Nang makaalis ang mga reporters ay napatingin sa akin si Shawn at ngumiti. Kaagad niyang binuksan ang telebisyon para panoorin kung ano ang nangyayari sa paglabas ng interview niya. Maraming mga tao ang excited na gumamit ng soap na ginawa ko. Napatalon sa sobrang saya si Shawn, na akala mo siya lang mag-isa ang tao dito sa loob ng opisina niya. Masaya naman ako dahil sa wakas mapagkikitaan ko na rin ang talento ko ang problema lang ay bakit hindi sinabi ni Shawn na ako ang gumawa ng sabon na iyon? Bagay na gusto kong ipaliwanag niya sa akin."Shawn, huwag naman sanang sumama ang loob mo sa tanong ko. Pero bakit hindi mo sinabi sa kanila na ako ang gumawa ng sabon na iyon? Nagtanong sila hindi ba? I thought na pati ako ay maiinterview?" sunod-sunod ko na tanong.Napatigil naman siya sa pagtatalon pagkatapos ko iyon na sabihin. Biglang nagseryoso ang kanyang mukha."Erin, hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman nila na ikaw ang anak ng mga namatay na mag-asawang itinuturing na
Pinuntahan ko si Shanella sa condo niya para makausap at makahingi ng pasensiya. Alam ko na sobrang sama ng loob niya sa akin ngayon dahil sa ginawa ko sa kanya kahapon. Nang nasa harap na ako ng pintuan niya ay nagdadalawang-isip ako kung magbubuzzer ba ako. Sakto naman na lumabas si Malerick at hinahawakan siya ni Shanella sa damit. Nanlaki ang kanilang mga mata ng makita nila ako."Erin!" Sabay pa silang sinambit ang pangalan ko."Malerick?! Anong hinagawa mo dito sa bahay ni Shanella?" gulat ko naman na tanong. Nagtingin silang dalawa."He's here para makita ang ginawa mo sa akin. Look at my head, tingnan mo may bandage pa! Masaya kaba sa ginawa mo sa akin Erin? Na sinaktan mo ako?!" galit na sabi ni Shanella sa akin."Bess, pasensiya--""Huwag mo akong mag bess bess diyan ha! Simula ngayon kalimutan mo nang nagkakilala tayo. Hindi kita kailangan sa buhay ko Erin! At ano ang ginagawa mo dito? Kaya kaba pumunta dito para lang humingi ng pasensiya?! Pwes! Wala kang mapapala dahil hi
Everyone, let's enjoy this night. Muling nakabangon ang ating kompanya at naging number 1 na naman ulit tayo. Tumataas ang ating sales at maraming mga tao ang nag-uunahan para lang makabili ng products natin. Godd job sa ating lahat, to all hardworking employees and to me!" Sabay taas ni Shawn sa basong hawak niya na may laman na wine. Nagsipalakpakan naman ang mga empleyado sabay taas din ng kani-kanilang mga glasses. Napangiti naman ako dahil naging successful ang products na ako mismo ang gumawa. Nagheld kami ng party dito sa loob ng opisina para i celebrate ang napaka gandang balita. Nakakatuwa at nakakaproud dahil biglang tumaas ang sales namin. Ngayon, tinitingala na naman kami ng mga tao at tiyak na nag-iisip na naman ang mga kalaban ng Kompanyang ito kung paano nila kami mapapatumba.Nandito lang ako sa isang sulok habang nakaupo ng mag-isa. Si Shanella naman inom nang inom talaga ang ginagawa niya. Si Shawn ay nakikipag-usap sa mga head at ako, tanging juice lang ang laman ng
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Shanella. Hindi ko na rin siya kinulit dahil baka mag-away na naman kami ulit. Nandito ako ngayon sa bahay nina Sir Ricardo dahil inimbitahan nila ako na magdinner dito sa bahay nila. Alam na din ni Sir na magkasintahan na kami ni Shawn. Sa totoo lang nang malaman niya na sinagot ko na ito ay labis siyang natuwa dahil daw sa wakas ay nagkaroon ng mabait at magandang kasintahan.Habang nakaupo ako sa harap ng lamesa at hinihintay sila ay naisipan kong umikot sa buong bahay. Maganda, malawak at mga marble ang nakapalibot sa bahay na ito. Sobrang yaman talaga ng angkan ni Sir Ricardo. Sa pagkakaalam ko rin ang bahay na ito ay minana pa ni Sir Ricardo sa kanyang mga magulang. Napansin ko ang mga magazine sa ibaba ng isang maliit na table. Tumingin tingin muna ako sa paligid, nang makita ko na walang tao ay kaagad kong kinuha at nagbasa. Mahilig akong magbasa ng mga magazines. Halata naman sa magazines na old stock na ito. Kadalasan na maki
Hindi ako mapakali sa aking nakita sa bahay nina Shawn. Ano ang connection ng mga magulang ko kay Sir Ricardo? Bakit sila may litrato? Naisipan kong buksan ang baol kung saan tinatago nina Papa ang kanilang mga gamit bago sila namatay. Sana hindi maging tama ang hinala ko! Sana walang kinalaman ang magulang ni Shawn sa pagkawala ng mga magulang ko. Dahil hindi ko kakayanin kapag may natuklasan akong hindi maganda. Mahal ko na si Shawn at hindi ko rin siyang kayang mawala sa buhay ko. Wala akong mapagpipilian.Dahan-dahan kong itinaas ang takip ng baol. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Kinuha ko ang album nina Mama at Papa tapos tiningnan ang lahat ng mga litrato na nandoon. Simula nang mamatay sila ay hindi ako nagsayang ng panahon na mabuksan ang baol na iyon dahil sumasakit lang ang aking puso. Isang litrato ang kumuha sa atensiyon ko. Kinuha ko iyon at tinitigan ng husto. Ito din ay kagaya sa litratong nakita ko sa bahay nina Sir Ricardo. Napaluha ako, kilala nga ni S
Hindi ako maaring magkamali, tama nga ang hinala ko. Nagkikita si Shawn at si Shanella. Pero bakit sila nagkikita? Anong meron sa kanilang dalawa? Impossible naman na may relasyon sila dahil sabay lang namin nakilala ni Shanella si Shawn. Kailangan matuklasan ko kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa. Bago ako umuwi galing sa rest house ni Shawn at palihim kong ipinasok ang dress na iyon sa loob ng aking bag. Nawalan na rin ako ng gana na makipag-usap sa kanya. Kanina pa siya tumatawag sa numero ko pero hindi ko ito sinasagot. Naalala ko si Malerick, ilang beses na niya akong pinayuhan tungkol kay Shawn. Mabuti naman at tinitigilan na ni Shawn ang kakatawag sa akin kaya kaagad kong kinontak si Malerick para kausapin siya."Erin, bakit napatawag ka?!" gulat na tanong niya sa akin."Hello, kamusta kana Malerick? Pwedi ba tayong magkita?!" tanong ko sa kanya."H-huh?! Bakit?" nagtatakang tanong nito."Basta, may itatanong lang ako sa iyo." Sinabi ko sa kanya kung saan kaming dalawa
Ilang beses kong tinanong si Malerick kung ano pa ang alam niya tungkol kay Shawn at Shanella pero hindi na ito nagsalita pa.Iyak lang ako nang iyak sa loob ng kanyang kotse habang kayakap siya.Hindi ko sila mapapatawad sa panlolokong ginawa nila sa akin. Mga sinungaling silang dalawa!"Paano mo nalaman ang tungkol sa kanila? Bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin Malerick? Bakit mo hinayaan na lokohin nila ako?!" sunod-sunod ko na tanong kay Malerick habang humahagulgol sa iyak."Nahuli ko silang dalawa sa mismong condo ni Shanella, hindi ba nagsabi na ako sa iyo na ginagamit kalang nila? Pero hindi ka nakinig. Mas sinunod mo ang nararamdaman mo kaysa maniwala sa akin," aniya. "Kaya hindi ko sinabi sa iyo dahil ayaw ko na sa akin mo malaman ang totoo dahil hindi ka naman maniniwala sa akin eh. Ayaw kong isipin mo na sinisiraan ko kayong dalawa. Hindi ko kasi gusto na masaktan ka kaya tinago ko ang aking natuklasan," paliwanag nito habang hinahaplos ang aking likuran."Hindi ko matang
Pakiramdam ko sobrang pagod na pagod ako ngayon. Akalain mo 'yun buong gabi akong naghanap ng Booklet ko pero hindi ko talaga nakita. Impossible naman na ma missplace ko iyon dahil ni minsan ay hindi ko naman iyon kinuha sa lalagyan niya. Binabasa ko lang naman iyon kapag namimiss ko sina Mama at Papa. Papunta na ako ngayon sa Arzilla Company para sa trabaho ko. Ang gulo ng utak ko at maraming katanungan. Darating din ang panahon na masasagot ang mga nasa isipan ko. Wala na talagang totoong tao ngayon, lahat sila mga sinungaling at mapag samantala.Papasok na sana ako sa loob ng opisina ni Shawn ng makita ko na bukas ang pintuan. Dahan-dahan ko itong pinihit para pumasok pero napatigil ako. Nakita ko na may kahalikan si Shawn na babae, tumulo ang mga luha ko sa aking nakita. Parang may pumiga sa puso ko. Ang mga luha ko ay nag-uunahang tumulo habang nakatingin sa kanila. Ang sabi sa akin ni Shawn ay hindi siya papatol sa kung sinoman na babae, pero paano niya nagawang patulan ang kaib
"Shawn, wake up dear! Huwag mo akong iwan anak!" Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto ni Shawn habang nakikinig sa mga sinasabi ng Mommy niya sa kanya.Ngayon ko nalaman na nacomatose pala si Shawn dahil may tama rin siya ng bala sa ulo. Nahihiya akong pumasok sa loob dahil ako ang may dahilan kung bakit nagkaganyan si Shawn. Wala akong magawa kundi ang umiyak nalang habang hinihipo ang aking tiyan. Sana maging okay lang si Shawn. Sana maging okay na ang Daddy ng anak ko. Kahit na niloko niya ako ay pinatawad ko na siya. Alam ko naman na nagsisi siya sa kanyang nagawa at wala rin naman siyang kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang ko. Nadamay lang din si Shawn sa plano ng tatay niya."Shawn! Gumagalaw kana, nurse! Nurse!" narinig kong tawag ng Mommy ni Shawn.Kaagad naman akong pumasok para makita ang kalagayan ni Shawn.Nagkatinginan naman kami ng Mommy niya at nakaupo siya sa wheelchair.Nang dumating na ang mga nurse ay pinalabas muna kami ng kwarto para maasikaso nila ng maayos
Nagising ako sa loob ng hospital at may nakakabit na kung anong bagay sa akin. Mayroon pa akong oxygen at dextrose. Sakto naman na may pumasok na nurse kaya kaagad akong bumangon."Hello, Ms. Erin, mabuti naman at gising na po kayo! Kamusta na ang pakiramdam niyo po?!" ani ng nurse sa akin."Okay naman, teka nasaan si Shawn?! Ano ang nangyari sa kanya? Gusto ko siyang makita!" Bumaba ako sa hinihigaan ko pero bigla akong itinulak ng nurse pabalik."Huwag po kayong mag-alala kay Shawn ayos lang siya. Kailangan mong magpahinga at mag relax dahil buntis po kayo," sabi pa nito."A-anong s-sabi mo? B-buntis ako?!" gulat na tanong ko naman sa kanya.Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa narinig ko o maging malungkot dahil napahamak ang ama ng bata na nasa loob ng sinapupunan ko. Mahigit tatlong buwan na rin na hindi ako nadadatnan kaya noon palang alam ko nang buntis ako."Opo, kaya nga may ibibigay aking gamot sa inyo eh!" Kanina ko pa napansin ang nurse na ito. Habang nagsasalita
Gulat silang lahat sa ginawa ko, sino ba naman ang mag-aakala na ang isang hinahangaan at nirerespetong tao ay may sekreto palang mabaho? Pati si Shawn ay halos hindi makagalaw sa kanyang pwesto ay nakatingin lang sa akin. Nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil nga mahal ko siya pero hanggang saan ako dadalhin ng pagmamahal na ito kung ito ang iisipin ko?Kitang-kita ko ang pagtakbo ni Shanella palabas ng hall pero malas niya at may nakabantay ng mga pulis doon. Ngayon, hawak na siya ng mga pulis at si Sir Ricardo naman ay nagwawala si itaas ng stage. Ang hindi nila alam ay mayroon na akong source at marami na akong ebidensiya na nakuha tungkol sa pagplano nilang pagpatay sa magulang ko. Nakausap ko ang isa sa mga katrabaho nina Mama at Papa noon at ipinagtapat nila sa akin na matagal na sanang nalugi ang Kompanya kung hindi dahil sa mga magulang ko. Nag-invest si Sir Ricardo sa aking mga magulang kapalit ay kung hindi siya makakabayad ay maaring kunin ng mga magulang ko ang Kompanya ng
"Diyan ko lang inilagay sa drawer mo para sana takutin ka. Impossibleng mawala 'yan dito kung hindi mo kinuha!" ani ni Shanella."Wala akong nakita na USB dito! Ang dami kasing pakulo eh noh?!" galit na sigaw ko sa kanya."Kung ganoon sinong kumuha?!" nagtataka din na sabi nito.Napatigil ako. Naalala ko si Erin lang ang inutusan ko na halungkatin ang mga gamit ko dahil may pinapahanap akong report."Si Erin!" Sabay pa kaming nagsalita."Shawn, let's go! Nandiyan na lahat ng media magsisimula na tayo!" tawag sa akin ni Daddy.Nagtinginan kami ni Shanella."Bakit? My problema ba? Bilisan niyo na diyan at kanina pa sila naghihintay!" ani ni Daddy.Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko ganoon din si Shanella."Ano bang problema?! Tell me!" tanong ni Daddy habang nakakunot ang kanyang noo. Hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa kanya dahil natitiyak kong magagalit siya."T-tito...may problema...""Ano nga sabihin niyo na sa akin!" aniya."N-nawawala ang USB na kung sana may ved
Suot ko ang aking pulang gown oara dumalo sa karaawan ni Sir Ricardo. Sa gabing ito, magbabayad ang mga taong nanloko at gumamit sa akin. Walang patutunguhan kung pagmamahal ang iisipin ko. Ayoko na maging mahina. Pagkatapos nang malaman ko ang lahat? All i have right now is hatred and i want yo take revenge.Nakatingin lang ako kay Shanella habang nakikipag-usap sa ibang bisita. That woman is a traitor kaya kung ano man ang mangyauari ngayon gabi sa kanya, she deserved of it.Lumapit ako sa kanya at sinadya ko siyang binangga kaya natapon sa kanyang damit ang wine na hawak nito.Napanganga naman siya sa gulat nang dahil sa ginawa ko."Ow, sorry!" sabi ko naman sa kanya at binigyan siya ng ngiti na nakakaasar."Nanadya kaba?!" galit niyang sabi sa akin."Mabuti pa Erin, hayaan mo nalang si Shanella baka mag-away pa kayong dalawa dito. Napakaraming tao!" saway naman ni Malerick. Kasama ko siya ngayon dahil inimbita ko siya. Gusto kong masaksihan niya ang mangayyari ngayong gabi. Si Sh
Nandito ako ngayon sa loob ng opisina ni Shawn at hinahanap ko ang report na ipinasa ni Shanella kanina. I'm his Secretary kaya ako ang may karapatan na humalungkat sa mga bagay-bagay na nandito sa loob ng opisina.Habang nawiwili ako sa paghahalungkat may napansin akong isang USB na nakapasok sa loob ng envelop na plastik. Tinalian pa ito ng kulay pulang tela. Nang dahil sa curiousity ko at nais kong malaman kung ano ang laman ng USB na 'yun ay kinuha ko at ipinasok sa aking bulsa. Sakto naman na biglang bumukas ang pintuan."Erin, did you find it? I really need that report para sa mga mag-iindorse ng product natin," ani ni Shawn."Yeah!" Pinakita ko sa kanya ang papers na hawak-hawak ko kanina pa.Ngumiti sa akin si Shawn at dahan-dahan na lumapit sabay hawak niya sa beywang ko."You know what you are the most beautiful girl that i ever meet. I love you so much Erin, tandaan mo 'yan!" aniya sabay halik sa labi ko.Gumanti din ako ng halik sa kanya. Nasasaktan ako ngayon, alam ko na s
Anong ginagawa mo rito? Anong oras na Shawn, baka kailangan ka ni Shanella!" Isinara ko ang pintuan pero hinawakan niya ako sa kamay."Let's talk!" aniya."Ano na naman ang pag-uusapan natin? Wala naman hindi ba? Kapag sinabi ko ba na wala akong ginawa kay Shanella maniniwala ka? Ngayon ko napatunayan na wala nga talaga akong halaga sa iyo Shawn," sabi ko. Yumuko naman siya. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Halatang guilty siya sa mga sinasabi ko sa kanya."Erin, hindi naman sa hindi ako naniniwala sa iyo. Nakita ko na duguan si Shanella ng mga panahon na iyon kaya hindi ko maiwasan na hindi mag-alala sa kanya. Ano ba talaga ang nangyari? Ang sabi sa akin ni Shanella you trying to kill her!" ani naman nito.Nagulat naman ako sa sinabi ni Shawn. Ang galing talaga gumawa ng kwento ni Shanella."Kung may killer man dito Shawn, hindi ako iyon. Hindi ko kayang pansamantalahan ang buhay ni Shanella. Kaibigan ko siya Shawn, at talaga bang naniniwala ka sa kanya kahit na ako ng girlf
So, what's your plan? Kanina pa kita minamasdan pero wala kang imik. Huwag mong sabihin na nahumaling kana talaga sa babaeng iyon?" ani ni Daddy habang nakatingin sa akin. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil sa hiya. Hindi siya nagkakamali at hindi ko rin tinatanggi na sobrang nahulog na nga ako kay Erin. "Oh, common Shawn! Hindi kita pinalaki para maging tanga. Hindi kita tinuruan na mas sundin mo ang puso mo kaysa sa isip mo! Ang akala ko ba hawak na ni Shanella ang booklet? Ano pa ba ang rason kung bakit hindi mo pa rin mabitaw bitawan si Erin? Dahil ba sa sex?!" Sabay tungga nito ng alak niya sa loob ng baso."No, Dad, hindi lang ito sex. I fell inlove with her. I know na wala ito sa plano natin pero hindi ko naman ginusto na mararamdaman ko ito para sa kanya. Tama po kayo, she's kind and smart kaya wala ng rason pa para hindi ko siya--"Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong suntukin ng malakas."Ang tanga-tanga mo! Wala ka talagang pinagkaiba sa iyong in
Hindi pa rin ako makagalaw sa pwesto ko hanggang ngayon. Hindi ko lubos akalain na hahantong si Shanella sa ganito nang dahil lang kay Shawn. Nagawa niyang saktan ang sarili niya dahil lang sa lalaki? "Halika na Erin, kailangan mo ng magpaliwanag sa mga pulis. Aakusahan ka nila na ginawa mo iyan kapag mag mukmok ka diyan at umiiyak!" ani ni Malerick sa akin habang hinihila ang aking kamay.Nanginginig pa rin ang katawan ko sa takot. Hindi ko rin alam kung paano ko ipaliwanag ang mga nangyari. Wala akong ginawa, hindi ko sinaktan si Shanella."Halika na!" Hila-hila pa rin ni Malerick ang braso ko."P-paano k-ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat?!" sabi ko habang nanginginig."Sabihin mo sa kanila kung ano ang tunay na nangyari. Hindi ka maaring iiyak nalang diyan," ani naman nito.Inayos ko naman ang aking sarili para harapin ang mga pulis.Ipinaliwanag ko sa mga pulis ang nangyari. Sa condo ko nangyari ang bagay na 'yun kaya hindi nila ako pweding makasuhan dahil trespassing si Shane