Home / YA/TEEN / HOME VISIT / Chapter Three

Share

Chapter Three

Author: Ceres
last update Last Updated: 2023-05-06 17:36:23

"Luminya kayo nang maayos. One line for females, one line for males." Utos samin ni Sir habang naglalakad sa pagitan ng mga linya namin. "Find your height."

Nandito na ako sa tamang linya ko. Ako ang pinakahuling babae sa linya dahil ako ang pinakamatangkad.

"Maglakad kayo nang tahimik papunta sa AVR, bibigyan kayo ni Sir Thomas ng puwesto roon."

Pagkasabi ni Sir noon ay nagsimula na silang maglakad papunta sa main building. Yung ibang section ay kasabay lang din namin na maglakad papunta sa AVR.

At siyempre, kapag may barkada ka sa kabilang section, hindi na maiiwasan ang magkamustahan at mag-ingay tulad na lang ng mga kaklase ko.

"Mamaya, 'no? Isama mo si Paul para masaya!" Kaklase ko iyon na kausap ang barkada niya sa kabilang section na kasabay naming naglalakad.

Napangiti na lang ako dahil kahit na magkalayo sila ay mayroon pa rin silang koneksyon. Pinagmasdan ko lahat ng mga boys ng section na iyon hanggang sa madako ang tingin ko sa pinakahuling lalaki nila.

Nakatingin na naman siya sa akin nang masama. Nag-iwas agad ako ng tingin dahil feeling ko ang sakit ng titig niya. Sinilip ko pa rin kung nakatingin siya sa akin at hindi nga ako nagkamali kaya hindi na lang ako tumingin sa kaniya.

"Anong section kayo?"

Nasa AVR na pala kami. At si Sir Thomas nga ang mag-aasikaso sa amin. Kausap niya yung maliit naming president. Lalaki siya at siya ang pinaka-cute kasi ang liit niya.

Ramdam kong ang katabi ko ngayon sa linya ay si Cosmo. Nararamdaman ko pa ring sa akin siya nakatingin. Bakit ba? Ano bang problema niya?

Pinilit kong huwag siyang tapunan ng tingin hanggang sa papasukin na kami ni Sir Thomas. Umupo na ang mga kaklase ko sa mga monoblock na maayos na nakalinya.

"Ah, Gracie?"

Nilingon agad ako ni Gracie nang tawagin ko siya. "Bakit?"

"Puwede ba tayong magpalit ng puwesto?" Tanong ko dahil alam ko nang makakatabi ko si Cosmo. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.

"Hindi puwedeng magpalitan ng upuan, Andres." Sagot naman niya.

Napabuntong-hininga na lang ako nang sabihin niya iyon.

Umupo na nga ang section nila sa mga bakanteng upuan na katabi lang din namin. Narinig ko pa ang pagbuga niya ng hininga nang makaupo na siya.

Hindi ko naiwasan ang biglaan niyang pagtingin sa akin! As in, bigla na lang siyang tumingin sa akin na para bang nasa akin ang pagkain niya. "Hi," ang creepy ng boses niya. Ang gaspang ng boses niyang aakalain mong bagong gising lang o ito ang unang salitang binigkas niya simula nang magising siya?

Hindi ako nakasagot, natatarantang tinuon ko ang tingin ko sa malaking screen na nasa harapan naming lahat.

"Akala ko ba kami lang ang nandito, Sir Thomas?"

Boses iyon ni Sir Perez. Tumingin ako sa likuran namin. Magkausap nga sila ni Sir Thomas ngayon.

"Sir, kasya naman ang dalawang section kaya pinagsama ko na ang A at B sa AVR."

"Bakit hindi mo sinabi agad sa akin?"

"Gano'n ba kaimportante iyon?"

Nagpatuloy pa ang pag-uusap nila hanggang sa lapitan na sila ng iba pang mga teacher. Inayos ko na ang upo ko at hindi na tumingin sa kanila.

Tama iyan, Sir. Sige, ipaglaban mong dapat kami lang ang nandito. Kahit ako ayoko ng ganito, ano. Naiirita ako sa katabi ko. Hindi niya maalis yung tingin niya sa akin.

"Bakit 'di mo ako matignan, Andres?" Nagsalita na nga siya. Hindi ko talaga siya titignan. "Gusto lang naman kitang mas makilala pa, liligawan kita. Ayaw mo ba sa akin?" Dagdag pa niya pero hindi ako nagsalita.

"Magsisimula na ang palabas, tama na ang usapan."

Napatingin ako kay Sir Perez na nakatayo sa likuran namin. Mahahalata na sa mukha niyang naiinis siya. Bakit kaya? Nakapasok sa bulsa niya ang mga palad niya at diretsong nakatingin sa screen.

Huminga ako nang malalim nang umupo na siya sa monoblock. Nandiyan na siya, kampante na ako.

"Good Morning students! Siguro nagtataka kayo kung bakit nandito kayo sa AVR…"

Dumaldal na si Ma'am Fatima sa harap pero kay Sir Perez na naman siya nakatingin. Sana hindi niya makalimutan ang speech niya. Bata pa, makakalimutin na.

Nakikinig ako sa mga sinasabi niya ukol nga roon sa mga gustong makahanap ng universities na puwede nilang mapasukan nang may bigla akong naramdaman sa kamay ko. Napalunok ako saka ako tumingin kay Cosmo na diretso ang tingin kay Ma'am Fatima.

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko mula sa kaniya pero humigpit ang hawak niya roon. "Ano ba?" Bulong na tanong ko sa kaniya.

Nakangiti lang siyang nakikinig sa harap saka niya binaling ang tingin sa akin. "Bakit?" Parang inosente pa siya. Alam naman naming sinasadya niyang hawakan ang kamay ko.

"Bitiwan mo ang kamay ko." Angil ko sa kaniya pero tinignan lang niya ang mga kamay namin na magkadaop.

Hindi ako gumawa ng ingay habang pilit na inaalis sa hawak niya ang kamay ko. Ginamit ko na rin ang isa ko pang kamay para lang matanggal iyon pero lalo niyang hinihigpitan ang hawak niya sa akin.

Itutulak ko na sana siya nang lumapat ang kamay ni Sir Perez sa mga magkadaop naming kamay. Nagtataka akong tumingin sa kaniya, si Cosmo ay nakangising nakatingin kay Sir Perez.

"Tigilan mo ang estudyante ko, p'wede?" Maawtoridad ang boses niya nang sitahin niya si Cosmo.

Lumawak ang ngisi niya saka niya dahan-dahang inalis ang kamay sa akin. Humalukipkip siya saka muling tumingin sa harapan. Inayos ko naman ang upo ko at bahagyang lumayo kay Cosmo.

Matagal pa bang matapos ang orientation na ito?

"Andres Domingo,"

Napatingin ako agad kay Sir nang tawagin niya ako. "Yes, Sir?"

"Pumunta ka sa faculty. I forgot to shut my laptop down."

Pati laptop ay kalilimutan pang patayin.

"Bilis na."

"Ay, opo." Sagot ko saka dali-daling umalis sa AVR. Tinanong pa ako ni Sir Thomas kung saan ako pupunta pero buti at pinayagan niya akong lumabas.

May ilang estudyante na kumakaway sa akin kapag may nakakasalubong ko. Ngingitian ko lang sila at yuyuko dahil may kaunting hiya ako.

"Di ba si Andres 'yon?"

Nagbulungan sila pero naririnig ko pa rin ang bunganga niyang pasmado pa yata. Hindi naman makakabuti sa akin kung pakikinggan ko ang pinag-uusapan nila. Toxic.

Pumasok na ako sa faculty at hinanap sa drawer ni Sir ang pinakukuha niya sa akin. "Hala siya," bigkas ko nang wala akong makitang laptop sa lahat ng drawer niya. "Sigurado ba si Sir na may laptop siya rito? Hala siya baka ako masisi rito." Sinara ko nang maayos ang drawer na huli kong binuksan.

"May hinahanap ka?"

Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko, si Sir Aaron. Teacher namin siya sa P.E. "Ay, Sir. Ah, hinahanap ko kasi yung laptop ni Sir Perez, pinakukuha niya sa akin."

"Hm?" Alam kong nagtaka rin siya saka na siya umupo sa cubicle niya. "Puwede ba kitang mautusan, Andres?"

"Opo."

Lumapit agad ako kay Sir Aaron. "Naiwan ko kasi sa library yung notebook ko. Madali lang namang makita 'yon dahil isang table lang naman ang may notebook do'n. Pakikuha mo iyon."

"Okay po." Akala ko naman kung ano ang iuutos sa akin, iyon lang pala.

Siyempre umalis na ako sa faculty. Hindi kaya magtaka si Sir kung bakit ang tagal kong bumalik. Sasabihin ko na lang na inutusan ako ni Sir Aaron. Totoo naman na inutusan ako. Sasabihin ko rin na wala akong nakitang laptop sa desk niya.

Pinasok ko ang library. Ang pinakatahimik na lugar sa university na ito. Nginitian ko lang ang librarian namin saka ko na hinanap ang notebook ni Sir Aaron. Sa dulong bahagi ng kuwartong ito. Mabilis kong nakita dahil neon ang kulay. Siguro ito na iyon, wala namang ibang notebook dito maliban sa hawak ko.

Lumabas na ako sa library para ibigay ang notebook kay Sir Aaron. "Salamat," aniya. Nginitian ko na lang siya saka ako naglakad pabalik sa AVR. Nangangatog pa ang mga tuhod ko sa bawat paghakbang ko dahil babalik na naman ako sa upuan, katabi ni Cosmo.

Binuksan ko ang screen door ng AVR saka tahimik na pumasok. Nagsasalita si Ma'am Fatima sa harapan nang maabutan ko. May ibang estudyante rin na naroon sa harap, siguro bilang volunteer at example.

"Ang tagal mo?"

"Sorry, Sir," aniko nang makaupo sa upuan. "Wala po akong nakitang laptop saka nautusan ho ako ni Sir Aaron kaya natagalan ako."

"Tss,"

Hindi na siya nagsalita kaya nanahimik na rin ako. Katabi ko pa rin si Cosmo at pinipilit ko ang sarili ko na huwag siyang tignan kahit na damit lang niya. Hindi ko gusto ang paraan ng pakikitungo niya sa akin. Siguro nga maganda siyang lalaki, pero hindi iyon basehan para umasta siya nang ganito.

Malapit nang matapos ang orientation dahil nagsipuntahan na ang lahat ng mga teacher na narito sa loob sa harapan para makuhanan ng litrato. At heto kami, nakatayo lang at pumapalakpak. Napapairap ako sa tuwing may sinasabi ang photographer nila na wacky, smile, say cheese. Family picture?!

"Oh, ano? Hindi pa ba tapos 'to?"

Biglang tumahimik ang lahat nang umalingawngaw sa buong kuwarto ang boses na iyon. Lahat sila ay hinanap kung sino ang nagsalita saka sila dahan-dahang tumingin sa akin. Oo naman, ano… ako agad.

"Miss Domingo?"

"Hindi ako iyon, promise." Sagot ko agad kay Sir Perez. Hindi naman talaga ako. Bahagya kong nilingon si Cosmo.

"Ako iyon. Nandito ba kami para panoorin ang photoshoot na ito?"

Gusto kong matawa pero dahil seryoso ang mga mukha nila, nanatili na lamang akong kalmado. Baka mapasama pa ako kapag tumawa ako. Nakagat ko tuloy ang pang-ibabang labi ko.

"Ilang shots pa ba ang kailangan bago makuha ang perfect shot para sa inyo? Kung pinauwi niyo na kami at kayo ang naiwan dito, eh 'di puwede pa kayong mag-pose."

Humakbang si Sir Perez papunta kay Cosmo saka siya humalukipkip. "Naiinip ka na ba? Pasensiya ka na Mister Anueva kung hindi mo gusto ang magtagal dito."

"Tss. Dami mong sinabi, uuwi na ba kami o hindi?"

Umiinit na ang mga tingin nilang dalawa at mukhang hindi sila papatalo dahil nagtuloy-tuloy pa ang sagutan nilang dalawa hanggang sa lumapit na si Sir Thomas.

"Okay, tama na ito. Sige na! Puwede na kayong magsi-uwi."

Hinawakan ni Sir Thomas si Sir Perez dahil nakita namin ang pagkuyom ng mga palad niya. Baka kapag hindi pa ito natigil ay magsuntukan na ang dalawa.

Lumabas na kaming lahat na nakapila pa rin para hindi kami magtulakan at magkagulo. Nakita ko pa si Cosmo na seryosong naglalakad mag-isa.

May problema yata siya,

"Andres,"

Napalingon ako kina Gracie na magkakasama pa rin. Naalala ko naman ang activity na ginagawa namin. Pinagawa ko na iyon kay John para hindi na kami mahirapan at bukas na namin iyon ipapasa.

"Bakit?"

"Saan tayo ngayon?" Umakbay sa akin si Edzell pero agad ko rin iyong inalis sa akin.

"Anong saan? May pupuntahan ba tayo?" Napangisi ako saka ko pinasok ang mga palad ko sa bulsa ko.

"Ano bang sinasabi niyo diyan, mukha kayong mga pagkain." Binatukan ni Gracie si Edzell. "Anyways, Andres," nilingon ko siya saglit. "Bakit Andres Domingo ang pangalan mo? Iyon ba ang totoo mong pangalan?"

"Bigla kayong na-curious."

Sinundan nila ako hanggang sa parking area at hanggang sa makita na namin si John.

"Alam mo kasi, Andres, ikaw yung mayaman na hindi mukhang mayaman." Si Andrei iyon.

"Ngayon, mahalaga na ang bawat parte ng katawan ko dahil nalaman niyong iba ang estado ng buhay ko."

"Lagi kang mahalaga," sagot naman ni Adrian.

Binuhusan ni John ng alcohol ang mga kamay ko. "Sumakay na kayo, kakain tayo sa bahay." Pinabukas ko na kay John ang dala niyang sasakyan.

Agad na silang pumasok at pakapalan na sila ng mukha dahil nag-away pa sila kung sino ang sasakay sa tabi ng pinto. Hay nako.

Sumakay na ako sa tabi ni John nang masiguro kong nakapag-settle na silang lahat.

"May sasabihin nga pala ako, Miss An."

Napatingin ako kay John na diretso lang ang tingin sa kalye. "Ano naman iyan, John?"

"Naalala niyo po ba ang sinabi ko sa inyo tungkol sa anak ko na papalit sa akin bilang assistant niyo?"

Nalungkot ako bigla. Matanda na si John at kailangan na niya ng kapalit, at ang tanging papalit lang sa kaniya ay ang anak niya dahil naituro na niya rito ang mga gagawin. Hindi ako sanay na hindi siya makita. Siya ang sumusundo sa akin, naghahatid, gumigising sa umaga kapag may pasok at nagagawa niya ang lahat ng inuutos ko.

"Hmm, naaalala ko nga."

"Bukas ay ipakikilala ko na siya sa inyo. Siya na ang papalit sa akin sa lahat ng bagay na ginagawa ko sa inyo. Huwag ho kayong mag-alala dahil hindi naman ako aalis ng mansyon."

"Ayos lang, John. Ilang taon na nga ulit ang anak mo, John?"

"24 na siya noong nakaraang linggo."

Hindi na ako nagsalita dahil huminto na ang sasakyan. Ang mga kasama ko ay napakatahimik pa rin.

"Alright! Let's go na."

Hindi pala.

Bumaba na rin ako ng sasakyan pagkabukas ng pinto. "Nagpaluto ako ng pancit dahil iyon ang gustong kainin ng bunganga ko, pero kung may iba kayong gusto, pakisabi na lang kay John." Naglalakad kami papasok sa bahay habang nagsasalita ako.

Kaniya-kaniya na sila ng upo sa couch na nasa sala. Nag-utos na agad ako ng maid na ihanda ang makakain saka ako humiga sa sofa.

"Akala ko magsusuntukan na sina Sir Perez kanina." Panimula ko.

"Hindi naman magagawa ni Sir Perez iyon, sobrang maginoo ang teacher na iyon." Ani Gracie.

"Anong maginoo, tinapon niya nga iyong tsokolate na binigay sa kaniya ni Ma'am Fatima."

"Baka ayaw niya lang sa chocolate." Sagot naman ni Andrei.

Umupo ako saka ko hinubad ang blazer na nakapatong sa iniporme namin.

"Andres,"

Napalingon ako kay Gracie.

"Anong totoo mong pangalan?"

Napangiti tuloy ako. Tinanong niya na naman iyan. "Andrea Caezaar Laevii," sagot ko sa kaniya. Napanganga naman silang lahat na tila ba namangha.

"Eh, bakit Andres Domingo ang ginagamit mo? Paano iyan kapag nakapagtapos tayo ng pag-aaral at gamit mo ang ibang pangalan, paano iyon?"

"Ang talino mo Gracie," bigkas ko. "Tuwing summer ay nag-aaral pa rin ako gamit ang tunay kong pangalan. At college na ako," sabay silang lahat na nanlaki ang mga mata dahil doon. "Nakakatawa dahil dalawang katauhan ang kailangan kong suutin para lang maprotektahan ang sarili ko."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Masyado kayong mainit sa akin, magpalamig muna kayo." Sakto naman na hinain ng maid ang mga juice sa center table.

Related chapters

  • HOME VISIT   Chapter Four

    "I can not drive you to school today,"I stopped for a moment. "Why?"Nilingon niya ako saka siya sumenyas sa likuran ko, "siya na ang makakasama mo simula ngayon."May kunot sa noo ko na nilingon ang tinuturo niya. Parang isang computer na nagloading ang utak ko nang makita ko ang anak na kinukwento niya sa akin."What? Ikaw?"Naunahan pa niya akong mag-react. Napahalukipkip ako at muling lumingon kay John. "Siya ang sinasabi mo sa akin?""Magkakilala na pala kayo, siya si Cosmo. Cosmo, siya ang lagi mong babantayan simula ngayon, si Andrea." Pagpapakilala niya sa aming dalawa.Wala namang nagsalita sa amin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kailan lang ay nagkaroon kami ng pag-uusap ng lalaki na iyan. Hindi ko alam kung totoo ba na gusto niya akong ligawan o isang kalokohan iyon.Pero, kahit ano pa man, hindi ko balak na maging katipan ang tulad niya. Mas uunahin ko ang legacy ng pamilya ko."Kailangan ay maging komportable kayo sa isa't isa dahil magmula ngayon ay lagi na ka

    Last Updated : 2023-05-18
  • HOME VISIT   Chapter Five

    Nasa labas ako ng bahay at tulalang nakamasid sa mga bulaklak na nakadisplay malapit sa akin.“Your eyes are beautiful.”Hindi maalis sa utak ko yung sinabi ni Sir Perez sa akin. Alam ko naman na maganda ang mga mata ko pero hindi ko lang inaasahan na sasabihin niya iyon sa akin nang malapit pa ang mga mukha namin. Uunahan ko na ang sarili ko bago pa niya maisip, teacher siya at estudyante ako. There is always a huge difference between the two. There is a thousand miles gap between me and him.Malabo.Napakalabo.Humalukipkip ako at tinitigan ang isang bulaklak na walang kaparehong bulaklak. Mag-isa lang siya at napapaligiran pa ng mga naglalakihang bulaklak sa paligid niya. Sinadya ba ni John na isang piraso ang ilagay diyan?“Pinalabas sa akin ni Papa iyang mga iyan.”Umupo sa isang upuang bakal si Cosmo at nilapag ang hawak niyang tray na may lamang donuts. Napangiti ako bigla dahil paborito ko ang choco butternut.“Uy," aniko.“Nasabi kasi sa akin ni Papa na paborito mo ang mga g

    Last Updated : 2023-05-19
  • HOME VISIT   Chapter Six

    Hindi pa man ako nakakalapit sa classroom namin ay rinig ko na nga ang ingay sa loob. Ngayon lang nangyari ang ganito.“Nakakakilig naman!”Isa iyon sa mga sinasabi nila at tinitili nila. Napapailing ako nang pasukin ko ang kuwarto at makita silang nagkukumpulan di-kalayuan sa upuan ko, o baka sa upuan ko nga mismo?“Sana pati ako makaranas nang ganiyan.”“Ang swerte naman ni Andres at may secret admirer siya.”Huh?! What the heck are they talking about? Secret admirer? “Uy, andiyan na si Andres.”Tinignan ko sila nang masama dahil hindi ko gusto ang lapit nila sa lugar ko. Nang medyo lumayo na sila sa desk ko ay mabilis na lumapit ako para malaman kung ano ang pinagkakaguluhan nila roon.Nakunot ang noo ko bigla. Isang pulang rosas na nakapasok ang tangkay sa isang DIY bracelet. Kinuha ko iyon para makita ko pa nang malapitan habang ang mga kaklase ko ay di na mapigilan ang tilian. Isampal ko sa kanila ito, e.“Kanino galing ito?” Tanong ko pero walang sumagot. Nagkatinginan pa sila

    Last Updated : 2023-05-20
  • HOME VISIT   Chapter Seven

    “Oh, yeah?”Ang arte ng boses ng babaeng ito. Siya raw ang transferee na tinutukoy nila. Wala naman akong pakialam sa kaniya pero ang ingay niya lang. Wala pa kaming teacher, siguro nagkaroon ng unexpected meeting.“Thank you. Actually, my dad bought this in The United States and sabi niya that hindi niya need ang phone na ito. Mura lang naman ito.”Naramdaman ko ang biglaang pagtabi sa akin nina Andrei, Adrian at Edzell. Sa madaling salita, yung fantastic three. “Ayoko sa kaniya, Andres.” Bulong sa akin ni Adrian.“Tinanong mo na ba siya kung gusto ka niya?” Tanong ko naman sa kaniya.“Grabe ka naman,”“Nung nakaraan, bago-bago pa siya rito, pero habang tumatagal, nag-iiba na ang ugali niya.” Si Andrei iyon.Tinigil ko ang pagguhit ko sa yellow pad saka ko naman tinignan ang pinag-uusapan nila. Hmm, maganda siya. Matangkad pa sa akin kung susumahin. At sobrang puti. Malalaman mong mayaman talaga siya dahil sa porma niya. Maayos na pananamit, mga alahas sa katawan at pabangong ginagam

    Last Updated : 2023-05-20
  • HOME VISIT   Chapter Eight

    “Sorry, I’m late.”Hindi ko alam kung anong engkanto ang sumapi sa akin pero kusang nahulog ang hawak kong lapis nang marinig ko ang di-pamilyar na tinig na iyon. Malamig at hindi makikitaan ng emosyon ang boses niya.Napalingon ako sa pinto kung saan siya nakatayo at naghihintay ng permiso ni Sir para makapasok sa kuwarto.“Okay lang. Sa susunod, be on time.” Sagot ni Sir Perez nang hindi man lang nililingon ang estudyanteng ngayon ko lang nakita.As in, ngayon ko lang siya nakita. Hindi ko alam kung kailan ko siya naging kaklase. Gano’n na ba karami ang absents ko?Sinara ko ang nakaawang kong bibig nang bigla ay magsalubong ang tingin namin ni Sir. Baka ipahiya niya pa ako sa klase. Well, lagi naman akong napapahiya. No wonder why Andres Domingo is very famous.Habang naglalakad ang lalaking ito papunta sa puwesto niya ay pinagmamasdan ko siya. Sa kaniya lang nakatutok ang mga mata ko hanggang sa makaupo na siya.Nakita ko ang mga mata niya. Diretso lang ang tingin at walang makiki

    Last Updated : 2023-05-20
  • HOME VISIT   Chapter Nine

    “Nag-absent ka na naman, Miss Domingo. Sa araw pa ng announcement ng mga nanalo sa contest na sinalihan mo.”Sinalihan daw? Hindi naman ako sumali nang kusa roon, pinilit lang ako.“Sorry, Sir.” Yun lang naman ang masasabi ko. Medyo pagod ako ngayon at pakiramdam ko ay ang bigat ng balikat ko.Nakakaramdam din ako ng antok. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang mga ito pero sana makarating muna ako sa bahay bago may mangyari sa akin.“Ayos lang. Actually, ako na ang tumanggap ng parangal na dapat para sa iyo dahil absent ka naman.”Parangal? Ano namang parangal ang natanggap ko? Most Shivering Contestant? Puwede na rin para sa isang baguhang katulad ko.“Hindi mo ba itatanong kung anong napanalunan mo?” Tanong pa sa akin ni Sir. Bahagya niya akong nilapitan at tinignan.“Eh, ano ba?” Napilitan pa akong itanong iyon sa kaniya kahit tinatamad akong magsalita. Hindi ko na malaman kung bakit ba ganito ako ngayon.Kinuha naman niya sa desk niya ang isang papel at maliit na white env

    Last Updated : 2023-05-20
  • HOME VISIT   Chapter Ten

    Late akong nakatulog kagabi dahil masyado kong inisip ang pag-uusap namin ni Mr. Magallanes about sa proposal niya. Tulala tuloy ako ngayon at sa labas ng bintana nakamasid.Parang tama nga si John. Kailangan ko ng makakasama sa buhay para na rin matulungan akong maiangat muli ang pangalan namin. Pero hindi ako dapat magtiwala nang agaran, natatakot ako."Before we start, I would like to thank Miss Chelsea Duncan for winning the On-the-spot Writing Contest yesterday."Narinig ko naman silang nagpalakpakan pagkasabi niyon ni Sir Perez."You won the second."Akala ko naman winner na talaga, sayang. Ano naman kaya ang sinulat niya at ganoon ang naging resulta?"Actually, kailangan mong lumaban uli, Miss Duncan.""Why, Sir?""You have to break the tie. Kung hindi ka lalaban, talo tayo."I took a nap, but my eyes are still open. Medyo nag-aalala lang ako kay Adrian. He's absent for a week now. Absent rin ngayon si Andrei. Ano kaya ang problema?“Bakit naman ang tahimik mo?”Napatingin tul

    Last Updated : 2023-05-20
  • HOME VISIT   Chapter Eleven

    “Where’s Chelsea?”Yun agad ang bungad sa amin ni Sir dahil si Chelsea ang representative ng section namin para sa creative writing.“Hindi siya puwedeng hindi pumasok ngayon, paano ang laban niya ngayon?” Binagsak niya ang salamin niya sa mata para ipatong sa desk niya."Sir, hindi raw siya makakapasok.""Why?""Out ot town," sagot ng kaklase namin."Naisipan niyang mag out of town kahit alam niyang kailangaan niyaang pumasok ngayon? Bakit ba ganiyan ang mga kabataan ngayon?"Ilang oras lang din ang tinagal ng unang mga klase bago magsimula ang break time. Sabay pa rin kami sa pagpasok sa canteen at nakita ko na naman si William na walang kasama.Gusto ko siyang makausap para hindi na siya laging mag-isa sa buhay niya. Parang ang lungkot ng buhay niya dahil lagi siyang mag-isa. Is there any reason for him to be like that?Nang makaupo na sila ay tinignan ko sila. Si Edzell lang ang kasama ko ngayon.Nagpaalam ako kay Edzell na lalapitan ko lang si William para makausap. Gusto ko ring

    Last Updated : 2023-05-20

Latest chapter

  • HOME VISIT   Chapter 50 - Final Chapter

    I turned off the radio inside my car before I went out. Pinagpagan ko ang suot kong uniform. Katatapos lang ng klase ko at dito ako dumiretso sa bahay nila Andrea. Siya ang gusto kong makita bago ako umuwi. Babalik din naman ako bukas nang maaga. Kahit pa isipin pa niyang napapadalas na ang pagbisita ko ay wala na akong pakialam. Gusto ko siyang nakikita.Tinuro lang sa akin ni uncle kung saan ko makikita si Andrea. Pumasok ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako hanggang sa makarating ako sa dining area. May daanan dito papunta sa movie room. Naroon daw siya at nagpapalipas ng oras. Nakita ko nga siya. Nakaupo siya sa isang upuan at gumuguhit sa sketchpad.She looks so perfect with those thin fabric of clothes she's wearing. Her legs are so fine.Tahimik akong naglakad at nilapitan siya. Hindi niya ako nilingon pero alam kong alam niyang nandito ako. Nagpatuloy lang siya sa pagguguhit niya."Sir… home visit pa ba ang ginagawa niyo o nanliligaw na kayo?"She didn't even looked at me.Hind

  • HOME VISIT   Chapter 49

    Ang daming nangyari. Hindi ko kinaya ang mga nangyari. Parang sasabog ang utak ko.Pinatawad ni papa si uncle kahit alam niyang ito ang dahilan ng paghihirap niya na umabot ng twelve years. Ako, kahit kailan ay hindi ko siya mapapatawad.Masakit pa rin sa akin ang nalaman ko. He tried to kill my father. That's worse than learning the truth that he's also the one who killed his son! I can't take this anymore. Pinatawad ni papa ang tao na iyon dahil iyon daw ang mabuti niyang gagawin kaysa ang galitin ang isang John Laevii. Bakit? Natatakot ba siya sa tao na iyon? He must not be scared.Ilang buwan na ang nakararaan pero hindi ko pa rin matanggap iyon. Sa tuwing nakikita ko siya ay umiiwas na lang ako. I don't want to talk to him baka masuntok ko siya sa mukha niya.Araw-araw ay bumibisita ako kay Andrea, kaya araw-araw ay nakikita ko ang pagmumukha niya. Oo, mabait siyang lolo para kay Andrea. Maganda ang naging buhay niya dahil sa kaniya kahit alam niyang hindi naman niya kadugo si

  • HOME VISIT   Chapter 48

    Tumakbo ako nang mabilis papunta sa kuwarto ni papa. Tumawag sa akin ang doktor niya. He's awake. Gising na siya! After twelve years nang paghihintay ay makikita ko na ulit ang papa ko.Halos maubusan ako nang hininga nang marating ko ang kwarto niya. Malayo din kasi ang ospital na ito sa ospital kung nasaan ngayon si Andrea.I saw him. Kinakausap siya ng doktor. Dahan-dahan akong pumasok. Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang isang panaginip. He's awake."Papa," I mumbled. He looked at me. Ngumiti siya kaya agad ko siyang nilapitan para yakapin! I missed him so much. Nagpaalam ang doktor na iiwanan muna kaming dalawa bago ito lumabas sa kuwarto. Kumalas ako sa yakap ko kay papa. Hindi ako makapagsalita dahil napapahikbi ako. Humawak siya sa balikat ko. "Okay na ang lahat. Maayos na ako. Kailangan ko pang bumalik sa trabaho."Napangiti ako sa sinabi niya. Nang maaksidente siya ay nasa trabaho siya. Akala niya ba ay gano'n lang ang nangyari sa kaniya? Hindi niya pa yata alam ang nang

  • HOME VISIT   Chapter 47

    Severe head injury. That's what the doctor have said she suffered. She's still unconscious and it can take months for her recovery. They couldn't say whether when she will be able to gain consciousness. It feels like years waiting.No one can say what and how this happened to her. Slowly, walking back and forth infront of her room. Maybe, she'll wake up soon. I'll just wait here.I can't bear to see her with the ventilator on her and a bandage wrapped around her head. It's been two weeks. She's in comatose.I flinched, bumukas ang pinto. It's uncle. His face is sad and seems like he's just finished his cries. "It's done""What did they say?"Uncle sat down and gave me the fiercest look he could ever give. "I warned her already about this. Now, look what happened. The Duncan tried to kill her! That bullshit kid."Parang umakyat ang dugo ko sa ulo ko. I can feel something inside me that urge me to get Chelsea's ass in here. Hindi siya nagdalawang-isip na gawin ito kay Andrea. Ano bang

  • HOME VISIT   Chapter 46 - Masquerade II

    He didn't eat. Ayaw niya raw tanggalin ang maskara niya para makasama niya ako. Kapag inalis niya iyon at nakita nila na siya si sir Perez, baka magtaka lang sila. Hindi ganoon karami ang kinain ko. Gabi na ngayon at hindi ako pwedeng kumain nang marami. Habang kumakain ay umiikot ang tingin ko sa mga dumalo ng ball. I immediately saw Chelsea. Siya pala ang nakasuot ng pink na gown kanina. I can see her gown is so expensive. It's made from silk and it suits her very well.Nagtagal ng halos kalahating oras ang dinner bago kami naglinis ng mga mukha at kamay. Sinamahan pa ako ni Andrew papunta sa washroom. Napansin niya yatang nabibigatan ako sa suot ko.Naiwan lang sa table si Edzell dahil kumakain pa rin siya. Mukhang wala yata siyang balak na matapos. Napakatakaw niya pero hindi naman tumataba.Hindi rin nagtagal ay nagsimula na namang may magsalita sa stage. Dalawang lalaki at isang babae ang nakatayo roon. Nakasuot rin sila ng mga masks. Ito na yata ang tinutukoy kanina ni presiden

  • HOME VISIT   Chapter 45 - Masquerade

    Malamig na simoy ng hangin ang bumalot sa balat ko nang makalabas ako sa kotse. As usual, ipinarada ko iyon sa malayo-layong lugar. Iilan sa mga estudyante ang nakikita kong pumapasok sa main gate ng school, nakasuot ng mga magagarang gown.A Medieval retro blue gown made out of Vicuña Wool with hood. It has a bell sleeve that is made from silk so it doesn't itch my skin, it's a long sleeve that is fitted around the shoulder and upper arm and flares out to the wrist, like a bell.This gown has so many layers inside. Such as the petticoat that helps to hold the skirt of my gown. Layers also help the gown to have a bold volume and to compliment my body shape. A ruffle at the bottom of my gown and a plain blue corset as a stomacher.There's also a seperate ruffles that parted in two and seems like an upside down letter v on my waist down to the bottom of my gown. It's shining. I think it has crystals or something that would make it shine.My make up is light. I don't need a heavy duty mak

  • HOME VISIT   Chapter 44 - Ready for Masquerade Ball

    Nakatutok ang mga mata ko sa ginagawa ni sir Ryan habang iniikot niya ang mga wire na hawak niya. Seryoso kaming lahat na mga estudyante niya na sinusundan ang bawat galaw niya sa hawak na wire. Pinakikita niya ulit ang tamang pagkonekta sa dalawang wire para hindi masunog o ma-short ang kuryente."Pag nagdikit ang mga wire, kaboom. Kapag overload, kaboom. Kapag loose ang wires, kaboom. Lagi niyong titingnan kung walang wire na nakawala."Ganiyan siya magturo. Actual niyang pinakikita sa amin ang dapat naming gawin, ginawa pa niyang example ang nangyari sa akin kapag nagkamali kami. Ang nangyari kase noon ay nag-overheat ang ilaw tapos pinitik ko pa kaya ganoon ang naging reaksyon."Kung ang wire ay nasa loob ng pader tapos nagkaroon ng short circuit, magsasanhi pa rin iyon ng sunog kaya huwag kayo pakampante."Nagsitanguan kaming lahat sa sinabi niya."Sa Sabado aayusin natin ang kuryente sa library. Madali lang naman iyon, so kahit dalawa lang ang sumama sa akin."Malaki din ang tul

  • HOME VISIT   Chapter 43

    Seeing those high class people scared me alone. They're talking about their lives while I'm here standing on a high table watching them. Meron sa iba na kinakawayan ako at lumalapit sa akin para magpakilala kaya kanina pa nakasimangot sa tabi ko si Andrew. Wala naman siyang magawa dahil kailangan ko rin namang makilala ang parte ng negosyo namin.Nakita ko sa di kalayuan si John. Naglalakad siya papunta sa amin. May hawak siyang wineglass. "Andrea," he say my name.Nababagot na ako sa gabing ito. Ano na ring oras at kailangan ko nang umuwi lalo na si Andrew. Alam kong busy siyang tao."Uuwi na ba tayo?" I asked.Umiling siya at tinuro ang grupo ng mga kalalakihan na nag-uusap-usap. Malalakas din aang nagiging tawanan nila. Mukhang maganda ang paksa ng pinag-uusapan nila."Those men wants to meet you. Sinabi kong may apo ako na napakatalino at siya ang magmamana nitong lahat once you'ready.""John! Why did you say that? Nakakahiya." Bulong ko sa kaniya habang napapatingin sa mga lalakin

  • HOME VISIT   Chapter 42

    Hindi ko magawang tumingin sa harap ng klase kung saan naroon si Andrew. Parang wala lang sa kaniya na hinalikan niya ako! Conservative akong tao kaya big deal sa akin iyon. We agreed that there's no kissing between us. No touching and no kissing! Ginagalit niya ako.Sa buong klase niya, mula kanina hanggang ngayon ay nakayuko lang ako. Hindi ako titingin sa kaniya. Para saan? Para maalala lang kung paano niya ako hinalikan. Hays!"Before I leave, ipaalala ko lang sa inyo 'yung about the masquerade ball, it will be held before Christmas. The nineteenth of December. Don't worry, may ibibigay kaming parang invitation card. Nakalagay roon ang date, time and other informations you all need to remember."Kumunot lang ang noo ko. Okay, sir, leave now. Mas makakahinga ako nang maayos kapag hindi ko na narinig ang boses mo. Your voice are sending chills through my spine.Nahihiya ako. Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya. Ako pa talaga ang nahiya sa amin. Siya ang humalik! Di ba dapat siya

DMCA.com Protection Status