Hindi maipaliwanag ni Shawn ang kaniyang mararamdaman habang nakatingin sa mag-ina niya. Tulog pa rin si Yesha at kinuha naman sa kaniya ang baby upang malinisan daw muna. Pinayagan na rin naman silag bisitahin si Yesha kaya nasa tabi siya nito ngayon.
"Paano ba 'yan? Edi, kasalan na ang next?" Natatawang tanong sa kaniya ni Adrian. Ang iba naman ay tulog sa isang tabi. Hindi niya alam kung bakit nagsisama at nagsipagsunuran ang mga ito. Pero masaya siya dahil talagang ang lahat ay umaalalay.
"Yeah, iyon naman talaga ang plano ko. Ang pakasalan si Yesha pagkatapos niyang manganak. I badly want her to be my wife, dude." Tila nagbago ang pananaw niya sa buhay. Hindi na siya makapaghintay na mabuhat ang baby nila. Hindi siya makapaghintay na makapag-umpisa ulit bilang isang totoong pamilya. "Congratulations, bro."
"Thank you, Adrian. Sa inyo rin, alam mo naman na malapit talaga itong dalawa, at alam natin kung ano ang deserve nila." Sa ngayon, ang gusto
EXCITED na umuwi sina Yesha habang buhat-buhat ng kaniyang ina ang baby niya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala. Lumulukso pa rin ang puso niya sa tuwa. Parang kahapon lang, nangangarap silang magkaroon ng isang pamilya. Ngayong narito na. Ibinigay na sa kaniya, wala na siyang mahihiling pa. Walang makakapagpaliwanag ng saya na meron ang puso niya. "Are you happy?" tanong ni Shawn sabay halik sa kaniyang noo. Nakagat niya ang labi sabay tango. "Hindi natin makuha si baby, ayaw ibalik ng mga lola." Natatawang dugtong nito. Kaagad naman siyang inalalayan ni Shawn paupo. Mas lalong naging doble ang pangangalaga ng lalaki sa kaniya. Isang bagay na mas lalong minahal pa niya. Araw-araw na lang siya nito binibigyan ng dahilan. Dahilan upang mas lalo siyang humawak sa relasiyon na mayroon sila. "Mukhang mamaya pa nila ibabalik si Queen sa atin." Napagpasyahan kasi nilang Queen ang itawag sa anak. Akala pa nga ni Shawn lalaki ang unang magiging anak
"SIGURADO ka bang pupuntahan mo ang daddy mo?" puno ng pag-aalalang tanong ni Yesha kay Shawn. Ngayon, nagsisisi na siya. Sana kasi hindi na lang niya sinabi kay Shawn ang nakikita niya. Imposible naman kasi talagang makaalis ito sa bilangguan. Pero imposible rin namang nanaginip lang siya. Alam ni Yesha kung ano ang nakita niya sa balkonahe. Alam ni Yesha kung sino iyon, at alam ni Yesha na hindi siya nagkakamali kahit sobrang imposible rin talagang mangyari ng iniisip niya. "Wife, gusto ko lang din siguraduhin na nakakulong nga siya. Ayaw kong balewalain yung sinasabi mo. Sabi ko naman sa 'yo, 'di ba? Palagi kitang poprotektahan." Pinatakan siya nito ng halik sa noo. Natatakot at nag-aalala siya na baka gumawa na naman ito ng masama kung totoo ngang nakakalabas ito ng kulungan. Pero napakaimposible naman kasi.Nagkokontra ang kaniyang isipan. Hindi niya alam kung ano ba ang papaniwalaan kaya mabuti na rin sigurong alamin ni Shawn. Gustuhin man niyang sum
PANSIN ni Shawn ang pananahimik ni Yesha. Ilang beses niya itong tinanong at ang tanging sagot sa kaniya ng babae ay ayos lang. Pansin niya ang pananahimik nito mula nang sabihin niyang nasa kulungan naman ang ama-amahan niya at mahigpit din ang mga bantay. Alam ni Shawn na may mali sa ikinikilos ni Yesha kaya naman labis siyang nag-aalala. "Baby, sa tingin mo may nasabi ba akong mali kay mommy?" pagkausap ni Shawn sa anak niya habang karga ito. Sa totoo lang wala siyang alam sa pag-aalaga ng bata. Kung noon puro paperworks ang hawak niya, sino ba ang mag-aakalang daratinga ang araw na mararanasan din niya ang maging isang ama. "Sana maging maayos na siya." Nag-aalala na rin siya. Natatakot siyang baka sa sobrang paglilihim nito magkaroon sila ng problema. "Uhhh..." Natawa siya nang marinig ang anak. Muli itong pumikit. Hindi siya makapaghintay na tuluyan na siya nitong makita. "Naririnig mo si daddy?" Naluluha niyang sagot kahit na wala naman siyang maku
PANSIN ni Shawn ang pananahimik ni Yesha. Ilang beses niya itong tinanong at ang tanging sagot sa kaniya ng babae ay ayos lang. Pansin niya ang pananahimik nito mula nang sabihin niyang nasa kulungan naman ang ama-amahan niya at mahigpit din ang mga bantay. Alam ni Shawn na may mali sa ikinikilos ni Yesha kaya naman labis siyang nag-aalala. "Baby, sa tingin mo may nasabi ba akong mali kay mommy?" pagkausap ni Shawn sa anak niya habang karga ito. Sa totoo lang wala siyang alam sa pag-aalaga ng bata. Kung noon puro paperworks ang hawak niya, sino ba ang mag-aakalang daratinga ang araw na mararanasan din niya ang maging isang ama. "Sana maging maayos na siya." Nag-aalala na rin siya. Natatakot siyang baka sa sobrang paglilihim nito magkaroon sila ng problema. "Uhhh..." Natawa siya nang marinig ang anak. Muli itong pumikit. Hindi siya makapaghintay na tuluyan na siya nitong makita. "Naririnig mo si daddy?" Naluluha niyang sagot kahit na wala naman siyang ma
NAKASIMANGOT na pinanood ni Yesha ang mama niya at si Erika. Talagang inagaw na naman ng mga ito ang baby niya sa kaniya. Hindi niya masyadong nabubuhat at sobrang spoiled na spoiled din ang anak sa mga lola. Tulad na lamang kanina, umalis si mamita at bumili ng mga gamit pero pagkauwi napakarami na nitong dala para sa apo. Hindi na ng aniya alam kung ano ba ang gagawin niya sa sobrang daming gamit ni Queen. Mga bagong gamit, sapatos, may mga gatas na rin at diapers. Bumili rin ito ng vitamins para sa bata. Ngayon pa lang na-i-imagine na niya ang pagiging spoiled na anak ni Queen. "Bakit palagi ka na lang nakabusangot diyan, ha?" Nang balingan niya si Shawn may dala itong ice cream. Kaagad na nagliwanag ang mata ni Yesha. Matagal-tagal na rin noong huli siyang kumain ngice cream at hindi na rin niya masyadong maalala. "Bawal ba?" Naupo ito sa tabi niya sabay abot ng ice cream. "Yeah, palagi na lang kita nakikitang nakasimangot. Hindi naman gan
TALAGANG hindi nagkulang si Shawn sa pag-aalaga kay Yesha kaya naman maging magaan sa kaniya ang lahat. Karga-karga ni Yesha ang anak at pinapatulog ito. Hindi niya maiwasang mapangiti sa tuwing ngingiti rin ang baby niya. Si Shawn naman ay umalis lang saglit dahil may kailangang ihatid na papel sa opisina. Pero nangako naman ito na babalik din kaagad. Gustuhin man ni Yesha kumbinsihin ang lalaki na huwag na lang muna umuwi, hindi rin naman nakikinig sa kaniya kaya hinayaan na lang niya ito sa kung ano ang nais ni Shawn gawin. Wala rin naman kasi siyang magagawa kung pipilitin niya. "Baby, ang cute cute mo. Sana magmana ka kay daddy na magaling sa lahat ng bagay." Napagplanuhan na rin nila ni Shawn kahapon na isasabay sa birthday ng anak ang binyag ni Queen. "Uhhh." Natawa siya nang marinig iyon. Kinuha ni Yesha ang cellphone at saka inumpisahang video-han ang anak niya. "Paglaki mo ipapakita ko sa 'to. I want you to remember everything baby." Yesha kis
GUMAAN ang pakiramdam ni Yesha sa mga sinabi ni Erika. Atlis ngayon, alam niyang hindi na siya nag-iisa. She has a friend that will never leave her. At ngayon, mas nagkaroon siya ng lakas ng loob na harapin ang kaniyang kinatatakutan. Kung kailangan niyang makipagtitigan sa ama ni Shaw; she'll do it. If that's the only thing to prove that he's real."Maybe, we should start planning tonight. Tuwing kailan mo siya nakikita?" tanong nito bilang paunang hakbang para sa kanilang plano. "Tuwing gabi," sagot niya habang iniisip pa ang ibang puwedeng maging tulong. "Ano pa?" "t'wing linggo? Hindi ako masyadong sigurado pero linggo noong huling nakita ko siya." Natahimik si Erika na para bang nag-iisip ito. "Kung tuwing linggo, baka sa susunod na linggo ay magpakita ulit siya sa 'yo." Alanganin siyang tumango. Hindi siya sigurado pero iyon lang ang natatandaan niya. "We need to install some cameras that will shoot every angle. I know this is h
INAASAHAN na ni Yesha na siya papayagan ng mama niyang puntahan si Shawn sa opisina nito. Dahil saturday, napagpasyahan na lang nilang magtungo sa mall. Ngayon lang daw kasi siya ulit makakalabas at kailangan din daw niya ng kakaibang view. "Ma, si Queen. Una na po kayo sa kotse," aniya. Binuhat naman ng ina ang bata. Nang makalabas ang mga ito, kaagad niyang tinawagan si Erika na paalis na sila upang gawin ang kanilang mga plano. Ngayon ang araw na plano nilang mag-install ng cameras. Nang makatanggap ng tugon mula kay Erika, kaagad siyang sumunod sa sasakyan. "Tara na po." Nilingon siya ng ina ni Shawn. "Wala ka na bang nakalimutan?" Ngumiti si Yesha at saka umiling. "Wala na po, nandiyan na rin po ang gatas ni Queen." Kausap niya sa text st Erika habang nasa byahe. Ayaw naman sa kaniyang ibigay ng anak kaya wala rin siyang nagawa kung 'di ang hayaan ang mga lola ang maghawak dito. "Clarisse, kumusta naman sina Danessa? Nakausap m