NAPAILING na lamang si Yesha. Alam niyang guni-guni lamang ang kaniyang nakita at imposibleng makalabas ng kulungan ang ama ni Shawn. Masyadong mahigpit ang mga nagbabantay roon para mangyari iyon.
"Hey, you okay?" Bahagya pa siyang nagulat nang hawakan ni Shawn ang kaniyang balikat. Tipid na lamang niya itong nginitian. Kailangan niyang magpanggap na okay dahil alam niyang maaari lamang na sanhi ito ng trauma. Sino ba namang hindi ma-t-trauma matapos makakita ng kung anu-anong kasamaan. Hindi sila lumaki sa magulong pamilya kaya hindi siya sanay. Kahit naman kasi na nasa eskwater sila noon nakatira, hindi naman kasi siya nakarinig kahit kilan ng kung ano mang putukan ng baril. At napakaimposible rin namang masundan sila rito. "Oo, medyo sumama lang ang pakiramdam ko. Sila ba? Hindi pa rin sila tapos lumangoy?"
Hinil siya ni Shawn papalapit lalo rito. Nahigit pa niya ang kaniyang hininga. "Hindi pa, mukhang magtatagal pa sila roon. Gusto mo na bang magpahin
"Ewan ko? Hahahahahaha." Hindi alam ni Yesha kung bakit hindi niya ito kayang sabayan sa tawa nito. Alam niyang may kakaiba sa kilos ni Erika at kung ano man 'yon, may tiwala naman siya sa kaibigan niya na hindi iyon makakasama. "Kuhanin mo na lang din akong ninang kapag buntis ka na."Nginiwian ito ni Erika pero nag-iiwas sa kaniya ng tingin si Erika. Gusto niyang ngumiti sa isip niya pero ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano sa ngayon. Gusto niyang makausap muna si Erika nang sila lang. Baka kasi medyo nahihiya itong sabihin lalo na at may kasama rin sila. "Alam niyo? Nakakainggit kayong magkakaroon na ng pamilya.""Darating din naman ang tamang panahon para sa inyo. Maghintay ka lang at suportado ka rin naman namin."Nakahanap siya bigla ng isang solid na mga kaibigan.
HABANG abala sa pakikipagtawanan si Shawn, nakita niya si Erika na kumukuha ng pagkain. Gabing-gabi na pero gising na gising at buhay na buhay pa rin silang lahat. Kahit pa nga na sinabihan na siya ni Shawn na matulog at huwag magpupuyat dahil nga baka makasama sa kaniya pero heto siya. Naghihintay kung kailan niya magagawang masolo si Erika dahil gusto niya itong kausapin.Medyo nag-aalala rin kasi siya. Oo nga at tapos na ang problema nila ni Shawn, pero hindi naman siya makakapante kung ang kaibigan naman niya ang humaharap sa malaking problema ngayon. May iba naman siyang naiisip na dahilan pero mas nangingibabaw pa rin ang pag-aalala.
HINAWAKAN siya ni Erika. Paulit-ulit siya nitong tinatanong kung anong nangyayari at kung anong nararamdaman niya pero hindi magawang magsalita ni Yesha. Masyadong masakit ang kaniyang tiyan at para bang gusto niyang ma-cr."May nakain lang yata ako. Para akong na-c-cr." Nanghihina niyang sagot. Bakas ang taranta at pag-aalala sa mukah ng kaniyang kaibigan. "Kaya mo ba rito? Tatawagan ko lang sila or gusto mong dalhin kita sa c.r?" hindi alam ni Yesha ang kaniyang isasagot."H-hindi, a-ang sakit ng tiyan ko. H-humihilab, manganganak na yata ako." Mas lalo itong nag-panic na sa narinig. "Gagi? Talaga ba? Putek, sandali! Huwag kang aalis dito, tatawagin ko sila!" Binitawan nito ang kamay niya at saka tumakbo pababa. Napapahiyaw naman siay sa sakit."Erikaaaa!" Alam niyang hindi siya nito maririnig. Naghanap siya ng makakapitan. Hinahapo at pinagpapawisan na siya. Mayamaya pa ay sunod-sunod na yabag na ang kaniyang narinig. Hindi naman na niya kai
Hindi maipaliwanag ni Shawn ang kaniyang mararamdaman habang nakatingin sa mag-ina niya. Tulog pa rin si Yesha at kinuha naman sa kaniya ang baby upang malinisan daw muna. Pinayagan na rin naman silag bisitahin si Yesha kaya nasa tabi siya nito ngayon."Paano ba 'yan? Edi, kasalan na ang next?" Natatawang tanong sa kaniya ni Adrian. Ang iba naman ay tulog sa isang tabi. Hindi niya alam kung bakit nagsisama at nagsipagsunuran ang mga ito. Pero masaya siya dahil talagang ang lahat ay umaalalay."Yeah, iyon naman talaga ang plano ko. Ang pakasalan si Yesha pagkatapos niyang manganak. I badly want her to be my wife, dude." Tila nagbago ang pananaw niya sa buhay. Hindi na siya makapaghintay na mabuhat ang baby nila. Hindi siya makapaghintay na makapag-umpisa ulit bilang isang totoong pamilya. "Congratulations, bro.""Thank you, Adrian. Sa inyo rin, alam mo naman na malapit talaga itong dalawa, at alam natin kung ano ang deserve nila." Sa ngayon, ang gusto
EXCITED na umuwi sina Yesha habang buhat-buhat ng kaniyang ina ang baby niya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala. Lumulukso pa rin ang puso niya sa tuwa. Parang kahapon lang, nangangarap silang magkaroon ng isang pamilya. Ngayong narito na. Ibinigay na sa kaniya, wala na siyang mahihiling pa. Walang makakapagpaliwanag ng saya na meron ang puso niya. "Are you happy?" tanong ni Shawn sabay halik sa kaniyang noo. Nakagat niya ang labi sabay tango. "Hindi natin makuha si baby, ayaw ibalik ng mga lola." Natatawang dugtong nito. Kaagad naman siyang inalalayan ni Shawn paupo. Mas lalong naging doble ang pangangalaga ng lalaki sa kaniya. Isang bagay na mas lalong minahal pa niya. Araw-araw na lang siya nito binibigyan ng dahilan. Dahilan upang mas lalo siyang humawak sa relasiyon na mayroon sila. "Mukhang mamaya pa nila ibabalik si Queen sa atin." Napagpasyahan kasi nilang Queen ang itawag sa anak. Akala pa nga ni Shawn lalaki ang unang magiging anak
"SIGURADO ka bang pupuntahan mo ang daddy mo?" puno ng pag-aalalang tanong ni Yesha kay Shawn. Ngayon, nagsisisi na siya. Sana kasi hindi na lang niya sinabi kay Shawn ang nakikita niya. Imposible naman kasi talagang makaalis ito sa bilangguan. Pero imposible rin namang nanaginip lang siya. Alam ni Yesha kung ano ang nakita niya sa balkonahe. Alam ni Yesha kung sino iyon, at alam ni Yesha na hindi siya nagkakamali kahit sobrang imposible rin talagang mangyari ng iniisip niya. "Wife, gusto ko lang din siguraduhin na nakakulong nga siya. Ayaw kong balewalain yung sinasabi mo. Sabi ko naman sa 'yo, 'di ba? Palagi kitang poprotektahan." Pinatakan siya nito ng halik sa noo. Natatakot at nag-aalala siya na baka gumawa na naman ito ng masama kung totoo ngang nakakalabas ito ng kulungan. Pero napakaimposible naman kasi.Nagkokontra ang kaniyang isipan. Hindi niya alam kung ano ba ang papaniwalaan kaya mabuti na rin sigurong alamin ni Shawn. Gustuhin man niyang sum
PANSIN ni Shawn ang pananahimik ni Yesha. Ilang beses niya itong tinanong at ang tanging sagot sa kaniya ng babae ay ayos lang. Pansin niya ang pananahimik nito mula nang sabihin niyang nasa kulungan naman ang ama-amahan niya at mahigpit din ang mga bantay. Alam ni Shawn na may mali sa ikinikilos ni Yesha kaya naman labis siyang nag-aalala. "Baby, sa tingin mo may nasabi ba akong mali kay mommy?" pagkausap ni Shawn sa anak niya habang karga ito. Sa totoo lang wala siyang alam sa pag-aalaga ng bata. Kung noon puro paperworks ang hawak niya, sino ba ang mag-aakalang daratinga ang araw na mararanasan din niya ang maging isang ama. "Sana maging maayos na siya." Nag-aalala na rin siya. Natatakot siyang baka sa sobrang paglilihim nito magkaroon sila ng problema. "Uhhh..." Natawa siya nang marinig ang anak. Muli itong pumikit. Hindi siya makapaghintay na tuluyan na siya nitong makita. "Naririnig mo si daddy?" Naluluha niyang sagot kahit na wala naman siyang maku
PANSIN ni Shawn ang pananahimik ni Yesha. Ilang beses niya itong tinanong at ang tanging sagot sa kaniya ng babae ay ayos lang. Pansin niya ang pananahimik nito mula nang sabihin niyang nasa kulungan naman ang ama-amahan niya at mahigpit din ang mga bantay. Alam ni Shawn na may mali sa ikinikilos ni Yesha kaya naman labis siyang nag-aalala. "Baby, sa tingin mo may nasabi ba akong mali kay mommy?" pagkausap ni Shawn sa anak niya habang karga ito. Sa totoo lang wala siyang alam sa pag-aalaga ng bata. Kung noon puro paperworks ang hawak niya, sino ba ang mag-aakalang daratinga ang araw na mararanasan din niya ang maging isang ama. "Sana maging maayos na siya." Nag-aalala na rin siya. Natatakot siyang baka sa sobrang paglilihim nito magkaroon sila ng problema. "Uhhh..." Natawa siya nang marinig ang anak. Muli itong pumikit. Hindi siya makapaghintay na tuluyan na siya nitong makita. "Naririnig mo si daddy?" Naluluha niyang sagot kahit na wala naman siyang ma
HABANG abala ang dalawa sa pag-a-almusal. Nakatanggap si Ziah ng tawag mula sa kaniyang agency. Hindi pa man sa kaniya sabihin ay alam na kaagad niya na may kinalaman ito kay Ace. Kasi pa hindi aminin sa kaniya. Alam niyang ang lalaki lang ang puwedeng sabihin ng mga ito. Wala naman kasi silang mga personal na usapan at mas lalong hindi rin naman siya nakikisama sa mga ito kahit noon pa. Si Ken, never din silang lumabas ng lalaki nang sila lang dahil alam niya kung ano ang nararamdaman nito at ayaw niyang kahit anong signal o motibo. "Are you going out today?" biglang pagtatanong ni Ace na ikinatahimik ni Ziah. Hindi siya nagpapaalam sa lalaki kapag sa agency ang punta niya. Alam niyang delikado iyon para sa kanilang dalawa at hindi niya gustong mapahamak si Ace dahil lang sa kaniyang mga ginagawa niya. Alam niyang naiintindihan nito kung ano man ang mundong kaniyang ginagalawan. "Mahal?" Kusa siyang napaangat ng tingin sa sinabi nito. Napangiti siyang bigla. "Hindi ko lang alam, p
HINDI maialis ni Ziah ang kaniyang masamang titig sa lalaki. Hindi siya papayag na ganituhin lang at hindi siya puwedeng manahimik na lamang dahil alam niya sa kaniyang sarili na may maling nagaganap at kung ano man 'yon, pilit niyang aalamin. "Wala kang ibang gagawin," may halong pagbabanta nito sa kaniya. Napangisi na lamang si Ziah sa sinabi ni Ken. Humakbang siya papalapit sa lalaki. "Bakit? May kinakatakot ka bang malaman ko?" Wala siyang mabasa na kahit anong reaction sa mukha ng lalaki. Kung puwede lang niyang basahin ang isip nito ay matagal na rin niyang ginawa. "Lumalagpas ka na sa linya mo, Ziah." Tumayo siya nang tuwid dahil ngayon may kung anong namumuong paghihinala na sa kaniyang isipan. Parang bigla siyang nawalan ng tiwala sa organization nila. "Hindi lumalagpas, boss." May halong sarkasmo niyang ani rito. "Ginagawa ko lang ang alam kong tama. Ginagawa ko lang ang alam kong makakatulong at mas makakapagpabuti sa lahat." Hindi niya magawang deretsuhin ang kaniyang

TALAGANG walang planong magpatalo si Ziah kay Steffanie. Kung inaakala nito na gano'n gano'n lamang siya maaapi. Well, she's wrong. Wala sa ugali niy ang magpatalo sa mga bagay, kay Ace pa kaya? Kay Ace na nobyo niya at mahal niya? Hindi niya alam kung paano siya magtitimpi kapag ganito ang ugali ng mga tao na nasa harapan niya dahil alam niya sa kaniyang sarili na hindi rin magpapatalo ang mga taong ito. "Kung wala ka nang ibang sasabihin, mabuti pa umalis ka na. Dahil hindi mo naman afford ang mga bags dito. Next time, bago ka maugod, make sure na alam mo muna kung saan ka lulugar. Hindi 'yong sugod ka nang sugod, pero hindi mo naman kinikilala kung sino ang binabangga mo." banat pa niya. She doesn't even care kung nawawala na 'yong manner niya sa pakikipagsagutan sa babaeng ito. Wala rin siyang pake kung nawawala na rin ang kaniyang pagpipigil sa sarili. Dahil kahit hindi gustuhin ni Ziah, kusang nagsasalita ang kaniyang bibig upang sagutin nang pabalang si Steffanie. KUng hindi
HINDI maialis ni Ziah ang kaniyang masamang titig sa lalaki. Hindi siya papayag na ganituhin lang at hindi siya puwedeng manahimik na lamang dahil alam niya sa kaniyang sarili na may maling nagaganap at kung ano man 'yon, pilit niyang aalamin. "Wala kang ibang gagawin," may halong pagbabanta nito sa kaniya. Napangisi na lamang si Ziah sa sinabi ni Ken. Humakbang siya papalapit sa lalaki. "Bakit? May kinakatakot ka bang malaman ko?" Wala siyang mabasa na kahit anong reaction sa mukha ng lalaki. Kung puwede lang niyang basahin ang isip nito ay matagal na rin niyang ginawa. "Lumalagpas ka na sa linya mo, Ziah." Tumayo siya nang tuwid dahil ngayon may kung anong namumuong paghihinala na sa kaniyang isipan. Parang bigla siyang nawalan ng tiwala sa organization nila. "Hindi lumalagpas, boss." May halong sarkasmo niyang ani rito. "Ginagawa ko lang ang alam kong tama. Ginagawa ko lang ang alam kong makakatulong at mas makakapagpabuti sa lahat." Hindi niya magawang deretsuhin ang kaniyang
HABANG abala ang dalawa sa pag-a-almusal. Nakatanggap si Ziah ng tawag mula sa kaniyang agency. Hindi pa man sa kaniya sabihin ay alam na kaagad niya na may kinalaman ito kay Ace. Kasi pa hindi aminin sa kaniya. Alam niyang ang lalaki lang ang puwedeng sabihin ng mga ito. Wala naman kasi silang mga personal na usapan at mas lalong hindi rin naman siya nakikisama sa mga ito kahit noon pa. Si Ken, never din silang lumabas ng lalaki nang sila lang dahil alam niya kung ano ang nararamdaman nito at ayaw niyang kahit anong signal o motibo. "Are you going out today?" biglang pagtatanong ni Ace na ikinatahimik ni Ziah. Hindi siya nagpapaalam sa lalaki kapag sa agency ang punta niya. Alam niyang delikado iyon para sa kanilang dalawa at hindi niya gustong mapahamak si Ace dahil lang sa kaniyang mga ginagawa niya. Alam niyang naiintindihan nito kung ano man ang mundong kaniyang ginagalawan. "Mahal?" Kusa siyang napaangat ng tingin sa sinabi nito. Napangiti siyang bigla. "Hindi ko lang alam, p
NAWALAN ng imik si Ziah dahil sa tanong ni Ynahn. Talagang hindi siya nito titigilan hanggang hindi nakakakuha ang babae ng tamang sagot at alam din niyang ang katotohanan lamang ang tatanggapin nito ngayon. Malalim siyang huminga dahil mukhang wala na siyang choice kung 'di ang sabihin sa kaibigan kung ano ang totoo. "Ynah..." Kagat ang sariling labi niyang usal sa pangalan nito. Bakas sa mukha ng kaibigan na naghihintay ito sa kung ano man ang balak niyang sunod na sabihin. "Kasi ano... si Ace at ako ano..." paputol-putol niyang simula. Mas lalo lamang lumalim ang gatla sa noo ng kaniyang kaibigan."Ano?" naiinip nitong tanong. "kami na." Buong tapang at titig na titig niyang dugtong upang makita ang reaksiyon ng kaibigan. Wala siyang nabasa kahit na anong gulat mula sa pagmumukhang nito na para bang ini-expect na nito kung ano ang kaniyang sasabihin. "Ynah?" pagpukaw niya rito. Tinaasan naman siya nito ng kilay saka umayos ng upo. "Well..." nagpunas ito ng labi. "I already expe
HAWAK kamay silang lumabas ng opisina, hindi maialis ni Ziah ang ngiti sa kaniyang labi. Wala namang bago, palagi naman silang ganito ni Ace at hindi na rin nagugulat ang mga tauhan nito. Kahit saan sila magpunta. Pababa na sila ng building ng biglang maranamdaman ni Ziah na may kung sinong nakamasid sa kaniya. Hindi niya alam kung sino ngunit ramdam na ramdam niya ang talim ng mga tingin nito. Kaagad na binalot ng kaba ang kaniyang puso dahilan upang bumitaw siya sa amay ni Ace na siyang ikinataka ng lalaki. "Why?" naguguluhan nitong tanong. Ngumii lamang siya rito at hindi ipinahalata ang pag-iwas. Alam niyang hindi iyon magugustuhan ni Ace. Gustong-gusto pa naman palagi ng lalaki na magkahawak sila ng kamay. "Wala lang, ramdam ko kasi ang pamamasma ng kamay ko." pagpapalusot niya. Hindi niya alam kung tama ba ang kaniyang ipinalusot ngunit alam niyang posibleng magtampo sa kaniya si Ace. Gustong-gusto na lamang batukan ni Ziah ang kaniyang sarili. When she tried to look around,