Share

Chapter Thirty-Seven: Bagabag

INAYOS ni Infinity ang kumot ng ama nang makatulog na ito matapos niya itong mapainom ng gamot.

Akma na siyang lalabas ng silid nang matuon ang kaniyang paningin sa brown box na nakapatong sa night table na nasa gilid ng kama. Iyon iyong kahon na nakuha niya noon sa tokador ng mga magulang noong nasa Slovenia sila. Ilang araw din niya iyong nakalimutan dahil abala siya sa pamamalakad sa HSG at sa amang nagpapagaling.

Napagdesisyunan nilang mag-asawa na samahan ang kaniyang papa sa binili nitong bahay. Hindi nila ito maaaring hayaang tumira roon ng mag-isa.

Muling nabuhay ang kuryosidad niya nang maalala ang birth certificate na nakita niya roon at ilang mga larawan na hindi niya natingnan.

Hindi niya maintindihan kung bakit mabigat ang kaniyang nararamdaman habang maingat na kinukuha ang box. Nanginginig ang kamay na binuksan iyon at isa-isang siniyasat ang laman.

Binuklat niya ang nakatuping papel kung saan nakasulat ang pangalang John Antonov Hasson Jr., at ang kapanganaka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status