PARANG tanga na nakatanga siya kay Shawn na abala sa paghahain sa kan'ya ng umagahan. Simula kasi kagabi ay sinabi ng lalaki na pagsisilbihan siya nito at liligawan. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na ang isang Shawn Rios... manliligaw na niya.
Nahihiya siya sa mga nakaraan niya. Nahihiya siyang nalaman nito ang pangarap niya dati. Baka mamaya isipin nito na pera lang ang habol niya sa lalaki.
"Eat up!" napakurap siya nang mahinang kalampagin ni Shawn ang lamesa. Sabay silang natawa sa ginawa nito.
"T-thank you,"
Tinitigan siya ng lalaki saka naupo sa tapat niyang upuan.
"Nahihiya ka ba?" he grinned. Yesha looked away while Shawn laughed. "Nahihiya ka nga."
"No, hindi ah. Bakit ako ang mahihiya? Dapat ikaw. Bakit ako ba ang umamin sa 'yo?" anas niya na ikinatigil naman ng lalaki. Siya tuloy ang napangiti nang malawak. "nahihiya ka ba Shawn Rios?" balik asar niya sa lalaki. Akala niya mahihiya ito pero imbes na lumayo ay may in
MAAGANG gumising si Yesha dahil ngayon ang first day of the class niya. Excited siya na kinakabahan. After years, she's here again. Trying to pursue her dreams. She would do everything she could just to be a successful person someday despite of everything she'd faced."Are you excited?" Shawn asked her. She was busy cooking their breakfast. Alas d'yes pa naman ang pasok niya pero gusto niyang makapaghanda na. Para siyang bumalik sa pagkabata. Na-miss din tuloy niya ang mga panahong palagi siyang sinasamahan ng mama niya sa eskuwelahan kasi iyakin siya. "Sobra, pero kinakabahan ako. Major subject pa naman ang first day."Tinawanan lang siya ni Shawn kaya naman itinuon na lamang niya ang atensiyon sa pagluluto. Marami silang fronzen foods na binili kaya naman hindi na siya nagtaka na puro bacon, hotdog, at tocino ang umagahan nila. Well, she was the one who requested it all."Kaya mo 'yon. Unang araw pa lang naman. Hindi pa naman yata kayo papahirapan..." nakangis
"KINAKABAHAN ako." Napasimangot si Yesha nang tawanan siya ni Shawn. Hindi niya alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi niya. Para kasi itong mapupugutan ng hininga kakatawa."Nakakainis ka naman Shawn, e!" reklamo niya rito pero mas lalo lang itong tumawa. Kanina lang pinagtatalunan nila yung load, tapos ngayon ito na naman ang lalaki sa pang-aasar sa kan'ya. "Ubusin mo kasi muna 'yang laman ng bibig mo bago ka magreklamo hahahaha."Inirapan niya ito at wala sa sariling tinakpan ang bibig. Nawala sa isipan niya na kumakain pala siya ng donut. Hay naku! Hindi na talaga siya magtataka kung bigla siyang manaba dahil sa dami ng pinapakain sa kan'ya ni Shawn.Hindi pa nga siya natutunawan ay umu-order kaagad ito ng makakain niya. Sabi pa naman nila mananaba ka kapag nasa tamang tao ka na. Mukhang hindi pa siya nananaba, nakikita na niya si Shawn bilang tamang tao para sa kan'ya."Basta kapag kinakabahan ka, mag-text ka lang sa akin. Kapag break mo, you can cal
SINIMAGUTAN ni Yesha si Shawn na panay ang asar sa kaniya. Kwinento kasi niya sa lalaki ang nangyari at pati ito tuwang tuwa sa nangyari. Inasar lang naman kasi siya ng mga kaklase niya na maging muse at hindi lang 'yon. Pati mga professor niya ay sinabihan na kaagad siya na kukunin siyang representative ng department nila kapag may mga beauty pageant.Wala naman siyang problema sa pagrama at sa mga tanungan doon dahil danas na danas na niya iyan noon sa baranggay nila. Ayaw lang niya makakuha ng masyadong mraming atensiyon. Well, she's not attention seeker at all."Ang ganda naman po kasi..." pagpapatuloy ni Shawn ng asar sa kaniya. Hindi na lamang niya pinansin ang lalaki. Ito pa ang nagpumilit na magkwento siya tapos ngayon ito ang numero unong nang-aasar sa kan'ya. "Alam kong maganda ako Shawn Rios. Matagal na. Kaya mo nga ako nagustuhan e."Ang kaninang malapad na ngiti ng lalaki ay biglang nawala. She wonder why. "Ano? Tahimik ka ngayon 'no?" pang-aasar ni
"MAAA!" masayang sinalubong niya ang kan'yang ina. Hindi niya pinansin si Shawn na abala sa pagpaparada ng sasakyan. "Yesha, anak! Napabisita ka, hindi mo man lang ako tinawagan." sinimangutan siya ng kan'yang ina at bakas sa boses nito ang pagtatampo."Surprise nga ma e, ikaw talaga huhu. Na-miss po kita." niyakap niya ang kan'yang ina at hinalikan ito sa pisngi. Natuon naman ang mata nito sa kasama niya kaya hinarap din niya si Shawn. "Hello po, tita." bati nito sa kan'yang ina. Pero dahil iba ang ibig sabihin niyon sa kan'ya, kaagad siyang nag-iwas ng tingin dahil nag-init ang kanyang pisngi."Pasok kayo, hijo. Hindi man lang kayo nagpasabi sa akin. Ipinagluto ko sana kayo." sabay silang pumasok ni Shawn sa loob. Ang ina naman niya ay abala sa pagluluto kahit na ilang ulit na niya itong pinigilan. Balak niyang ipagluto mamaya ang ina ng hapunan kaya naman wala na rin siyang choice kung hindi ang hayaan ito. Nami-miss na rin naman niya ang luto ng kaniyang mama.
MAAGA silang gumising dahil magsisimba sila ngayon. Si Shawn ay nagdesisyon na sa lapag na matulog. May sapin naman ito kaya hindi rin naman nahirapan ang lalaki. Nang magising siya ay wala na ito sa loob ng silid kaya naman mabilis siyang bumangon para maligo. Simpleng pambahay lang muna ang isinuot niya dahil mag-aalmusal pa naman sila."Good morning, people!" bati niya sa mga ito nang makbaba. Naabutan niyang nagluluto ang dalawa. Si Shawn ang katuwang ng kan'yang ina. Kahit nag-eenjoy pa siyang panoorin ang mga ito at inistorbo niya niya at mabilis na umupo.Kuumuha siya ng isang hotdog at pinapak lang iyon. Hindi niya alam kung bakit natutuwa siya sa isiping balang araw ay ipagluluto rin siya ni Shawn.Ang lalaking ito ang makakatuwang niya. Gigising sa umaga na katabi ito, maghahanda ng pagkain, maglilinis ng bahay, at kasama niyang bubuo ng pangarap niyang pamilya. Pero hindi pa naman niya pwedeng ibigay ngayon ang matamis niyang oo."Good morning,
DAYS had passed. At ang araw na hinihiling niyang huwag dumating ay dumating na. Abala sila ngayon ng kan'yang ina sa back stage. Si Shawn naman ay naroon na sa labas nakaupo. Sa may harap talaga puwesto ang lalaki para raw makita siya nito nang buo."Kinakabahan ako, ma." bulong niya sa kan'yang ina. Tinawanan lang siya nito saka pinisil ang kamay niya. Nag-hire pala si Shawn ng make-up artist kaya naman hindi siya namroblema. May taga ayos din naman siya.Walang nakakaalam kahit na sino sa mga kapitbahay nila noon na narito siya at sasali ulit. Napagpasyahan din naman nila ng kan'yang ina na dito na lang muna sa dating bahay nila magpalipas ng gabi."Huwag kang kabahan. Isipin mo na lang na sila-sila pa rin naman ang manonood sa iyo." alam niya kung ano ang tinutukoy ng kan'yang ina pero hindi naman iyion ang pinoproblema niya kung 'di si Shawn. Nanonood ito ngayon at sana lang hindi mawala sa isipan niya ang mga ginagawa niya. "Ma, katulad ng dating gawi, sa
HINDI pinahalata ni Yesha ang inis niya sa lalaki. Ayaw lang niya na mag-isip ng kung anu-ano sa kan'ya si Shawn. "Boyfriend," bulong nito habang tumatango-tango pa. Hinayaan lang niya ito sa kaabaliwan. Ayaw niyang patulan dahil baka mamaya ay mamatay ito sa kabaliwan. "Gaano na kayo katagal?" sarkastiko nitong tanong. Tumikhim naman si Shawn sa tabi niya. "Can you please mind your own business?" bakas sa boses nito ang iritasyon. Hindi naman niya masisisi si Shawn e, dahil maski siya ay napipikon din. Bakit ba kasi ito narito? Hindi naman ito imbitado, ah! Parang gusto na lang niay itong sipain palabas pero alam pa rin naman niya ang salitang respeto. "Ay, englishero. Alam mo bang piniperahan ka lang niyan?" Tatayo sana si Shawn ngunit kaagad naman niya itong napigilan. "Huwag mong patulan ang mga taong walang alam." paalala niya sa lalaki. Sinigurado niyang maririnig iyon ni Cardo. Sa dami ng manliligaw niya ito talaga ang pinakamakapal ang mukha s
DAYS, WEEKS, AND MONTHS had passed pero hindi nagbago ang pakikitungo ni Shawn sa kan'ya. Magmula nang sabihin niya rito na takot siyang masaktan ay mag nagdoble pa ang effort nito. Hindi rin ito pumapaltya sa paghahatid sundo sa kan'ya pero syempre minsan naman ay absent ito. Kailangan kasi ito bigla sa opisina. Hindi niya alam kung bakit hindi pa rin niya sinasagot si Shawn. Wala naman nang dahilan e. Siguro naman deserve na rin ni Shawn na matanggap ang oo niya. Hindi pa rin alam ng kan'yang ina ang relasyon na mayroon silang dalawa. Basta, wala pa sa plano niya ngayon na ipakilala ito bilang boyfriend na. She was in the mall looking for something that she would give to Shawn. Birthday kasi ngayon ng lalaki at gusto rin niyang iregalo rito ang matamis niyang oo. Hindi niya alam kung tama bang isabay ito sa kaarawan niya. Pero gusto niyang mas maging extra special ang araw na ito para sa lalaki. And for the sudden moment, may isang babaeng lumitaw sa ha