“How was it, Doc?” Mhia asked Dra. Francisco, her gynecologist. She had a regular checkup and ultrasound every month. Iyon ay para ma-monitor ang ovary niya.“Still the same, but I saw another tiny cyst on this part.” Itinuro nito sa monitor ang sinasabi. Sinundan naman niya iyon ng tingin.“Is it bad?”Umiling ito. “Hindi naman.” Humarap ito sa kaniya at ngumiti. “Sa kagaya mo na hindi naman nadadagdagan ang timbang, palagay ko, mawawala rin agad ito. Basta, maintain mo lang ang regular diet mo at gaya ng dati, don’t forget to take your medicines. Are you planning already?” nakangiti pa ring tanong nito habang pinupunasan ng tissue ang tiyan niyang nilagyan ng gelly.Sandali siyang natigilan kasabay ng pamumula ng mukha. Napatakip naman sa kaniyang bibig ang doktora.“Oh! Mali ba ako ng iniisip? Wala pa ba kayong plano ni Cendrick?”Umiling siya. Alam nito ang tungkol kay Cendrick dahil tinanong nito minsan kung may boyfriend siya. Nasabi niya rin dito na madalas nilang pinagtataluna
Hindi pa man bumaba sa sasakyan ay agad siyang siniil ni Skyler ng nagbabagang halik.They end up on his house at Green Sky Village. May kadiliman na rin ang paligid nang sapitin nila iyon.“I want you now,” anito sa pagitan ng paghalik sa kaniya.Bumaba ang mga labi nito sa may leeg niya, habang parang may sariling mga isip ang kamay nito na madaling itinaas ang suot niyang damit. Walang kahirap-hirap na nahubad nito iyon kasunod ng kaniyang bra.Agad na inukupa ng maiinit nitong mga labi ang tuktok ng kaniyang dibdib, habang ang isa ay marahan nitong pinipisil. Napaarko ang katawan niya sa sensasyong dulot niyon.“B-baka may makakita sa atin dito,” aniyang pilit pa ring pinagagana ang katinuan ng isip.“Silly,” anito at bahagyang iniangat ang ulo upang tingnan siya sa mga mata. “Who would dare to step into my property? Wala rin akong kasama rito, remember?”Oo nga pala. Nakalimutan niya ang bagay na iyon.Nang hindi siya tumugon, muli nitong sinalakay ang naninigas niyang n*pples. K
“By the way, why didn’t you tell me?” tanoong ni Mhia habang inihahanda ni Skyler ang mga ipinabili nitong pagkain sa sekretarya kaniya. Halos mapuno na ang isa pang lamesa nito na nasa isang gilid, habang may dalawang kulay itim na sofa sa magkabilang tabi. Skyler’s office was too simple, yet it screamed so much luxury. Dahil lahat ng mga gamit doon ay mamahalin. From his carpeted floor to his plain gray walls, and mini chandelier on the ceiling— lahat sumisigaw sa kayaman. Kahit nga ang simpleng steel cabinet frames na kulay itim na may nakapatong na mga libro at dalawang flower vases na kulay puti, ay alam niyang mahal din ang pagkakabili.Malawak iyon dahil ito lang naman ang umuokupa sa buong palapag na. May sarili itong lobby sa labas ng opisina, bago pa marating ang table ng sekretarya nito. Kung hindi siya nagkakamali, may entertainment room din ito roon at mini gym. Baka nga may sarili rin itong silid doon na hindi niya lang nakita bago pumasok sa office nito.Kanina, nang s
“Ay, talong!” Napaigtad si Mhia nang mula sa kaniyang likuran ay may humalik sa kaniyang pisngi. Abala siya sa pagsasaayos ng mga bulaklak sa venue na pagdadausan ng annual thanksgiving party ng kompanya ni Skyler. Doon din iyon mismo sa building na pagmamay-ari nito. Sadyang naglaan ang lalaki ng isang palapag para sa mga ganoong pagtitipon. A typical traits of a businessman. Less hassle, less gastos.Nilingon niya ang ngingisi-ngising si Skyler. “What are you doing?” asik niya rito. Nilingon niya ang mga kasama roon na nakatingin na sa kanila.Ginaya siya ng lalaki. “Don’t mind them,” anito saka siya hinarap. “It’s not that. Nasa trabaho tayo at sa ngayon, kliyente kita. Ayokong mahaluan ng iba ang ginagawa ko.” Tinalikuran niya ito at tiningnan ang hawak na bulaklak na ilalagay sa makeshift stage. Sinisiguro niyang tama lang ang pagkakaayos niyon.Napalingon siya rito nang maramdaman ang kamay nito sa may beywang niya. Hinila siya nito palapit. “Client or not, you are my woman. M
“F*ck!”Napatigil si Mhia sa paglalakad palabas ng kaniyang bahay. Alanganing tiningnan niya ang sarili dahil hindi maalis-alis ni Skyler ang mga mata roon mula pa noong lumabas siya sa pintuan.May mali ba sa suot niya? Pero ang sabi naman ng lalaki dapat naka-formal attire, at formal naman ang suot niya.Last night, bago siya inihatid ni Skyler, sinabi nito sa kaniya na siya ang isasama nito sa thanksgiving party bilang date. Mabilis naman siyang umoo. Ngayong malinaw na ang relasyon nila, nararapat lang naman na gampanan niya ang kaniyang tungkulin bilang girlfriend nito.She was wearing a sequined black ball gown. Off shoulder iyon na nagpahantad sa makikinis niyang mga balikat at leeg, at may malaking uka sa bandang tiyan, showing some of her silky smooth skin there. She wore a pair of lace gloves na hanggang punong braso ang haba. Katerno sadya iyon ng damit na suot na niya.Mataas ang itim na heels na suot niya, habang hawak niya sa isang kamay ang kulay kremang purse. Naka-Fre
Pagbaba nilang dalawa sa nineteenth floor, halos naroon na ang lahat ng bisita at mga empleyado ng lalaki, at sila na lang ang hinihintay.Lahat ng mga mata ay napatutok nang lumabas sila sa private elevator nito. Mahigpit na nakakawit ang braso niya rito, na marahan naman nitong tinatapik.Nang igala niya ang mga mata, karamihan sa mga naroon ay pananaghili ang nakalarawan sa mukha— lalo na ang mga kababaihan. They were jealous of her. Ang iba nga kulang na lang ay balatan siya ng buhay sa klase ng pagtitig na ginagawa ng mga ito sa kaniya.Alanganin siyang umagapay kay Skyler. She could still feel on her waist his loose underwear. Nag-aalala siyang baka bigla na lang iyong mahubad paglakad niya.“Relax. . .” bulong ni Skyler sa tenga niya.“How can I if I am wearing your boxer!” inis na ganting bulong niya rito.Amused na tiningnan siya nito. Alam niyang gustong-gusto na nitong matawa, pinipigilan lang ang sarili.“Hijo!”Natigil sila sa paglalakad nang makitang palapit ang isang ma
“What is this place?” takang tanong ni Mhia kay Skyler. Hindi na rin nila tinapos ang party. Ipinaubaya na ng lalaki sa mga executive nito ang pamamahala roon.“Just my simple hideout,” anito habang niluluwagan ang suot na necktie, pagkuwa’y isa-isang inalis sa pagkakabutones ang suot na long sleeves.Napalunok siya. Agad siyang nag-iwas ng mga mata rito at pinagmasdan ang kinaroroonan nila.Hindi naman sila lumabas ng gusaling pagmamay-ari nito. Naroon pa rin sila, nga lang, iba ang bumungad sa kaniya nang bumukas ang elevator kanina.Sigurado siyang nasa twentieth floor sila, sa mismong silid nito roon. Dahil noong lagpasan nila kanina ang isang tinted glasswall ay tumambad na sa kaniyang mga mata ang isang malaking silid— kung silid nga bang matatawag iyon, dahil para lang naman iyong isang malaking open space na may kama sa gitna, isang sofa sa gilid at kulay gray na lamesang marmol.Subalit, ang mas nakatawag ng kaniyang pansin ay ang isang jacuzzi na walang kahit anong partition
Maagang nag-ayos si Mhia ng isang basket ng daisies. Dadalhin niya iyon sa kaibigan. Matagal na niya itong hindi nadadalaw at naisip niyang baka magtampo na ito sa kaniya.“Ngayon ba iyon, Ma’am?” tanong ni Rexie sa kaniya.Tumango siya. “Yes.” Naroon pa rin sa bulaklak ang kaniyang pansin. She’s making that to make it’s totally perfect.“Daisy po talaga ang poborito niya?”Muli siyang tumango. “Iyon talaga ang paborito niya noon pa man.”“Nga po pala, tumawag ang secretary ni Mr. dela Merced dito kanina. Nag-order po ulit siya ng white roses. Hindi na nga lang kagaya nang dati na isangdaang piraso. Dalawang piraso na lang po iyon ngayon.”Sandali siyang nag-isip bago ito nilingon. “It’s for his wife,” aniya.Nagulat naman ito. “Wife po?”Ngumiti siya. “His deceased wife,” paglilinaw niya.“Ah. . .” Tumango-tango ito. “Akala ko talagang my asawa pa siya.”Natawa siya. “Hindi ako papatol sa kaniya kung may asawa pa siya. Ayokong makasakit ng kapwa ko babae. Pinagdaanan ko na iyon.”“Ta
“Rexie, nai-ready na ba ang mga orders today para sa event ng Herrera-Antonio wedding?” tanong ni Mhia sa kaniyang manager-assistant.Nasa flower shop siya sa araw na iyon. Sa isang buwan, dalawang beses siyang pumupunta roon para mag-check.“Opo, Ma’am. Tapos na po namin iyon kanina pa.”“How about iyong para sa isang resto? Okay na rin ba?”Tumango ito. “Tapos na rin po,” mabilis nitong tugon.“Ganoon ba? Wala na bang ibang gagawin ngayon?”“Wala na po. Nagawa na po namin. Maghihintay na lang tayo ng delivery ng mga wala na nating bulaklak, pero mamaya pa iyong gabi.” Ngumiti ito sa kaniya.“Good.” Bumalik siya loob ng kaniyang opisina. Tiningnan niya ang oras, tamang-tama lang mamaya kasi ihahatid doon si Kaia ng ama nito. Sabay na silang uuwi ng San Marcelino.Sa paglipas ng mga araw, napapansin niya ang mabilis na pagbabago ni Kaia. Hindi na ito masyadong bulol at matatas na rin itong magsalita. May pagkamausisa ito na kung minsan ay siya na mismo ang sumusuko sa dami nitong tano
Napabalikwas ng bangon si Mhia nang makarinig ng kaluskos mula sa may bintana. Hindi siya makatulog dahil naririnig niyang umiiyak na si Noah sa kabilang silid. Hinahanap na nito si Skyler. Panay naman ang pagpapakalma ni Samuel dito. Alam niyang, alam ng bata ang mangyayari sa kapatid kapag hindi ito tumahan.Hindi niya alam kung nasaan si Adreianne. Mukhang wala roon ang babae, base na rin sa naririnig niyang usapan ng magkapatid.Tumayo siya at naglakad patungo sa bintana. May nakita siyang puting papel na nakaipit doon. Pilit niya iyong inabot. Nang makuha ay madali niya iyong binasa.ESCAPE.Iyon lang ang nakalagay doon.Lumipad ang mga mata niya sa natutulog na anak. Mabilis siyang lumapit dito at binuhat. Pinakinggan niya ang dalawang bata sa kabilang silid. Tahimik doon.She thinks. Pagkuwa’y mas idinikit ang ulo roon. “Samuel! Noah!” paanas niyang tawag sa dalawa.Walang tugon kaya inulit niya ang pagtawag. Narinig niyang may gumalaw. May maliliit na yabag na lumapit sa kinat
“Er-Er, may balita na ba?” namamaos ang tinig na iyon ni Lola Gloria habang kausap niya ito sa telepono.Isang buong araw ng nawawala sina Mhia at Kaia. At hindi pa rin nila alam kung sino ang dumukot sa mga ito.Sinabi niya agad ang bagay na iyon kina Lola Gloria dahil alam niyang mag-aalala ito nang husto. Isa pa, inalam niya rin kung may napansin itong umaali-aligid sa flower farm o di kaya ay kung may nakaaway si Mhia. Pero alam nilang lahat na imposible iyong mangyari dahil mabuting tao si Mhia.Huminga siya nang malalim. Kahit siya ay sobrang nasasaktan sa mga nangyayaring iyon.“I’m sorry, Lola, pero wala pa rin ho. But I will do my best to find them. I’ll make sure I’ll do. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila.”“Please do that. At tawagan mo ako kaagad kapag nakita mo na sila. Baka hindi ko kayanin kapag may nangyaring masama sa mga apo,” nakikiusap na wika nito.“Ako rin, Lola. Ako rin. . .”Pagkatapos niyang magpaalam dito ay tinawa
“Sir, may naghihintay po sa inyo sa loob,” ani Thelma pagdating niya sa opisina.Napakunot ang noo niya. Tiningnan niya ang suot na wristwatch. “At this hour?” Alas-diyes na kasi ng gabi.Kagagaling niya lang sa conference room. May meeting siya kanina sa board at nahuli lang siya nang kaunti kay Thelma. May ipinaasikaso pa siya rito, samantalang naipit naman siyang makipagkwentuhan kay Uncle Tom niya. Kinukumusta nito ang twins. Dadalaw raw ito sa isang araw sa kaniyang bahay.“Yes, Sir. . .” Halatang aligaga ito base sa itsura nito.“What is it? At saka, bakit hindi ka pa umuuwi? Hindi ba sabi ko sa iyo umuwi ka na pagkatapos mong gawin ang ipinagagawa ko?”Napakamot ito sa noo. “Eh, kasi, Si—”“God, hijo! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin tinatawagan hindi mo naman sinasagot ang cell phone mo.”Mas lalong dumami ang gatla sa noo niya nang bumukas ang kaniyang opisina at iluwa noon ang hindi niya inaasahang bisita. Napatingin siya kay Thelma.Mabilis itong nagyuko ng ulo. “S-
“Mama, danda dito,” ani Kaia habang nakaupo sa swivel chair niya sa loob ng kaniyang opisina sa flower shop. Pakuya-kuyakoy ang mga paa nito habang tila ito ang boss na may hawak pang papel at ballpen na kunwari ay binabasa nito.Isinama niya si Kaia sa opisina dahil may checkup si Auntie Pillar niya kasama ang kaniyang Lola Gloria. Hindi naman niya ito pwedeng iwanan sa kaniyang Auntie Fe dahil maraming gagawin sa flower farm.Napangiti siya sa sinabi ng anak. “Soon, this will be yours,” aniya.“Lelly, Mama?!” Namilog ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya. Nakaupo siya sa upuang nasa harap ng kaniyang lamesa.Sunod-sunod siyang tumango. “Yes. Kaya dapat mag-aaral kang mabuti.”“I will, Mama. Pelo, di pa po alal ako. Tagal pa. Inip ako,” reklamo nito sabay nguso.Tuluyan na siyang natawa. “Huwag dapat mainip si Kaia. Kasi kapag pumasok ka na, hindi mo na ako laging makakasama. Ma-m-miss kita palagi.” Naglungkot-lungkutan pa siya.“Don’t wolly, Mama, miss din po kita. Pelo, Kaia wi
Habang tumatagal, napapalagay na rin ang loob ni Noah kay Skyler. Madalang na rin nitong hanapin si Ismhael, samantalang mas lalo pang lumalalim ang samahan nito at ni Samuel.Nang bigyan ito ng mga doctor ng clearance pauwi, hindi na siya nagdalawang-isip pa na sa kanila dalhin si Noah. Doon naman talaga ito nararapat tumira.“Wow, Samuel! Your house is really big. Totoo ang sinabi mo!” bulalas nito kasabay ng panlalaki ng mga mata habang iginagala ang mga iyon sa kabuuan ng kanilang bahay.“I told you; this will be your home from now on,” aniya habang nakaalalay sa tabi nito.“Daddy is right. You will now be living with us,” segunda ni Samuel na hindi binibitawan ang kamay ni Noah.“Really, Mommy?” Nilingon nito si Adreianne na nasa isang tabi.“Yes, honey. Magkakasama na tayong titira dito.” At pagkasabi niyon ay lumingon ito sa kaniya.Hindi siya sumagot. Sa ngayon, wala pa siyang magagawa sa sitwasyon nila. Dinidinig na ang annulment nila, at kapag natapos iyon, tapos na rin ang
Ilang araw ng hindi na halos umuuwi sa kanilang bahay si Skyler. Sinigurado niyang naroon siya lagi sa tabi ni Noah kapag kailangan siya nito.Kinausap siya ni Adreianne. Hindi pa raw nito masabi sa anak nila na siya ang ama nito dahil ayaw raw nitong mabigla si Noah at baka mas lalo lang daw lumala ang sakit nito. At kahit labag sa loob niya ay pumayag naman siya sa kagustuhan ng babae. Subalit binigyan niya lang ito ng isang buwan para itama ang lahat.May asthma kasi si Noah at kapag na-e-excite o nabibigla ito ay na-tr-trigger iyon hanggang sa hindi na ito halos makahinga. Walang lunas ang sakit na iyon ayon sa mga doktor inirekomenda sa kaniya ni Brayden pero maaari naman daw makontrol. Kakailanganin nga lang daw talaga ng pag-inom ng gamot araw-araw at dapat laging may handang inhaler just in case na bigla itong atakihin. Ibinilin din ng mga doktor na hindi pwedeng sumali sa kahit na anong pangmalakasang sports si Noah. At marami pang iba na hindi naman niya kinalimutan.Nang ar
Skyler drove like a madman. Hindi niya alintana ang malalakas na busina ng mga commuter na nilalagpasan niya sa bilis ng kaniyang pagmamaneho. Iisa lang ang gusto niyang mangyari, ang mabilis na makarating sa ospital na kinaroroonan ng isa pa niyang anak.Akala niya away babae lang ang magaganap kanina nang sundan niya si Adreianne sa flower shop ni Mhia. Hindi niya alam na marami pala siyang matutuklasan. Para tuloy sasabog ang dibdib niya sa halo-halong emosyong nakapaloob doon. All this time, isang malaking lihim pala ang pilit na itinatago ni Adreianne sa kaniya. Hindi na niya kailangan pang alamin kung bakit madalas itong lumabas nitong mga nakaraang buwan. Dahil kung nasa ospital nga ang isa niyang anak, malamang ay roon nagpupunta ang babae.Ang hindi niya makayang tanggapin sa lahat ng ginawa nito ay ang hindi nito nakuhang pagkatiwalaan siya. Na mas ninais nitong ipaubaya ang kapakanan ng kaniyang sariling anak sa ibang lalaki. Ipinamukha nito sa kaniya na isa siyang walang k
Sabay silang napalingon ni Adreianne sa pinanggalingan ng tinig. At hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagkawala ng kulay sa mukha ng babaeng katabi.“S-Skyler. . .” Halos pabulong lang ang pagkakabigkas na iyon ni Adreianne sa pangalan ng asawa.Naniningkit ang mga mata ng lalaking lumapit sa kanila. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. You know me, Adreianne. Kaya kung ayaw mong mawala nang tuluyan sa buhay ng anak natin, magsabi ka ng totoo— ngayon din!” galit na bulyaw nito sa asawang hindi na malaman ang gagawin sa mga sandaling iyon.Kagat-labing nagyuko si Adreianne ng ulo. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsasalita.“Adreianne!” Pareho silang napapitlag nito sa lakas ng tinig na iyon ni Skyler. Kahit siya ay natatakot sa inilalabas na galit ng mga mata nito.“Skyler, calm down. . .” awat niya rito. Binalingan siya nito. “Tell me exactly what you saw. Sino ang sinasabi mong may sakit?” Bukod sa galit, mababanaag sa mga mata nito ang kalituhan.Nag