Home / Mystery/Thriller / Hanzai Academy / Chapter 4:Diamond

Share

Chapter 4:Diamond

last update Huling Na-update: 2022-07-24 07:29:54

Shaniah's Point of view

Dalawang araw nalang at magsisimula na ang palaro ng nababaliw naming Principal.Naglalakad ako ngayon papuntang cr.

Simula ng Announcement na iyon na may magaganap na laro ay biglang tumahimik ang paaralan,wala nang patayan ang nagaganap at wala na rin akong naririnig na mga nakakatakot na sigawan.nakarating nako sa Cr saka pumasok ako sa ikalawang cubicle para umihi.Saka narinig ko na may bagong pumasok.

Pagkatapos ko ay agad akong lumabas sa cubicle at nakita ko ang isang babae,nung una ay nakita ko ang mga paa nitong nakasuot ng kulay itim na sapatos na high heel,maputi ang mga bente nito at saka makinis.Nakayuko ito habang naghuhugas ng kamay.Napasulyap naman ako sa salamin nang inangat niya ang ulo niya dahilan upang makita ko ang maganda nitong mukha na ikinalaki ng mata ko,Siya- siya yung pumatay kay Lily.Kinuha niya ang lipstick sa kanyang itim na bag at saka nilagyan nito ang mapupula nitong labi at saka tumingin sakin.

Hanggang ngayon ay di ko pa rin alam kung ba't niya pinatay si Lily,ano ba talaga ang nangyari nun?saka sino ba talaga tong babaeng ito?bakit parang ang dalidali nalang para sakanya ang pumatay ng tao.Bumalik saakin ang lahat ng nangyari nung pinatay niya si Lily.Naalala ko ang mga nakakakilabot na ngiti sa mga labi nito at ang pagdila niya ng dugo sa kutsilyo na parang uhaw na uhaw sa pagpatay,naramdaman ko ang pagpatak ng mga pawis ko dahil sa mga naaalala ko dahilan upang kunin punasan ko ang sarili ko gamit lamang ng kamay ko.

"Ba't parang gulat na gulat ka?mukha ba kong multo?sa ganda kong to?"maarteng tugon nito habang nakatingin sa salamin sa harap namin.Lumapit ako at saka naghugas ng kamay,Nanginginig ang kamay ko habang naghuhugas na bahagyang ikinatawa ng babae.

"Serafeena"sambit ng babaeng bagong pasok na ikinagulat ko."may naghahanap sayo sa labas."dugtong nito.

"Ang babaeng pumatay kay Lily ay si Serafeena?ang kasintahan ni Zackary."sabi ko habang nakaharap sa salamin nang umalis na si Serafeena.

Nang lumabas ako sa cr ay nakita ko si Zackary habang nakikipagusap kay Serafeena,nakaharap si Zackary sa cr,si Serafeena naman ay nasa harap niya habang nakatingala sakanya kaya nagkasalubong ang mga mata namin ni Zackary nang lumabas ako.Yumuko ako at nagpatuloy sa paghakbang palabas at saka nagtungo na sa silid aralan ko.

"You may submit your essay within this week,Make sure that it's not less than 1000 words okay?"tugon ng guro namin bago lumabas."Mr.Lazaro,Pakidala ng bag ko please"Utos nito saka tumayo ang isang lalaking nakasalamin at lumapit sakanya upang dalhin ang bag niya.

1000 words?ibang klase talaga tong paaralan na'to!

Palabas nako ng pinto nang makita ko si Zackary,kumunot ang noo ko nang makita ko siya dulot ng pagkalito ko.

Bakit ba kasi palagi ko siyang nakakasalubong ngayon?Sa laki ng lugar na'to bakit palagi kami nagkikita.Di ko parin nakakalimutan ang nangyari saamin,Di pa ko handa na makausap siya,di ko pa kayang harapin siya,kinakabahan ako pag nakikita ko siya,hindi ako komportable kapag nasa paligid siya.Kaya gusto kong umiwas sakanya pero bakit parang palagi akong dinadala ng mga paa ko sakanya.

Muli akong humakbang upang lumayo,naramdaman ko nalang ang malaking kamay ni Zack na humawak sa kamay ko para tigilan ako.Hinila niya ko palapit sakanya dahilan upang humarap ako at mawalan ako ng balanse.Dumikit ang katawan naming dalawa dulot ng paghila niya saakin habang ang mukha ko ay nasa dibdib niya dahil nga sa sobrang tangkad nito.Napalunok naman ako nang marinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahilan upang maalala ko ulit ang araw na iyon,yung araw na hinalikan ako ni Zackary.

"A-ang ka-kamay mo"nauutal na sabi ni Zackary.

Nalaglag nalang ang panga ko sa gulat nang napagtanto ko na nakapatong ngayon ang kamay ko sa bukol sa gitna ng dalawang hita ni Zack.Agad akong lumayo sakanya na nanlalaki ang mata sa gulat at dulot na rin ng hiya.napapikit nalang ako nang napaisip ako na dinamdam ko kung gano ito kalaki saka ako lumayo.

Hayss malala ka na talaga Shaniah!bakit ba kung ano-anong kababaliwan nalang ginagawa mo pag kasama mo si Zack.

"Ba't?"tanong ko sakanya pagkatapos kong huminga ng malalim saka muling dumilat.

"Can we talk?"tanong nito.

"Next time nalang,may gagawin ako eh"ani ko.

"How about tonight?"paganyaya nitong muli na tinanggihan ko.

"Ahmm uwi nako ah,baka hinahanap nako sa bahay eh"palusot ko saka tumakbo.

"Teka sino naman mag aantay sakin sa bahay,bobo ko talaga gumawa ng palusot.Di ka talaga nag-iisip Zack este Shaniah"

Nagtungo ako sa Library upang maghanap ng libro na babasahin ko upang magawa ang assignment ko na essay.Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng libro ng may narinig akong kumalabog sa kabila.Kumunot ang noo ko dahil dito ngunit benalewala ko lang ito at nagpatuloy sa paghahanap ng libro.mayamaya ay muli akong nakarinig ng kumalabog,dahil sa kyuryusidad ay pumunta ako sa kabila at nakita si Luke Del Mundo at ang dalawang tuta niya na dala dala niya nung binugbog niya ako.Binubugbog nila ang walang kalaban labang lalaki,nasa sahig ang eye glasses niya na ngayon ay basag habang ang lalaki ay nakahiga na lamang sa sahig ngunit patuloy paring tinatadyakan at sinisipa nila Luke.Bakit ba ang malas ng araw na ito?bakit palagi kong nakikita ang mga taong ito.Kung may kakayanan lang talaga akong lumaban inubos ko na mga to eh,aghrr nakakagigil sila!

"Del Mundo!"sambit ko.

"Uy Ms.Arcilas,miss mo na naman ba ako?"natatawang wika nito.

"Ang duduwag nyo talaga noh?!"wika ko na ikinalaki ng mga mata nila saka bahagyang ngumiwi habang ako naman ay papalapit sa lalaking binugbog nila.

"Ayos ka lang?"tanong ko sa lalaki saka tinulongan siyang makatayo."malabo ba paningin mo?kaya mo bang maglakad?"pag aalala ko dito.

"Di mo ba kayang tumingin lang?Nasa dugo mo ba talaga ang pagkapakealamera?"wika ni Luke,umirap ako at saka napabuntong hininga."May gusto ka ba sakin?"natatawa nitong sabi na ikinainit ng nga tenga ko sa galit at saka buong lakas na siniko ang pagitan ng dalawang hita ni Luke na ikinasigaw nito sa sakit.

"What's happening in here?!"sigaw ng librarian na ngayo'y papalapit na saamin.itinayo ko ang lalaki saka mabilis na umalis sa library kasama ang lalaki.dinala ko siya sa clinic at saka pinagamot ang mga sugat ng lalaki.

"Ayos ka lang?"tanong ko nito.

"Di ka dapat nanghihimasok at nakikialam sa mga ginagawa ng iba.At mas lalong di ka dapat basta bastang mag titiwala"walang emosyong sabi nito."di mapagkakatiwalaan ang mga tao dito"dugtong nito.

"Di ko kayo maintindihan,ba't palagi niyo kong sinasabihan ng di dapat ako nakikialam?gusto ko lang makatulong"ani ko.

"Di ka nakakatulong!hindi mo kami natutulongan,hindi mo natutulongan ang sarili mo,walang kahit na sino ang makakatulong satin.Alalahanin mo ang sarili mo upang mabuhay ka!"wika nito na ikinakunot ng kilay ko.

"Ba-bakit ba kasi nangyayari satin ito?"ani ko habang nakayuko.

"Alamin mo,Bigyan mo ng kasagutan lahat ng tanong na nasa isipan mo,pero di magbabago ang lahat ng dahil lang sa mga sagot na iyon,kahit anong sagot man ang mahahanap mo,di parin mababago ng sagot na yun ang sitwasyon natin.Nakakulong parin tayo dito sa empyernong lugar na'to.Wala na tayong ibang magagawa,Kundi ang antayin ang kamatayan natin."wika nito nito na ikinalungkot ko.

Tumahimik ang paligid kasabay ng pagtahimik ko,hihintayin ko nalang din ba ang kamatayan ko?o gagawin ko nalang din ba yung ginagawa ng babaeng biktima ni Luke Del Mundo para mabuhay.Hahayaan ko nalang ba ang sarili ko na maging sunodsunoran sa mga tao dito?O.......gagawa ba ako ng paraan upang malaman ang mga sagot ng katanongan ko.dadalhin ba ko ng mga sagot na makukuha ko sa daan palabas ng impyernong ito?o baka naman tama talaga ang lalaking ito na walang magbabago sa sitwasyon namin kahit malaman ko ang sagot ng mga katanongan ko.

"Mr.Lazaro hindi ba?"Ani ko.

"Lawrence Lazaro"pagpapakilala nito.

"Ah Shaniah Arcilas nga pala"ani ko sabay abot ng kamay ko upang makipagkamay sakanya.

"Anong ginagawa mo?"tanong nito ng tumayo ako at saka hinubad ko ang polo niya para tignan ang katawan nito kung may sugat ba.Malapad ang katawan nito at maganda,may abs saka malaki ang braso na ikinakunot ng noo ko.

May ganitong katawan naman pala siya,ba't di niya binugbog ang mga nambubully sa kaniya panigurado kayang kaya niya ang mga iyon.

"Wag kang mag alala,ginagawa ko din to sa mga kapatid ko na lalaki sa bahay ampunan,Madalas din silang nabubully,kami.Kasi nga wala kaming mga magulang."ani ko sabay lapag ng polo ni Lawrence sa higaan."Pero iba ang mga yun,nakikipagbugbogan yun"Natatawa kong sabi saka tinignan ang likod ni Lawrence na ikinatahimik ko.

Nerd,may malaki at magandang katawan,ngayon naman ay may tattoo siya sa likuran malapit sa balikat.Kumunot ang noo ko habang tinitignan ito.

"Di ka dapat nanghihimasok at nakikialam sa mga ginagawa ng iba.At mas lalong di ka dapat basta bastang mag titiwala"aniya kanina.

Pati ba ikaw ay di ko dapat pagkatiwalaan.

"Ano to?"bulong ko habang nakatitig parin sa tattoo niya na hugis Diamond.

End of chapter.

Kaugnay na kabanata

  • Hanzai Academy   Chapter 5:Kwentas

    Chapter 5:kwentasShaniah's Point of viewFlashback"Kuya!!"maligaya kong sigaw nang makita ko si kuya Jayvion.Mahirap lang kami pero mayaman ang ama ko.Pero di kami magkasama sa iisang bahay,Nung una ay hindi ko alam kung bakit.Pero sampong taong gulang nako,may alam nako sa nangyayari sa paligid ko.Kabit lang si mama ng papa ko.Si kuya Jayvion ang anak ni Papa sa asawa niya.Dito kami sa opisina ni papa unang nagkita ni Kuya,pinakilala niya ako kaagad kay kuya bilang kapatid nito maliban nalang sa mga katrabaho ni papa."Kanina ka pa ba andito?Dad bought some chocolates earlier,gusto mo ba?"Aniya sabay abot ng chocolate ng may ngiti sa mga labi at mata niya."Oum"pagtango ko na may malawak na ngiti sa mukhaMabait si kuya at tinanggap niya ko kaagad nang malaman niyang kapatid niya ko.Binibigyan niya ko ng mga bagay na meron siya,Kailanman ay hindi ako inaaway ni kuya.Hindi niya ko pinapabayaan at pumupunta siya palagi sa opisina ni papa para makita at makalaro ako."Honey"rinig nam

    Huling Na-update : 2022-07-24
  • Hanzai Academy   Chapter 6:Prey and Hunter Game

    Lawrence's Point of viewMadaling araw na nang nagising akong wala na si Shaniah sa kama ko.Kumunot ang noo ko at saka mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo,nagtungo ako sa cr at kumatok sa pintuan dito.nasaan kaya yun?Dito ko siya dinala sa dorm ko kahapon pagkatapos niyang mawalan ng malay sa Cafeteria.Di ko naman alam kung saan ang domitoryo niya kaya dito ko nalang dinala.Napatingin naman ako sa sahig nang makita ko ang sapatos ni Shaniah,Sumilip ako sa bintana at nakita ang madilim na paligid sa labas.Di niya sinuot ang sapatos niya nang lumabas siya,nanlalamig din yun panigurado kasi nakauniform parin iyon at maiksi pa ang palda nito,Di ko kasi kayang bihisan siya.Lalaki ako,di ko pwedeng gawin yun kahit wala pa akong masamang intensyon sakanya.Hinubad ko ang suot kong itim na tshirt nang umupo ako saka humiga,isang malalim buntong hininga ang binitawan ko habang nakatitig sa kisame at iniisip si Shaniah.Nag aalala ako sakanya,Masyado siyang mabilis magtiwala.Matapang siya at

    Huling Na-update : 2022-07-24
  • Hanzai Academy   Chapter 7:Panganib

    Shaniah's Point of view"Marami pang di napapatay na mga prey,For those hunters na napatay na ang mga preys nila ay nailista na namin ang pangalan at ang paraan nila kung paano nila patayin ang kanilang mga prey.After ng laro na ito,Ibibigay namin sa Headmaster ang list ng mga hunter na natagumpayang patayin ang prey nila at pipili ang Headmaster ng dalawang hunter na dadalhin sa labas ng paaralang ito"pag anunsyo ng SSG President na si Angel Del Valle na ikinalito ko.Headmaster?sino siya?ngayon ko lang narinig ito,Akala ko yung demonyitang principal lang ang namamalakad dito.Tama nga,Imposibleng isang principal lang ang nagpagawa nito.Sa sobrang laki ng lugar nito,sa mga black card na binigay ng principal sa libo-libong estudyante na naglalaman ng million million na pera marahil ay may iba pang mga demonyo na sinusuportahan ang pagbuo ng impyernong lugar na ito.at kung sino man sila ay may sapat na rason sila upang gumastos ng ganun kalaki na pera.Saka........tama ba ang narinig ko

    Huling Na-update : 2022-07-24
  • Hanzai Academy   Chapter 8:Confession

    Lawrence's Point of view"Nasaan si Shaniah"Galit na tanong ni Zackary kay Luke."Who knows?"anito saka humalakhak sa pagtawa"Ako nga dapat mag tanong sainyo nyan eh.Bakit kayo ang nandito?"dugtong pa ni Luke.Lumapit si Zackary kay Luke at agad na sinuntok ang mukha ni Luke na ikinatawa nito."Nasaan si Shaniah,Luke?!"Sigaw ko habang patuloy na humahalakhak sa pagtawa si Luke."Matapang ka na ngayon ah?Wait,may gusto ba kayong dalawa kay Shaniah?"Wika nito habang tinatakpan ang bibig habang tumatawa."Then we should be friends,Hanapin natin si Shaniah para matikman na natin siya.Pero dapat ako mauna ah"Nakangisi nitong sabi.Kinuyom ko ang kamao ko sa galit at lalapit na sana kay Luke upang suntokin ito nang biglang sinuntok ulit ni Zackary si Luke dahilan upang bumagsak ito sa lupa.Napansin ko ang hawak ni Luke na pulang papel kaya lumapit ako at kinuha ito habang si Zack naman ay tinatapakan ang ulo ni Luke."Tell me,Nasaan si Shaniah?"Walang emosyong sabi ni Zack."Siya nga ang hun

    Huling Na-update : 2022-07-24
  • Hanzai Academy   Chapter 9:Hanzai Academy

    Jacob's Point of viewNakaupo ako ngayon sa harap ng lamesa ko kung saan nakalagay ang computer at ang mga files tungkol sa mga Crime cases.Hindi ko pa nasolve ang mga ito ngunit malakas ang loob ko na may koneksyon ang mga ito."Sir"sambit ng pinakabatang police dito sa station namin na si Cjay Santos."Nagsalita na ba?"walang emosyong tanong ko."Hindi po,Lahat ng suspect ng brutal na pagpatay ay di pa nagsalita"sagot nito saakin."Di magkakakilala ang biktima at suspect,Walang koneksyon ang mga ito"wika ko habang tinitignan ang isang folder ng mga papel na may impormasyon tungkol sa krimen."Tungkol po sa kutsilyo,magkapareho po ang tatlong suspect ng Kutsilyo,Nagkataon lng ba 'yon?"tanong ni Cjay."Dagger like a crecent moon,Sigurado may pinagmulan to"sabi ko habang pinopokpok ang ballpen sa lamesa."Tignan mo ang history ng phone ng Suspect tignan mo kung saang site niya binili ang kutsilyo.Tapos gawin niyo ang lahat upang aminin ng suspect ang krimen niya."dugtong ko saka tumayo

    Huling Na-update : 2022-07-24
  • Hanzai Academy   Chapter 10:Newbie

    Jacob's Point of View"Ano po ba ang sinasabi ninyo kahapon?tungkol doon kay... Abby ba yun?"tanong ni Cjay."Sabi mo may sakit sa utak yun hindi ba?may nakikita siya na pinapaniwalaan niyang totoo.Kaya sinabayan ko siya para malaman ang nalalaman niyang impormasyon."paliwanag ko."Pero Sir,sino si Eccitante anong kinalaman niya sa krimen na'to saka ano yung Har- Han- Hanzai?"Tanong nitong muli."Hindi ko alam kung ilang araw ako mawawala o buwan,gusto kong papaniwalain mo si Chief Guzman na gagawin mo lahat para sakanya,na maging sunod-sunoran ka niya.Hanggang sa may sasabihin na siya na di niya dapat sasabihin.Maghanap ka ng paraan upang magkaroon ng matibay na ebidensya na magpapabagsak kay Chief Guzman"Tugon ko na ikinalito ni Cjay"Sir,anong ibig mong sabihin?"tanong nito."Malalaman mo rin kung anong ibig kong sabihin Cjay"saad ko sakanya.Shaniah's Point of viewNasaan na ba ang guro namin?Kanina pa kami naghihintay dito na may gurong papasok sa silid namin pero kalahating oras

    Huling Na-update : 2022-07-24
  • Hanzai Academy   Chapter 11:Revenge

    Luna's Point of viewAnong ginagawa ni Sir Jacob dito?Bakit siya andito?Tumago ako sa likod ng itim na van na nasa labas ng bahay nang makita kong pumasok si Sir Jacob sa loob ng malaking bahay matapos ko siyang sundan mula sa police station.Ang nakakapagtaka lang ay pumunta siya sa malapit na coffee shop at nanatili doon ng ilang oras.Balisa at nakakapagtaka ang kilos niya kaya naisipan kong sundan siya.Hanggang sa makarating kami sa lugar na ito.Umupo ako at nagmatiyag sa paligid habang hinihintay na lumabas si Sir Jacob.Bahay niya ba 'to?sa pagkakaalam ko hindi niya ito bahay eh,sinundan ko na siya dati hanggang sa bahay niya para makiusap na hanapin ang kapatid kong si Lily.Lumiwanag ang paligid nang hindi na natakpan ng ulam ang buwan.Maya maya ay lumabas ang mga lalaking may takip na mga bonet sa mga mukha,isa sakanila ay binubuhat si sir Jacob na ikinalaki ng mata ko sa gulat nang makito ito na walang malay.Agad akong tumayo at tumakbo patungo kay Sir Jacob."Sir Jacob!"sigaw k

    Huling Na-update : 2022-07-28
  • Hanzai Academy   Chapter 12:Ring

    Chapter 12:singsingLuna's Point of view"Sino ka?Pano mo nakilala ang kapatid ko?"tanong ko na ikinalaglag ng panga nito."Pano ka napunta dito?"nakakunot noo niyang tanong na hindi ko sinagot at saka ibinaling ang tingin kay sir Jacob."Ms.Ave,May I talk to you?"Ani Sir Jacob na ngayon ay Mr.Ramos.Tumayo ako nang tinawag ako ni Sir Jacob pagkatapos niyang magdiscuss,sumunod ako sakanya hanggang sa makalabas na kami at makalayo sa classroom,lumingon siya at humarap saakin sabay hawak sa magkabila kong braso nang nakakunot ang noo at kilay. "Anong nangyari?bakit ka andito?"gulat na tanong nito."Nakita ko po kayo na binuhat ng mga lalaki,sila yung nagdala saakin dito"sabi ko na ikinalito ni Sir Jacob."Hahanap ako ng paraan para makalabas ka dito"ani Sir Jacob na inilingan ko."Hindi po,kailangan ko pa pong malaman kung sino ang pumatay kay Lily."wika ko na muling ikinakunot ng noo ni Sir Jacob."Opo,dinala nila dito ang kapatid ko,at pinatay siya,hindi pwedeng hindi mapanagutan ng b

    Huling Na-update : 2022-07-29

Pinakabagong kabanata

  • Hanzai Academy   Chapter 34:Experiment

    Chapter 34: ExperimentZackary's Point of viewHindi ko maaninag ang mga bagay sa paligid ko dahil sa sobrang dilim ng buong lugar. Alam kong nakapaa lang ako sapagkat ramdam na ramdam ko ang magaspang na lupa na kinatatayuan ko ngayon, hindi nga lang ako sigurado kung talagang lupa ba talaga ito. Inangat ko ang aking paa at nagsimulang humakbang ng dahan-dahan."Nasaan ako? Paano ako napunta dito?"Nang muling dumampi ang paa ko sa lupa ay nakaramdam ako ng malagkit na likido. "What is this?"Napatingin ako sa malayo nang may napansin akong liwanag. Naglakad akong muli kahit na hindi ko gusto yung nararamdaman ko sa tuwing dumadampi ang paa ko sa malagkit na likido sa lupa. Hindi ko ito pinansin at naglakad lang ako hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan may kunting liwanag, sapat na liwanag upang maaninag ko ang nakakakilabot na lugar. All this time naglalakad ako sa dugo, ano ito?bakit ang dami ng dugo. Sobrang layo ng nilakad ko, kung dugo rin yung tinatapakan ko kanina.

  • Hanzai Academy   Chapter 33:Laboratory

    Draco's Point of viewHabang naglalakad ako ay naririnig ko ang mga tunog ng bawat hakbang ko sa sahig dahil sa sapatos na suot ko. Agad akong nagtungos sa silid kung saan namin nilagay ang mga bata na ginawa naming subject sa experimento namin. Isang taon na ang nakalipas nang dumating sila dito sa laboratoryo na ito at simulang pag experimentohan ang kanilang mga utak"What is going on?" tanong ko sa mga kasama kong scientist nang makarating ako sa silid."Hindi ko rin alam, may mga data na bigla nalang nag appear dito sa mga computer. Parang......" litong lito na wika ng kasamahan ko. "Gumagawa na naman ng artificial memories ang kanilang mga utak" dugtong nito na ikinalito ko rin.Tinignan ko ang mga data sa computer na gawa ng kanilang mga utak. Nakikita ko dito ang mga nabubuong data ng kanilang mga sariling utak dahil nilagay namin sila sa isang incubator kung saan mga mga bagay na nakakonekta at naka inject sa kanilang ulo upang malaman namin ang performance ng kanilang utak h

  • Hanzai Academy   Chapter 32:Who are you?

    chapter 32:Who are you?Shaniah's Point of ViewNung una inakala ko na panaginip lang ito pero nang sinubukan kong kurutin ang sarili ko nakaramdam ako ng sakit.Hindi rin naman siguro ako namamalikmata.Gusto ko sanang hawakan ang mukha niya kaso hawak-hawak niya pa rin ang alaga niyang ahas.Ang saya ko nang makita siya pero habang tinitignan ang mukha niya nakaramdam ako ng kakaiba sakaniya."Ilayo mo nga yan sa'kin!" Naiirita kong sabi."Sorry na po ah,Mahal na prinsesa!"wika nito na ikinakunot ng noo ko.Tumayo siya saka ibinalik sa malaking aquarium ang ahas."Ba't mo kasi hawak yun?ang aga-aga,Ahas agad hinahawakan mo""Parang hobby ko na kasi yun,Pagkagising ko nilalaro ko agad ang ahas ko,malaki ba?" Nakangisi nitong tanong na ikinatahimik ko.Ngayon ko lang nakita si Zackary na ngumiti ng ganito. Ngungiti rin naman siya dati pero yung mga labi niya lang,iba pa rin yung nakikita ko sa mga mata niya.Hindi ko alam,pero siguro.. Lungkot?ewan basta iba ang nakikita ko ngayon.Ang lawa

  • Hanzai Academy   Chapter 31:His name

    Shaniah's Point of ViewHindi ko alam kung alin ang mas mainam, ang pagkakulong ko ba sa paaralan na iyon kung saan hindi ako sigurado kung kailan ako mamatay. Kung saan araw-araw kong nasasaksihan ang mga brutal na pagpatay. O ang pagiging babaeng bayaran ko dito sa lugar na ito,kung saan pagpipiyestahan at pagsasalohan ako ng mga maduduming lalaki. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa mga nangyayari saakin. Nung una,nang nasa paaralan pa ako. Gusto kong mabuhay,gusto kong makasurvive. Takot akong mamatay. Pero ngayon mas gusto ko nalang mamatay. Hindi ko maintindihan kung bakit sa lahat ng tao sa buong mundo ako pa talaga ang napiling gumala sa impyerno."Ayusin mo yang sarili mo ah!Ito na ang trabaho mo ngayon,H'wag kang mag inarte!simple lang naman ang gagawin mo,aakitin mo lang yung mga customers sa labas at pag nagustuhan ka nila,Yayain mo kaagad.Saka ito ang tandaan mo dapat makarami ka,Mas maraming lalaki equals mas maraming pera" nakangising wika ng babae."Hindi

  • Hanzai Academy   Chapter 30:An angel

    Enzo's Point of ViewPalabas na kami nang warehouse pagkatapos naming parusahan ang di ko kilalang lalaki. Hindi rin naman ako interesado kung sino siya,ang gusto ko lang ay ang parusahan siya sa ginawa niya saakin."Di ka pa rin talaga nagbabago,gusto mo parin magbihis ng bagong biling damit pag may nililigpit kang basura."He said as we walk towards our cars." Ba't mo naman naisip na magbabago ako after spending two years in Italy?Bro ako pa rin 'to""Talaga ba?May duda ako sayo eh,I think hindi ikaw si Lorenzo Villafuerte na kilala ko.Isa kang Impostor!" Natatawang saad ni Treyton saakin."If that's what you think,then hayaan mong patunayan ko sa'yo ang sarili ko" nakangiting tugon ko kay Treyton."Tamang tama,May bagong bukas na bar malapit dito" wika ng kaibigan kong si Treyton dahilan upang mapatawa ako."Tara!"anyaya nito pagkatapos niyang pumasok sa sasakyan ko.Agad naman akong pumasok sa loob ng sasakyan at nagdrive papunta sa sinasabing bar ni Treyton.As usual maingay pa rin

  • Hanzai Academy   Chapter 29:The Mafia

    Enzo's Point of viewI'm in a fancy tailor shop today with my friend Treyton.Napagpasyahan kong magpagawa ng bagong suit,para sa event na pupuntahan ko mamaya."Mmm-"Rinig ko mula sa Sastre dahilan upang mapatingin ako sa kaniyang repleksiyon sa malaking salamin sa aming harapan."Artista ka ba?hmm Model?"Tanong ng baklang sastre."Your body is very attractive to look at-"wika nito habang tinitignan niya ang katawan ko."you're face is too perfect to be true"dugtong pa ng bakla habang nakatingin sa repleksiyon ko."You don't have to tell him that, I've told him over and over again that he doesn't belong in our world"natatawang wika ni Treyton sa sastre."Nagparetoke ka ba?"tanong ng sastre na interesadong interesado na malaman ang sagot ko."Bago ko sagutin ang tanong mo,sagutin mo muna ako.Required ba talagang hubarin ang tshirt pag susukatin ang katawan ng costumer mo?"Tanong ko sabay harap sakaniya at yumuko upang tumapat ang mukha ko sa mukha ng sastre na ngayo'y namumula dahilan pa

  • Hanzai Academy   Chapter 28:Club

    Chapter 28:ClubShaniah's Point of viewFlashback "Bakit mo siya hinayaan?Dapat sinipa mo yun para magtanda.Di pwedeng gawin nya sayo yun hanggang kailan nya gusto."Di mo alam ang sinasabi mo.Mas lalo ka lang mapapahamak pag nanlaban ka"ani nito habang pinupunasan ng daliri niya ang kanyang luha."Di pwedeng maliitin lang nila ang kakayahan ng isang babae,kaya mong lumaban.Alam kong alam mo yan.Kailangan mo lang pagkatiwalaan ang sarili mo"Ani ko."wag kang makialam sa ginagawa ng iba,ang alalahanin mo ay ang sarili mo,Sa mga pagkakataong ito dapat wala kang oras para intindihin ang ibang tao,minsan mas nakakabuti sayo kung magiging makasarili ka,May sarisarili tayong paraan ng pagsurvive dito sa loob ng empyernong ito,wag mo kong turuan kung pano mananatiling buhay dito.dahil sa nakikita ko sayo.Wala ka pang gaanong alam sa lugar na ito."tugon nito dahilan ng pagtulo ng luha ko.Tumalikod ang babae saka umalis. Flashback ends.Tama nga ako.kaya pala pamilyar saakin ang babae kanina

  • Hanzai Academy   Chapter 27:Abducted

    Jayvion's Point of view"Bitawan ninyo ako"sigaw ng babae."Shaniah!Shaniah!"sigaw ko naman.Flashback"Kuya"natatakot na sambit ni Shaniah,nang tumawag ito saakin."Nasaan ka?anong nangyayari?" Pag-aalala ko nang marinig ang nanginginig na boses nito."Kuya,may sumusunod sakin"bulong nito."Nasa isang madilim na eskinita ako ngayon,hindi ko alam ang gagawin ko.Kuya,natatakot ako"dugtong nito."Shaniah,pupuntahan kita-"tugon ko."Shaniah?Shaniah?!"Sambit ko nang hindi ko na marinig ang kaniyang boses.Ibinaba ko ang telepono ko at agad na lumabas nang bahay para hanapin si Shaniah.Flashback ends.Sumisigaw ang mga kasama kong dinukot ng mga di kilalang mga lalaki,Hindi ko nakikita kung saan nila kami dinadala dahil sa piring na nakatakip sa aking mga mata.Pero sa naririnig kong mga sigaw,kahit na umaalingawngaw ang mga boses nila ay sigurado akong marami kami."Where are we?Where will you take us?"sunod-sunod kong tanong."Shaniah!Nandiyan ka ba?Shaniah!"muli kong sigaw.Wala akong narir

  • Hanzai Academy   Chapter 26:Crime

    Third Person Point of view"Ano ba?!wag kang malikot!"wika ni Luke habang hinahalay ang isang babae."Bilisan mo naman dyan pre"Wika naman ng kaibigan ni Luke na naghihintay na matapos si Luke upang siya naman ang sumunod sa panggagahasa sa babae.Itinaas ni luke ang kaniyang hawak na kutsilyo saka itinutok sa baywang ng babae upang takotin ito habang siya ay abalang hinahalikan ang leeg ng babae.Palagi itong ginagawa ni Luke sa walang kalaban laban na babae kapag wala itong magawa.Nakadikit naman palagi ang mga malaswang tingin ni Luke sa babae kahit nasaan ang babae,dahilan upang maging hindi komportable ang babae at palaging nababalot sa takot.Shaniah's Point of viewDahan-dahan akong humakbang papunta sa direksiyon kung saan naroroon ang higaan ng mga bangkay na kasalukuyang hinihigaan ng katawan ni Papa.Pumapatak ang mga luha ko habang paulit-ulit kong inaangat ang mga paa ko upang humakbang patungo sa kaniyang bangkay."Papa"sambit ko nang tuloyan nakong nakatayo sa harap ng

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status