PANSIN ni Shawn ang pananahimik ni Yesha. Ilang beses niya itong tinanong at ang tanging sagot sa kaniya ng babae ay ayos lang. Pansin niya ang pananahimik nito mula nang sabihin niyang nasa kulungan naman ang ama-amahan niya at mahigpit din ang mga bantay. Alam ni Shawn na may mali sa ikinikilos ni Yesha kaya naman labis siyang nag-aalala.
"Baby, sa tingin mo may nasabi ba akong mali kay mommy?" pagkausap ni Shawn sa anak niya habang karga ito. Sa totoo lang wala siyang alam sa pag-aalaga ng bata. Kung noon puro paperworks ang hawak niya, sino ba ang mag-aakalang daratinga ang araw na mararanasan din niya ang maging isang ama. "Sana maging maayos na siya." Nag-aalala na rin siya. Natatakot siyang baka sa sobrang paglilihim nito magkaroon sila ng problema."Uhhh..." Natawa siya nang marinig ang anak. Muli itong pumikit. Hindi siya makapaghintay na tuluyan na siya nitong makita."Naririnig mo si daddy?" Naluluha niyang sagot kahit na wala naman siyang maNAKASIMANGOT na pinanood ni Yesha ang mama niya at si Erika. Talagang inagaw na naman ng mga ito ang baby niya sa kaniya. Hindi niya masyadong nabubuhat at sobrang spoiled na spoiled din ang anak sa mga lola. Tulad na lamang kanina, umalis si mamita at bumili ng mga gamit pero pagkauwi napakarami na nitong dala para sa apo. Hindi na ng aniya alam kung ano ba ang gagawin niya sa sobrang daming gamit ni Queen. Mga bagong gamit, sapatos, may mga gatas na rin at diapers. Bumili rin ito ng vitamins para sa bata. Ngayon pa lang na-i-imagine na niya ang pagiging spoiled na anak ni Queen. "Bakit palagi ka na lang nakabusangot diyan, ha?" Nang balingan niya si Shawn may dala itong ice cream. Kaagad na nagliwanag ang mata ni Yesha. Matagal-tagal na rin noong huli siyang kumain ngice cream at hindi na rin niya masyadong maalala. "Bawal ba?" Naupo ito sa tabi niya sabay abot ng ice cream. "Yeah, palagi na lang kita nakikitang nakasimangot. Hindi naman gan
TALAGANG hindi nagkulang si Shawn sa pag-aalaga kay Yesha kaya naman maging magaan sa kaniya ang lahat. Karga-karga ni Yesha ang anak at pinapatulog ito. Hindi niya maiwasang mapangiti sa tuwing ngingiti rin ang baby niya. Si Shawn naman ay umalis lang saglit dahil may kailangang ihatid na papel sa opisina. Pero nangako naman ito na babalik din kaagad. Gustuhin man ni Yesha kumbinsihin ang lalaki na huwag na lang muna umuwi, hindi rin naman nakikinig sa kaniya kaya hinayaan na lang niya ito sa kung ano ang nais ni Shawn gawin. Wala rin naman kasi siyang magagawa kung pipilitin niya. "Baby, ang cute cute mo. Sana magmana ka kay daddy na magaling sa lahat ng bagay." Napagplanuhan na rin nila ni Shawn kahapon na isasabay sa birthday ng anak ang binyag ni Queen. "Uhhh." Natawa siya nang marinig iyon. Kinuha ni Yesha ang cellphone at saka inumpisahang video-han ang anak niya. "Paglaki mo ipapakita ko sa 'to. I want you to remember everything baby." Yesha kis
GUMAAN ang pakiramdam ni Yesha sa mga sinabi ni Erika. Atlis ngayon, alam niyang hindi na siya nag-iisa. She has a friend that will never leave her. At ngayon, mas nagkaroon siya ng lakas ng loob na harapin ang kaniyang kinatatakutan. Kung kailangan niyang makipagtitigan sa ama ni Shaw; she'll do it. If that's the only thing to prove that he's real."Maybe, we should start planning tonight. Tuwing kailan mo siya nakikita?" tanong nito bilang paunang hakbang para sa kanilang plano. "Tuwing gabi," sagot niya habang iniisip pa ang ibang puwedeng maging tulong. "Ano pa?" "t'wing linggo? Hindi ako masyadong sigurado pero linggo noong huling nakita ko siya." Natahimik si Erika na para bang nag-iisip ito. "Kung tuwing linggo, baka sa susunod na linggo ay magpakita ulit siya sa 'yo." Alanganin siyang tumango. Hindi siya sigurado pero iyon lang ang natatandaan niya. "We need to install some cameras that will shoot every angle. I know this is h
INAASAHAN na ni Yesha na siya papayagan ng mama niyang puntahan si Shawn sa opisina nito. Dahil saturday, napagpasyahan na lang nilang magtungo sa mall. Ngayon lang daw kasi siya ulit makakalabas at kailangan din daw niya ng kakaibang view. "Ma, si Queen. Una na po kayo sa kotse," aniya. Binuhat naman ng ina ang bata. Nang makalabas ang mga ito, kaagad niyang tinawagan si Erika na paalis na sila upang gawin ang kanilang mga plano. Ngayon ang araw na plano nilang mag-install ng cameras. Nang makatanggap ng tugon mula kay Erika, kaagad siyang sumunod sa sasakyan. "Tara na po." Nilingon siya ng ina ni Shawn. "Wala ka na bang nakalimutan?" Ngumiti si Yesha at saka umiling. "Wala na po, nandiyan na rin po ang gatas ni Queen." Kausap niya sa text st Erika habang nasa byahe. Ayaw naman sa kaniyang ibigay ng anak kaya wala rin siyang nagawa kung 'di ang hayaan ang mga lola ang maghawak dito. "Clarisse, kumusta naman sina Danessa? Nakausap m
AFTER a call, ibinaba ni Yesha ang cellphone. Ni-view niyang muli ang footage at wala siyang napansing kakaiba. She also planned to go to the jail to check that she was right. Pero malinis ngayon ang video at walang kahit anino. When she heared her baby cry, kaagad niya itong binuhat at inalo. Tinimplahan din niya ito gatas at pinainom. Mayamaya pa ay may kumatok na. Napangiti siya at excited na binuksan ito. "Hey," Shawn greeted her. Kaagad din niya itong binati pabalik. "Hi, i miss you!" Punong-puno ng excitement niyang niyakap ang lalaki. Masyado rin itong matagal sa trabaho. "How's your day?" HInalikan siya nito sa noo at ganoon din ang ginawa ni Shawn sa anak nila.Kibit balikat lamang ang kaniyang ginawa. "Ayos naman, nag-shopping kami nila mama." Pinanood niya itong hubarin ang sapatos at tanggalin ang polo."Ikaw? Baka nagpagod ka? May nabili ka naman ba? Sana ginamit mo ang ATM ko." Tahimik niya itong pinakinggan. Sa totoo lang
Nang matapos sa pagkain kaagad silang nagtungo sa may garden bitbit ang anak. Napansin naman sila kaagad ng tatlo. Panay kwentuhan ang mga ito tungkol sa mga halaman. "Hay naku, mare. Sa susunod punta tayo sa bahay, tapos na 'yon. Marami akong halaman doon." Pagmamalaki ng kaniyang ina. Totoo namang marami itong halaman doon ngunit sigurado rin naman si Yesha na nagsipaglantaan na rin ang mga iyon dahil wala namang nag-aalala. "Maupo ka rito, anak. Huwag kang magpakapagod muna." Tumayo agmama ni Yesha at kaagad siyang inalalayan sa isang maliit na bench. Nakapamulsahan naman si Shawn habang may dalang pamaypay at diaper para sa anak nila. May gatas din itong bitbit na inilagay sa bulsa. Gustong-gusto niyang kurutin ang pisngi ni Shawn sa ka-cute-an nito. "Oh, akala namin ang lalambingan pa kayo sa taas," pang-aasar ng lola nito. Nag-init ang pisngi ni Yesha sa sinabi ng matanda. Palagi na lang kasi siya
HINDI na mabilang ni Yesha kung ilang beses na siyang tinanong ni Shawn kung sure na raw ba siya sa designs ng wedding gown niya. Sa totoo lang, it was just a simple pero sa tingin ni Yesha sobra-sobra pa ito. Para sa kaniyan, hindi naman mababase sa presyo ng wedding dress o gown ang pagmamahalan nila. She prefer simple yet beatiful. Doon siya namulat at doon siya pinalaki ng kaniyang ama. Kahit saan siya mapunta ngayon, iyon parin ang gusto niyang ipakita atiyon pa rin ang gusto niyang bitbitin. "Shawn, stop asking me, okay? Ang ganda kaya! At saka, ayaw mo no'n? Medyo mababawasan din ang expenses natin sa kasal." Walang nagawa ang lalaki kung hindi ang tumango sa kaniya.
Ramda ni Yesha ang higpit ng pagkakahawak ni Shawn sa kamay niya. Alam niyang natatakot ito para sa kaniya pero ito lang din naman ang isa sa mga bagay na gustong-gusto at hindi niya papalagpasin gawin. "Shawn, huwag ka nga kabahan sa akin. Nawawala ang angas mo." Pagbibiro niya pa. Napailing n alamang ang lalaki sa kaniya na para bang may nasabi siyang mali. "Yesha, sinong 'di kakabahan? Bigla-bigla kang nag-d-decide na makikipagkita kay dad." Nababasa niya ang takot sa mata ng lalaki pero pilit na nilakasan ni Yesha ang loob. "Gusto ko lang makasiguro, Shawn. At isa pa, ito lang din ang makakapagpatahimik sa akin."