Share

Chapter Forty: Longing

Maingat na isinara ni Teranusjulio ang pinto matapos niyang makapasok. Madilim ang kabahayan kaya naman kinailangan niyang magdahan-dahan upang hindi makalikha ng ingay.

Akma na siyang aakyat sa ikalawang palapag nang may tumawag sa kaniya mula sa nilampasang sala.

"Son."

Natigilan siya nang marinig ang tawag na iyon. Para siyang itinulos sa kinatatayuan nang makilala ang tinig ng kaniyang 'ama'. Naikuyom niya ang mga kamay at pilit na pinigil ang luhang sumilip sa gilid ng kaniyang mga mata. Huminga siya nang malalim saka dahan-dahang humarap dito.

"Pa," walang buhay na tugon niya rito.

"Gusto sana kitang kausapin tungkol sa anak ko."

'Anak ko' tila sinakal ang puso niya sa isiping hindi siya ang anak na tinutukoy nito.

"Ipinagtapat ni Infinity ang lahat ng tungkol sa inyo. Sa totoo lang, gusto kita para sa kaniya. Ngunit ang makita siyang umiiyak dahil nasasaktan, hindi ko iyon matatanggap. Alam mo bang umamin siyang mahal ka niya? She maybe a strong woman, I knew her
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status