MONICA:NAPADAPA AKONG HUMAHAGULHOL na niyakap ang unan pagdating ko ng silid namin ni Aldrich. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga sandaling ito.Kahit alam ko sa sarili ko na walang gusto si Aldrich sa akin ay nadudurog pa rin akong makumpirma iyon mula sa kanya. Lalo na ang malamangmay mahal na pala siya.Wala akong kalaban-laban sa natitipuhan niya. Isang international model si Mis Lara Mondragon. Matangkad. Sexy. Napakaganda at nagmula sa tanyag na pamilya dito sa bansa. Ang pamilya Mondragon. Kasalukuyang Presidente ng bansa ang ama nito. Si Mr Adrian Mondragon.Isa lang akong katulong nila Aldrich kung tutuusin. Kaya ako nandidito sa tabi niya. Dahil ako ang Yaya niya.Ako ang naatasan ni Ma'am Diane mula sa mansion na maging tagapagsilbi ni Aldrich noong bumukod na ito ng tirahan. NAKATULUGAN KO ang pagod sa pag-iyak. Mataas na ang araw ng maalimpungatan ako. Naniningkit ang mga mata na napagala ako ng paningin. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag at nap
MONICA:NAALIMPUNGATAN AKO na mataas na ang sikat ng araw!"Urghh!" impit akong napadaing na nasapo ang ulo kong kumirot!Parang pinipiga ang mga braincells ko sa sobrang kirot nito sa loob! "Ayan. Inom pa," ani ng baritonong boses."Mokong!? Bakit nandito ka pa?" bulalas ko na malingunan si Aldrich na bagong pasok. May dalang soup. Napahawi ako ng sabog-sabog kong buhok at naihilamos ang palad sa mukha. Mahirap ng may mga nagkalat pala akong morning glory ko sa mukha habang ang kaharap ko ay bagong ligo na. Nakapambahay ito na halatang bagong ligo lang dahil namamasa pa ang buhok.Napanguso ako na naupo ito sa gilid ng kama. Maingat na inilapag sa bedside table ang dalang malaking bowl ng soup. "Bakit ka naglasing?" mahinahong tanong nito.Napalunok akong hindi malaman ang isasagot lalo na't matiim itong nakatitig sa mga mata ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na ikinabibigat ng paghinga ko! "Um, w-wala," "Wala? Monica, hwag ako? Hindi ikaw 'yong tipo na umiinom. May prob
MONICA:ILANG ORAS AKONG naghihintay sa pagbalik ni Aldrich pero tila wala itong planong umuwi! Kinakabahan na rin ako na hindi ko maipaliwanag.Hindi ako mapakali. Palakad-lakad ako dito sa labas ng unit namin na inaabangan ang pagdating nito. Bawat tunog at pagbukas ng elevator ay napapalingon ako at umaasang lalabas doon ang mahal ko.Pero inabot na ng gabi ay wala pa rin ito! Mangiyak-ngiyak ako na hindi na alam ang gagawin! Iniwan naman kasi nito ang cellphone at wala akong idea kung saan siya naroon!PARANG LULUKSO ang puso ko nang sa wakas ay lumabas mula sa elevator ang lalakeng nagpapabaliw ng puso ko! Napatuwid ako ng tayo mula sa pagkakasandal ko sa pintuan ng unit namin.Kunot ang noo nito na parang hari kung maglakad. Naka-white long sleeve polo at black slacks na naka-tuck-in. Black leather shoes at naka-wax ang buhok. Unti-unting napalis ang ngiti ko. Napapalunok at nilukob ng kaba!Hindi siya!Hindi siya si Aldrich ko!"What are you doing here?" pormal na tanong nito
MONICA:MAAGA PA LANG ay gumayak na ako. Bahala si Aldrich kung papayag siya o hindi. Uuwi muna ako sa amin.Gusto ko na munang makalayo sa kanya. Baka sakali? Maibaling ko na sa iba ang nararamdaman ko sa kanya. Mapait akong napangiti na inayos ang sarili at backpack ko. Kabado akong tila pinipiga ang puso ko. Naninikip ang dibdib kahit dalawang linggo lang naman ako doon.Natuod ako na pagkalabas ng silid ay nandidito ito.....kasama si Sir Alden!Sabay pang napalingon ang mga ito at napatayo na makita ako. Pilit akong ngumiti kahit napapatabingi na ang mga labi ko na palipat-lipat ng tingin sa mga ito. "Ihahatid na kita," ani Aldrich. "H-hwag na. N-nandito naman na si Sir Alden, e. Tara na po, Sir?" aniko na nagpaapasaklolong napatingin kay Sir Alden.Napangisi itong nagtaas ng isang kilay. Napalapat ako ng labi. Nahihiya ako sa kanya pero kailangan kong manindigan! Aba!?Sinabi ko kaya kay Mokong kagabi na kasama ko itong uuwi ng probinsya. Napalingon si Aldrich dito na nagki
ALDRICH:TAHIMIK AKONG NAKAUPO dito sa kubo sa harapan ng bahay nila Monica.Malapit sa dagat ang bahay nila. Mangingisda ang step-father nito habang si Tita Mona ay siya na ang nag-aalaga sa mga nakababatang kapatid ni Monica. Nabuntis ng turista si Tita Mona noong dalaga pa ito. Kaya sa limang magkakapatid ay kapansin-pansin ang kagandahan ni Monica dahil may lahi ito. Sa mga mata niya pa lang at kutis ay masasabi mo kaagad na hindi siya purong pinay beauty lang.Mabuti na lang at mabait ang pangalawang ama nito. Si Tito Carding. Hindi nito binibilang na iba si Monica. Kundi totoong anak ang turing niya dito.NAPAHINGA AKO ng malalim na sa dagat na kaharap ko nakatanaw. Ramdam ko naman ang paglapit sa akin ng kung sino."Hey," malambing pag-untag nito.Napabuga ako ng hangin na pilit ngumiti dito. "What's wrong, Aldrich? Magmula kahapon na magkita tayo ay hindi pa kita nakikitang ngumiti," anito na napakalungkot ng tono at mga mata.Napahinga ako ng malalim. "Wala ito," "Siya b
MONICA:IMPIT AKONG NAPAPATILI sa isipan ko na mahigpit napayakap sa baywang nito!Parang nangangapal na ang mukha ko dala ng hiya sa mga tao sa paligid na nagtitilian at pinapalakpakan kami ng Mokong kong asawa dahil ang walanghiya?Heto at nilalamutak lang naman ang mga labi ko sa gitna nitong palengke!Shemay ko po! Lagot na talaga ako kay Pareng Carding at Mareng Mona nito kapag nalaman nilang naghahalikan kami nitong Mokong na 'to sa publiko gayung wala pang may alam na mag-asawa kami! Shuta naman! Ang talandi naman kasi ng Mokong na 'to! Pati ako ay tinutuka kung saan-saan na lang! Walang pinipiling lugar pa naman ito. "Uhmm, t-tama na, nakakahiya, Mokong ka talaga," naghahabol hiningang pag-awat ko.Napakagat ito ng ibabang labi na namumula na ang pisngi at malamlam ang mga mata! Para naman akong maiiyak na maiihi sa kilig at saya sa nakikita dito! "M-Monica," Napayakap ako ditong sumubsob sa kanyang dibdib! Dinig na dinig ko ang mabibigat niyang paghinga na panay ang luno
ALDRICH:KAKAMOT-KAMOT akong tinitiris na sa isipan ko si hudyo habang naglalakad kami pauwi ng bahay. Nagngingitngit ang loob ko!Ang sama!Hindi manlang ako pina-score kahit ten points lang sa Mokang ko. Nakakainis!Itapon ko ito sa dagat e!!Pagpasok namin ng bahay ay tumuloy na kami ng kusina. Nandidito na ang lahat. Nakaupo sa parihabang mesa na nakahain na ang pagkain sa mesa.Kami na lang ang hinihintay. Napangiti ang mga ito sa amin na ikinangiti namin pabalik. Nakakakaba man perokailangan kong patatagin ang loob ko. Pamilya ba naman ng Mokang ko ang makakasalo ko sa hapunan. Fvck!"Umupo na kayo dito, anak," ani Mama na napatayo pa sa kanyang upuan para ipaghila kami ng mauupuan."Salamat po, Mama," "Wala ito, anak. Pagpasensyahan niyo na at ito lang ang nakayanan namin, ha? Lalo ka na Sir Alden. Alam ko naman kung anong mga nakasanayan niyo," pagpapaumanhin nito."Hwag niyo pong isipin ang bagay na 'yan. Kami nga itong nahihiya na nakaabala pa kami, Mama," sagot nito na i
MONICA:KABADO AKO HABANG dahan-dahang hinuhubad ang kasuotan ni Aldrich. Lasing na lasing ang Mokong! Humihilik na ito na tumutulo na ang laway. Haist! Mabuti na lang at ang gwapong nilalang kaya keri lang. Hindi nakaka-turnoff asikasuhin!Pang dalawahan lang ang kama dito sa silid. At sa laking tao ni Aldrich ay halos akupado na nito ang buong kama! Naman!Saan ako matutulog nito? "Uhmm, Mokang ko," lasing na sambit nito.Napangiti ako na nililinisan ito ng maligamgam na tubig at bimpo. Para ibsan ang kalasingan nito. Pulang-pula ang mukha, leeg at dibdib! Napapalapat ako ng labi na marahang pinupunasan ang mapipintog niyang pandesal sa tyan! shemay!Ang sarap naman! Libre haplos ako sa nakakatulo laway niyang kakisigan! Asawa ko naman na siya. Hindi naman siguro kalabisan kung tsansingan ko siya! "Ang yummy naman talaga ng Mokong ko," sambit ko. Napahagikhik naman itong tila narinig ako. Pinipindot-pindot ko ang mga pandesal nitong nakakatakam. Napababa ang paningin ko sa ka
ALDEN:MAPAIT AKONG NAPANGITI habang inaayos ang sarili ko. Ngayon ang araw ng kasal namin ni Lara. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay.Naging stable na ang lagay nila ni Andrea. At hinihintay na lang namin ang paggising nila. Sana nga. Sana nga magising na sila.Namumuo ang luha ko habang nakaharap sa salamin na inaayos ang sarili ko. Napag-usapan namin ng pamilya ko at nila Mommy Lira na ituloy ang kasal namin. Kahit wala pa ring malay si Lara. Panay ang buga ko ng hangin habang hinihintay dumating ang pari na siyang magkakasal sa amin ni Lara. Dito lang din sa kanyang recovery room kami magpapakasal. Walang media. Walang ibang bisita. Kami-kami lang na pamilya at mga malalapit na kaibigan ang siyang saksi sa aming pag-iisang dibdib sa pangalawang pagkakataon.Naipagtapat ko na rin sa pamilya namin ni Lara na mag-asawa na talaga kami nito. Bago ako umalis papuntang Canada ay kumuha na kami ng papel namin bilang mag-asawa. Hindi naman tumutol ang pamilya namin sa nagin
LARA:PUNO NG GALAK ANG puso ko sa gabing ito na nasa tabi ko lang si Alden. Hawak ang kamay ko na marahang pinipisil-pisil iyon. Hindi ko maikubli ang ngiti sa aking mga labi at ang kakaibang kislap sa mga mata ko.At 'yon ay dahil sa isang tao. Si Alden.Matapos akong kantahan ng birthday song ay sumunod ang 18th roses kung saan isasayaw ako sa gitna ng bulwagan. Unang-una talagang lumapit si Aldrich na ikinaniningkit ng mga mata ni Alden dito at halos hindi bitawan ang kamay ko."Chill, dude. Sasayaw lang kami," tudyo nito na may ngisi sa mga labi.Marahan kong napisil ang kamay ni Alden na ikinabaling ng paningin nito sa akin. Matamis akong ngumiti na marahang tumango. Nagpapaalam na sasayaw na muna kami ni Aldrich. Malalim naman itong napabuntong-hininga bago dahan-dahang binitawan ang kamay ko.Habang sumasayaw kami ng sweetdance ni Aldrich ay panaka-naka kaming napapasulyap kay Alden na matamang kaming pinapanood. Sinasadya tuloy ni Aldrich na asarin itong ikinalulukot ng gwapo
LARA:HINDI KO ALAM kung gaano na kami katagal ni Andrea na nasa malawak na disyertong kinaroroonan namin. May mga pagkakataon na nakakarinig pa rin kami ng boses ng pamilya naming kinakausap kami. Maging si Alden.Pero katulad ng dati ay hindi naman namin mahanap-hanap ang daan pabalik. Dahil kahit anong paglalakad ang gawin namin ay para namang hindi kami nakakausad.MAPAIT AKONG napangiti na nakatitig sa wedding ring ko. Tumabi naman si Andrea sa akin na napatitig din sa kamay ko."A promise ring?" tanong nito.Umiling ako na may pilit na ngiti sa mga labi. Bahagya namang nangunot ang noo nito sa akin."Wedding ring.""Wedding ring?" ulit nito na mas lalong nangunot ang noo."Yeah," tumatango-tangong sagot ko."Wait, I thought, you two--""We're already married, Andrea. Bago siya nagtungo noon sa Canada ay nagpakasal kami ni Alden sa civil. Kaya naman pala ganun na lamang ang kagustuhan naming magpakasal muna bago magkakalayo. Dahil ganito ang mangyayari," sagot ko na ikinatigil ni
ALDEN:PARA KAMING pinagsakluban ng langit at lupa habang hindi nilulubayan ng mga doctor na nire-revive si Lara at Andrea! Nakasalampak ako sa sahig habang yakap-yakap ni Mommy Lira na humahagulhol na ring nakamata sa magkapatid. Napayuko ako na patuloy ang pagdaloy ng masaganang luha sa aking mga mata. Hindi ko siya kayang panoorin na lang. Hindi ko kayang makita kung paano nahihirapan na si Lara para lumaban! Hindi ko kaya.PERO MULI kaming nabuhayan ng loob ng biglang tumunog ang machine!"Doc, bumalik ang pulso nila!" Sigaw ng nurse na ikinatayo namin ni Mommy Lira habang magkayakap. Hilam ang mga mata na napatitig sa dalawa at kita ngang tumutunog ng muli ang monitor. Napapahid kami ng luha nila Mommy na nagkayakapan. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na makitang pataas na ng pataas ang rate nito. Maging sina Mommy at Daddy ay kitang nabuhayan ang loob na nakamata sa dalawa.Bakas ang pagod sa dalawang doctor na umaasikaso kina Lara at Andrea pero may ngiti sa mga labi
ALDEN:PARA AKONG matatakasan ng bait na paulit-ulit nagfa-flat line ang heart beat ni Lara sa monitor. Kahit paulit-ulit siyang nare-revive ng mga doctor ay hindi pa rin mapalagay ang loob ko! Maging si Andrea ay paulit-ulit din nagfa-flat line ang heart beat na tila kung anong nararamdaman ng isa? Mararamdaman din ng isa. Kaya naman paulit-ulit ding nahihimatay si Mommy Lira na nakikita ang kambal nitong nag-aagaw buhay!LUMIPAS ANG mga araw na nanatili sa ICU si Lara at Andrea. Pareho pa ring alanganin ang lagay. Critical pa rin ang mga ito at walang kasiguraduhan na makakaligtas sila. Kaya naman pinayuhan na kami ng mga doctor na ihanda ang sarili sa maaaring sapitin ng dalawa. Ang mga aparatus at machine na lang kasing nakakonekta sa kanilang katawan ang nagdudugtong ng kanilang buhay. Na kung hindi na nila kayanin ay tuluyan na silang mawawala sa amin.Bagay na kinakatakot ko.Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang mawala sa akin sa gantong paraan. Mas kakayanin ko pang mapunta s
LARA:NAPANGITI AKO na maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Dahan-dahan akong napadilat mula sa tila kay haba-habang pagkakaidlip ko.Napakunotnoo ako na maigala ang paningin sa piligid! Mag-isa lang kasi ako dito sa tila disyerto na wala manlang akong matanaw maski ano!Puro buhangin lang na pino at kulay puti ang nakikita ng mga mata ko. Mataas ang sikat ng araw pero nakakapagtakang wala akong madamang gutom, uhaw, pagod o kahit ang mainit na sikat sana nitong tumatama sa akin!Kinilabutan ako sa hindi ko malamang dahilan. Dahan-dahang tumayo na iginala ang paningin sa paligid. "Nasaan na ba kasi ako? Paano ako nakarating sa lugar na ito?" magkasunod kong tanong sa sarili.PALAKAD-LAKAD ako sa walang hanggang disyerto. Hindi ko na nga alam kung saang direksiyon ang tatahakin ko. Natigilan ako na sa 'di kalayuan ay may natanawan akong babae. Nakatalikod ito sa gawi ko. Mahaba ang buhok nito na nakalugay. Abot hanggang kanyang baywang na unat na unat. Katulad ko ay nakaputing b
TPOV:NAUNANG INILABAS sina Lara at Andrea habang akay-akay naman ni Liezel at Janaeya si Lira na natutulala pa rin sa mga nangyari!Bago makalabas ng tuluyan ang mga ito ay magkahiwalay naman si Diane at Kristel na nagtanim ng bomba sa kabuoan ng mansion! Nang madala na ni Irish si Andrea sa chopper kasama si Alden at Lara na karga nito ay binalikan ni Irish ang mga kaibigan dala ang kanyang bazuka gun. "Do it, Lira. Tapusin mo na ang laban mo sa pamilyang ito," ani Irish na iniabot kay Lira ang bazuka gun.Para namang natauhan si Lira at napatuwid ng tayo na inabot iyon. Nabuhay muli ang galit sa puso nito na mabalikan sa isipan ang singalot nila sa pamilya Stanford! Kung paano pinatay ang kanilang mga Lolo sa harapan nila ni Adrian, at ngayon naman ay ang kanyang anak na sumagip sa kanyang buhay!"Sana noon ko pa inubos ang ugat niyo," anito na inilagay sa balikat ang bazuka.Pumihit paharap sa nilabasang basement at itinutuk ang bazuka gun sa kinaroroonan ni Daemon. Walang malay
TPOV:IMPIT NA napadaing si Lira sa lakas ng sipa na naabot nitong ikinahagis pa nito ng ilang dipa mula sa kinatatayuan! Akmang babangon na ito nang muli siyang sinugod ni Andrea na malakas na sinipa sa kanyang tagiliran! "Urgh! Fvck!" impit nitong daing na napasapo sa sikmura!Sa lakas ng sipa ni Andrea sa kanya ay pakiramdam niya ay nabalian siya sa kanyang tadyang! "Mommy!" luhaang tili ni Lara na awang-awa sa kanyang ina."C'mon! Fight me!" sigaw ni Andrea na nanggagalaiti!Malalaki ang hakbang na nilapitan ang inang namimilipit, hawak ang tadyang at marahas na hinila sa braso patayo!"Andrea...." sambit ni Lira na napailing.Ngumisi lang si Andrea at magkakasunod na inundayan ng suntok sa mukha si Lira na tinatanggap lang ang kamao ng anak nitong parang leon na galit na galit at nanlilisik ang mga mata!"Lumaban ka! Ipakita mo sa akin ang galing at tapang mo, Lira! Labanan mo ako!" nanggagalaiting bulyaw nito!Duguan na ang mukha ni Lira mula sa pumutok nitong kilay at labi pe
ALDEN:PALAKAD-LAKAD ako dito sa opisina habang hinihintay si Andrea. Lumipas kasi ang maghapon na hindi ko ito nakita at tiyak akong nasa mansion ito ng mga Mondragon. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kapakanan nila Mommy Lira kahit alam ko namang kayang-kaya nitong protektahan ang pamilya nila. Panay ang sulyap ko sa wristwatch ko. Magdidilim na kasi pero ni anino ni Andrea ay hindi pa nagpapakita. Ang hirap pa namang basahin ang mga tumatakbo sa utak ng babaeng iyon. Napaka-misteryoso ng mga mata niya na hindi mo manlang mabasaan ng emosyon. Napapabuga ako ng hangin para ibsan ang kabang nadarama. Maya't-maya akong palakad-lakad at babalik ng sofa na maupo. Hindi ako mapakali na naghihintay na lamang dito sa office. Napaangat ako ng mukha nang bumukas ang pinto at niluwal non si Mommy Diane. Naka-all-black ang suot na tila susugod sa isang laban! Napapalunok ako na napatayo. Walang kakurap-kurap ang mga matang nakatitig ditong ang sigang naglakad palapit sa gawi ko. Napaka