang cabin nila.Nang maiwan nalang ay si Eliot at Meldy, agad na tinanggal ni Eliot ang kamay niyang nakatakip sa mata nito."Ano yun? Bakit maraming live p0rn sa hallway?""Listen hon. Ganito talaga ang ship of tempt