TPOV:PANAY ANG lagok ni Daemon sa alak na hawak nito. Nagngingitngit ang loob na makumpirmang nagkabalikan na nga si Lara at Alden sa pagpunta ng dalawa sa probinsya ng Sorsogon!"Hindi ako makakapayag maging masaya kayo ng Di Caprio na 'yan, Lara. Kung hindi ka mapapasa akin? Mabuti ng mawala ka," puno ng hinanakit na bulalas nito habang nakatitig sa picture frame ng dalagang si Lara.Pinasundan nito si Lara sa kanyang private investigator at nalaman dito na nagkabalikan na nga ang dalawa. Alam naman ni Daemon na wala siyang maaasahan sa dalaga. Ilang beses na niya itong niligawan sa loob ng dalawang taon. Sinasamantala ang pagkakahiwalay nito sa kanyang kasintahan na isang tanyag na bilyonaryo. Pero sadyang pihikan ang puso ng dalaga na paulit-ulit lang siyang binabasted at pinapaunawa na hanggang kaibigan lang ang kayang ibigay dito. Bagay na ikinadudurog ng kanyang puso.Mahal na mahal nito ang dalagang ka-love team. Si Mariah Larah Mondragon. Pero dahil may nagmamay-ari na ng
WARNING MATURED CONTENT! SKIP IF YOU'RE NOT COMFORTABLE READING A BED SCENEALDEN:PARA AKONG teenager na hindi maitago ang kilig na nadarama. Ilang linggo na ang nakakalipas magmula noong ianunsyo ni Lara sa publiko ang tungkol sa amin. Akala ko ay kamumuhian ito ng kanyang mga fans lalo na ang mga supporters nila ni Demon pero....nagkamali ako.Kilig na kilig ang mga supporters nito na mapag-alaman nilang ako ang totoong kasintahan nito. Na tanging trabaho lang ang nag-uugnay sa kanila ni Demon bilang love-team. Dahil sa impluwensya ng aming pamilya ay madali lang na pinakawalan si Lara. Kahit malaki ang danyos na ibinayad nito sa kanyang mga endorser dahil sa biglaang pag-pullout ng kontrata. HABANG nagre-review ng mga papeles na pipirmahan ko for approval ay 'di mapalis-palis ang matamis na ngiti sa mga labi ko.Mabuti na lang at pumayag si Mommy at Daddy na ipasa kay Allen na nakababatang kapatid ko ang pag-manage sa Casanova Empire Company namin sa Canada. Kaya naman malaya ko
ALDEN:NAGING MAAYOS at makulay ang pagsasama namin ni Lara sa opisina ko. Para na nga kaming totoong mag-asawa nito. Kahit saan ako magpunta ay kasa-kasama ko siya. Naging secretary ko na kasi ito katulad ng gusto niya. Pinagseselosan ba naman si Bettina. Fvck.Mabuti na lang at nauunawaan ni Bettina ang desisyon kong paglilipat sa kanya ng trabaho sa HR nitong kumpanya. Ayoko namang may pagtalunan kami ni Lara kaya pumayag kaagad ako sa suhestyon nitong palitan niya si Bettina na secretary ko.At gustong-gusto ko rin naman ang ideya niyang iyon. Marunong naman siya sa trabaho. Madali niya lang nagamay ang mga pinagagawa ko. Kaya sa tuwing may mga meeting ako sa labas at deal sa mga investors ng kumpanya ay nakakalabas kami nito. Parang mga teenager na napapa-disguise para lang malaya kaming makagala sa publiko at mag-date kung saan-saan. Kilala kami ni Lara sa publiko. Kaya naman agaw attention talaga kami at delekado din sa seguridad naming dalawa ang magpagala-gala lalo na't wal
TPOV:NAPAPAHAPLOS SA baba ang dalagang si Andrea habang nakamata kay Alden Di Caprio na kagagaling lang sa mansion ng mga Mondragon. Ilang araw na nitong napapansing wala sa paligid si Lara. Bagay na ipinagtataka niya.Napasunod ito ng lumabas na ang binata ng mansion matapos makausap ng masinsinan ang mag-asawang Adrian at Lira. Napapangisi sa isip-isip. "Ano kayang mangyayari kung magpakita ako sayo, handsome. Makikilala mo kaya ako? O mapagkakalmahan mong ako ang iniibig mo?" piping usal nito habang nakasunod ang bigbike motor nito sa kotse ni Alden.Napapasipol pa ito. Nakatutok sa likuran ng kotse ni Alden para makatiyak na masusundan niya ang nobyo ni Lara. Tiyak kasi nito na alam ng binata kung nasaan na si Lara.Dahil sa kaisipan na sumagi sa isipan nito ay nakabuo ito ng ideya. Ideya na tiyak niyang magugustuhan nilang dalawa ng kinakapatid nitong nagmumukmok sa silid nito at walang ibang ginagawa kundi ang lunurin ang sarili sa alak. Tsk. Masyadong malambot at mahina ang d
ALDEN:NAPABALIKWAS AKO sa pagkakahimbing na maramdamang napadaing si Lara at napaupo ng kama."What's wrong, honey?" pupungas-pungas kong tanong.Napahaplos ito sa leeg. Napabusangot na napatitig sa akin."N-nothing, honey. Let's go back to sleep. Nangalay lang ang leeg ko," lambing nito na yumakap at nahiga na kasama ko.Pinaunan ko ito sa braso ko. Tumagilid kami paharap sa isa't-isa at muling nagpatangay sa antok. Kung hindi ako nagkakamali ay madaling araw pa lamang. Ilang oras pa lang ang tulog namin. KINABUKASAN AY mas nauna akong nagising dito. Napakasarap pa rin ng tulog nito na bakas ang pagod sa maamong mukha. Nangingiti akong maingat na pinaghahalikan siya sa kanyang mukha at napapahagikhik na hindi manlang ako nito maramdaman."Good morning, sleepyhead." Napahaplos ako sa pisngi nito. Inayos ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa kanyang mukha. Aksidente namang nahagip ng paningin ko ang leeg nitong may mahabang kalmot?Nangunotnoo ako na nahaplos iyon. Hindi kaya na
LARA:NAPAPANGITI AKO habang inaayusan ko ang aking sarili dito sa silid namin ni Alden. Hindi ko mapigilan ang kabang nadarama ko dahil ilang minuto na lang ay magiging opisyal na akong misis Di Caprio ni Alden.Halo-halong emosyon ang nadarama ko na lalo kong ikinakakaba. Masaya, natatakot, kinakabahan at napi-preasure na rin. Baka kasi mamaya ay magkaaberya ang kasal namin. Aalis pa naman na ito bukas papuntang Canada at hindi namin alam kung hanggang kailan siya doon. Gusto nitong sumama ako pero kaagad akong tumanggi. Dahil plano kong pasikretong pumunta doon. Hindi ko rin naman kayang malayo sa kanya ng matagal. Baka mabaliw ako dito kakaisip sa kanya.Kumatok ito sa may pinto na ikinalingon ko doon."Honey? Nandito na si Attorney. Matagal ka pa?" tanong nito."Just a minute, honey. Malapit na akong matapos," sagot ko na may kalakasan ang boses para malinaw akong marinig nito mula sa labas.Ni-lock ko kasi ang pinto dahil gusto kong mamaya na niya ako makita. Kapag tapos na akon
ALDEN:HINDI KO MAITAGO ang sayang nadarama. Kahit nalulungkot ang puso ko na iniwanan si Lara ay kusa namang napapangiti ang mga labi ko at hindi maalis-alis ang paningin sa wedding ring namin na suot-suot ko. Napapalapat ako ng labi para ikubli ang ngiti ko. Mag-isa pa naman akong sakay ng private airplane namin patungong Canada. "Wait for me, honey. Tatapusin ko agad ang problema doon para malaya tayong muli na magkasama," piping usal ko.Napangiti akong marahang hinahaplos ang screen ng phone ko at naka-wallpaper doon ang picture namin ni Lara sa araw mismo ng kasal naming naganap kahapon.TPOV:LINGID SA KAALAMAN NI Alden ay sumunod si Lara sa kanya sa airport at ang hindi naman alam ni Lara ay may nagbabadya na palang panganib sa plano niyang pagsunod kay Alden sa Canada!Habang lulan siya ng taxi na nakasunod aa kotse ni Alden ay may bigbike motor na nakasunod sa kanya. Purong nakaitim ang kasuotan na parang kagagaling lang sa lamay!Napapangisi si Andrea. Ngayon na ang tamang
TPOV:NAALIMPUNGATAN SI Lara na magising sa unfamiliar na silid! Pupungas-pungas pa itong kinukusot-kusot ang mga mata na nanlalabo."Where am I? Ano bang nangyari?" piping usal nito na nakasapo sa ulo.Kunot ang noo na inalala ang mga nangyari. Natutop nito ang bibig na may mga nagbabalik tanaw sa kanyang memorya."No way," bulalas nito.Nagising ang inaantok nitong diwa na nangatal ang katawan. Sunod-sunod na napapalunok at namimilog ang mga mata na luminaw sa balintatanaw ang mga ganap bago ito nawalan ng malay. At ang babaeng kamukhang-kamukha nito."Good morning, babe."Napalingon ito sa gawi ng pinto nang bumukas iyon at niluwal ang pamilyar na tao. Napatayo ito na naikuyom ang kamao. Pinaniningkitan ang lalakeng may matamis na ngiting naglakad palapit dito. May dalang tray ng pagkain at inumin. Maingat nitong inilapag sa katabing mesa ang dala bago bumaling sa dalagang tinutusta na sa isipan ang binata."How do you feel? May masakit ba sayo?" magkasunod nitong tanong.Pero isan
ALDEN:MAPAIT AKONG NAPANGITI habang inaayos ang sarili ko. Ngayon ang araw ng kasal namin ni Lara. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay.Naging stable na ang lagay nila ni Andrea. At hinihintay na lang namin ang paggising nila. Sana nga. Sana nga magising na sila.Namumuo ang luha ko habang nakaharap sa salamin na inaayos ang sarili ko. Napag-usapan namin ng pamilya ko at nila Mommy Lira na ituloy ang kasal namin. Kahit wala pa ring malay si Lara. Panay ang buga ko ng hangin habang hinihintay dumating ang pari na siyang magkakasal sa amin ni Lara. Dito lang din sa kanyang recovery room kami magpapakasal. Walang media. Walang ibang bisita. Kami-kami lang na pamilya at mga malalapit na kaibigan ang siyang saksi sa aming pag-iisang dibdib sa pangalawang pagkakataon.Naipagtapat ko na rin sa pamilya namin ni Lara na mag-asawa na talaga kami nito. Bago ako umalis papuntang Canada ay kumuha na kami ng papel namin bilang mag-asawa. Hindi naman tumutol ang pamilya namin sa nagin
LARA:PUNO NG GALAK ANG puso ko sa gabing ito na nasa tabi ko lang si Alden. Hawak ang kamay ko na marahang pinipisil-pisil iyon. Hindi ko maikubli ang ngiti sa aking mga labi at ang kakaibang kislap sa mga mata ko.At 'yon ay dahil sa isang tao. Si Alden.Matapos akong kantahan ng birthday song ay sumunod ang 18th roses kung saan isasayaw ako sa gitna ng bulwagan. Unang-una talagang lumapit si Aldrich na ikinaniningkit ng mga mata ni Alden dito at halos hindi bitawan ang kamay ko."Chill, dude. Sasayaw lang kami," tudyo nito na may ngisi sa mga labi.Marahan kong napisil ang kamay ni Alden na ikinabaling ng paningin nito sa akin. Matamis akong ngumiti na marahang tumango. Nagpapaalam na sasayaw na muna kami ni Aldrich. Malalim naman itong napabuntong-hininga bago dahan-dahang binitawan ang kamay ko.Habang sumasayaw kami ng sweetdance ni Aldrich ay panaka-naka kaming napapasulyap kay Alden na matamang kaming pinapanood. Sinasadya tuloy ni Aldrich na asarin itong ikinalulukot ng gwapo
LARA:HINDI KO ALAM kung gaano na kami katagal ni Andrea na nasa malawak na disyertong kinaroroonan namin. May mga pagkakataon na nakakarinig pa rin kami ng boses ng pamilya naming kinakausap kami. Maging si Alden.Pero katulad ng dati ay hindi naman namin mahanap-hanap ang daan pabalik. Dahil kahit anong paglalakad ang gawin namin ay para namang hindi kami nakakausad.MAPAIT AKONG napangiti na nakatitig sa wedding ring ko. Tumabi naman si Andrea sa akin na napatitig din sa kamay ko."A promise ring?" tanong nito.Umiling ako na may pilit na ngiti sa mga labi. Bahagya namang nangunot ang noo nito sa akin."Wedding ring.""Wedding ring?" ulit nito na mas lalong nangunot ang noo."Yeah," tumatango-tangong sagot ko."Wait, I thought, you two--""We're already married, Andrea. Bago siya nagtungo noon sa Canada ay nagpakasal kami ni Alden sa civil. Kaya naman pala ganun na lamang ang kagustuhan naming magpakasal muna bago magkakalayo. Dahil ganito ang mangyayari," sagot ko na ikinatigil ni
ALDEN:PARA KAMING pinagsakluban ng langit at lupa habang hindi nilulubayan ng mga doctor na nire-revive si Lara at Andrea! Nakasalampak ako sa sahig habang yakap-yakap ni Mommy Lira na humahagulhol na ring nakamata sa magkapatid. Napayuko ako na patuloy ang pagdaloy ng masaganang luha sa aking mga mata. Hindi ko siya kayang panoorin na lang. Hindi ko kayang makita kung paano nahihirapan na si Lara para lumaban! Hindi ko kaya.PERO MULI kaming nabuhayan ng loob ng biglang tumunog ang machine!"Doc, bumalik ang pulso nila!" Sigaw ng nurse na ikinatayo namin ni Mommy Lira habang magkayakap. Hilam ang mga mata na napatitig sa dalawa at kita ngang tumutunog ng muli ang monitor. Napapahid kami ng luha nila Mommy na nagkayakapan. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na makitang pataas na ng pataas ang rate nito. Maging sina Mommy at Daddy ay kitang nabuhayan ang loob na nakamata sa dalawa.Bakas ang pagod sa dalawang doctor na umaasikaso kina Lara at Andrea pero may ngiti sa mga labi
ALDEN:PARA AKONG matatakasan ng bait na paulit-ulit nagfa-flat line ang heart beat ni Lara sa monitor. Kahit paulit-ulit siyang nare-revive ng mga doctor ay hindi pa rin mapalagay ang loob ko! Maging si Andrea ay paulit-ulit din nagfa-flat line ang heart beat na tila kung anong nararamdaman ng isa? Mararamdaman din ng isa. Kaya naman paulit-ulit ding nahihimatay si Mommy Lira na nakikita ang kambal nitong nag-aagaw buhay!LUMIPAS ANG mga araw na nanatili sa ICU si Lara at Andrea. Pareho pa ring alanganin ang lagay. Critical pa rin ang mga ito at walang kasiguraduhan na makakaligtas sila. Kaya naman pinayuhan na kami ng mga doctor na ihanda ang sarili sa maaaring sapitin ng dalawa. Ang mga aparatus at machine na lang kasing nakakonekta sa kanilang katawan ang nagdudugtong ng kanilang buhay. Na kung hindi na nila kayanin ay tuluyan na silang mawawala sa amin.Bagay na kinakatakot ko.Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang mawala sa akin sa gantong paraan. Mas kakayanin ko pang mapunta s
LARA:NAPANGITI AKO na maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Dahan-dahan akong napadilat mula sa tila kay haba-habang pagkakaidlip ko.Napakunotnoo ako na maigala ang paningin sa piligid! Mag-isa lang kasi ako dito sa tila disyerto na wala manlang akong matanaw maski ano!Puro buhangin lang na pino at kulay puti ang nakikita ng mga mata ko. Mataas ang sikat ng araw pero nakakapagtakang wala akong madamang gutom, uhaw, pagod o kahit ang mainit na sikat sana nitong tumatama sa akin!Kinilabutan ako sa hindi ko malamang dahilan. Dahan-dahang tumayo na iginala ang paningin sa paligid. "Nasaan na ba kasi ako? Paano ako nakarating sa lugar na ito?" magkasunod kong tanong sa sarili.PALAKAD-LAKAD ako sa walang hanggang disyerto. Hindi ko na nga alam kung saang direksiyon ang tatahakin ko. Natigilan ako na sa 'di kalayuan ay may natanawan akong babae. Nakatalikod ito sa gawi ko. Mahaba ang buhok nito na nakalugay. Abot hanggang kanyang baywang na unat na unat. Katulad ko ay nakaputing b
TPOV:NAUNANG INILABAS sina Lara at Andrea habang akay-akay naman ni Liezel at Janaeya si Lira na natutulala pa rin sa mga nangyari!Bago makalabas ng tuluyan ang mga ito ay magkahiwalay naman si Diane at Kristel na nagtanim ng bomba sa kabuoan ng mansion! Nang madala na ni Irish si Andrea sa chopper kasama si Alden at Lara na karga nito ay binalikan ni Irish ang mga kaibigan dala ang kanyang bazuka gun. "Do it, Lira. Tapusin mo na ang laban mo sa pamilyang ito," ani Irish na iniabot kay Lira ang bazuka gun.Para namang natauhan si Lira at napatuwid ng tayo na inabot iyon. Nabuhay muli ang galit sa puso nito na mabalikan sa isipan ang singalot nila sa pamilya Stanford! Kung paano pinatay ang kanilang mga Lolo sa harapan nila ni Adrian, at ngayon naman ay ang kanyang anak na sumagip sa kanyang buhay!"Sana noon ko pa inubos ang ugat niyo," anito na inilagay sa balikat ang bazuka.Pumihit paharap sa nilabasang basement at itinutuk ang bazuka gun sa kinaroroonan ni Daemon. Walang malay
TPOV:IMPIT NA napadaing si Lira sa lakas ng sipa na naabot nitong ikinahagis pa nito ng ilang dipa mula sa kinatatayuan! Akmang babangon na ito nang muli siyang sinugod ni Andrea na malakas na sinipa sa kanyang tagiliran! "Urgh! Fvck!" impit nitong daing na napasapo sa sikmura!Sa lakas ng sipa ni Andrea sa kanya ay pakiramdam niya ay nabalian siya sa kanyang tadyang! "Mommy!" luhaang tili ni Lara na awang-awa sa kanyang ina."C'mon! Fight me!" sigaw ni Andrea na nanggagalaiti!Malalaki ang hakbang na nilapitan ang inang namimilipit, hawak ang tadyang at marahas na hinila sa braso patayo!"Andrea...." sambit ni Lira na napailing.Ngumisi lang si Andrea at magkakasunod na inundayan ng suntok sa mukha si Lira na tinatanggap lang ang kamao ng anak nitong parang leon na galit na galit at nanlilisik ang mga mata!"Lumaban ka! Ipakita mo sa akin ang galing at tapang mo, Lira! Labanan mo ako!" nanggagalaiting bulyaw nito!Duguan na ang mukha ni Lira mula sa pumutok nitong kilay at labi pe
ALDEN:PALAKAD-LAKAD ako dito sa opisina habang hinihintay si Andrea. Lumipas kasi ang maghapon na hindi ko ito nakita at tiyak akong nasa mansion ito ng mga Mondragon. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kapakanan nila Mommy Lira kahit alam ko namang kayang-kaya nitong protektahan ang pamilya nila. Panay ang sulyap ko sa wristwatch ko. Magdidilim na kasi pero ni anino ni Andrea ay hindi pa nagpapakita. Ang hirap pa namang basahin ang mga tumatakbo sa utak ng babaeng iyon. Napaka-misteryoso ng mga mata niya na hindi mo manlang mabasaan ng emosyon. Napapabuga ako ng hangin para ibsan ang kabang nadarama. Maya't-maya akong palakad-lakad at babalik ng sofa na maupo. Hindi ako mapakali na naghihintay na lamang dito sa office. Napaangat ako ng mukha nang bumukas ang pinto at niluwal non si Mommy Diane. Naka-all-black ang suot na tila susugod sa isang laban! Napapalunok ako na napatayo. Walang kakurap-kurap ang mga matang nakatitig ditong ang sigang naglakad palapit sa gawi ko. Napaka